CREDITS TO XERUN SALMIRRO FOR COMPILING THIS SOFT COPY ^_^ Forlorn Madness 2 By Direk_Whamba Prologue: Saan nga ba nagsimula ang lahat, at ano ang inaasahan kong katapusan— isang simula pa rin ba? Ako ang bampirang nagising na lang isang gabi nang nawala na lang bigla ang lahat sakin. Nagising ako sa loob ng isang kwartong puti ang mga pader at kisame, at walang bintana. May pintuan ngunit nakaharang dun ang isang bampira. Sa katabing table ng hinihigaan ko ay mayroong isang botelyang may lamang likido at nakadagan yun sa isang note. ‘Maligayang ikalabing siyam na kaarawan Aster.’ Yun ang nakasulat sa note. Tinabig ko ang botelya kaya nabasag yun. Tama na. Hindi ko na kailangan ng aging potion. Bumaling ako sa bampirang nakaharang sa pintuan. "Malaya kang umalis." ang sabi niya sakin. "—Pero bago ka makalabas ng pinto, kinakailangan mo muna akong—AAAGHH!" Sa isang iglap lamang, nandoon na ako sa kanyang likuran. Sumirit ang kanyang dugo gawa nang biniyak ko ang kanyang tagiliran. "May sinasabi ka ba?" hamon kong tanong sa kanya. Binunot ko mula sa kanya ang dala niyang katana. Nag-apoy yun— "Alam mo kung sinong bampira ang isinakripisyo nila para lamang magamit ko ang kapangyarihang ito? HINDI?!" Ayaw niyang magsalita. Bakit ba siya napipi nang husto? Mayamaya nag-abo na siya nang tuluyan. Naubusan yata ng dugo. Dumakot ako ng abo niya at isinaboy sa pinto. Natrigger nun ang mechanism para mabuksan ang pinto. Wala akong partikular na direksyong tinatahak. Basta ang sinusunod ko lang ay ang itinitibok ng puso ko... Narating ko ang isang napakalaking pinto, na sa pagbukas ko ay nakita mismo ng mga mata ko kung paano naabo ang babaeng nakasama ko sa halos kalahati na ng buong buhay ko— "ROSARY!" sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit huli na talaga. Nakatingin lang ako sa mukha niya tapos ay kumibot ang kanyang mga labi. Waring tinatawag niya ako sa aking pangalan— "Aster?!" Natauhan ako sa batang babaeng katabi ko. Sinimangutan ko siya. "Hoy Aning, sinong may sabi sayong tawagin mo ako sa pangalan ko? KUYA YUN! Kuha mo?" Antigoné ang pangalan niya pero nahahabaan ako kaya Aning na lang. "Hmp. Ayaw kitang maging kapatid. Gusto ko ako ang magiging asawa mo paglaki ko!" wag kayong mag-alala. Normal sa mga batang otaku na magfantasize sa mga kuya nila. Tog! Ayun, kinutusan ko siya. "Ayoko sayo ang pangit pangit mo na, Aning ka pa." She pouted at me. Joke lang hindi siya panget. Mukha nga siyang manika eh. "AISHHH HOW DER YOOO ASTERRR!" Inulit ko ulit ang pambabatok ko sa kanya. Otaku na nga siya, sumesegway pa sa pagiging Korean-wannabe. "KUYAAAAA SINAAAABEEEE—!" "PSSUY ANG INGAY NIYO!" sinaway kami ng undertaker na kanina pa kami tinitingnan. "Tara na nga kasi Aster. Bakit ba tayo nandito sa buntok na may mga nakalibing na abo. Sino ba tong dinadalaw natin?" Antigoné is so tactless, eventhough she's just eight. Pero yung totoo, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Basta na lang naging panata ko ang pagdalaw dito sa puntod na walang pangalan. Siguro mga magulang ko ang nakalibing dito. "Oh siya... Tara na Aning." "Saan na naman tayo pupuntaaaa~"she whined. Hindi ko rin alam exactly kung saan kami pupunta. Our world, the vampire world, had been devastated so long ago. Kami ni Antigoné ay vagrants na simula nang magpasya akong umalis na sa poder ng angkang kumupkop sakin mula nang mawala ang mga magulang namin. We drift from one place to another. Where do we really go from here? I'm going to find out... Are you with me? FORLORN MADNESS 2 A masterpiece by direk_whamba ??????????????????????????????????????????- A/N: Okay may spare time ako kaya ginawa ko siya... hehehe Enjoy! I just don't know when will the next chapter be up. 1st Madness Antigoné's POV: "Buenvenue! Ako si Antigoné-walang-apelyido. And welcome to my VLOG! Nyan~" Inilayo ko sakin ang focus ng camcorder na hawak ko. Itinapat ko yun sa stage— "—Ang VLOG ko ngayon ay ang favorite ko, at ang favorite niyo rin!" actually po sumikat ang youtube channel ko hindi dahil sa cuteness ko. Kundi dahil sa lalakeng nasa stage— Nang ika'y ibigin ko Mundo ko'y biglang nagbago Akala ko ikay langit Yun pala'y sakit ng ulo Sabi mo noon sakin Kailanma'y di magbabago Naniwala naman sayooo Ba't ngayo'y iniwan mo? "WOOOT~ ang pogi niya no? At mala-anghel pa ang boses! Sorry girls, he'll marry me paglaki ko!" Hindi mo ba alam dahil sayo ako'y di makakain? Di rin makatulog buhat nang iyong lokohin... Kung ako'y muling iibig sana'y di maging katulad mo... Tulad mo na may pusong bato~ Feeling niyo concert to? No you're wrong— Hwaaaaarrrghh... Raaaaawwwr... "KYAAAA~ ASTER NANDIYAN NA ANG MGA UNDEEEEAAAAD!" hmp. Hindi ako natatakot sa kanila no? Pero para mapansin ka daw ng isang guy, dapat magpaka-damsel in distress! Kailangang makita ng mga subscribers ko kung paano ililigtas ni Aster-sama si Antigoné-nyan! "ANING KILOS NA BA! AKYAT KA NA DITO SA STAGE!" sigaw sakin ni Aster. Itinabi na niya yung microphone tas tinakpan yung mga amplifiers. Magagamit pa yun pag napunta ulet kami dito. Ayokong kumilos. Puntahan niya dapat ako dito! Raaaaawrrr... Maraming undead ang nalure papunta dito sa coliseum at isa isa na nga silang dumadagsa. May tatlo na three rows na lang ang layo mula sa row kung saan ako nakaupo. Ni-focus ko dun ang lente ng camcorder. "Say hi to youtube Mr. Undead!" Yuckie. He's nakakadiri much. Nakakayuck pa kesa sa pork and beans. Naaagnas na siya and he's so smelly! Go home and take a bath Mr. Undead! But don't go yet. We have a shooting pa. Isa sa mga undead, tinakbo ang mga rows. Nasa ibabaw ko siya at dudukwangin na niya ako para kagatin pero nahinto siya. Ang mabaho niyang mouth ay ilang inches na lang sa noo ko. So EW. Tinuluan niya ako ng uhog niyaaaa! Itinutok ko ang cam kay Aster na nakatayo sa harap ko, at hawak hawak niya sa buhok ang undead na gusto akong kainin. "Get away from her!" pinitik niya yung noo nung undead na yun kaya tumalsik yun pabalik sa entrance. Strike ang mga kapwa niya undead. See that subscribers? He protects meeee— "—ASTER PUT ME DOWN!" binitbit niya ako na parang tuta! "PAG DI KA TUMAHIMIK IHAHAGIS KITA SA KANILA!" Yieeeks galit ba siya? Uh noooo! **** Aster's POV: Uubra din naman pala kay Antigoné ang pananakot minsan. Natahimik siya kaya no hassle ko siyang nabitbit hanggang ituktok ng coliseum na ito. Hindi kami nagpunta dito dahil trip lang namin. Isa ang coliseum na ginagawa naming luring den para sa mga undead. Nagrerespond sila sa mga ingay na naririnig nila kaya I did a mini concert a while ago. Minsan kampana naman ang pinapatunog namin. That's our technique para idivert sa isang direksyon ang wave ng mga undead. Bukod samin ng kapatid ko, marami rami pang bampira ang living like a rockstar. Let's just say parte na ng buhay namin ang mga undead. We're vampires and undeads can't do shit to us; kaya pinapabayaan na lang namin silang magpakalat kalat. Sobrang dami nga kasi nila at praning na lang ang mag-aannihilate sa kanila. If ever meron man, SALAMAT na rin. They're not frightening. They're so annoying. Gaya ngayon, nakaharang sila sa gate na dadaanan namin. Gate ng dati kong boarding school, to be exact. I need to get books for Antigoné. Marunong na siyang magbasa at magsulat sa napakaraming lenggwahe pero itlog pagdating sa Math! "Aster, tingin mo mauubos pa ang mga undead?" tanong sakin ni Antigoné paglanding namin sa tuktok ng pinakamalapit na building sa coliseum. "Natatakot ka na ba sa kanila?" "Nooo. Pero paano na ang mga tao pag may nakalabas kahit isa sa kanila di ba?" I shrugged. Tinakbo ko ang edge ng building and jump to the next. The year is 2024 pero huminto na sa pagprogress ang bayang ito. Simula nung nauso ang mga undead, halos lahat ng mga bampira ay nagbuhay pugante na. The first undead plague happened two years ago, after a clan massacred hundreds of vampires. Hindi naging abo yung mga pinaslang. Tumayo ang mga yun as if nothing happened. Pagkatapos hawa hawa na ang naganap. Natatandaan ko pa noon na ang pangalan ng siyudad na ito ay Eruditas, na ngayon, ay nakasanayan na naming tawaging Area I. A group of vampires, particularly the necromancers— cursed this land. Kapag namatay ka dito, imbes na traditional way wherein magiging abo ka—ay magiging imortal ang iyong katawan, kaso mawawalan ka ng sanity at magkakaroon ka ng cannibalism drive like the gravehunters. I think mechanism yun para lalong ipakalat ang undead infection. Pag nakagat ka kasi nila, magiging katulad ka na nila. Gross. At last nakarating din kami sa gate ng pakay kong lugar. Wala na yung mga undead na nandun. "Bakit ba tayo pumunta ditooo?!" by the way, allergic yang si Antigoné sa schools. Ewan. Pinadala ko na siya sa iba't ibang all-girls boarding school pero lagi siyang tumatakas. Tyinaga ko na lang na turuan siya kahit wala akong gaanong talent sa pagtuturo. Wala pa siyang any sign na meron siyang kapangyarihan pero sinisiguro kong safe siya as long as she's with me. Niluwagan ko ang bukas nang gate then we went inside. Dilapidated na ang mga mansion building pero nandun pa rin yung magnificence ng buong paaralan. Dito kami unang nagkakilala ni Rosary, at dito rin kami naghiwalay ng landas. Kung malakas lang ang loob ko nun, isinama ko na sana siya. Eh di sana hindi siya— Nevermind. We came here to get something. Bitbit ko pa rin si Antigoné and I still hadn't let her go because she might do something stupid again. Kasalanan ko kung bakit siya ganyan. I spoiled her too much... Yun na lang kasi ang magagawa ko dahil wala na kaming mga magulang. May mga narerecall ako tungkol sa parents ko kaso hindi ko na matandaan kung ano ang hitsura nila at kung nasaan na sila ngayon. Plus meron akong strange drive para magpunta regularly sa bundok na libingan ng mga namayapang bampira before the undead plague. Isa sa parents ko ang nagsabing wag na wag kong iiwan ang kapatid ko sa isang institusyon. Kung dumating man daw ang panahong kailangan ko talaga siyang iwan, wag daw akong mangangako na babalik ako kung wala akong planong balikan siya. Intense. Parang may pinaghuhugutan! Wala akong reason para iwan ang kapatid ko. We'll stick together hanggang sa dumating yung panahong nasa ayos na ang lahat. Amoy ng lansa at nabubulok ang sumalubong samin pagkapasok sa learning hall. Kabisado ko pa ang mapa ng paaralang ito sa isip ko kaya tama ang direksyong to papuntang library. Mabuti na lang at hindi interesado ang mga zambies sa libro. Intact pa ang mga shelves. Inisa isa ko sila para maghanap ng aklat sa Trigonometry. Kasing edad ko si Antigoné nung namaster ko ang Calculus, pero dahil mabait akong kuya, Trigo will do good for her. "Asteeer bilisan mo nagugutom na akooo~" "Oo saglit eto na." I dusted the book before putting it inside my backpack. "Tara." Binitbit ko ulit siya dahil wala akong tiwala na hindi siya gagawa ng kamalditahan. Tahimik pa rin paglabas namin ng corridor. Wala akong nasesense na undead pero napaka-eerie. Sa mga ganitong closed space ako pinagtitripan ng stalker ko eh. "AAAW MY CAMCORDER! HINDI SIYA MAKARECORD!" nagmaktol si Antigoné while she kept on pointing her camcorder in different directions as if finding some signal. I snapped and after my little sister heard the sound of my fingers, she immediately fell asleep. Binilisan ko na lang ang kilos ko. A slenderman has been constantly following me kahit noon pa. That entity, or the slenderman, exists on other dimension and it becomes too powerful to be handled by the physical world upon entering it. Kapag malapit lang sa paligid ang slenderman, it creates a spatial distortion wherein it disrupts the normal wave of signals and other types of energy flow. Take Antigoné's camcorder for example. Hindi yun makacapture ng video at the meantime dahil mismo sa slenderman. I am satiable to their kind dahil sa aking kakayahan, but I avoid getting any form of contact with them. "Not today Slendy." I said as I raised my free hand. Kumbaga sa portable drive, memory full na ako. There're too many souls circulating in my body now kaya masama na para sakin ang malapitan niya. I'll tell you few things on how to deal with Slendy. Crack... Crack... First, you might want to create a physical disturbance opposite to its spatial disturbance— Nagbitak ang mga pader malapit sa disturbance na para bang sinusunod nun ang movement ng aking kamay. This is Rosary's power I'm using. I am clenching my fist and at the same time, the walls are constricting like any moment magcocollide na sila. WHAM! Nung nagbanggaan ang dalawang pader, at sinandwich ang private space ni Slendy, yun na ang perfect timing para gawin ang step 2— Run for it. RUN LIKE A BOSS GODDAMNIT! And finally, do the step 3... Keep moving forward and don't ever look back... Yun ang pinakamahirap gawin I swear. Especially pag alam mong it's right behind you... And you wouldn't imagine how close. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 2nd Madness Antigoné's POV: Uhn... Nasaan ako?! What?! WHAT?! I'm back in my room?! Si Aster kooo?! ASAAAN SIYAAAA?! Bumangon ako then I put on my bunny slippers. Nakita ko yung camcorder kong nakapatong sa aking desk. Hinablot ko yun. Hmm... Hindi ko pa naiuupload yung vlog ko kanina. Pero magrerecord na ulit ako! "Konnichi wa! Nakabalik na kami ni Aster-sama dito sa aming pansamantalang shelter—" Naglakad ako papuntang pinto habang on-going ang recording. Wait, I can hear voices! "—I just want you to know Aster... I can't do this anymore..." oooh... That's Mika— yung bassist ng banda nila. What's up with her? Bakit may pahawak-hawak pa siya sa kamay ni Aster ko? Pero masaya ako. You know... Poker faced lang si Aster. "—Ano ang hindi mo na kaya? Ang pagiging bassist? Mika wala namang laglagan oh—" "No... Ang hindi ko na kaya ay ang itago pa ang feelings ko! Halos araw araw akong nababaliw kakaisip—" AHWMAGAD NIYAKAP NIYA SI ASTER! HULICAM! "Mika—" "—I love you Aster. I hope ganun din ang feelings mo... I mean, pag magkasama tayo, ipinapadama mo sakin kung gaano ako ka-special..." KYAAAA~ WHY ME KINIKILIG?! KARIBAL KO SIYAAAA! Pero nasira yung moment nung lumayo si Aster kay girl, and then he said— "Ayoko sayo. Ang pangit mo." NGANGA. Nganga rin si ate... Uhuhuh! Dama ko siya! Palagi akong sinasabihan ng ganyan ni Aster! Hindi niya alam kung gaano kasakit sa isang napakagandang babae ang masabihang 'Panget' ng mahal nila! Hayan na! Umiyak na si ate! "ANG SAMA MO!" sigaw niya sabay walk-out. Ako naman, lumapit ako kay Aster at pinocus focus ko sa kanya ang dala kong camcorder. "Bakit ba pag may nagcoconfess sayo, yun lagi ang sinasabi mo?" Nagshrug siya bago naupo sa may couch. Kinuha niya yung remote ng blinds para bumukas yung tabing ng windows. "Totoo namang pangit siya ah." wowowow ang badass niya. "—Ih sino ba kasi yung dream girl mo?" nagpacute ako. "Hinihintay mo ang paglaki ko nuh?" Sabi ni Kan chix daw ako paglaki ko. I have peyt in him. Fighting! "ASA. Paglaki mo, hindi chix ang itatawag sayo kundi CHENKS! FWAHAHAHA~" Hmp. I'm pissed. Allergic siya sa mga babae at isa lang ang ibig sabihin nun— "ASTER, ARE YOU GAY?!" Namilog ang mga mata niya. "WHAT?!" Oo tama! Bakit ngayon ko lang naisip ang bagay na yun? Nahuli ko pa nga na kiniss siya sa pisngi nung drummer nila na lalaki eh. "GAY KA!" ulit ko. This time more of paratang na. Kelangan kong maghanap ng maraming evidonce! "Aning, below the belt na yan. Wag mo akong sagarin." Hwooh di ba pag galit ibig sabihin guilty? Crash! Aaaaaaahhhh—! ANO YUN?! Sabay kaming napadungaw ni Aster sa glass window. Tanaw mula sa bintana si ate Mika. Nakasalampak siya sa kalsada at hindi siya makakilos dahil may nakadagan sa kanyang bahagi ng nawasak na kotse! Ang bad pa nun ay napapalibutan siya ng mga zambies! "Aster bat ganun yung mga undeads sa labas? Why do they have paper on their forehead?" Nilingon niya ako. Seryoso ang expression niya. "Aning, hide in the closet— at wag na wag kang lalabas!" **** Aster's POV: Masama ito! Sinasabi ko na nga ba at masusundan ako dito eh! Nung masecure ko na ang pinagtataguan ni Antigoné, binuksan ko ang bintana at rektang tumalon. BANG! Inalis ko agad ang malaking bakal na nakadagan kay Mika— nasabit sa may hook ang mahabang sleeve ng damit ko kaya naexpose ang marka sa aking braso. The inverted cross. "—Aster... Isa kang Evil Druid?!" tss. Nakita pala ni Mika. Tumango ako tas tinangka ko siyang lapitan. "Umalis ka na dito—" "W-WAG KANG LUMAPIT! BAKIT MO PA AKO ILILIGTAS KUNG—" Whack! Sa isang iglap, naligo ako sa tilamsik ng dugo galing kay Mika. Si Mika— nahati horizontally ang katawan niya sa dalawa. Ang sandatang humiwa sa kanya ay hawak ng isang lalaking katapat ko. Ni hindi ko man lang nadetect kung saan siya galing... "—Kamusta. Hindi kita personal na kilala pero natitiyak kong pareho tayong Evil Druid. Kung mamarapatin mo, nandito ako para hingin ang iyong kamatayan, Ecclesiastes." "Paano mo nalaman ang tag ko?!" ang tikas niya para surveyin ako mga ser! Raaaaaawr... Gumalaw galaw ang nahating katawan ni Mika. Sad to say, nareborn na siya as undead matapos magkalat sa kalsada ang period niya. Just kidding. Hinalbot niya ang aking binti pero natadyakan ko siya agad. Home run siya dun sa isang nearby shop. I unsheathed my blazing katana. "Kapag napatay kita, I am allowed to have another 'Indulgence'. Ngayon pa lang, iisipin ko na ang gusto kong hingiin." Ipinatong ni I-don't-know-his-name ang blade niya sa balikat ko. Nanatili lang akong cool. "Kailangang kailangan ko ng Indulgence kaya pasensyahan na lang." aniya. 'Indulgence' ang tawag sa premyong makakamit ng isang Evil Druid kapag nakapatay siya ng isa pang Evil Druid. You can wish for any possible and existing things. My first 'Indulgence' reward from killing an Evil Druid tagged as 'Titus' ay ang makasama ko si Antigoné. Okay, I bet you're wondering what the hell is 'Evil Druid'. Well, Evil Druids, sila ay yung mga nainfect ng Undead Plague pero imbes na maging zambie ay nagmutate into a more potent vampire, kaya naman all Evil Druids can control undeads. Labintatlo ang Evil Druids all in all; kasama na ako dun. Lahat kami ay nasa ilalim ngayon ng isang eksperimento kung saan nakataya ang aming buhay at kamatayan. Dadalawa lang ang pagpipiliang goal ng bawat isa sa amin: stay alive and/or kill all the existing Evil Druids. The one who will succeed will have the chance to get the ultimate 'Indulgence' na misteryo pa rin hanggang ngayon kung ano ba yun— Tama na ang kakaisip. Bakbakan na! I ducked and brandished my flaming katana aiming on his legs. I almost had him there— kung hindi lang siya lumukso na daig pa ang bading na naglalaro ng Chinese garter. Hwaaarrr... Raaaaaarr... Biglang nagsipagkilos ang mga zambies na may ofuda sa noo. "—HOY WALA YAN SA PINAG-USAPAN AH?" reklamo ko. Yari! Kapag kinokontrol na parang ningyo ang mga undead, they become more nimble and dexterous. [A/N: Ningyos are type of undead na 100% controlled by a master with the use of ofuda/talisman] Madali lang sanang alisin ang ofuda sa noo nila, yun ay kung hindi sila ganito karami! DANG! Kailangang mag-isip! Kukuyugin na nila ako— I suck at teleporting— most former humans do. Pero hindi ko pa rin gamitin ang 'Possession'. Iwinasiwas ko ulit ang katana ko in 360. Nilamon ng apoy ang mga pinakamalapit na undead. Next, sinugod ko na ang mastermind nila. Ting! Nagbungguan ang mga talim ng aming sandata. He smirked at me. Para bang napaka-confident niya sa laban naming ito. "Ang balita ko ikaw ang pinakamaswerteng Evil Druid." aniya. Buong lakas ko siyang itinulak kaya kamuntikan na siyang madikit sa mga nag-aapoy na undead. "Are you fucking kidding me? Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko sa kamay nila!" Try again pussy. Kahit galit ako hindi ko ipapakita ang tunay kong lakas. I bet he's waiting for that. Ngumiti siya ng makahulugan at itinuro ang building na pansamantala naming shelter ni— SHIT! May limang undead ang ala spiderman na umaakyat sa pader! "Saang floor mo kaya itinago ang naging premyo mo nung pinatay mo si Titus?" I can't think of anything anymore. Nakarating na sa floor namin ang mga undead at binabasag na nila yung glass window! Teleport gumana kaaa! Whack! Hinataw ako ni enemy Evil Druid ng sandata niya. "DITO KA LANG!" Tumilapon ako sa another building across the street. Naararo ko ang mga sirang kotse na tengga sa kalsada. Kailangan kong iligtas si Antigoné! Ang dami nang nawala sakin at kapag nagfail na naman ako... No I won't let anyone hurt my little sister! Dahan dahan ang paglapit ng kalaban, yung tipong dramatic effect; na pabor sakin. I just need five seconds... Itinapat ko ang palad ko sa mga undead na nasa kabilang building kung nasaan si Antigoné. "Possession!" I blacked out. Nung bumalik ang pandama ko, I'm here to the veranda where I hid Antigoné. Kasalukuyan kong kinakatok ang glass at may lamat na yun dahil bukod sakin, apat pa ang gumagawa ng ginagawa kong katangahan. Pinagtatanggal ko ang ofuda sa noo nung apat at isa isa ko silang tinulak para malaglag sa ibaba. Me too, I'm going to jump— Back across the street, nakita ko ang nakahandusay kong katawan. Nandoon na ang kalaban ko at nakaabang na rin ang espada niya. He's looking over this way. "I see... Kaya mong sumanib sa mga undead by using your own soul... And what if I kill your real body?" Hrrrrgh... Braaaawr... Drat I cant talk. Masyado nang damaged ang vocal chords nitong undead na pinopossess ko ngayon. Tsk.. Tsk.. Ipit ako nito ngayon. Pag tinangka kong bumalik sa katawan ko, malalaman niya yun at papatayin niya ang katawan ko bago pa ako makabalik. Pag nagtagal naman ako sa katawan ng undead na to, posibleng i-take over ng another entity ang orihinal na katawan ko! Badtrip. Wala akong nagustuhan sa mga choices. Therefore, I'll make a third choice— Do a Massive Possession! —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 3rd Madness Aster's POV: May humaltak ng naaagnas kong braso. "Heps— itigil mo yan pre!" PHEW. Kulang na lang sumalampak ako sa sahig sa tindi ng relief na naramdaman ko sa pagdating ni pareng Kan. "Bumalik ka na sa katawan mo. Secured na ang lahat." Dahil dun inilaglag ko na ang katawang pinopossess ko. Bumaldog ang espada ng kalaban kong Evil Druid nung tangkain niyang saksakin ang orihinal kong katawan. Yung atake niyang yun ay nirepel ng malakas na force field na nagsilbing shield ng walang malay kong katawan— Hinde, actually gumagalaw na nga eh. Sa loob ng katawan ko, mayroon pang sampung inner soul na posibleng magtake over sakaling inabandona ko yun nang matagal. Pero timing lang ang pagbabalik ko. Kaagad akong lumayo sa kalaban syempre. Yung force field barrier kanina ay kagagawan ni Kan Vral. Siya ang aking Patron sa digmaan ng mga Evil Druids. Patron or Matron ang tawag sa mga highly ranked vampire na supporter ng isang Evil Druid. Pwedeng isa o pwedeng maramihan, depende kung gaano karami ang kaya mong makumbinsing umanib sayo. Maaari ka nilang tulungan sa pagsesurvey ng kalaban o sa paghahanap ng shelter. Pwede ka rin nilang iligtas, ngunit hindi sila maaaring makialam sa mga laban ng Evil Druid. Si Kan ay nakatatandang kapatid ni Rosary. Isa rin siyang Telekinetic vampire pero naexplore niya to the full extent ang kapangyarihan niya. Wag ka nang magulat kung sabihin kong nakakabasa din siya ng iniisip ng iba. Nakikipagcommunicate siya sa pamamagitan ng telepathy at bihira mo lang makitang bumuka ang bibig niya. Ginagamit lang niya ang bibig niya sa pagkain at sa pagkanta. Dalawa kasi kaming vocalist sa banda namin pero siya ang lead. "Deuteronomy ang tag mo hindi ba? Kung ako sayo, ipagpapaliban ko muna ang laban ngayong araw na ito at tatakas." ani Kan via telepathy. Ang kinakausap niya ay yung kalaban ko kaya't ewan ko kung bakit pati ako nakakasagap. Umalma si Deuteronomy sa sinabi ni pareng Kan. "TATAKAS?! HINDI AKO AALIS HANGGA'T HINDI KO NATATALO SI ECCLESIASTES!" Nagkibit balikat naman si pareng Kan. "Oh sige. Kung ayaw mong tumakas, kami na lang ang tatakas. Nasurvey ko lang naman dun sa ikalimang kanto si Revelation." "ANO KAMO?! SI REVELATION?!" sabay pa kaming napabulalas ni Deuteronomy nang dilat ang mata. Kapag nabanggit ang tag na Revelation, aba'y magtago ka na. Si Revelation ang pinakamalakas na Evil Druid at walang may gustong kalabanin siya. Wala pang survey ang nakapagsbi kung ano ba talaga ang kapangyarihan niya. Sa ngayon ay para siyang passive at umaatake lang siya pag nasense niyang may Evil Druid nearby. Pero trip na trip niyang paramihin ang kanyang zambie army kaya hindi mo pwedeng hindi maisip na may binabalak siyang pasabog. Considered as biological weapon kasi ang mga undead sa buong area 1. Bawat isang Evil Druid ay may unique na paraan kung paano kontrolin ang mga ito. Magagamit sila bilang creeps o panggulo. Just imagine, para kaming Live DOTA. Ngunit kapag kontrolado na ng isang Evil Druid ang isang undead, hindi na yun maaari pang kontrolin ng ibang Evil Druid. I am the only exception to that kapag ginamit ko ang Possession Technique. "Aster ano na?!" tawag sakin ni Kan. Dali dali akong tumawid ng kalsada at tinakbo ko paakyat ang building. Pagpasok ko sa loob ng hiding place ni Antigoné, binuksan ko agad ang closet na pinagtaguan ko sa kanya. "Aster? Baki—" her eyes drooped and I caught her weight just in time before she fell off the floor. "Nakakita na ako ng next shelter para sa inyo. Ang kailangan lang nating gawin ay lagpasan si Revelation." paliwanag ni Kan. Kumilos na kami. Para matakasan mo si Revelation, kailangan mong lumapit sa kanya. Mayroon siyang blind spot na atleast 10 meter-radius mula sa spot na kinatutuntungan niya. Once nasa loob ka na ng radius na yun, tahakin mo lang ang direksyon sa either side niya at hindi ka na niya masusundan. Poproblemahin mo nga lang ang mga undead na nasa loob ng 10meters na yun. "Kan, ikaw na ang bahala sa katawan ko. Oh kapag nagkandaletse letse ako, ikaw na ang bahala kay Aning." "Ano ka ba tol. Natakasan mo na nga siya dati di ba?" "Ewan ko Kan! Ewan ko! Baka hindi umuubra ang 'second time around' sa kanya." Tanaw ko na ang colossal and DISGUSTING growth na parte mismo ng katawan ni Revelation. Kamukha yun ng hilaw na tocino na malagkit lagkit pa. Halos kasing laki yun ng isang 4-storey building at tadtad ng mga matang nakatingin lang sa langit. Sa pinakagitna ng growth naroon ang isang napakalaking bibig at pabiling biling yun. Minsan nakatihaya, minsan nakahalik sa lupa. Naka-cross fingers ako dahil kapag nakahalik sa lupa ang bibig, magpapatalun talun yun nang nakanganga at LALAMUNIN ang lahat ng madaganan nun. Kapag nakaharap sa langit, magbubuga lang yun ng jelly goo na kapag natamaan ka ay lusaw lusaw ka boy. PWOOH—! Bumuga ng kung anong kulay green ang bibig ng giant tocino, meaning nakita na kami ng mga panghimpapawid na mata. Mahirap iwasan ang jelly goo kasi kasinglaki yun ng isang bahay! But don't worry. Kan is here. Pwede akong maki-joint teleport sa kanya. Ipinabuhat ko na sa kanya ang kapatid ko tas humawak ako sa balikat niya. Natransport kami sa pinaka-edge talaga ng blindspot ni Revelation, 90 degrees away from escaping. Foggy sa teritoryo ni Revelation, pero maaaninag mo pa rin yung giant tocino sa ibabaw mo, at wala kang maririnig kundi ang munching sound ng mga zambies. "Inner soul release." mahinang usal ko. Kumawala mula sa braso ko ang lima sa sampung Inner soul ko. Bampira rin dati ang mga kaluluwang yun, na pinatay— Tinangka nilang sumanib sa mga Undead, pero FAIL! Bumalik lang ulit sila sakin! AMP! Nagkasya na lang ako sa paghahagis sa mga nakaharang na undeads. Nahawi yung kumpulan ng mga undead sa di kalayuan gawa nang parang may kumilos. Nanindig ang balahibo ko sa sumunod kong nakita— Ang mismong katawan ni Revelation! Let's say isa lang siyang batang ten years old na may piring ang mga mata, may mahabang umbilical cord sa likuran niya na nakakabit sa dambuhalang placentang puno ng mata at may malaking bibig. "Ahahaha— nakikiliti ako sa ginagawa niyo!" Hanep. Nilalapa na siya ng mga zambies pero nakikiliti lang siya ng lagay na yan! Napapasailalim sa kontrol niya ang mga undead dahil sa kanyang dugo, yun nga lang, patuloy siya sa pagmumutate dahil hinahayaan niyang mainfect siya nang paulit ulit. I guess isinuko na niya ang kanyang sanity kapalit ng kapangyarihan. Infected din ang mga Evil Druid pero hindi ibig sabihin nun ay immune na kami. Iniwan kaming lahat sa Area 1 na may minimum tolerance. Ibig sabihin, kapag nadagdagan ang contamination sa aming katawan, magtutuloy tuloy na ang aming mutation. Yun ang gustong makita samin ng mga gumawa ng eksperimentong ito. Tinitingnan nila kung ano ang response namin sa kapwa Evil Druid, at kung paano kami mag-aadapt sa sitwasyon. Takot ba kaming magmutate o takot kaming maituring na pinakamahina? —Itinulak ko si Kan para itigil na niya ang pagtitig kay Revelation. Yeah we all know he's a very disturbing kid. So we should get the hell away from him fast. Ayokong makakita ng gaya niya si Antigoné. Tiyak na isang linggong iiyak yun sa sobrang takot. "—Grabe nakakadiri siya." komento ni Kan. Mental telepathy pa rin. Maraming salamat at nalusutan na NAMAN namin si Revelation. Larga! Aster and Kan pulling away from the pack! Sana wala nang third time, utang na loob! "Tingin ko sinusundan ka ni Revelation." ani Kan. Sa buong phase ng joint teleporting namin, nagkibuan na lang kami nung talagang malayong malayo na kami. AT UPSETTING PA ANG SINABI NIYA! "Ayokong isipin na tinatarget niya ako." sagot ko. "Bakit? Natatakot ka?" "Hinde! Baka kasi mabunot ko lang yung umbilical cord niya at ilitson ko siya kasama ng placenta niya—!" biro ko. "Angas tol!" I smirked. "Hindi ako nagpunta rito para lang maging talunan, itaga mo yan sa briefs mong tinututong Kan!" "LUL!" "Ena gamitin mo nga yang bibig mo sa pagsasalita! Kaya ang baho ng hininga mo eh!" "Walang basagan ng trip GUNGGONG!" "—LITSON! Gugutom na ko Ashteeewwrrghh..." biglang nagsalita si Antigoné kaya akala namin gising na. Nananaginip lang pala. "Awts. Naiwan yung laptop niya dun sa building. Magtatantrum tong kulit na to kapag nagising at hindi makapag-upload ng vlogs niya!"sabi ko. "Maghanap na lang tayo ng malapit na techy store. Mukhang ayos pa ang parteng ito ng Area 1 ah?" Sinipa ko ang lata ng Coke na nakakalat sa daraanan ko. "—May isa pa pala tayong problema pareng Kan. Wala na tayong bassist." "Oh, eh di magpa-audition tayo." carefree ang tono niyang rumehistro sa utak ko. "Di ka man lang ba apektado sa pagkawala ni Mika-babes?" tanong ko. To my surprise, humarap sakin si Kan. "—Alam mo pare, hindi natin kailangan ng bangkang nagpapaiba ng agos." Sinalat ko ang noo niya. Baka kasi nilalagnat. "Ano yun? Ang lalim pre! Nasosolve ba ng Math ang depth niyan?" "Alam mo ba pare, I recieved a phonecall from Farfait at ang sabi niya nagtapat daw sa kanya ng pag-ibig si Mika? Kinabukasan sakin naman at—“ "—Kanina, sakin naman!" dagdag ko. "Tsk... Mabuti na lang at sinabihan ko siyang panget niya. Oha naiganti ko kayo? I feel good! Tenenenen~" sa sobrang ganda ng pakiramdam ko, sumayaw sayaw pa ako! "Heheheh! Oo na, ikaw na muntanga! Di mo nagets ang logic na sating tatlong members ng band, ikaw ang LAST RESORT ni Mika! Try mo kasing magpalit ng brief eh.” Loko tong Kan na to ah! “Gago walang basagan ng brief!” “Oy ikaw kaya nauna! Sabi mo kanina nagtututong ang brief ko eh samantalang nakaboxers ako! Tama na nga— kelan tayo magpapaaudition?" Bahagya akong nag-isip. "Pwedeng mamaya na. Alam mo namang hindi natin pwedeng paghantayin ng matagal ang mga fans ng Forlorn Madness." —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 4th Madness Aster's POV: Nom. Nom. Nom. Nom. Nabusog na ako sa pagtingin pa lang kay Antigoné. Lamon tong batang ito! Kinalahati niya yung lechong baka na inorder ni Kan! Nandito kami sa isang diner na buhay pa rin. Marami rami pa kasing bampira ang nandirito at himalang walang undeads na naliligaw sa gawing ito ng Area 1. Malamang may Shielder o Divider ang prumoprotekta sa lugar na ito. Yari kami pag nalaman nilang isa akong Evil Druid. "—Paano mo nalamang gushto kong kumain ng Lechon? Yiee— aack!" nahirinan si Antigoné. Yan ang napapala ng mga nagsasalita habang kumakain! Tinapik ko ang likod niya, kaso napalakas yata. Sumubsob ang buong mukha niya sa platong kinakainan niya. Hahaha~ She stood up, with a greasy pink face, at nanlilisik ang mga mata niya sakin. "NANANADYA KA NA ASTER! SALBAHE KAAAA! AYOKO NA SAYO! AHETCHU!" Pinunasan ko ang mukha niya tas hinimas himas ko ang balikat niya. "—Bhe di naman sadya ni kuya eh. Sorry na." The little brat jerked away. Iniusog niya ang upuan niya para tumabi kay Kan. "SI KAN-CHAN NA ANG LOVE KO! BLEAH!" Tong Kan naman na to nangunsinti pa! "Akin na tong baby na to." nagsalita siya gamit ang bibig! What the fuck men?! He even stroked Antigoné's hair! Fine. Pagbuhulin ko pa kayong dalawa eh! "Ei guys! Sensya na ngayon lang ako dumating!" may biglang kumaltok sa ulo ko na galing sa likuran. Si Farfait ang salarin. He's our motherfucking drummer. Hawak pa niya ang isa niyang drumstick na pinangtambol lang naman niya sa ulo ko ngayon lang! "—ANAK NG PUSIT! BAKIT MO AKO PINELTOKAN?!" bulyaw ko sa kanya. "Well..." humila siya ng isang upuan sa next table tas tumabi rin kay Antigoné. Sinandwich nilang dalawa ni Kan ang kapatid ko! "—Hindi mo kasi dapat inaaway ang beb ko." "Eh kung sikuhin ko kaya kayong dalawa ni Kan sa ngalangala? Ang chix ko ay chix niyo rin; pero ang kapatid ko, akin lang! Gumawa kayo ng sarili niyong kapatid mga ungas!" hindi ako galit, natatawa nga ako eh. Nag-cross arms si Farfait. "—Boring. Wala na si Mika-babes kaya wala na rin tayong plaything. Tas ipinagdadamot mo pa si beb samin? Life sucks—! OY!" Napailag si Farfait dahil isasaboy ko sana sa kanya yung sauce ng lechon. Iba ang trip naming tatlo pagdating sa babae. Hindi kami yung nagpaparami ng chix. We settle for one girl. Liligawan namin simultaneously tapos sabay sabay naming idadump pag may gusto na samin. It's just for fun. Lahat kami nag-undergo ng napakasakit na heartbreak kaya we rebel. "Suck mo mukha mo. Hindi panchichix ang agenda natin ngayon kundi ang pagkakaroon ng new bassist." Nag-enjoy naman kaming tatlo kay Mika-babes but life goes on. Bumaling ako kay Antigoné na gulong gulo na samin. "Halika na dito bhe susubuan kita." Agad siyang tumalima. Binuhat niya yung silya niya at tumabi sakin. Isa sa mga katangian na gusto ko sa mga bata ay yung kakayahan nilang magpatawad at makalimot sa mga kasalanan sa kanila. Too bad nawawala ang katangian na yun sa pagtanda. "—Parang gusto kong magkaroon tayo ng bandmate na tao. I heard marami ang talentadong mga tao; isa pa puro mga tao ang fans natin." suggestion ni Kan. "Okay lang. Basta wag babae." sagot ko. "—Babae gusto ko!" angal naman ni Farfait. I just shrugged. "Eh bahala na kayo. Kelan ba ang next live natin?" Tuwing may live ang ForMad, tumatakas kami sa Area 1. We found out na mas magandang audience ang mga tao. Yung tipong die hard. The name of our band came from an old and fading memory of mine. Habang tumatagal talaga nabubura na sakin ang mga alaala ko nung kabataan ko. Side effect yata yun ng contamination ko— Isusubo ko na sana ang hawak kong fork na may meat kay Antigoné kaso nabitawan ko yun. AAAAAHHHHH—! Two tables away from our table, may bampirang bigla na lang naging insane. Kinagat niya sa leeg ang kasalo niya sa mesa. "MAY UNDEAD PLAGUE DITO! MAGSILABAS KAYO—!" I tried my best to shout as loud as I can sa kabila ng paninikip ng aking dibdib. Nagkagulo sa diner. Dumami ang nakagat nung infected sa maiksing panahon lang. Crash! Nag-force open ang bintanang pinakamalapit samin. Kan's doing. Binuhat ko si Antigoné tas pinakalong ko siya kay Farfait. "Ilayo mo siya dito. Bilisan mo!" "ASTEEER~" "Antigoné behave. Pupuntahan namin kayo mamaya." Farfait did jump out of the window with Antigoné. After I lose sight of them, my senses slipped away from me... **** Kan's POV: Nawala na sa sarili si Aster. He settled on a chair back on our table. Idinipa niya ang isang kamay niya kaya may mga infected na palapit. Binunot ko ang katanang nakasukbit sa tagiliran ni Aster at pinagtatagpas ko ang mga ulo ng bawat infected na may balak lumapit kay Aster. "Licorice, alam kong nandito ka! Magpakita ka!" Licorice is my elder sister. Siya ay isang master necromancer at siya ang Presbyter ni Aster. Presbyters are the master of Evil Druids. Sila ang creator ng Evil Druid na hawak nila. Bawat isa sa lahat ng Evil Druid ay may Presbyter. The victory of an Evil Druid is also the victory of its Presbyter. The downfall of Evil Druid will also be the downfall of its Presbyter. Nagchime ang bell sa maindoor ng diner. A fine lady entered. Mahinhin at pino ang kanyang paglalakad na para bang background lang ang nangyayaring tumult sa buong establishments. She sat on a chair opposite to Aster. Tinaasan niya ako ng kilay. Sa isang kumpas lang ng kamay niya, nahinto ang kaguluhan. Napetrify gaya ng estatwa ang lahat ng infected. "—Balak mong itaas ang contamination ng katawan ni Aster. Hindi ko papayagan yun hangga't nabubuhay ako." I told my sister. Natauhan si Aster sa panibagong pagkumpas niya ng kanyang kamay. May inilabas siyang dalawang itim na libro at inilapag yun sa mesa. "—Tumatakas kayo ng Area 1 at tingin niyo hindi ko yun malalaman?! Hindi ako papayag na maungusan ng ibang Presbyter dahil lang sa kalokohan ninyo." Bahagyang yumuko si Aster sa ate ko. "Patawad po mistress." "Tss.. Kung hindi ko kayo maaawat na gumala at magliwaliw sa labas, siguro naman kaya ninyo iyan na gawing legal." "P-PO?" confused na tanong ni Aster. "Nakipagpalitan na ako ng bibliya sa Presbyter nina Lamentation at Leviticus. Kapag napatay mo ang isa sa kanila, ang hingiin mong Indulgence ay ang malayang paglalabas masok sa syudad ng mga tao." 'Exchange Bibles' among Presbyters means pumayag silang pagsabungin ang kani kanyang Evil Druid. Malamang na napasubo lang siya sa payabangan with her fellow Presbyters. Si Aster lang naman kasi ang naka-first kill sa lahat ng mga Evil Druid. "Malakas yang dalawa na yan ah?" komento ko. "—Si Ecclesiastes ang pinakamalakas na Evil Druid, Kan." Licorice pointed out. I don't know. Napasulyap ako sa gawi ni Aster. Determinado siya, at the same time, wala siyang choice. Pinagpipilian niya ang dalawang aklat. Ang aklat ni Leviticus o ang aklat ni Lamentation? I shifted my gaze at Licorice. Naging Patron ako ng Evil Druid niya hindi dahil concern ako kay Aster kundi dahil gusto kong patumbahin sa sarili kong mga kamay ang nagtraydor sa pamilya namin. "Oh Kan, bakit ganyan ka makatingin sakin? You want to tweak my brain?" she said mockingly. Umiling ako. Ginawa ko ang lahat ng kaya ko para magpigil. Hindi ko siya maaaring patayin ngayon eh. "—Kamusta na ang kakambal ko?" sa kanya ko lang pinadala ang telepathy na yun. Pero ngiti lang ang isinagot niya. "Tatargetin ko si Lamentation." nakapagdecide na rin si Aster. "Good. I'm going then." kinuha ni Licorice ang mga aklat bago siya nagmartsa palabas ng diner. Dun na nagsikilos ulit ang mga infected. "Umalis na tayo dito." I handed back his Katana. Imbes na ibalik niya yun sa case, pumorma pa siya na parang icho-chopnese niya ang mga pesteng infected. "Sayang naman ang bayang ito kung sisirain lang ng undead plague." katwiran niya. "Hinde. Hahayaan nating kumalat dito ang mga undead. Pag umalis tayo dito ngayon, hindi na tayo babalik, kaya naman walang ibang Evil Druid ang dapat na makinabang dito." Gusto niyang tumutol. Nakikita ko yun sa mga mata niya. Pero by now siguro napag-isip isip niyang may punto ako. "Tatandaan mo Aster, wala tayong puso. Ang meron lang tayo ay tactics." **** Aster's POV: Hindi ko na mabilang kung ilang parte na ng Area 1 ang sinira namin since the beginning of the war. Humiwa ako nang napakahaba sa aking braso. Hinayaan kong malanghap ng mga infected ang scent ng dugo ko para sundan nila kami palabas ng diner. At the first two weeks, infected pa lang ang tawag sa mga bampirang nagkaroon o nahawaan ng undead plague. Maliksi pa ang kilos nila at medyo aggresive. Tatawagin silang undead kapag may signs na ng deterioration sa kanilang katawan at bumabagal na silang kumilos. Paglabas ko, sinugod ko ang nananahimik na bampira sa isang poste. Ginilitan ko siya ng leeg. Pag-alis ko sa tabi niya, pinagpyestahan siya ng mga gutom na infected. Bata, lalake, babae, wala akong sinanto. Pinadugo ko silang lahat at ipinakain sa mga halimaw na walang kabusugan. Kahit ako isinusuka ko ang sarili ko sa mga kasamaang ginagawa ko. Ngunit gaya nga ng sinabi ko, hindi ako nagpunta dito para maging talunan. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 5th Madness Antigoné's POV: "Saan tayo pupunta Fait-chan?" kanina pa niya ako buhat habang patalun talon siya sa tuktok ng mga buildings. He smiled. "Sa simbahan! Magpapakasal na tayo beb!" Lokohin mo lelang mo! "Ano ba kasi ang ginagawa nila Aster dun? Bakit hindi pa sila sumabay satin?!" They're hiding something from me. Lagi na lang kaming palipat lipat at takbo ng takbo. Ang gulo. Dahil lang ba talaga ang lahat ng yun sa mga undead? "—Nandito na tayo!" talagang di ako sinagot ni Fait-chan. At talagang sa simbahan niya ako dinala! Sira na yung simbahan. Butas yung bubong at pumapasok mula dun ang sinag ng buwan. Uka na yung mga floorboards sa malapit sa altar tapos may naipon nang tubig dun at tinubuan ng mga lotus. When we entered, maraming pigeons na nagpapahinga ang lumipad. "Oh beb bat ka nakasimangot? Ayaw mo bang magpakasal sakin?" Di ko siya pinansin. I took out my camcorder. "Anyeong! Nandito ako ngayon sa isang church wreck kasama si Fait-chan—" I turned the cam away from me. Nirecord ko ang magandang tanawin sa loob ng simbahan. Creek! Creek! Fait-chan walked towards the aisle. Sinundan siya ng cam ko hanggang sa nakaupo na siya sa isa sa mga pews. Lumapit ako sa kanya. "Nakapunta ka na ba dito dati?" "Oo. Ito ang paborito kong lugar sa mundo. Dito ko rin nakilala si Aster at Kan." "Bakit kayo nagkakilala?" Ewan. Matagal na silang magkakasama, since baby pa lang daw ako. Wala akong idea kung paano sila nagkasama. I'm just a little girl. There are lots of things ahead of me. He chuckled, tas pinisil niya ang pisngi ko. "Ano bang tanong yan beb? Syempre—" Umawang ang malaking pinto sa likod namin. Napatayo agad si Fait-chan. Nagsigh siya nung makilala ang mga bagong dumating. Nandito na sina Aster at Kan-chan. "Emo mode ka na naman Fait?" bungad ni Aster. He looks dirty. Puno siya ng dugo! Ew. "AAY ANO BAAA?!" nagulat ako paano binuhat ba naman akong bigla ni Fait-chan! "No sir. I had fun here with beb— aalis na ba tayo?" Aalis aalis! Saan naman kaya kami pupunta? Pero ang swerte ko di ba? May tatlong prinsipe ang nag-aalaga sakin! Mehehe~ **** Aster's POV: Mag istay-over kami sa mansyon ni Kan. Langya talagang buhay to. Mas mayaman pa ako kay Kan pero ako tong parang gusgusin na walang matirahan. Zzzz... Nakatulog na rin sa wakas si Antigoné. Itinaas ko ang comforter hanggang leeg niya. Paglabas ko ng kwarto niya, muntikan na kaming magkagulatan ni Farfait. "Anak ka ng ina mo ba't bigla ka na lang bang sumusulpot?!" mahinang bulyaw ko kay Farfait. Ang slow niya. Inisip pa niyang maigi ang sinabi ko bago siya nagreact. "Oh anak naman talaga ako ng ina ko? Alangan namang anak ako ng kapitbahay?" "Oo na! Wag ka ngang maingay?!" headlock ko siyang kinaladkad pababa ng first floor. Nagpalinga linga ako. "Nasaan na si señorito?" "Nandun, nasa music room niya." aniya. "—teka nga tol, totoo yung sinabi ni Kan na itutumba mo si Lamentation?" "Oo." naiba yatang bigla ang mood. "Eh di ba... kaibigan mo yun?" ewan ko kung para saan ang pag-aalala nito ni Fait. Dahil siguro mababawasan na naman ang chix sa mundo? Babae si Lamentation. A very pretty woman. And yes, we're friends. "—Mas mahirap patayin ang kaibigan kaya siya ang uunahin ko kesa kay Leviticus." He scowled at me. "Hindi kita ma-gets. Mahirap patayin dahil kaibigan mo pero papatayin mo nga?" "—Drop it." I sounded half annoyed. Iniwan ko siyang mag-isa. Pupuntahan ko na lang sa music hall si Kan. Hindi na magbabago ang pasya ko. It has to be Lamentation. Kapag pinatagal ko pa, mas lalo lang akong mahihirapang gawin yun sa susunod. Bago pa ako pumasok dito, buo na ang mindset ko. Wala sa bokabularyo ko ang katagang 'ayoko na'. Dinig ko ang tunog ng piano mula sa kinatatayuan ko. Palakas pa yun nang palakas habang patuloy ako sa paglalakad. Every once in a while I'd see her smile And she'd turn my day around A girl with those eyes Could stare through the lies And see what your heart was saying... Bahagya ko lang binuksan ang pinto ng music hall. Nakatalikod sakin si Kan, na nakaupo sa harap ng piano habang kumakanta. Nakatunghay sa gawing kaliwa niya ang isang babaeng undead na nakasuot ng tutu na pang ballerina. She looked as if she wanted to eat him; yun nga lang hindi niya kontrolado ang sarili niyang katawan. A friend of a friend A friend till the end That's the kind of girl she was Taken away so young Taken away without a warning Nag-glint sa palasingsingan ng undead ang isang golden band. Kaparis yun ng golden band na suot suot pa rin ni Kan hanggang ngayon... I know you and you're here In everyday we live I know her and she's here I can feel her when I sing... Isinarado ko ang pinto. Tinakpan ko ang mga mata ko habang nakasandal ang noo ko dun. I sang the next stanza— Hey Laura, where are you now? Are you far away from here? I don't think so I think you're here Taking our tears away... Think of Laura But laugh, don't cry I know she'd want it that way When you think of Laura Laugh, don't cry I know she'd want it that way— Kusang bumukas ang pinto paglipas ng sampung minuto. Wala na sa paningin ko yung ballerinang undead. Tumutugtog parin sa piano si Kan pero iba na ang pyesa. "Aalis na ako mamaya para gawin ang misyon ko." sabi ko sa kanya. "—Kailangan mo ng tulong ko?" Dahan dahan akong tumango. Iwasang badtripin si Kan ngayon. "—Just in case na gumamit ng sonic wave si Lamentation, kailangan ko ng barrier." "Sige. Dun mo na lang ako hintayin sa main door mamaya." With that, iniwan ko na si señorito. Bumaba ulit ako para lang makipag-gaguhan na naman kay Fait. Paulit ulit kong binilin sa kanya si Antigoné hanggang sa maturete na siya. "—Oo na nga sabi! Ano ka sirang plaka?" reklamo niya "—Wag mong hahawaan ng kalandian mo si Aning. At wag kung anu anong boy thing ang kinukwento mo sa kanya. Lalong wag mo siyang tuturuang magmura. Sa madaling salita, WAG KANG B. I. OKAY?!" Wala talaga akong tiwala dito kay Farfait eh. Nung unang beses na pinaalagaan ko sa kanya si Antigoné, binombard ako ng kapatid ko ng kung anu anong tanong na may mature content! Maybe we should hire a nanny for her. Lumalaki siya na wala man lang motherly figure sa paligid niya. We'll discuss that later... Bumaba na si Kan ng stairwell at oras na para umalis kami. Mag-aalas singko pa lang. Tamang tama lang ang oras para pumunta sa bundok kung saan namundok si Lamentation. Aksidenteng naligaw lang ako dun once. Tinulungan ako ni Lamentation kahit pa nalaman niyang pareho kaming Evil Druid. "—Balang araw, maibabalik ko rin sa'yo ang pabor." yun ang huling sinabi ko sa kanya bago ako umalis noon. Sorry dahil mukhang wala akong isang salita. Tinulungan ako ni Kan para makarating sa pinakatuktok ng bundok. Sa paanan kasi nun tambak ang isang batalyon ng mga undead. Naaakit silang lahat sa boses ni Lamentation. Maganda ang boses niya in a certain distance, parang himig mula sa isang wood elf. Pero kapag narinig mo siya nang napakalapit mo sa kanya, mapapraning ka sa sobrang sakit ng ulo. Iniwan ko si Kan sa may bandang gitna ng bundok. Ako lang mag-isa ang umakyat sa tuktok. Naabutan ko si Lamentation na nakaupo sa isang nakausling bato. Nakaharap siya sa papalubog na araw; kaya nakatalikod siya sakin. Hinahangin ang mahaba niyang buhok at kitang kita sa kanyang bareback ang tatak na inverted cross. "Kamusta na kaibigan? Pinagmamasdan ko ulit ang paglubog ng araw." binati niya ako nang hindi man lang lumilingon. Nilapitan ko siya. Tumayo ako sa harapan niya tas sinapo ko ang kanyang mga pisngi. "Kailangan kong gawin ito." Expected kong manlalaban siya. But no. Pumikit siya at tumango. "—Maraming salamat dahil dumating ka para tuparin ang ipinangako mong pagtanaw ng utang na loob." "—Ha?" "Gaya ng araw na yan kaibigan, ako ay nasa dapit-hapon na ng aking buhay. Masaya na lang ako na ang huli kong makikita bago ko ipikit ang aking mga mata ay ang Kanluran." Isa si Lamentation sa mga naging Evil Druid pero hindi nila matanggap. Ang kanyang Presbyter ay ang sarili pa niyang kabiyak. "Hiniling ko sa aking asawa na ipagpalit ang aking bibliya. Nagagalak ako dahil ikaw ang kumuha nun at hindi ang ibang Evil Druid." Unti unti nang lumabo ang paningin ko. The next moment, nakita kong tumumba sa harap ko ang sarili kong katawan. Itinaas ko ang aking kamay— feminine hands na amoy Chamomile pa. Pinahaba ko ang mga kuko niyon bago itinapat sa aking mata. Pinagmasdan ko ang ganda ng kanluran bago ko ibinaon sa aking mukha ang sarili kong kamay. The next moment again, nagkamalay ako at nakasalampak ako sa tabi ng bangkay ni Lamentation. Nag-apoy ang kanang braso ko na parang Recca lang— except na mas maangas ako kesa sa animé dude na yun. Sinilaban ko ang buong katawan ni Lamentation. I looked up in the sky. Ano kaya kung hilingin ko na sana hindi nangyari ang lahat ng ito? Matutupad naman kaya? Naiisip ko rin kung ano ang meron sa nakaraan kung bakit nangyari ang undead plague... Hinde... Pinilit kong alalahanin ang naganap kaso— Bakit... Hindi ko na maalala?! —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 6th Madness Aster's POV: Kumalat na ang infection hanggang sa karatig na lugar ng Area 1. Isang Evil Druid na ang tag ay Nehemiah ang nagkalat ng lagim sa labas. Dahil dun kaya naparusahan ang Presbyter niya ng kamatayan. Hugas-kamay ang pamunuan ng mga bampira at hinayaan ang mga tao na magturuan kung sino ang lumikha ng plague. Ngayong gabing ito ay opisyal akong pinayagang lumabas ng Area 1. Syempre bago ako umalis, binigyan ako ng isang utos ng Black Church— "—Itumba si Nehemiah sa lalong madaling panahon." nangiwi ako sabay punit sa binabasa kong scroll. "Neknek nila. Hindi nila ako uutos-utusan na parang nakakuha sila ng hitman." Ang Black Church ay isang SIKRETONG grupo ng mga makapangyarihang bampira na KILALA at kinatatakutan. Hawak nila ang mga Presbyters pati na kaming mga Evil Druid. I don't know about their plans pero parang totoong may balak silang lipulin ang mga tao in the future. "—Ayaw mo nun? Indulgence din yun pre!" sabi ni Fait. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang sinabi niya. Bukod sa kanya, kasama ko ang kapatid ko at si señorito. Kasalukuyan kaming tumatawid ng isang malapad na bridge papunta sa kabilang ibayo. Biglang huminto sa paglalakad si Aning. "Aster pagod na akooo~" Hay parang dalawang kilometro pa lang ang nalalakad namin pagod na agad siya? Malamang na tinatamad lang to. Nilapitan ko siya tas binuhat. "Di ka na baby nagpapabuhat ka pa. Sana kaya kitang paliitin para ibubulsa na lang kita eh." She pouted. "Ee pagod pagod naman talaga ako weh." "Malapit na pala tayo sa checkpoint eh." ani Kan. Tanaw ko na nga ang liwanag na mula sa mga headlights ng sasakyang pangmilitar, pati yung mga barikada, at ang mga taong sundalo na nakaalerto. Pinoprotektahan nila ang secured area sa likod nila. "Baka bigla na naman tayong barilin ng mga yan?" wika ko. Last time naheadshot lang naman ako ng sniper nila. "Relax pare, ako na ang bahala." nagpatiuna sa paglalakad si Fait. Nadinig ko na ang ratrat ng mga machinegun at awa namang hindi pa kami tinatamaan. Kami ay sumasayaw sa saliw ng mga umuulang bala. "BILISAN MO FAIT!" Nawala si Fait sa kinatatayuan niya. Nagpakita siya dun sa likod ng checkpoint. Natigilan ang lahat ng nandun hanggang sa wala nang nagpapaputok. Isang illusion master si Fait. Kaya niyang iparanas sa kahit sino ang pinakamasayang pangarap maging ang pinakamasaklap na bangungot. "TARA NA!" kinawayan niya kami mula sa kinatatayuan niya. Nilagpasan namin ni Kan ang mga nakatungangang sundalo. Yung iba naglalaway pa kamo. Gumawa ulit kami ng paraan para makapasok sa loob ng protected area. Nag-over the bakod kami! Napakahigpit kasi ng mga tao dito. Kapag galing ka sa labas, hindi ka ganun kadaling makakapasok. ForMad originated inside this area, at ang alam nila ay nandito lang din kami, somewhere. We passed by a deserted street. Sa dulo nun naghihintay ang aming service na isang black limo. Let's just say na may ibang buhay kami sa lugar na to. Here we have cars, houses, establishments, money, and fame. Pero in reality, mga dakilang posers kami as humans though no one is suspecting. Hinatid kami ng chauffer sa isang mini concert club na open-area. Hinihintay na kami dun ng aming manager. Lalake ang manager namin na nasa thirties pa lang pero napapanot na dahil sa kunsumisyon. Pedro ang pangalan niya. "ANONG SINASABI NINYONG WALA NA SI MIKA?!" his voice reached its highest peak. "Sir Pedz, chill lang. Icancel muna natin ang live para makapaghanap tayo ng bagong bassist." si Fait ang expert pagdating sa mga pali-paliwanag na yan. "—Hindi pwede! The fans anticipated this event! May mga kagabi pa nagpunta dito para lang mauna sa harap tapos ganyan lang ang isusukli ninyo sa fans ninyo?!" Tinitigan ko si Kan. Sinasabi ng facial expression ko na gawan niya to ng paraan. Lumapit naman siya kay manager. "Hahanap kami ng bassist right away!" aniya. Kamuntikan na akong malaglag sa stool na inuupuan ko. Ang gusto kong gawin niya ay icancel ang live, HINDI ITULOY! Tumayo ako tas kinaladkad ko si Kan palabas ng dressing room. Padaan daan sa corridor ang mga staff na nag-aayos ng stage. "—Kan what the fuck?!" "Tama nga naman ang manager natin. Paano na yung mga fans na naghintay para sa live natin ngayon?" I massage my temples. "Maghanap ng bassist ngayon na?" Tumango siya sabay ngiti. "Mayroon pang isang oras. Kahit sino na lang hilahin mo diyan sa tabi. Ako na ang bahala mamaya." "Oh sige sige." pinabalik ko na siya sa dressing room. Ako naman, naghanap ng papel at pansulat. Nakakita ako ng bond paper tsaka marker sa desk na nasa backstage. Isinulat ko sa papel ang: Wanted Personal Maid. WALA AKO SA MOOD NA MAGHANAP NG BASSIST NGAYON. Kung sino man ang interesadong maging yaya para kay Aning ay gagamitin muna namin bilang support bassist just for tonight. It doesn't matter kung hindi pa yun nakakahawak ng gitara kahit kelan. Kan could do magic. Tapos bukas na bukas magpapaaudition kami. Lumabas ako hanggang sa back gate kung saan pumapasok ang mga authorized personnel pati na yung mga nag-aapply ng trabaho. Inabot ko yung papel sa security guard na nagbabantay. "Idikit mo diyan sa labas ng gate. Pag may interesado, dalhin mo kaagad sa loob. Hanapin mo ako." Gusto yatang matawa ni manong guard. "Eh sir sigurado po ba kayo? Bibihira ang nag-aapply ng ganitong oras." "Ah basta. Sige papasok na ako." Sigurado akong MAY mag-aapply ng ganitong oras. I heard mahirap makahanap ng trabaho sa protected area na to. Tao ang gusto kong mag-alaga kay Aning. Sa estado ko ngayon bilang Evil Druid, mas mapagkakatiwalaan ko ang mga tao kesa sa mga bampira. **** Cerylle's POV: MALAS. Hindi na nila ako pinabalik sa pinagtatrabahuhan ko. Namimigay ako ng flyers pero may ipinalit sakin ang amo ko na maganda at sexy. I love to work, and I need to work para mabuhay ko ang sarili ko. Yun nga lang ang mga nakukuha kong work ay yung tipong raket raket lang. Wala kasi akong documents. As in wala akong birth certificate. Konti na lang maniniwala na talaga akong putok ako sa buho. Isang araw nagising na lang ako na nasa isang tambakan ng mga bakal na walang ma-recall tungkol sa aking sarili bukod sa palatandaang nakatatak sa likod ng aking palad. Dadalawang letra lamang iyon: R at V. Pati nga pangalan ko ay hindi ko alam. Kapag tinatanong ako kung ano ang pangalan ko, ang sinasabi ko ay Cerylle. Pangalan yun ng isang celebrity na nabasa ko mula sa isang tabloid at nakipangalan na rin ako. Grumble... Nagrerebolusyon na ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain since kaninang umaga pa! "Haaaaay kailangan ko ng trabahoooo—" Nahinto ako sa paglalakad dahil blocked ang aking daraanan. Sa sobrang dami ng tao talagang hindi na ako makakadaan pa. Pati kalsada inokupa nila. Nagtitilian sila habang may hawak hawak na tarpaulin at signboards. Busina tuloy ng busina ang mga motoristang nababalam. Oo nga pala may mini concert ang bandang ForMad. Ang mga masuswerteng nilalang. Sila na gwapo at sikat. Pinagmasdan ko ulit ang crowd. Sa dami nila, pag hiningian ko sila ng tagpipiso bawat isa baka makakain na ako ngayon sa isang five star restaurant. Eh what if mandukot na lang ako?! WAG! Bad yun! Makaalis na nga. Nabibitter lang akong panoorin sila. Ang totoo niyan gusto ko rin manood ng concert pero pambili nga ng pagkain wala ako eh. Umikot ako sa eskinita para dun ako sa likod dadaan. "AAAHHH KAILANGAN KO NA TALAGA NG TRABAHOOO!" napapraning na ako sa gutom! "—Kailangan mo ng trabaho neng?" nagtanong bigla sakin si manong guard na nagbabantay sa may backgate. Dagli akong lumapit sa kanya lalo na dahil nakarinig ako ng 'trabaho'. "OPO KUYA KAILANGAN KO NG TRABAHO!" I said eagerly. May iniabot saking piraso ng bondpaper si manong. May nakasulat dun at panget ang handwriting. 'Wanted Personal Maid'. "Interesado ka ba iha?" Tumango ako nang wagas. Wala na akong hesitations basta kailangan ko ng trabaho! Wag lang sana akong hahanapan ng requirements! "Tara sumama ka sakin sa loob." iginiya ako ni manong papasok sa loob. Teka, dito magpeperform ang ForMad hindi ba? Huminto kami sa tapat ng isang saradong dressing room. "Maghintay ka saglit. Kakatukin ko lang si ser." ani manong. Tok! Tok! "Ser may gusto pong mag-apply." "Pasok." sabi ng magandang boses-lalake mula sa loob. "Oh paano iha, maiwan na kita dito ah? Kailangan kong bumalik agad dun sa may gate eh." "Sige po kuya kaya ko na to." nag-inhale exhale muna ako bago ko pinihit ang seradura. This is it! **** Kan's POV: Katamaran na naman ang pinairal ni Aster. Sinabi nang humila na lang ng kahit sino diyan eh. Tatlumpung minuto bago ang live. In five minutes, kapag walang pumatol sa kalokohang paskil ni Aster, kikilos na ako para maghanap ng pansamantalang bassist— Tok! Tok! "Ser may gusto pong mag-apply." anang boses galing sa labas. "See? I told you Kan." ngingiti ngiti si Aster. Nakapatong sa kandungan niya ang ulo ng natutulog niyang kapatid. He's stroking her hair na parang pusa. I shrugged. "Pasok." Aster told someone outside. Mayamaya bumukas ang pinto. Pumasok sa loob ang isang babaeng— Hindi ko alam kung babae nga. Hindi kasi pambabae ang porma niya. Nakasuot siya ng tattered jeans and shabby sweaters. I can't tell wether she's pretty or not. Obscured ang mukha niya ng suot niyang red baseball cap. "M-Magandang gabi po. Ako po yung mag-aapply na personal maid!" she said. "—Take off your cap. Don't be rude." sabi ko naman. I used my mouth to talk dahil hindi nasasagap ng mga tao ang mental telepathy ko. Mabilis siyang tumalima. Pagkatanggal niya sa kanyang cap, bumagsak ang mahaba niyang buhok. I finally saw her face— The one that I can never forget. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- A/N: To follow na lang yung mga pictures? Hindi pa kasi ako nakakapag edit. Lapit na! Hoho. 7th Madness Asha's POV: "—Anastacia ano bey?!" marahas na binawi ng friend kong si Maureen ang braso niyang hila hila ko. I clicked my tongue kasabay ng paglingon sa kanya. "Don't call me with my WHOLE NAME everytime you're pissed, okay girl?" I 'm pissed too! Nagbayad ako ng mga tao para mag-sleep over dito at maireserve kami ng pila. KASO HINDI KO SILA MAKITA! May bitch na sumiko sakin while I'm placing a call kaya nalaglag ang phone ko; tapos may isa pang bitch na umapak nun! Right now the only way I can think of is to go at the front. We're halfway there sisters! Fighting! Itinulak ko ang fat girl na nasa harap ko then— "BAKIT KA NANUNULAK MISS?!" she glared at me. "I'm really sorry—" umarte ako na parang biktima rin ng panunulak. "—Tinulak lang din ako ng mga nasa likod eh. What can I do?" Pagkatapos nun, wala na. She ignored me. Lahat kami napatingin sa 4D Holographic box na nasa itaas ng concert club. Ni-roroll nun ngayon ang mukha ng apat na members ng ForMad. KYAAAAHHH! Tilian sila, tili din ako! Lalung lalo na nung si Prince Kan ko na ang nasa screen! AT LALO NA NUNG NAGSMILE SIYAAA~ "Hmm... They're all gorgeous. Kaya naman pala patay na patay ka sa mga yan eh." ani Maureen na nakatingin na rin sa screen. "I told you hindi photoshopped ang mga mukha nila!" ipagtanggol ang ForMad! That 4D Holograph up there? That's a live projector. You simply can't photoshop whatever it shows. Somewhere inside this concert club, probably inside the 'Visual Effects room', ay nakatayo sila sa isang live whole-body scanner. Yah I know marami akong alam. Well I live to my reputation as ForMad's Backstage Princess. "So sino ang pinakatype mo sa kanila?" I asked my galpal. "Hmm... The one with markings under his eyes. Ang hot niya eh!" oh nuuuh! She wants my prince! "IHHH!" I gritted my teeth at mahinang pinalo palo ang arm niya. "Don't steal him! He's mine—!" WAIT LANG. Bakit hindi ko yata nakita ang pagmumukha ng malandi nilang bassist?! WHAT?! Dininig na ba ng langit ang novena ko?! KYAAAH~ I'm pumped! "TARA NA MAU. BAKIT PA TAYO MAKIKIPAGSIKSIKAN DITO?! WE'RE VIPs ANYWAY." sinadya kong palakasan ang boses ko para inggitin ang mga babaeng kagitgitan namin. Ang babaho ng mga hininga nila and I think I smelt FART. Hindi nila kami ka-level, excuses. And so Maureen and I broke up from the crowd. Nai-Google map ko na ang area na ito kaya alam kong sa likod ang pasukan ng mga authorized personnel dito. I heard mabagsik daw si manong guard na assigned sa backgate at namamalo daw ng batuta kaya wala talagang nagtatangkang fans na mangulit dito. I bet yung mga fans na tinutukoy sa kwento ay mapapanget at mababaho. That means, pretty girls like me can barge! At kapag sinuswerte ka nga naman, may sumalubong saming isang GWAPONG GUY! He's oozing with sex appeal sa unang tingin. But on the second look, kay prince Kan pa rin ako. "Hi ladies! Going somewhere?" he asked pleasantly. Nagswitch to landi mode si Mau. She clipped her hair behind her ear pa, pero bago siya makapagsalita, naunahan ko na siya. "We'll try to barge in. Tutulungan mo ba kami?" straightforward kong tanong. Ngumiti nang malapad si guy. Alerto ako anytime para saluhin ang panty ni Mau. Baka kasi malaglag somewhere. "Ang magagandang dilag na gaya niyo, magfoforce entry lang? Look. You two should thank your lucky stars tonight. I 'll let you in. For free! No strings attached!" Namilog ang mga mata namin ni Mau. "REAAALLYY?!" He nodded. "Ako lang naman ang bagong bassist ng ForMad." "So wala na talaga si Mika?" I fired another question. "Yes." he inched a little bit closer to me. It was then parang nakaramdam ako ng kilabot. His breath was too cold. "She zombiefied last night." EW. I don't want to talk about zombies! Alam kong fiction lang sila, and I want to believe it till the end. Napalayo sakin si guy nung kumawit sa braso niya si Mau. "Come on. Show us what you can do loverboy~" Nauna si guy at si Mau tas nakasunod lang ako sa kanila. Present si manong guard sa backgate na talagang nakakatakot dahil mukha siyang hybrid na bulldog at pittbull. Napansin ko kaagad na medyo kakaiba siya... Nakatunganga siya eh. Nakatingin lang siya sa kawalan. I tried to wave my hand in front of him pero hindi man lang siya kumurap— "ASHA! BILISAN MO NA!" sigaw ni Mau. We did it. Nakapasok nga talaga kami nang walang hassle! Yipee! I saw a payphone. Hinintuan ko yun then tinawag ko si Mau. "Mauna na kayo sa loob. Tatawagan ko lang ang driver ko para nakaabang na mamaya sa labas ang limo na gagamitin natin." Mehehe~ tingnan ko lang kung hindi magsiluwaan ang mga mata ng mga cheapanggang fans na nanggitgit samin kanina. "—Hihintayin ka namin." sabi ni Mau. Biglang umakbay sa kanya si Guy. Napakapresko niya. Turn off na ako. "Mauna na tayo Mau." Sa palagay ko nahypnotize niya si Mau. Napapayag niya eh. Whatever. Hinayaan ko na sila. Basta ako I'm going to make a call. **** Kan's POV: SHIT! SHE'S MY LITTLE SISTER! "ROSARY!" kapwa kami nagchorus ni Farfait. Napalingon samin si Aster and he's sporting a goddamn confused face rather than taking a close look to his FIANCÉ! He did look at her. A millisecond, for the record. "ANO?!" finally he responded verbally. "Narinig kong sinabi ninyo ang 'ROSARY'. And then?" "—Aster, siya si Rosary! Tingnan mo!" I messaged him through telepathy. Umiling iling naman si ugok. "Alam ko kung sino yun. Pero hindi ko na matandaan ang mukha." WHAT?! Are you cereal? (serious) Gruuuumblee... Napatingin kaming lahat sa babaeng as far as I'm concerned, ay si Rosary nga, except something remains unparallel. She's a human! "—P-pwede po bang..." naghintay kami ng sasabihin niya. "Pwede po bang..." She's madly blushing. "—PWEDENG TUMAE? Yun ba ang hindi mo masabi?" singit ni Aster. Ogad 'cultured gentleman' siya ng lagay na yan. Lalong namula si Rosary. Nilapitan ko siya. "Wag mo siyang pansinin. Ituloy mo. Yun ba ang gusto mong gawin?" Umiling si Rosary. "Hindi p-po. G-gusto ko lang pong itanong kung pwedeng makikain. Eh kasi kaninang umaga pa ako hindi kumakain—" I heard enough. Hinila ko siya palabas ng aming dressing room at nagtungo sa kitchenette. Nandun ang head chef na si Rosmerta na patapos na sa ginagawa nitong clubhouse sandwich. Pinaupo ko si Rosary sa isang stool bago ko tinawag ang chef. "Pwedeng amin na lang yan?" request ko sabay ngiti. "Ahaha, sure sure! Marami pa naman akong gagawing ganito eh." She placed the plate in front of Rosary. Nilantakan niya yun agad agad. "Rosary, saan ka nanggaling?" random question playing in my mind. Kanina ko pa sinusubukang basahin ang kanyang utak pero wala akong mahinuha. "—Hindi po Rosary ang pangalan ko. Ako po si Cerylle!" aniya habang ngumunguya. **** Aster's POV: "WAHAHAHAH~" napahagalpak ako ng tawa sa huling telepathic message ni Kan. Ang sabi niya ang pangalan daw nung nag-aapply na maid ay Cerylle! Yun ang name ng favorite na pornstar namin ni Fait! Hahaha~ "Aster magigising na yang si beb pag di ka pa tumigil sa kakatawa. Ano ba napapraning ka?" saway sakin ni Fait. So ako lang pala ang kinakausap ni Kan! "Ano'ng gagawin natin sa babaeng yun? She can't stay. I don't like her." "WHAT?! BAKIT KA BA NAGKAKAGANYAN? HEARTLESS KA BRAD?!" did Fait just raised his tone?! "WHOA FAIT! Naka-illusion mode ba yang mga mata mo? I can't hire someone whose hands are dirty, who smells of grime and road, who wore a beggar's clothes! Antigoné is OUR family's princess! Hindi ko hahayaang sa ganun ko ipapaalaga ang kapatid ko—" "—I'll saw to it na kakainin mo yang sinabi mo." I heard Kan's voice inside my mind. That asshole! Binabasa na naman niya ang mga iniisip ko! I don't get them! Bakit nila gusto ang babae na yun? **** Cerylle's POV: I smacked in the air sabay himas sa aking tiyan! BUSOG BUSOG! "Tapos na po akong kumain— K-Kan." yun oh. Kilalang kilala ko siya at ngayong nakasama ko na siya nang personal, napatunayan kong maling mali ang mga akala ko tungkol sa kanya. Akala ko masungit siya at siya ang pinakasuplado sa kanila. Akala ko hindi siya mabait. At akala ko hindi siya gwapo. Yung inaakala kong siya ay yung lead guitarist pala nila! Hmm... Masyadong maaga para magjudge. Eh kasi kamusta nga naman ang hitsura ko di ba? Ilang araw na lang taong grasa na ang labas ko. Ikaw ba naman ang matulog sa kalsada. Buti na lang talaga napadpad ako dito— may naalala nga pala ako. "Y-Yung tungkol po sa trabaho?!" pigil-hininga kong tanong. Pleeease hire meee! "Ahh... Tanggap ka na. Pero hindi ako ang magiging amo mo—" "S-sino, yung drummer ninyo?" "Hindi rin." Kung ganun ang magiging amo ko ay yung masungit nilang Lead guitarist?! "—Ang magiging amo mo ay yung kapatid niya kaya wag mo siyang susundin sa mga iuutos niya." Ohh... "S-sinong kapatid? Yung batang babae na nakahiga sa sofa?" Tumango siya. "Tapos, kung pwede may hihingin akong pabor. Ayos lang?" Si tango agad ako. Aba'y pinakain niya ako kaya dapat lang na return the favor! Pero ano ba yun? —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 8th Madness Aster's POV: PESTE KA KAN! READ MY MIND YOU IDIOT! NASAAN KA NA?! NANDITO NA ANG FLOOR DIRECTOR! "Oh nandito na pala si Kan—" anang floor director na nakasungaw lang sa bukas na pinto ng dressing room pero nakapaling ang atensyon niya sa kaliwa. Sumungaw na rin si Kan tas may kasama siya. "Support bassist natin for tonight. Si Miss Cerylle." announce niya sabay hila sa kasama niyang chix— DON'T TELL ME SIYA YUNG GUSGUSING PULUBE KANINA?! "Siya nga Aster!" sagot naman ni Kan through telepathy. I can't believe it. In the shortest time— the girl in front of us smells nice. Her hair is in waves. Okay, I hate to admit it pero gusto ko ng built niya. Bagay sa kanya ang suot niyang puting tube mini-dress na pinartneran ng black tooled boots (na technically ay para kay Mika). BONG! BONG! Pumasok ang manager namin na may dalang pompyang. "HUY! KILOS NA!" Ginising ko si Antigoné. All I did is wave my hand across her face. "A-Aster?" she blinked innocently. "Magpeperform na kami. Dun ka na sa backstage. Di ba vivideohan mo kami?" "AYE!" pagtayo niya, nakita niya si 'Cerylle'. Antigoné just stared at her for a couple of seconds tas wala naman siyang sinabi na kung ano. I think my little sister likes her. BONG! BONG! Pumompyang na naman si sir Pedz! Isa isa na kaming nag-alisan ng dressing room para hindi kami marindi pa! **** Cerylle's POV: H-H-Hindi ko yata kaya ang pabor na hinihingi ni Kan! Grabehan sa pangangatog ang mga tuhod ko habang inaunzip ko ang isang bass guitar na iniabot sakin ng isang staff! Ni hindi pa kaya ako nakakatugtog ng gitara kahit kelan... Naku baka magkalat ako! Nakakahiya sa mga fans ng ForMad! Baka abangan nila ako sa labas at ipasalvage! I suddenly felt a hand on my shoulder. Alam kong si Kan yun. Kaso nung nagsalita— "Magrelax ka. Huminga ka ng malalim tapos lambutan mo ang katawan mo. Everything will be fine." yun ay walang iba kundi si Mr. Namamahiya! HIMALAAA! Narecognize na niya ako bilang tao! "Tara—" hinila niya ako then we joined everybody kasama pati mga staff at mga directors. Nag-group hug kami. Naki-group hug din ako kunwari belong ako sa kanila. Aster placed his hand in front. Sumunod ang lahat hanggang sa nagpatong patong na ang mga kamay namin. "FORMAD IS FOREVER!" sigaw nila simultaneously. Ahh yun ang battlecry ng team ForMad! Now I know! After that, nauna ang tatlong boys na lumabas sa stage. Susunod din ako, but before I go, may humila sa skirt ng suot ko. "Goodluck." anang little girl na kapatid ni Aster. Ang cute niya. Para siyang hindi tao— I mean, she's too pretty to be true. Binigyan ko siya ng maiksing tango bago ko sinuong ang napakalaking problemang kasasangkutan ko. Nasilaw ako sa mga ilaw paglabas ko sa stage. Nakakalula ang dami ng mga tao! Bukod pa diyan, nabibingi ako sa sigawan! Kanina isa lang akong gusgusing pinanonood ang mga chikas na fans sa labas. Ngayon, para akong prinsesa at silang lahat naman ang nanunuod sakin! Nakapwesto na ang mga original members. Nakaupo na sa drums sa bandang likod si Farfait. Si Kan naman ay nasa gitna. Si Aster ay nasa kaliwa ni Kan. Pumuwesto ako sa kanan. Kumilos si Aster. Idinikit niya ang labi niya sa mikroponong nasa harap niya. "WE ARE FORMAD!" Naghiyawan ulit ang mga fans. Tapos nun si Kan naman ang lumapit sa kanyang mic stand. He strummed his guitar and sang— Magdamag naggigitara, ang bagal ng gabi Maraming iniisip ngunit wala pa ring masabi Nagsawa ka na ba? Subukan mong tumawa Tigilan ang pag-iisip, ipagpatuloy ang pananaginip... Nagulat ako nung bigla na lang kumilos nang kusa ang aking mga braso! Naggigitara ako! MARUNONG AKONG MAGGITARA! Hindi ko maalala ang lyrics ng kanta Kahit ako ang gumawa, iba naman ang nagsalita Mahirap talaga kapag inaasahan ka Awitin ang mga tula na nagmumula sa pera... Ang cool lang talaga! Nagduet na sina Kan at Aster— Di ko inakala na magkakaganito Wala namang nagsabi na malabo ang mundo Di na rin namin inaasahang maintindihan Alam naman nilang wala kaming pakialam Kung saan man tutungo at kung kailan kami hihinto Kung bukas man o bukas pa, tuluyan nang tapusin ang kanta... Pagkatapos ng chorus, pareho silang nag-wink at nagflying kiss pa sa fans. Nakita ko lang sa monitor sa side. Kyaaaa~ pati ako kinikilig! **** Asha's POV: —Wag mo na silang isipin pa Ayoko nang unahin ang iba sa pagkanta... HALA HALA HALA! Kumakanta na si Prince Kan my labs?! Uhuhuh~ NO WAY! As in literally no way! Nagkandaligaw-ligaw na ako dito! Nasaan na ang lobby? Nasaan na ba ito?! I don't see any window! —Di ko inaakala na magkakaganito Wala namang nagsabi na malabo ang mundo... I believe in the power of LOVE! Susundan ko ang boses ni Prince Kan! "—Owmm... Uhmm.. Nakikiliti ako— uhh.." EW. Ano yun? Bat ang laswa ng naririnig ko?! Ganun na ba ka-dirty ang pantasya ko kay prince Kan? "Uhmm... Kiss me babe—" Wala na naintriga na ako! Sinundan ko ang mahalay na ungol, na nasa isang likuan lang naman pala galing— ABA'T TONG MAUREEN NA TOOO! Mabuti na lang at nakapagtakip ako ng bibig. Hinayaan ko lang na makipaglaplapan ang friend ko sa guy na nagpapasok samin kanina— OH! Didn't he just said na siya ang bagong bassist ng ForMad?! Ehh sino yung—?! "Hrrggh... Uggh.." nag-iba paunti unti ang ungol ni Maureen. Parang boses ng nasasapian! Aksidente niyang napunit ang manggas ng suot ni Guy. I saw a tattoo, more like an inverted cross ganun. Bakit magpapatattoo lang ng krus pabaliktad pa? Is he Anti-Christ?! He pushed Mau. Sumuka ang friend ko pagkalayo sa kanya. Kadiri! She puked something green and gooey! "Hahaha~" tumawa ng nakapanghihilakbot si guy. Then he patted Mau's head. "Be a good girl Mau... Go and fuck them. ALL OF THEM!" I'M SO SCARED! I'M TOO SCARED PARA LAPITAN ANG FRIEND KO! I know this is the thing that I'm dreading! Tumakbo ako palayo. Forget about the concert. I need to be safe! **** Aster's POV: We moved on to our next song na personal choice ni Kan. Nasa ayos ang lahat kahit wala si Mika. That Cerylle girl has some talent in projection. Acoustic mode kaya nagbeat box lang si Fate. Ako naman, gitara lang. A quiet man of music denied a simpler fate He tried to be a soldier once But his music wouldn't wait He earned his love through discipline A thundering, velvet hand His gentle means of sculpting souls took me years to understand... Masyado akong apektado sa kantang ito at hindi ko maintindihan kung bakit— The leader of the band is tired and his eyes are growing old But his blood runs through my instrument and his song is in my soul... Ang akala ko wala na akong marerecall tungkol sa kabataan ko... My— Inagaw ko ang next part kay Kan— My life has been a poor attempt to immitate the man I'm just a living legacy to the leader of the band... My voice got a bit shaky at nag-iinit ang gilid ng mata ko... Tingin ko umiiyak ako— For the first time, bumalik sa alaala ko kung ano ang hitsura ng papa ko. He's here. He's watching me... I thank you for the music and your stories of the road I thank you for the freedom when it came my time to go Nakikita ko siya mula sa kinatatayuan ko. Wala siyang ipinagbago. Ganun pa rin ang hitsura niya... I thank you for the kindness and the times when you got tough... And Papa, I don't think I said 'I love you' near enough... I reached out my hand habang papalapit ako sa edge ng stage. Papa... Nahihirapan na po ako... Natatakot na ako... Iligtas mo po ako... Please— BLAGADAG! "AAAAYYY!" tili ng mga fans. I'm too numb to move... Please... **** Kan's POV: 'Nagpatihulog sa stage ang lead guitarist ng ForMad. Baka nakadroga.' Yan ang surebet na headline bukas. Medyo may kataasan pa man din ang stage. Pababa na sana ako nung parang may ingay sa backstage. "—MISS BAWAL KA DITO! WAG KANG MAG-ESKANDALO!" sigaw yun ng aming manager. May babaeng naghihysteria at parang takot na takot. "Y-YUNG FRIEND KO! S-SHE TURNED INTO A MONSTER AFTER A KISS WITH YOUR SO-CALLED NEW BASSIST! P-PLEASE SAVE ME!" Raaaawrrr! Sa crowd ako bumaling pagkatapos kong makarinig ng rasping sound. Mabilis talaga ang kagatan lalu na kapag siksikan at closed space! Nagpanic ang mga tao hanggang sa nagkaroon na ng stampede. May mga gustong umakyat ng stage pero hinarangan sila ng security na na-assigned para samin. Pinaglalabas nilang lahat ang mga baril nila ngunit di alam kung sino ang babarilin! "AAAAHHH!" tumili si Antigoné at pati na yung fan na naligaw. May infected na dumamba sa manager ng ForMad habang nakasungaw sila from backstage. Agad hinila ni Fait yung dalawa papunta dito sa stage. Working na ang force field barrier ko that time kaya dito sa stage ang safest spot. "SI ASTER?!" tanong ni Fait. "Sakop siya ng barrier ko pero kailangan niyang jumoin dito dahil lumiliit ang perimeter ng barrier ko gradua—" "BUBUHATIN KO SIYA PAAKYAT DITO!" matapang na nagvolunteer si Cerylle. Inumpisahan na niyang bumaba ng hagdan. Gumawa si Fait ng isang ilusyon, or fake environment para ilayo sa stage ang wave ng mga infected. Smooth ang lahat... Tapos biglang namatay ang kuryente! Nagkaroon ng disturbance sa ere, partikular sa ibabaw namin! PATAY NA! Nakisabay pa sa gulo si Slenderman! —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 9th Madness Kan's POV: Ang Slenderman ay isang slang term para sa kapangyarihang nag-originate pa sa ibang dimension. Sinusundan nila ang mga nilalang na tingin nila ay pwedeng gawing container. Isa... Dalawa... Tatlo! BAAANG! Sinalpok ni Slenderman ang aking force field barrier. Nagkaroon ng reaction na hindi ko maipaliwanag, plus parang dinedrain ang kapangyarihan ko! Para siyang bading na nanghihigop ng lakas. I spewed blood. "Kan?! Hindi mo na kaya?!" nag-aalalang tanong ni Farfait. Constricted ang jaw niya. Malamang nahihirapan na rin siyang i-keep up ang paggamit niya ng illusion. Hindi kami yung combat-type eh. We always rely on Aster pero siya pa ang naunang natumba. Kung di ba naman kami inabot ng sunod sunod na kamalasan. Dinura ko yung tirang dugo sa bibig ko. "Kaya pa! Wala pa ako sa limit ko no?" Sagad na ako actually, pero kailangan kong palakasin ang loob ni Farfait. Dumukwang ako sa ibaba ng stage. Nagulat ako nung may infected na palang nakalapit kay Aster! Malapit na siyang i-mucho— BANG! Na-headshot yung infected. Si Cerylle yung nagpaputok gamit yung handgun na pag-aari ng isa sa mga security personnel na pawang mga undead na ngayon. Maliit na lang ang barrier ko. Ma-hahassle pa sila pag aakyat pa ng hagdan. Kahit hinaharang ko pa rin ang intrusion ng Slenderman, gumamit ako ng telekenesis. Pinalutang ko si Cerylle at si Aster paakyat ng stage. "WHOA ANG GALING!" Cerylle, hindi ito ang oras para ma-amaze. "Isipin na natin kung paano tayo tatakas. Hindi uubrang nandito lang tayo—" sabi ko sa kanila. "—Kanina habang naliligaw ako, halos napuntahan ko na ang lahat ng sulok. S-sa ilalim nitong stage, may kwarto kaso hindi ko alam kung ano ang nasa loob; pero sure akong mas madaling makarating sa exit kesa pag galing ng backstage! Tapos sa may labas nag-aabang ang limo ko!" biglang umepal yung babaeng nagtrespass kanina sa backstage. Anyway, very nice suggestion. "Farfait, tuktukin natin tong stage dali!" utos ko. Nag-stomp kami ni Farfait. Crank! Bumigay yung sahig, pero bahagya lang. "Sige pa Farfait—" Nagcharge ang Slenderman. Nakakainis lang. Hinihigop niya ang kapangyarihan ko tapos ginagamit niya yun para gibain ang depensa ko. Parang ginigisa niya ako sa sarili kong mantika! Dun na ako bumigay. Napaluhod ako tas tuloy tuloy na ang pagsuka ko ng dugo— "K-Kan hindi ko na rin kaya—" sa likuran ko, nakasalampak na rin si Farfait. Lumuluha na siya ng dugo. Wala na ang barrier... Wala na din ang illusion... Nagsimula nang mapaling ang atensyon ng mga undead dito sa stage. Akala ko katapusan na namin— **** Hio's POV: With little magic, para kaming invisible na dinadaan daanan lang ng mga infected. "Shall, matagal pa ba yan?" kinalabit ko ang aking asawa. "Eto na. Inipon ko na ang lahat ng bakal na meron dito—" Sa kumpas ng mabigat na kamay ni Shall, nagsilutangan ang lahat ng bagay sa paligid na may metal property. Pumalibot ang lahat ng yun sa stage at siyang nagsilbing pangharang para walang infected na makalapit sa mga bata. Ako naman ang next na kumilos. Itinapat ko ang palad ko sa makulit na Slenderman na naligaw lang dito sa dimensyong ito. "PORTAM TONITRUI DEUS!" Dumaloy sa kanya ang milyong boltahe ng kuryente. Kaagad nadisfigure ang slenderman tapos ay naglaho na ng tuluyan. Good decision. Wala akong balak tigilan siya hanggat di siya nawawala. "Halika na mahal ko. Nakilala na ako ni Aster. Atsaka makakaligtas na sila ngayon." Nakahawak pa rin siya sa railings at parang ayaw niyang bumitaw. Mataman siyang nakatingin sa direksyon ng stage at puno ng pananabik ang kanyang mga mata. "Ang baby natin... Wala pa siyang isang taon sa piling ko tapos—" "SHALL HINDI BA ANG SABI KO SAYO HINDI PA NATIN SILA PWEDENG MAKASAMA NGAYON?! WAG MATIGAS ANG ULO!" Tiningnan niya ako ng masama. "I knew it! Hindi mo talaga mahal si Antigoné natin!" "Siraulo! Bakit hindi ko mahal ang anak ko?!" jusko mag-aaway pa yata kami dito sa gitna ng mga naglalapaang infected! Ang awkward! "LALAPIT AKO SA ANAK KO AT HINDI MO AKO PIPIGILAN KUNDI TUTUSUKIN KO YANG MATA MO!" Kita mo to nagbanta pa ng hostility sa nanahimik kong mata. Hinawakan ko siya magkabilang balikat. "Oh sige papayagan na kitang lumapit kay Antigoné, PERO SA IBANG GABI. Pupunta pa tayo ng Area 1 ngayon eh." "Sige na nga..." napipilitan niyang sagot. Palayo na kami nung lingunin kong muli ang stage. Narinig ko ang mga sinabi sakin ni Aster na iligtas ko daw siya... Grr.. Ang mga hayup na yun. Winalanghiya nila ang mahal kong anak! Hindi ko sila patatawarin! **** Shall's POV: Totoo nga yung sinabi ni Hio na kahit sasaglit na panahon lang kaming nanatili sa isang lugar na may time seal, malaki ang magiging time difference namin mula sa orihinal na oras. Nakakagulat na magkasama pa rin kami ng aking asawa, akala ko noon ay mawawala na siya sakin... *FLASHBACK* "May dalawang paraan para iligtas ang pinakamamahal mong si Hio." sabi sakin ni Redder. "Ano ang mga yun?" "Ang una ay ang ibaon mo yang espadang hawak mo sa kanyang dibdib. Yun naman ang gusto niya after all." "Eh yung pangalawa?" "Ang pangalawang paraan ay gawin siyang tao muli. Ngunit para magawa yun, kailangan mong i-trade ang existence mo para sa kanya. Tandaan mo lang na sa oras na mawala ang iyong existence, mabubura ka sa alaala ng lahat ng mga nakakakilala sayo." I asked Redder. "Bakit mo siya tinutulungan? Ano para sayo si Hio?" "—Siya ay mas mahalaga pa kesa sa sarili ko. Yun lang. Enough talk and decide now." Ano ang pipiliin ko sa dalawang choice para iligtas si Hio?! [A/N: Please pakireread na lang yung 2 choices sa Forlorn Madness: CRO] Ano yung mga nakita kong pangyayari? Mga premonisyon?! Uhh... Nasa harapan ko na si Redder. Nakadikit ang isang daliri niya sa aking noo. "Ipinakita ko sayo ang magiging bunga ng iyong desisyon." aniya. Sunod sunod ang aking pag-iling. "H-Hindi... Anuman ang piliin ko... Walang magiging masaya..." Lumayo din sakin si Redder tas lumapit siya kay Hio. "Iyon lang ang mga mangyayari kapag ikaw ang nagdesisyon. Kaya naman— ang desisyon ko ang susundin natin sa pagkakataong ito." Nagliwanag bigla ang buo niyang katawan. Kinokontra ng liwanag na yun ang darkness sa katawan ni Hio. "A-Anong binabalak mo?" maang kong tanong. "—Mas marami siyang himalang nagagawa kumpara sakin kaya sa tingin ko ay hindi ko pa siya hahayaang magpahinga." I failed to ask another question. Kumalat sa buong chapel ang liwanag. Matagal na plain white lang ang nakikita ko. Nung maglaho ang liwanag, wala na si Redder pero nakita ko si Hio, ang mahal ko. Nakatunghay siya sakin habang nakalahad ang isa niyang kamay. Inabot ko yun at nagpaakay sa kanya para makatayo ako dahil nakahiga ako sa maalikabok na flooring ng chapel. "Totoo ka ba?" tanong ko sa kanya, almost a whisper. Nangiti siya. "Naalala mo ba, tinanong ko yan sayo dati. Halika na. Hinihintay na tayo ng mga anak natin." We were about to go outside the chapel pero sa pinto pa lang ay naharang na kami ng isang unknown force. "Anong nangyari?" I asked apprehensively. "—May gumawa ng isang time seal! Pero bakit?!" "ANO PA?! GUSTO NILA TAYONG IKULONG DITO!" sagot ko. Umiling si Hio. "Kung gusto nila tayong ikulong, maraming malalalakas na barrier ang available. Tingin ko somebody is buying our time." Impatient na ako. Nag-aalala ako sa mga bata. "Magtatagal ba tayo dito?!" "Hindi. Kayang kaya kong i-negate ang epekto ng time seal kaya wag kang mag-alala." Tinupad ni Hio ang sinabi niya. Napawalang bisa niya yung time seal kaso ibang-iba na ang hitsura ng aming mansyon. It's a total wreck! Rrraaaarggh... Hwrrggggh... Ano ang mga yun? Mga gravehunters?! "BAKIT MERONG MGA GRAVEHUNTERS SA COURTYARD KO?!" Nagtinginan samin yung mga gravehunter. Kinuyom ko ang palad ko tas inuppercut yung unang lumapit sakin. "ANG MGA BATA?!" kinakabahan na ako. Aster, Antigoné, please be safe. "Hanapin natin sila sa loob ng bahay." suhestiyon ni Hio. Pati sa loob ay may mga pesteng gravehunter! Inawat ako ni Hio nung susuntukin ko yung isa na papalapit. "WAG! Iwasan mo ang contact sa kanila. May kakaiba sa amoy nila at sa tingin ko ay contagious sila." Ugh... Gaano katagal ba kaming natrap sa loob ng chapel?! "Icheck natin ang kwarto ng mga bata." Inuna namin ang kwarto ni Antigoné. Wala dun ang baby ko. Nanlulumo tuloy akong napasandal sa bakanteng kuna. Please... Hindi ko makakaya pag nawala sakin si Antigoné. Ang tagal ko siyang hinintay mula kay Hio at sandali ko pa lang siyang nakakasama... "Tara sa room ni Aster." yakag ni Hio. But I jerked away when he held my arm. Nakakainis siya! Wala man lang siyang sinabi ngayong nawawala si Antigoné! "—Shall wala akong oras ngayon para sa PMS mo. TARA NA." Okay. I followed him. Nagpunta kami sa room ng pinakamamahal niyang anak. Bukod sa sari-saring clutters, we found stacks of papers. Aster loves writing. Dinampot ko yung papel na nasa pinakaibabaw at binasa yun— May dumating na mga vampires dito sa bahay pero wala sina mama at papa kaya ako yung humarap sa kanila. Nagpakilala silang tauhan ng angkang Vral. Sinabi ng mga panauhin na gusto daw akong ampunin ng pamilyang yun. Weird. Eh di ba may mama at papa pa ako? Kaya bakit ganun— Hio snatched the paper from me. Then he muttered. "Sinasabi ko na nga ba..." —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 10th Madness Asha's POV: OHNOES END OF THE WORLD NA BA?! Pwes bago magunaw ang mundo, yayakapin ko na si Prince Kan kooo! I flung my arms around him. "Prince Kan, bago magwakas ang buhay ko, gusto kong malaman mo na—" Shucks ang bango niya! "Lumayo ka sakin kundi kakainin kita. Nagugutom pa naman ako." Ihhh... Anu bey... Sige na kainin mo na ako please? "O-Okay lang! I'm yours!" aaahh grabecious Asha! Pakalandi mo! Pero chance na eh! NAPANSIN NA NIYA AKO! "Sinabi mo na yan ah?" yiee mas sumexy pa lalo sa pandinig ko ang boses niya! Niyakap niya ako, as in medyo may pagkahigpit. Tapos tumaas ang mga balahibo ko whe he licked my neck. All the way na, madilim naman eh— CRUNCH! Aaahhhh?! OUCHHHIEE! ANG SAKIIIT UHUHUHU MOMMY KOOO~ Mayamaya parang nawala yung sakit. Namanhid ako ng todo. Lumayo sakin ang prince ko. Pinagmamasdan niya ako... Hay pwede na po akong mamatay... **** Kan's POV: "Oy Kan, patikim naman!" siniko ako ni Farfait. Dahan dahan kong pinaupo yung babae at isinandal kay Fait. "Wag mong patayin yan ah?" "PINGI RIN AKO!" sabi ni Antigoné. Inabot ko sa kanya yung pulso. "Tikim lang Antigoné ah?" "HOOOY ANONG GINAGAWA NINYO SA KANYA?!" pinandilatan kami ni Cerylle. "Gangbang." I answered coolly. "We're mosquitoes!" ani Antigoné pagkaangat niya ng ulo niya. Itinulak ko na si Farfait. "Fulltank ka na, umalis na tayo dito." Buhay pa naman yung babae. Ako na ang nagbuhat sa kanya. "Fait buhatin mo si Aster. Ikaw Cerylle, hawakan mong maigi si Antigoné." Sinipa ulit namin ni Farfait ang sahig. Nagiba na rin sa wakas. Bumagsak kaming lahat sa ibaba pero alalay ako kay Cerylle dahil nga tao siya. "Stockroom ito." ani Farfait. Tinadyakan ko ang pinto. May mga infected sa corridor. Itinaas ko ang braso ko, shoulder level. "Navigate..." ipinikit ko ang mga mata ko tapos ay luminaw sakin ang lahat ng sulok ng lugar. Approximately 12 meters ang layo namin mula sa exit. Gumawa ako ng force field barrier tube na ganun kahaba pero may kalahating dipa lang ang lapad. "Sundan ninyo ang trail ko at wag kayong magkakamaling umalis sa gitna o sumandal sa mga pader." utos ko sa kanila. Halos magsiksikan sa magkabilang gilid ng corridor ang mga infected pero ang maganda dun ay hindi nila kami maaano. I keep glancing behind just to check na nakasunod sina Farfait sakin. Pagdating namin ng Exit— THUD! THUD! "ANAK NG PATING SINO ANG NAGSARA NG EXIT?!" Sa pangatlong bayo ko bumukas ang double door. Tumalsik ang kadena at padlock na ginamit para ilock yun sa labas. Nagulat yung malaking security guard sa paglabas namin. Naibagsak ko ng de oras ang buhat kong dalaga para lang sugurin ang guard. "—PASAPAK NGA MUNA?!" Binigyan ko siya ng isa. Napasandig siya sa may gate. "Huy Kan, tama na yan, tara sibat na tayo." awat sakin ni Farfait. Binalikan ko yung buhat kong babae bago namin pinuntahan yung limo na sinasabi niyang naghihintay sa kanya. Nagulat yung driver nun nung nagsipasok kaming lahat ng kotse. "S-SINO KAYO? A-ANONG NANGYARI KAY SENYORITA?!" "—Mga kaibigan niya kami. Magdrive ka lang. Ihatid mo kami sa Atrus Tower." Dahil wala naman siyang choice, nagdrive na lang siya. Nilingon ako ni Fait. "—Paano yung mga infected Kan?" I shrugged. "I'm sure gagawan yan ng paraan ng Black Church." I glanced at Aster. Sinadya kong tumabi sa kanya para masuri ko ang nangyayari sa kanya. "—Aster should be awake by now pero hanggang ngayon ay hindi pa nangyayari yun. I'm going." Sumimangot si Cerylle. "Going?! Ang dami kong hindi maintindihan sa inyo—" Ngumiti ako and then I put my hand on Aster's shoulder. "I'll explain everything. Maghintay ka lang..." I closed my eyes and let the darkness suck me to the deepest pits, or where Aster could have been. Sa pagdilat ko ng mga mata ko, natagpuan ko ang sarili kong nakatayo, habang nakahawak sa balikat ni Aster. May mga puting laso na nakatali sa magkabilang braso niya, five ribbons in each arm. Kada isang puting laso na yun ay nakatali sa mga nilalang na nasa likod ni Aster o mas kilala bilang ang kanyang mga inner soul. Lahat sila ay nakasuot ng puting roba at may taklob sa ulo na cone-shape. Nakatingala si Aster sa isang mayabong na puno sa aming harap na kulay puti ang mga dahon. "Aster? Anong lugar ito?" tanong ko sa kaibigan ko. Tulala pa rin siya sa puno pero bigla siyang nagsalita. "E-Erdan... Nakapunta na ako dito... Dati..." Erdan? Nasa ibabaw kami ng isang burol. Dahil may kataasan ang aming kinaroroonan, tanaw ko sa banda roon ang isang kastilyo pati na ang kapitolyo niyon. "Aster, ano bang tinitingala mo diyan?" Nakitingala na din ako para malaman ko kung ano yung tinitingnan niya sa itaas ng puno— Napanganga ako sa gulat dahil may nilalang na nakaupo sa sanga ng puno. Ang suot niyang puting yukata ay nakikibagay sa kulay ng mga dahon. Ang kanyang mukha, ay ang mukha ko rin liban sa ibang marka sa ilalim ng kanyang mga mata... "SENRI! NANDITO KA?!" Ngumiti siya at lalo pa siyang sumandal sa puno. "Kamusta na aking kakambal... Akalain mong dito pa tayo magkikita?" Sa tinagal tagal ko siyang hinanap, hindi ko napaghandaan ang muli naming paghaharap. "Senri, sabihin mo sakin kung nasaan ang katawan mo. Tutulungan kitang makabalik sa mundo—" Iling ang kanyang naging tugon. "Hindi. Pabayaan mo na ako. Mas gusto kong manatili dito. Ayokong magpagamit kahit kanino. Kahit pa sayo mismo." "Nagkakamali ka Senri, hindi ko kailangan ng iyong kapangyarihan, ang gusto ko lang—" "TALAGA KAN? Wag kang mag-alala... Malalaman mo rin kung nasaan ang katawan ko sa tamang panahon. Nakita ko na mangyayari yun." Tumalon si Senri mula sa puno tapos ay lumapit siya sakin. Tinitigan niya ako nang mata sa mata. Nagpalit ng kulay ang kanya. "—Mag-iingat ka aking kakambal... Anong malay mo at baka isang araw ay magkasama na pala tayong dalawa dito. Haha!" Pinanood ko siyang lumayo at bumaba ng burol. Iniisip ko ang sinabi niya kung isa ba iyong babala o premonisyon? Si Senri ay may biyaya na makasilip sa hinaharap. Alam na niya ang lahat bago pa iyon maganap. Saglit ko lamang nakasama si Senri sa totoong mundo pero hindi pa naman siya patay. Iniligtas niya ako noon mula sa kapahamakan. Imbis na ako, siya ang nagkaroon ng mga sugat na kahit kelan ay hindi na gagaling pa. Halos magkahiwa-hiwalay pa nga noon ang ilang bahagi ng kanyang katawan subalit hindi ako sumuko sa kanya. Nananatili sa patibok ang puso niya pero ang kanyang diwa at kaluluwa ay patuloy na naglalakbay... "Aster, bumalik na tayo." Pagkabitaw ko kay Aster, natauhan ako sa loob ng limo. Natauhan na rin pati si Aster. Bumuntong hininga si Farfait. "Hay pinag-alala niyo ako mga ungas! Malapit na tayo sa Atrus." "S-Sino yun?" itinuro ni Aster yung babaeng may-ari nitong sinasakyan naming kotse. "Malay." Mayamaya dumukwang siya at kinapkapan yung babae! "WOOOOH! Aster chancing mode oh!" kantyaw sa kanya ni Farfait. Di siya pinansin ni Aster. Talagang kinapkapan niya yung tao hanggang madukot niya yung wallet. "Kinagat niyo to? May sugat eh—" aniya sabay bukas ng wallet na nanenok niya. "No choice. Pinabayaan mo mga master mo eh." I explained. **** Aster's POV: Inisa isa ko ang laman ng wallet nung chix na nilantakan nila. Bukod sa pera, nakakita ako ng school ID, at calling cards na iisa lang ang nakaprint. Sa school ID, ang pangalang nandun ay Anastacia Grandpre. Binasa ko yung calling card. "G-TV. Ito yung network na matagal na tayong kinukulit hindi ba?" "So?" Kinuha ko yung isang card at ibinulsa. Yung wallet, ibinalik ko sa babae. "—Kailangan natin ng malakas na promoter. Tingin mo ba hindi masisira ang ForMad pagkatapos ng nangyari sa concert?" "Atrus na to. Manong ihinto niyo na. Bababa na kami." ani Kan. Bumaba ako, si Kan, si Fait, si Antigoné, at— "Talagang desidido kang magtrabaho para sakin?" I crossed my arms habang matamang nakatingin kay Cerylle. "Opo! Kailangan ko po talaga ng work." tingin ko pag sinabi kong luhuran niya ako, baka gawin niya. Mukha siyang kawawa. "Oh sige. Mag-usap tayo sa taas." Sa penthouse ng Atrus tower ang condo unit ng ForMad. Pag-aari namin ang buong tuktok ng Atrus at sobrang laki nun. Bukod sa anim na kwarto, mayroon pa kaming studio. Hinila ko kaagad si Cerylle papasok ng kwarto ko. "WALANG PAPASOK." babala ko sa kanila. "—Hindi naman niya siguro iiscoran yun?" bubulong bulong pa si Fait kay Kan. "Hayaan mo siya." sagot ni Kan then hinawakan niya sa balikat si Anigoné. "Tara laro tayo ng Xbox Kinect." I closed my door and faced Cerylle. "Maupo ka." itinuro ko ang kama. "—A-Ano pong gagawin natin? M-madilim." Nung hindi siya kumikilos, lumapit ako sa kanya at pwersahan ko siyang pinaupo sa kama. "Hindi kita re-rape-in tanga. Sasabihin ko lang sayo ang ilang bagay. Nandito ka ngayon sa tahanan ng mga bampira." "A-ANO PO?! BAMPIRA?!" Napakamot ako ng ulo. "BINGI KA?!" "H-hindi po... Sabi niyo nga po bampira." May dinukot akong keycard mula sa bulsa ko. Inabot ko yun sa kanya. "Iyo na yan. Magpapagawa ako ng bago. Susi yan dito." "Salamat po." panay ang yukod niya, hanggang mamaya niyan makukuba na siya. "Marami kang bagay na dapat iobserve habang narito ka, una, dapat masanay ka na sa dilim. Gaya nito, this darkness is equivalent to broad daylight. Sa umaga wag na wag mong bubuksan ang blinds. Nakakamatay para samin ang sikat ng araw. Pangalawa, ayoko sa chismosa, sinusunog ko nang buhay—" "—N-Naku hindi po ako chismosa! SAFE po ang mga sikreto ninyo sakin." "Good. Pangatlo, pag-aralan mo na ang pagtugtog ng bass guitar. Panget kung laging aasa sa telekinesis." Namilog ang mga mata niya. "M-Mag-aaral po akong maggitara?!" "Oo. Hindi na kami maghahanap ng bassist. Pwede ka na. At panghuli—" Inilapit ko ang sarili kong mukha sa kanya. Dinig ko ang abnormal na heartbeat niya. Hindi rin niya malaman ang gagawin. "Hahahah~" lumayo din ako agad sa kanya. "—Don't fall in love with any of us. Or else, you're doomed. That's all. Now get out of my room." —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 11th Madness Hio's POV: BOOM! BANG! BANG! Tang ina Happy New Year! Nagsisipagsabugan ang mga matataas na building dito sa Area 1 at tapos nagsisipagtumbahan. Pag-snap ko ng mga daliri ko, may building na namang sumabog. Nagsimula na rin ang pagyanig nung pinagtatatapakan na ng mga undead ang landmines. "HUY ITIGIL MO ANG PAGPAPASABOG SA AREA 1!" Sa wakas may pumatol na rin sa pagpapapansin ko. Lumingon ako. "Magandang araw. Maaari ko bang malaman kung sino kayo?" tingin ko ay hindi bababa sa dalawampu ang dumating. Para silang mga prayle sa suot nila. "KUNG HINDI KA ISANG EVIL DRUID, BAWAL KANG MANGGULO DITO! UMALIS KA NA. LUMIPAT KA SA AREA 2!" Nalaman ko mula sa mga alaala ni Aster ang mga nangyayari ngayon. Fleeting na sa subconcious mind niya ang mga alaalang yun. Ibig sabihin, maaaring mawala na yun sa kanya. Originally ay may labintatlong Evil Druid subalit ngayon ay aanim na lang ang natitira, kabilang na dun ang aking anak. Ang isa ko pang nalaman ay si Licorice ang master ni Aster. "Nasaan ang mga Presbyter?" tanong ko habang nakangiti. "—Sino ka ba? Bakit ba ang kulit mo?" halatang inis na sila. "Isa lang akong hamak na Alchemist mga ginoo." Pinagtawanan nila ang sinabi ko. Nakitawa rin ako. "Hahaha... Alam niyo ba? Kapag ang tatlong Nitrogen ay nicombine mo sa Toluene ay makakalikha ka ng Trinitro Toluene?" "Wahaha—may sense ba yun? Eh pinagsama mo lang ang pangalan nila ah?" "Eheheh... Ang Trinitro Toluene ay kilala sa tawag na TNT. Gets niyo na ba?! Gusto niyo ng demo?" Nag-snap ulit ako. Sunud sunod na sumabog ang limang building na malapit lang samin. "TARANTADO KA AH?! SINABI NANG WAG KANG MAGPASABOG DITO—!" "—KAPAG HINDI NINYO SINABI KUNG SAAN NAGLALAGI ANG MGA PRESBYTER, NUCLEAR EXPLOSION NA ANG MANGYAYARI DITO! WAWASAKIN KO ANG AREA 1 NINYO!" pagbabanta ko. "Aba't talagang—" "Shaun, hindi siya kung sinong bampira lang! Nakita mo ba yung marka sa braso niya?" Napatingin ako sa sarili kong braso kung saan nandun pa rin ang simbulo na nagpapatunay sa akin bilang ang pinakahuling hari ng lahing bampira. "—Siya ang dating Hari?! ANG SABI SABI PATAY NA YUN! Peke siya wag kayong maniwala sa—!" BRAAAGAAAAM! One second, dumikit sakin si Shall na nanggaling pa sa malayo. Itineleport niya ako bago daganan ng kung anong napakalaking bibig ang kalsadang kinatatayuan ko. Sa laki nun, sigurado akong hindi nakatakas ang mga prayle. "Hio, may mga halimaw na rin pala dito." ani Shall. Nagreappear kami fifty meters away. Back and forth lang ang movement ng malaking bibig na yun na puno pa ng mata, at napakalayo ng range. "Shall, may ipagagawa ako sayo—" inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga sabay bulong. "Gawin na natin, pero mag-iingat ka ha?" I nodded. Ididisable namin ang nilalang at pagkatapos ay lalapit ako. Nag-ipon si Shall ng mga scrap metals sa paligid hanggang sa maging higanteng stake yun. Inabangan namin ang pagbagsak ng bibig na nakatihaya. Matagal ang time interval nun bago lumundag ulit kaya may advantage kami. "NGAYON NA SHALL!" TSHOOOK! Tusok nang tagus tagusan ang bibig. Nagbagong anyo pa ang stake habang nakabaon. Nahati yun sa dalawa at winakwak ang napakalaki at nakakadiring bibig. "NIGER LAMINAE PETALORUM!" sigaw ko. Lumabas mula sa aking magic circle ang mga itim na talulot. Nagpaikut ikot sila at saka parang mga patalim na bumaon sa mga mata ng nakakadiring laman. Nung wala nang activity sa bibig. Tumakbo ako para lapitan yun. Maraming maraming undead along the way kaya— "PORTAM COMBURENDUM IGNI!" I called for my gate of fire at pinagsusunog silang lahat! "Araaaay! Araaaaay! Uhuh~" Huh?! Sino yun? Pinaghahawi ko sa dinaraanan ko ang mga nauling na undead. Sinundan ko ang palahaw na sa tingin ko ay galing sa isang bata— AYUN SIYA! Humipan ako at kaagad na namatay ang apoy na kasalukuyang tumutupok sa kanya. Nilapitan ko ang bata. Nakapiring siya tapos puno ng kagat ang kanyang katawan. Mas lamang na nakakaawa siya kesa nakakadiri. "S-SINO KA?!" tanong niya. "A-AMA IKAW BA YAN?! AMA TULUNGAN MO AKO! SINAKTAN NILA AKO EH—!" Hinawakan ko siya sa kanyang pisngi. Ang isang kamay ko naman ay dumukot ng syringe mula sa aking bulsa. "Hindi ako ang ama mo, pero wag kang mag-alala, igaganti kita sa ginawa nila sa iyo—" "AHHH!" mabilisan ang ginawa kong pagbaon ng karayom ng syringe sa sentido niya. Nag-extract ako mula dun ng body fluid niya. Siya na yata ang may pinakamatapang na infected blood na tamang tamang gamitin mismo sa mga walangyang Necromancer. "Sige, aalis na ako." Binalikan ko si Shall at pagkatapos ay tutulak naman kami papuntang Area 2. **** Cerylle's POV: Grabeh... Ano ba itong pinasukan ko?! Daig ko pa ang naghanap ng sariling hukay! Bampira bampira... Di bali na nga. Tiis tiis lang. Kailangan ko ng pera at tinanggap nila ako dito na hindi man lang ako nirequire kahit Cedula! S-sana lang wag nila akong sasaktan? Mukha naman silang normal na tao para sakin. Mga five minutes pagkalabas ko ng kwarto ni Sir, bumukas ang pinto niya. Sumilip siya. "Kan, Fait! Pasok kayo dito, kakausapin ko kayo!" Lumapit yung dalawang tinawag niya tas pumasok sa loob. Naiwan sa may sala si Antigoné na nagsasayaw sa mat. Since katulong nila ako, expected na ako ang paglilinisin nila, kaya gagawin ko na. Wala namang masyadong kalat bukod sa mga damit. Sa sobrang daming damit aakalain mong nasa men's apparel section ka ng isang mall. Inayos ko ang pagkakasampay ng mga nakahanger sa sabitan, tas yung mga parang marumi na, inipon ko sa isang sulok para lalabahan. "Bakit mo pa yan dinadampot?" kinalabit ako ni Antigoné. "Ahh... Para lalabahan." sagot ko. Namaywang siya. "Alam mo, maaarte yang mga boys. Kapag nasuot na nila, hindi na nila isusuot ulit. Kaya wag ka nang maglaba." Ay grabe?! HINDI NA MULING ISINUSUOT ANG NAISUOT NA?! Ganun sila kayaman? Pero buti na lang at nasabi sakin yun ni baby girl. Atleast hindi ko na papagurin ang sarili ko sa paglalaba— "AW! NAKALIMUTAN KONG MAGTANONG TUNGKOL SA SWELDO KOO!" natampal ko ang noo ko. Tanga tanga ka Cerylle! "—Fourty thousand a month ang sweldo mo. Mag-open ka ng account sa bangko para dun ko iwawire ang sahod mo kada buwan." sabi ni Aster mula sa loob ng kanyang kwarto. Wow narinig niya pala ako. At WOW ANG LAKI NG SWELDO KO! "—Tara maglaro na lang tayo. Ituturo ko sayo ang room mo." hinawakan ako ni baby girl sa kamay tas pumasok kami sa isang kwarto. Kung sa labas ay men's apparel section, dito naman ay ladies'. Ang daming magagandang dress, bags at sapatos! Pati drawers pinagbubuksan ko dahil nawili ako. Nakasalansan sa mga yun ang mga mamahaling relo, alahas, at make up! "R-Room ko ba talaga to baby girl?" "Oo nga sabi. Room ito dati ni Mika pero wala na siya kaya ikaw na ang gagamit nito, okay?" "O-Okay..." Pumili si baby girl ng isang black mini dress na nasa isang estante tas niabot niya yun sakin. "Suot mo dali, tapos vivideohan kita!" "H-HA? EHH—" wala na akong nagawa. Dahan dahan kong inalis ang suot ko hanggang sa underwear na lang at— BIGLANG BUMUKAS ANG PINTO! "Aning a—" si Aster yung nagbukas na hindi man lang kumakatok! NAKAKAHIYAA! TIGILAN NA SANA NIYA ANG PAGTINGIN SAKEEEEN! Pulang pula na ako gaya ng Macopa! "Oh bakit ka nakahubad?" ngumiti siya nang napakahalay. NAKOO! "Hoy Aster lumabas ka na nga dito? Naglalaro kami ng dress up ngayon." go baby girl, palabasin mo ang kuya mong manyak! "Halika may sasabihin ako sayo." Haysalamat, I'm finally alone! Kaya ang unang unang UNANG ginawa ko ay nagbihis kaagad. Napaupo ako sa kama. Aaarghh... He saw me in my undies! NAKAKAHIYAAA! Patamaan niyo ako ng kidlat awa na! **** Aster's POV: HAHAHA~ What's up with that? She's a trying hard pornstar! "—Ano ba yung sasabihin mo sakin Aster?" amp. Ginulo ni Aning yung iniisip ko eh. "Aalis kami ni Kan. Maiwan ka dito kay Fait at Cerylle. Bantayan mo si Cerylle baka gapangin yun ni Fait." She pouted at me. "Anong gapangin? You mean magcracrawl si Fait kay Cerylle? That's gross." "May itatanong nga pala ako sayo... Dun sa concert, may naramdaman ka bang overwhelming feeling, yung parang lukso ng dugo, ganun?" Antigoné touched her chin. "—Hindi ko alam. Pero ang nararamdaman ko dun sa concert, parang may nagmamasid sakin..." I placed my hand on top of her head. "Sige na, maglaro na kayo. Wag kang lalabas ng bahay, okay?" "Okay." "Oh anong sabi ni Antigoné?" tanong ni Kan. Si Antigoné ang biological daughter ng parents ko; anumang pagpaparamdam mula sa kanila, tiyak na masasagap niya yun. Napag-usapan namin ang tungkol sa nangyari sa concert kanina. Mayroon daw tumulong samin— na malakas ang kutob kong parents ko nga. "Parang meron daw nagmamasid sa kanya. Yun na yata yun. Sugurado na talaga akong ang nakita ko sa concert club bago ako mawalan ng malay ay ang mga magulang namin. Buhay pa sila! Hahanapin ko sila! Pero bago yun, kailangan ko munang balikan yung ungas na gumago ng concert natin." Hindi ako papayag ng walang resbak. Bago matapos ang napakahabang gabi, ihahunt namin ang Evil Druid na mataas ang probability rate na nasa likod ng infection sa concert club. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 12th Madness Aster's POV: "6 p.m. bukas ang contract signing natin sa network at bukas na rin natin makikilala ang bago nating manager." tuloy tuloy kong eksplika kay pareng Kan as I was putting away my phone. Katatawag lang ng CEO ng G-Tv para sabihing interested pa rin sila samin. "Yun ay kung may lead guitarist pa ang ForMad bukas." di ko alam kung nang-iinis ba tong si Kan o nang-uungas? Which one?! Barubal kong ibinato sa kanya ang isang helmet. Nakasuot na ang sakin at nakamount na rin ako sa aking Ducati. Siya na lang talaga ang hinihintay ko. "Sakay na señorito!" Yumapos siya sa bewang ko kaya tinampal ko ang mga kamay niya. "WAG KA NGANG YUMAYAKAP PAG AANGKAS KA NG MOTORBIKE! NAPAKA-GAY MO!" "GAGO KA BA EH ANG BILIS BILIS MONG MAGPATAKBO NG MOTOR! SAAN MO AKO GUSTONG HUMAWAK?! DYAN SA STICK MO?!" "TARANTADO! BASTA WAG KANG KUMAPIT SAKIN TAPOS!" pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa parking. Lagi na lang kaming nag-aaway pag ang transpo ay motorbike. Pakiramdam niya lagi ilalaglag ko siya sa umaandar na sasakyan. Man he had a poor center of gravity. In the end, nagkasundo kaming sa balikat ko siya kakapit. Paglipas ng sampung minuto sa kalsada, biglang nawala si Kan sa likuran ko. I'm guessing nagteleport na siya sa isang mataas na tower building. Mula dun, tutulungan niya akong matunton ang kinaroroonan ng target ko. "Aster, naririnig mo ba ako? After two blocks, turn left sa intersection. Drive straight hanggang sa isang exclusive bar. Zero Nine ang pangalan nung bar." "Roger!" What the hell was an ED doing inside a bar? Nagkakalat na naman ng lagim? Pagdating ko sa Zero Nine, direcho kong binunot mula sa sheath ang katana ko. Hindi ko na hinubad ang helmet ko para walang makakilala sakin. "Boss, tanggalin niyo naman yang helmet niyo bago kayo pumasok dito. At saka ano yang dala niyo?" hinarang agad ako ng dalawang bouncer na pumuputok sa muscle ang mga katawan. "Ano tong dala ko?! GULO!" sinikmuraan ko yung unang bouncer gamit ang handle ng katana ko, while yung isa hinigh kick ko na lang. At nung may balak pa silang tumayo, pinagtatadyakan ko sila sa ulo isa isa. "Babangon pa kasi eh!" Nakarating ako sa loob na wala man lang may pakialam sa suot kong helmet o sa dala kong katana. Nakisayaw pa ako sa dalawang chicks na kumembot sa magkabilang gilid ko. Nasaan na ba yung ungas na yun? Ayun! Ayun! Pasayaw sayaw si tanga sa dance floor! Kala mo sinong maganda sumayaw eh. Sumugod ako sa dance floor tas inamba ko sa kanya ang dala kong katana— Pero natigilan ako nung ipangharang niya sa dulo ng espada ko ang isang chick na nahila lang niya. Plano niyang kagatin yun pero naagapan ko. "Inner soul release." I whispered under my breath. Pumasok sa bibig ng chick na yun ang isa sa mga inaalagaan kong inner soul, at dahil dun, kontrolado ko na ang katawan niya. Tinapakan niya ang paa ng target ko. Yung takong talaga ng stiletto niya yung bumaon sa paa ni tanga, and then kinatok niya na parang pinto ang pagmumukha nun. Itinulak sakin ng kalaban yung chick. Sinadya niya yun para makatakbo siya sa likuran. Sa may fire exit siya dumaan at prente ko siyang sinusundan. Ang nilabasan niya ay isang open-space na walang katao tao. Pabor sakin ang lahat. Dito ko na wawakasan ang miserable niyang buhay. "Any last words?" patuya kong tanong sa kanya habang nilalaro ko sa aking palad ang isang bola ng apoy. Pinatalbog ko yun sa lupa na automatic na kumalat at pumalibot sa kalaban ko. Ang sarap talaga mangtroll ng mga weak, lalo na pag may kasalanan sayo. Isinawsaw ko sa apoy ang katana ko at wala pang ilang sandali ay nagliyab na yun. "KATAPUSAN MO NA—!" "SANDALI LANG ECCLESIASTES!" disappointed kong nilingon ang umistorbo sakin. Isang grupo ng mga friars ang dumating para lang pigilan ako! Ah... Sila ang mga moderator sa Area 1, pero anong pakialam nila samin dito? I blew out my katana and the flame died away. "Anong ginagawa niyo dito? This is not Area 1." "—Isurrender mo sa Black Church si Nehemiah at tinitiyak namin sayong magiging maayos ang lahat." "—Ang mabuti pa patayin mo na lang ako! Alam kong isasailalim na naman nila ako sa isang eksperimento!" narinig ko si Nehemiah. Base sa tono niya, parang near panic na siya. Wala kasing Evil Druid na hindi takot sa mga 'eksperimento' ng Black Church. Maaawa sana ako kung hindi lang niya sinabotahe ang concert ng ForMad. "Well... good for you." nasabi ko na lang sa kanya. Tinanguan ko ang mga friar bilang pagpayag ko na ipaubaya na lang sa kanila si Nehemiah. Hindi na ako lumingon, but I must admit that I am so shaken. Pag nalaman kong isasubject din ako sa panibagong eksperimentasyon, I'll run for it. Sapat na ang kapangyarihan ko para lumaban sa kanila, basta hindi na ako magpapahuli ulit. Hinubad ko na ang helmet ko pagpasok ko ulit sa bar. Nasaan na ba si Kan? Bakit di na niya ako sinundan dito?! "—Pogi, sayaw naman tayo!" Nginitian ko lang yung chick na nag-aaya sakin. Okay sanang maghappy happy ngayon kung wala lang akong inaalalang bata. Makauwi na nga lang. **** Cerylle's POV: Heh pinaglololoko ako ni Aster. Pwede ko namang sindihan yung flourescent light may 'masanay ka na sa dilim' pa siyang nalalaman. Pasado alas kwatro na. Kakatulog lang ni baby girl pati ni Farfait. Naglaro kaming tatlo ng scrabble kanina nung gising pa sila. Hindi ako dinadalaw ng antok. Hyper na hyper pa rin yata ang adrenaline ko sa dami ng nangyari overnight. Nagpasya akong pumunta ng kitchen para magtimpla ng gatas. Nadaanan ko na naman ang sangkaterbang damit ng mga boys. Talaga bang pati sa sala dapat may damit sila? Sabagay anong say ko eh sampid lang naman ako sa pamamahay na to. "Hwooy bakit di ka pa tulog?" malalim na pinakamababang bass ang tono ng pagkakabulong nun sa tenga ko. Sa sobrang takot ko, nabitawan ko ang hawak kong mug na may mainit na gatas! Si Aster ang nanggulat sakin. Nasalo niya yung mug, PATI ANG LAMAN NG MUG! I don't have any idea how did he do such magic. "Hahaha. Nakakaamuse ka talaga." he remarked. Napakabipolar niya. One minute, ang seryoso niya. The second minute, ngiting-aso na siya. Ewan ko kung bipolarism na ba yun, or mas malala. "B-Babalik na po ako sa kwarto ko." I'm very glad to excuse myself. Nahigit niya ang braso ko. "Hindi ka pa naman inaantok di ba? Tara inom tayo." "H-Ha?" ang totoo niyan hindi ako umiinom, mahirap lang talaga tumanggi sa amo kong pogi. Dejoke. Kasi di ba chance na to para makipagkaibigan sa kanya? I just know na may goodside pa rin siya, at yun ang gusto kong makita sa kanya. Hinila niya ako papasok sa kwarto niya. Binuksan niya ang ilaw kaya dun ko nasipat kung gaano kalaki ang room niya! Kasya sa loob pati isang mini bar! "Upo ka." pinaupo niya ako sa may stool. Siya naman ay sa likod ng bar pumunta. Naglabas siya ng isang bote ng whisky mula sa cupboard tas kumuha rin siya ng ice sa mini ref. Naglagay siya ng mga ice sa dalawang glass tas sinalinan ng alak. "Oh eto." Inabot ko ang baso ng alak. Nalanghap ko pa lang yung amoy nun, parang nahihilo na ako; samantalang yung sa kanya, inisang lagok lang niya! Di pa siya nakuntento sa ininom niya, tinungga pa niya ang bote! Ano kaya ang pinagdadaanan nito? Umalis siya sa mini bar. Kinuha niya sa isang mesa ang PC tab niya— "ForMad, buhay pa ba kayo?! Hahaha~ nakakatuwa talaga tong mga fans natin! Too bad some of them became infected..." Inilapag din niya yung PC tab nung mabaling ang atensyon niya sa electric guitar na nakadisplay sa isang sulok. Kinuha niya yun and then plugged it to its amplifier. Naupo siya sa tabi ko tas nagstrum ng wagas. "You've got this new head filled up with smoke I've got my veins all tangled close. To the jukebox bars you frequent, the safest place to hide?" Good thing I know he's a vampire. Atleast there could be some sort of explanation kung bakit he's intoxicating. Yung amoy pa ng whisky sa kanya, ang tapang. Nalalasing ako sa simpleng pagtabi niya lang sakin! "A long night spent with your most obvious weakness You start shaking at the thought 'you are everything I want, cause you are everything I'm not' And we lay, we lay together just not too close too close. (How close is close enough?) We lay we lay together just not too close too close... I just wanna break you down so badly... Well I trip over everything you said—" OH DIYOS KO, ANG MGA MATA NIYAAA! Ginagayuma niya ako! Si ako naman, nagpapadala sa charm niya. Eh basta! Nahuhumaling na lang akong bigla sa mga mata niya pati na sa boses niya... Hanggang sa hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko— Walang anu-ano'y bigla ko na lang naikawit ang mga braso ko sa leeg niya. At ako. AKO NGA! Ako nga mismo ang humalik sa kanyang mga labi! Ugh... Nag-enjoy siya, nag-enjoy ako. Nag-enjoy kaming dalawa. NGUNIT ISA ITONG DISASTER! Tiyak na itataunt ako ng kumag na to maya't mayaa! "Looks like we have a little secret now." bulong niya sakin. SEE?! Hindi pa nga ako nakakarecover, inaasar na niya ako! Diyan ka na nga! Tinulak ko siya with all the strength I could muster. Nabuksan ko na yung pinto nung marinig ko ulit siyang kumanta— "I'm gonna make damn sure, that you can't ever leave... No you won't ever get too far from me... You won't ever get too far..." I can still hear him even when I shut his door. Para kanino naman kaya niya sinasabi ang linya ng song na yun? Beats me. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 13th Madness Hio's POV: Area 2 na ang tawag sa dating Elementia. Walang wala siyang ipinagbago kumpara sa Eruditas. Wala kang makikita dito na kahit na anong bakas ng infection. Nandito kasi ang mga mayayaman at maimpluwensyang bampira. Namumuhay sila dito na para bang wala silang anumang kinalaman sa Area 1. Binalikan namin ang aming mansyon na tirahan dati ni Shall. Umupa kami ng mga maglilinis at bagong tauhan na mapagkakatiwalaan. Ginawa kong laboratoryo ang basement ng mansyon. Sinuri ko ang iba't ibang klase ng infected na dugo. Mayroong mula sa halos isang taon nang undead; may galing sa bagong infected; at yung mula sa isang Evil Druid. Nahinto ako sa pagsilip sa microscope nung parang may humahagod sa likuran ko. Sino pa, eh di si Shall. Mukha siyang pusa, wide-eyed at nakapout pa. "Yung ipinangako mo..." giit niya. "Anong oras na ba?" "Pasado alas singko." Pupuntahan namin si Antigoné dahil ang kulit ni Shall. Ayoko pa sana. Alam niyo kasi parang ang awkward nun sakin sa ngayon. Ang lalaki na ng mga anak ko. Dinaanan lang ako ng oras... I need time para mag-sink-in sakin na kaedad ko na si Aster. Hindi na siya yung little boy na pwede kong denggoyin o papaniwalain sa mga kalokohan ko. Narealize ko lang na hindi napeperfect ang pagiging isang magulang. Mayroon at mayroon kang kagaguhan na dapat itago sa anak mo lalo na pag nasa tamang edad na siya. BAHALA NA. Basta hindi ko matatanggap pag kinuya ako ni Aster. Magwawala ako! Gusto ko ako pa rin yung tatay niya at tatawagin niya pa rin akong 'Papa'. Pag ayaw niya, kakaltukan ko siya. Anyway, may tiwala ako sa blood bond namin. "Halika na mahal..." inilahad ko ang kamay ko kay Shall. Yan ah sinusunod ko ang lahat ng layaw niya. Pag tumingin pa siya sa iba, masasapak ko na lang siya bigla. Dejoke. Hindi siya maghahanap ng iba dahil baliw na yan sa pagmamahal sakin. **** Asha's POV: "ForMad, ang balita ay hindi daw natuloy ang concert ninyo last last night?" Yiee ang sarap talaga maging anak ng may-ari ng isang TV network! Oha, I'm just a door away from my idol band! Kaso hindi ako pwedeng lumapit. May prescon kasi sila ngayon. "—Yes. Nagkaroon kasi ng technical problem sa concert club." salaysay ni Prince Kan. Nalungkot lang ako kasi hindi lumabas sa news yung tungkol sa mga zombies. The next day, ang laman ng news ay ang pagkasunog ng concert club na yun. "Ahh... Eh what about your issues with your former manager?" tanong ng isa sa mga media. "He left us. Yun lang ang masasabi namin. But we're glad na may bago na kaming handler." "At ang balita namin ay may bago kayong bassist. Siya na ba ang bagong prinsesa ng ForMad?" Feeling ko lumaki ng ilang ulit ang tenga ko eh. MAY BAGONG BASSIST NA ANG FORMAD AT ISA NA NAMANG GIRLALOU?! Dahan dahan ko nang binuksan ang pinto. GIRL nga ang kasama nila! Maganda siya... Pero sana please wag siyang kasing landi ni Mika?! "Iha anong name mo?" "Rylle na lang po. Ayun nga po, ako na ang magiging bassist ng ForMad mula ngayon. Sana ay suportahan po ako ng fans gaya ng suporta nila kay Mika." "Sample naman diyan!" hirit ng isa pang journalist. Muling nagsalita si prince Kan. "Tutugtog po kami ngayon, dun niyo na lang po tingnan kung may ibubuga si Rylle." Kaya pala may equipments sa likuran nila! Aaaay sinuswerte ako! Maririnig ko na naman nang live ang boses ni Prince Kan my labs ko! "Oh yun naman pala eh, ano pang hinahantay natin, let's hear it from ForMad!" Nagpalakpakan ang mga myembro ng press. Pati ako syempre nakipalakpak habang pumupwesto sa stage ang banda. Nasa gilid ngayon si Prince Kan ko... which means hindi siya ang kakanta ngayon; kung kumanta man, back up lang... UUUUGGHHH! Pero natuwa ako nung siya ang nagsimula sa song— His intro is SUPER COOL, na sinundan ng drums ni Farfait, ng bass ni Rylle, until Aster finally sang— A picture of you reminds me how the years have gone so lonely And why do you have to leave me without saying that you love me? I'm saying I love you again, are you listening? Open your eyes once again, look at me crying... If only you can hear me shout your name If only you could feel my love again... The stars, the sky will never be the same... If only you were here... I really really like Farfait's drumroll here. If only I have wings so I can fly I wanna be with you for all the time My love for you will never die... If only you could hear me shout your name If only you could feel my love again The stars, the sky will never be the same... If only you were here... Ohh Prince Kan I'm heeere! "Asha, anong ginagawa mo diyan? Akala ko nasa ospital ka?" Oopsie... Naririnig ko ba ang boses ni Haru?! I faced him. "Oy ikaw pala Haru! Okay na daw ako sabi ng doktor kaya naman~" Sinilip niya yung slightly opened door na sisisilipan ko. Nag-shrug siya sakin pagharap niya. "ForMad na naman!" Nagsmile na lang ako. Haru is a vocalist of Seventh, the rival band of ForMad, and he is a childhood friend of mine. "Bakit masama ba?" "Hindi naman. Ang masama ay yung napapabayaan mo na yang kalusugan mo." I rolled my eyes. Nag-macho style pa ako. "I'm okay! See? Konting hilo lang yung sakit ko. Na-Lovenat lang kay prince Kan." "Eh napaano yang leeg mo?" fuuu ang kulit ni Haru! Balak talaga niyang alisin ang dressing na nasa may leeg kooo! Umatras ako palayo sa kanya. Kakaatras, may naatrasan ako! "Nako sorry—!" nanlaki ang mga mata ko. Paano nakasandal lang naman ako kay PRINCE KAN! Uwaaaa! "May problema ba kayo?" Hinawakan niya ang balikat ko. Hinawakan niya ang balikat ko... KYAAAAAAHHHH! "Excuse me miss? Pwedeng wag mo akong sandalan? Aalis na kami eh..." Ay! Ay! Nakakahiya. Nakasandal nga naman ako. "Sorry sorry pasensya na!" ang gwapo mo kasi eh! Nakaalis na sila, hinahabol ko pa rin ng tingin. "—Malapit ka nang maging giraffe. Kandahaba na ang leeg mo diyan." pang-aasar sakin ni Haru. "—Hmp. Balang araw mahuhumaling din sakin ang Prince charming ko!" Lumapit sakin si Haru tas ginulo ang buhok ko. "Para ka kasing timang. Tumitingin ka pa sa malayo kahit may nasa malapit na." "Haru ikaw ba yan? Mukhang may pinaghuhugutan ah." I linked arms with him. "Tara Starbucks tayo. My treat." **** Cerylle's POV: "VOCALOID! VOCALOID! VOCALOID!" ang ingay ni baby girl. Buti sana kung si Aster lang ang nakakarinig sa kanya, kaso yun pa kamo ang naka-headphone! Fullblast pa ang volume. Nasa van kami at kakaalis lang namin sa network station. Napanood ni baby girl yung advertisement ng concert ngayon ng Vocaloid. Favorite niya yata yun kaya hindi niya sinusukuan. Nung marindi na talaga ako, inalis ko ang headphone sa tenga ni Aster. "Huy pansinin mo naman si baby girl!" "I said no." pa-cool niyang sagot tas ibinalik na niya ang headphone. "ASTER GUSTO KONG MANOOD NG CONCERT NG VOCALOID! DALI NAAAA—!" umiiyak na si baby girl. Kawawa naman. Inalis ko ulit ang headphone kay Aster. "Sasamahan ko siya sa concert. I'll take full responsibility." I think I saw a faint glint in his eyes. "Kapag may nangyaring masama kay Antigoné, magdasal ka na." akala ko ano pa ang gagawin niya. Bumaling siya sa driver ng van. "Manong, ihinto ninyo ang kotse." Pagkahintong pagkahinto ng kotse— "BUMABA NA KAYONG DALAWA." utos niya. Bumaba ako tapos inalalayan ko ding bumaba ng van si baby girl. "9pm, we'll pick you up. Dapat ay nandito na kayo on or before that time." ani Aster sabay sara ng pinto ng kotse. Nagprocess lang ang utak ko nung malayo na ang van. Iniwan nila kami dito! Ganun ganun lang yun?! "—Tara baby girl, puntahan natin yung arena kung saan gaganapin yung sinasabi mong concert." "Hey di ba siya yung new bassist ng ForMad?" "Oo nga ano? Tara pa-autograph tayo!" Wala sa senses ko na ako pala ay isa nang celebrity. Hindi ko napaghandaan ang biglaang pangunguyog sakin ng mga fans ng ForMad. They're everywhere! Nagpapicture sila, nagpa-autograph, nang-usi. "Baby girl?" nawala na lang siyang bigla! Hindi ko siya mahagilap! NAKU PO! **** Hio's POV: "Hayun ang anak natin. Lapitan mo na siya." itinuro ko kay Shall yung batang babaeng naglalakad mag-isa sa sidewalk. "K-Kinakabahan ako..." bulong ni Shall sakin. Itinulak ko nga siya. "Kaba kaba ka pang nalalaman diyan! Puntahan mo na kasi!" Nagmasid lang ako mula sa distansya. Pinanood ko si Shall na huminto sa harap ni Antigoné. Tinitigan siya nito. "Sino ka?" suspicious si Antigoné. May tendency na tumakbo ito kapag hindi ito napalagay sa presence ni Shall. "A-Ako ang..." hehehe ang hina ni Shall. Napa-walk out siya nang de oras. Tumakbo siya sakin nang luhaan. "H-Hindi ako kilala ni Antigoné! Mahina ang connection niya sakin!" Hinagod ko ang likod ng asawa ko. "Shhh... Wag ka nang umiyak. Ako na ang lalapit sa kanya." At ako na nga ang lumapit sa anak namin. Nakatulala sakin ang bata. Hindi niya ako sinusuri. Puro siguro tanong ang naglalaro sa isip niya ngayon; kung bakit ko siya iniwan or kung bakit ngayon lang kami nagkita. Kilala niya kung sino ako sa buhay niya pero hindi niya maipahayag yun verbally. Lumapit pa ako sa kanya. Inilagay ko ang palad ko sa pisngi niya. Hinawakan niya ang likod ng palad ko habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Mayamaya ay hinawakan ko na siya sa magkabilang balikat niya at inikot ko siya paharap kay Shall. "Yakapin mo ang iyong ina." sumunod naman siya sa utos ko. Ngumiti na ulit si Shall. Niyakap niya ng mahigpit ang aming anak. "Hindi ba natin siya pwedeng isama?" Umiling ako. "Marami pa tayong dapat gawin. Isipin mo na lang na para sa kanya rin naman ang mga ginagawa natin." Binulungan ko si Antigoné nung oras na ng aming pag-alis. "Bumalik ka na sa tagapag-alaga mo, malamang na nag-aalala na yun. Wag na wag mong ipagsasabi kahit kanino na nakita mo kami; kahit pa sa kuya mo. Mag-iingat kayo. Magkikita pa ulit tayo. Mahal na mahal ka namin anak, ikaw at si kuya mo." Malayo na kami sa kanya nung parang tinawag niya ako. "Papa..." Nilingon ko si Antigoné, and then I smiled. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- A/N: Fan service ang Wish Tear! Hahahah pero pasensya na kung hindi ko pa kayang ibalik si Kape, unless bibigyan ninyo ako ng idea. 14th Madness Div Umbra's POV: Ang Terra Nusquam, ang lugar ng kawalan, o mas kilala bilang kaharian ng Erdan, ay naibalik na sa dati nitong purpose, mahigit siyam na taon na ang nakakaraan. Dito nagtutungo o napupunta ang mga kaluluwang ligaw. Dito nagkakaroon sila ng tinatawag na ikalawang pagkakataon. Matagal na akong wala sa dimensyon ng mga nabubuhay at mas madalas ako dito sa Erdan dahil ito ang perpektong lugar para mamahinga habang hinihintay ko ang expiration ng aking mga kontrata. May ilog na tumatawid sa siyudad ng Seinen. Masarap mamangka habang pinagmamasdan ang araw. Ibinaba ako ng bangkero sa isang port sa lower yard na karugtong ng napakahabang pamilihang bayan. Nagbayad ako sa bangkero ng dalawang pilak bilang pasahe. Lumusot ako sa makipot na eskinita. Sa dulo nun ay may isang matanda na nakaupo sa harap ng mababang mesa. Nakapatong dun ang isang bolang kristal. "Magandang araw ginoo, gusto mo bang malaman ang iyong kapalaran?" Inignora ko siya at ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Bigla akong nakasagap ng malakas na aura sa gawi niya kaya napalingon ako. Nasa likod ng matandang babae ang isang binata. Kulay kahel ang kanyang mga mata, at may marka siya sa magkabilang gilid ng mga matang yun. Ang suot niya ay puting yukata na ang laylayan ay sumasayaw sa ihip ng hangin. "Hay... Tinanggihan mo ang alok na masilip ang iyong kapalaran? Nakakamangha." "Hindi ako naniniwala sa hula." sagot ko naman. "Hindi ka isang ordinaryong kaluluwa lang tama ba ako—?" Ngumiti siya kasabay ng pagkawala niya sa likod ng manghuhula. Nasa paligid lamang siya dahil nasasagap ko pa rin ang aura niya. Sinaliwa ko ang daloy ng mga tao sa gitnang kalsada. Nakita ko ang hinahanap ko at kakatwang naglalakad ako palapit sa kanya. Walang pumapansin sa kanya na para bang hindi siya nakikita; pero nung hinawakan niya ang isang dumaraan, bigla iyong tumumba. "Huy, ayos ka lang?!" hindi iyon sumasagot sa mga rumesponde. "Tulong buhatin natin siya!" "Tinatanong mo kung sino ako?" ako lang naman siguro yung kinakausap ng binatang nakayukata hindi ba? "Ako ang Diyos ng Terra Nusquam!" "Talaga?" patuya kong tanong. Lalo pa akong lumapit sa kanya. "Hahaha... Gusto mo bang masaksihan kung paano ko paiikutin ang mundo ng mga nabubuhay mula dito sa terra nusquam?" Pinagkrus ko ang aking mga braso. Tanging kami lang ang hindi gumagalaw dito sa kalsada. "Wala akong pakialam." Nahuli ko ang pagkunot ng noo niya. Muli akong nagsalita. "Kung ako sayo, babalik na lamang ako sa mundo ng mga nabubuhay. Wag mong pasakitan ang iyong kakambal dahil anu't anuman ang mangyari, siya lamang ang tanging nilalang na kakalinga sa iyo." Ngumiti na naman ang binata. Waring nakakita siya ng batong maaaring ipukol sakin. "Kaya mo ba nasasabi yan ay dahil ipinagkanulo mo ang sarili mong kakambal at pinagsisisihan mo na yun ngayon?" Baka hindi niya alam na maiksi lang ang pasensya ko at pinatid na niya yun? Umangat ang espada ko mula sa aking anino ngunit nung sandaling itatarak ko na yun sa binata, saka iyon nawalang parang bula. Sa susunod na magkita ulit kami, hindi ko na siya bibigyan pa ng pagkakataong magsalita. **** Aster's POV: Ang pamilyar na presensyang nararamdaman ko... "Aster, anong problema?" pansin agad ni Kan ang pagiging balisa ko. "Kinokontrol ka na naman ba ni Licorice?" "Hindi." sagot ko sabay iling. Ang papa ko... Nandito lang siya sa malapit. Kailangang makita ko siya ngayon! Hindi next time, kundi ngayon na! Binuksan ko ang pinto kahit tumatakbo pa ang van. "IHO MAGPAPATIWAKAL KA BA? TEKA IHIHINTO KO—!" Too late manong, nakatalon na ako palabas. Sumabay ako sa hangin at napakapit ako sa pinakamalapit na building. Nag-ala spiderman ako sa pag-akyat ng mga gusali gamit lang ang aking bare hands. Papa nasaan ka na? Kung nasasagap mo ang aura ko, utang na loob naman, wag mo akong takbuhan! Tumawid pa ako ng tatlong building bago ko narating ang townsquare. Kulang na lang iikot ko ang ulo ko ng 360 degrees. Dito na ang huling mapupuntahan niya kung sakali. Pag wala, then I'm out of ideas. "Aster anak, ako ba ang hinahanap mo?" Boses yun ni Papa! When I looked behind, nasa likuran ko nga siya— Siya ang bampirang pinakaginagalang at pinakanirerespeto ko. Napakaswerte ko dahil minahal niya ako. Walang pagkakataon na hindi niya ako nailigtas; at yung makita ko lang siya ngayon, pakiramdam ko ay nagkaroon na naman ako ng salvation. Lumuhod ako sa harapan niya at wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga nakakakilala sakin. "—Papa..." "Tumayo ka anak." pinipilit niya akong tumayo, ayoko lang. Nakayakap pa nga ako sa binti niya eh. "Papa naging mahina po ako... H-hindi na ako gaya nung dati... Isa na akong—" **** Hio's POV: Hay si Aster... Pinasaya niya ako! Akalain mo yun, tinatawag pa rin niya akong Papa? Ayaw niyang tumayo kaya naupo na lang din ako sa semento. Muntanga tuloy kaming dalawa. Hinawakan ko siya sa balikat para tingnan niya ako. "Tutulungan kita. Aalisin ko sa katawan mo ang infection. Pero hindi yun agad agad. Pumunta ka sa mansion natin sa Area 2 kapag may oras ka para sisimulan ko na ang pagsusuri sayo." Bata pa lang talaga itong si Aster, marami na ang interesado sa kanya, lalo na sa taglay niyang kakayahan. Kahit nung tao pa siya, mayroon siyang kakaibang charm na nakakaakit sa mga bampira. Maswerte ako at sakin siya napunta. Yun nga lang, napunta siya sa kamay ng mga masasamang bampira dahil sinamantala ng mga ungas na yun ang pagkakatrap ko sa isang time seal. "S-Si Mama?" "Okay lang ang mama mo, pero bias siya ngayon. Puro yung nakababata mong kapatid ang bukambibig niya. Nevertheless, mahal na mahal ka rin ni Mama. At salamat nga pala dahil hindi mo pinabayaan ang kapatid mo. Baka kunin na namin siya para hindi ka na mahirapan sa buhay-banda mo." "Baka hindi po ako masanay na wala sa paligid si kulit. Saka may nag-aalaga po sa kanya." anang panganay ko. "Tumayo na nga tayo. Maglakad-lakad tayo." yaya ko sa kanya. Nagpagpag ako ng laylayan ng aking coat dahil ang alikabok. "Papa, ano pong tingin mo sa ForMad?" Fan na nila ako nung unang beses ko pa lang na marinig ang tugtog nila. Nakakaproud lang dahil naipamana ko sa next generation ang Forlorn Madness. Ayoko nang bumalik sa pagiging isang rakista. Past life ko na yun na puno ng masasayang alaala. Nakakatuwa lang dahil hindi pa namamatay ang ForMad at bago na ang mga members. Mas sumikat nga ang banda ngayon kesa nung panahon namin. Ang awkward talaga. I speak like a senior citizen. "ForMad is forever." sabi ko kay Aster instead na sagutin ko ang tanong niya. "Papa, pwede ko po bang malaman kung saan ka nanggaling? Bakit bigla po kayong nawala ni mama noon?" Bumuntong hininga ako. "Ahh mahabang kwento anak eh. Sabihin na lang nating nakulong kami ng mama mo sa isang closed space na nakatigil ang oras, habang sa labas nun, sobrang bilis naman ng takbo ng oras." "Ah! So parang retarded ka ngayon Papa?" Ang sama pakinggan nun ah. But he's right. I'm a fucking retard. "Ganun na nga? Ako ay mahigit kumulang 31years old na may pag-iisip at katawan na pang twenty years old. Ikaw, magkwento ka ng tungkol sa nangyari sa inyo ni Antigoné?" Nagkibit balikat siya. "Eh Papa, para kasing nasisira na ang memory ko. Wala na akong gaanong matandaan. Basta ang pangalan ko na ngayon ay Hans Aster Vral. Hindi na Darktower ang apelido ko. Nasa registry na po ako ng angkan ng Vral, matagal na." Naningkit ang mata ko sa narinig ko. Aba'y ang kakapal talaga ng mukha ng mga Vral na yan eh no. Ampanget panget ng apelido nila para ipagamit sa unico hijo ko! Kunwari chineck ko ang relo ko. "Anak, kailangan ko nang umalis ah? May aasikasuhin ako ngayon. Basta pumunta ka sa Area 2. Okay?" "Okay." ayaw pa yata niyang umalis ako. Ganun din naman ako kaso inalerto na ako ni Shall. Nakita na niya ang aming target. Naglakad ako patungo sa isang eskinita. Hinintay ko munang lumayo ang aura ni Aster bago ako pumunta sa totoong ruta ko. Sa isang dumpsite ako dinerekta ng napick kong aura ni Shall. Hindi nag-iisa ang asawa ko. May kasama siyang babaeng bampira na nakasuman sa isang mabigat na uri ng bakal. "Kamusta Licorice... Ang tagal rin nating hindi nagkita ano?" bungad ko sa babaeng bihag ni Shall. Nagpunta siya dito para subukang hulihin ako sa pamamagitan ni Aster pero nagbackfire ang plano niya. Wala siyang kamalay malay na sinadya kong makipagkita sa anak ko para siya ang mahuli namin. "Pakawalan niyo ak— arggh!" lalo pang pumulupot sa katawan niya ang mga bakal. "Relax." idinikit ko ang dulo ng aking hintuturo sa gitna ng kanyang collarbone. Umusok ang balat niya na nadampian ng aking daliri. Nag-iwan yun ng itim na marka. "Pinuputol ko na ang anumang uri ng ugnayan ninyo ni Aster, ngayon at sa hinaharap. Ayon na rin sa batas ng mga bampira, walang bampira ang may dalawang master. Siya ay mananatiling pag-aari ko." Pinanlisikan ako ni Licorice. "Nagawa mo na ang gusto mo kaya pakawalan mo na ako!" "Fwahahaha!" evil laugh muna Hio. Pampa-badass. "Kung natatandaan mo, isa rin akong necromancer—" at inilabas ko ang syringe na punung puno ng infected blood. "A-ANO YAN? A-A-ANONG BALAK MO?!" "Well... Depende yan sa kung ano ang isasagot mo sa mga itatanong ko..." —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 15th Madness Kan's POV: Binuksan ko ang pinto ng van habang umaandar pa kaya nagulat si manong driver pati na si Farfait nung nakamuwestra na akong tatalon. "KAN?! NATATAE BA KAYO NI ASTER AT HINDI NA NINYO MAHINTAY NA HUMINTO ANG VAN?!" "Go fuck yourself Fait." sabi ko sabay talon. Nagteleport ako papunta sa tuktok ng isang building. Nagpalipat lipat ako ng lugar. Bukod sa ForMad, may mga bampira din namang naglalagi sa syudad na to. Pero sa lahat ng mga nagkalat na aura, may nag-iisang hindi ko maaaring palagpasin. Napadpad ako sa dumpsite kakasunod sa isang aura. Naabutan ko dun si Licorice at may kasama pa siyang dalawang bampira. Tingin ko ay tagilid siya sa dalawang yun. "—Sabihin mo na kung sinu sino ang mga pinuno ng Black Church!" Ikinawit ko ang mga kamay ko sa fence. Serious matter ang pinag-uusapan nila at di ko yun pwedeng baliwalain. "Wala akong sasabihin sa inyo— AAAAAHHH!" Pahigpit nang pahigpit ang bakal na nakapulupot sa nakatatanda kong kapatid. Tinitigan kong mabuti ang bakal. Unti unti kong kinokontra ang pwersa niyon. Gustong gusto kong mamatay si Licorice ngunit hindi sa ngayon. Kailangan ko munang mapiga sa kanya ang impormasyon kung nasaan ang katawan ni Senri. "Hio, may kumokontra sakin!" sumbong ng babaeng maliit sa kasama niyang lalakeng matangkad. Nahuli na rin lang ang presence ko, itinodo ko na ang telekinesis. Lumutang halos lahat ng mabibigat na uri ng basura. Namanipula ko sila pasugod sa mga estranghero. Humarap sakin yung lalake. Ngumiti siya, kasabay ng pagliliwanag ng isang magic circle sa ilalim nila. Ahh? Ang galing niya! Ang kapangyarihang ginagamit niya ay hindi likas sa kanyang katawan. Iniimport niya yun mula sa ibang dimensyon nang sobrang bilis! Nawala na lang sila kasabay ng paglalaho ng liwanag ng magic circle. Tangay nila pati si Licorice. Base na rin sa mga nasaksihan ko, hindi na ako aasang bubuhayin pa nila ang aking kapatid. I guess kailangan kong magsimula ulit ng panibagong istratehiya sa paghahanap kay Senri. Marami akong kapatid. Kahit si Aster ay kapatid ko rin. Maraming inaampon ang aking lolo na mga espesyal na bampira; pero palaging sinasabi ni lolo na si Senri ang pinakaespesyal sa lahat. Natatakot ako na baka mapunta si Senri sa maling panig, lalo na ngayong nagkakagulo na sa aming angkan. Yun ang dahilan kung bakit ako pursigido na hanapin siya. Umalis na rin ako sa dumpsite. Pumunta na lang ako dun sa may pinagbabaan nina Cerylle. Isa pa rin si Cerylle sa mga misteryo sa buhay ko. Nakita ko mismo kung paano nawala si Rosary noon, ngunit heto at may eksakto siyang replika. Bakit may taong kamukha si Rosary? At ano yung marka sa kamay niya? Kailangan kong makapasok sa treshold ng mga Vral. Baka nandun ang mga kasagutan— "Kan bakit ka nandito?" inakbayan ako ni Aster na nandito rin pala. "Bumaba ako ng van. Maaga pa naman eh. Gusto kong maglakad lakad." **** Aster's POV: Ang sinungaling din nitong Kan na to. May hindi siya sinasabi. Halatang kakagamit lang niya ng mas advanced na telekinesis. Pag mas malakas sa pangkaraniwan ang ginagamit niyang kapangyarihan, inuugat ang sentido niya at kitang kita yun sa kanya ngayon. Sino ang sinagupa ng hayup na to? Nevermind. Ang mahalaga ay buhay naman siya. Hindi niya ako nanay saka may kanya kanya kaming issues. Kaya nga kami magkakasama ay para kalimutan ang problema eh. "Halika puntahan na lang natin sina Aning dun sa may arena." Nagpatiuna ako sa paglalakad tas nakasunod lang siya sakin. "Aster, baka magpunta ako ng Area 2 bukas." ani Kan. I faced him. "Bakit?" "May aalamin lang ako. Tungkol sa mga Vral." "Tamang tama pupunta rin ako ng Area 2 pero hindi pa ako nakakapili ng petsa. Since pupunta ka naman dun, sabay na tayo." "—Okay." Sa isa pang arena sa city na to ginanap yung concert ng Vocaloid. Isang software lang talaga ang Vocaloid na ginawa para sa mga music composers at enthusiast. Bali artificial lang ang boses ng bawat Vocaloid na sumusunod sa bawat nota. Meron silang Voice Actor na totoong tao. Hati ang opinyon sa mga Vocaloid. May mga ayaw sa kanila dahil robotic at matigas ang boses nila; at may mga adik na adik sa kanila dahil unique ang singing nila. Isa na dun sa mga adik si Antigoné. Ang pinakafavorite niya sa mga Vocaloid ay si Megurine Luka, yung penk ang buhok. There were too many times na nagcocosplay siya as Megurine Luka. Nakapasok kami ng arena kahit walang pass. Alam na alam niyo na kung paano. We're vampires and we can do shits. **** Cerylle's POV: Yiee kinabahan talaga ako kanina! Akala ko naiwala ko na si baby girl. Phew... Ang astig namin. Nakapasok kami ng arena kahit wala kaming pass. Ewan ko, basta dire direcho lang kami ni baby girl sa loob. Kakatapos lang ng unang Vocaloid na kumanta. Pagdilim sa stage, naglaho iyon. Just be friends! All we gotta do is Just be friends! It's time to say goodbye... Nagliwanag ulit yung stage, siyang pagpapakita ng isang CGI na pink ang buhok at may hawak na mic. Kumaway yun sa mga nanonood. May projectors sa stage. Yun yata yung nakakapaggenerate sa kanya. Tapos ang laki niya. Kasing laki siya ng dalawang poste sa gilid ng stage, pero sa malayo akala mo life size siya. "AWEEE MEGURINE LUKAAAA!" naexcite bigla si baby girl nung marinig niya ang intro ng next song. Patingkayad tingkayad siya dahil ang liit niya tas ang lalake ng mga nasa unahan namin. "Buhatin kita baby girl." to my surprise, ang gaan niya! Lightweight! [A/N: English translation lang po yung song. Pag kasi sinulat ko yung romanji, mababadtrip ka lang. Play the video on the right para mapanood mo rin yung concert ng Vocaloid] I remembered early yesterday morning Why do I feel as if I'm gathering pieces of broken glass? Blood drips from my cut fingers I wonder if we wanted to do these kinds of things I already knew deep inside my heart That the most painful choice would be the best My self-love refuses it and as a result, Self-contradiction repeats I wonder when we can talk... "Ehh wala akong maintindihan! It's Japaneseshy. Nakakanosebleed—" Muntik na akong mapatili dahil merong umakbay sakin. "The song talks about break up." Nilingon ko kung sinuman yung umakbay na yun at— "A-Aster?! Nandito ka?" kasama niya si Kan kaya napalagay ako ng konti. "Paano niyo kami nakita dito?" Heto na naman siya sa perverted niyang ngiti. "Sinundan ko lang ang amoy mo." AMOY KO?! Ano ang inamoy niya sakin? Kili-kili ko ba? Buti nagdeodorant ako ngayon! Eeks bakit ba ako nacoconcious? Lumayo layo ako sa kanya tas pinakinggan ko ulit yung song... In this slowly decaying world A path for my struggling self I carve in your colorless smile I pulled off the plug... "Bakit kayo nakakaintindi ng Japanese? Ang daya." bulong ko kay baby girl na nakiki-sing along pa sa Vocaloid. I shouted until my voice was dry The echo reverberates in the empty air Although there was nothing left after the chains were removed... Fate that allowed us to meet The darkness interrupts countless and relentless time "So this is how it is..." I murmured Somebody's tears flow down on dried cheeks... Once more, once more If my wish can come true I want to be reborn many times I'll go and meet you from that day... Parang naintindihan ko ang lines na yun. Hindi ko alam. Lively yung song pero naiiyak ako. Fate that connected us Becomes undone and disappears into everyday life Goodbye my loved one This is the end Now we go on without looking back This is the end... Nacoconfuse ako. Hindi ko kasi maipaliwanag yung nararamdaman ko. I tried to look around. Si Aster ang unang nakita ko. Then suddenly, there's a memory playing inside my mind... Nakatayo ako sa gilid ng isang white corridor. Pinapanood ko ang isang binatilyo na tahimik na naglalakad. May escort siyang apat na malalaking lalake. Siguradong sigurado ako na siya si Aster. Bata pa ang histura niya. He stopped in front of me. "Aster, saan ka nila dadalhin?" may yakap yakap akong teddy bear nun. Dun ko ibinubuhos ang lahat ng pressure ko. Ngumiti siya sakin. "Katapusan ng taon ngayon. Iiinject nila sakin ang ikaapat na inner soul. Wag kang mag-alala, kaya ko yun." Umiling ako. Pero bago pa ako makapagsalita, tinulak na siya nung mga nag eescort sa kanya. Sinundan ko sila hanggang sa pumasok sila sa isang silid. Wala akong makita— "AAAAAAAAHHHH—! M-MASAKEEET!" Nabitawan ko ang hawak kong teddy bear. Namimilipit si Aster sa sakit. Ano ba kasi ang ginagawa nila sa kanya?! Crank! Crank! Nayupi ang pinto dahil sa kapangyarihan ko. Dun ko nakita si Aster na nakahiga sa isang platform. Nangangatal siya tas may usok pang lumalabas sa kanyang bibig— "Rosary, anong ginagawa mo dito? Ipinapatawag ka na ng iyong lolo..." H-hindi ako makagalaw... Hinawakan lang ako ng bampirang assistant ni lolo kusa na akong naglakad patungo sa isa pang silid. Pagdating ko dun, naupo ako sa isang silya na alam ko kung para saan. Naglalabas yun ng napakataas na boltahe ng kuryente— N-Natatakot na ako! Bakit ako parurusahan?! Ano ang ginawa kong mali?! Tumayo sa harap ko si lolo. Isa siyang bampirang may maamong mukha subalit napakalupit niya. "L-Lolo, maawa ka sakin... Wala po akong ginawang kasalanan!" He leaned forward and touched my cheek. "Hanggang ngayon ay wala pang improvement sa paggamit ng iyong kapangyarihan mahal kong apo... Bibigyan kita ng anim na taon pa. Kung wala pa ring pagbabago sayo, gagawin na lang kitang inner soul ng batang si Aster." "Huh?! L-Lolo wag po—" Nilingon ni lolo ang assistant niya tas tinanguan siya nun. Ibinaba ng assistant ang isang lever at— Nagcirculate sakin ang kuryente mula sa inuupuan ko. Masakit! Daig pa yun ng matamaan ka ng kidlat! "LOLO MAAWA KA SAKIN—!" "HUY ANONG NANGYAYARI SAYO?!" niyugyog ako ni Aster. Saka ko narealize na nasa isang concert arena nga pala ako. Naghahallucinate yata ako pero parang totoo eh. Nanginginig ako sa takot. At sa sobrang takot ko na yun, nagdilim ang paningin ko. —— direk_whamba A/N: Sa mga napapatanong po about sa ForMad 2, icocombine ko na po siya dito sa Wish Tear (Actually nakacombine na nga) kaya posibleng humaba ang story na ito, plus marami pa akong idadagdag na characters. ??????????????????????????????????????????- 16th Madness Hio's POV: Dinala ko kaming tatlo sa basement sa aming mansyon sa Area 2. Umakyat na si Shall kaya dalawa na lang kaming naiwan ng hostage ko. Sapilitan kong pinaupo sa isang silya sa harap ng malapad na mesa si Licorice, tas nanatili akong nakatayo sa gilid niya. "Ngayon ay ituloy na natin ang interogasyon—" "SINABI NANG HINDI AKO MAGSASALITA EH!" Ang kulit talaga ng babaeng ito. Inuubos niya ang oras ko! Hinaklit ko ang braso niya at inilapat ang kamay niya sa mesa. "AYAW MO HA?!" Itinutok ko sa kamay niyang yun ang syringe— "—WAAAG!" tumili siya na parang baboy na sinintensyahan. Thok! Too late... Naisaksak ko ang syringe— sa mesa. She sighed in relieve. "Joke lang Licorice." sabi ko sabay ngiti. "May mas madaling paraan para mapasagot kita—" Pinakiramdaman ko muna kung nasa paligid si Shall. Coast is clear. Good. Bahagya kong iniangat ang baba niya at saka ko inilapit ang bibig ko sa leeg niya. "Aggh—" Pinahid ko ang dugo sa mga labi ko. Inikot ko ang mesa tas naupo ako sa silyang katapat nung kanya. "Nasaan ang lungga ng Black Church?" Tulala na siya pero bumuka ang kanyang bibig. "Dadalhin kita dun ngayon, kung yun ang gusto mo..." Inilahad ko sa kanya ang kamay ko. "Tara." Pagkaabot niya sa kamay ko, bumilis ang motion ng paligid namin. Para kaming nahuhulog sa isang malalim na hukay. "Ang Black Church ay isang pribadong espasyo. Hindi iyon nararating ng kahit na anong kalsada at lalong hindi nabubuksan sa kahit anong pinto. Mararating lamang ang lugar na yun sa pamamagitan ng alaala ng isang lehitimong myembro." Oha, marami na siyang sinasabi. Mas mapapakinabangan ko siya bilang alipin kesa kung gagawin ko siyang undead. Mayamaya, huminto ang mosyon. Nakatayo kaming dalawa sa isang podium at pinalilibutan kami ng limang bampirang nakasuot ng itim na hood. Sa likod nila ay may nakapalibot namang sampung pedestal na may high chair. Kada isang high chair ay may nakaupong bampirang nakasuot naman ng pulang cloak. "Licorice, bakit ngayon ka lang dumating?! At bakit ka nagsama ng hindi myembro?!" "SINO SIYA?!" Threat agad ang tingin sakin ng mga nakaitim.Tumayo ang isa sa mga nakasuot na pula. Siya ang may pinakamagandang upuan tapos may suot pa siyang circlet. Siya yata ang pinuno nila. "Ginoo, ano ang pangalan mo?" tanong niya. Ginintuan ang kulay ng kanyang mga matang tatagos sa kaluluwa kung makatingin. "Ang pangalan ko ay Henna Iryl Darktower." nagbulungan na parang bubuyog ang mga tanga pagkarinig sa pangalan ko. "Bakit ka naparito ginoong Henna Iryl? Isa itong pribadong organisasyon. Hindi ka ba natatakot na baka hindi ka na muling makalabas nang buhay sa espasyong ito?" I just shrugged. "Ano ang dapat kong katakutan sa inyo?" losers. Kayang kaya kong umeskapo dito kahit kelan ko gusto. But I would just press on. Hindi na ako nag-iisa sa buhay para maging cowardly dog. May asawa ako, may dalawang anak, at ikalawang buhay na kailangang protektahan. May ilang nagpakita ng aggression pero mga nakapagpigil pa. "Hahaha~ Matapang ka ginoo." "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa." seryoso na. "Ang gusto ko ay mapabilang sa inyong organisasyon." "Bilang Presbyter? At ano ang iyong kwalipikasyon? Necromancer ka ba? Mayroon ka bang Evil Druid?" singit ng isang nakapula. Hinarap ko ang gagong yun. "Hindi ako kuntento na maging Presbyter lamang. Ang gusto ko ay posisyon sa inyong mataas na konseho." Nagsalita ang pinuno. "—Sasampu lamang ang miyembro ng konseho at walang bakante. Paano ang gagawin natin?" "Ano pa? Eh di aagawin ko ang posisyon ng ikasampung konsehal ninyo—" "TAMPALASAN! HINAHAMON MO BA AKO?!" nagalit na yung nakapulang kanina pa umeepal. Kung sino talaga ang pinakamaingay, siya yung pinakaweak eh. "Kung yun ba ang tingin mo eh." I retorted. "PINUNO?!" Ngumiti ang pinuno nila. "Ngayon lang nangyaring may sumugod na ginoo dito para sabihing aagawin niya ang isang silya ng mataas na konseho! Naging interesado tuloy ako sa kung ano ang kakayahan niya!" Nag-snap ang pinuno. Liban sakin, ang hindi lang naglaho ay ang hinahamon kong konsehal. Nateleport kami sa isang bahagi ng Area 1 na hitik sa mga undead. "HUMANDA KA SA PANGHAHAMAK NA GINAWA MO SAKIN SA PULONG. SISIGURADUHIN KONG PAGPEPYESTAHAN KA NG MGA UNDEAD!" Nagsilapit sa kanya ang mga undead. Biglang nagbago ang behavior ng mga yun. Bumangis sila at naging animalistic. Lahat sila ay may minimimic na hayop. Sinimulan ko ang pagtakbo nung may mala-jaguar na undead na pasugod sakin. Umakyat ako sa gilid ng isang building PARA MAKALIGTAS ANO PA? "HAHAHA— TAKBO LANG DUWAG! KAHIT MAGTAGO KA PA HINDI MO KO MATATAKASAN!" ang ingay ng kalaban ko. Napaghahalataang weak talaga eh. Kailangan kong makakuha ng kahit isang undead— Nakakita ako ng isa dun sa kabilang building. Ang astig niya kasi nakapang ninja siyang damit. Di ko lang alam kung bakit siya nahawaan ng infection. Tinalon ko ang building na kinaroroonan niya. Mabilisan na dahil umaakyat na rin ang mga alagad ng kalaban ko. Binalya ko sa pader si ninja undead. Hawak ko siya sa ulo niya habang dinudukot ko mula sa bulsa ko ang isang gem. Marami akong naimbentong bagay nung mga panahong aktibo ako sa pag-aaral. Itinanim ko na sa sarili ko noon pa man na hindi ako isang makapangyarihang bampira by nature; kaya inovercompensate ko yun sa pamamagitan ng pag-aaral at pag-iisip nang mabuti. Maraming mga bampira ang natural na malakas pero hindi naman ginagamit ang utak. Malalamangan ko sila. Pinahaba ko ang aking kuko at ibinaon ko ang gem sa dibdib ng ninja undead gamit ang barehands. Ang baho. Nakakadiri. Sanayan na lang talaga. Tumigil sa pagpalag ang undead nung umilaw ang gem sa dibdib niya. Makokontrol ko na siya. Nung kapkapan ko ang suot niya, marami pa siyang mga patalim. Lucky me. Nakaakyat na ang mga undead na humahabol sakin. Tumakbo ako sa edge at tumalon. "Habol mga tanga!" bahala kayong mapagod. Pinulot ko ang isang nakakalat na dos por dos na tubo sa daan bago ako bumalik sa dati kong pwesto sa tapat ng kalaban ko. Talagang hindi siya gumagalaw eh no. Masyado siyang nagrerely sa mga undead. "Isang maling desisyon ang bumalik ka pa dito!" aniya. Nagdouble time ang lahat ng kanyang mga undead na makalapit sakin. Saglit akong naupo para tapikin ang sementadong daan na kinatatayuan ako. Mula sa aking kamay, gumuhit sa lupa ang mga itim na linya. They fanned and criscrossed hanggang sa makumpleto ko ang isang espesyal na magic circle na bihira ko lang i-cast na ganito kalaki. Lahat ng tumatapak na undead sa magic circle ay nahahawaan ng mga itim na linya at simbolo. Pagkatapos ay pinaulanan sila ng daan daang patalim ng aking ninja undead in just one aerial assault. Nagsitumbahan agad ang mga kalabang undead hanggang sa wala nang aatake sakin. I advanced towards the enemy nang nakaready na ang tubo. Hohoho~ "P-PAPAANONG HINDI NA MAKAGALAW PA ANG MGA UNDEAD KO KAHIT HINDI NAMAN SILA NAPURUHAN?! A-AT BAKIT HINDI AKO MAKAGALAW?! ANONG GINAWA MO?!" Okay nakalimutan ko palang sabihin na nagdouble casting ako kanina. Ginamit ko sa kanya ang aking favorite na petrification circle. Masyado siyang tanga at masyado siyang madaldal para mapansin yun. Master type ang mga Necromancer. Ibig sabihin, 90% na dumidipende ang lakas nila sa mga nakokontrol nilang mga gravehunter o undead. Bihira lang ang Necromancer na combat type, at yung mga gaya ko na may ibang experties. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya, itinutok ko sa ulo niya ang dulo ng hawak kong tubo. "Hindi ka na makakapagtawag pa ng ibang undead. Naobserbahan kita habang nasa itaas ako ng building kanina. Ang range mo sa pagkontrol ng undead ay nasa limang kilometro lang. Ginamit mo na ang lahat ng undead sa range na yun at di ka nagtira ng reserba. Ang una mong hindi dapat ginagawa kapag nakikipaglaban ay ang maliitin ang iyong kalaban." "—SANDALI! ITIGIL ANG LABAN!" nabosesan ko yung sumigaw na walang iba kundi ang pinuno ng Black Church. Nagpakita siya samin kasama ng iba pang Presbyter at konsehal. Ibinaba ko ang tubo dahil nangangawit na ako. "Baket?" "Napahanga mo ako ng lubos ginoo! Kahanga hanga ka mula pagdating mo sa aming pribadong espasyo!" "Maraming salamat sa iyong papuri." sagot ko; pero hindi yun ang inaasahan kong dapat niyang sabihin. "Pinapanood namin ang inyong laban. Nagkaroon ako ng kuryosidad sa ginawa mong itim na magic circle at sa pagbagsak ng mga undead kahit isang beses lang napatamaan ng patalim! Ano ang iyong ginawa?" Ayokong idiscuss ang tungkol dun ngunit kailangan kong engganyohin ang pinuno. "Isa iyong body dissecting technique na dinevelop ko nung nag-aaral ako ng Necromancy." panimula ko. "Ang katawan ng tao at bampira ay parehong may kakayahang magproduce o mag-generate ng mga nasisirang tissue o cell ngunit magkaiba ang speed rate. Kapag nagkakasugat ang mga tao, matagal ang healing process kumpara sa sugat ng mga bampira. Bukod dun ay may elasticity rin ang mga cells. Yun ang dahilan kung bakit kapag nagbubuntis ang isang ina ay nababanat ang kanyang matres. Kapag pinagsama-sama mo ang mga principles na yun at kinontrol mo ang oras, magiging posible ang Body Dissecting Technique." "At paano mo naman kokontrolin ang oras?" "Ang magic circle na ginawa ko ay may kakayahang pabilisin ang cell generation. Halimbawa ay sinibat mo ang isang bampira, isang undead, at isang tao na nasa loob ng magic circle, iba iba ang epekto nun. Sa bampira at tao, matitrigger ang kanilang natural cell generation and elasticity. Iilagan ng mga cell ang sibat. Bibilis ang cell division para mabanat ang mga tissue upang magbigay ng puwang sa sibat. Ang resulta, walang masisirang bahagi ng katawan. Pero mababawasan ang life span nila dahil may mga cells na hindi lifetime kung magcell division. Ang katawan ng mga undead naman ay wala nang kakayahang magcell division. Kaya ang siste ay mapapabilis ang kanilang decomposition sa sandaling panahon lalo na kapag natamaan ang kanilang buto." Nag-iisip na ang pinuno. By now malamang napagtanto na niyang kayang kaya kong ubusin ang lahat ng undead dito sa area 1 nang hindi pinagpapawisan. "Ginoong Henna Iryl, gusto mo bang tanggapin ang ikalabing isang posisyon sa konseho ng Black Church?" —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 17th Madness Cerylle's POV: Nagkamalay ako sa loob ng isang ward ng hospital. Naghanap agad ako ng pamilyar na mukha ngunit wala. Ang tanging nakatunghay sakin ay isang babaeng nurse. "Salamat at gising ka na! Magdamag kang walang malay alam mo ba yun?" aniya. Sinipat ko ang bintana. Padilim na. Dahan dahan akong bumangon. "N-Nasaan ang mga nagdala sakin dito?" Naging dreamy agad ang facial expression ng nurse. Ganung ganun ang hitsura ng mga babae kapag nakakakita ng gwapo. "U-umalis sila kaagad. Pero wag kang mag-alala, bayad na ang bills mo. In fact nakaadvance pa nga, pati yung bayad sakin para bantayan ka exclusively. May iniwan nga palang mensahe para sayo yung isa." Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang isang note tas iniabot yun sakin. Nung buklatin ko, may nakaipit na isang libo. Ang pangit ng handwriting. Kinalahig ng manok. 'May importante kaming lakad. Kapag nagkamalay ka na, magpadischarge ka na lang. Sumakay ka ng taxi at magpahatid ka sa Atrus tower.' Nagpatulong ako sa nurse kung paano ako magpapadischarge. Sinuri muna ako ng isang doktor, tas nung wala naman siyang makitang problema sakin eh pinirmahan niya na rin ang discharge papers ko. Sumakay ako sa isa sa mga nakapilang taxi sa gilid ng hospital. "Sa Atrus tower po tayo." sabi ko sa driver. Tinanguan lang niya ako without asking further details. Kilala yata yung condominium tower na yun dito. Habang nasa byahe, nakatingin ako sa labas ng bintana. Di ko magets kung bakit wala akong alaala tas may biglang magmamanifest pero di ko naman maintindihan. Mahirap para sakin na pagtagni tagniin ang mga broken memories. Parang okay na sakin ang buhay ko ngayon. Ayoko nang may maalala pa. Baka masaktan lang ako... "Miss, nandito na po tayo!" luminga sakin si manong sabay sahod ng kamay. WEH?! ANG LAPIT LANG NAMAN PALA NG ATRUS SA HOSPITAL SANA NILAKAD KO NA LANG! Ibinigay ko sa kanya ang isang libo. Naghintay ako ng sukli kaso inagiw ako. "Miss? Ano pang tinutunganga mo? Baba na!" "—Eh manong, sukli ko po!" giit ko sabay sahod ng aking palad. Napakamot si manong sa ulo niya. "Tss akala ko keep the change. Mayayaman kasi ang nakatira diyan sa Atrus. Malamang bisita ka lang. Kuripot mo eh." Ang dami pang sinasabi eh. SUKLI KOOO! Di ako bababa hanggat wala akong sukliii! Dumukot na rin si manong sa bulsa niya at sinuklian ako ng seven hundred. Ang mahal ng singil niya! Pero okay na sakin yung seven hundred. Malaki na yun. Three days kong sweldo yun sa pamimigay ng flyer. "Thank you manong!" masaya akong bumaba ng taxi. May seven hundred ako eh! Ehehehe... Ano kaya ang bibilhin ko? Hmm walang masyadong tao sa lobby. Wala rin akong nakasabay sa tube elevator. Ting! Nagbuzz ako sa pinto ng penthouse dahil di ko dala ang keycard na ibinigay sakin ni Aster. Bumukas ang pinto kahit walang nagbukas nun para sakin. Bukas ang sound system kaya naman sinalubong ako ng medyo maingay na tugtog— Now you are my beloved ghost And here I'll wait for you to sing Then we will have eternity A promise to keep haunting me... This wine (this wine) From my veins (my veins) These gifts (these gifts) We'll take (we'll take) Nabosesan ko sa song sina Aster at Kan. Song ito ng ForMad pero parang ngayon ko pa lang yata ito narinig. The sky is ours to keep tonight Together in this silent sleep We are the mist that fills the air Lie still, just be with me... Iba ang attack sa song medyo pasigaw na malayo sa ibang mga naunang songs ng banda. And I'll be the kiss, the gun We'll be draining their blood again Embrace the rest of me... We'll be racing through the night Again, embrace the rest of me Then we'll feast on them, celebrating! WOOT lumalabas ang pagiging vamps nila sa song na to ah? I'm not alone I can feel your eyes on me I'm not alone Your soul for all the world to see... Denied another day Life took you away I'll love you just the same... "Okay ba ang song? Unreleased pa yan. Isasama namin siya sa ilalabas naming extended play next week." nagsalita si Farfait pero ewan ko kung ako ang kinakausap niya. Nakaharap kasi siya kay baby girl. Naabutan ko silang nakaupo sa kitchen counter nang magkatapat. Nagsasalin si Farfait ng gatas sa bowl of cereal ni baby girl. Mayamaya hinawi ni Farfait ang buhok ni baby girl na nasa pisngi nito. Wala naman sigurong malisya but I can't help but think. Napapansin ko kasi na parang may special affection si Fait kay baby girl. Lumingon sakin si Fait at nahuli niya ang pagmumukha kong muntangang nakatingin sa kanila. Nagsmile siya tas nilapitan niya ako. "Inaalagaan ko ang attachment ko kay beb para someday mapasaakin siya—" Lumaylay pati dila ko sa sinabi niya. Di nga? How come maghihintay siya sa isang eight year old kung nagkalat ang mga chix na kaedaran naman niya? "Iba kaming mga bampira Cerylle. A full grown vampire falls inlove just once at walang makapagpapabago sa puso namin. But sometimes hindi maiiwasan na mamatay ang isa. When a vampire decides to love again, the only way to do it is to be subjected in a very long process. We chose newborns or yung mga wala pang sampung taong gulang na vampires. Malaki kasi ang chance na makuha ang puso nila by the time na umabot na sila sa maturity, if enough attachment was made." I swallowed the lump in my throat then asked. "Alam ba yan ni Aster?" "He's okay with it. As long as okay si beb." Hwooot anong klaseng kuya yung Aster na yun? Paano niya nagawang ibenta ang little sist— blah blaaaah bampira nga pala sila. Iba ang culture nila. Nagclap bigla si Fait. "Oo nga pala! Ibinilin sakin ng dalawang boss na mag-aaral ngayon ang dalawang girls. Ikaw, dun ka sa music room and study playing guitar. Beb dun ka sa room mo, basahin mo daw yung Trigonometry book." "—Wala sina Kan at Aster? Nasaan sila?" Umiling siya. "Bawal sabihin." "Aish Math na naman! Aigoo~" reklamo ni baby girl. "Study Trigo at the age of eight?" I spat in disbelief. "Kung hindi gamitin ng mga tao ang Math, pwes iba kami. We rely on Math, lalo na sa mga land surveying and displacement. The basic skill that a vampire must learn is fleeing from enemies, and that requires Math." I give up. Kayo na vampire. Tahimik na lang akong pumasok sa loob ng practice studio. Nakaready na dun ang isang acoustic guitar pati mga chord charts. **** Aster's POV: Imbes na sa Area 2 kami, nandito kami ngayon sa Area 1. Sinumpong na naman kasi ako. Nanlalaban ang isang inner soul kaya nag-aalburoto ang katawan ko. Humaba nang kusa ang mga kuko ng kamay ko. Pinangtibag ko yun sa pader na nadaanan ko lang. Kapag hindi maganda ang pakiramdam ko, dinadala ako dito ni Kan para magwala. Nasa likod ko lang siya at nakaalalay sakin. Medyo nararamdaman ko ang pwersa niya sakin ngayon. "RRRR... MANAHIMIK KA NAAAA!" Dinakma ko ang inosenteng undead na nasa sidewalk pagkatapos ay ibinalibag ko siya sa next building. Lalong inugat ang mga braso ko. Sinuntok suntok ko ang kalsada hanggang sa mauka at magkacrack sa palibot ko. Ayaw pa ring tumigil! Usually kapag inaatake ako hindi ganito katindi. "Aster..." Nag-angat ako ng paningin. "Kan bakit—?" Someone stood in front of me. Hindi siya si Kan pero magkamukha sila. Pinagbiyak na pwet, ganun. Plus feeling Japanese ang nasa harapan ko ngayon. Matagal ko na siyang kilala. Palagi ko siyang nakikita sa mga hindi inaasahang pagkakataon. "En..." usal ko. Yun ang pangalang ibinigay niya sakin nung tinanong ko kung sino siya. "Hirap na hirap ka na bang kontrolin yan Aster? Bakit hindi mo pakawalan?" "H-HINDI MAAARI!" nababaliw ba siya?! Ang nagwawalang inner soul ko ay yung pinakabrutal na Morpher! "Pwede Aster... Makinig ka lang sakin..." bawat pagyapak niya palapit sakin, siya namang pagtindi ng kumakawalang aura sa aking katawan! "WAG KANG LALAPIT SAKIN!" Nawalang bigla si En. Dun ko na hindi na pigilan ang sarili ko— **** Kan's POV: Drat! Ano ba Aster?! Lumapit ako hanggang tatlong metro na lang ang lapit ko sa kanya. Masama na to. Nagpapakawala ang katawan niya ng mas malakas na aura! Baka may sumugod pa ditong Evil Druid niyan eh! "ASTER?! HANGGANG KELAN KA MAGKAKAGANYAN?" Lumingon siya sakin na daig pa ang isang vigilante. Patay na. Hindi na siya nangingilala! Hahakbang sana ako para bumwelo at magteleport. Kaso naunahan ako ng mabilis na kumpas niya ng kanyang kamay. Tumubo mula sa dibdib ko ang isang extra arm. Sinakal ako nung kamay na yun. Pati sa likod ko may tumubong mga kamay na gumapos sa mga original kong braso! Fuck you Aster! You made me a freak! Ginagamit niya ang kapangyarihan ng isang Morpher na ngayon ay inner soul na lang. Ang morpher na yun ay advanced dahil kaya niyong imodify ang katawan nang may katawan. Wala nang choice kundi saktan itong tarantadong bampira na to. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 18th Madness Kan's POV: Nagpalit ang kulay ng mga mata ko; na kasing tingkad ng ginto. Kruugg... Walang anu ano'y bumaon ang mga paa ni Aster sa konkretong kalsada na kinatutuntungan niya ngayon— Dinagit siya ng hindi nakikitang pwersa kaya naman nakaladkad siya tungo sa matutumbang building. BADOOM! FINISHING! Dinaganan siya ng isang 30-storey building! "ASTER NARIRINIG MO BA AKO?! H-HINDI KITA TITIGILAN HANGGAT HINDI MO TINATANGGAL ANG MGA ABNORMAL NA KAMAY NA TO!" sigaw ko. I'm dead serious. —At kailangan na niyang bumalik sa huwisyo dahil baka ako naman ang mawalan ng kontrol. I hate how our powers fuck with us sometimes. BOOG—! Tumilapon sa gawing kanan ng bumagsak na building ang ilang debris. Initsa lahat yun ni Aster pero nakahiga pa rin siya at mukha siyang asong ulol na naglalaway. "I'm in control now!" announced niya. "—P-Pero kailangan kong mangagat!" "I understand. Bago ang lahat, pwede bang tanggalin mo muna tong mga to?" I was referring to the goddamn extra arms. I'm no Buddha for fuck's sake! He waved his hand then naramdaman ko nang umurong ang mga brasong pinatubo niya sakin. They shrank until completely gone. "Tumayo ka na diyan. Pumunta tayo ng mansyon ko. Pick up my phase." Sinimulan ko na ang pagtakbo. We can't do joint teleport at this moment. Wala akong tiwala sa infected instincts nitong si Aster. Baka bigla na lang niya akong kagatin. Kapag hindi siya safe, mas mabuting dumistansya sa kanya. Swerteng malapit lang ang mansyon ko. Mga isang milya lang. Ginawa naming cranny ang estate ko na yun dito sa Area 1. Protected kasi yun ng dalawang charm na ginawa ng Shielder na ngayon ay inner soul na din ni Aster. The first charm is an optical illusion that will divert any attacks. The second charm works really good. Ang lahat ng magtatangkang pumasok ng mansyon na walang kaukulang permiso mula sakin ay mamamatay. Hindi nakamamatay ang mga charms; ang nakamamatay ay ang hindi pagsunod sa mga patakaran. When we say cranny, doon nakatago ang mga supplies, ammos, armory na essential sa isang Evil Druid. Dito kasi sa Area 1, hindi lang sa mga creeps agawan ang mga nagpapatayang ED, agawan din maging sa mga resources. Survival talaga. Binuksan ko agad ang gate pagdating namin sa estate ko. Nilagpasan ako ni Aster. Tuloy tuloy siyang pumasok. Not a minute had passed, nakarinig ako ng panaghoy na nagmula pa sa underground cell... **** Aster's POV: Pinagbuksan ako ni señorito ng gate. How nice of him. Dali dali akong pumasok sa loob tas direcho ako sa underground cell. Napakabrutal ni Kan and at the same time ay napakabait para dumukot ng mga weak vampires at ipiit dito for my own use. Uhh siguro nagiguilty siya. Nainfect ako dahil sa katangahan kong iligtas siya habang siya ay nakatanga. Basta. It's a long story, na hindi ko na rin maalala. Natural lang sakin ang magkaroon ng drive na mang infect since maging isa akong Evil Druid. Napipigilan ko naman yun madalas ngunit hindi maiiwasan talaga. Nagpalinga linga ako sa mga selda. Sino kaya ang mamalasin sa araw na ito? WRAAAMM! Ginamit ko ang talim ng mga kuko ko para lagariin sa isang pasada ang rehas ng tinapatan kong selda. "AAAAHH! M-MAAWA KA S-SAKIN!" tumili yung babaeng nakapiit. Babae! Wala na talagang sinasanto tong Kan na to— "Lumapit ka sakin, hindi kita sasaktan." sinubukan kong magboses mabait. Just once. "—Parang awa mo na, paalisin mo na ako dito!" napalagay kaagad siya sakin kaya naman lumapit nga siya. Niyapos ko siya with matching haplos sa mahaba niyang buhok. "Wag ka nang matakot—" Sinamantala ko ang magandang ritmo ng puso niya. Ibinaon ko ang mga pangil ko sa leeg niya. I bit her as hard as I can because I'm not biting again today. "PWROOUGHH—" itinulak ko siya nung sumuka siya ng greenish goo. Binunot ko ang katana ko. Hinagip ng talim nun ang ulo ng babaeng nainfect ko. Nung tumumba ang kanyang katawan ibinaon ko sa kanyang puso ang katana. Binunot ko tas ibinaon ulit. Sinira ko ang lahat ng joints ng katawang nakahandusay para habambuhay na siyang maimbalido. Mabuting MABUTI na ang pakiramdam ko. Pwede na akong humarap kay papa. Tsk... Mapapatay niya siguro ako pag nalaman niya ang mga kahayupang ginagawa ko. Anyways okay lang kung siya ang papatay sakin. Hanggat di pa nangyayari yun, hindi ako magpapapatay sa iba. Natigilan ako nung bubuksan ko na sana ang pinto ng 1st floor. Looks like may bisita si señorito. Mag-istay ba ako dito o lalabas na? Pinili kong lumabas. Naabutan kong sitting pretty si Kan sa isang imperial couch na nakaharap mismo sa main door na bukas. Nakatayo sa labas ang isang badass na lalakeng bampira na ang physical age ay gaya lang din ng sa amin ni Kan. Naka-sleeveless siya kaya kitang kita ang mga nakausli niyang mga ugat na parang live wire. Nakakabit ang dulo ng mga yun sa mga kasama niyang undead. Naupo ako sa tabi ni señorito. Ginawa kong unan ang mga braso ko sabay nagdekwatro pa ako. "Hindi mo man lang ba papapasukin ang bisita mo señorito?" Tinitigan ako ng masama ni Kan but he didn't say anything tas bumaling siya sa pintuan. "Lustra, bumalik ka na sa pinanggalingan mo." "Go to hell Kan. Hindi ikaw ang dinadalaw ko kundi si Aster." Si Lustra ay nakatatandang kapatid namin ni Kan, by adoption. He's a necromancer pero wala siya sa Black Church. He spends his life wandering from place to place. Para sakin okay naman si Lustra kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila okay ni Kan. Nahihirapan tuloy ako dahil ako yung naiipit sa gitna nila. Kan folded his arms. "Nakita mo na si Aster. Makakaalis ka na." "Tss..." pissed off agad si Lustra. Gumalaw ang mga dala niyang undead tas pumasok sa loob. I forgot to mention na may hawak ang mga yun na karet. Deads na sila kaya hindi nga naman sila maaapektuhan ng charm. I stood up. Dumaan ako sa gitna ng mga undeads ni Lustra. "Pare dun na lang tayo magkamustahan sa labas?" "ANDANTE!" biglang sigaw ni Kan. Nanggigigil pa. Selos yata eh. Hahaha. May bumagsak na kung sino sa may likuran ko tas binunot ang nakasukbit kong katana— Then tumalon yun sa gitna ng mga intruder that's how I know na siya yung pinakaiingatang undead ni Kan. Yung ballerina girl. The one who bit me long time ago. "UMALIS KA DIYAN ASTER!" bulyaw sakin ni señorito. Fine. Bumalik ako sa couch at naupo sa tabi niya. Masayang manood ng laban ng mga necromancer. Para silang mga tuod at yung nagpapatayan para sa kanila ay yung mga proxy nila. Hahaha. Pumorma ang kanyang ballerina undead na tinatawag niyang 'Andante' na hawak ang katana ko. "Isa laban sa sampu? Goodluck Kan." ani Lustra. Bumubulwak na ang mga veins niya; indication na dinagdagan niya ang transmission ng rhythm at pulse niya. Yun ang paraan niya ng pagkontrol sa mga undead. Naunang sumugod ang mga alagad ni Lustra. Dodge and attack ang ginagawa ng ballerina. May malawak na imagination itong si Kan. That's the reason why sublime ang movement ni Andante. Ni hindi ito mapagtulungan ng sampu. Pero si Andante ay matagal na ring undead. Deteriorated na ang katawan nito na lalo pang nasisira habang tumatagal ang laban. Mayamaya ay bumigay na nga ang kaliwang tuhod nito. Sinamantala yun ng mga undead ni Lustra— Nakialam na ako sa laban nung aktong may pupugot na sa ulo ni Andante. Inilabas ko ang aking 9th inner soul. Sa una ay isa lang iyong bola ng puting usok. Naghiwa hiwalay yun at pumasok sa bibig ng lahat ng undead ni Lustra. Naging unison ang galaw ng mga yun. Pingsasaksak nila ang kanilang mga sarili like madmen. "SIGE ASTER! KAMPIHAN MO ANG WALANG KWENTA NA YAN!" galit na galit si Lustra sa pag epal ko. Kumalas ang mga veins niya sa lahat ng dinala niyang undead tas bigla na lang siyang naglaho. Pinalayas ko ang mga iniwan niyang undead sa kumpas lang ng aking kamay. Tinapik ko si Kan sa kanyang balikat bago ko siya iniwan. Dadating at dadating ang time na kailangan na niyang bumitaw sa nakaraan. Now is the time to decide... **** Kan's POV: Nilapitan ko si Andante pagkaalis ni Aster. She crawled towards me. Nahawakan niya ang isang binti ko. "Nina... Hanggang dito na lang ba talaga? Gusto pa kitang makita... Pero parang unfair na yun sayo..." Hindi ko pa rin siya kayang i-let go. Mahirap. Subalit panahon na ang nagsasabing DAPAT. Pinulot ko ang katana ni Aster at itinutok ko yun sa ulo ni Andante. Pikit mata kong ibinaon ang talim ng katana sa kanyang ulo. Inayos ko ang kanyang labi sa isang kabaong. Mag-isa akong naghukay sa backyard at mag-isa ko siyang inilibing. Ngayong wala na talaga siya, pwede na akong magkaroon ng Rod. Rod ang tawag sa alipin ng mga telekinetic vampires. They are being used as live weapon. Hindi ako magkaroon ng Rod dahil kay Andante. I controlled her 24 hours a day, 7 days a week for two years, regardless of where I am. Siya ang pinakamalakas kumonsumo ng kapangyarihan ko. I've been so stupid. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 19th Madness Senri's POV: Rod? Hmm... Sino kaya ang bagay na Rod para kay Kan? Hindi masyadong mahalaga ang bagay na yun para alamin. "—Hindi maigi ang nakikiusyoso sa iniisip ng iba..." Hmf... Akala ko ako lang ang misteryoso sa lugar na ito. Inalis ko ang aking paningin sa magandang ilog para lingunin ang isang estranghero. Nakasuot siya ng isang mahabang itim na roba at maskarang kalahating puti, kalahating itim. Iisa lang ang butas nun na para sa mata kaya ang nakita ko lang ay ang kaliwa niyang mata na kulay dugo. "Malayong maging ikaw yung diablong kinilala ko noong nakaraan. Sino ka?" Wala akong mahitang kahit na ano sa kanya; wala siyang nakaraan at lalong walang hinaharap. Isa siyang palaisipan. "Tawagin mo na lamang akong An're..." aniya. "An're..." muli kong binanggit ang ngalang ibinigay niya nang may naglalarong ngiti sa aking mga labi. Ano ba talaga ang sadya ng isang tulad niya sa akin? Nasasabik lang ako. Bihira lang kasi akong makaengkwentro ng mga hindi ko alam. Lumapit sakin si An're. Ginagap niya ang aking kamay na di ko matiyak kung bakit ko pinahintulutan. May inilagay siyang susi sa aking palad. Gawa yun sa pilak at may mga simbulong hindi pamilyar sakin. "Para saan ang susi na ito?" aking naitanong. "Susi yan para sa iyong paglaya. Ang dapat mo lang gawin ay hanapin ang tamang pinto." kahit hindi ko makita ang kanyang mukha, parang gusto kong maniwala na isa siyang mabuting nilalang. At ayoko sa mga gaya niya. "Hahaha! Paano kung ayokong hanapin ang pintong sinasabi mo? May magagawa ka ba?" Binitawan niya ang kamay ko. Gusto kong idispatsa agad ang susi, itapon sa ilog; ngunit may bahagi ko na ayaw iwaksi yun. "Ako na ang nagsasabi sayo... Hindi dito ang lugar mo—" "—May nagsabi na rin sa akin niyan. Nakakasuya nang pakinggan. Ito ang tatandaan mo, wag na wag kang makikialam sakin." "Nagawa ko na ang aking sadya. Magandang araw sa iyo. Magkikita pa ulit tayo." naglaho siya sa harapan ko pagkasabi niya nun. Tiningnan kong muli ang susing nasa palad ko pa rin. Dalawang taon ko nang hinahanap ang tamang daan palabas ng lugar na ito ngunit lagi akong bigo. Sa loob ng panahong yun ay natutunan ko na ring kumanlong sa terra nusquam. Nakaayon na sa lugar na ito ang aking kapangyarihan at may mga pagkakataon pang nakakaya kong magkaroon ng koneksyon sa pisikal na mundo. Bakit kung kailang gusto ko na dito ay saka pa ako paaalisin? Kalokohan! Imposible ding mahanap ko ang tamang pinto. Hindi ako maghahanap. Wala akong gagawing hakbang. **** Aster's POV: Naghiwalay kami ni Kan pagpunta namin sa Area 2. Tinungo ko ang dating mansyon ni mama. Himalang hindi ako naligaw kahit vague na sa alaala ko ang exact location ng estate. I was merely following my intuition. My memory gets worse and worse. Hinihintay ako ni mama at papa sa may gateway. Welcome back to Rose mansion. Rose mansion was literally a house of rose. Mula dito sa kinatatayuan ko sa labas, tanaw ko ang sari-saring uri at kulay ng mga rosas sa courtyard. Parehong paborito nina mama at papa ang bulaklak na rose. Halos lahat ng estate nila ay may roses; but this place was the most special of all. Ipinatayo ito ni papa para kay mama, kaya parang made for love ang Rose mansion. Bumukas nang kusa ang gate pagkahakbang ko pa ng isa. Pinagmasdan ko ang aking mga magulang. Nakayakap si papa sa bewang ni mama. I have no idea that Mama is SO small. Hanggang dibdib ko lang siya! Nevertheless, para sakin they are the most 'beautiful creatures' existing. Hiya naman ako. I was born human and I don't think I could ever have a fair share of their beauty. "Ikaw na ba si Aster?" sinimangutan agad ako ni mama. "Bakit hindi mo isinama ang baby sister mo?" Ginagap ko agad ang kamay niya at humalik sa likod ng kanyang palad. "Gusto ko po siyang isama kaya lang hindi maganda ang lagay ko kanina. I might put her in danger. Wag po kayong mag-alala, nasa ligtas na pangangalaga siya ngayon." May balak pa yata siyang sabunin ako, banlawan, ikula, pero salamat dahil tinakpan ni papa ang bibig niya. "Mahal, kakakita mo pa lang sa panganay natin pagagalitan mo agad, hindi ka ba pwedeng maging NICE?" Marahas na inalis ni mama yung kamay ni papa, tas yumakap siya sakin. Wala naman siyang sinabing kahit na ano. Napakasungit niyang si mama at vocal lang kapag badtrip siya. But most of the time sweet siya through her gestures. "Mas gwapo ka kesa sa papa mo." sabi niya pagkalayo sakin. Di ko sure kung compliment yun; tingin ko lang gusto niyang asarin si papa. Papa just grinned. "Pumasok na tayo sa loob? Aster sumunod ka sakin. Iwan natin si mama." We crossed the vastness of the courtyard. Mabangong mabango. Humahalimuyak ang mga rosas kahit hindi mahangin ngayong gabi. Ang loob ng mansyon ay very old style and cozy. Hindi sila gumagamit ng electricity. Kandila ang main source of light na nakalagay sa mga eleganteng chandeliers at candelabras. Naiwan si mama sa may doorway. Sumunod ako kay papa hanggang sa isang library dito lang din sa first floor. Wirdo. Sanay ako na ang library ay laging nasa higher floors. Gaya ng inaasahan, sobrang dami ng libro sa library ni papa. Nahilig akong magbasa dahil sa kanya, pero yung mga binabasa ko ay comprehensible naman. Siya kasi mahilig sa mga book of symbols. Vampires know every language, but you'll think twice pag nakita mo ang mga libro niya. I pulled a book from one shelf and opened it. Nahilo ako sa mga triangles kaya ibinalik ko na lang yung libro. "Nakuha ko ang librong yun mula sa tribong Hruay. They exist on 700th branch of dimension parallel sa aking 21st alternative life na nag iintersect sa—" "Papa stop! Nosebleed eh." reklamo ko. Kahit pa yata ilang beses kong masterin ang pinakamatapang na Calculus sa mundo, nunca ko pa ring maaarok ang kanyang mga sinasabi. "Gusto mo bang maging dimension wizard gaya ko?" nakangiti niyang tanong. Yeah. Dimension wizard siya. No such title for vampires exists. Ako lang ang tumawag ng ganun sa kanya dahil napaka-amazing niya. He crosses other dimension for the sole purpose of learning. Sinabi niya sa akin na ang pag-aaral ay walang limit sa oras at lugar. It's a continued process. "Ayoko po." sagot ko. He frowned. "Kung hindi ikaw, sino ang magmamana ng skills ko? Parang malabong sumunod sa yapak ko ang kapatid mo." I sighed. Strikto siya pag nagtuturo kaya ayaw ko sanang maging apprentice niya kahit kelan; pero para mapasaya ko siya— "Sige po. Icoconsider ko ang pag-aaral ng dimension travelling." Nagsmile ulit siya, mas malapad kesa kanina. Lumapit siya sa isang bookshelf na nakasandal sa pader. Then nagtanong ulit siya. "Naalala mo yung sinabi kanina ng mama mo? Mas gwapo ka daw kesa sakin— so kamusta na ang panchichix mo?" Nanlaki ang mga mata ko. Di ko po ineexpect ang ganitong topic. "Mabuti naman po papa. Hehe~" Amp. "May nakakuha na ba sa puso mo?" "Wala na siya..." Wala na akong narinig pa kay papa. Humarap ulit siya sa bookshelf tas inangat niya ang isang libro. Nagslide pakanan ang bookshelf hanggang sa nareveal ang isang secret door na may seal. Nadeactivate yun nang itapat dun ni papa ang kamay niya. "Tara Aster." Sumunod ako sa kanya. Isang stone staircase ang sumalubong sakin. Kailangan yata naming bumaba. Automatic na sumisindi ang mga kandilang nakasabit sa pader habang pababa kami. "—Kinakailangan mong umibig muli." kinausap na ulit ako ni papa. "H-Hindi pa po ako handa—" "—Kailangan mo nun Aster. Sa lagay ng iyong katawan at pag-iisip, kakainin ka lang ng iyong kapangyarihan kapag hindi mo pinagana ang iyong puso." Tama si papa. Wala nang nararamdaman ang puso ko. Manhid na. Nangyari yun nung mawala sakin si Rosary. Sa mga panahong parang nababaliw na ako sa dami ng mga naghahalo halong pagkatao at alaala sa loob ko, si Rosary lang ang nakapagbibigay sakin ng ease. Natitiis ko ang lahat ng sakit dahil sa kanya... "Tutulungan ka naming maghanap ng babaeng makakatuwang mo sa buhay, pero kung may permiso mo lang. Hindi ka namin pangungunahan sa bagay na yan." "—Kayo na po ang bahala sakin papa. Tulungan niyo po ako." Ipinapaubaya ko na ang lahat sa kanya. Gusto kong gumaling at sa kanya lang ako may tiwala. Gusto ko nang bumalik sa dati. Yung may choice akong hindi pumatay; at yung may choice akong wag mang-infect. Isang basement laboratory ang nasa ibaba ng hagdan. Hindi rin siya modern sa paningin. "Maupo ka dun." itinuro sakin ni papa ang isang upuan. Pagkaupo ko sa silya, ginagap ni papa ang braso ko tas ibinaon niya dun ang karayom ng isang syringe. He extracted some blood. Isinalin niya yun sa isang vial at shinake shake. "Titingnan ko muna ang composition ng dugo mo. Ikukumpara ko sa dugo ng isa pang Evil Druid na tinatawag nilang Revelation—" "WHAT NAKALAPIT KA AT NAKAKUHA NG DUGO KAY REVELATION?!" cool! "Oh bakit? Tinulungan ako ng mama mo syempre." Ang astig ni mama. Maangas. Trinoll ba naman nila si Revelation! "Sa tingin ko anak, ikaw ang pinakamalakas na Evil Druid. Hindi mo lang naiisip yun at hindi ka gumagawa ng effort para patunayan yun." —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 20th Madness Shall's POV: "Umalis na si Aster." ani Hio sakin. Pinuntahan niya ako dito sa may hardin. Kasalukuyan kong inisprayan ng tubig ang mga asul na rosas. Bahagya ko siyang nilingon. "Kamusta na ang kanyang kalagayan? May magagawa ka ba?" Nag-aalala ako sa batang yun. Halata sa kanya ang hindi magandang disposisyon. Pabago-bago ang aura at maya't maya nagpapalit ang kulay ng mata. "Nalaman kong mas concentrated ang infection sa dugo ni Aster kesa dun sa batang nasa Area 1. Pero hindi ko yun sinabi sa kanya. Magagamot siya ngunit hindi kakayanin ng katawan niya kung isang session ko lang tatanggalin sa kanya ang virus, kaya naman napagpasyahan kong uunti untiin lang." "Mabuti pa rin..." wika ko. "—Tulungan mo ako. Maghanap tayo ng magiging kabiyak ng kanyang puso." Di ko inaasahan ang aking narinig. "Patay na ang kanyang—?" Marahang tumango ang aking asawa. Napakabata pa ni Aster ah? Isang natatanging bagay ang pag-ibig ng mga bampira. Sa masamang pagkakataon na mamatay ang aming iniibig, titigil sa pagtibok ang aming puso; na walang ipinagkaiba sa isang patay. Hindi ko pa alam ang pakiramdam ng ganun. Ang sabi ng ilan, magiging manhid daw at walang pakiramdam ang isang bampirang may patay na puso. May ibang nawawala sa sarili. At ang pinakamasaklap ay mawalan ng kontrol sa sariling kapangyarihan. "—Hindi ko gagawin ang body dissecting technique sa kanya hanggat hindi tumitibok ang kanyang puso. Kapag ipinilit ko, matutuluyan siyang maging isang undead— na hindi ko papayagang mangyari. Bilang paunang hakbang, susurveyin natin ang buong Area 2 para sa mga posibleng maging konsorte ng ating anak. Magdadaos tayo ng piging at iimbitahan ang mga mapipili natin upang makadaupang palad mismo si Aster." Matrabaho ang naiisip ni Hio; at masyadong old school. "Si Antigoné. Nasisiguro kong malaki na ang attachment niya kay Aster. Mapapanatag ako kung silang dalawa ang magpapakasal." suhestiyon ko. Yun na talaga ang plano ko dati pa. "Hindi ko pahihintulutan. Magkapatid sila." kontra naman ni Hio. I scowled at him. "Pwede ba Hio? Be practical! Isa pa, baka nakakalimutan mo na ampon lang natin si Aster—" I swear it was the first time he gave me an awful look. Bigla na lang siyang nagwalk out! Nabother ako. Alam kong may nasabi akong isang taboo para sa kanya— WHY DIDN'T I HOLD BACK?! I'm so stupid! I need to talk to Hio. Hindi ako tatagal ng five minutes na galit siya sakin. Pasalamat na lang ako at hindi siya umalis ng mansion. Naabutan ko siya sa music room na nagpapiano. Dali dali akong naupo sa tabi niya. "Mahal ko, sorry... Hindi ko sinasadya. Magsalita ka please..." "You hurt me. Ikaw ang inaasahan kong hindi magsasabi ng mga bagay na sinabi mo sakin kanina. May issue ka ba talaga kay Aster? Ampon lang talaga siya para sayo?" I can't blame their strong bond. It's all my stupidity's fault. "Inaamin kong mali ako. Please don't be cold to me... Can't you forgive me?" I'm out of ideas. Don't resist me anymore... Inilagay ko ang kamay ko sa batok niya then pinayuko ko siya sakin. I kissed him and he kissed me back. "—Ang hirap mong hindi patawarin." aniya when we parted. I bit my lower lip. Bitin! Para bang nabasa niya ang iniisip ko. Well he's a good body language reader. He steadied my head before he bended low. "I love you... I can't live without you." nagawa kong ibulong yun sa kanya bago maglapat ang aming mga labi. **** Asha's POV: (Song: Seven Years by Saosin) Taking on seven years the holy ghost had left alone Test my arms, kick like crazy I've been trying way too long Only push the way off to fight you Now I'm sorry, I'm sorry, I'm not sure Getting off my chest the story ends... Nagtakip na ako ng tenga kasi chorus na— HWAAR WILL FIND A WAY WITHOUTRRH... Tell him his eyes see too clear GRAAWILL FIND A WAY WITHOUT YOUUUGHRR... Tell him his eyes see too clear WHRTHAT MISTAKE WAS GOLD I KNOW THAT WITHOUT YOU IS SOMETHING THAT I COULD NEVER DO! That was why staple the eyes and seven dates for me to sell machines and tear on! HUHUH... Baka paglalamayan na bukas ang mga eardrums kooo~ Kanina pa ako nandito sa live ng bandang Seventh. Hindi ako masyadong fan ng growl growl pero dahil birthday ni Haru, at dito ginanap sa Atrus ang kanilang mini live slash meet and greet, gumora ang inyong diyosa! Nakakailang nga lang kasi puro lalaki ang nandito sa live nila. Yung mga hardcore rockers ang mga fans ng Seventh ee. Mamaya pagkatapos ng tugtog nina Haru, maggagala aketch dito sa Atrus! Okay sige na aaminin ko na, tatry kong makapunta sa may penthouse dahil dun nakatira ang members ng ForMad. Kyaaa~ miss miss much ko na si Prince Kan! May sakit na nga ako weh. Kailangan ko siyang makita para gumaling akooo! Bam! Bam! Sheesh ang ingaaay talagaaa! So sorry Haru pero di ko talaga maaappreciate ang music ng Seventh. Maybe next century. Nagsimula sa ingay, natapos sa ingay ang live. "WE'RE SEVENTH! THANK YOU FOR COMING! YOU ROOOOCK!" panghuling sigaw ni Haru bago sila bumaba ng stage. Sakin unang lumapit si Haru then he gave me a hug na ewan ko kung bakit? "Happy birthday Haru." bulong ko sa tenga niya. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin. "Salamat talaga sa pagpunta mo dito. I really a—" "Oy tama na yang dramahan, tagay tayo! Patagayin mo yang chicks mo Haru!" pinaghiwalay kami nung drummer nila tas hinila niya kami sa table na exclusive para sa members ng Seventh. May inabot sila sakin na isang baso ng beer. "I don't drink—" sabi ko while pinipilit kong ibalik sa kanila yung baso. "Sige na Asha, do it for me." ibinalik sakin ni Haru yung baso. "Iinom na yan! Iinom na yan!" Weird nila. They keep on exchanging glances. Oh well. Hindi ko na ma-take ang kantyawan nila. Ingay na naman eh. Pangit ang lasa ng beer pero titiisin ko na lang. For the sake of Haru's birthday! Ni-bottom's up ko yung glass. Nangiwi ako pagkatapos kong mainom ang lahat ng laman nun. My misery is their pleasure. Aba'y nagpalakpakan sila! Awe mahina yata ang tolerance ko sa beer... My head is spinning. I'm so dizzy... I think I'm— "Asha okay ka lang?" tinapik tapik ako ni Haru. I can't respond to him. "Pare, may tama na yata yang si Miss ganda!" "Woooh sabi sa inyo easy lang yan eh!" Marami pa silang mga sinasabi pero hindi ko na maintindihan pa. Napasandig na ako sa dibdib ni Haru. What's happening to me ba?! "Hindi na nga yata kaya ni Asha. Ipapasok ko na siya sa kwarto." narinig kong sabi ni Haru. Wait! Kwarto?! Kaninong kwarto? Wala akong magawa. Ni hindi ko maigalaw ang dulo ng daliri ko. All I can do is observe with my little consciousness. Binubuhat ako ni Haru. Saan kami pupunta? Iuuwi na ba niya ako? Yeah I wanna go home and sleep in my comfortable room forever... "Mabuhay ang bagong kasal!" "Goodluck sa honeymoon pre!" WHAT ARE THEY TALKING ABOUT?! Pati yata sila mga lasing na eh. "Tara na Asha. Wag natin silang pansinin." I'm quite sure na inilabas niya ako ng function hall until I can see an empty corridor ahead of us. "U-Uwi na ba tayo?" finally I managed to speak a little! "Shhh... Don't worry baby, you'll never want to go home after this..." "W-What?" I saw him smiled slyly. Wala pa rin akong lakas at alam kong kailangan ko na nun ngayon. There's a woman's intuition going on inside my mind. Dinala ako ni Haru sa isa sa mga unit. It's so dark. I don't know how he managed to lay me on a soft bed. "I want to sleep." sabi ko. Sinabayan ko ng pagpikit ng aking mga mata. Okay naman ang lahat. Nagpapahinga na ako. I'm fine. Bukas aagahan ko na lang ang gising para hindi ako mahalata ni Mommy na hindi umuwi. Pffft... Ano yun? Nakikiliti ako! My shoulder jerked a little. Then parang tumabi sakin si Haru. He even spread his arms across me. "I want you baby..." he moaned. "Now." "H-Haru?" kinakabahan na ako kaso may part pa rin sakin na may tiwala sa kanya. Parang magbestfriend na kami eh. "—Why can't you see me? I'm the one who wants to be with you pero pinagpipilitan mo pa ring magpaka-fan girl dun sa gay na vocalist ng ForMad..." B-but that's impossible! Si Haru? May feelings siya para sakin? Eh parang kuya ko na siya! "Haru I d-don't—" he sealed my lips with his'. Naiiyak na ako. He can't do this! I mustered all the strength in me. Bahagya ko siyang naitulak. One more para makabangon ako— Sober siya kaya wala talaga akong laban nung kumubabaw siya sakin. He became wild and scary. His hands explored almost everything inside my dress. I never felt this violated. "M-Maawa ka sakin—" I'm crying at sana maawa na siya sakin. Hindi niya ako pinakinggan. It's like he's not Haru at all. Nag-iba siyang bigla... Mas lalo akong nagfreak out deep inside nung itaas niya ang skirt ko at ibaba ang aking undies. "N-NO!" Hindi ko maexplain ang mga sakit na naramdaman ko when he entered me. Parang may napunit sakin. Mahapdi. Pero mas mahapdi ay nung pinunit niya ang maganda naming samahan na tinetreasure ko. "Aahh... Ahh.. N-no..." kahit ayoko, dumating yung point na parang masarap na sa pakiramdam yung ginagawa niya. His thrusts, our rhythm... "I love you Asha..." paulit ulit niya yung ibinubulong sakin hanggang sa point na naramdaman ko yung pinakamasarap na mahapdi na basta... Kasabay nun, narating din namin ang point of no return. I don't know what comes next. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 21st Madness Asha's POV: Nine past midnight ako nagising. Nakatulong sakin ang pag-idlip ng ilang oras. Nakakagalaw na ako nang kaunti. God ang sakit ng ulo ko! Sobra! Pero kailangan kong tiisin. Dahan dahan kong hinawi ang braso ni Haru na nakayakap sakin. Pinagmasdan ko kami. Naiyak na naman ako. I managed to stand up. Hinila ko ang comforter for cover. Ang sakit ng ano ko… stingy! Bangag pa rin ako kaya hindi ko nahagilap ang banyo. I ended up in front of the kitchen sink. Pinaagos ko ang tubig mula sa faucet. I stared blurred at it. Naghilamos ako. Wake up Asha! Don't be depressed! Everything's fine— No... HINDI FINE YUNG NANGYARI! I'M SO WASTED! Anong gagawin ko? Force myself in a relationship with Haru dahil may nangyari samin? Idemanda siya? Or act like nothing happened? OH GOD! Huhuhu... "I HATE THIS!" WHAM! Winasiwas ko ang mga gamit sa tabi ng sink out of mixed emotions. Natumba pati yung lalagyanan ng mga kutsilyo— Natameme ako pagkakita sa mga nagkalat na kitchen knife. Nanginginig kong dinampot yung pinakamahaba. Kaya kong tapusin ang misery na ito... Yun na lang ang magagawa ko para sa sarili ko now that no one can save me... "—Asha what are you doing?!" nakatayo si Haru sa may pasukan ng counter sporting a confused look. Di na ako nakapag-isip masyado. Bigla akong natakot sa presence niya. B-Baka ulitin na naman niya yung ginawa niya sakin! Itinutok ko sa aking dibdib ang talim ng kutsilyo. "W-WAG KANG LALAPIT!" "ASHA PLEASE MAG-USAP TAYO! BITAWAN MO YAN!" kakasabi ko lang na wag siyang lalapit, ano't he's taking steps towards me?! Lalo ko pang inilapit ang talim sakin. I'M SERIOUS! KEEP AWAY FROM ME! Dahil matangkad siya at mahaba ang arm reach, nadakma niya ang kamay ko. Pilit niyang inilalayo sakin ang kutsilyo. Nilabanan ko ang pwersa niya. Nag-agawan kami hanggang sa— THSAAAK! Biglang nahatak ko ang kutsilyo pero dire diretchong bumaon yun sa aking dibdib... "A-Asha?" imbes na lumapit, lumayo sakin si Haru. Obvious naman kasing hindi na ako maililigtas. He's going to save his skin of course. He left bago pa ako bumagsak sa sahig. I become so numb. There's no pain anymore... **** Cerylle's POV: Ang sakit sakit na ng mga kamay kuuuu. Pasalamat ako sa mahahaba kong mga daliri at hindi ako masyadong nahirapan sa power chords. Memorization lang talaga ang kalaban ko ngayon. Kailangan kong maging bihasa dito para may maipagmamalaki na rin akong talent sa wakas! Mayamaya bumukas ang pinto. Expected ko si Fait ang papasok. Wrong. It's Aster. Ang sexy niya ngayon. Nakasuot lang siya ng black fitted sando at cargo shorts, with matching black armband sa isa niyang braso. Pati likod niya sexy. I saw it nung tumalikod siya para isara ang pinto. "Kanina ka pa daw nagpapractice? Ayaw mong magpahinga?" wow napakanice niya ngayon. Nod lang ang naging response ko. Ewan kung para saan yung skip beat ng puso ko lalo na nung lumapit siya sakin. Para sulit, sinubukan kong tingnan ang mukha niya. Red ang kulay ng mga mata niya ngayon. Minsan very dark, minsan may pagkalight ang shade. "Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya. "Ahh... W-Wala!" nako ichange ang topic! "K-Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang itanong kung saan ka nagpunta kanina?" Kuuu mga tanungan mo Cerylle eh! Pihadong bibigyan ka lang niya ng smirk! "—Sa bahay ng parents ko. Namimiss ko na sila eh. Saka nagpapatulong akong maghanap ng fiancé." Weh? Siya pa lang yata ang naencounter kong anak na gusto ng arranged marriage. Baka sawa na siya sa pambababae. HAAAY BAT BA AKO MASYADONG APEKTADO?! "Haha~ namumula ka saka dinig kong bumilis ang pintig ng puso mo. May naiisip ka bang—" Todo iling ako. "WALA WALA TALAGA! Ahmm... Pwede bang kumanta ka? Para malaman ko kung nasa tono ang pagtugtog ko. Mahirap kasing kumanta habang naggigitara!" hee hee ako na ang queen of change topic. Sinipat ni Aster yung song sheet na nasa scoreboard sa harap namin. "Okay sige. Titingnan ko rin yung prinactice mo..." Sinimulan ko nang magstrum... I wanted to be like you I wanted everything... Awee ang ganda ng rendition niya! Kering keri kahit pambabae yung song! Hehe~ oops baka magkamali! Concentrate! So I tried to be like you And I got swept away I didn't know that it was so cold and You needed someone to show you the way... So I took your hand and We figured out that When the tide comes I'd take you away... If you want to I can save you I can take you away from here... So lonely inside So busy out there And all you wanted was somebody who cares... **** Kan's POV: Wala akong nahita sa Area 2. To tell the truth, hindi ko na mapuntahan ang kahit na anong estate ng mga Vral. I have no access to any. Itinakwil na talaga nila ako. Damnation. Nasa paligid lang ang mga lungga nila pero protektado ng mga charms. I can go stick my nose on their windows but I will never see a thing, nor realize that's the place I'm looking for. Bumalik na lang ako ng Atrus. I experienced two things while I'm sauntering in the lobby. One, kumakanta si Aster. I can hear it because I never let go of his effin brain. Two, I smell blood. I can smell a lot of blood, pero yung naaamoy ko ngayon ay yung natikman ko na. Very recent. Dahil wala akong magawa, and partly dahil gusto kong mang usyoso, sinundan ko ang naaamoy ko. Napadpad ako sa tapat ng isang unit sa may 12fth floor. Bukas yung pinto. Pag bukas ang pinto hindi na ako nag-aabalang kumatok, rektang pasok na. I'm sinking slowly so hurry hold me Your hand is all I have to keep me hanging on... Tss... Kelan pa kumanta si Aster ng song ng babae? Nevermind. Nadala naman niya eh. Hindi mahirap malocate yung pinanggagalingan ng naaamoy kong scent. I found her lying on a pool of her own blood behind the kitchen counter. Di ko alam ang pangalan niya eh. She's naked at pinangtapis niya sa sarili niya ang comforter. Please can you tell me So I can finally see Where you'll go when you're gone? Buhay pa siya. Ngunit manipis na lang ang line between her life and her death. Absent minded kong hinugot yung kitchen knife na bumaon sa kanya. Mga one inch lang yung blood level sa blade ng knife. Therefore posibleng nagsuicide siya. If you want to I can save you I can take you away from here... So lonely inside So busy out there And all you wanted was somebody who cares... "Gusto mo bang iligtas pa kita kahit tinangka mo nang wakasan ang buhay mo?" What the fuck in the Earth? Bat ang corny ko? My heart was dead. Manhid na ako. Wala akong awa. I slaughter anyone in my way... What's with this girl? Please can you tell me So I can finally see... Where you'll go when you're gone? Bwiset kasi tong Aster na to kung bakit kumakanta pa eh. Wala tuloy laman ang isip ko kundi ang lines ng song. Sinugatan ko ang aking left wrist before I kneeled in front of the girl I met by chance. Ipinainom ko sa kanya ang aking dugo. **** Asha's POV: Brr... Ang lamig! I can feel strong drizzle of water falling in my skin. Para silang libo libong karayom na nanunusok. Nasa hell ba ako and I'm being punished?! Di ko alam! Madilim eh! Eh kung try ko kayang dumilat? Blink. Blink. OHHHHLALA~ NASA HEAVEN AKO! Aba nasa harap ko ba naman ang nag-iisang prince charming ko! Haaaay~ Wait, bakit parang banyo ito? Wait lang ha? Must analyze this— I'm in a bathtub... Nakaupo si prince Kan sa rim katapat ko. May towel sa kandungan niya. When I look up, nahilam lang ako sa tubig mula sa shower. Pagtingin ko sa ibaba— WAAAAAHHH! JUSKOOO WALA AKONG SAPLOT! HOLY JESUS! N-Nakita ba ni Prince Kan ang alluring and sexy bod ko?! KYAAAH~ Swwshhh! Sa tindi ng hiya ko, hinablot ko na lang yung shower curtain at yun ang pinangcover ko sa kahubaran ko! Tumayo si Prince Kan. Todo atras ako kahit sagad na ako sa dulo ng bathtub. Relax. Pinatay lang niya yung shower. Naupo siya tas ibinalabal niya sakin yung hawak niyang fluffy towel. "Punong puno ka ng dugo kaya pinaliguan kita—" Kyuuuuu~ di ko na keribels ang kilig, kahihiyan, everything! Lord masyado mo akong pinagpala! I love you so much! Prince Kan even tapped my cheek. "Mag-usap tayo mamaya. Sa ngayon ay ayusin mo muna ang sarili mo." Itatry ko sanang hawakan siya, kaso bigla naman siyang tumayo. He left this bathroom. Tumayo na din ako. Ayoko siyang paghintayin! Paglabas ko ng banyo, hindi ko siya mahagilap. Kinuha ko sa bedroom yung mga gamit ko. Nagmake up din ako kahit paano. Mehehe~ Ugh... Something's weird. Iba ang kulay ng mga mata ko. Wala naman akong naaalalang nagsuot ako ng red contacts. Tas nung nagspray ako ng pabango, konting spray lang, natatapangan na ako sa amoy... Tapos yung mga mata ko... Parang kakabugin ang lens na pang macro shot. Napatingin kasi ako sa window. May tumawid na langgam at nabilang ko kung ilan ang legs niya. WOW oh WOW! Eh pero nasaan na si Prince Kan?! "Nandito ako sa labas ng unit. Ready ka na ba? Lumabas ka na dito." I'm sure I heard his voice inside my mind... Weeeh? Anyway I'll try to go out na nga lang. Nasa labas nga talaga si Prince Kan. Nagsmile siya pagkakita niya sakin. Haaay... "Prince pala ang tawag mo sakin huh? That's sweet." naririnig ko siya pero hindi naman bumubuka ang bibig niya... May saltik ako. MAY SALTIK NA AKO! "Wala kang saltik. What I'm doing is mental telepathy. I communicate with you by sending waves to your brain." My jaw dropped. Is this real world? Di bali na! Nandito ang Prince ko. Ang mahalaga kasama ko siya AT PINAPANSIN NIYA AKO! "Ahh... Mahalaga talaga na kasama kita. Because from now on, you're going to be my Rod." Nagkunot noo ako. I'm his what?! —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 22nd Madness Haru's POV: Mahal ko si Asha. Mahal na mahal. Bata pa lang kami siya na ang gusto ko. Kaso unrequited, yun lang. Desperado na ako kaya I screwed her. I needed to have her bago pa siya mabaliw nang tuluyan sa lalaking ni hindi siya mapag ukulan ng kahit three seconds. Pinagsisihan ko agad ang ginawa ko lalo na nung naabutan ko si Asha sa kitchen counter. What happened next was an accident. Yet it freaked me out. Nagbackfire agad ang masamang ginawa ko. Iniwan ko si Asha pero wala akong balak takasan ang mga nangyari. Hihingi ako ng tulong; at nasa elevator tube na ako nung tumawag ako ng ambulansya. She can't die! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun. The little hope I have slowly falters every passing time na hindi pa dumarating ang kailangan ko. That freaking shitty ambulance might have caught up with the heavy traffic! Kung may superpowers lang ako, iteteleport ko na talaga siya papuntang ospital eh! Drat! I'm talking nonsense now! Pagbaba ko naman, I kept on messing up with the receptionist and everyone in the lobby counter to check out my unit. Lahat sila masyadong busy. If you're a not-so-VIP tenant here, least priority kanila. They attend willingly and immediately to their highest paying tenants na kulang na lang ay i-spoon feed pa nila! SHIT! I tightly clasped my phone paglapat ng likod ko sa backrest ng isa sa mga lobby couch. Tumayo din agad ako after deciding na ako na ang magbababa kay Asha. SHIT ULIT! Almost half an hour na ang nakakalipas? Napahinto ako dahil nakita kong nakatayo sa tapat mismo ng aking unit si Kan, yung vocalist ng ForMad! What the fuck is he doing here?! Another minute at parang bumukas ang pinto. Lumabas mula dun si Asha! Nakabihis na siya at bakas sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na saya at excitement. Masigla siya and there's no sign of suffering from a knife wound. I got a bit confused. Who wouldn't? Hindi muna ako lumapit sa kanila especially nung nagsalita si Asha. Para siyang nakikipag usap sa tuod. Salita lang siya ng salita pero di man lang bumubuka ang bibig ni Kan. Kinuyom ko ang palad ko then finally I mustered enough guts para lumapit sa kinaroroonan nila. **** Kan's POV: Hmm... sinasabi ko na nga ba at may naaamoy akong aso. Talaga? May gana pa siyang magpakita sa babaeng winalanghiya niya nang ganun ganun na lang? Lumapit samin ang vocalist ng Seventh, na siyang huling nakasama ng aking Rod dito sa mumurahing unit ng Atrus tower. "H-Haru..." my servant mumbled. Hindi ko yata gusto ang eksenang to. She's mine at ayokong may kinakausap siyang iba nang walang kaukulang permiso mula sakin. "Asha?" Crank! Natigilan si Haru (yun ang tinawag sa kanya ni Asha, right?) dahil nahagip ni Asha ang leeg nito. "A-Anong ginagawa ko? I-It's not me?!" Of course it's me, stupid girl. Pinag ibayo ko pa ang kontrol ko kay Asha kaya lalo niyang hinigpitan ang pagsakal kay Haru. Nakakatawa dahil hindi man lang pumalag ang talipandas na lalake. He must be that guilty for him to even say? "I should be dead for what I'd done... Asha kung gusto mo akong patayin, I deserve that!" Tss fuck the hell out of you! How many balls do you have that you can say those words hassle-free?! Lumapit ako kay Asha. I stood at her back tas isinandal ko ang baba ko sa balikat niya. I licked somewhere on her cheek. "Finish him... no one is watching." I whispered. I purposely lifted my power over her so that I could test a portion of her brain. She'll pass my standards if she could kill the twerp. Nanginginig ang mga braso ni Asha, and I must say I'm thrilled. My hand slipped behind her waist, at tingin ko, nakapagpaselos yun sa vocalist ng Seventh. Damn! Ang sarap niyang itroll! Bawing bawi ang mga frustrations ko kanina. ?Walang anu ano'y bigla akong itinulak ni Haru; yun nga lang hindi niya ako napaalis sa kinatatayuan ko. "?Bakit ka ba nandito?! Issue namin to pre! Kaming dalawa ni Asha ang dapat na nag uusap at LABAS KA DITO! Kaya kung pwede sana iwan mo na kami!" Inalis pa ni Asha ang kamay niya sa braso ni Haru, parang alam ko nang willing siyang makinig sa explanation ng siraulo niyang? eh ano nga ba ang relasyon nila?! PAK! Sinampal ko si Asha at napakasakit nun kahit para sa isang bampira. Nawalan siya ng panimbang kaya napasalampak siya sa carpeted floor. "You disappointed me bitch." I told her via telepathy. "Mas masakit pa diyan ang ginawa sayo ng lalakeng yan and you can't kill him?! Fuck shit!" "BAKIT MO SIYA SINAKTAN?!" sigaw ng walanghiya. Oh he's mad at me. Nagtagis pa nga ang mga bagang niya eh. "Wala kang pakialam kung anuman ang gusto kong gawin sa babaeng ito. SHE'S MINE." With that, hinila kong patayo si Asha, then held her in a possessive manner. "Asha, bakit hindi mo sabihin sa kanya ang relasyon natin?" Parehas nanlaki ang mga mata nila. Tumingala sakin si Asha. "A-Ano Kan..." I glared at her. "I do not need your opinions nor your sentiments or disapprovals. Ang gusto kong gawin mo ay umayon ka lang sakin. I am your master after all." telepathy again. **** Asha's POV: Sa totoo lang, naloloka na ako ng bonggang bongga. Kasi... nakita ko agad si Haru na ayaw ko sanang mangyari. Hindi ako ready. Tas heto pa, parang ibang iba na ang ugali ni prince Kan! Malayong malayo siya sa prince Kan na nakilala ko? well I can't blame showmanship. Iba yung pag nasa harap ng fans/cameras, iba rin sa personal. Eeh kahit ano pa ang prince Kan ko, hinding hindi yun kabawasan sa pagtingin ko sa kanya! Fighting max! Kaso napapaisip ako ng konti... iba kasi talaga yung deviance niya. Sinaktan niya ako. Kakasabi lang niya na dinisappoint ko daw siya. I don't know if he's serious sa utos niya sakin na patayin si Haru but I DEFINITELY CANNOT DO THAT! My God! Ipis nga hindi ako makapatay tao pa kaya?! AT HINDI KO KAYANG PUMATAY NG TAO! Kahit anong sama pa ang ginawa ni Haru, I still can't! PERO MGA ATENG, I'M MELTING WITH PRINCE KAN'S ACTIONS! Para bang I belong to him! He told me he is my master... my master... my master... KYAAAAAHHHH! "Asha totoo ba ang sinasabi ng lalakeng yan?! Anong relasyon??!" haay tinatanong na ako ni Haru. I cleared a lump in my throat. Ang sabi ko noon, lahat ng chances para mapalapit kay prince Kan ay susunggaban ko. So now I better be good with it. "Haru, he's my boyfriend. Kami na. Wag mo na akong guluhin from now on. Let's try to move on dahil hindi na rin naman na maibabalik ang mga nangyari?" kumapit ako sa braso ng aking prince para mas lalong maging makatotohanan para ay Haru ang mga sinasabi ko. I felt warmth but prince Kans eyes are too cold to even look at. Wala na akong narinig pa mula kay Haru, because prince Kan dragged me immediately on one corner. He covered both my eyes with his palm, and when he removed it, narealize kong nasa ibang pasilyo na kami. Binuksan niya ang pintong nasa harap namin. This must be the penthouse! I saw several familiar faces. One minute, naka-blunt face sila, next moment, nahaluan na yun ng pagtataka. "Ignore them..." anang prince ko sabay hila sakin papasok. The rest of the ForMad band, sinundan ako ng tingin. Nagpahila ako kay prince Kan hanggang sa isang malaki pero dim na kwarto. Binitawan niya ako na parang wala lang pagkasara ng pinto. Naupo siya sa isang armchair; and me, gumalaw ako kahit wala yun sa intention ko. Pinakiramdaman ko na lang kung ano ang gustong gawin ng katawan ko. I just kneeled on the floor lang naman! "You did something good today kahit paano. Tell everyone that I am your boyfriend." he told me. "WHAT?!" oops napahigh pitch pa yata ang boses ko? Ngumiti siya pero may sarcasm na ngayon. "I am your boyfriend. But that's just for show. Don't ever believe me whenever I will tell you that I love you?" he paused a bit and inched towards me. "?I'm a great big fat liar you know..." "Pwede ko bang malaman kung bakit mo ako kailangan?" tanong tanong rin mga sis. "Hindi ko na lang sasabihin. Malamang ay magiging nonsense lang yun para sa gaya mong newly convert. Malalaman mo rin ang lahat kapag ginagawa na natin." Napalunok ako. Parang bigla yatang uminit? Who turned off the aircon? ANO ANG GAGAWIN NAMIN?! Yiee wag pooo! "Hahaha!" tumawa si prince Kan. Umalis siya sa kinauupuan niya, nagdive sa sahig, at lumapit sakin. He cupped my cheeks. "I can read your mind? so don't think stupidly." He can read my mind?! Seriously?! "Yes I can. That's how I know na you're head over heels in love with me na pwedeng pwede kong gamitin to take advantage of you." Wow thank you for your honesty? WAAAAAAAAHHHHH! Alam na niyaaa?! Ano ba kasi siya? Bakit suddenly it's magic?! Bakit siya nakakagawa ng mga bagay na supposed to be ay hindi nag eexist?! "That's a good question na dapat ay kanina mo pa tinanong. Well, you and I, we're vampires." ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 23rd Madness Asha's POV: ANG HIRAP PANIWALAAN NG MGA SINASABI NI PRINCE KAN. Pero maniniwala ako sa mga sasabihin niya dahil? "Alam mo kung anong klaseng nilalang ang mga vampires kaya hindi ko na masyadong ieelaborate ang tungkol dun. Ang tatandaan mo lang ay ako lang ang iyong master. You should be dead by now pero nagdecide akong buhayin ka; therefore, I own your life." He owns me. Parang ang sarap pakinggan nun... but what is this feeling? Why am I so scared? What will happen to me kung vampire na nga talaga ako? Hindi na ba ako masasaktan? Magiging strong na ako? Never na akong tatanda? That's very tempting. Pero paano na yung other side? Paano na ang pamilya ko? My friends? Can I still be with them like I used to? And... will I ever see the sun again? Tumayo si prince Kan tapos ay binuksan niya yung window na nasa likuran ng armchair niya. "Maaga pa. We should run a compatibility test." aniya. Kusa akong tumayo mula sa carpet. Lumapit din ako sa window at sumampa sa window sill. Nalula ako pagdukwang ko! This is not good for me! I' M ACROPHOBIC! "P-Prince Kan?" Helpless akong tumitig sa kanya pero siya parang amused pa yata sa handicap ko. Uhuhu~ "Come on jump out of the window! No vampire can die from that." He egged on me, however, I still don't have the guts to do that! "Hindi ko talaga kaya?" protesta ko. Ginoosebumps yata ako nung bumulong siya sakin? "Kapag nagawa mo, you can kiss me on the lips." Daig ko pa ang napetrify. Dama ko rin pati ang extreme blushing ng aking fez! Kyaaaaaah! I CAN KISS HIM! I CAN KISS MY PRINCE! Kahit magsky dive pa ako mula sa stratosphere, BRING IT ON BABY! So ito na to! Sumampa na ako sa sill. Nanginig nang wagas ang mga tuhod ko! I even forgot to ask what if the fall went? BAAAAAAAAAAAAAAADDDDDDD!! UHUHUH HINDI PA NGA AKO NAKAKABWELO ITINULAK NA AKO NI PRINCE KAN! Gusto kong kalamayin ang dibdib ko? ang puso ko parang sasabog po sa lula! Waaaaaah nakikita ko na ang solid na sementadong daan! Nilupak na Asha ang labas ko nitooo? kyuuuu~ Well I closed my eyes out of great fear. Flump! I was soooo glad na hindi masama ang landing ko. Pagdilat ko, nabungaran ko ang prince ko. Sinalo niya ako though I don't know kung paano pa siyang nauna sakin dito. Booog! Biglang lumuwang ang grip niya sakin, and I wasn't even prepared for that! Nahulog ako nang una pwet sa semento! Ouchiee! "Wag mo nga akong titingnan nang ganun? Nakakairita." sabi niya. "?Bakit anong ginawa ko?" I'm dead sure that I didn't glare at him! **** Kan's POV: It wasn't a glare that bothered me. It was her innocent look. Ewan ko kung bakit ako nadidisturb ng babaeng ito though wala naman siyang ginagawa. Perhaps it's the thought that I knew about her feelings? Tss... "Stand up!" utos ko sa kanya. Hindi man lang siya nagrant tungkol sa pagkakahulog niya. I really hate nice girls. Pero tingin ko she's a brat, and that she's being nice to me because she likes me. Hinila ko siya para mas lalo kaming maglapit. "Okay, nagawa mo ang ipinagagawa ko kaya you can kiss me now." Ang malas malas ko sa nakuha kong Rod. Napaka-weak willed at hindi susunod nang kusa unless kinontrol or nibribe. Pero mahirap nang maghanap ng mapagkakatiwalaang Rod nowadays. I thought I'm lucky to have one before... Tch. Kahit sino pwede akong traydorin; kahit pa si Aster, at lalung lalo na si Farfait. The three of us, we didn't start as friends. Magkakaaway kami from the start. Remember the good old saying? keep your friends close but your enemies closer. I was surprised na mas matino pa palang kasama ang mga kaaway mo. Atleast hindi sila pretentious. Their blades are pointed at you and you know it. "Ano pang tinatanga mo diyan? Inaaksaya mo ang gabi natin!" pinagalitan ko ang Rod because number 1, she's so stupid; number 2, refer to number 1. I can sense her abnormal pulse rate. Kinakabahan siya? Wala pa ba siyang nahahalikan before? Yumuko pa ako lalo para mas maglapit ang mga mukha namin. This is nothing, just a fan service. My lips met hers. Wala siyang ginawa and that her lips remained closed. I can feel the softness of her lips. I suddenly have this urge to taste her. Her mere innocence is teasing me. I found myself pressing on until our kiss deepened. I am the teacher and she's a good student, by the way. Nagagawa niya ang gusto ko kahit walang utos. My hand fumbled behind her, while the other one caressed her slender little neck. I was in the middle of feeling good when? Flash! Some stalking paparazzi took a stolen shot at MAY FLASH TALAGA! Sinabayan niya yun ng takbo. If this incident happened on regular days, baka pinaputok ko na ang lens ng kanyang camera? I'll let it pass today dahil kailangan ko yung controversy. Inilahad ko sa aking Rod ang aking kamay. "Let's go para makarating tayo agad sa area 1." Fuck. Nakatunganga na naman siya! **** Asha's POV: UWAAAAAHHH~! We kissed! AS IN OH MY GAAAAHD! It never occured to me na ang mga fantasies ko lang dati ay posible palang magkatotoo! I'M THE LUCKIEST FAN GIRL IN THE WHOLE WORLD! Ang tagal kong stunned at bumalik na lang ako sa katinuan ko nung haklitin ni prince Kan ang braso ko. "Saan ba tayo pupuntaaaaaa??!" It suddenly felt weird! Everything is weird like I am being sucked into somewhere. I want to breathe but I can't! Walang hangin! I was glad sasaglit ko lang naexperience yuuuun! "So how's your first try with teleportation?" naaamuse ulit yata si prince ko sa pagiging miserable ko... and for the nth time, AYOS LANG! "I-I can't breathe!" Sagot ko while trying to catch some air. Saka ko lang napansin na nasa ibang lugar na kami! I think this was in the border of the city. "Pull your shit together dahil three teleports pa bago tayo makarating ng area 1." uhuhuh now it's like he's talking to another guy! "?Area 1?" he never told me anything. He pulled me again and off we gooooo?! Totoo yung sinabi niya na makakarating kami sa sinasabi niyang lugar after three more vacuum sucks. Hindi na niya ako tineleport after that. I think hindi ko na kailangang itanong pa sa kanya kung anong lugar ng Area1. Kitang kitang daig pa nito ang dinaanan ng tsunami, ng lindol, ginera, at binomba! Halos lahat ay puro in ruins na, bagamat mababakas pa rin yung prolific living dito as a former city. Prince Kan picked up a rusted blade on the road na may nakahawak pang severed hand! Kinilabutan talaga ako pagkakita pa lang dun! "Here, hawakan mo ito." Reluctant kong inabot ang espada mula sa kanya. Nakakadiri kaya! Hinawakan na ng patay tas hahakawan ko rin??! Rarrrrrraaaaaaaghhhh! Hwaaaaaaaaggrrrhhhh! WHAT AM I HEARING?! Puro rasping and moaning! This can't be! "Parating na sila. What a great timing. Sa wakas ay magkakaroon na rin ako ng practice." pati voice ng prince ko ay nakakatakot na! I don't like this! "S-Sino ang mga parating? Ano ba kasi ang gagawin natin dito? Natatakot na ako! Please ilayo mo ako dito!" sinubukan kong hawakan ang kanyang sleeve pero lumayo siya. "Maiwan na muna kita dito. Galingan mo ok?" HALA?! ANONG GALINGAN KO??! Biglang naglaho si prince Kan. wala akong idea kung saan siya nagpunta basta INIWAN NIYA AKO DITO AT MAY PARATING NA HINDI KO ALAM!!! Uhuhuhu mama kooo~ Raaaawrrr.... Naaaninag ko na kung ano ang mga parating... mga taong naaagnas, gulagulanit ang mga suot, at naliligo sa nanuyot nang dugo. Wala silang tamang pag-iisip because they're already dead. they're dead but still, buhay na buhay pa rin ang drive nilang kumain ng flesh... Mga undead. Iniwan ako dito ni prince Kan para ipakain sa kanila?! OH GOD PALAPIT NA SILA SAKIN PLEASE SAVE ME? Kusa na namang kumilos ang katawan ko. hinigpitan ko ang grip sa hawak kong espada! Mayamaya ay tumatakbo na ako... PALAPIT PA SA MGA UNDEAD!!!! WAAAAHHH NOOOO!! Whack! Sinako ko ang buong mukha ng isang babaeng undead na nakanganga sakin! Nakakadiri! Nakakadiri much! Crack! Crack! Nagstay pa sa mukha niya yung kamay ko hanggang sa parang dinudurog ko na yata ang buong ulo niya! GROSS! IWWW!!! Slashhhh! Inislice ko ang karamihan sa mga undead, others, I smashed with my barehands, or sometimes, with my feet. May mga pagkakataong ang sakit na sa puso dahil may mga close encounters wherein gahibla na lang talaga at makakagat na nila ako; but my body movements were so reliable. Not long now I think until I am entirely covered with dirt, blood and goo. I stood in the middle of the road, with the undeads lying motionless around me. My knees starts to tremble, the sign that tells me an unknown force already stopped controlling me. itinukod ko ang dulo ng espada sa gatla ng kalsada at yun ang ginawa kong support para makatayo. It didn't do. Napaupo pa rin ako sa lapag. A figure materialize in front of me, and I'm so dumb to realize na si prince Kan yun. He was staring at me with his sinister eyes. Dali dali akong gumapang palapit sa kanya tas niyapos ko ang isa niyang leg. "Ayoko na... N-Natatakot ako..." WHACK! He kicked me kaya napabalik ako sa dati kong pwesto? "Hindi natin ititigil ang pagsasanay hanggat may natitira pang takot diyan sa katawan mo. Naiintindihan mo na siguro ngayon kung ano ang saysay ng pagiging isang Rod di ba? You will be my shield and my sword from now on, at napakataas ng expectations ko mula sayo." Unti unti ko nang nakikilala kung sino si Kan. It seems to me na hinubad niya sa harapan ko ang maskarang isinusuot niya kapag nakikiharap sa iba. The Kan in front of me, is nothing but pure evil... I can see it in his eyes. I'm doomed and I know it... Pero bakit parang hindi ko kayang lumayo sa kanya? I want to be worthy in his eyes... ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 24th Madness Aster's POV: Hooo tama ba yung nakita ko kani kanina lang? Si senyorito, nagdala ng babae dito? "Fait di ba nakita na natin yung babaeng yun? Ano nga ba ulit yung pangalan?" tanong ko habang nakakamot sa ulo. "Anastacia Dupre ang pangalan nun Aster. Nagiging makakalimutin ka pare?" Sumingit sa usapan si Cerylle. "Ano bang ginagawa nila sa loob? Kanina pa sila hindi lumalabas?" Hahaha~ may pagkaberde nga talaga siya ano? Umakbay ako sa kanya. "Wag kang mag-alala. Umalis na sila kanina pa. Wala sila diyan sa loob." "?Talaga? Ehh nasaan na sila ngayon?" Ignore the question. I can't describe Area 1 eh. Lumayo din ako sa kanya. Nagpunta ako sa room ni Antigone. I found my little sister lying flat on her stomach sa kanyang kama, with a thick old book propped in front of her nose. Naupo ako sa tabi niya. She automatically sat up. "Come here?" utos ko. Nung lumapit siya sakin, I cuddled her. Random lang sakin ang lambingin siya, at ito yun. Ang laki laki na niya kasi eh. Kung sana baby na lang siya at wag na siyang lumaki. "?Alam mo, you'll make me happy kapag tinawag mo akong kuya." "Ayaw." she answered while pouting. I also pouted. "?Magpapakasal na ako sa isang random girl. Yun ang gusto ni papa." Whenever I told her na magpapakasal na ako sa ibang babae, nagtatantrums siya. She'll kick all her toys away o maghahunger strike, but now?she just stared blankly at me. "Kelan ko ulit makikita sina mama at papa?" "Ang totoo niyan, kinukuha ka na nila, ayoko lang. Mamimiss ko kasi yung mga kakulitan at kamalditahan mo eh. Pero nasa iyo yung decision kung gusto mo nang tumira sa kanila tutal missed ka na nila." "?Paano si Fait-chan? Dadalawin ba niya ako dun?" I see. Looks like makukuha agad ni Fait ang affection ni Aning. Ewan ko na lang kung papasa siya kay mama. Baka habulin siya ng taga nun! Hwehehe~ Tok! Tok! "Pasok." tinatamad kong tugon. Fait entered inside. Nagsalubong agad ang mga kilay niya pagkakita saking nakayakap kay Aning. Selos yan. Saming tatlong lalakeng member ng ForMad, siya ang pinakamisteryoso, at hindi yun mahahalata ng iba mula sa kanya. He was jolly at palangiti, mahinhin na parang babae, sumasakay sa lahat ng trip namin ni Kan, at foul-mouthed din. Siya ang pinakamabait pero siya rin ang pinakamasamang magalit. Nakita ko na kung paano siya magalit, once. I swear, I almost saw hell; or I thought I did. What resort me para pumayag na magkaroon siya ng attachment sa kapatid ko ay para i-tame siya. It's not like I'm going to sell my sister to a devil. Nag-all in ako sa notion that a vampire's love is the most powerful existing force. No matter how strong you are, hinding hindi mo makakayang saktan ang minamahal mo. And Who knows? Baka hindi rin sila magkatuluyan. Baka isang araw ay mapatay ko itong si Farfait... As for now, wala pa namang enough reason para gawin ang bagay na yun. **** Farfait's POV: Hinila ko si Aster palayo kay beb. I can feel some jealousy and I admit that. It's partly not my fault, it's the stupid heart of mine. Kelan lang mula nung magkaroon ako ng heartbeat. Medyo faint, pero ang laki na ng difference. Hinawi ni Aster ang braso ko, then said "Easy." before going out of the room. Bago ako humarap kay beb, I wore my best smile. "Ano ang pinag-uusapan ninyo ng kuya mo?" tanong ko. I sat beside her and then I stroked her hair. Tss... ang tagal niyang lumaki. Minsan may pagkaimpatient na rin ako. "Ang sabi niya kukunin na daw ako nina mama at papa?" she paused for a sec. "?Dadalawin mo ba ako if ever tumira ako kasama sila?" Antigone tells me everything. She's my greatest comrade here, under my influence. Nabuo ang ForMad not because Kan, Aster, and I are friends. Nagkataon lang na may common goal kami, besides that, talo talo na. We're engaged in a psycho-war for almost two years now, and the actual all-out war will be saved for later. Kung nagtutulungan man kami ngayon, of course may kabig yun. "?Ang alam ko, at ang sabi ni Aster eh patay na ang parents niyo?" painosente kong tanong. Beb shook her head. "?Buhay pa sila. Nagpakita sila sakin nung gabing bago kami nanood ng concert ng Vocaloid." "Talaga?" ginagap ko ang palad ni beb. I closed my eyes and tried to see through her memories. Hindi ko ineexpect ang nakita kong unusual. I've entered inside her memories so many times at ngayon ko lang naencounter ang ganitong bleak darkness. Somewhere in front of me, may nagmaterialize na liwanag. Iniilluminate nun ang pigura ng isang nilalang na nakasuot ng mahabang itim na cloak at isang kakaibang maskara. Sinong pangahas itong nag intrude sa sistema ni beb?! "SINO KA?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" demand ko. "?Tawagin mo na lamang akong An're. Isa akong sorsero." Sorsero? Nagpapatawa ba siya? "Umalis ka na ngayon dito kung ayaw mong samain." "Tsk... tsk... tsk... Hindi maigi ang nakikialam sa alaala ng iba at alam mo yan." aniya. THE FUCK?! What is wrong with this guy? I crossed my arms and eyed him sternly. "Between the two of us, ikaw ang mukhang hindi mapagkakatiwalaan kaya dapat ka nang umalis dito?" "?Alam ko kung ano ang ginawa mo sa iyong kaibigan..." that was his final words before he left. Tch... kaibigan? I don't have that kind of shit. Pero paano niya nalaman yung?? AH HINDE! I Shouldn't think too much. Maybe he's just talking randomly. Bumalik din ako sa realidad dahil wala akong napala. Hindi na ako makapasok pa sa memories ni beb; like someone blocked it. Nakakainis yung An're na yun! Sino ba siya?! "Fait-chan, what's wrong?" Umiling ako. "Ano nga ulit yung pinag-uusapan natin?" Syempre nainis siya. Ayaw na ayaw niyang walang nakikinig pag nagsasalita siya. "Ewan ko sayo!" "Ahh naaalala ko na! About your parents?tama di ba beb?" Tumingin siya sa may kisame, pero nasa kawalan ang kanyang focus. Parang she's daydreaming. "Alam mo ba, nung first time kong makita si mama, natakot ako. Hindi ko siya kilala. Akala ko isa lang siyang stranger na may balak akong gawan ng masama. Pero iba si papa... Hindi ko maexplain yung feeling nung nasa harap ko siya kaya hindi ako nakapagsalita. May takot din akong nararamdaman na di ko maipaliwanag... kapag tinitigan mo ang mga mata niya, parang makukulong ka sa isang closed space na kayong dalawa lang." Nacurious akong bigla. Gusto kong makilala ang ama nina Aster at beb. He must be that powerful para magkaroon pa rin ng malakas na impact kay beb kahit na inabandon niya ng napakaraming taon ang anak niya. **** Aster's POV: Squawk! Squawk! May itim na raven sa may bintana paglabas ko ng kwarto ni Aning. Nakatunganga si Cerylle sa harap ng bintana at pinapanood lang ang ibon na tukain ang glass. I rushed to open the window and let the raven inside. "Bakit mo pinapasok yang uwak dito?!" takang tanong ni Cerylle. Tss... ano bang alam niya sa mga bampira? The raven circled on top of me. Bahagya kong iniangat ang braso ko at dun nagperch ang raven. Pulado ang mata ng ibon and I could see my own reflection. Squawk! Squawk! "Shoo?!" winagwag ko ang braso ko nung naipasa na sakin ng raven ang lahat ng mensaheng hatid niya. Lumipad iyon palabas ng bintana without much fuss. I then faced Cerylle. Wala naman talaga akong balak na isiwalat sa mga tao ang lahat ng tungkol sa mga bampira; naaamaze lang akong ikwento dito kay Cerylle ang pros ng pagiging isang vampire, or to make it simple, I'm bragging! "That's a messenger raven. The vampires are their masters. Ginagamit sila para maghatid ng mga confidential messages." "?At ano naman ang natanggap mong mensahe mula sa dumating na uwak?" I crossed my arms. "Bakit ka interesado? It's about a ball na balak gawin ng parents ko para icelebrate ang 9 years worth of me and Antigone's birthday." Siguradong boring yun. I should bring some entertainment with me. "Gusto mo bang iescort ako dun?" Nanlaki ang mga mata niya with excitement. "Yiee talaga?! Kelan ba yun?" Yeah right, hindi nga siya excited. "Bukas ng gabi. Don't worry tungkol sa isusuot mo dahil may darating dito para iready tayo." Past 3am na nung bumalik ulit dito sa penthouse si Kan. He's a dork for using the window of his room as an exit, and then using our front door for entrance. The CCTV man might know a lot of his secrets. Syempre kasama niya pa rin yung girl na kinonvert niya. Sa ngayon ay di ko pa alam kung ano ang nasa isip niya. He can still be secretly hostile towards me and Fait. Hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan ang grudges di ba? Pero kung atleast may isa samin ang magpapakumbaba, tingin ko ay malaki ang chance na ang friendshp namin ay magkakatotoo. Gaya nila, ayoko sa kanila nung umpisa; but as days went on, nandun na yung enjoyment. Hehe... baka ako lang ang nag-iisip ng ganito? Kan and Farfait could still have something against each other, or even against me... ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 25th Madness Lustra's POV: Area 3. Bukod sa Area 1, ang lugar na ito ay tinamaan din ng undead plague. Sira na ang buong syudad na ngayon ay nilalakaran na ng mga undead. Mas maraming undead dito kumpara sa Area 1. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mailing sa kapalarang sinapit ng mga lugar na dapat sana ay santwaryo ng mga gaya kong bampira. Sa nakalipas na dalawang taon, naging dominating ang mga bampirang necromancer kahit isa sila sa mga mahihinang klase. Para sa kanila, isang lang malaking playground ang parehong Area 1 at 3. Ang lahat ng nangyayari o mangyayari sa dalawang lugar na binanggit ko ay nasa kanilang pagdedesisyon. Ang mga mahihinang bampira ay kabilang na sa dumaraming populasyon ng mga undead, na siyang nagtaboy sa mga malalakas na bampira na mamuhay sa mundo ng mga tao. Malamang hindi na malabo ngayong madiskubre ng mga tao ang tungkol sa existence namin. Isa rin akong necromancer pero wala akong balak na paglaruan ang buhay at kamatayan— ah mali... irerephrase ko ang sinabi ko— Minsan ay tinangka kong paglaruan ang buhay at kamatayan ng isang nilalang; at pinagsisisihan ko na yun ngayon. Namimiss ko yung dati. Kahit napakalamya ng monarkiya, hindi nagkakagulo ang mga bampira. Ang lahat ay may kinatatakutan; ang lahat ay may iisang ginagalang. Naging mahina lang nga talaga ang pinakahuling hari, sa aking palagay. Sinisisi ko ang bumagsak na pamunuan sa mga kalupitan at kasamaang dinanas ko, sampu ng mga kagaya ko, sa kamay ng organisasyong king tawagin ay Black Church. Squawk! Squawk! Nagsiliparan ang mga nagpapahingang uwak nang sandaling madaanan ko ang tambak na mga scrap metal kung saan pansamantala silang nagpapahinga. Mayroon din silang purpose kung bakit sila nandirito. Kumukuha sila ng mga datos tungkol sa Area 3. Rrrrrrraaaaaaaaaaawrrrrghhhhhh! Tss... dahil sa ingay nila, naakit sa direksyong ito ang mga undead. Isa isa na silang nagsisipaglapitan at nakakairita. Tinuklap ko ang balat ng aking hintuturo, kasama na ang laman. Sa amoy ng dugo ko mas lalong lumakas ang aggression ng mga undead. —Tsssswiiiik! Nagsilabasan mula sa sugat ko ang aking ugat. May kakayahan akong pagdugtong dugtungin sa loob ng katawan ko ang lahat ng aking mga arteries at veins at iextend siya palabas. Alam mo bang kapag pinagdugtong dugtong mo ang lahat ng iyong arteries, veins, at capillaries ay sobrang haba nun na makakayang pumalibot sa pinakamalaking diameter ng mundo ng dalawa at kalahating beses? Alam din yun ng mga tao. Indikasyon lang yan na walang sino sa mundong ito ang hindi ko maaabot basta ginusto ko. Ang sinumang makapitan ng aking mga ugat ay automatic na napapasailalim ng aking kontrol. Ang aking puso ay nagbibigay ng napakalakas na ritmo at blood flow na sapat para idominate ko ang isang katawan. Ang dugo ay isang elixir para saming mga bampira, at bibihira lang ang nagagamit iyon bilang sandata— gaya ko. Nagcicirculate ang dugo sa buong katawan. Ito ang main transport ng oxygen, nutrients, at iba pang antibodies. Walang parte ng katawan ang hindi nito madadaanan kaya masasabi kong mas efficient ang ginagawa kong manipulation kesa ng kay Kan na focused lang sa physicality. Hindi ako itinuturing na necromancer bago pa ang Black Church. Mas recognized ako bilang isang Morpher dahil sa body modification na ginagawa ko. Nito ko lang nadiskubre na maaari ko rin palang magamit sa mga undead ang aking kakayahan— Pumulupot sa batok ng pinakamalapit na undead ang aking ugat. Medyo malambot na ang laman niyon kaya madaling nakapenetrate yun sa loob ng kanyang katawan. Ilang sandali pa ay kontrolado ko na ang bawat galaw ng undead sapagkat dugo ko na ang nananalaytay sa kanyang katawan. Hinawi niya ang iba pang mga undead para sakin. Kampante akong naglakad sapagkat alam kong hindi ako mahahawakan ni isa sa kanila. Huminto ako sa tapat ng isang underground subway. Inilabas ko ang aking punyal at ginamit yun para pugutan ng ulo ang kinokontrol kong undead. Nang nakahandusay na siya sa sahig, nilubayan na siya ng aking ugat. Namanhid ang kamay ko pagbalik sakin ng vein. Gumapang ang pamamanhid hanggang sa aking braso— pero sanay na ako. Normal na ganito ang nangyayari pagkatapos kong kumontrol ng isang undead. Pweeeeeeh! Bigla akong naduwal kasabay ng matinding pagkahilo kaya napasandal ako sa railings ng hagdanan pababa ng subway. Sa umpisa ay dugo ang idinuwal ko; hanggang sa napansin kong nag-iiba na ng kulay ang lumalabas sa aking bibig— malagkit at parang sipon! Imposible! Infected na nga ba ako?! P-Pero ang akala ko— Uhnn.. Nanghihina ako. Nanlalambot pati mga tuhod ko! Anong gagawin ko kapag nawalan ako ng malay dito? HINDI MAAARI! Pagpepyestahan lang ako ng mga undead! —Ang dami kong iniisip, pinipilit kong labanan ang hindi magandang sitwasyon, pero bandang huli ay natalo pa rin ako... Bumalik ang aking ulirat kaso ay hindi ko na namalayan ang oras. Tila malapit nang sumikat ang araw dahil sa malamlam na kulay ng kalangitan— Nakahandusay pa rin ako sa top landing ng subway kung saan ako natumba kanina. Walang sign ng undead sa paligid ngunit hindi ako nag-iisa. May nagsasalita at boses ng isang lalake! "—Though they dig into hell, From there, my hand shall take them; Though they climb up to heaven, From there I will bring them down…" Tumihaya ako para lang sipatin kung sino ang kasama ko. Hindi pa ako makatayo gawa ng nanghihina pa rin ako— Ang nilalang na nakatunghay sakin ay may hawak na isang itim ba bibliya. Nakasuot siya ng isang itim na roba at maskara na kakaiba ang hitsura. "Alam mo ba kung anong verse ang binasa ko? Amos 9:2. Iyan na ang magiging tag mo simula ngayo—" "HINDI AKO ISANG EVIL DRUID!" protesta ko sa kanya. "Amos, tanggapin mo na ang katotohanan—" "Hindi! Sino ka ba?! Anong ginawa mo sakin?" Isinara niya ang hawak niyang bibliya tas naglaho yun sa hangin. "Ako si An're. Ako ang nagligtas sa iyo nung kamuntikan ka nang maging isang totoong undead." Wala akong tiwala sa kanya! Ni hindi nga niya maipakita sakin ang kanyang pagmumukha! "Lubayan mo ako! Wala akong pakialam sayo—" Kusang tumaas ang kamay ko kahit hindi ko naman ginusto. Ginagap niya yun at binuklat ang aking palad. "Kumokontrol ka ng mga undead at nagsimula yun nang hindi ka naman talaga infected. Binaliwala mo ang infection dahil wala iyong direktang epekto sa iyo; ngunit lingid sa iyo ay naipapasa na pala sa iyo ang virus mula sa iyong mga ugat. Sa lahat ng pagkakataon na maaari kang maging undead, ngayon ka pa nachambahan..." Tch... Paano na? Ano na ang gagawin ko?! Aalipinin lang ako ng isang to! Sinamantala niya ang pagkakataong nanghina ako! Binitawan rin niya ako kapagdaka. Ginamit ko ang kung anong lakas na natitira sakin para makatayo. Walang lingon-likod akong dumirecho pababa ng subway. Bahala na siya kung may balak siyang habulin ako, basta ayokong maging idle na kasama siya. "HUMAYO KA LANG AMOS! MAGKIKITA PA RIN TAYO AT PAKAASAHAN MO YUN!" Nag-echo ang boses ni An're dahil na rin sa structure mismo ng subway. Kung ka-ranggo ko na nga ang isang Evil Druid, talagang hindi ko maiiwasan ang muli naming pagkikita— Hindi ko maikakailang iniligtas nga niya ako mula sa tuluyang pagiging infected. Ngunit bakit ba? **** Hio's POV: Hinayaan ko lamang ang aking Evil Druid na bumaba ng subway. Hinubad ko na ang aking suot na maskara. Walang kaso sakin kung maraming bampira na ang nakakita saking suot iyon pero ang sagwa kung sakaling magkita pa kami ni Amos mamaya nang suot ko pa rin yun. Tutol si Shall na magpaumaga ako sa labas, but this can't wait. May kailangan akong katagpuin at hindi ko yun maipagpapaliban pa para sa ibang araw. Sinundan ko ang bawat yapak ni Amos. Pinag-aralan ko ang buong sukat ng tatlong fortress ng mga bampira noon. Pinag-aralan ko ulit ang sukat nun pagkalipas ng siyam na taon. Nalaman kong nasa 1/3 na lamang ang lupang sakop ng Area 3. Ang mga lupain naman sa paligid nito ay pulos mga barren land at yung hindi na kapaki-pakinabang. Nawawala sa mapa ang natirang 2/3 ng kabuuan ng Area 3 at nandito ako ngayon para alamin kung ano ang nangyari dun. Nagcross-over si Amos sa machines na nilulusutan ng mga sasakay sa subway train. Kapa kapa dahil sobrang dilim. Hindi ko alam kung gumagana pa ang power generator dito pero di naman problema kasi may naaaninag naman ako kahit papaano. Squeak! Squeak! Tss... Kaya ayoko sa mga lugar na nasa ilalim eh, maraming daga! Kung hindi daga, IPIS! Ang masama yung may lumilipad pa. Amp. Kung mga ipis lang ang members ng Black Church, matagal na akong suko sa mga masasamang plano ko laban sa kanila. Sana maisip nila yun. Bumaba si Amos ng riles tas sumakay sa nakahintong tren. Nakabangga yun sa isa pang tren kaya malamang lulusot siya sa kabilang pinto para marating ang other side. Hindi naman kasi niya pwedeng talunin dahil hindi siya kasya sa itaas. Kung saan saan pa siya naglululusot after that. Nito ko lang nadiskubre na marami palang pasikot sikot sa isang innocent-looking subway station. Si buntot pa rin ako hanggang sa makarating siya sa may pader na parang sinadyang tinibag. Naghintay ako ng ilang minuto bago ako sumunot sa loob. Wala namang espesyal sa loob kundi isang pinto. Pagbukas ko nun, may nakita agad akong isang open manhole sa pinakagitna. Nung sipatin ko ay may hagdan patungo sa ibaba. Chineck ko muna ang relos ko. Alas sais ng umaga. meron pa akong libreng kalahating araw bago ang piging para kay Aster. So yes— I'll go down. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 26th Madness Hio's POV: Hindi ko na ginamit ang hagdan. Rekta na akong tumalon sa ibaba para di masyadong hassle. Plok! Plok! May tumutulong tubig, at expected na yun dahil nga sewage dito. Wag na lang nating isipin na galing yun mula sa toilet bowl ng CR ng subway. Malakas ang daloy ng aura na nandirito sa ilalim. Mas lalo tuloy tumindi ang urge ko na makakakita ako ng nest core o yung shelter ng mga bampira. Namangha ako sa mga sumunod kong namalas. Tumambad sakin ang isang napakalaking tarangkahang bakal na sasobrang bigat ay kayang pigilan ang agression ng atleast isang libong undead; ngunit sisiw lang na buksan ng isang bampira, pramis. Imagine, may ganito sa sewage? Angas! Isang winding staircase ang sumalubong sakin na tila walang hanggan ang mga baitang— isandaang hakbang, limandaang hakbang... Ah ambot! Nawala rin ako sa bilang! Di ako sigurado kung ano ang madadatnan ko sa ilalim kaya maiging tapusin ko na lamang ang pagbaba ng hagdan. Nang sa wakas ay narating ko na ang pinakalanding, hinawakan ko ang sahig na lupa pala. Base sa kanyang composition, isa iyong loam soil na puno ng mga mineral na kailangan ng mga halaman. Walang dudang ang lupa dito ay katugma ng matabang lupang hinahanap ko sa ibabaw. Naanalisa ko na ang lupain, sunod, iniikot ko ang aking paningin. Mga approximately 50 yards mula sa kinatatayuan ko, ay mayroon na namang tarangkahan; old-fashioned yun at railings lang. May liwanag din sa likod ng tarangkahan na galing sa mga random torches. Lumapit ako sa gate at unti unti kong napicture ang isang komunidad. Kung hindi ko minanmanan si Amos simula pa lang, baka mainfest na rin ng undead plague ang underground community na ito. Medyo may pagkamoderno ang mga istruktura sa loob pero halatang hindi uso dito ang electricity. Kapansin-pansin din ang biyak ng lupa na parang dinundan lang ng gate. Bahagyang elevated yun— IBIG SABIHIN TAMA NGA ANG HINALA KO?! Wala na akong pasubali. Tinalon ko ang gate ngunit pagkalanding na pagkalanding ko, isang kamay na litaw ang mahahaba at matatalas na kuko ang nakatutok agad sa aking leegan. "Minerva von Hairenn..." anas ko. Ibang iba ang hitsura niya kesa sa totoong Minerva na nakilala ko. 'Woman' na siya ngayon at mas lumitaw pa ang kanyang ganda, idagdag mo pa ang kanyang pagiging sopistikada. "Magaling ka. Ang akala ko ay wala nang makakadiskubre pa sakin dito—" "NASAAN SI KAPE?!" demand ko. Magkaibigan kami nito ni Minerva pero hindi sa lahat ng dimensyon. Gaya ko, ang kapangyarihan niya ay nag-eexpand hanggang sa ibang dimensyon. Kaya sabihin na lang nating kung ako ay isang dimension wizard, siya ang dimension witch. Ang Minerva na kaharap ko ngayon ay hindi 100% na si Minerva na kaibigan ko. Let's say 50-50. This dimension kung nasaan ako ay ang totoong dimensyon namin. Unfortunately, wala na dito ang totoong Minerva at totoong Kape na dapat sana ay nandito. In order for me to save them on CRO, minabuti kong ilipat ang reference dimension nila. Posible lang yun kapag walang Kape o walang Minerva na nag-eexist sa ibang dimension na paglilipatan nila. That time, walang available na ganung dimensyon kaya gumawa ako ng isa. Pagkatapos ng success sa Terra Nusquam, naging easy na ang creation para sakin. Hindi naman ibig sabihin na porke't galing ng ibang dimensyon ay peke na. Ang Minerva na kaharap ko ay genuine pa rin. Hinawakan ko ang kamay ni Minerva na nakaamba sakin tas tinitigan ko siya sa mga mata niya nang may pagkamangha. "Hindi ka isang Astral traveller. Inilipat mo na dito ang reference dimension mo—" Astral traveller ang generic term para sa mga naglalakbay sa ibang demension, mapa-tao, bampira, daga, ipis. May dalawang uri ng paglalakbay sa ibang dimensyon— may pisikal at mental. Kapag mental, makakapasok ka sa mga panaginip, alaala, at pati na sa mga mundong pinupugaran ng mga kaluluwa— terra nusquam for example. Yun nga lang, kinakailangan mong iwan ang pisikal mong katawan na vulnerable sa mga physical attacks. Ang pisikal na paglalakbay naman ay isang highly advanced skill na hindi basta bastang nagagawa ng kahit sino lang. Nangangailangan iyon ng extensive studies, calculations, and discipline. "Wala na akong ibang choice... Kailangan ko siyang iligtas dun sa aming orihinal na dimension. Hindi kami nag-eexist sa dimensyong ito at laking pasasalamat ko dun. Pero undead apocalypse naman ang aming nadatnan—" dun na nagiba ang tapang ni Minerva. Well malaki ang probability rate na maraming Minerva ang magkakagusto sa maraming pareng Kape. "Nasaan na si Kape?" putcha na-eexcite ako! "Tara sasamahan kita sa kany—" BANG! BANG! WHAT THE FUCK?! Dinagit ko palayo si Minerva dahil may bigla na lang nagpaputok ng bala-de-gulat. Inistalk pa kamo ako ng mga bala— Nasalo ko yung iba. Puro basyo mula sa isang AK-47. "BITAWAN MO SI MINERVA!" sigaw ng pamilyar na boses. Palapit samin ang may-ari nun. Napaka-kaswal niya at may hawak nga siyang AK! Nagrereload ang ungas habang naglalakad. "—KAPE KAPE WAIT! TAYMPERS! AKO SI HIO!" sigaw ko sabay wagayway ng mga kamay. Bang! Ipinaling kong bahagya ang ulo ko para ilagan na naman ang shot niya! Puuuuuuuuuuuuuuuutaaaa ano to friendly fire mode?! "Hindi kita kilala. Ngayon lang tayo nagkita." aniya. Kumasa na naman siya. Amp. SYET! Napapamura talaga ako pag nasa paligid lang si Kape. Siya yung bad influence talaga eh! Mabuti na lang at nakialam na si Minerva NA SANA AY KANINA PA NIYA GINAWA! Tinangke niya ako. Humarang siya sa gitna namin ni Kape pero parang ganun pa rin. Matangkad kasi ako kaya posible pa rin akong ma-headshot kung sakali. "Itigil mo na yan. Kaibigan ko siya—" Face-palm. Nawala sa isip ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kilala ako ni Kape. Okay kaming dalawa lang pala ni Minerva ang nagkakaintindihan dito all along. Kaming mga dimension masters ay may sariling lenggwahe at pagkakakilanlan pala. Hinawakan ko ang balikat ni Minerva, a gesture suggesting na ako na ang maghahandle sa sitwasyong ito. Lumapit ako kay Kape kahit pa nakatutok pa rin sakin ang hawak niyang baril. Slight akong yumuko sa kanya. "Ako si Lord Henna Iryl Darktower. Kaibigan ako ni Minerva. Tawagin mo na lang akong Hio." Binitawan na rin ni Kape ang hawak niyang pangratrat. Nawala yun bigla na parang bula. "Ang pangalan ko ay Rai Solace." Rai Solace... Ahh ibang dimensyon nga. Nga naman— WHAT THE FUCK?! Ang pangit ng pangalan! "Pwede bang Kape na lang ang itawag ko sayo?" hirit ko. Umismid si loko. Pakasuplado ng hinayupak na to. "—Ikaw ang bahala." Nangiti ako. Imba to eh. Wala na sa expectations ko na makikita ko pa ni anino ni Kape— this is too much. "Ikaw ba ang may gawa ng pagkawala ng malaking parte ng syudad sa ibabaw?" naitanong ko lang. Linker siya di ba? Pero hindi talaga papasok sa banga ko yung ideyang kaya niyang i-link ditto sa ilalim ang napakalaking bahagi ng syudad! Wala siyang reply. Wala rin sa balak niya. Tang ina niya. Si Minerva tuloy ang sumalo sa itinanong ko. "Oo kagagawan niya yun. Halos magdadalawang taon na niyang pinanghahawakan ang lugar na ito— mula nung mapadpad kami dito. Pagpasensyahan mo na kung masyado siyang suplado. Sa sobrang tagal na niyang hawak ang hekta-hektaryang lupain dito sa ilalim, marami na siyang dinaramdam na ayaw niyang ipaalam—" "MINERVA MASYADO KA YATANG NAGIGING MATABIL!" ngayon ko lang naexperience na nanigaw si Kape. Takot sa kanya si Minerva at napatungo yun na parang kawawang tuta. "—KAPE BITAWAN MO NA ANG LUGAR NA ITO KUNG HINDI NA TALAGA KAYA! WAG MONG PILITIN ANG SARILI MO—" "Bitawan ang lugar na ito? Pagkatapos? HAYAAN ANG MGA MAHIHINANG BAMPIRA NA MAGING UNDEAD DIN?!" Pati ako napatungo. "—Ginoong Hio, kung wala ka nang iba pang pakay, makakaalis ka na. Wag kang mag-alala, hindi naman kita binaban para magpunta dito. Ang ban lang sa lugar na ito ay ang mga undead at Black Church." Inistress talaga yung Black Church eh. Mas lalo akong napatungo. Ibinaba ko ang laylayan ng mahaba kong manggas at baka biglang humangin tas aksidente niyang makita ang simbulo ng Black Church. Patay patay ako pag nangyari yun! Tsk.. Maaga pa pero siya sige, aalis na ako. Atleast alam ko na kung saan natambay si Amos. "Paalam sa inyo. Magbabalik ulit ako dito." Tinalikuran agad ako ni Kape pagkasabi ko nun. Ano ba ang nasa isip ng isang Rai Solace? "—Gaano kahalaga para sayo ang mga naninirahan dito sa ilalim ng Area 3?" tanong ko. Bahagya siyang lumingon. "Bawat isa sa mga nandirito ay walang halaga para sakin— ang binibigyan kong halaga ay ang maibalik sa kanila ang pamumuhay na sapilitang inalis sa kanila ng undead plague." "Kapag ba nawala ang undead plague, magiging masaya ka ba?" sunod kong tanong. "Titingnan ko." tuluyan na silang lumayo ni Minerva pagkatapos ng huling sagot niya. Basang basa ko siya. Nahihirapan na siyang panatiliin ang grip niya sa buong lugar na ito. Kanina ramdam ko ang mga panaka-nakang pag-alog ng lupa. Hindi ko rin alam kung ano ang kahihinatnan namin sa isa't isa ngayong magkaiba na kami ng landas na tinatahak... Si Aster, si Kape, si En, si Amos... ilan lamang sila sa mga dapat kong iligtas. Pero paano nga ba kung ako pala ang mismong maglalaglag sa kanila sa kapahamakan? —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- A/N: May tanong lang po ako, bakit kayo adik kay Kape?! XD. Okey sige I'll grant your wish since it is possible :) Happy New year! PS... Sino pong mga bisaya or waray dito? pwede ko po ba kayong maging translator minsan? >_< 27th Madness Minerva's POV: "Yawa— kahirap mag istret tagalog!" reklamo ni Kape sakin nung settled na kami sa loob ng aming pansamantalang tinitirahang townhouse. Countryside ang lupang ini-link ni Kape dito sa ilalim ng lupa kaya bibihira dito ang building. He can speak any language straight! But for no reason, gustong gusto niya ang accent ng kanyang old dialect. Sinasabi niya sakin na marami daw sa mga may ganung accent ang nahihiya o ipinapahiya pag nasa ibang lugar na. For him, his accent is as grandiose as a Kanto accent, or a British accent. Kahanga-hanga siya for thinking like that, and I think he's getting away with it pretty well. Mas lalong tumaas ang respect ko sa kanya. Right now, I am using my Italian accent na rin. Nang maupo siya sa isang couch, naupo ako sa carpet at isinandal ang ulo ko sa kandungan niya. Tiningala ko ang kanyang mukha. "Bakit natin kailangang i-drive palayo dito si Hio?" I asked. Nagsinungaling kami kanina. Pero mas sinungaling yang si Kape. Well hindi totoong hindi niya kilala si Hio. Si Kape at ako ay naninirahan sa isang dimension na 85% parallel sa dimensyong ito. Parehas na parehas lang, except for few things. Pwede kaming tawaging 'Alternative self' ng totoong Kape at Minerva na nag-exist dito once. As our basic principle, ang mga dimensyon ay kombinasyon ng time, places, and incidents. Ang paglalakbay sa ibang dimensyon ay kasing intricate ng bilyon o trilyon na mga roletang sabay-sabay pinaikot at kung saan yun huminto ay iyon ang makukuha mong kombinasyon. Sa dimension point mo masasaksihan kung paano mabubuo ang hindi mabilang na possibilities, fate, at destiny. As a dimension master, hati ang views ko tungkol sa mga paglalakbay sa daloy ng tadhana. SAYANG at ang isang ordinaryong nilalang ay nabubuhay at namamatay nang hindi man lamang naeexplore ang pagkarami raming possibilities sa kanyang buhay; often na natatrap siya sa dadalawang desisyon o hanggang sa masabi niyang 'Wala na akong ibang choice.' On the other hand, gusto ko ring manatiling lihim ang paglalakbay na ginagawa ng mga gaya ko. Ang pagkaexploit ng mga dimension at alternative lives ay malaking kasiraan sa balanse ng mundo, hindi man pisikal, kundi kronolohikal. "—Nakoha mo yung senabe ko?!" Uhh?! May sinasabi pala sakin si Kape pero di ko nakuha dahil sa kakaisip. My bad. I smiled apologetically. "Mahal, maaari bang pakiulit ng sinabi mo?" Nagsmile din siya. Ang bait niya talaga. He should marry me! Eeeeh ang tagal na naming steady pero di kami makasal kasal sa dami dami at dami ng mga twisted events! "Nasaring ko, diri na tayo dapat umasa ke dong. May sarili na seyang pamilya, saka kaya naman nateng pangalagaan ang logar na ini—" Natigilan siya sa pagsasalita dahil bigla siyang naubo Tuloy tuloy yun at nakakabother. Kumilos ako para hagurin ang kanyang likod. "Hindi mo na ba talaga kaya?" Umiling lang siya sakin. Pinilit pa niyang magsmile kahit nakangiwi. "Ayus lang ako— wag kang mag-alala..." Eh yang hitsura niyang yan sino kayang di mag-aalala? We can't hold this place for too long a time. Ngunit anong magagawa namin kung siya lang talaga ang mga kakayahan para manatiling ligtas ang lugar na ito? This place will be very hard to defend kapag nasa ibabaw kaya ginagawa namin ang lahat, lalung lalo na at nagsheshelter din dito ang mga mababaa pang bampira. "Kape basta wag mo akong iiwan ha?! Iiyak ako sige ka—" halos araw araw gabi gabi ko yata yan nasasabi sa kanya! Kinabig niya ako kaya na-out of balance tuloy ako. I literally fall for him and then he hugged me. "Diri pa ako matigwang ah?! Injoy pa ako mabuhay dehel sa wakas ay mey nakakaya na akong gawin para sayo at sa kaebegan ku—" CRAAAAAAASSSSSHHHH—! Kapwa kami naalerto sa malakas na tunog na parangmay destruction sa labas. Sinundan yun ng mga matitinis na sigaw at para bang may aggression na nangyayari! "ANO YUN?!" chorused naming tanong. Wala kaming pinalagpas na sandali; we went out of our home immedieately at dun tumambad samin ang isang nakapanlulumong scenario na para bang isang bangungot— ang ayaw sana naming mangyari dito sa underground sanctuary na pinangalagaan namin ng halos dalawang taon— Ang undead plague... **** Cerylle's POV: Thirty minutes before six, may dumating na bisita. She's a vampire. Nagpakilala siya bilang couturier pero nakapagtatakang wala siyang dala na kahit ano. Baka kagaya niya yung fairy godmother ni Cinderella? Dahil daw may mga bago siyang clients (referring to me and Kan's girl) nagbigay siya ng maiksing briefing. Napakaiksi lang— sinabi niya lang saming tagawin namin siyang madam Rita. Dapat ay may MADAM kung hindi ay hindi niya kami papansinin. Tumayo si Aster sa tabi niya nang may authority-look na nakaplaster across his face. "Dating gawi. Pumila yung mga sasama dito!" at itinuro niya yung kanyang kwarto. Nauna si baby girl tas sinundan siya ni Fait, then si Kan, at si— "Cerylle dito ka na." yaya niya sakin after siyang sundan sa pila ng kanyang girlfriend? Girlfriend nga yata— kasi di ba... basta hula ko girlfriend nga niya yun. Hindi ko pa nakakachikahan si girl. Hiyang hiya naman ako sa kanya no? Mukha siyang mayaman at kilos sosyal! Pero I'm hoping na one of these days ay magchika chika naman kami. Lumingon sakin si girl nung nasa likod niya na mismo ako. Nginitian ko siya pero sinimangutan niya ko. Ang chaka lang ha? Ang unang pumasok sa room ni Aster ay si baby girl at si Madam Rita. Mga sampung minuto lang ang nakalipas nang bumukas ang pinto at sumungaw si Madam Rita. "NEXT!" NEXT?! Nasaan na si baby girl? Bat di ko yata nakitang lumabas? Hindi na rin lumabas ng room ang pumasok na sina Fait, Kan, at Miss Taray. Kinain na sila ng room ni Aster! "Una muna ako sayo ha?" siningitan ako ni Aster. Imbes na turn ko na, siya yung naunang pumasok sa loob kasama si Madam Rita. Di ako mapakali na parang kiti kiti habang iniisip kung anong ginagawa nilang lahat sa loob! Dumating din naman yung turn ko— Hinga ng malalim! Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ni Aster, wala namang abnormal sa paningin, except sa malinis ang room niya. Kalalaking tao ang linis ng kwarto? Duh?! "—Cerylle ang pangalan mo hindi ba? Sumunod ka sakin." ani Madam Rita. Sinundan ko nga siya hanggang sa pinto ng walk-in closet ng amu-amuhan ko. Inikid ni Madam ang doorknob at hindi ko naiwasang hindi sumilip sa loob. Ang kwarto on the other side ay malayong maging walk in closet dahil para iyong silid sa isang 16th century mansion! Lubha akong naamaze grabi! Yun nga lang ang puno dito ng mga bolts ng sari saring uri at kulay ng tela. Nasa pinakagitna nakastation ang nag-iisa at lumang sewing machine. "Siya na ba madam?" lumapit sakin yung babaeng nakaupo sa sewing machine at ginagap ang kamay ko. Then yung hawak niyang medida ay ginamit niya upang sukat sukatan ako. Isa ba syang seamstress? Masyado siyang maganda para maging ganun eh! "May naisip na akong disenyo para sa magiging gown niya." Si madam Rita naman ay lumapit sa isang mesa. Inabot niya ang isang notepad at lapis saka mabilis na nagdoodle doon. Ipinakita niya yun samin. WOW ang galing niyang magdesign in a very limited time! Pero— Di ko yata keri yung ipapasuot niya sakin. Puro lace, puro burloloy... yung tipong makaluma, as in pang 18th century na gown. At wag niyong sabihin sakin na ngayon pa lang gagawin ang gown na isusuot ko?! PAANO YUN? Kesehodang magtanong ako, pinili kong maging silent na lang. Sila na ang bahala sakin. Pinagpilian na ni Madam Rita ang mga tela habang yung babaeng kumuha ng sukat ko ay bumalik sa sewing macine. Huminto siya sa tapat ng isang bolt ng kulay puting telang may mga burda. "—Flemish Milk white lawn ang napili ko, ano sa palagay mo Sally?" "Payag ako, basta yung overdress ay yellow silk. Bagay yun sa kanya." Hay sila lang yung nagkakaintindihan— Feeling ko wala akong silbi dito. Too bad dahil gustong gusto kong tumulong. Lalo na nung ginugupit ni Madam Rita yung mga tela. ibinigay niya yun kay Sally kasama ng inisketch niyang design. "Halika Cerylle." mayamaya ay pinansin din niya ako. Sumunod ulit ako sa kanya hanggang sa couch. "Gusto kong maupo ka at ipikit mo ang iyong mga mata." Sinubukan ko kung makakaidlip ako pero kinakausap niya kasi ako eh— "Isa kang tao ngunit dadalo ka sa isang pagtitipon ng mga bampira. Mag-iingat ka. Pamilyar ang mukha mo sakin at kakatwang napakagaan ng loob ko sayo. Kamukhang kamukha mo ang paborito kong kliyenteng si Rosary." Rosary... Sino ba siya? Bakit ba ang daming bampira ang ipinagkakamali ako sa kung sino man yun? Ayokong pag-usapan! Change topic! "Madam Rita, bakit po ba ninyo ako pinapapikit?" "Wala naman. Baka kasi unusual para sayo na makita ang kapangyarihan ni Sally." Nacurious ako but I don't dare to peek. "Kapangyarihan?" "Siya ay isang time-leaper. Kapag sinabi mong time-leaper, napapabilis niya ang sense of time ng sarili niyang katawan. Yun ang sikreto kung bakit kami nakakagawa agad agad ng mga patahing dapat ay inaabot ng buwan. Masagwa lang siyang tingnan, para kasing naka-fastforward mode siya." "Eh kayo po? May kapangyarihan din po ba kaya ng gaya sa kanya?" Impit na tumawa muna si Madam Rita bago niya ako sinagot. "Hindi, magkaiba kami. Nagkataon lang na pareho kami ng hilig sa fashion. Divider ang tawag sa akin. Nakakagawa ako ng mga imposibleng interior junctions, o sa madaling salita, napagdudugtong ko ang dalawang magkalayong silid basta may pinto." Muntik na akong maqpadilat. Mahirap paniwalaan kung sinasabi lang, pero yung ganitong naexperience ko na— waaaaaw! "—S-Sina Aster po nasaan na?" "Wag kang mag-alala. Dadalhin din kita sa kanila kapag good to go ka na." "—Madam Rita tapos ko na po ang gown!" "Pwede ka nang dumilat iha—" I did! But I wasn't even prepared to see the beauty of what will I wear tonight. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 28th Madness Cerylle's POV: "Ugggh!" ang sakeeeeet! "Oh bakit?" nakangiting tanong ni Madam Rita. "—Hindi ka pa ba nakakapagsuot ng corset kahit kelan? Ang corset ay 'must wear' pagkatapos ng chemise. Tatandaan mo yan binibining Cerylle." Ngayon ko lang nalamang may MAS nakakamatay pa pala kesa sa stilletos! Sobrang hinihigpitan niya ang pagkakagapos— este pagkakatali ng corset kaya parang di na ako makakahinga! Feeling ko rin bali na mga ribs ko at yung mga lamang loob ko ay pisak na! May kurba naman siguro ang katawan ko pero bakit ako magsusuot nitooo?! Pagkatapos ng chemise, o yung manipis na kamison na panloob, corset daw talaga ang next. In the old times, considered as vulgar or under-dressed ang isang babae kapag di kumpleto ang kanyang suot. "—Kung nasa panahon lamang tayo kung saan nabubuhay ang mahal na reynang si Marie Antoinette, aba! Kailangan mo pang magsuot ng hooper!" Itinuro ni madam yung malaking hooper na gawa sa mga strips ng kahoy at metal. isinusuot yun bago ang mismong gown para kumorte or lumobo nang husto ang saya ng gown. Wee pag sinuot mo yun nunca kang makakaupo! "Ayan okey na. Isuot na natin sayo ang gown mo." MAGBUNYI! Akala ko habangbuhay ang pagtatali ng corset eh. Nang humarap ako sa salamin, ANG GANDA NG GOWN! Hindi ko ito masusuot kung patuloy akong nagpalaboy sa lansangan— Ipinutong sakin ni Madam ang isang tiara then binuksan na niya ang pinto. Ibang lugar na ang nakita ko at hindi na yung work area nila. Tanaw na tanaw ko ang madilim na kalangitan at ang malabong detail ng buwan. "S-Sa labas po?" magkahalong mangha at pagtataka kong tanong. "Oo. hinihintay ka na nila sa may gate. Nandoon na ang farer ng mga Darktower." Ehhh?! "P-Paano po ang make-up ko? Y-Yung buhok ko gulo gulo pa nga po ehh—" Ginagap ni madam ang pisngi ko. "Ang mga bampira ay may natural na ganda kaya hindi na nila kailangang magpaganda pa. Kung nais mong humalubilo sa society ng mga bampira, dapat ay ganun ka rin. Sa tingin ko ay maganda ka na sa kung ano ka. Wag mong itago ang kagandahan mo sa likod ng kung anu anong mga kulorete." Yiee nakakataba naman yun ng puso! Makalabas na nga! Nagtatakbo ako ng malawak na courtyard pero naglakad na lang din ako di katagalan. Ang lamig kasi at mas dama ko yun pag mabilis ang mosyon ko. Kusang bumukas yung gate bago pa ako makalapit dun ng tuluyan. Nakastation sa labas ang isang napakalaki at eleganteng couch na hatak ng anim na kabayong kulay itim. Pasakay pa lang dun si miss taray at si Aster na lang ang nasa labas. Pinagmasdan niya ako, tinitigan, sinuri mula ulo ng paa. It means gandang ganda 'yata' siya sakin .Parang sa mga movies and fairy tale lang— Hinubad niya ang kanyang suot na overdress at ibinalabal niya yun sakin tapos ay— TUK! Awwwchhhh! Ang lutong ng pitik niya sa noo ko! "—Tanga. Countryside ng France ang lugar na ito! Mano man lang na nagsuot ka ng overdress!" Pasensya naman po boss, malay ko bang— WHAT?! FRANCE?! NO JOKE?? "Bilisan mo na pumasok ka na sa loob!" hinila niya ang braso ko tas parang initsa niya na lang akong basta sa may pintuan ng carriage eh! Sa loob nun ay may dalawang mahabang seats na magkatapat, yung parang sa jeepney lang. Medyo maluwang pa kahit maupo pa kaming dalawa ni Aster. Sungit mode na naman po si Aster. Ganun din sina Fait at Kan. Weird dahil di sila nagpapansinan. Nasanay na akong maingay sila at naglolokohan. Akala ko lang na wala silang awkward moments. "HOOOOH!" Whack! Nilatigo na ng groom ang mga kabayo at dahil dun at tumakbo na ang carriage namin. Mabilis akong mabore pag nagbabyahe lalo na kapag napakatagal at ni wala akong ideya kung saan kami papunta. Inislide kong pabukas ang bintana para salubungin lang ng kadiliman. Blangko. "Saan ba tayo papunta? Bakit wala man lang akong nakikitang scenery?" I asked them. "Naglalakbay tayo sa isang private space na pag-aari ng farer o yung kutcherong nagpapatakbo ng karwaheng ito." awa naman at sumagot si Kan kahit di ko nagets. Ang daming kaartehan ng mga bampira juskoo. Kahit mas lalong boring, pinagtyagaan kong tumunganga sa void sa labas ng bintana. Mas okey pang pagmasdan yun kesa sa mga nandito sa loob na parang mga tuod at di nagpapansinan. Excluded naman si baby girl dun pero hindi ko siya makulit ngayon dahil busy siya sa kanyang iPad. Di nagtagal ay sumungaw na rin ang magandang night sky. Nakita ko nang muli ang buwan, at may bonus pang mga stars. Nag-fade yung void hanggang sa malinaw na sa paningin ko ang outlines ng mga punong nadadaanan namin. "Ibig sabihin malapit na tayo." ani Kan. Malapit na nga talaga kami. Tanaw ko na ang well-lit na lone mansion ahead of us. Palaki yun ng palaki every second, at paganda rin nang paganda. Kung yun ang bahay ng parents nina Aster, ay sobrang yaman nila! Pumasok ang carriage namin sa loob. Mas lalo akong naamaze sa mga nakita kong napakaraming tanim na rosas tas yung scent niya sumasalo sa hangin! Umikot pa yung carriage sa may oval na puno rin ng mga rosas bago huminto sa tapat ng stone stairs paakyat ng main door. "—HOOOOH!" pinatigil ng groom ang mga kabayo tas may nagbukas ng pinto para samin. Lalaki iyon at nasa late thirties na. Slight siyang nagbow. "Magandang gabi po aking mga Master at Mistress! Ako po si Giroux, ang butler ng pamilyang Darktower, ikinagagalak ko po ang inyong pagdating sa Rose Mansion." Binati lang niya kami. Iba yung nag-assist samin para makababa ng carriage— yung tinatawag na footman. Bukod sa butler, may mga maids pang bumati samin sa maindoor. Lahat sila parang pinanlilisikan ako ng mga mata— hindi yung parang galit, kundi parang gusto nila akong kainin. Kinuha na lang basta ni Aster ang kamay ko at ikinawit yun sa braso niya. Tas may iniabot pa siya saking maskara na mata lang ang matatakpan. Nang mapatingin ako sa mukha niya, he's already wearing one pero matulis yung ilong. "Isuot mo yan Nakalimutan kong masquerade ball pala ito. Wag kang maggagala gala kung saan saan kundi ay may kakain sayo." Ipinagkibit-balikat ko na lang yun. But I wore the mask anyway. "Samahan mo muna kami ni Aning. Magpapakita muna kami sa mga magulang namin." Lumingon siya sa likod. Baby girl is still fixing her mask. "—Aning, sumama ka samin, dali." When she joined us, hinawakan ko ang kamay niya. Bali ako ang nasa gitna ng magkapatid. "Paano sila?" Tanong ko kay Aster, referring to Kan, Fait, and the girl. "—They can go to the ballroom or somewhere. May permission sila para maglibot dito sa Rose mansion." Umakyat kami ng hagdan; hindi yun yung grand spiral staircase, just a simple stair, pero elegante pa rin kung ako ang tatanungin. After the stairs, nilakad namin ang isang long corridor until huminto kami sa tapat ng isang double door. Tok! Tok! Kusang bumukas ang pinto sa ikalawang katok ni Aster. I think I saw beautiful couple inside. No wala silang suot na maskara. Magkatabi silang nakaupo sa isang long couch na nakaharap sa gawi ng doorway, as if they were really waiting for us. Sino sila? They were young... they can't be his—? "Ang mama at papa ko."bulong sakin ni Aster. Muli kong pinagmasdan ang very young couple sa harap namin. Nanlaki na't lahat lahat ang mga mata ko, wala pa rin akong nakuhang konek nila sa pagiging parents ni Aster na halos kasing edad din lang naman nila! Lumayo sakin parehas ang magkapatid. Lumapit sila dun sa couple at humalik sila sa likod ng palad ng mga yun. "—Baby ko, samin ka na lang tumira ni papa ha? Kukunin ka na namin—" yumapos kay baby girl yung babae. Magkamukha nga sila pero may hawig din si baby girl dun sa lalake. "Sino ang kasama ninyo?" tanong ng lalake kay Aster habang nakabaling sakin. He looks as if he's always smiling. Napakapleasant niyang magsalita, admirable, basta! "Ahh... Si Cerylle po. Alipin ko." careless namang sagot ni Aster. ALIPIN NIYA?! ANG SAGWA NAMAN NUN! Ang sama niya! Pwede namang 'maid' ang ipakilala niya sakin di ba? At sa parents pa niya— Grr I can't breathe. Nanginginig ang mga kamay ko sa puntong di ko na yun makontrol kaya N\ni-crumple ko na lang ang saya ng gown ko. "—Excuse me po. Mag-CCR lang po muna ako." pagkasabi ko nun, direcho labas na ako ng room na yun. Kakausapin ko si Kan— Magpapatulong na lang ako na magkaroon ng ibang job, wag yung dinedemolish pati pagkatao ko! Haaay— Saan ba yung hagdan? Nandito lang yun eh?! Naknampusa namaaaaaan! Ang dami ko nang nilikuan at inikutang pasilyo pero di ko pa rin makita ang hinahanap ko... Paano na? May batang babae ang naglalakad pasalubong sakin sa last corridor na napuntahan ko. Tatanungin ko na rin siya baka alam niya ang pasikot sikot dito. "Babe, alam mo ba kung nasaan ang hagdan pababa ng first floor?" pleasant ang pagkakaapproach ko sa kanya and I even tried to smile kahit pa badtrip ako sa ex-amo ko. Ginulat naman niya ako nung bigla niyang dakutin ang kamay ko. Iniharap niya sa kanya ang back palm ko kaya kitang kita naming dalawa ang tatak na RV. Humaba nang nakapabilis ang mga kuko ng kanyang free hand. "—Ang tagal na kitang hinahanap sa mundo ng mga tao at akalain mong dito lang din pala tayo magkikita sa Area 2... Ang sabi ko di ba babalikan kita dun? Pero bakit ka nawala? Bumalik ako... Binalikan kita dun. Patawarin mo ako kung natakot ka man nung mga sandaling wala ako sa iyong tabi. Rosary, oras na ng iyong paggising—" I got confused. Ano yung mga pinagsasabi niya? "Bata bangag ka ba or something— ARRGH!" nangiwi ako sa sakit nung ibinaon niya ang kuko ng hintuturo niya sa loob ng letrang R nas nakamarka sa kamay ko. Dinarag pa niya yun hanggang sa tinetrace na yata niya ng sugat ang buong RV sa kamay ko. "—MASAKIT! TAMA NA!" pilit kong tinutulak yung bata pero ang lakas niya at ayaw niya akong lubayan! "Rosary, mapanatag ka utang na loob. Matatapos din ang lahat ng sakit— magtiwala ka sakin... hindi kita ipapahamak dahil ako ang iyong ina!" —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 29th Madness Aster's POV: "Mukhang hindi na yata babalik yung babaeng kasama ninyo..." for some reason seryoso na ang expression ni Papa, parang gusto niya akong pagalitan na ewan. I didn't do anything wrong, right? Sinipat niya ang grandfather clock na nakasandal sa pader bago niya kami niyayang bumaba na. "Ano po ang gagawin ko?" tanong ko. "Ang gusto kong gawin mo ay tumayo ka sa gitna ng bulwagan. May hinanda akong seal doon at dapat kang umapak ka sa gitna niyon. Habang nandun ka, asahan mong walang sinuman ang makakapansin sa iyo, liban sa dalagang mapupusuan ka. Mayroon kang dalawang choice. Either hintayin mong may lumapit sayo o lumabas ka ng seal at ikaw ang lumapit sa sinumang mapupusuan mo." I nodded. "Gagawin ko po ang mga sinabi mo Papa." Ngumiti na uli siya kaya napalagay ako. "Good. Mauna muna ako ha? Mayroon pa akong aasikasuhin. Di ako lalabas ng Rose mansion at pupunta rin ako ng bulwagan mamaya—" saka siya bumaling kay mama. "Mama, ikaw na ang bahala sa mga anak natin." Nauna siyang lumabas ng pinto samin. Papunta na rin sana ako sa doorway pero pinigilan ako ni mama. "Mag-usap muna tayo anak." "Tungkol po saan mama?" Lumingon siya kay Aning. " Baby, upo ka muna sa couch, mag-uusap lang muna kami ng kuya mo." Sinunod ni Aning ang utos niya, at kami naman, dun sa doorway nag usap. "Tutol ang papa mo sa proposition ko pero hindi pa rin nagbabago ang stand ko at gusto kong malaman ang opinyon mo tungkol dun." Mukhang seryoso tong topic namin. Saang bagay hindi nagkakasundo sina mama at papa? "—Icoconsider mo ba ang pagpapakasal kay Antigone kung sakali?" WHAT?! Ang tagal ko bago nakapagbigay ng response kay mama na hindi rin maayos. "E-Eh mama, ano kasi—" "Incest? Aster, uso yun sa mga bampira. Ang mga magulang ko ay magkapatid sa dugo. Kung tutuusin, Malayo pa dun ang relasyon ninyo ni Antigone kaya—" The thought of marrying my little sister sends me spine chills. Inalagaan ko si Aning for how many years bilang kapatid at hindi bilang object of affection. I knew this is going to be a major complication one day, kaya tama lang pala na ibinigay ko siya kay Farfait! "I'll think about it mama." I'm lying. Hindi ko na pag iisipan ang suggestion niya. I'm pretty sure may makikita akong prospect bago mag umaga. We called for Antigone tas sabay sabay na kaming bumaba dun sa ball room. Maraming beses na akong nakakadalo ng mga pagtitipong gaya nito. Vampires love masquerade balls. We enjoy seeing colorful masks rather than beautiful faces. Sa mga maskara nakikita ang style, sense, preference, at creativity ng isang bampira na hinding hindi mo maaapuhap when you look straight at their poker faces. I therefore conclude that it is better for a vampire to wear mask. Ginawa ko ang utos ni Papa. Stand in the middle of the hall, in the middle of a magic circle. I got bored easily watching everyone moved and passed while I, myself remained stationary here. Handa na ako. Whoever might come to me, I will welcome her with no objections. **** Cerylle's POV: Tama ba ang narinig ko mula sa batang babaeng ito?! SIYA DAW ANG AKING INA? PAANO?! —ARRGH! Ang sakit sakit na ng ginagawa niya! Kumakalat ang sakit sa buong katawan ko! "Rosary, ipikit mo ang mga mata mo at wag mong labanan ang daloy ng kapangyarihan ko!" Ipinikit ko lang ang mga mata ko. Yung sinasabi niyang laban laban, MALAY KO! Hindi dilim ang sumalubong sakin kundi sari-saring mga pangyayari na dumadaan lang sa sking vision. Puro yun alaala ng pighati at pasakit— mga nakaraang akala ko ay malilimutan ko na panghabambuhay. Tama si ina... dapat akong magising. Mayroong parte ng sarili ko na pipiliing balikan ang kaligayahan ko; kaligayahan na nakapaloob sa kalungkutan. Pero ina... Kailangan ko pa po bang pagdaanan ulit ang mga bagay na sinapit ko? Ililigtas mo ba akong muli sakaling maulit yun? "Ina..." sa pagmulat ko ng aking mga mata ay naririto pa rin siya at hawak hawak ang aking kamay. Nagbago man ang kanyang anyo at edad, makikilala ko pa rin siya. "Pagpasensyahan mo na ang anyo kong ito. Pansamantala lamang ito dahil alam mo naman kung ano ang sitwasyon ko, natin." Isang napakahusay at natatanging morpher ang aking ina. Natatangi siya sapagkat siya lamang sa henerasyong ito ang nakakagawa ng buong transpormasyon ng buo niyang katawan anuman ang naisin niyang anyo. Malamang ay nagbabalat kayo siya upang makaiwas sa iba pang miyembro ng Vral. "—Ina... ano po ba ang nangyari sakin? Akala ko talaga katapusan ko na..." Lumungkot bigla ang mukha niya. "Nagsakripisyo ang iyong ama para iligtas ka." "—S-Si ama? Wala na siya?" di ko maiwasang mangatal. "Alam kong kailangan mo ng panahon para magluksa, pero dapat ay magpakatatag ka anak. Babangon tayo. Ipaghihiganti natin ang iyong ama!" "—Gusto kong malaman kung paano namatay si ama." "Nung nakapagdesisyon na ang iyong lolo na ilalagay ang kaluluwa mo sa loob ng Arca, hindi na kami mapalagay. Naging desperado kami sa lahat ng pagkakataon. Gusto kong malaman mo na handa kami ng iyong ama na ialay ang aming buhay kapalit ng kaligtasan mo. Ginamit niya ang sarili niyang life force para kalahati man lang ng iyong kaluluwa ay mailigtas. Ang iyong pag-aabo na nasaksihan nila ay peke lamang. Ginamit ko ang aking kapangyarihan para dun. Kinulekta ko ang iyong abo at saka kita ibinalik sa totoo mong anyo nang sandaling makalayo ako sa estate ng iyong lolo. Ang resulta ng pagliligtas sayo ng iyong ama ay ang pagiging tao mo ngayon pati na ang pagkawala ng iyong mga alaala. Naging mabuti na rin para sayo ang ganun sapagkat wala kang aura. Walang sinumang bampira ang makakadiskubre sayo— Naibalik ko na sa iyo ang iyong alaala. Ikinalulungkot kong hanggang dun na lang ang tulong na magagawa ko para sayo. Ang dapat mong gawin ay ang tulungan ang sarili mong mabawi ang pagiging bampira mo. Kailangan mo ng kapangyarihan. Tulungan mo ako para wakasan an ang kasumpa sumpang angkan ng iyong lolo!" "—Paano ko po mababawi ang aking kapangyarihan?" si Aster ang Arca na pinagsalinan nila ng aking kaluluwa kaya nasa kanya ang aking kapangyarihan! [A/N: Arca- mga bampirang may kakayahang magcontain ng isa pa o mas maraming soul sa loob ng kanilang katawan.] "Kinakailangan mong patayin ang Arca na kumuha sa iyong kaluluwa, kung hindi ay hindi ka na mabubuo pa kahit kailan Rosary!" Hindi maaari... Hinding hindi ko gagawin yun! Niyugyog ni ina ang aking balikat. "Alam ko kung ano siya para sayo Rosary, pero hindi sa lahat ng panahon ay kailangang tumibok ang iyong puso! Matagal na ring patay ang aking puso mula nang magpasya akong palayain ang iyong ama! Alalahanin mo ang mga paghihirap namin!" "—NAKITA RIN KITA!" napalingon kami ni ina sa binatang pinanggalingan ng boses. Siya ay walang iba kundi ang ama ni Aster! Hinawakan niya ako sa braso nang makalapit siya. "Hinahanap kita. Nag-aalala kasi ako baka hindi mo na natagpuan yung CR." "Ay nakita ko na po yung CR." pagsisinungaling ko. "Sana po ay hindi na po kayo nag abala pa. Nakakahiya naman—" "Hayaan mo pagagalitan ko yung bata na yun. Hindi niya dapat pinababayaang mag isa ang guest. Kahit ako naililigaw pa nga dito eh." "—Ate, kuya, mauna na po ako sa inyo at baka hinahanap na po ako ng aking mga magulang." ang awkward ni ina pero ganun talaga. Bago niya kami tinalikuran, pinukol niya ako ng makahulugang tingin. "—Alam mo bang mas delikado ang mga batang bampira kaysa sa mga adult?" Umiling ako. "Pasensya na po tito, wala pa po akong gaanong alam sa mga bampira." I lied again. Nagsmile siya for some reason as we start out way to the ball room. "May pagkakataon din sa buhay ko kung saan naging ignorante ako tungkol sa mga bampira. At gaya mo, dumalo rin ako sa isang piging ng mga bampira kahit pa isa akong tao noon." My eyes widened. "Dati ka pong tao?" "Oo. Kaya naman madalas na emosyon ang umiiral sakin. Sa mga pagkakataong nahihirapan akong magdesisyon, ang mas una kong pipiliin ay kung ano ang nararamdaman ko. Pero masama akong magalit. Lalung lalo na kapag ang nasasaktan na ay ang mga anak ko." Gusto niya ba akong warningan if ever na may balak akong masama kay Aster? Narinig ba niya ang conversation namin ni ina? Posible... Ngunit hindi ko susundin si ina. Para sa pag ibig, nakahanda akong ibuwis ang sarili kong buhay at hinding hindi mangyayari na kikitilin ko ang buhay ng aking pinakamamahal— Tahimik lang kami ni tito hanggang sa makababa kami ng first floor, sandali kaming huminto nung isinuot na niya ang dala niyang maskara. Then pinagbuksan kami ng pinto ng isa sa mga tagapaglingkod. Excited na ako. Parang namiss ko nang husto si Aster. Nagkahiwalay kami ngunit tadhana na ang kumilos para muli kaming magkita by pure chance. Ibig sabihin siya nga talaga ay para sakin. Umaasa ako na sana ay mahabol namin ang mga panahong ninakaw samin. Tlaaak— Sumungaw ako sa loob ng bulwagan at agad ko siyang hinanap ng aking paningin. Hindi siya ganun kahirap hanapin dahil nakatayo lamang siya sa gitna. Masaya ang puso ko, ngunit napawi ang mga ngiti ko sa labi dahil hindi siya nag-iisa. Mayroong isang babaeng matamang nakatingin sa kanya habang hawak niya ang kamay niyon... —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 30th Madness Aster's POV: "—Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" May lumapit saking isang binibini. She looks like a fairy despite of her mask na . At napakaweird lang. Siya ang lumapit tas siya pa ang naunang magtanong sakin ng pangalan ko? Like a boss? "Hans Aster Darktower." I was a Vral but I insist to use my REAL surname. "—Alam mo bang paborito kong bulaklak ang Aster? Marami kasi nun sa hometown ko sa Eastern Europe..." shit. Alam niyang mambola ng lalake. Nagcurtsy siya sa harap ko bago muling nagsalita. "Ang pangalan ko ay Cassiopeia Ellis. Ikinagagalak kitang makilala." Ginagap ko ang kanyang isang kamay tapos ay humalik sa likod ng palad niyon. "Cassiopeia? Napakagandang pangalan ng isinunod sa isang reyna ng mitolohiyang Griyego." kinikilabutan ako sa sarili ko. Fuck me kapag narinig to ni Kan at Fait! Na-fascinate yata siya sa mga pinagsasabi ko. She even clipped a portion of her hair behind her ears. "Maaari mo pa ba akong kwentuhan ng tungkol sa aking pangalan?" REALLY! NO FUCKING WAY! THIS IS BOOOOOORING! "Kakaunti lang ang nalalaman ko. Like, Cassiopeia was also one of the 48 constellations na inilista ng isang Greek astrologer na si Ptolemy at magpahanggang ngayon ay recognizable pa ri—" She starts to laugh in a 'lady-manner'. "Gumagamit ka ng dalawang lenggwahe sa pagsasalita! Nakakamangha!" I smiled, and oh I forgot, hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya. If ever I let go of her hand, it means 'wait for another one'. Right now, interesado naman ako sa kanya, kaya patagalin pa natin ito— "Nasanay lang. Iba na ang panahon ngayon. Ang wika ay arbitraryo hindi ba? As far as I know, wala tayong sinusunod na batayan sa paggamit ng wika." Tinanguan lang niya ako bago siya bumaling sa kanyang kamay na hawak ko pa rin. "Ang kamay ko—" My hand slipped from her hand, into her wrist. "Paano kung ayaw ko pang bitawan?" "—Wala akong sinasabing bitawan mo ang aking kamay. Hindi mo naman kasi ako pinatapos sa nais kong sabihin. Itatanong ko lang sana kung bakit ayaw mong bitawan ang kamay ko?" We heard a snap before I got a chance to answer at pagkatapos ay isa isa nang nagsipaglingunan ang mga bampira dito sa kinaroroonan namin. Bumalik na si Papa at palapit na siya ngayon samin. Akay akay niya si Cerylle. She's a head-turner too. But let's see how mama will react to this. Selosa pa naman yun. I watched Cerylle in the corner of my eyes. What's the face behind her mask? And why the hell do I care?! Huminto sila sa harap namin. Bumitaw siya kay Cerylle tas hinawakan niya ang kamay ni Cassiopeia. Iniayos niya yun para nakahawak sa wrist ko naman. "Ako si Henna Iryl Darktower, ang kasalukuyang master ng Rose Mansion, at ang ama ng binatang kaharap mo ngayon. Siguro ay alam mo na at naiintindihan mo kung para saan ang ritwal na ito. Ipapaalala ko lamang na kapag naisakatuparan na, hinding hindi na ito mababawi pa. Sa ngayon ay may sapat na panahon ka para mag-isip. Maaari mong tanggihan ang aking anak basta iyong naisin." Hinubad ni Papa ang suot kong maskara. Walang sabi sabi, nagulat tuloy ako. Umingay sa buong ballroom. Nagmistulang mga busy bees ang mga bampira. "—PA-AUTHOGRAPH IDOL!" "WAAAAA NANDITO PALA ANG LEAD GUITARIST NG FORMAAAAD! PAPICTURE!!" Sa isang iglap, nawala ang poise ng kalahati sa mga invited na bisita. Akalain mo yun, the face that rocks Rose mansion! Bloody hell! Naramdaman kong humigpit ang grip ng kamay ni Cassiopeia sa pulso ko. "Hindi na ako bibitaw. Ngayon pa lang ay masasabi kong nararapat kong ibigay sayo ang puso kong iniingatan nang napakatagal na panahon." "Buweno, simulan na natin ang—" Lumapit samin si Cerylle at ipinatong pa niya ang kamay niya sa ibabaw ng mga kamay namin ni Cassiopeia! WHAT THE FUCK?! "HINDI AKO PAPAYAG— AKIN LANG SI ASTER!" sigaw niya. Anong kanya LANG ako?! HOW, WHEN, WHERE, WHY?! Ganun ba yun? Pag hinalikan siya ibig sabihin pag-aari na niya?! Di ba pwedeng trip lang yung ginawa ko sa kanya?! Ewan ko kay papa pero tumawa siya. "Wahaha~ Uy love triangle! Mukhang masaya to!" Now I'm pissed. Ayaw na ayaw kong napapahiya sa harap ni Papa. Eto kasing Cerylle na to eh! Without even thinking, bumitaw ako sa pagkakahawak sa pulso ni Cassiopeia. Humakbang ako palapit kay Cerylle at tinulak ko siya. "Back off! Just who are you to intervene with my engageme—" PAK! Ikinagulat naming lahat ang di inaasahang pangyayari. Solid na sampal ba naman ang inabot ko sa Cerylle na to! Hayun tuloy, inaantay ng lahat kung ano ang gagawin ko. GRR SUMOSOBRA NA SIYA! ANONG KARAPATAN NIYA PARA SAMPALIN AKO SA HARAP NG MADLA?! INAANO KO BA TALAGA SIYA? AT BAKIT SIYA NAGIGING PALABAN NGAYON? Pepektusan ko sana eh kaso biglang humarang si Papa. "—Aster?! Nananakit ka ng babae?" "EH PAPA SINAMPAL AKO NIYAN EEH!" fuck the shit, I sounded like I'm back to being a ten year-old kung makapagsumbong! Why can't I just whack her brain out?! "Aster! Bakit ka ganyan?! Hindi ba kita tinuruan ng magandang pakikitungo sa mga kababaihan?!" hala nagpout si papa! "—Kasalanan ko to. Fail akong tatay. Hindi ako naging mabuting ama blah blah blah~" Naglaho ang spark sa mga mata ni papa tas napalibutan kami ng strange aura ng kalungkutan! NAKO NAKO! Something tells me bad things may happen any second... "PAPA! WALA KA PONG KASALANAN! MALING MALI PO TALAGA ANG GINAWA KO AT ALAM KO YUN!" Takteng yan. Pag ang babae nananakit sa lalake, okey lang; pero pag lalake ang nanakit sa babae, ituturing kang taboo?! DISKRIMINASYON! Nasaan ang demokrasya dun? "—Kung alam mong mali ka, dapat ay MAG-SORRY ka!" giit ni papa. Are you kidding me?! AKO NA SINAMPAL AKO PA MAGSOSORRY?! "Magsosorry ka ba o hinde?!" "—Magsosorry na nga po..." I faced Cerylle and slightly bowed my head. "Paumanhin sa masamang inasal ko. Hindi ko na uulitin. Nangangako ako sa harap ng aking ama." BWISET! Humanda ka saking babae ka! Uulitin ko yun pag wala si papa! "Uhh... paano na yan, binitawan mo na ang kamay ko?" another shit that happened to me tonight, NAKALIMUTAN KO ANG TUNGKOL KAY CASSIOPEIA! I let her go para lang patulan ang makulit kong maid?!! ARRRGH THIS SUCKS! **** Hio's POV: Pumalakpak ako ng dalawang beses para makuha ang atensyon ng lahat. "Sa tingin ko ay iwan na muna natin ang tungkol sa engagement. Makakapaghintay yun. Ang mahalaga ay ang nararamdaman ng isa't isa. Ngunit wag kayong mag-alala dahil hindi ko pa pinuputol ang masayang piging na ito. Ipagpatuloy natin ang kasayahan at talastasan!" Ang saya ko ngayon. Kung pwede nga umabot pa sa tenga ang ngiti ko. Yung feeling na lumalablyf na ang anak mo?! Nyahahaha! Ang sarap asarin ni Aster! Hindi sa nakikialam ako o may bias ako, pero tingin ko ay dapat bigyan ng patas na pagkakataon itong si binibining Cerylle. Bibihira sa mga babae ang bulgar mag-confess eh. At may pagka-Shall din. Nagpatuloy ang music, sayawan, talastasan, kainan ng mga bampira. Inexcuse ko ang sarili ko sa mga kabataan. Pinuntahan ko ang asawa kong nakasimangot na kakahintay sakin. Nakaupo siya sa isang French Canape at kasama si Antigone na hindi naman siya pinapansin dahil busy yun sa pagbutingting ng iPad. "—UWAAAAA NAWALA YUNG WI-FI!!!!! UHUHUHUH~" whine ng bunso kong anak. May security protocol ang Rose mansion at isa na dun ang pagboblock ng mga energy waves, or transmission waves, even the wireless fidelity o mas kilalang wi-fi. Pagkaupo ko sa tabi ni Antigone, kinuha ko ang iPad niya at itinabi. "Anak, kapag may pagkakataon kang makipagkilala at makisalamuha, wag mong sayangin ang chance na yun. Maglakad lakad ka kasama ni mama mo dali na." "AYAW! PAPA SAKSAK MO WI-FI DALI NAAAAA! ANG BORING BORING KAYA DITO!" nakipag-agawan pa siya sakin para sa iPad niya. Lol nagfusion na yata sa kanya ang katigasan ng ulo namin ni Shall. Totoo nga ang kasabihang ang anak mo ang kakarma sayo! Napakamot ako ng ulo. Di ko maintindihan kung bakit maraming nagsasabi na boring ang mga piging. Ako nga tuwang tuwa pag may mga pagtitipon eh. Sabagay forever alone ako nung kabataan ko kaya masaya ako pag nakakakita ng maraming tao. Syempre nanalo ako sa agawan. Hinablot ko yung iPad kay Antigone at inabot na yun kay Shall. "Antigone, sumama ka sakin, libutin natin ang buong Rose mansion. Para kapag nagdecide ka nang tumira dito ay kabisado mo na." "IHHH PAANO SI ASTER?!" "ASTER?! KUYA ANG DAPAT MONG ITATAWAG SA KANYA, MALIWANAG?!" turan ko. "Malaki na ang kuya mo at tumira na din siya dito once kaya kabisadong kabisado na niya ang lugar na ito." hinila ko siyang patayo bago pa siya makareklamo ulit. "—Kung isasama mo ang anak mo, wag na wag mo siyang hahayaang malayo sayo. Maraming mapanganib na bampira ang nandito, at isa pa, parang nararamdaman kong may nagbabantay sa anak natin ngunit di ko matukoy kung sino. Mamamahinga lamang ako sa solar." ani Shall. Nauna siyang umalis kesa samin. Ang solar ay isang napakakumportableng silid na cozy at sadyang laan para sa mga babae. Mamaya pupuntahan namin siya dun ni Antigone. As for now, sisimulan namin ang pagnanavigate dito sa first floor. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 31st Madness Aster's POV: Parang aso akong sumunod kay Cassiopeia palabas ng ball room. Iniwan ko si Cerylle at WALA akong pakialam sa kanya. Mamaya kami magtutuos! "—Ginoo, bakit mo ako sinusundan?" nilingon ako ni Cassiopeia nung malapit na kami sa foyer. "Naghihintay na sakin ang aking utusan. Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga ng maaga." [Foyer- space sa may maindoor] I Shrugged. "Ano sa palagay mo? Ganun ganun na lang? Iiwan mo ako?" Ngumiti siya ngunit hindi ibig sabihin nun ay natutuwa siya. "Kaya mo ako hinahabol ngayon ay dahil kailangan mo ako hindi ba?" Tumango agad ako. There's no point in denying that. She knew I'm heartless. But to my surprise, lumapit siya sakin. Hinaplos niya ang mga pisngi ko. "Wag kang mag-alala dahil hindi pabago bago ang isip ko. Nagpasya na akong tulungan ka. Nagkataon lang na sumama ang pakiramdam ko. Madalas mangyari yun kapag marami akong nasasagap na aura sa iisang lugar..." I think I'm starting to like her. Ang bait kasi niya. "Bago ka umalis, pwede ko bang makita ang mukha mo? Para patas. Nakita mo na kasi ako." Since atat ako, bigla ko na lang tinanggal ang suot niyang mask. I beheld her angelic beauty; and it's like I can't take off my eyes on her lalo na nung nagsmile siya. Sinamahan ko siya hanggang sa portico kung saan naghihintay ang dalawa niyang utusan pati na ang farer na nasa karwahe. [Portico- pasilyo sa labas ng bahay na may roof structure.] We bowed at each other before she went inside the carriage. Napawi ang ngiti ko nung malayo na ang sinasakyan ni Cassiopeia. Hindi basta nawawala ang badtrip sakin. Kailangan kong disiplinahin yung loko-lokong Cerylle na yun! Now where the hell is she? **** Cerylle's POV: Sa akala ba niya siya lang ang naiinis ngayon?! MAS NAIINIS AKO! Paano niya naatim na maghanap ng iba? Bakit hindi niya ako maalala? Iniwan niya ako para lang sundan yung babaeng kadaupang-palad niya kanina. Lalabas din sana ako ng maindoor pero may kung sino na humila sakin. "—Kuya?" kamuntik nang mawala sa isip ko, kasama nga pala namin si kuya Kan. "Maligayang pagbabalik Rosary." aniya. "Naramdaman ko ang presence ni tita at isa lang ang naiisip kong rason kung bakit siya magpupunta rito. She's after you of course. I finally understood your mystery." his eyes are flashing menacingly; like in the old days, kapag may masamang tumatakbo sa loob ng kanyang intricate mind. He was just my half-brother, and I DON'T trust him kahit anong bait ang ipakita niya sakin. Maraming beses ko nang nakita kung gaano siya kasama BEHIND MY BACK. Iisa lang ang aming ama at magkaiba ng ina. Nang mamatay ang kanyang ina, pinakasalan ni ama ang aking ina. But father himself, isn't a Vral, not even close to being a vampire. There were rumors that he indeed was a mountain sprite. "Anong nangyari kay Aster?" I asked in full earnest. We stopped at an alcove deep inside this mansion. Naupo ako sa isang upholstered couch na kulay pula without any assistance from my brother. I don't feel well. Masakit ang puso ko sa literal at idiomatikong aspeto. Ayokong maging talunan pagdating kay Aster. He's mine from the very start. "—I think he is suffering from excessive memory loss. Nabubura na sa kanya ang tungkol sa nakaraan. Para iyong isang sakit na unti unti siyang iginugupo. Yung mga very recent na lang ang narerecall niya, kung meron mang tungkol sa nakaraan, it's jumbled up." "Natural ba yun o may nag-cacause nun?" tanong ko. Lumapit sakin si kuya tas ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilaan kong balikat. He pressed his weight onto me as he leaned forward. "Pag sinabi ko ba sa iyo na meron, ano ang gagawin mo?" Bahagya akong napaisip... What should I do? I'm powerless and I'm human. Napailing na lamang ako. "Si Farfait Quilt. Siya ang suspetsa kong gumagawa nun kay Aster." "—BAKIT HINAYAAN MO LANG NA MANGYARI YUN?!" I snapped as I jerked away his hands off my shoulders. Nagshrug lang siya. Akala ko okay na silang tatlo dahil magkakasama sila. Jeez nasa deathrow na po ako ng mga mamamatay dahil sa maling akala. Uso rin pala pati sa mga lalake ang plastikan. "Tulungan mo siya kung gusto mo. Hindi yun makakaapekto sa mga plano ko. But I doubt kung magagawa mo yun." ani Kan. Umalis din siya kaagad. Being alone here gave me ample time to think things over. Ipinatong ko ang mga siko ko sa king kandungan at tinakpan ko ang buong mukha ko ng mga palad ko. There's supposed to be a grand future ahead of me, tas ngayon feeling ko walang wala ako. Hindi ko rin alam kung kanino ako magcoconfide o hihingi ng tulong. My mother is crazy. All my brothers and sisters are crazier. Vral is the craziest. All of them are driving me nuts. I badly need 'him' pero isa pa siyang nababaliw. What if hindi ko na lang ulit naalala kung sino ako? Will things get better? "—IKAW! BAKIT MO AKO IPINAHIYA KANINA?!"I glanced up to see Aster standing in front of me looking very furious. So furious that his face was flustered. Then hinaklit niya ang braso ko kaya napatayo ako. Kinuyom niya ang mga palad niya at itinutok sa mukha ko. Hindi ako natatakot sa kung ano ang balak niyang gawin sakin dahil hindi ko rin naman kayang pumalag— WHAAAM—! CRAAAACK!! Di ako kumurap kaya malinaw kong nakita na nilagpasan ng kamao niya ang mukha ko at ni hindi yun dumapo sa balat ko. Ang naramdaman ko lang ay ang mahinang hampas ng buhok ko sa aking pisngi na dulot ng hangin. When I glanced behind me, halos magigiba na ang pader na tadtad ng cracks. Kumilos ang kamay ni Aster para ipaling ang mukha ko paharap sa kanya. "Next time na gawin mo pa yun, ganyan ang mangyayari sayo." Next time na gawin ko ulit yun sa kanya, alam kong may isa pang inosenteng pader ang dadanas ng sinapit ng pader sa likuran ko. Pagkatalikod niya sakin, yumakap ako sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko and I savored the moment. He was my only comfort in this tumultous world of ours. Sinubukan niyang alisin ang mga braso ko pero lalo ko lang hinigpitan ang yakap sa kanya. "—Oy ano ka ba?! Lumayo ka nga sakin?! Aminin mo nga? MAY GUSTO KA BA SAKIN O SADYANG MALUWANG ANG TURNILYO MO?!" "Wala akong gusto sayo... mahal kita..." bulong ko. Natigil siya sa pagpalag. I can't see his face so I can't tell wether nagulat siya o naewan na. "B-Bakit mo ako mahal?" "Masama ba?" "Masama." Nagkusa rin akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. Actually wala na akong lakas para yakapin siya. My hands start shaking. Nakakapanlumo. Ito kasi ang unang beses na nagkaroon kami ng ganitong conversation. His steps away from me brought burden in my heart. Pero kahit na ganun, I just want him to know what's on my mind right now— "—Aster... lagi akong nasa tabi mo. Malapit na malapit. Kaya sana—" ow I can't help my tears. "—Sana wag ka nang tumingin pa sa malayo!" **** Aster's POV: Baliwala lang sakin ang mga sinasabi ni Cerylle hanggang sa dumating sakin ang isang hindi pangkaraniwang damdamin. Tug. Dug. Sinapo ko ang aking dibdib para makasigurong hindi iyon isang guni guni. Tug. Dug. NO WAY. Theres a faint heartbeat inside me! Paanong nangyari yun?! Okay keep calm... Ililihim ko muna ang bagay na to. Wala yatang balak si Cerylle na tantanan ako. Inistalk niya ako while making my way back to the ball room. Ayoko yung feeling na may sumusunod sakin kaya huminto ako at nilapitan siya. I could see specks of tears from her eyes. Umiyak ba siya? I offered an arm anyway. "—Sabay na tayo tutal sinusundan mo ako." Nagsmile siya nung ikinawit niya ang kanyang kamay sa braso ko. Napakababaw ng kaligayahan. I am surprised na wala na ang inis ko sa kanya. Nawala na parang bula. Pinagkaguluhan kami pagtapak na pagtapak namin sa loob ng ball room. "Nandito ang ForMad! Ang cool!" "—Tutugtog sila hindi ba?!" "ForMad play for us!" Lumapit samin ang isang bampirang hatak hatak si Fait at yung isa pa na hatak naman si Kan. Ang lakas nilang makaamoy syet. Mahirap pa namang tanggihan ang mga fan naming vampire kesa sa mga tao. Walang stage kaya sa gitna kami ng ball room pumuwesto. They managed to bring here a drumset, several guitars, and lots of mics, amps, and speakers. Galing yun lahat sa music room. Our family is a music connoisseur after all. Dinikitan ako ni Kan sabay tapik sa balikat ko. "Ikaw na ang kumanta kasi tinatamad ako." Whatever. Let's get it on! I’ve a plan if you are willing We’ll take on all the ends of the world A toast, we’re celebrating No one’s around We’re on our own This sacred wine It’s a toast to all our crimes Brothers I’m yours... No one could ever shake this The soul we share The things we’ve done We were only dreaming We breathe together, hunt as one These blessed times, just always keep them in mind Brothers I’m yours... I’ll raise my glass to you I’ll raise my glass to you The lost boys are laughing, the past is fading The lost boys are laughing, your choir's falling Silence them forever, These falling knives, it’s all for the taking I’ve a plan if you are willing We’ll take on all the ends of the world This sacred wineIt’s a toast to all our crimes Brothers I’m yours I’ll raise my glass to you!! —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 32nd Madness Kape's POV: Diri na maupay ang nangyayari dinhi! Yawa, maraming bata ang nandito! Seno ang enpiktid na sumulod sa git?! [Maupay- mabuti, Sumulod- pumasok] "Day, alayon daw!" sigaw ko kay Menerva. Isa isa niyang ikenolong sa kanyang sandamakmak na bubble barrier yung sa palagay neya ay mga nahawaan na. [Alayon-paki] Yung ibang hindi mahule niya, ginamitan ko ng NETGUN! Malakeng baril yon na nagrereles ng malake ring lambat! Ambot la kung saang lupalop ko to naharbat. Tumulong din ang iba pang mga bamperang kasama namin dito— Kaming mga nakaligtas mula sa hawaan ay nagsilapitan sa mga naholi namen. Kilangan pagdesesyonan kung ano baga ang maiging gawin. Syimpre mey mga umeyak; at mey mga walang pakialam. "Ano ang gagawin natin sa kanila?" iba iba ng version piro yan ang general kwistyon ng lahat. Popogutan sela? Ichochopnese? Susunogin? Pasasabugin? Raratratin? Mey nagsenstensya agad agad sa mga inpikted kehet wala pang desisyon ang lahat. Isang bampera ang biglang nagliyab ang kamay at sinilaban ang mga inpikted. Nag iisa seyang Elementer na nandito di dahel natatakot seya sa labas kundi dahel sa trip niyang tumira sa ilalim ng lupa. RAAAAAAAAAGGGRRHHH! WHAAAARRR! Tinupok ng kanyang apoy ang mga kun tutuusin ay kasamahan namen dito. Kumapit sa braso ko si Menerva. "Hindi ko kayang panoorin to. Bumalik na tayo sa tinutuluyan natin..." yaya niya. Nanlulumo seya at obyus na malungkot. "Sege." Hinde pa kami masyadong nakakalayo nang nagkaroon ng usap usap yung mga iniwanan nameng bampera. Nakinig la kami habang nagbabaklas (naglalakad). "Nakakadisappoint lang. Alam nating lahat na may dalawa o tatlong necromancer na kasama natin dito sa ating distrito. Ayoko mang sabihin to, ngunit para kasing kinuha lang ang ating kapalagayan bago niya isinakatuparan ang totoo niyang hangarin! Wag na nating hayaang mangyari pa ang ganitong insidente sa hinaharap. Iminumungkahi kong pwersahang itiwalag sa ating organisasyon ang mga necromancer!" mula ang pahayag nayon sa bamperang pinakamatanda sa aming lahat. Siya rin ang sa palagay ko ay pinakamalakas kaya ganun na lang kung mag-inisog (magmatapang). Katuwang ko seya sa pagpapanatele ng lugar na ini. Kenukuntrol neya naman ang lupa sa itaas namen para wag gumoho. "Ano sa palagay mo ang desisyon nila? Tingin ko hindi naman tama na pag initan nila ang mga necromancer dito." Bumaling ako key Mie na mas humigpet pa ang kapit sa akong braso. "Gosto mong makealam tayo?" "—TULOOOOONG!" mey isang humahangos na babae ang lomapit saken. Mey sugat seya sa kanyang braso at nanginginig ang buo neyang katawan— Ittinulak seya ni Mie palayo sakin. "Infected na siya! Ano ba talaga ang nangyayari dito? Napasok na ba talaga tayo ng Black Church?!" De ko rin alam. Sa bilis ng mga pangyayare, kilangan mabilis ka rin mag-isip. Hinde lahat ng mga bamperang nandito ay may kapangyarihan; ang mga inpikted kase, agresibo sila pag kakapasok lang ng virus sa kanilang katawan. Mey mga pagkakataong mas malakas pa sela kesa sa isang ordinaryong bampera. "A-AYAW NIYO A-KONG T-TULUNGRAAAAGRRRGWHH—" tuluyan nang nawala sa sarele ang babaeng itinulak ni Mie. Nageng mabalasik ang anyo neya tas ginsugod man kame! Piro bumalandra lang seya pagkabangga neya sa barrier na gawa ni Mie. Nagkasunog sa gawing kanluran pati nagsisitakbuhan yong mga malalakas na bampera palabas ng tarangkahan! Mayamaya pa ay yumayanig na ang lupa sa itaas. Wala na ang kapangyarihang nagpapanatili dun, cancel na. "ANAY LA! BAKIT KAYO NAGSISIALISAN DINHI?!" pasegaw kong tanong sa dumaang bampera sa gilid namin. "—EH KAYO BAT KAYO NAKATAMBAY LANG DIYAN?! INABANDONA NA NG MGA MAY KAPANGYARIHAN ANG LUGAR NA TO! UMALIS NA RIN KAYO DAHIL MAY PAPARATING NA MALAKING WAVE NG MGA INFECTED!" mey itatanong pa sana ako kaso ambilis neyang nakaalis. Kinalabet ako ni Mie. Nagbukas seya ng isang portal patungo sa ibang lugar. "Tingin ko may bente kwatro oras nang kumalat sa lugar na ito ang undead plague pero stationary lang. May kumokontrol sa kanila at pinakawalan within a very crucial time. Ni wala man lang tayong naramdamang kakaiba. Mas maigi ngang umalis na rin tayo dito. Bitawan mo na ang lupang ito." Bibitawan ko na nang ganun lang? Yun ang gustong mangyare ng mga kalaban hende ba? Gusto nelang maibalik sa dati ang tunay na sukat ng Area 3! Gumawa pa sela ng kahayupan para lang masunod ang kagustuhang yun! Nauna na akong sumulod sa loob ng portal tas hinatak ko na rin si Mie. "Aalis tayo. Pero hinding hindi ko ibibigay sa kanila ang lugar na to." Bago magsara ang lagusan, parang may nakita akong isang batang nakatayo sa tuktok ng isang bahay. Nakamasid seya at ang kanyang mga labi ay nakangiti. **** Hio's POV: "—Halika dito Anne." sinenyasan ko ang anak ko para lumapit. Kakalakad namin, napadpad kami sa butler's pantry. In the old days, ang mga butler ang naghahari sa area na ito ng mansyon o manor. Dito kasi ini-stash ang mga dinner wares gaya ng mga plato, kopita, silvers; at ang mga butler ang siyang in-charge sa accounting ng mga kagamitang binanggit ko. "—ANNE?!" pinandilatan niya ako. Same mannerism ni Shall kapag nagugulat. "Petname ko para sa cute kong anak! Ang haba kasi ng pangalan mo eh." kung makapagsalita ako parang hindi ako yung nagpangalan sa kanya eh no. "—Sino ba kasi ang nagpangalan sakin? Tas rereklamo kayo na mahaba ang pangalan ko. Tas kung ano ang naisip ninyong itawag sakin, yun na lang blah blah~" Ehem… Wag kang aamin Hio! "Eeh maganda naman ang pangalan mo ah? Kapangalan mo nga si mama eh." katwiran ko. "Saka maganda rin naman yung Anne ah?" "Hmp." inismiran niya ako! Hay buhay, mas madali pang manligaw kesa ang magpa-good shot sa anak. "Tara may ipapakita pa ako sayo—" natigilan ako saglit sa dumating na uwak. Bumulusok yun paibaba at kumapit sa balikat ko. May mensahe iyong dala na nagmula sa organisasyon. Pagkaalis ng uwak, bumaling ako kay Antigone. "Pasensya na Anne ngunit makakaya mo bang bumalik sa ball room o kaya naman ay puntahan mo na lang si mama sa solar? Wag kang mag-alala dahil babantayan ka ng mga tauhan dito sa mansyon. Kung sakali mang magkaroon ng aberya, nakasubaybay lang sayo si mama at si kuya." Kumunot ang noo niya at halatang disappointed siya. "Saan ka pupunta? Akala ko gusto mo ng quality time with me tas may biglaang lakad ka lang iiwan mo na akooo?! Ahetchuu!" nag walk out pa talaga siya. Hayaan ko na muna. Bawi bawi na lang ako sa kanya next time. Priority ko ngayon na mapilayan ang Black Church. **** Cerylle's POV: Pagkatapos ng live ng ForMad, ang inatupag ko naman ay ang pag istalk kay Farfait. Approachable naman siya kung casual talks lang, it's just that kailangan kong humanap ng tamang salita at tamang timing para mapag usapan namin ang tungkol kay Aster. Can he tell what I wanted to ask? Obvious na kasing iniiwasan niya ako. Or maybe sinabi na ni Kan sa kanya ang tungkol sakin. I pursued him anyway. May hinahanap yata siya at yun ang dahilan ng pagiging iwasero niya ngayon. Then bigla na lang siyang nawala after the last corner na nilikuan niya. I shrugged. Hindi ko na siya mahahahol if nagteleport man siya. Mas maiging magpaiba na lang ako ng corridor. Kakalakad ko, nasalubong ko si Baby girl na nakasimangot. Inapproach ko siya. "May umaway ba sayo?" "Wala. Naiinis lang ako kay papa kasi iniwan niya ako!" she ranted. "Baka naman may emergency lang—?" "—BEB!" parang kabute na sumulpot sa kung saan si Farfait. He's instantly few feet away from us. So ang hinahanap niya pala kanina pa ay walang iba kundi si baby girl? Oo nga pala... He already told me about what's going on between him and baby girl. Sakin pala siya nakatingin, at ang sama ng kanyang tingin! Si baby girl naman tila may urge na lumapit sa kanya. Niyakap ko ang bata on impulse. Di ko alam kung bakit since hindi naman threat sa kanya si Fait. "Ibigay mo siya sakin Cerylle." utos sakin ni Fait. He's being jealous, something like that. Nanadya naman ako. Lalo kong hindi pinakawalan si baby girl. Her response tells me that she was under his spells. "May iba ka pa bang plano other than gusto mong ikaw ang maging kabiyak niya?" "—Bitawan mo na siya. Don't make me say it thrice!" aniya instead na sagutin ang itinanong ko. "Bakit hindi ikaw ang lumapit dito Fait? We are not your servants after all." I retorted. I gasped the moment I saw his eyes. Unti- unting nadidistort ang kapaligiran; nagiging fleshy and fetid. It felt like we were inside a stomach of some colossal creature. Nagpenetrate sa reddish walls ang di mabilang na mga ahas na parang binalatan ng buhay. Shhhhh... Bumulwak ang acidic na substance at umabot yun hanggang sa aking bukong bukong. It stung me and it hurts like hell. Underneath my feet, bony and rotten hands arose and grasp both my legs. Niyugyog ko si Antigone. Inikot ko siya paharap sa direksyon na opposite kay Fait. "Baby girl pakinggan mo ako. Walk straight away from here! Kahit anong marinig mo, wag na wag kang lilingon!" I pushed her as far as I could hanggang sa nagstart na siyang maglakad kahit medyo absent-minded pa rin. Saka ko muling hinarap si Fait. Siya at ako ay nasa loob ng sarili niyang mundo... "Hindi sana tayo aabot sa ganito kung hindi lang matigas ang ulo mo." "I'm not afraid of you." I told him. Isa isang nagsipuluputan ang mga fleshy snakes sakin nung sinubukan kong lumapit kay Fait. Some even bite me. "Silly. Hindi mo ako malalapitan kaya wag mo nang subukan." aniya. Mas lalo akong naging determinado hanggang sa puntong itinaas ko na ang isa kong kamay to be able to reach him. I have to move because that's the safest way to survive a very realistic illusion. Arggh drat! Ang sakit sakit na ng paa ko! Do I still have feet o baka nilusaw na nang tuluyan ng asido? Come on... Ang lapit ko na sa kanya! Ibinuhos ako ang buong lakas ko for a one last move wherein I grabbed him by the neck. Hindi niya ineexpect yun kaya nawalan siya ng balanse. Bumagsak kami pareho sa mababaw na lawa ng acid. Di ko pinakawalan ang leeg niya kahit pa nalulusaw na rin sa asido ang kamay ko. "DISPERSE YOUR ILLUSION NOW!" "Tch... May araw ka sakin." banta niya. Actually, he can kill me now; yet he didn't. Nag fade ang hindi kanais nais na environment at bumalik na ang long corridor ng mansyon. "May araw ka rin sakin. Pasalamat ka at may kapansanan ako." I talked back. "—Nag aaway ba kayo?" napadaan si Aster at nakita niya kami sa masagwang posisyon. I'm on top of Fait at yung kamay ko ay nakasakal pa rin sa leeg niyon. Agad akong napatayo at nag isip ng magandang panghugas kamay. "H-Hindi kami nag aaway! Nabulunan lang si Fait kaya tinulungan ko siya!" What a lame alibi Rosary... Aster won't buy that. Yun na nga, sinimangutan niya kami. Lumapit siya tas itinayo niya ako at hinila palayo. He went inside an empty room with me. Dun niya ako isinandal sa likod ng isinara niyang pinto— and he slammed the space on my side. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING WITH FARFAIT?! Screwing in the middle of the corridor?!" Nagsmile na lang ako since ayokong sagutin ang tanong. "Shit! Don't smile at me!" nanggagalaiti niyang sigaw at pagkatapos ay marahas niya akong niyugyog. "—pag di ka pa sumagot, tatamaan ka na sakin!" Oh Aster... Hindi ka naman temperamental dati di ba? I never saw you this mad. Ganito ka pala pag galit, lalo kang nagiging cute... I can't help myself that I raised my heels just to be able to reach his face. Hinila ko pati ang collar niya. I kissed him. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- Warning: May tamang sangkap ng kabastusan at kalandian. 33rd Madness Aster's POV: Tss... Bakit ba kahit anong violent reaction ang ipakita ko dito kay Cerylle hindi man lang siya natatakot sakin?! Sinaniban ba siya o ano? Nakakadisturb na ang ugali niya ah! AT ANG PINAKADISTURBING SA LAHAT— WHERE'S MY FUCKING AUTHORITY OVER HER?! Parang unti unti niya akong ginigiba at isinasailalim sa kanyang pangungulam! "—Oh bakit nakapikit ka pa?" I heard her playful voice. "Inenjoy mo ba ang kiss natin?" WHAT THE—?! Hindi maaari ito! Hindi ako magpapagood time sa kanya! Ang puso ko bat ang bilis ng pintig—?! ANO TONG NARARAMDAMAN KO? "—TANGINA LETSE INISTRESS MO AKO!" it was suppose to be a thought pero naisigaw ko na! Now her taunts are getting into me like shit. I fucking hate this. "Sa paanong paraan kita iniistress mahal ko? Hindi ka ba narerelax sa matamis kong ngiti?" she ran her fingers through my neck. Paulit ulit. Dahan dahan. Imbis na kilabutan, nakikiliti ako sa ginagawa niya amp. "Tarantado... kung sunugin kaya kita?" bulong ko sa tenga ni Cerylle. Bibilihin ko na yata ang pang aakit niya. Konti na lang mga ser. Sa labi ko na dumapo ang mga daliri niya. "Shhh... Ang dami mo pang sinasabi, just kiss me already—" I really kissed her; because that's my urge. Parang alak ang laway nia— habang tumatagal, lalong sumasarap. Her moans made me crave for more. But in the last minute, nakapagpigil pa ako. I'm not a pussy. Ayoko lang mawalan na naman ng bassist ang ForMad just because of my another flirting game. No, not my flirting game this time. IT'S HERS. Na-caught off guard ako ng isa pa niyang kamay. She suddenly slid that inside my— I freaked out of course! Naeeskandalo na ako sa harap niya and everything tas pinagtawanan pa niya ako! "—Wooo pakipot ka pa... Lagi naman nating ginagawa yan dati." Napadilat ako. "G-GINAGAWA NATIN DATI?! Sorry I don't remember any incident na naka one night stand kita." pinagkrus ko ang aking mga balikat. "Desperada ka na talaga at nirerape mo yata ako sa imagination mo." Ang sakit na ng sinabi ko kaya ang akala ko tatantanan na niya ako. "Tama ka, I'm desperate over you. Hindi yun masama kasi mahal kita. And I will try everything para iparamdam yun sayo— including physical contact." "Physical contact mo mukha mo! Why is it so hard for you to say na gusto mo lang makipagsex sakin? Porny!" call me mr. Straightforward and I don't fucking care— "Whatever we call it, let's do it." sabi niya. Lol pareho kaming straightforward. Maybe she's in the mood to do it. I'm in the mood too! Naupo ako sa sofa at hinila ko siya. I made her lay down and stared licking her neck. My gums got itchy. Naramdaman ko na lang ang biglaang paghaba ng mga pangil ko. Nadikit yun sa marble-smooth sakin ni Cerylle. "Kakagatin mo ba ako?" tanong niya. "You'll be infected then..." Tumayo ako mula sa sofa tas lumabas ako ng kwarto. Napasandal ako sa sinarado kong pinto as I tried to normalize my breathing. I can't relax. May nagtitweak sa kaloob looban ko. Nagigising ang urge ko na manghawa. Binuksan ko ang pinakamalapit na bintana and then realized na may uwak palang nasa window sill at aksidente kong nabugaw. Someone is watching me... **** Hio's POV: "Dumating na pala ang alchemist! At ano ang pinagkakaabalahan niya para mahuli siya ng pagdating dito?" Alchemist ang generic term sakin dito sa Black Church. Well yun naman ako. I guess. Pero di ko gusto yung sarcasm nila when addressing me. Papunta na sana ako sa sarili kong pedestal nang biglang tumayo mula sa pagkakaupo ang aming pinuno. "Huwag ka nang mag abala pang umakyat An're. Mayroon akong task na nais iatang sa iyo." "Isang task? Maaari ko na bang malaman kung ano yun?" Nagliwanag ang pinakasentro ng podium kung saan may biglang lumitaw platform. Nakagapos sa platform na iyon ang sa tingin ko ay isang Evil Druid. Wala namang busal ang bibig niya ngunti hindi man lamang siya nagtatangkang sumigaw o magreklamo man lang. "—Ang kanyang tag ay Nehemiah. Sa iyo na siya. Ang dapat mo lamang gawin ay saliksikin ang tungkol sa mga posibilidad ng isang infected. Balitaan mo kami sapagkat kagaya mo ay gutom rin kami sa mga bagong tuklas na karunungan." Pinagmasdan kong maigi si Nehemiah. Absent minded pa rin ang lolo niyo. Pag-snap ng aking mga daliri, naglaho na siya; don't worry, wala pa akong ginagawa. Natransport lang siya patungo sa aking private space. Tiningala ko ang pinuno sabay ngiti. "Makakaasa po kayo na pag iigtingin ko pa ang aking mga pag aaral." "Ngayon ay maaari ka nang makaupo." Dahil VIP ako, binagalan ko lang ang kilos ko. Ayun badtrip na sila pagkaupo ko. "Ehem... Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay ang pagtatapos ng ating eksperimento—" Ang mga necromancer ay nabubuhay sa pagcoconduct at pagrerevise ng kung anu anong tests and experiments. Ang balita ko, madaling magsawa ang pinuno kapag hindi niya naaachieve ang mga gusto niyang maging resulta. Nariyan yung mamadaliin niya ang proseso o kaya naman ay bigla na lang niyang aabandonahin. "Nalalapit? Ngunit pinuno, may tatlong taon pa ang nalalabi para sa pagkuha ng datos sa mga Evil Druid!" anang isa sa mga presbyter. "Noon yun, subalit ngayong kaanib na natin ngayon si An're, ang kanyang mga istratehiya sa pag aaral at pananaliksik ay walang kapares!" Tangina, ako na lang ang gawin ninyong pinuno tutal parang ako na halos lahat ang gagawa ng mga kabalbalan ninyo! "Ano ang mangyayari sa anim na natirang Evil Druid?" this time ay naglakas loob naman akong magtanong. Kinilabutan ako sa ngiti ng pinuno. Sakin siya nakabaling kaninang kanina pa. "—Bakit hindi mo subukan kung kaya mo silang patayin isa isa?" "PATAYIN SILA ISA ISA?!" bulalas ko. "—Hindi ba't ang pinakamainam gawin kapag iaabort ang isang eksperimento ay sirain ang mga subject at iba pang mga patungkol dito? Ang akala ko ay alam mo na yan?" Sa paraan ng kanyang pananalita, malinaw na may bago siyang subject, at ako lang naman yun. "Teka lang pinuno— hindi naman yatang—" "Ang sinabi ko ay 'subukan mo silang patayin'. Masyado pa ring marami ang bilang nila at kailangan muli nilang masala. Alalahanin mong ang mga hindi karapat dapat sa paningin ng Black Church ay walang karapatang matawag na miyembro nito." Ah so gagawin nila akong examiner ganun? Tumayo mula sa upuan ang pinuno at idinipa niya ang kanyang mga kamay. "Ang tatanghaling pinakamalakas na Evil Druid ang siyang itataas sa pagiging Black Angel! Siya ang tutulong sa ating layunin na ipurify ang mundo pagkatapos ng napipintong apokalipto!" Waw ang bangis nun. Ang ayos ayos ng mundo sa palagay ko, yung mga naninirahan lang dito ang sadyang magugulo at di mapakali. They always follow the principle 'order from chaos'. "Kung wala nang tanong ang iba pang miyembro, maaari na nating tapusin ang pulong na ito. Magkita kita tayong muli sa susunod na kabilugan ng buwan." Mabilis na naglaho ang podium sampu ng mga members ng Black Church. Balik Rose Mansion ako— technically hindi naman talaga ako umalis ng mansion. Dahil ang lugar ng Black Church ay naaaccess lang sa pamamagitan ng alaala. Kung anu ano ang ipinagagawa sakin ng organisasyon, tapos ngayon kailangan kong subukang patayin ang anim na ED! Ang masaklap dun ay di pa maiiwasang harapin ang anak ko sa laban! Namaaaan! Naistress ako bwiset. Kailangan kong pag isipan ang mga bagay bagay. Di ko hahayaan na ang organisasyon ang siyang magdidikta sa kung ano ang mga dapat kong gawin... For now, sa solar ako nagpunta para kay Anne; pero wala siya dun. Ang naabutan ko lang ay si Shall. Nakaindian seat siya sa may sofa at tinitipa ang gitara. Normal lang yun. Ang hindi normal ay HINUBAD NIYA ANG KANYANG GOWN! "—PSSST! Bat ka nakahubad?! Tas di pa nakalock ang pinto! Paano kung may bisitang naligaw dito tas nakita kang ganyan?" She casted me with her signature deadly look. "May suot pa ako no. Napakamalisyoso mo kahit kelan." Sakit na niya talaga ang magmodel ng underwear. Bad influence para kay Anne! Itinabi niya ang gitara nung maupo ako sa sofa tas yumakap siya sakin. Maganda pa rin siya kahit matanda na, kasing ganda nung first time naming nagkadaupang palad. Hindi ko nasabi nun sa kanya ang paghanga ko dahil nag away agad kami. We kissed. Inadik ko na naman ang sarili ko sa kanya. For what comes next, wala na akong kinakatakot dahil akin lang siya... except— "—Mmmh... Mahal, sundan na natin si Antigone..." bulong niya sakin habang naghahabol ng hininga. "LUL." BADOOOM! Bumalentong ang pagmumukha ako sa pader. Nagdugo pa ilong ko! "Jinojoke lang kita! Wag ka nang magalit!" para akong bata na nagpapaawa sa kanya. Takte nabali yata ilong ko! "Wag kang lalapit sakin kundi mababasag na nang tuluyan yang pagmumukha mo—!" Nilapitan ko siya despite her warning. Ikinulong ko siya sa mga bisig ko. "Di ka na galit di ba? Di ba? Di ba? Smile ka nga—" kiniliti ko siya sa tagiliran kaya nangingiti na rin siya. "Ano ka ba?! Ginagawa mo akong bata—!" Napatingin kaming dalawa sa pinto dahil bumukas yun nang hindi man lang kumakatok. Okay lang sana kung si Aster yun o si Antigone— ah hindi rin okay pag nakita nilang ganito kagarapal ang mama nila— ang iniluwa ng pinto ay isang bampirang babae na hindi ko naman iniimbita. May dala dala siyang suitcase at akala mo naglayas. "Licorice, what are you doing here?!" tanong ko. "Master... Hindi ba tama lang na kung nasaan ka ay dapat nandoon din ako?" Shall jerked away from me. "HOY LALAKE, ANONG IBIG SABIHIN NIYAN?!" Shit. Yari. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 34th Madness Hio's POV: Waaaah?! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?! "Shall let me explain—!" sinubukan kong lumapit sa kanya pero lalo lang siyang lumayo. "Kanina ka pa dapat nag eexplain, time's up na ngayon!" sigaw niya habang sinasamsam ang iniwan niyang gown sa sahig. Argghh.. "Please mag usap tayo, yung tayong dalawa lang, okay?" Tinitigan niya ako sa mata. "Oh sige, may ipagagawa na lang ako sa iyo. Para wala tayong problema, patayin mo ngayundin ang babaeng yan!" Umiling ako. "Shall hindi pwede—" "—HINDI PWEDE DAHIL ANO?! KAILANGAN MO SIYA?! WASN'T I GOOD ENOUGH?!" Heto na naman kami sa walang kamatayan niyang pagseselos at pagkamakasarili. Paano na ngayon ito? Papatayin ko na nga ba talaga si Licorice? Hinarapan ko si Licorice. I guess I have to do it after all. "—W-Wag..." umatras nang bahagya si Licorice. Kahit pa tumakbo siya ngayon, wala pa rin siyang takas basta tinawag ko siya. What kind of death does she deserve? Silent? Excruciating? Ecstatic? Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Kapag inabot niya yun, katapusan na niya... Then I saw her eyes. This is the first time na tumingin ako sa pares ng mga mata niyang kulay amber. All these years, I never look at any other woman's eyes liban kay Shall. Ang point of focal point ko sa mga babae ay sa kanilang throat lang. Licorice's eyes tells a story of hatred, melancholy, and downfall... Yet there's a faint spark of hope. Hindi ko siya papatayin. Hindi sa hindi ko kaya, mayroon lang akong limitasyon sa kung ano ang dapat kong gawin. I'm no God after all. Ibinaba ko ang kamay ko sabay harap kay Shall. "Alam kong may kasalanan ako sayo dahil hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa bagay na to, pero bakit kailangan na ikaw ang magsasabi ng kung ano ang dapat kong gawin? Can't you consider me as a partner and not as a slave?" I touched a nerve. Nagsiliparan sa iba't ibang direksyon ang buhok ni Shall na para bang any moment ay magpapakawala siya ng malakas na daloy ng energy. That's how mad she was. "LUMAYAS KA AT AYOKONG MAKIKITA ANG PAGMUMUKHA MO! MAGSAMA KAYO NG ALIPIN MO!" TANG INA NAMAN! Pati ako nababadtrip na rin. Kung kelan naanakan ko na siya saka niya ako palalayasin. Like hell. Para wala nang maganap na destruction, o anupamang delubyo, lumabas ako ng solar na hatak si Licorice. Ako yung may kasalanan dito kaya dapat ako yung magbibigay ng effort para magbati ulit kami ng asawa ko. At ang unang dapat mangyari ay palamigin ang sitwasyon. Ako rin, kailangan kong magchill. Nagbago ang environment pagtapak ko sa junction papuntang east wing ng mansyon. I transported us in a desert night, illuminated by a red moon. Saka ko lang binitawan si Licorice. Nagpatuloy ako sa pagstroll sa buhangin tas hinabol niya ako. Kumapit siya sa isa kong braso. "Wag mo akong sundan. Leave me alone. From here, alam kong makakabalik ka na papunta sa kung saan ka man naglulungga." "—Sasama ako sayo. Kahit saan." aniya. Sinubukan ko siyang itulak palayo pero ang tindi ng kapit eh. Parang bulldog superglue! "Wala kang mapapala sa pagsama sakin. Wala na akong kailangan sayo kaya pinapalaya na kita—" "Wag... Ayoko... Gusto ko kung ano ang posisyon kong ito sa piling mo—" Lumabas din ang totoo. Sinadya niyang magpahuli sakin at naggalit galitan pa kunwari. Plano na niyang maging alipin ko sa simula pa lang. "Ilang beses ko na bang sinabi sayo na may nagmamay ari na sakin, at may anak na kami. Tigilan mo na ako. Sinisira mo lang ang ganda mo sa paghahabol sa poging taken na! Kaya nagkakasala kaming mga lalake eh dahil sa kagagawan niyo!" "Seryoso ako na mahal kita... Ibahin mo ako sa kanya. Hindi kita magagawang saktan gaya ng ginagawa niya sayo—" Nang unang beses niyang sinabi sakin na mahal 'daw' niya ako, many many years ago, hindi ako naniniwala. Di ko pa rin yun pinaniniwalaan ngayon. I don't have to believe her. Ang kailangan ko lang paniwalaan ay ang sarili ko na malakas ang fidelity ko sa asawa ko... I touch her cheek with my other free hand. "Tama na. Dapat alam mo kung kelan ka titigil. Dapat alam mo din na meron pang iba diyan na hindi ka paaasahin." "—Mas lalong hindi dapat ako sumuko sayo ngayong may problema kayo ng asawa mo. Kung sana ay nalalaman mo lamang ang layo ng narating ko at kung gaano katagal ang hinintay ko para muling maglandas ang tadhana natin..." Masama to kinukulam yata niya ang lovelife ko! "—Hayaan mo lang ako sa iyong tabi... Pagsisilbihan kita. Aalagaan. Patuloy na mamahalin..." Napakamot na lang ako sa ulo. "Oh sige na. Andami mong drama. Lumayo ka lang sakin ng konti pwede ba?" Ang babaw ng kaligayahan niya. Ngumiti siya bago bumitaw sakin at pumuwesto sa likuran ko. Nakasunod na lang siya sakin, kung saan man ako pupunta. Katulad ng freeland na kung tawagin ay Matre sa Erdan, ang disyertong ito ay nagsisilbing trading post ng iba't ibang klase ng bampira. Ang bahaging ito ng mundo ay pinakamahirap mapuntahan ng mga tao dahil sa isang uri ng charm. Iba talaga ang nagagawa ng mga divider. Pero hindi ganun kadiscreet ang kapangyarihan nila sometimes... For example— the Bermuda Triangle, o tinatawag ding devil's triangle. Ang vertices ng imaginary triangle na yun ay nasa peninsula ng Miami, Florida; San Juan Puerto Rico, at sa isla ng Bermuda ng Atlantic ocean. Ang sabi sabi ng mga tao ay misteryosong nawawala daw ang mga aircraft at mga sasakyang pandagat na nagagawi sa loob ng imaginary triangle. Based on the history I've learned from some ancient vampires, patay na ang divider at pati na ang linker na nasa likod ng phenomenon na yun. Napabayaang nakatiwangwang at nagmamalfunction ang ginawa nilang vortex which is actually an old version of a dimension point na ginagamit sa pagtatransport ng mga malakihang bagay o nilalang into another dimension. Nakakatuwang isipin na magpahanggang ngayon ay patuloy na nagtatalo ang mga tao sa kung ano ba talaga ang totoong paliwanag sa misteryo ng devil's triangle... Patuloy ding nagbabanggaan ang natural at supernatural; ang siyensya at ang mga mito. Nakabuklad na sa harapan nila ang mga sikreto kung tutuusin, ayaw lang nilang imulat ang kanilang mga mata. "—Doon ba tayo pupunta?" itinuro ni Licorice ang oasis na tanaw mula sa burol ng buhanging tinatahak namin. "Oo." tipid kong sagot. I enjoy the scenery here kaya madalas akong magpunta dito, lalo na sa oasis. Marami na akong nakilalang kaibigan during my escapades here. Yung oasis na binanggit ko ay Arabic: nakasuot ng thawb ang mga bampira, may mga camels, at syempre may mga tavern with dancing gypsies. Hehe! [A/N: Thawb- white robe na sinusuot ng mga Arabs] "—AAAYYY!" dumausdos pababa si Licorice kaya hinablot ko ang isa niyang braso. "Ganyan talaga pag hindi ka sanay sa disyerto." turan ko. "Ano ba ang nagustuhan mo sa lugar na ito?" "Wala lang. Gusto ko lang subukan kung kaya kong bilangin ang bawat butil ng buhangin na nandito." sabi ko sabay ngiti. Nginusuan ako ni Licorice. "WEH?! DI NGA?" "Syempre joke yun. Kaya ko gusto dito kasi pag nandito ako, feeling ako ako si little prince dun sa novel ni Antoine de Saint-Exupery. Nabasa ko yun nung nakakulong ako sa mansyon ng Kuya ko... Sabik ako nun na makapunta sa iba't ibang lugar eh. Habang binabasa ko yung libro, natuwa ako kasi yung author parang nakikisimpatya sa mga sentiments ko bilang bata..." Naalala ko noon na ginaya ko ang drawing sa kwento. Yung boa constrictor na kumain ng elepante pero ang sabi ng adult is bowler hat daw yun. Pinakita ko pa nga yun kay kuya at tinanong ko kung ano ang tingin niya sa drawing ko— "Boa constrictor na kumain ng elepante yan Hio." sagot ni Kuya. Awe tama pala ang isinagot niya sakin noon. Kalimutan na lang natin na ikinuwento ko to. Hehe! "—Eh ngayong hindi ka na bata? Nagbago na ba ang pananaw mo tungkol sa mga isinulat ng author?" tanong sakin ni Licorice. "Uhh... Siguro. Binasa ko ulit yung 'The Little Prince' nito lang. Definitely nasa ibang perspective na ako, yun bang pakiramdam ko, kahit anong gawin ko ay hinding hindi na ako makakabalik sa limitadong pananaw ko noon tungkol sa mundo— uhh malapit na pala tayo." Mas magandang pagmasdan ang oasis sa malapitan. Conserved na conserve ang tubig at tanging mga halaman lang at mga hayop ang nakikinabang doon dahil di uso sa mga bampira ang madehydrate. Gaya nga ng sabi ko, isang trading post ang lugar na ito. Makakaranas ka talaga ng heavy vampire traffic lalo na't disoras pa ng gabi. Hindi lang naman kasi ako ang trip mag-arabian nights. Pinabayaan ko na lang si Licorice nung kumapit tuko na naman siya sa braso ko tutal marami namang tao at baka mahirapan siyang sundan ako. Tss... Responsibilidad ko pa rin siya since ako ang kanyang master. Pumasok kami sa isa sa mga tavern na gawa sa mamahaling lona na may intricate embroidery. Parang katumbas ng bar o pub pag sa urban ang tavern. Pero dito BAWAL ang alak. Nandito sa partikular na tavern na pinasukan ko ang aking kaibigan na siyang sadya ko... —- direk-whamba ??????????????????????????????????????????- 35th Madness Hio's POV: Glob... Glob... Glob... Pagpasok ko sa loob ng tavern, naupo ako sa isang carpet at walang ginawa kundi ang humithit sa sheesha na inoffer sakin ng isang gypsy. Nakakatuwa dahil nagkakaroon ng hugis ang ibinubuga kong usok base sa iniimagine ko. [Sheesha- Arabian water pipe na hinihithit kagaya ng yosi. Same max effect dre] "Di bagay sayo ang ganyang bisyo." komento ni Licorice. "—Hindi bisyo ang tawag dito kung minsan lang. Pampatanggal ng stress." wala namang masama kung may cheat day ako no? I quit smoking. Hindi dahil masama siya sa katawan, kundi dahil sa sintax bill. Ayokong payamanin ang gobyerno. Mayamaya pa ay dumating na ang aking kaibigan. Nagbigay puwang ang lahat ng nakaharang sa daraanan niya at yung mga nalagpasan na niya ay hinahabol pa rin siya ng tingin. Agaw-pansin ang kanyang makulay na kasuotan na nagkocompliment sa kanyang dark sun tan na complexion. Tangan tangan niya ang isang Thappu— isang percussion musical instrument ng India. Iniabot niya sakin ang instrumentong yun paglapit niya. "Tumugtog ka para sakin Henna." Nangiti ako. "Nilayasan ka na naman ng iyong musikero Ib?" tanong ko sabay tayo. Sinundan ko si Ib sa pinakagitna ng tavern. Pumorma siya sa kanyang panimulang sayaw kaya sinimulan ko nang tapikin ang thappu. Walang sinuman ang hindi huminto sa kani kanilang ginagawa para lang masilayan ang kanyang sayaw. Ang kanyang sayaw sa saliw ng musika, ay nagbibigay ng kapanatagan sa kung sinuman ang nanonood sa kanya, at may pagkakataong naipapadama niya ang iba't ibang emosyon sa pamamagitan lang ng sayaw. Hindi ganun kaespesyal ang standing niya bilang bampira, pero dahil sa napakalakas ng kanyang personalidad ay umani siya ng pagkarami raming patron na ngayon ay nagbibigay sa kanya ng proteksyon. Maasahan din siya sapagkat ang dami niyang nasasagap na impormasyon mula na rin sa pagkekwento ng mga bampirang nakakasalamuha niya. Bukod dun, siya ang pinuno ng isang pangkat ng mga nomad na kung tawagin ay Banjara. Nagmula pa sila sa bansang India. Lumayo sila sa kanilang orihinal na pangkat dahil na rin sa sila ay mga bampira. Ang kanilang mga paglalakbay ang nagdala sa kanila sa disyertong ito. Nakakaaliw ngayon ang sayaw ni Ib. Mababakas yun sa mga nakangiting expectators; at maging ako ay nakangiti na rin. Inikot niya ang mga nakaupong bisita ng tavern habang nakasunod ako sa kanya. Yung iba, hindi na talaga napigilang hindi umindak. Sinabayan nila si Ib kahit pa adlib ang dance steps. Nang matapos ang aming intermission, jumoin sa pwesto ko si Ib. Oblivious siya sa masamang tingin ni Licorice. Seryoso ngang tanong... Bakit ba pag nakikitaan ako na may kasamang babae, ang unang impression ay babaero na ako? Masama ba para sakin ang makipagkaibigan sa mga babae? "Haha... Wala ka pa ring kupas. Isa ka pa ring dakilang manunugtog! Ano, napasaya ba kita Henna? Kanina pagkakita ko kasi sayo para kang nabagsakan ng Mt. Everest." "Lul. Di ako ganun ka-wasted. Pero may pinoproblema ako Ib. Inaway ako ng asawa ko." "Ohhh~" makahulugan siyang sumulyap kay Licorice. "—Naiintindihan ko ang pinaghuhugutan ng iyong asawa. Bakit ba kasi hindi ka makuntento sa asdfghjklchuchu blah blah~" Taena pare pareho talaga mag isip ang mga babae. Nagkakampihan pa! "Ahh Ib, pwede mamaya na side comment? Tulungan mo na ako please? Ano ba ang dapat kong gawin pag—" Natigilan ako nang biglang yumakap sakin si Licorice! Nakakahiya naman kung itulak tulak ko siya dito— mataas ang pagpapahalaga ng mga bampira dito sa mga babae kaya pag may babae kang ginawan ng masama, yari! Kinuha ni Ib yung sheesha na hinihithitan ko kanina tas siya naman yung gumamit nun. Titig na titig siya samin habang humihits siya. "Kabit mo ba yan Henna? Bakit mo pa naiisipang makipag ayos sa asawa mo kung pagkaganda ganda naman pala niyan?" "Tangina Ib, pwedeng ako ang bias mo at wag ang mga babae sa buhay ko?" medyo impatient na ang tono ng boses ko. Napatingin tuloy samin ang iba pang guests. "Pwooh~" tae bumuga siya ng usok sa pagmumukha ko pa! "Ano ba ang gusto mong itulong ko sa iyo?" Face-palm. DI BA KAYA NGA AKO NAGTATANONG SA KANYA DAHIL DI KO ALAM?! Sinahod ko ang palad ko sa kanya. "Pengeng panggayuma dali!" "Di ako brewer no? Saka kaya mo naman sigurong gumawa nun." Ang sarap lang niyang imega kill eh. Kumati lang ang ulo ko sa kanya. "Makaalis na nga—!" Pagkatayo ko, hinila niya ang laylayan ng suit na suot ko sabay sahod ng palad niya. "Heps, yung bayad mo sa pang-aaliw ko sayo?" "Kung makasingil ka diyan parang di tayo tropa ah?" "—Heto." laking gulat naming dalawa nang si Licorice ang nagpuno sa nakasahod niyang palad. Hindi yun pera kundi isang brooch na itsurang beetle at hitik sa mga ruby at black diamonds. Black diamonds na tinatawag ding Carbonados, ay nabubuo kapag napressurized ang mga carbon atoms ng mahigit kumulang kalahating bilyong taon. Tsk... The joys of studying Alchemy... "Sapat na ba yang kabayaran?" tanong ni Licorice kay Ib. "Gusto ko to! Sige tatanggapin ko ito." Tss... Wala naman siyang hindi tinatanggap eh. Binilisan ko ang lakad ko palabas ng tavern ni Ib. Huminto lang ako sa paglalakad nang may atleast sampung metro na ang layo ko mula sa arko papasok ng oasis. Paglingon ko syempre nakasunod pa rin sakin si Licorice. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Kahit magmakulit pa siya, nasa akin pa rin ang utos. Ako pa rin ang masusunod samin sa bandang huli. "Ang gusto ko ay umuwi ka na kung saan ka tumutuloy. Makikipagkita na lang ako sayo sa susunod." Nawala siya sa sarili niya pero nagawa niya pa ring sumagot sakin nang may paggalang. "Masusunod aking master..." Pinauna ko siyang makaalis. Nagstay muna ako at nagpalakad lakad sa kalawakan ng disyerto habang nakatanaw sa pulang buwan. May something sa troposphere ng lugar na ito kung bakit ang nagrereflect na kulay ng buwan ay pula. As you know, sa troposphere nagmumula ang daily phenomena ng panahon. Syempre, hindi nimodify ng mga bampira dito ang kanilang troposphere nang dahil lang sa cute ang red moon. Kapag daytime kasi, sobrang init ng araw dito, at alam naman natin na mahina ang resistance ng mga bampira sa sikat ng araw. Bali sabihin na lang natin na yung dense troposphere ang nagsisilbing malaking payong dito sa oasis area. Gusto kong maglakad ulit dito kasama si Shall... Teka, ilang oras na ba ang lumipas mula nung inaway niya ako kanina? Kumalma na ba siya? Galit pa rin ba? DI KO MAHULAAN! Baliw talaga ang mga babae. Malamang na sa baliw din ako babagsak KAPAG naghiwalay kami. Eh di mas maganda na nga talagang i-keep ko na lang panghabambuhay yung pagmamahal ko sa pinakabaliw sa kanilang lahat! I'll go and say sorry. Again. Ako naman lagi eh. Pagbalik ko sa Rose mansion wala na ang mga panauhin. Tapos na yung piging at nagsiuwian na silang lahat dahil bukang liwayway na. Nawala sa isip ko yung time difference dito at dun sa disyertong pinuntahan ko. Di ko pa rin mahagilap ang mga anak ko na gagawin ko sanang back up kapag pinuntahan ko na si Shall. I'm sure less violent siya pag kaharap ang mga bata. I went outside. Nag-risk ako sa papasikat na araw para lang pumitas ng isang rose. Inisip ko na kung ano ang sasabihin ko sa kanya... Marami akong naiisip, na biglang nawala nang nasa tapat na ako ng kwarto niya. Kagyat kong binuksan ang pinto dahil dinig na dinig kong umiiyak siya. Matapang siyang babae at sinanay siya para iendure ang lahat ng sakit na maaari niyang maramdaman... kaya pag umiiyak siya alam kong sobrang masakit yung nararamdaman niya. Pati ako nasasaktan na rin. Nakaupo siya sa gilid ng kama pero nakatalikod siya sakin. Nakaunderwear pa rin siya. Ayokong isipin na naglakad siya mula sa solar hanggang dito nang yun lang ang saplot niya. Amp ako lang ang may karapatang pagnasahan siya! Lalapit na sana ako sa kanya kaso nakakaisang hakbang pa lang ako, pinigil na niya ako. "Diyan ka lang..." halatang inipit niya ang kanyang hikbi. Alam ko ding pinahid niya ang mga tracks ng luha niya. Mayamaya bigla siyang tumayo. Siya ang lumapit sakin. Mukhang nagsubside na yata ang galit niya. She just stared at me with her unusual innocent look. Nababaliw ako lalo sa kanya pag ganun siya. Yun bang parang nakakulong ako sa loob ng pupil ng mata niya. Snap! Binali ko ang tangkay ng hawak kong rosas nang hindi ko inaalis ang tingin sa maamong mukha ng sadista kong asawa at yung mismong rose ay inipit ko sa itaas ng kanyang tenga. Kumapit siya sa lapel ng suit ko. "Hio bakit mo ako iniwan kanina?" Loko ka ba, di ba nga pinapalayas mo ako? Di na lang ako sumagot at baka magbago pa ang mood. "—Natakot ako... Akala ko hindi ka na babalik... Akala ko..." "Wala akong nakikitang dahilan para hindi bumalik sayo. Ikaw yung sentro ng buhay ko eh..." Hindi ko exactly maalala kung paano nangyari yun, baka in effect lang ngayon ang bolero instinct ko. Dejoke. Totoo yun. Masarap kasing bitawan ang mga salitang alam mong nagawa mo na. Priceless ang ibinigay saking ngiti ni Shall. I'll do anything to see that again and again. "Can I kiss you now?" She crinkled her nose but still smiling. "Nagpaalam ka pa. I know you'll do me more than that..." Naswitch on na ang pagiging naughty niya, which gave me an idea... —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- Let us rewind the time shall we? This part of the story happened just right after Aster left Cerylle inside the dark room... 36th Madness Cerylle's POV: NAKAKAHIYAAA AKOOOO—! Ugghh... Bakit ko pa kasi naisip na iprovoke si Aster?! Phew buti na lang at di natuloy. Grabe kinabahan talaga ako! Yiee nakakahiya talaga! Parang aso pa akong nag roll over sa sofa kasi nga— NAHIHIYA AKO SA KAGAGAHAN KO! Thud! Bigla biglang bumukas ang bintana. Sumungaw dun si Farfait na ngingiti ngiti. "Ano, dineadma ka? Buti nga sayo." Imbis na mainis ako sa pang aasar nitong si Fait, I smiled to myself. Atleast kahit foul-mouthed na yung pinakamamahal ko, hindi pa rin siya nagbabago. Ayaw na ayaw ni Aster ng babae ang nagpapakita ng motibo sa kanya. But after a while, naalala ko na malaki nga pala ang atraso sakin ni Fait. I crumpled the chiffon sheet of my gown, napasama lang nung kinuyom ko ang mga palad ko. I just had this very strong urge to punch somebody. Tumayo ako mula sa sofa pagkatapos ay sinugod ko si Fait. Nahalbot ko ang collar ng suot niya. "Aminin mo nga sakin yung totoo? Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit hindi niya ako maalala?!" "Hahaha! Chill!" he hoisted his hands up in the air, like he was being arrested by a cop. Mas lalo akong naiinis sa gestures niya! "—Hindi ako ang gumawa nun sa kanya. Couldn't you analyze? Hindi memory ang nawawala kay Aster..." "THEN WHAT?!" I demanded. Naloloka na ako jusko. Dahan dahang inialis ni Fait ang kamay ko na nakaclutch sa collar niya. "—Mayroon akong hawak na maliit na impormasyon. But let's do the same old procedure as vampires Cerylle... a trade." "Forget it. Wala akong maisip na pag-iinteresan mo sakin. I don't have anything right now. Ako na lang ang bahalang umalam kung ano ang nangyayari kay Aster—" "Yan ang hirap sayo, ayaw mo munang alamin ang hihingin ko." he pushed me so that he can climb up inside this room. Prente siyang naglakad at naupo sa isang armchair. "Ang gusto ko lang ay ikwento mo sakin kung ano ang nagyari sayo. Bakit ka nagkaganyan?" I automatically casted him with a look of pure suspicion. Kung anuman yung nangyari sakin ay dapat na manatiling sikreto lang namin ni ina. Mapapahamak ako kapag lumabas ang tungkol dun! Pero si Aster... "Oh bakit ka ganyan makatingin? Natatakot ka ba na baka itrade ko din sa iba ang kung anumang sasabihin mo?" Marahan akong tumango sa kanya. He shrugged. "Ang kahit na sinong miyembro ng Forlorn Madness ay hindi maaaring traydorin o patayin ng isa pang miyembro ng Forlorn Madness. Kamatayan ang siyang magwawakas sa buhay ng sinumang sumuway sa covenant ng ForMad." Napukaw agad ako sa mga sinabi niya ngayon lang. "Anong ibig mong sabihin na may covenant ang ForMad?" "Ako, si Kan, at si Aster... Kaming tatlo ay hinding hindi magkakasundo kahit kelan. But we are together because of that shitty covenant. Forlorn Madness wasn't really a bandname from the start. It's the name of a cursed covenant casted upon us. Then out of boredom, naisipan naming mag assemble ng band— na suhestiyon ni Aster." "S-Sino ang gumawa ng kasunduan? Bampira ba?" Fait puffed in the air. "I wish I knew..." Isang kasunduan pala... Kung bampira nga ang nagbigay sa kanila ng strong tie, makapangyarihan siguro iyon. Somehow parang gusto kong magpasalamat sa kung sinuman yun. I always thought that the three of them (Kan, Aster, and Fait) shouldn't be up fighting each other. "Okay sige, paniniwalaan kita. Ipaaalam ko sa iyo ang nangyari sakin pero isang beses ko lang yun sasabihin sayo at hindi ko na uulitin pang muli." I sat on the armrest of his chair and leaned forward till my lips reached his ears. Isinalaysay ko sa kanya ang nangyari sakin in the simplest way. "—Ngayon ay ibahagi mo na sakin ang mga nalalaman mo tungkol kay Aster." "Gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi alaala ang nawawala kay Aster kundi 'existence' of those whom he used to know or events he used to encounter. Ikaw halimbawa; yung Rosary na pinipilit mong ipaalala sa kanya ay hindi na nag-eexist pa sa buhay niya." Shocking para sakin ang mga nalaman ko. Sumasakit ang puso ko... Ang malaman ko lang na hindi ako nag exist kahit kelan para kay Aster ay napakasakit! "P-Paano yun nangyari sa kanya?" nangangatal kong tanong. "Marami akong nakikitang sanhi kung bakit yun nangyayari sa kanya. Una, isa siyang Arca at napakarami niyang inner soul. Naturalmente lang kung minsan na nawawala na sa kanya ang pagkatao niya. Ikalawa, infected siya ng undead plague. At ikatlo—" nambitin pa talaga. "ITULOY MO NA!" bulalas ko. "—Hindi ko pa napapatunayan pero BAKA may isang destroyer sa paligid natin..." "Destroyer?" I think I've heard about them somewhere. Di lang ako sure kaya maigi nang iconfirm ko. "Sila yung descendant ng isang Destroying Angel— well yun ang sinasabi ng mga destroyer. Namamana naman kasi ang kapangyarihan through biological conception o by blood transfusion. Di pa yan sure since wala naman talagang nakakaalam kung totoo ba ang Destroying Angel o hindi. Pero mayroon talagang mga destroyer. Rare though." Hindi lang sila rare. Ultra rare. Sila yung mga bampirang minsanan lang kung gumana ang kapangyarihan ngunit kung nag take effect naman ay may malaking impact sa kapaligiran. Dahil dun, itinuturing silang valuables of the elites in any vampire society. Hinuhuli sila at ikinukulong. Minsan ay ipinapasubasta, minsan ipinagbibili. "—Hindi nalalayo sa mga Canceller ang kapangyarihang taglay ng mga Destroyer. Yet you can easily tell which is which... Ang mga destroyer kasi, no matter what kind of method, how long or how soon, sinadya man o hinde, they're gonna erase an existence inevitably..." ani Fait. "W-Wala bang paraan para inegate ang epekto ng kapangyarihan nila?" I was horrified when Fait shook his head. It's like a door had slammed shut right in front of my face just when I needed to enter. "—Ganun talaga ang buhay Rosary... Unless you can turn back the time and undo everything." Turn back the time... Naisip ko kaagad si kuya Senri... Siya lang ang maaaring makatulong sakin. But he's gone. Walang nakakaalam kung buhay pa ba siya o hindi na. Ang alam ko'y patay na siya; pinatay dahil kinatakutan siya ng aming mga kamag anak sa loob ng angkan namin. Kuya Senri possessed a one of a kind power na kahit pa ang hari ng mga bampira ay hindi magkakaroon kailanman. Pero ang sabi ni Kuya Kan buhay pa ang kaluluwa ni kuya Senri. It's just drifting off somewhere— "Oh bakit tunganga ka na? Ring any bells?" siniko ako ni Fait, yung marahan lang. "Wala. Don't mind me." May marahang katok sa pinto sabay bukas nun. Pumasok si Kuya Kan. Kalong niya ang himbing sa pagtulog na si baby girl, at syempre kasunod niya yung girlfriend niya. "Umalis na tayo. Naghihintay na ang farer na maghahatid satin." Biglang tayo si Fait. Inagaw niya kay kuya Kan si baby girl. "Teka? Nasaan si Aster? Saka nandito ang parents nila kaya bakit ninyo tatangayin si baby girl? She should stay here right?" sabi ko sa kanila. "Beb is ForMad's property. Mine." bwelta agad ni Fait. Okay? Bahala kayo pag nagalit ang parents nila. "Eh si Aster?" ulit kong tanong. Si kuya Kan ang sumagot. "Wag mo na siyang alalahanin. Wala na siya. He recieved another calling..." **** Aster's POV: Squawk... Squawk... Nagsisiliparan ang mga uwak sa kalangitan ng area 1, habang ang mga undead ay pakalat kalat lang. Isa isa kaming nagsidatingan— kaming limang Evil Druid. Nandito rin si Revelation pero di ko isinali sa bilang. Masyado na siyang insane at colossal kaya tama lang na dun siya maghasik ng lagim sa malayo. Nag inat ang pinakamayabang sa lahat ng ED. Leviticus ang tag niya. "Haaays nakita ko na naman ang mga nakakaawa ninyong pagmumukha. Akalain niyong hanggang ngayon ay buhay pa rin kayo?" Pahiya pepot siya dahil wala ni isa samin ang pumatol sa mga pinagsasabi niya. Bukod sa kanya, tiningnan ko rin yung tatlo pang ED. Buhay pa rin pala si Deuteronomy. Siya yung maangas na nagchopnese kay Mika dati. Akala ko di niya ako tatantanan pagkatapos kong tumakas sa laban namin dahil kay Revelation, kaso yun, naging passive siya. Si Ezra naman na only girl sa mga natirang ED, ay putol na ang kaliwang braso. At ang panghuli na si Baruch eh papunta na sa pagiging undead. Tss... Papasikat na ang araw tas hindi pa malaman kung ano ang balak ng letseng Black Church na yan. Malamang na naiinip na sila at uutusan kaming magpatayan. "Ecclesiastes, saan ka pupunta?" may isa sa mga kapwa ko ED ang tumawag sakin nung sandaling tumalikod ako at umastang aalis. "Ahh? Aalis na ako." I simply told them without even looking back. Nakalimutan ko na kung sino ang kinatatakutan ko; at kung bakit pa ako sumusunod sa utos nila. Nagpunta lang ako dito dahil nacurious ako sa kung sino sino pang mga ED ang alive and still kicking. Ang alam ko lang ngayon ay may lunas para sakin. Pagagalingin ako ni Papa... He promised me— Cruuuunchhh—! Namanhid ang kaliwa kong kamay. Kagat kagat yun ng isang undead na di ko malaman kung saan nagmula. Hindi ko siya naramdamang lumapit, basta bigla na lang siyang nagpop-up. Nagtuloy tuloy ang pamamanhid dahil nagreact ulit ang infection na nasa akin na. Di na ako nakagalaw hanggang sa sumubsob na ako nang tuluyan sa lapag. "Mga masugid kong Evil Druid, iniaalay ko sa inyo ang dugo at laman ni Ecclessiastes!" Naging maingat ako... Subalit katapusan ko na yata ngayon. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 37th Madness Aster's POV: The remaining Evil Druid, and all the undead in Area 1, they have been given the order to consume me... Papatayin nila ako sa pamamagitan ng pagkain sakin nang walang ititira kundi kalansay. Paraan yun para ipasa ang kapangyarihan ko kahit pa patay na ako. NO FUCKING WAY. Wala akong ideya kung bakit ako. Basta mapapatay ko muna sila bago may kumain sakin! Pinilit kong tumayo. Hindi ko na nilabanan ang active na infection sa katawan ko, bagkus ay ibinatay ko dun ang daloy ng enerhiya sa buong katawan ko. Pakiramdam ko mas lalo akong naging powerful. Sabi nga nila— what doesn't kill you, will make you stronger. I drew out my katana and pointed its tip on the man with the black cloak. Kilala ko siya dahil lang sa suot niyang roba. Mas mataas siya sa ranggo ng Presbyter. Apart from that, wala na akong alam tungkol sa kung sinong hampaslupa siya. "Wag ka nang manlaban pa Ecclesiastes... Magpasakop ka sa awtoridad ng Black Church hanggang sa iyong huling hininga! Hindi bat yan ang sinumpaan mong gugna?" "Talk to my katana, ass——hole." FRUUUUUUSSSHHHH~ My weapon instantly blazed with red flame. Nag-apoy ang buong espasyong kinatatayuan ko nang itinukod ko yung katana sa lapag. Some kind of a fire wall circled me. Hindi ako natutuwa sa trip na to ng Black Church kaya papakitaan ko sila kung paano ako mabadtrip. Inihanda ko na ang sarili ko para sa gagawin kong mass possession. I don't know what will happen to me after this, but I'm gonna make sure na hindi na makakarecover pa ang organisasyon. Itinaas ko na ang dalawa kong kamay habang mataman kong pinagmamasdan ang mga alertong Evil Druid. Watch me... Eight inner souls emerged out of my body. Nagdivide ang mga yun into tiny bits bago nagkalat sa buong area 1. Mukha tuloy umuulan ng snow. Nagpenetrate sila sa loob ng katawan ng halos lahat ng undead. Nabigo lang ako sa mga ED at sa lalakeng nakaroba dahil sa kayang iresist ng kanilang katawan ang mga soul fragments ko. Unlike the undeads, may sanity pa naman kasi sila. Ngayong nasa ilalim na ng kontrol ko ang mga undead, simulan na ang havoc! SWIIISSSSSSSHHHHHH! Winalis ko ang mga ED sa kinatatayuan nila sa isang wave ng ginagamit kong apoy. Nailagan man nila yun, hindi naman sila tinantanan ng mga undead. They're everywhere! Bwahahaha! Sadyang mahina na sina Baruch at Ezra kaya nung nakuyog sila, wala na silang nagawa. Two down... Ilan na lang ang natitira? Arrrghh! Anong pakiramdam yun? Nakakahinga pa naman ako pero bakit parang ang bigat ng dibdib ko? What the hell—? PLUUUURKKKK! Sumuka ako ng dugo nung una. Pagdating ng pangalawa at pangatlo, ang isinuka ay yellowish to greenish substance na! Yuck! SHIT! THIS CAN'T BE! I'M MUTATING! Ilang saglit pa ay di ko na makontrol ang katawan ko. Kung anu ano na ang naglalabasan sa katawan ko— like my bones are reshaping. Nagsisiuslian palabas ng katawan ko ang mga excess bone parts na nag-isprout from within my body! Naapektohan niyon ang pagkontrol ko sa mga undead. Nariyang sila sila na rin ang nagkakagulpihan. Pati yung fire wall ko nadisperse na! Unaffected yung taga Black Churh. As a matter of fact, ikinatutuwa pa niya tong nangyayari na to sakin. "Tsk tsk... Tingnan mo ang nangyari Ecclesiastes? Ang iyong pagkakasalang hindi nabigyan ng karampatang parusa ay may hatid na delubyo. Natakasan mo man ang hatol ng Black Church, hinding hindi mo matatakasan ang hatol ng Diyos!" "Grr... Bakit close kayo ng Diyos? TIGILAN MO AKO UNGAS KA— pluuuurkkk!" GODDAMNIT. I'm really fucked up! AAAAAHHHH! Di ako tinantanan ng malas ngayong madaling araw na to. The disturbance behind tells me Slendy is here. Successful na nakasanib sakin ang entity na yun. Tinuhog niya ang likod ko ng kanyang mga galamay. Walang sakit na pwedeng makadescribe sa naramdaman ko nung bumuka na parang bulaklak ang dibdib ko. Umextend din palabas ang rib cages ko, exposing my badly-shaped heart. Pati pagmumukha ko nag uundergo na rin ng several changes... Ayoko nito. I can't take this. I won't live to see myself turning into an unworldly creature! Kesa maging pasakit o pabigat pa ako sa mga taong minamahal ako (kung meron man) mas maigi pang wakasan ko na ang sarili kong buhay ngayon. Talagang di ko binitawan ang hawak kong katana sakaling dumating ang sandaling to. Pinilit ko yung itutok sa aking puso. Antigone... Nandiyan sina Kan at si Farfait. Poprotektahan ka nila kahit wala na ako... Kan, fuck you. Farfait, fuck you too. Magkita kita na lang tayong tatlong bugok sa impyerno. Cerylle... Sayang yummy ka pa naman. Bye. Mama... Papa... I'm sorry I've been very bad. "—Yan ba ang gusto mong mangyari sayo? Hanggang diyan ka na lang ba?" Tch... Kung kelang magpapakamatay na ko saka pa muling magpapakita sakin tong En na to. Tas walang kwenta pa ang sasabihin. Fucking leave me alone! Di pa siya nakuntento, idinampi niya ang kamay niya sa naaabnormal kong brasong may hawak ng katana. "Abandonahin mo na ang katawang iyan. Sumama ka sakin at mamuhay na lang sa Erdan. Yun lang ang tanging paraan para makaligtas ka!" Napatingin ako sa malabo niyang katawan. "Alam ko kung ano ang iyong kakayahan. Since balak mo naman akong tulungan, pwedeng ibang tulong ang ibigay mo? Gamitin mo ang iyong kapangyarihan para—" "Hindi maaari ang gusto mo sapagkat ito ay isang uri lamang ng komunikasyon. Ako ay nasa ibang dimensyon kaya walang magiging epekto diyan ang aking kapangyarihan. Magmadali ka na! Abandonahin mo na sinabi ang katawang yan!" "Oo teka saglit!" ipinikit ko ang aking mga mata para makapagconcentrate. Mas maganda na ito kesa sa magpatiwakal. Saka ko na iintindihin na wala akong katawan. Ang mahalaga ay for keeps ang diwa ko. "Halika na Aster... Naghihintay na sayo ang kaharian ng Erdan." hinalbot ni En ang braso ko. Napahiwalay ako mula sa nagtatransform kong physical body. Parang talaba na tinanggal sa shell, ganun. Sobrang lightweight ng katawan ko kaya naman nakalutang kami sa ere... Papataas kami tungong langit na parang mga lobo. Naalala ko ang isang scene sa librong binasa sakin noon ni papa, yung 'The Little Prince'. Nasa huling bahagi na yun nang utusan ni little prince yung viper para tuklawin siya. Ang sabi niya ay babalik na siya sa asteroid kung saan siya nakatira at masyadong mabigat ang kanyang katawan kaya kailangan niya iyong iwan... Ganun nga rin siguro ang ginawa ko ngayon... Pero yung babalik sa aking tahanan? Ewan ko... **** Shall's POV: "HIO BAKET?!" Bigla na lang bumalikwas ng bangon si Hio. Yung marka sa palad niya ay ipinakita niya sakin. Kontrata niya yun kay Aster. Unti unting naglalaho ang marka na yun. "Ang anak ko..." paulit ulit niyang usal. Malapit na siya sa pag iyak. "May nangyaring masama kay Aster?" tanong ko sa aking asawa. Wala. Unattended ang utak niya. He's having a mental panic. I'm so amazed na nagiging ganito pala siya sa mga di inaasahang incidents. "Hio? Umayos ka nga? Puntahan natin si Aster—" Tinulungan ko na siya sa pagbibihis dahil wala na sa hulog ang mga kilos niya. "Sasamahan kita ha?" "Wag. Puntahan mo si Anne. Wag mo siyang iiwan kahit anong mangyari." nagbago na ang tono niya, medyo pagalit na. "May mga poprotekta kay Antigone. Unahin muna natin kung ano man yang problema mo kay Aster— HIO!" Nagulat ako sa bigla niyang paglabas ng kwarto. Sinundan ko siya at nung maabutan ko siya ay halos maibalibag ko siya sa pader para lang pahintuin siya. "SHALL WAG MO AKONG PIPIGILAN, WAWAKASAKIN KO SILANG LAHAT!" Sinakal ko siya sa leeg nang ubod ng higpit. "Huminahon ka Hio. Ang kapangyarihan mo, nakakalimutan mo na ba?" Naisip na niya marahil kung ano ang pinupunto ko. Nagnilay nilay siya. Napalitan ng lungkot ang galit niya. "Hio..." Hinawakan niya ang mga balikat ko. Me, I let go of his neck tas niyakap ko siya. "Magiging ayos lang si Aster hindi ba?" "H-Hindi ko alam... Naging pabaya ako—" he broke out. "Shall, wala na si Aster." Nanlumo ako sa sinabi ni Hio. Kanina lang hinarap niya kami. Hindi maaari... Ang anak ko... **** Cerylle's POV: Uneasy na ako mula pa nung umalis kami ng Rose mansion nang hindi kasama si Aster. Pati habang nung naglalakbay kami sa void ng farer ay di ako mapakali. Binabagabag talaga ng kung ano ang puso ko. Si kuya Kan tuloy di ko tinantanan. "Please samahan mo na ako kung nasaan siya?" ang bait kong little sister ano? Basta pag may kailangan talo talo na kahit hate ang kapatid. Di ko rin alintana ang masamang tingin ng girlfriend niya. "Bakit hinde? Kaso nga sa estado mong yan, delikado. Hindi ko masisiguro na makakaya kitang protektahan sa lahat ng oras at sa lahat ng anggulo. Maghintay ka na lang. Babalik din naman yun ng Atrus." "—Sige na Kaaaaaan!" wala akong balak tantanan siya hanggat di niya sinusunod ang pakiusap ko! "Kung ayaw kang samahan ni Kan, ako na lang." nagvolunteer si Fait. Ewan, baka di na niya ma-take ang whines ko. "Kan, ikaw na muna ang bahala kay beb." "Farer, huminto ka!" sigaw ni Kan. "HOOOH!" the farer heehed his horses. Huminto ang carriage sa kalagitnaan ng paglalakbay sa void tunnel. Tumayo si Kuya Kan tas bumaling sakin. "Bababa tayong dalawa, kasama ng aking Rod." ow... Rod pala ang girlfriend niya? I just hope na magaling siya. "Paano ako?" itinuro ni Fait ang sarili niya. "Bumalik na kayo ni Antigone sa Atrus. Babalitaan kita through telepathy." Nagpatiuna na ako pababa ng carriage. I'm shivering with fear right now. Aster... Are you okay? —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 38th Madness Cerylle's POV: Nagkakagulo ang buong Area 1 nang aming naabutan. Agresibo ang lahat ng undead pero di pa malinaw ang sanhi ng kanilang behavior. Pupwedeng may kumokontrol sa kanila, nakaamoy ng lansa, o di naman kaya ay naactract sila ng napakalakas na ingay. We came here with the help of Kan's teleportation. I'm so glad na napilit ko siyang sumama sakin kahit ayaw niya. "Mauna ka." itinulak ni Kan ang kanyang rod paabante. Hindi pala ganun ka-nice ang turing niya dun. Sana lalake na lang ang kinuha niyang rod para di justified ang kanyang pagiging brute. Pero di ako nagcomment or anupaman. Issue nila yun bilang partners; or as Kan put it, as master and slave. Pumulot ako ng weapon na nadaanan ko lang— a machete. Iniabot ko yun kay girl. Inismiran niya ako at first. Ang ginawa ko, sapilitan ko iyong ipinahawak sa kanya. "Rod ka hindi ba? Kailangan mo ng sandata. Babae ka pa naman." inistress ko talaga yung word na 'babae' para tamaan naman si Kan kahit paano. Halata naman kasi yung criteria niya kung bakit itong si girl ang napili niya: maganda, maputi, at sexy. I think I saw a look of pure fear in the rod's eyes. I glanced at my elder brother. Relax na relax siya ah? "Even if I can't read your mind Cerylle, alam ko kung ano ang sinasabi niyang ekspresyong ng mukha mo. Kung naaawa ka sa rod ko, perhaps you could exchange places with her?" aniya, and then inakbayan niya ako. "You want me to convert you?" Iinalis ko agad ang kanyang braso sakin. “—Come on, that's the last thing I'd ever do in my life! Atsaka sinabi sakin ni ina na special ang case ko. No vampire can convert me. I have to recover my soul." "Eh di ba nakay Aster yun? Kawawa ka naman... Tatanda ka sa katawang yan. You'll eventually loose your youth and beauty..." I know that. Kailangan kong bumalik sa dati. I have to be immortal again para makasama ang pinakamamahal ko. Yet I can't decide. Kasi kapag pinili kong maging vampire ulit, Aster will be gone— Gone... "—SA BANDA DUN!" itinuro ni Kan yung site ng pinakamalaking commotion. "Dito muna tayo. I can still sense a bunch of necromancers out there." Dito muna kami?! I can't wait anymore! Sobrang anxious ko na! I waited anyway. Wala naman akong magagawa since wala akong kapangyarihan. I'm dead useless! "—Umalis na sila. Chance na natin ito." sa wakas ay sinabi rin ni Kan ang magic words. His rod tackled some undeads ahead of us. Gumagalaw siya na parang isang trained assassin. She's a total badass na di malabong maging annihilating machine in the future. "Hanggang ngayon ay di ko pa alam ang pangalan niya." sabi ko kay Kan. "Anastacia Dupre. Asha is her petname." Tumango tango ako. We reached the rotunda in no time. May something na nakakapagdivert sa mga zombie kaya— "ILAAAG—!" SPLAAAAT! Sapilitan akong idinapa ni Kan sa sementadong kalsada after may acidic spit na lumipad sa banda namin. Umusok yung bumper ng sirang kotse na natamaan niyon. **** Kan's POV: "Where the hell did that came from?!" "Shhh... Wag kang maingay. Alerto ka dahil may mad Evil Druid." I whispered under my breath. "Evil what?!" tch. Rosary seemed to be so confused now. Guess I have to do some little explaning. "Evil druids. Mga carrier sila ng plague pero hindi sila naging undead on their first infection. Maybe there's something special in the strands of their DNA kaya yung infection, imbes na sirain sila ay nag-aadopt pa sa kanilang sistema. However, continous exposure to the virus will make them mutate, lalo na kapag hindi na kayang isuporta ng katawan ang dami ng pumapasok na infection. That's how they become mad." May mad ED. At sino kaya yun... Nasaan si Aster? Hindi ba dapat ay tinatackle na niya iyon? Can't he sense my presence? Di ako nagpunta rito dahil sa napilitan ako. I came here to check Aster. Naputol kasi nang biglaan ang kaugnayan ko sa kanya mentally— SAGLIT. May paparating. Di ko lang matukoy exactly kung saan... Yung nasasagap ko kasing aura ay sakop sakop ang buong area 1. Creaaak. Creaaak. Creaaak. A colossal movement caught my attention. It's behind the building on the east. Tinitigan ko ang building na tinutukoy ko. Craaaaaaack—! Gumuhit sa pagitan ng first floor at second floor ang medyo mababaw na cracks. Sinundan yun ng papalaking mga bitak. Mayamaya ay bumigay na pati ang biga. Yung mga bakal, nagpop out, at yung mga wiring ay naputol. Pinabagsak ko ang isang 30-storey building in five seconds. Sideways ang bagsak niya para di kami tamaan— BADOOOOM! After the debris and the dust, I can now picture the mad ED. Disfigured siya from within because all his bones grew out disgustingly. Hindi siya gumagalaw sa pwesto niya kaya yung mga undead sa paligid niya ay pinagpepyestahan ang mga limbs niya. Exposed ang loob ng kanyang dibdib dahil parang pamaypay na bumuka ang rib cage niya. Aside from that... Nakatingala siya. When it looked down on us, mas disgusting ang ulo niya. The brain is out, and may napakarami niyang maliliit na mata sa mukha. Though it's really kinda gross, obyus na obyus kung sino siya— "—ASTER..." nanlumo si Rosary to the point na napasalampak na siya sa kalsada. Naiiyak pa siya pati. Itinayo ko siyang pilit. "Tibayan mo ang loob mo. Di ito ang tamang lugar para magluksa! Halika na. Wala na tayong magagawa. Huli na ang lahat!" "I-IKAW S-SI RO-ROSARY...?" ikinagulat naming dalawa nang magsalita ang mad ED. Inextend pa nito ang mga kamay na parang inaaya kaming lumapit. "Aster..." tong baliw ko namang kapatid, lalapit nga. Buti at nahagip ko pa ang kwelyo niya. "BITAWAN MO AKO KAN SASAMA NA AKO KAY ASTER!" singhal niya. "Wag kayong lilikha ng ingay dahil baka mabalam ninyo ang mga undead. Wag na rin kayong lumapit pa. Makinig kayo, wala na sa katawang ito si Aster. Dahil sa siya ay isang Arca, marami kaming inner soul ang nakatrap dito sa loob ng kanyang katawan. Isa isa na naming inabadandona ang katawang ito para tuluyan nang mahimlay. Papaalis na rin ako ngunit naramdaman ko ang inyong pagdating... Lalung lalo ka na Rosary. Ako ay walang iba kundi ikaw rin. Wala akong kakayahang mag isip ngunit sa tinagal tagal ko nang nasa loob ng Arca ay lumakas ako nang husto. Nasa iyo ang desisyon kung tatanggapin mo akong muli o hindi na. Kapag pinili mo akong tanggapin, sasanib ako sayo pero mawawalan na ako ng kakayahang magpabatid; maibabalik sayo ang kapangyarihang minsan ay sapilitang iniwaglit sa iyo. Kapag inayawan mo na ako, ako ay maglalaho na nang tuluyan at di na magbabalik kahit kelan... Mananatili ka na sa ganyang disposisyon magpakailanman." **** Cerylle's POV: Wala na si Aster?! No! Bakit nangyari ito?! "Rosary, magdesisyon ka na! I don't have all day! Sumikat na ang araw at ang mga anino na lang ng buildings ang lame shield ko against the sunlight!" paalala sakin ni Kan. I cleared up my throat. Kailangang may managot sa nangyaring ito kay Aster. I can recover my power at gagamitin ko yun para pagbayarin ang mga sumira sa buhay namin. Pagkatapos nun, I'll rejoin with him in the afterlife... Itinaas ko ang aking kamay until shoulder level. I made sure na katapat yun ng nakataas ding kamay na dating kay Aster. Aster's hand glowed, then a thin line of energy beam was released. Sumakto yun sa aking palad. I felt the warmth of being whole again... Yet I can't help but cry. Puro na lang sakit ang dinadanas ko eversince manumbalik sakin kung sino ako. When the beam faded, tumumba na ang katawan ni Aster. Dinaluhong siya lalo ng libong undead na nagkakandarapa sa pagkain sa kanya. I wish I could have his ashes... Not like this. Wala na siya pero yung katawan niya patuloy na nilalapastangan. And though he's gone... I just realized na tumitibok pa rin ang puso ko na dapat sana ay manhid na. Pinakiramdaman ko ang bakat pintig sa aking dibdib... Mahina, naghihingalo... Pero ang mahalaga ay meron pa! Ikinonsulta ko kay Kan tong nararamdaman ko. "Kan... I know this is absurd... but I still have my heart..." He pondered everything that I said. "Nakakapagpalipat lipat ng katawan si Aster. He had a special power na tinatawag na 'possession'. Maybe he's off somewhere." Tila nabuhayan ako sa mga sinabi ni Kan. May possibility na buhay pa ang mahal ko! Ang kailangan ko lang ay hanapin siya di ba? "Cerylle, or Rosary...umalis na tayo... Hindi ka ba napapaso?" Sa sobrang pagwoworry ko kay Aster, nawala sa isip ko na I'm back to my old self. Nag uusok na nga ang braso kong natatamaan ng sikat ng araw! "Argggh..." dagli akong sumilong sa lilim tas ipinagpag ko ang braso ko para iwasang magliyad iyon. "Tara na." **** Aster's POV: Dahan dahang nagpokus ang mga mata ko sa patuloy kong pagkurap. Namalayan kong nasa isang magarang kwarto ako— di hamak na mas magara pa kesa sa kwarto ng isang manor. Hindi rin nawawala sa mga tapestries ang isang crest na sa palagay ko ay simbulo ng isang maharlikang pamilya. May kama naman ngunit ako ay nakaupo lang sa harap ng isang mesita at ang ulo ko ay nakasandig sa patung patong na mga libro. Nag inat inat ako sabay tayo. Lubhang napakalawak talaga ng silid. Ang sunod kong ginawa ay pinagbubuksan ang bawat pintong makita ko, dito pa rin syempre sa kwartong ito. May para sa banyo, para sa balkonahe, at isang walk-in closet. Pumasok ako sa closet na kasinglaki yata ng kwarto dun sa labas. Punong puno dito ng sari saring magagarang damit na pang prinsipe yata. Gawa yun sa mga mamahaling tela at yung iba ay may nakasulsi pang mga mamahaling gems. Napukaw ang atensyon ko ng wall mirror na kasinglaki ng buong pader. Narereflect dun ang sarili ko. Ganun pa rin naman ang hitsura ko... Poging bagsik as usual... Liban lang sa isang problema... Naaagnas ako. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 39th Madness Asha's POV: Masuka suka ako pagpunta ko ng banyo. I threw up everything inside my stomach in the bowl... Ayoko na... Ang lansa ko... Ang dumi ko... Kahit anong complain ko, hindi ko yun maivoice out kay prince Kan. I can't talk back lalung lalo na kapag gusto kong magsalita. It's as if may busal ako sa bibig at certain times? especially kapag sumasabak ako sa labanang never kong ginusto! I'm fighting with monsters! MONSTERS! Bawal din akong umiyak. Constricted ang mga tearducts ko whenever I felt like crying. Now, if somebody might want to ask me kung bakit ako nakakatagal, it's because? "Ok na ba ang pakiramdam mo?" malamyos na tanong ni prince Kan. He was right behind me. Nakapasok siya ng banyo kahit nilock ko ang pinto. He stroked my back kaya narelax ang lalamunan ko kahit paano. "?Please embrace me..." request ko sa kanya. Slowly and gently, his arms slipped from behind into my waist. I can feel his weight on mine, and his breath on my neck... This is my price for killing those monsters. Ang babaw ko no? Pasensya na nagmamahal lang. "I never tell you this, so I'm going to say it now... I love you." From the bottom of my heart my prince... "I love you too..." Di ko na ineexpect na sasagot siya. At yung sagot niyang yun ay mas lalong di ko ineexpect! It made my heart leap. Pero ang sabi niya wag ko siyang paniwalaan kapag sinabi niya yun; dahil nagsisinungaling siya. Hmm wala namang masama kung paniwalaan ko ang kasinungalingang yun di ba? As long as he's with me? "You seemed close with Cerylle. May something ba between you and her?" Crossed fingers ako while waiting sa isasagot ng prince ko. Akala ko magugustuhan ko yung babaeng yun. Well I tried. But she tried my patience. Simpleng landi siya eeh! Kunwari bait baitan pero may pagka-baracuda rin pala. "It's a long story... But Cerylle and I were half-siblings." pheeeew! Nakahinga ako ng maluwag! Bali sibling affection lang naman pala yung nakikita ko! Alright dapat ayusin ko na ang pakikitungo kay Cerylle dahil magiging hipag ko siya in the near future! "Hipag?" my prince chuckled. Aweee! Nababasa pala niya mga iniisip koooo! WAAAAH KAHIYAAAA! "Ahh ahh wala yun! Don't mind me?!" humigpit bigla ang pagkakayakap niya sakin kaya natigilan ako. "Gusto mong maging asawa ko?" "Oo." I answered immediately. Walang mataas na pangarap sa fangirl na adik at determinado! "?Pwede namang mangyari yun Asha eh... Basta gagawin mo ang lahat ng gusto ko..." Napasinghap ako right after niyang magsalita. The smell of my own blood followed. I let him feast on my bloody neck. I bit my lip. Nakakahigh yung feeling na ibinibigay ng mga vampires when sipping blood. Maybe it's in the fangs? Grabehan nakakastimulate ang rabies nila... Oops look who's talking... I'm one of their kind na rin nga pala... I never felt this bold. Parang may sariling buhay ang mga kamay ko at kusang kumilos. I grabbed his hand and guided them into my private. This is something nasty na never ko pang naipagawa sa isang guy... But I'm so wet and I can't handle it anymore. I need him to do me! "?Aaaahhh! No?there..." bakit ba hinahanap ko tong sarap na to after nung unang beses kong naramdaman to from the night with Haru? What if yayain ko si prince Kan na? aaaww I can't think straight... I need to catch my breath. He stroked my hair pagkatapos kong mag-come. "Sweet girl..." bulong niya. He gave me peck on my cheek bago niya ako iniwan. **** Aster's POV: Buo pa rin ako nang i-frisk ko ang sarili ko. Yung outer skin ko pa lang pala ang naaagnas sa ilang bahagi. Shit. Botya ba ako? "Mahal na prinsipe, hinihingi po ng mahal na inang reyna ang inyong pahintulot para pumasok ng inyong silid!" 'Mahal na prinsipe' pwet ko. Anong kalokohan ba kasi to?! "Zephyr, papasok na ako!" iba sa nauna yung timbre ng boses ng nagsalita ngayon. Parang sa isang may edad na babae. Tlaaak?! Patay ka! Nakalimutan kong ilock yung pinto kanina! Anong gagawin ko?! Kailangan kong itago tong hitsura kong to! Parang timing na may nakita akong isang headress na puno ng itim na belo. Nakalagay yun sa array ng iba pang magagarang headress. Ikinulapol ko agad yun sa ulo ko pagkakuha ko dun. "Mahal na prinsipe, lumabas ka na riyan!" Oh sige na nga ako na ang prinsipe! Yan na lalabas na you sucker! Sinalubong ako ng isang middle aged na babae. Maganda ang sedang gown na suot niya at ang kanyang nakapusod na buhok may nay nakasuksok na tiara. Maganda sana kaso nakasimangot. Nakaagapay sa kanya ang isang dalaga na mas plain ang suot. "Mahal na prinsipe! Bakit mo ba itinatago ang iyong mukha?! Sa tingin mo ay mainam ang ganyan lalo pa't kinakailangan mo nang makahanap ng konsorte?!" What the fuck is her drama all about? Wala bang direk dito na sisigaw ng 'cut' and will tell me that this is just a shoot? Napabuntong hininga yung kumakausap sakin. Hahawak sana siya sa braso ko kaso bigla akong lumayo na parang napaso. "?Zephyr, ina mo ako. Kung ano ang iyong problema ay sabihin mo sakin. Ilang araw ka nang nagkakaganyan..." Ina? Sorry ah, pero di ko pagpapalit ang mama ko. Di hamak namang mas maganda yun kesa sa kanya. "Mahal na prinsipe, wag naman sana kayong ganyan sa inyong ina!" umepal yung kasama ng reyna. Ang tagal kong inisip kung ano ang isasagot ko, at nung ready na ko, naiyak na ang ang reyna. "?Aalis na ako. Sana ay bumaba ka sa piging mo mamaya... Maligayang kaarawan mahal kong anak." Bahala sila. Mas maigi nang maging suplado kesa ang magkamali sa mga sasabihin ko... WOOOOOOSH~ Pagtingin ko, nakahawi ang makapal na kurtina at bukas ang isa sa mga naglalakihang bintana ng silid na ito. Umihip nang malakas ang hangin sa labas. Sobrang lamig niyon at napatay pati ang siga sa tsimineya. Dun ko lang narealize na winter pala dahil may blizzard sa labas. "Kamusta Aster, nagustuhan mo ba ang bago mong mundo?" nagpakita na rin sa wakas ang ungas na kamukha ni Kan. Marami akong balak itanong sa kanya eh. Nakatayo siya sa window sill tas nakasandal na parang tamad sa gilid. Sarap niyang itulak. "Anong lugar ba ito? Bakit dito mo ako dinala?" "Hahaha! Umandar na ang oras sa tama nitong pagtakbo... Wala kang dapat gawin kundi ang sundin ang itinakda kong tadhana mo?" "FUCKED UP! Di mo sinagot ang tanong ko!" "?Anong problema? Ito ang kaharian ng Erdan... Hindi ba at madalas kang nandirito dati? Naaalala mo ba nung bata ka, palagi mong ikinukwento ang tungkol sa mga napapanaginipan mo? Totoo ang iyong mga panaginip Aster..." Di nga... Madalas akong makapanaginip ng tungkol sa isang kaharian, bago ako naaksidente at bago ako nacomatose. Napakarealistic niya para sakin. Ikinukwento ko ang mga yun sa mga kaklase ko kaya lagi nila akong kinakantyawan... Ikinukwento ko rin yun sa totoo kong ama pero hindi niya ako pinaniniwalaan... "?Maraming bampira ang interesado sayo noon dahil sa nagagawa mong mubuhay nang sabay sa dalawang magkaibang dimensyon at alam iyan ng bampirang kinikilala mong ama ngayon." "A-Anong ibig mong sabihin?" parang di ko na gusto ang mga naririnig ko? "Wala naman... Kung ako sayo wag kang magtitiwala sa kahit kanino." "At ano ang pakialam mo?!" pagalit kong tanong. Sorry nagpanting na ang tenga ko. "?Wag ka nang makipagtalo sakin. Ikukulong kita sa lugar na ito bilang pain." "KANINO?!" "Wag mo na lang alamin. Ang dapat mong problemahin ngayon ay kung paano lulunasan ang iyong pagkaagnas. Tsk tsk tsk." umiling iling pa si gago. "Bakit ba ako naaagnas?!" "Kung gaano ka kabuktot sa iyong nakaraan ay nakikita na ngayon. Hindi ka isang kaluluwa at hindi ito ang terra nusquam. Nandirito ka nang may pisikal na katawan sa isang pisikal na dimensyon." "Anong klaseng dimensyon ito?" "?Ito ang isinakripisyong dimensyon para buuin ang terra nusquam. Ibinalik ko lang ang dating panahon kung saan payapa ang lugar na ito." "Bakit?! TEKAAAAA?!" TAE. Binirahan niya ako ng layas! Nagpatihulog siya sa bintana, yung style na magpapatiwakal lang! Sumampa ako sa sill para sana sundan siya kaso bigla akong nalula pagtingin ko sa ibaba. Ang taas eh. Di ko pa man din nararamdaman yung kontrol sa gravity. Parang wala ako nun sa lugar na ito eh. Mahirap nang magbakasakali. Ayun sinara ko na lang ang bintana. Giniginaw ako syet. Kailangan kong tulungan ang sarili ko. Kailangang malunasan ang pagkaagnas na to ng aking katawan... Nirummage ko ang desk kung saan ako naabutan ng malay. Napalagpas ko ang mga parchment na may nakasulat. Yung pinaka nakatawag ng pansin ko ay yung nasa isang gilid na pinatungan ng isang bukas na botlyang masangsang ang amoy. Nakatupi pa yung papel kaya binuklat ko at binasa? ||Sirang sira na ang katawan kong ito. Sumusuko na ako. Buhay pa ako pero naaagnas na ako... Kung bakit pa kasi hindi na lang niya ako pinatay nang tuluyan? Wala na akong mukhang maihaharap sa lahat. Isang linggo na ang nakakalipas buhat ng bigyan niya ako ng taning. Tama siya. Mas makabubuting inumin ko na lang ang lason para mawakasan na ang pagdurusa kong ito?|| SHIT! BAKIT ANG PAGDURUSA NG TAONG ITO AY NAPASA YATA SAKIN?! Pero sino yung tinutukoy ng sumulat ng suicide letter na ito? Nakakacurious. Sunod kong inusisa ay ang mga aklat na magkakapatong. Pamilyar sakin ang mga nilalaman ng mga iyon... How to create something out of nothing... How to destroy life and create a new one out of it... The Alchemy... ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 40th Madness Antigone's POV: Bumalik kami ni Fait-chan dito sa Atrus. I don't understand why kaming dalawa lang... Ganun ba talaga ka-busy ang mga adult vamps? Just a week ago, I joined an online community of vampires, feeling vampires, and vampires at heart and posted a thread with that hanging question in my mind. Hmm... Karamihan sa kanila sinasabing iniiwan lang ng isang bampira ang mga beloved niya sa mga kadahilanang: 1. Self discovery 2. May mapanganib na laban 3. Nagtatampo 4. Refer to number 3 What's up with Aster... Matagal na niyang alam at ipinagyayabang na pogi siya kaya wala nang need for self-discovery. Tas dati naman lagi niya akong isinasama kahit pa palibutan kami ng mga zambies never niya akong iniwan so it's not about tough fights. Nagtatampo na nga ba siya sakin kasi di ko siya tinatawag na kuya? Eeeeehhh sa ayoko siyang tawaging kuya! Hmp! Siguro nagdedate lang sila ni Cerylle. Kilala ko yun ee! Siya yung girlfriend ni Aster na nawala. Iba nga lang yung name niya ngayon siguro for security purposes. Sinabi kasi noon sakin ni Aster na bawal silang mahuling magkasama. Gustong gusto ko si Cerylle kahit love siya ni Aster. Mabuti na lang at nagbalik siya. Nagpapaka-gay na kasi si Aster. He's getting awkward with the other girls like random niyang sinasabihang 'panget' ang mga girls na kaharap niya, nagsusuplado, etc. "?Beb what are you thinking? Di ka ba gagawa ng vlog ngayon?" pumasok ng room ko si Fait-chan tas naupo din siya sa bed ko nang nakaharap sakin. Siya na lang yung di busy para samahan ako lagi. Lahat na lang ng bampirang kilala ko busy... Ewaaaan! Sinet ko ang hawak kong camcorder tas itinapat ko yun kay Fait-chan. "Iiwan mo din ba ako huh?" Pag iniwan niya rin ako, ang mararamdaman ko siguro ako ang pinakaunlovable na vampire dito sa buong mundo. Di ko alam tong nararamdaman ko kasi parang attached na ako kay Fait-chan more than anybody else. Dati may crush ako sa kanya kaso he's so babaero. Then one day bigla na lang niyang sinabi sakin na? "Antigone, I want to be your boyfriend. Seryoso ako." I was eight back then. Nine na ako ngayon going ten... So I think magtotwo years ago na yun? Sorry I really don't like Math. Naibagsak ko yung hawak kong camcorder nun sa gulat ko. Syempre di ako naniniwala. Pinabayaan ko lang yung camcorder sa sahig at namaywang ako. "?With all the girls around you? Lokohin mo lelang mo!" He's sick. Sawa na siya sa mga sexy ladies and now try fantasizing a kid? Wow turning paedophile ang peg! ISUSUMBONG KITA KAY ASTER! I turned my back on him and was about to walk away pero napahinto ako kasi biglang nasa tabi ko na siya at nakaakbay pa sakin. "I'll do anything for you simula ngayong araw na nagconfess ako sayo. Hindi na ako mambababae. I'll be by your side when you feel alone." I felt his sincerity saka nakakagaan ng loob yung mga sinabi niya kaya nasabi kong? "Thanks." I observed him day after day. Nagbago na nga siya. Di na siya yung masyadong nag-aapproach ng girls pero nangangausap pa rin naman kapag siya yung nilalapitan, at yung gusto ko sa kanya, I never get to be alone. Pag wala si Aster or Kan, nandiyan siya. Minsan binabantayan lang niya ako from a distance. Wala siyang ipinagbabawal na gawin ko. "?You think too much for a nine year old." hinawi ni Fait yung camcorder na kaninang kanina pa nakatapat sa mukha niya. "Mamayang gabi gusto mo bang lumabas tayo? Let's go on a date?" I pouted. "You act like you're a boyfriend. It makes me always think kung anong meron ako na wala yung mga grown ups. Kasi di ba wala ako ng mga bagay na meron ang mga grown ups." He lightly pinched my cheek while smiling. "I am really your boyfriend di ba? Bakit ba lagi ka na lang may tanong? You'll eventually gain everything in the right time, and I can wait. Minsan nagiging impatient ako, but I can handle that." "Hmp... Boyfriend for real? We haven't even kissed?" Natanga ako nung talagang hinalikan niya ako. Sa labi. Matagal. With feelings. AAAAAHWWWMAGAAAAD BATA PA KOOOO! Mama Papa ano pong gagawin kuuuu?! Where art thou?! Relax... Keep calm Antigone... Wait... So ito na yun? Am I his girlfriend?! WAAAAAH! UHUH AYAW KUMALMA NG PUSO KO! May kilig, somewhat overwhelming, ecstatic, exhilarating... and so on. ?Is this the feeling worth fighting for vampires? Si Fait-chan rin ang nagbreak ng kiss because I don't know how. He even embraced me. "Gusto mo bang sumama sakin? Lumayo tayo dito." "Paano yung ForMad?" naitanong ko agad. He can't leave ForMad. Okay sakin kahit nasaang lupalop ako. Ayoko lang na mawala ang ForMad. I'm their number 2 fan kaya (ang dami nang number 1 kaya ako 2 para unique). "Hmm... Who knows what will happen to ForMad? Somebody already left, and will be gone for quite some time. Pwede naman naming iresume ang band career namin anytime pag nakumpleto ulit ang members." WHAT?! Ibig ba niyang sabihin ay watak watak ang ForMad ngayon? "Ano ba ang nangyari? Nasaan si Aster, si Kan, at si Cerylle?" Fait-chan shook his head. Wala siyang sasabihin pag bad news. Brr... I can't find any way to be in touch with Aster. Where is he na baaaaa? Papa, Mama... Alam niyo kung nasaan siya? "I need to see my parents." I demanded. "Beb, you're too old to still be dependent on them... Hindi mo na sila kailangan. Ako lang ang kailangan mo..." Uhn why is the world swirling? Nadidizzy ako nang wrong timing pa! I can't fight this. Inaantok na talaga ako. **** Aster's POV: HRRRRGH! SLAM! Pinagbabalibag ko ang mga libro dahil sa inis. Ayoko na dito! Squirt! Napakiramdaman ko ang sarili ko. Something is wrong with my chest. Mayamaya nga ay nagmantsa ang suot kong doublet. Light cream ang kulay niyon kaya kitang kita ang tumagos na shade of red to fuschia mula sa loob. Bumalik ako ng closet at naghubad sa harap ng salamin. I swear I could see an incision on my left chest na parang gawa ng isang may kaliitang punyal. Surrounding the wound was a very peculiar mark... Patay na nga talaga ang katawang ito pero pinapagana ng dalawang bagay? ng kakaibang marka at ng aking kaluluwa. Nagpalit ako ng damit. I chose black doublet this time. Binalikan ko ulit yung mga libro. If the mark helps this body to be functional, may posibilidad na gawa yun ng isang strange alchemy. The alchemy related to necromancy... Lucky for me dahil journal yung una kong napulot. Nakalagay na doon ang ilang pointers. May title pa talaga eh? Ang Paglalakbay ng Hanging Banayad sa Gitna ng Unos. Ang ibig sabihin ng 'Zephyr' ay 'Hanging banayad'... Kaya kung papalitan natin? Ang Paglalakbay ni Zephyr sa Gitna ng Unos. Sa unang pahina ay may nakaipit na isang lumang lumang telang canvass. Nakaguhit doon ang isang mapa? || Nabubugnot ako dito sa palasyo kung kaya't di matawaran ang kasiyahang nadama ko nung madiskubre ko ang isang lumang mapa ng palasyo. Gawa yun ng isang sikat ng kartogropo ilang siglo na ang nagdaan. Naroroon ang lahat ng lagusan papasok at palabas ng palasyo Allegorde, kabilang na ang mga sikretong daanan na ginawa upang gawing takasan ng pamilya sakaling bumagsak ang pamunuan sa kamay ng mga kalaban. Naging malakas ang kahariang Erdan at walang nagtangkang bansa ang sumugod. Nabaon na sa limot ang mga sikretong daanan kasama ng pagkawala ng mapa. Natagpuan ko ang mapa sa isang lihim na silid na aksidente ko lang nadiskubre. Mula nun, ginagamit ko na ang mapa para pumuslit palabas ng palasyo gabi gabi.|| WOW EXCITING! Parang gusto ko na rin tong itry. Flip the next page? Puro lang kainosentehan sa bayan ang pinagsusulat dito. Kesyo first time nakakita ng salagubang na piniprito, first time nilapitan at inalukan ng boobs ng prostitute, first time nakakita ng mga pulubi, first time nakakita ng manghuhula? teka... Interesante ito... || Isang manghuhula ang nadaanan ko. Nakatunghay siya sa bolang kristal nang bigla siyang nagsalita. "Nalalapit na ang iyong kamatayan mahal na prinsipe... Magpakasaya ka na habang hawak mo pa ang iyong oras." Nagalit ako syempre. Lapastangan siya sa kanyang pinuno! Nilingon ko siya ngunit wala na siya kung saan siya nakapwesto. Kung tumakbo man siya ay imposibleng hindi ko makita ang likod niya! Nakakakilabot na karanasan. Totoo bang nalalapit na ang aking kamatayan o biro lang yun? Saka paano niya nalamang ako ang prinsipe? Nalaman na ba ng hari ang ginagawa kong pagtakas gabi gabi? Pinasusundan na niya ba ako at ngayon ay tinatakot pa? Hindi muna ako pupunta sa bayan ngayong gabi...|| Hmm... Nagiging interesting na nga talaga ang mga pangyayari. Lalo na sa next page... || Nagkaroon ng sigalot sa merkado. May dumating na mga bandido at ginugulo nila ang ilang tindero. Nagnanakaw sila sa mga mamamayan! Sinubukan kong makialam subalit ako ay nasaksak ng isa sa kanila. Hindi ko naramdaman ang sakit pero parang kinakapos ako nang hininga nung mga sandaling pinapanood ko ang pagsago ng sarili kong dugo. Kasabay nun ay bigla akong nawalan ng malay. Ang akala ko ay katapusan ko na, subalit nagising pa rin ako. Iba ang nabungaran kong lugar... Parang kweba sa sobrang sikip at alinsangan. Puno pa ng nakasinding kandila. Nakahiga ako sa pinakasentro ng silid, partikular sa ibabaw ng isang patag na granite. Kamuntikan na akong mahulog pagkaatras ko dahil nagulat ako sa kung sinong nakaroba na nasa tabi ng hinihigaan ko. Naglapag siya ng isang botelya sa may gilid ko. "S-Sino ka?" nauutas kong tanong. "Tawagin mo na lang akong orakulo. Sa ngayon ay iniligtas kita mula sa tiyak na kapahamakan prinsipe Zephyr. Ngunit hindi sapat ang tulong na ibinigay ko para tuluyan kang bumalik sa dati. Mula dito, kinakailangang tulungan mo na ang iyong sarili." "Paano mo nalaman kung sino ako?!" nakakatakot nga talaga ang mundo sa labas ng kastilyo! Parang hayop ang mga tao na malalakas ang pang amoy at may itinatagong kabangisan. "Hindi mo na maaaring alamin pa kung sino ako. Basta makinig ka lang sakin at patuloy kang mabubuhay." Sinabi niya saking pumanaw na ako gawa ng labis na pagdudugo ng aking sugat. Nabubuhay lamang ako dahil sa isang mahika na siya ang may kagagawan. Di ko pa nakita ang masamang epekto ng mahika noon. Ang masamang epekto na yun ay nalaman ko na ngayon. Unti unting naaagnas ang aking katawan na parang sa isang bangkay! "May paraan para maibsan ang iyong kalbaryo prinsipe. Kinakailangan mo lang manguha ng Vitae. Nakukuha iyon sa mga may-buhay. Maaari ka ring makakuha niyon sa mga taong kamamatay pa lang ngunit kakarampot lang. Ang pinakamagandang pagkunan niyon ay ang mga buhay pang tao. Mayroon kang isang linggo para magdesisyon. Kung gusto mong manguha ng Vitae, o ang mamatay na nang tuluyan." inusog pa niya lalo palapit sakin yung maliit na botelyang kanina pa niya inilapag. "?Heto ang bote ng Turpentine para makatulong mo sa iyong pagdedesisyon. Isa yang organikong lason. Mahihirapan ka lang sa paghinga tas wala na." Naguluhan ako sa biglaang pag-ikot ng mga pangyayari. Hanggang sa nandito na nga ako sa paggawa ng isang mabigat na desisyon... Ano ang uunahin ko? Ang sarili ko o ang kapakanan ng mga nasasakupan ko? Paano ako magiging hari kung wala na ang mga tao? At sino ang magiging hari sakaling wala na ako? Hindi ko isusulat ang aking desisyon. Malalaman na lang ng lahat kung ano ang kahihinatnan ko bukas, sa aking ikalabingsiyam na kaarawan...|| Pak! I closed the journal. Poor thing. Hindi ako kasing martir niya... ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 41st Madness Aster's POV: Snap! Pagkasarado ko ng hawak kong journal, dagling nagliyab iyon?! "AWE AWE WHAT THE FUCK?!" muntanga akong nagwagwag ng mga kamay para di abutin ng apoy ang mga palad ko, at saktong pagpihit ko ay mayroon na palang nakatayo paharap sakin! Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo tas napakunot noo ako... Ang suot niya ay isang robang itim at pintado ng kung anu anong marka ang kanyang balat. Liban pa dun ay pamilyar talaga siya sakin? "P-Papa?" di ako maaaring magkamali! "Hindi kita anak at lalong hindi ako ang iyong ama." aniya. HAAAA?! Buong time na nasa poder ako ni papa ay di niya yan sinabi sakin... Kahit totoo naman. Alam kong wala akong karapatang maoffend, pero kasi parang ang sakit sa tenga pakinggan. "?Pero papa..." nagbabakasakali pa rin ako na jinojoke lang niya ako. Bigla na lang niyang hinaklit ang braso ko. Kasabay nun, ngumiti siya. "Binibiro lang kita anak. Masyado kang seryoso eh." Woooh sabi na eh. Nakahinga na rin ako nang maluwang! "Papa, gusto ko na pong umalis dito! Kaya ka ba nandito ay para tulungan akong makaalis sa lugar na ito?" "Umalis dito? Ikaw naman yata ang nagbibiro ngayon anak. Hindi mo ba nalalaman ang hirap na sinuong ko para lamang maibalik kita dito?" Nagugulumihanan yata ako. "A-Ano po ba ang ibig ninyong sabihin?" "?Inalagaan kong mabuti ang mahal na prinsipe habang tinutuklas ko ang tamang paraan upang mabuhay kang muli! Iyan ang katotohanan, Zenith..." NAKNAMPUCHA NAMAN OH. ANG DAMI KONG PANGALAN! Mamatay na maraming pangalan! Tinapik tapik ni papa ang kamay kong hawak pa rin niya. "Balang araw ay ikaw ang magmamana ng aking kapangyarihan, ng kapangyarihan ng Alkemiyang nagpasalin salin mula pa sa ating kanunu-nunuan! Nasa magandang katawan at posisyon ka ngayon kaya marapat nating samantalahin iyon!" Iba na to eh... Nakakatakot si papa! Hindi siya yung gaya ng dati na mabait at palabiro. Agad akong lumayo sa kanya. Naisip kong baka isa siyang di mapagkakatiwalaang nilalang na ginagamit ang anyo ni papa para linlangin ako! Arrrgh... Ang ulo kooo! Biglang sobrang sakit niya! Bumagsak ako sa sahig habang sapo ko ang aking sentido. "Mawawala ang sakit kapag sumunod ka sa lahat ng iuutos ko sayo anak. Ihanda mo na ang iyong sarili. Dalawang araw mula ngayon ay hihina na ang unos. Ituturo ko sayo ang paggawa ng isang epidemya. Kinakailangan mo na ng vitae upang pagalingin ang katawang iyan. Sa ngayon ay ipagdiwang mo muna ang iyong kaarawan..." Naglaho ang sakit ng ulo ko pagkatapos maglaho ni papa. Umayos ako ng pagkakaupo habang iniisip ang magulong nangyayari sakin ngayon. Ito na ba yung sinasabing training ni papa? Pumayag nga pala ako sa request niya na maging apprentice niya ako! Tss... Tama nga ang sinabi niya na masamang nagbibitaw ng pangako sa mga bampira! Yari na ako nito, tiyak na pahihirapan niya akooo! Pero... Epidemya? Magpakalat ng sakit? Hindi ba marami ang namamatay kapag may ganun? Papatay kami para lang sa kapakanan ko? Si papa nga ba talaga yun? Hrrrrgh! Wala bang magandang view dito para mawala kahit sandali ang stress ko? Hinawi ko ang mga kurtina tas binuksan ko yung bintana sa may gawing kaliwa ko. Malakas masyado ang hangin? Parang may natatanaw ako sa di kalayuan. Babae nga ba yun? Naglalakad siya sa gitna ng unos ngunit ni hindi man lang siya nakasuot ng pangginaw. Kamison nga lang yata yung suot niya. Di ba siya nalalamigan? Sobrang haba ng itim niyang buhok na halos sasayad na sa nyebe. Yun lang ang naaaninag ko sa kanya kaya di ko alam kung chix ba siya o hipon lang. Badtrip eh wala akong telescopic eyes dito. Bigla siyang huminto sa paglalakad. Tumambay lang siya. Siguro may tinitingnan siya. Ano kaya o sino ang tinitingnan niya? Ako ba? Umihip nang mas malakas ang hangin na di kinaya ng mukha ko kaya sinalag ko gamit ang aking mga braso. Pag-alis ng hangin, tumingin ulit ako sa gawi kung nasaan yung babae? Ngunit wala na pala siya. **** Hio's POV: Kumalma na ako nang nakapag isip akong maigi. Mayroon pang isang maliit na tuldok ang natitira sa markang nasa palad ko. Kahit gaano pa kaliit ang chance, kahit 1% pa yun, kakapit at kakapit ako sa pag-asang maibabalik ko pa dito si Aster. Hindi basta bastang nawawala ang mga Arca kahit pa namatay na ang kanilang katawan. Arca din ang kaibigan noon ni Redder Black na si Harlequin at nabubuhay iyon sa pagsanib niyon sa mga inanimate objects. Nasaan na kaya yung kupal na yun ngayon? Wala nang nabanggit si Redder eh. Ang kailangan ko ay tulong ng isa pang Arca at ng isa pang dimension master. Mabuti't nasa paligid lang si Mie. Alam kong matutulungan niya akong matunton si Harlequin para matulungan kaming hanapin ang eksaktong lokasyon ni Aster. Mahirap kasing umasa sa aritmetik kapag ganito kaselan ang sitwasyon. Huminto ang sinasakyan kong lumang kotse sa tapat ng entrance ng underground subway dito sa Area 3. Nilingon ako ng nagmaneho para sakin. Ayoko nang ipush ang swerte ko sa teleporting lalo't madami akong iniisip. "?Master, nandito na tayo sa tinutukoy mong subway." "Xerun ang pangalan mo hindi ba?" tanong ko sa driver. "Hindi na kita tatawaging Nehemiah kundi sa pangalan mo na." Magalang siyang tumango. Siya yung Evil Druid na ibinigay sakin ng konseho. Inalis ko sa katawan niya ang infection na dapat sana ay gagawin ko kay Aster... Malapit nang gumaling ang isang to. Napagpasyahan kong pakawalan na lamang siya dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya ganitong tuliro ako sa pagkawala ng anak ko. Pero makulit siya. Sumumpa siyang magiging tapat sakin kapalit ng ginawa kong tulong sa kanya... Hindi niya alam na nasa edge ako ngayon ng isang mahirap na desisyon. Sakaling mahanap ko si Aster, kinakailangan kong maghanap ng katawan para sa batang yun. Tatlo ang hawak kong bampira? si Licorice, si Lustra (Amos), at siya. Sa tatlong yun ay dadalawa lang ang posibleng gagamitin ko para maibalik dito si Aster... Sisirain ko ang kaluluwa ng isa sa kanila... Ang sama di ba? Para magkaroon ka ng isang bagay, kinakailangan nito ng kapalit... Yun ang prinsipyo ng Alchemy, at ang prinsipyo ng mundo. Bumaba kami ni Xerun sa sasakyan nang nakapayong dahil mataas na ang sikat ng araw. Nauna siyang bumaba ng subway. Tinalunton namin ang daan papunta sa nakatagong lupain ng Area 3. Nanlumo ako pagkapasok namin ng tarangkahan. Puro undead na ang naabutan naming namamahay sa buing lugar. Nasaan na si Mie at Kape? Nakaligtas ba sila?! SANA! Ilang piye mula sa kinatutuntungan ko ay nakapansin ako ang isang spatial distortion. Kumbaga hindi pantay ang tingin mo sa kaliwa at kanan. Nangyayari yun kapag minadali ang paggawa ng isang portal patungo sa ibang lugar. "Bubuksan kong muli ang portal na ginawa dito. Bantayan mo ang mga papalapit na undead." sabi ko kay Xerun. Zzzzzap! Ilang minuto lang ay nareopen na ang portal. Kung di ako nagkakamali ay dumugtong iyon sa isang bahagi ng Area 2. Lumabas ako sa talampas na natatamnan ng mga magagandang halaman? SHHHHH?! Araaaaaay balat koooo! Nasaan na ba yung payong ko?! Kaburaot. Pag naglalakbay kasi ako minsan di naman ako apektado ng sikat ng araw. Natigil ang pag usok ko nung may nagpayong sakin. "Salamat Xerun?" Ahh mali. Papasok pa lang ng lagusan si Xerun. Ang mabait na nagpayong sakin ay si Kape. "Pareng Kape inaabangan mo ako? Miss mo na ako no?" ngingiti ngiti kong tanong. Pak! Binatukan niya ako! Close ba kame?! "?Ang tanga mo. Alam mo nang mataas ang sikat ng araw sige ka pa pasyal." Lalagnatin yata ako bukas kapag di ko nagantihan ang kupal na to! Sobrang di ako makapaniwala na mababatukan niya akooo! Ready na sana ang kamao ko, nakakuyom na ba. Bigla akong napa-I-give-up nung may nakatutok nang shotgun sa noo ko! KINASA PA TALAGA EH! "Peace na Kape! Pogi ka naman eh." BADTRIP. Di ko na talaga maharass si Kape. "Si Minerva ng kailangan mo di ba?" Tumango ako. "Nandun siya?" at itinuro ni Kape ang isang bahagi ng talampas na ito. Ulo na lang ni Mie ang nakikita ko. Nakaupo yata siya kaya abot hanggang balikat niya ang mga bulaklak sa kanyang paligid. Ni wala siyang payong pero naeenjoy niya ang sikat ng araw dahil sa isang anti-UV barrier. "?Alam niyang may nagbubukas ng portal niya. Ako lang ang sumalubong sa inyo para makasigurong hindi kalaban o undead ang papasok ng portal." dagdag pa ni pare. "Sinadya niyang iwanang partial na bukas ang portal tungo dito hindi ba?" He shrugged. "Kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan pagdating sa mga ganyan. Kausapin mo na siya." Inihatid ako ni Kape hanggang sa loob ng barrier. Ang tamad ngayon ni Minerva. Usually lively siya at agad akong sinasalubong. Ngayon parang naka-stick well ang pwet niya sa damuhan. Gumagawa siya ng bulaklak na kwintas habang nakangiti. Ahh... Ganyang ganyan si Shall nung? "?Nagdadalantao ka Mie?" tanong ko sabay lingon kay Kape. Biglang iwas si gago. Fwahaha~ Hinimas muna ni Mie ang puson niya bago sumagot. "Oo." Mainam para sa mga nagdadalantaong bampira ang magpalipas ng panahon sa lugar na may magandang tanawin. Mabuti at meron pang ganung lugar dito. "Kung ganun ay di mo pala ako matutulungan... Kinakailangan mong maging malakas para sa dinadala mong anak." "Tutulungan pa rin kita Hio. Gagawin ko ang lahat para maiayos ang kaguluhan sa mga dimensyon." ani Mie. "Kaguluhan?" taka kong tanong. "?Ang akala ko ay alam mo na? Marami sa mga Astral travellers ang nababalam sa kanilang paglalakbay dahil sa isang napakalakas na pwersa na sumisira sa mga dimension point." "Wala akong alam. Hindi ko pa chinecheck ang dimension point ko." "?Hio, seryosong problema ito. Isang dimensyon ang abnormal na nagiging adjacent sa dimensyong ito." Problema nga talaga yun! Kapag nagdikit ang dalawang dimensyon, maghihilahan ang mga iyon hanggang sa malunok ng isa ang isa... Once na nangyari yun, magrarambol rambol ang mga katotohanan, kasinungalingan, mga petsa, pangalan ng tao, kung sino ba ang kapitbahay mo, kung sino ang kabit ng asawa ng aso niyo, at marami pang iba! "SINO ANG KAMOTENG NANGIALAM SA BALANSE NG MGA DIMENSYON?!" Baka ako? Mas sumeryoso pa ang hitsura ni Mie. "Ang orakulo Hio... Hindi ba't nakadaupang palad mo na siya? Siya ang sa palagay kong utak sa lahat ng nangyayaring ito." Ang Orakulo... Akala ko hindi ko siya magiging problema. Ano't kumikilos siya? ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- A/N: Okay... Sana po wag kayong malito. Recap tayo. Ano ba ang 'Dimensyon' na yawang yan? Pwede mong sabihing ito ay countless 'Other Worlds' with countless combinations of TIME, PLACE, INCIDENTS, POSSIBILITIES. Naninirahan ka sa lahat ng yun through your countless 'Alternative 'lives'. And what the hell is an ALTERNATIVE LIFE? Well yan ang existence mo in every dimension you're in. One is like not the other. Kung dukha ka sa isang dimensyon, aba sosyalerang froglet ka naman sa panibagong dimensyon! You can access your alternative life IF AND ONLY IF YOU HAVE A DIMENSION POINT. Ano ba ang DIMENSION POINT? Ito ay isang private and unique space for entry/exit ng mga astral traveller/dimension traveller. Kumbaga sa LRT, ito po yung istasyon. Ang REFERENCE DIMENSION naman ay ang ORIHINAL na dimension kung saan ka talaga nag eexist. Ano ang pinagkaiba ng ASTRAL sa dimension traveller? Kapag Astral, MIND lang ang naglalakbay into other dimension at HINDI kasama ang katawan. 42nd Madness Hio's POV: "Ang mabuti pa ay tingnan ko na lang mismo ang problema. Papasok ako ng aking dimension point." sabi ko sa kanila. Yari na naman ako nito kay Shall kapag iniwan ko na naman sila ni Anne dito pero bahala na. Importante to at di na makapaghihintay pa. "?Sasamahan ba kita Hio?" tanong ni Mie. Inalalayan siya ni pareng Kape nung tatayo na siya. "Hindi na. Kaya ko naman ang sarili ko eh..." wait may naisip ako. "?Kung gusto mo ay dun muna kayo sa Rose mansion para may kasama si Shall habang wala ako. Bininigyan ko kayo ng karampatang permiso." Tinapik ni Mie yung braso ni Kape pero sakin pa din siya nakatingin. "?Sasamahan ka ni Rai." "TALAGA?!" whoa chorused pa kami ni pare! "Paano ka?" alalang tanong ni kupal sa chix niya. "Pupunta ako ng Rose mansion gaya ng suggestion ni Hio. Kaya kong protektahan ang sarili ko, at malakas yata kami ni Shall pag nag join force no?" that's the right attitude Mie. Lumapit samin si Xerun. "Sasamahan ko ang binibini sa kanyang pupuntahan master." aniya. Binayo ko ang likod niya. "Wag ka ngang pormal pormalan diyan. Tropa tropa din. Ang gusto ko lang mula sayo ay yung tinatawag mo akong master. Wehehe~" Naghiwahiwalay na kami ng landas pagkatapos naming magkaintindihan. Magkasabay na umalis sina Xerun at Mie habang kami naman ni Kape ay iwan dito. "Aperite Dimensionem!" I cried. Lumitaw ang magic circle ng aking dimension point na sakop ang kinatutuntungan naming dalawa ni Kape. Umangat ang magic circle hanggang sa nasa ibabaw na namin iyon; kasabay nun ay nagbago ang kapaligiran na naging isang malawak na void. Zzzzt... Snap! Lumalabo ang magic circle ko. May pwersang kumokontra sa kapangyarihan ko na di ko pa alam kung saan nanggaling. Ito na yung sinasabi ni Mie na malaking problema. "Relax ka lang diyan Kape. Ba-bypass tayo." pag-aassure ko sa kasama ko. Itinaas ko ang manggas ng suot ko kaya nareveal ang isa sa mga pinakacomplex na magic circle na naisulat ko? ang daan patungong Terra Nusquam. Sa Terra Nusquam ako lagi unang dumadaan bago makapaglakbay sa panibagong dimensyon. Shortcut kumbaga. Pinatibay ng sigil sa aking braso ang dimension point ko kaya naprevent ang muntikang pagsasara niyon. Nagmaterialize sa harap namin ang isang pinto. Binuksan ko yun at itinulak si Kape papasok sa loob. Bago ako sumunod, nag appear like magic ang maskarang palagi kong isinusuot kapag wala ako sa aking tunay na dimensyon. Isinuot ko yun kaya as of now, ako na si An're. Dire direcho akong lumabas. Ang unang nabungaran kong lugar ay ang tabing-ilog. May mga formation na ng thin ice sa ilang parte niyon sanhi ng napakalamig na klima. Panahon ng taglamig ngayon dito sa Erdan at kasalukuyang may blizzard. Nakita ko agad si Kape na nakatingin sa isang binatang nakasandal sa napakalaking puno ng Cypress. "LUMAYO KA SA KANYA KAPE!" ayokong magmukhang paranoid pero mas mabuti na ang nag iingat. Hinila ko si Kape at ako ang humarap sa binata. "Sino ka?!" confused na tanong ni pare. Hindi niya narecognize ang suot ko dahil sa maskara siya nakafocus. Bobito pa rin tong si Kape. Itinuro ko ang dalawang daliri ko sa lupang tinatapakan niya. "IANUAE MAGICAE!" Naglaho siyang parang bula. Don't worry dahil natransport lang siya sa ibang lugar ngunit dito dito lang din sa loob ng Erdan. Ngayon ay pwede na kaming mag-usap ng isang ungas dito. "?An're sinasabi ko na nga ba at magpupunta ka dito ngayon. Sino yung kasama mo? Ang dami talagang interesanteng nilalang ang nakapaligid sayo..." takte naunahan niya ako na magsalita. "Tigilan na natin ang walang kwentang introduksyon. Nandito ako para alamin kung bakit mo ginugulo ang mga dimensyon, Senri." "Ginugulo?" pagmamaang maangan niya. "Naniniwala kang may kakayahan ako para?" "?Wag na tayong magtangahan. Ang kapangyarihan mo bilang orakulo ay ginagamit mo para impluwensyahan ang takbo ng mga alternatibong eksistensya." 'Orakulo' ang pinakamataas na katawagan para sa mga Astral na may kakayahang manipulahin ang kahit isang elemento na bumubuo sa isang dimensyon. Di man malinaw sakin ang pinanggalingan nitong si Senri, matagal ko na siyang binabantayan dahil ang kapangyarihan niya ay pambihira sa pambihira. Siya ay nakakapagdikta ng oras. Ibabalik niya yun kung kelan niya ginusto o kaya naman ay ifafast-forward. Malayong malayo ang time-turning sa time-travelling. Kahit sino pwedeng maglakbay sa iba't ibang panahon, pero walang may kakayahang gumawa ng oras. Si Senri lang ang nakakaalam kung ilang beses na niyang ibinalik ang panahon; kung itong oras bang ito ay orihinal o rewind na lang... Alam kong marami pa siyang pwedeng gawin... it all depends on his imagination. Ngumiti nang nakakaloko si Senri. "Alam mo ba kung bakit nila ako pinatay?" Pinag isipan ko ang sagot sa kanyang tanong. "Mas lalakas ang impluwensya mo sa oras kung disembodied ka." Alam ko dahil ganun ang ginawa ni Redder. Inabandona niya ang kanyang pisikal na katawan pero nakakalat lang siya diyan sa tabi tabi. Pero syempre hindi nagagawa yun sa isang pitik lang lalo na ang mga hindi talaga Arca. Nangangailangan ng very advance magic ang total disembodiment. "Hanga ako sa katalinuhan mo An're. Ikaw lang ang itinuturing kong katapat alam mo ba yun? Sabik na akong malaman kung ano ang gagawin mo..." pagkasabi niya nun, inilahad niya ang kanang palad niya. Nandun yung susing ibinigay ko sa kanya. Pinanood ko siyang iitsa yun sa may ilog. "Nakapagdesisyon na ako An're. Aangkinin ko ang dalawa sa pinakamagandang dimensyon na eksistensyal ngayon at pagkatapos ay pag-iisahin ko sila!" Kinalamay ko ang dibdib ko kahit parang sasabog na ako sa badtrip. "Nakita mo na siguro ang hinaharap nating dalawa Senri. Alam mo na ba kung sino sating dalawa ang magiging talunan sa bandang huli?" Syempre sasabihin niyang ako. Tae. "Hmm? Walang halaga para sakin kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang mahalaga ay ang ginagawa ko ngayon." May ibig siyang ipahiwatig kaso di ko alam kung ano. Di ko magets ang sinabi niya. Ang malinaw lang ay hindi niya sinabing ginagawa niya ang mga kalokohang ito dahil sa nasilip na niya ang resulta nun. Anyway let's egg him to tell us more. "?Malinaw na kinakalaban mo ako. Ano't wala kang apog para sabihing matatalo mo ako sa hinaharap?" "Hindi kita minamaliit An're. Alam kong kayang kaya mong burahin ang existence ng kahit anong dimensyon basta ginusto mo. Maging ako ay pwede mong burahin. At isa pa? hindi naman talaga ako ang iyong kalaban." "Kung hindi ikaw, sino?" "AKO." namangha ako dahil parang narinig ko yata ang sarili ko na nagsalita. Nakadama ako ng napakalakas na presensya sa mismong likuran ko. Dahan dahan akong lumingon at? "PORTA IMPOTENTIS TERRA!" Mabilis na gumuho ang tinutuntungan ko. Mabuti na lang at may natira pa akong presence of mind. Kaagad akong nakalipat ng pwesto bago pa ako tuluyang lamunin ng pinaghalong nyebe at putik. Yun lang wrong spot. Nasa tabi na mismo ako ni Senri. Mabuti rin at napakalamya niya. Gusto lang niyang sumandal sa puno. Pinagmasdan kong muli ang mukha ng nilalang na nasa harap namin ni Senri. Ang pogi eh. Artistahin. Kamukhang kamukha ko ba naman, liban sa mga tattoo na nakaburda sa mukha niya. Hindi siya si Thanatos at lalong hindi siya si Grimoire... HALA KA! "PA?" pinigil ko ang sarili ko. Kilala ko siya pero ako, hindi niya kilala. "Orpheus..." "Ipinakilala mo na pala ako sa bisita mo Senri?" Paano pala kung nagpunta ako dito nang walng suot na maskara? Magpi-freak out ba siya kung sakaling nakita niyang iisa lang ang mukha namin?! Hindi ko pwedeng sabihin na ako ang anak niya! May sense naman kung bakit siya nandito ngayon. Ibinalik ni Senri ang oras pero exclusive lang yun sa terra nusquam. Malamang na naapektuhan nun ang lahat ng nilalang na nanirahan noon dito, regardless kung patay na... Talagang masisira nga ang balanse ng mga dimensyon! Pumanaw si Orpheus na naiwang misteryo ang tungkol sa kanyang nakaraan. Ngayon ko lang nalaman na hindi siya orihinal na bampira at ito ang reference dimension niya (malalaman yun ng mga gaya kong dimension master sa unang tingin). However, obyus na nakakagamit siya ng reverse alchemy. It makes me wonder kung bakit siya naging bampira? Bakit siya lumipat ng ibang dimensyon? Bakit siya... Bumait? LOLS! Ang dami kong kalbaryo! "Siya si An're, Orpheus... Isa rin siyang dakilang orakulo." pinakilala ako ng ungas na si Senri sa ama ko. Fuck me. It's too awkward. Ano ngayon ang gagawin ko?! Mukhang di pahuhuli ng buhay si Orpheus ee! AAAARGHH! Kailangan kong mag isip! Pasyal pasyal muna ako. Hahanapin ko pa nga pala si Kape. Seriously though... May ginagawang mali si Orpheus dito at alam kong dapat ko siyang pigilan o awatin. Ayoko naman kasing mauwi ang lahat sa patayan! Pag nagkamali ako... There will be instances kung saan hindi ako maipapanganak. Kokonti ang mga dimensyong maaari kong puntahan just because I don't have any alternative life there? Orpheus casted me with a scornful look. "Orakulo? Tss..." pareho sila ni kuya Div nung mga kabataan nila no? Ang papait nila. "Kala ko kung sinong diyos na. Alis na ako. Babantayan ko pa ang anak ko." "Anak? May anak siya?" tanong ko kay Senri pagkaalis ni Orpheus. May lablayp naman pala eh bat masungit? "?Bakit ganyan ka magtanong? Kilala mo ba si Orpheus? Mayroon siyang anak anakan na napulot lang niya sa daan maraming taon na ang nakakalipas. Nakakatuwa nga dahil halos kaunti lang ang pagitan ng edad nila pero mag-ama ang turingan nila. Namatay yung anak niya dahil sa isang epidemya mga ilang taon na rin dito ang nakararaan. Hindi niya matanggap ang nangyari kaya naman? napagdesisyunan na niyang buhaying muli ang pumanaw niyang anak." I'm having a bad feeling about this... "Paano niya bubuhayin ang anak niya? Walang nakakagawa ng bagay na yun, liban na lang kung may alam siyang ipinagbabawal na paraan." "An're, si Orpheus ay tinatawag na 'Orakulo' sa kahariang ito. Katumbas iyon ng pagiging isang babaylan na nagbibigay-payo at gumagabay sa mahal na Hari. Siya ang nagtatakda kung kailan dapat magtanim ng palay, kung kailan mag-aani, kung kailan dapat magsiping ang hari at reyna, kung kailan may paparating na bagyo, o kung may nagbabadyang panunugod sa kaharian... Hindi niya magagawa yun kung wala siyang kakayahan." Yeah naalala ko na yung mga tattoo ni Orpheus sa katawan nito... Kung dati pa lang ay inclined na talaga siya sa reverse Alchemy... Bakit? ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- PART 2: ANG KAHARIAN NG ERDAN 43rd Madness Kape's POV: YAWA HAIN NA AKO DINALA NE DONG?! DANG LAMEG BA! Nag-inisnow baya! Kanena pa ko tuyok tuyok dinhi sa pantalang nagnenyebe piro diri ko pa seya makita! Loko yun ah! Mamaya tututukan ko yun ng M16 makita neya! "?Ginoo, sasakay ka ba? Ito na ang pinakahuling byahe ngayong gabi. May unos kung kaya't bihira lang ang bangka ngayon. Wala ka nang mahihintay dito." Agay! Kenakausap pala ako ng bangkero? Edi lumapet ako sa pampang. Nakasakay seya sa isang katamtamang bangka at me pasahero siyang isang bata na may dalang mabigat na lumang libro. "Pasensya na po. May hinihintay po kasi ako eh." pagkasabi nun, sinipat ko ang ilog. Nagyeyelo na ang ibang bahagi neyon piro pwede pa namang bangkain pag dadaan sa getna. "Engat po kayo baka mi aysberj (iceberg). Saan po ba kayo papunta?" "Ahh sa upper yard." "Upper ward??" Iiling iling se manong. "Doon ang upper yard sa ibayo. Tumatawid doon itong ilog kung kaya't bangka ang pinakamainam na transportasyon patungo dun." "Ahh... Wala po bang dyip papunta dun? Mas mabilis yon ee tas di ka pa pagod." "Anong 'dyip' ba yun ginoo? Makabagong modelo ba yun ng bangka?" Ambot diri neya ako ma-gits. "Nebermind manong. Tuloy niyo lang yang bisyo neyo? este yang pamamangka nenyo. Engat ulit." "?Sasakay kami." Pastilan oy! Genolat naman ako nung nakamaskara! Bigla neyang henawakan ang braso ko eh! Nasaan na ba kase si Dong?! Bat ako ginisundan netong mukang di-mapagkakatiwalaang kung sino na to? "Hin-o ka ba?" "Ang pangalan ko ay An're. Ibinilin ka sakin ng kaibigan mong nagngangalang Hio." "Talaga lang? Bakit naman niya gagawin yon? NASAAN NA SIYA? AGAAAAY!" SPLAAAAASHH! Binitawan neya ug braso ko tas tenulak niya ako kaya nashoot ako sa bangka ne manong. Umuga uga kame buti na lang at di kame natuloyang tumaob. DUUUUG?! Tumalon se nakamaskara sa bangka. Mas muntek na talaga kaming tumagiled! "YAWAAAA MAGDAHAN DAHAN KA MAN OY!" bulyaw ko sa kanya. "?Bago ang lahat magpapakilala muna ako. Ang ngalan ko ay An're. Isa akong? hmm... Kaibigan! Naglalakbay ako sa iba't ibang lugar." Sos ginuo istoryahe! "?Kung kaibegan ka nga, ipakita mo ang mukha mo." "Hindi ko maaaring gawin yun... dahil may sumpa ako! Ang lahat ng makakita sa aking anyo ay namamatay!" "?Ahh mga ginoo, pwede bang sumingit sandali sa usapan ninyo? Maaari na ba kayong maupo at nang makapalaot na tayo? Masyado nang ginagabi ang aking panginoon." inenguso samin ng bangkero ang batang nakaupo sa unahan namen. Nagpatiunang maupo se An'ri. Ginaya ko na rin seya. Maya't maya kong sumolyap samin yung batang nasa harap. Maganda ang kutis neya kaya mamula mula ang kanyang pesnge dahil sa lameg ng klima. Di na seya nakatiis kaya humarap na seya samin nang tuluyan. "Hindi kayo taga dito tama ba? Saang bayan ba kayo nagmula? Di ba kayo magkakilala?" Nagkatinginan kame ni An're. Nagpakiramdaman kong seno ang sasagot sa tanong. Balak ko sanang sabihen na hindi ko kaanu ano se An'ri at ngayon pa lang kame nagkita? piro naunahan neya ko. "Wag mo na kaming intindihin bata. Ang mabuti pa ay ipagpatuloy mo na lang ang iyong pagbabasa habang umaandar ang bangka." ani An'ri. "Hindi ako 'bata'. Panginoon ang dapat mong itawag sakin sapagkat ako ay anak ng isang Baron at ako ang susunod na mamumuno ng aming angkan. Ako si Lord Aphra mula sa angkan ng mga Cilydd." ke bata bata maangas! Diri ko man nakita, piro parang humalakhak si An'ri sa likod ng kanyang maskara. "Ahh pasensya na panginoon ko. Sana ay wag mong dalhin sa iyong dibdib ang kapangahasan ng isang hamak na estrangherong nasa inyong harapan." ang lalim nun. Nusblid! "Wag kang mag alala dahil wala sakin yun." Naghari ang katahimekan dehel wala nang nagsalita pa pagtapos nun. Bumalik na lang olit sa pagbabasa yong bata. "Maaari ko bang tingnan yang binabasa mong aklat?" tanong ni An'ri sabay lahad ng kamay neya kay Aphra. "Heto?" Fwp! Fwp! Fwp! Pinanood namin se An'ri habang binubuklat nang sobrang bilis ang buong libro. Pagdateng neya sa dulong peyj, ibinalik na neya yon ke Aphra. "Yun na yon? Ni hindi mo man lang binasa kahit isang pahina man lang? Ang libro ay ginawa upang basahin. Dito sa Erdan, partikular na sa Seinen, kapag binigyan ka ng libro at di iyon binasa ay isang kalapastanganan para sa karunungan." yan nagalit tuloy se Aphra. An'ri kasi ee! "?Pahina dalawandaan apatnapu't siyam... Ang simbolo na 'berdeng leong nilulunok ang araw' ay isang alegoryang representasyon para sa isang kemikal na proseso kung saan gumagamit ng Aqua Regia at ginto. Sapagkat ang ginto ay kadalasang nagtataglay ng tanso, nagiging berde ito kapag naibabad na sa Aqua Regia." [Aqua Regia- Nitric Acid] Namangha si Aphra. Ako hinde. Diri ko ma-gits eh. Binuksan neya ang libro neya sa pahinang benanggit ne An'ri. Mas lalong tumindi ang nakita kong pagkamangha sa kanya nang mag-angat seya ng tingin. "PAANO MO NAGAWA YUN?! Binigyan mo ako ng eksaktong parte ng talata sa tamang pahina!" "Ako ay pinalaki at natuto sa gawi ng mga sinaunang tao. May mga paraan para makapagbasa ka nang napakabilis ngunit walang makakaligtaan ni isang titik. Tungkol sa Alkemiya ang aklat na iyan. Interesado ka sa larangang yun?" "OO! Naniniwala akong may bagay sa mundo na kung tawagin ay Philosoper's stone! Iyon daw ang natatanging produkto ng Alkemiya na nagagawang ginto ang kahit na anong bagay at magpagaling ng kahit anong karamdaman! Pero mas marami ang naghahangad sa bagay na iyon dahil sa buhay na walang hanggan." Ang segla nelang mag-usap kaso diri na ko nakinig dehel nakakaantok. Inilibot ko na lang ang paningin ko para malibang kehet guti la. Mey napansin akong kakaiba sa parte ng ilog na madadaanan pa lang namin. "Manong anong miron dun?" sabay turo ko ng aking hintuturo. "Yun ba?" nakutoro din se manong sa direksyong tinutukoy ko. Makapal kasi sa banda doon ang hamog. "Ahh... Iniiwasan naming mga tagadito ang sanga na yan ng ilog. Wala ni isa samin ang lumalagpas mula doon sa pananda? yun nakikita mo ba? Yung mahabang poste na may lubid." "Bakit naman manong?" ""Ang sabi sabi ng mga matatanda dito ay doon naglalagi ang isang nakakatakot na halimaw ng tubig. Kung napapansin mo ay iba ang daloy ng kuryente mula doon sa pananda. Kapag hindi taglamig ay kalmado ang bahaging yun ng tubig. Pag lumayo ka pa doon ay hihigupin ka na ng saliwang kuryente ng tubig. Marami na noon ang naaksidente hanggang sa ipinagbawal na ang pagpunta dun." "?Kung ako ang tatanungin, wala namang kakaiba sa parte na yun ng ilog." nakiepal si An'ri. Bagot na bagot na rin segoro seya. "Sinabi ninyo na sanga na iyon at malamang na ang bukana nun ay dagat na. Ang magkaibang temperatura ng dagat at ng ilog ay nagsasalpukan kung kaya't nagkakaroon ng hamog. Ang payapang alon naman ay dahil sa magkaibang lebel ng kuryente. Walang halimaw. Isa lang iyong mito." Tumiim ang ekspresyon ni manong. "Sana ay kaawaan ka ng halimaw sa kabila ng iyong mga pinagsasabi. Matindi siyang magparusa ginoo." Muli kaming tinalo ng katahimikan. Sa papalapit na arko na lang tuloy ako nagpokus. Kulay puti iyon at nagsisilbi ring tulay ang ibabaw. "?Ito na ang upper yard. Ilang sandali pa ay dadaong na tayo sa pantalan." abiso ne manong. Ngayon ku lang napansin ang pagkakaeba ng pinanggalingan namin at netong upper yard. Mas magaganda at malalaki ang mga bahay dinhi. Mayayaman yata ang mga nakatira. Pagdaong namen sa pampang, itinali ne manong ang bangka neya tas isa isa kaming bumaba. May lumapit saming grupo ng mga kalalakihan. May bitbit silang palanquin. Yumukod sela sa harap ne Aphra. "Panginoon, ipinasusundo na po kayo ng inyong ama. Mabuti na lamang pala at mayroon pang namangka kundi ay babagtasin namin ang madulas na daan pababa ng lower yard." anang isa sa mga lalake. "?Patawad kung ginabi na naman ako. Nawili lang ako sa aking pagbabasa kaya nakaligtaan ko na ang oras." Bumaling si Aphra sunod kay manong bangkero. Naglabas seya ng isang tali ng pilak at iniabot yun kay manong. "Iyan na ang kabayaran ko. Kasama na ang pasahe ng dalawang nakisabay sa atin." "Naku maraming salamat po! Maigagawa ko ng mainit na sopas ang aking mga anak kinabukasan!" "?Halika na Kape." walang anu-ano'y denagit ako palayo ni An'ri saktong sasakay na ng palanquin si Aphra. Kinukutuban ako ng masama piro baket kaya? SEGURO DEHEL ALAM NI An'ri ang pangalan ko kahit wala naman akong nisasabi. Nakipagmatigasan ako sa panghehela sakin ni An'ri. Aba'y di naman kame close para utos utosan neya ako! "Tika nga saglit?! Iiwan na lang ba naten yung bata? Di man lang ba natin i-sure kong makauwe ba yun ng balay nela?" "May sumundo sa kanyang mga tauhan ng pamilya nila kaya siguradong makakauwi yun ng ligtas. TARA NA SABI EH!" Dumaan kami sa makikipot na eskinita. Sa sumunod na kanto ay puro mga saradong tindahan naman ang naabutan namen. Kinalungkat ni An'ri yung isang stall ng prutas sa tabi ng kalsada. May nakita siyang mansanas. Ibinato neya yun sakin at nasalo ko naman. "?Sayo na yan. Kainin mo na. Mag-iiwan ako ng ginto dito kaya parang binili ko na rin yan." Nagdadalawang isep ako kung kakainin ko ba. Baka mey lason to eh? Wala talo talo na. Gutom na rin kasi ako. Kinagat ko. Pweh! Ano bang mansanas tu! Tuyot na! "May tiwala ka pala sakin ano? Anong malay mo at baka nilagyan ko yan ng lason." "?Hindi ako basta basta mamatay sa lason." paniniguro ko sa kanya. "Saan mo ba tayo balak pumunta? Saka bakit mo pa ba ako kelangang isama ganitong penoproblema ko kung paano makakaales dito!" "Sa Aklatan tayo unang pumunta. Nang makita ko ang pagpapahalaga ng batang yun sa mga aklat, naging interesado akong bigla sa karunungang itinatago ng Erdan. Ituring mo ang pagsama sakin bilang trabaho. Ang magiging kompensasyon mo ay tutulungan kitang makabalik sa iyong totoong dimensyon." Sasamahan lang seya? Di na masama, basta tutuparen neya ang senabi neyang ibabalik neya ako sa pinanggalingan ko. ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 44th Madness Hio's POV: Fwahaha~ Jinojoke ko lang si Kape. Ang lakas niya kasing mang gudtime eh. Pag ako kausap niya (as Hio) tumutuwid ang dila niya?! Aba'y tangina niya sagad! Ang totoo niyan nawalan na ako ng access sa dimension point ko kaya stuck in a moment kami dito. Pero pinoprocess ko na ang paraan para makaalis siya. Okay lang sana kung ako lang ang nandito tutal may problema ako kay Senri. Nag aalala ako kay pare kasi baka maipit na naman siya. Speaking of Senri, bigla na lang siyang nawala! Parang ilang segundo lang ako na-idle tinamad na siya agad makipag peptalk sakin. Napakaboring na nilalang. "Ano man yun?" itinuro niya ang Allegorde castle na nasa ibabaw ng isang talampas. Sadyang doon ipinatayo sa mataas na lugar ang kastilyo para kahit nasaan ka mang bahagi ng Erdan ay matatanaw mo iyon. Makatawag pansin sa dilim ng gabi ang sari saring kutitap na nag iilluminate sa kastilyo na parang chandelier. Tanda yun na mayroong nagaganap na kasayahan doon ngayon. Ehem... Kailangan kong ibahin ang pitch ng boses ko. "?Yan ang kastilyo ng Allegorde. Isinunod ang pangalan niyan mula sa apelido ng pamilyang dugong-bughaw na namumuno ngayon sa buong Erdan." Marami akong alam tungkol sa Erdan. Binasa ko noon ang isinulat ni Orpheus sa kanyang libro mula mismo sa magic circle ng terra nusquam. Matagal na panahon na kasing wala sakin ang true copy ng libro for two major reasons: pinilas pilas ko yun, at nung maalala ko siyang balikan ay di ko na matagpuan. Isa pa, I don't have the luxury to travel back in time para iretrieve ang libro dahil sobrang hirap gawin ng bagay na yun. Para sa mga di nakakaalam, chambahan ang paglalakbay sa nakaraan. Ang chances ng isang time-traveller na mapadpad sa kailangan niyang timeframe ay 0.00001% lamang. Very RANDOM dre. Mabalik tayo sa pinagsasabi ko kanina, bukod sa makakabuo ka ng isang magic circle kapag pinagdugtong dugtong ang mga pinilas na pahina, gumamit si Orpheus ng isang ancient writing system upang ikwento ang isang istorya. Nito ko lang natapos basahin ang akda sapagkat kakaaral ko pa lamang sa ispesyal na writing system na exclusive lamang sa Erdan. Hindi na yun nag eexist sa tunay na panahon... Ang kwento ay tungkol sa dalawang prinsipe at ang tore ng mapagkunwari. Ang isa sa dalawang prinsipe na yun ay may karapatan sa trono, at ang isa ay ipinagkanulo. Noong unang panahon, hindi magkaanak ang mahal na hari at mahal na reyna. Dahil sa walang tagapagmana ng trono, nanganib ang posisyon ng hari. Isinangguni nila ang kanilang problema sa orakulo ng Erdan. Ang orakulo ay ang pinakamakapangyarihang Alkemiko sa buong kaharian na gumagabay sa namumuno. Maraming nagsasabi na natuklasan na niyon kung paano gagawing ginto ang anumang bagay na solido at kung paano lulunasan ang lahat ng karamdaman. May mga sabi sabi rin na siya ay imortal pagkat hindi siya tumatanda? walang makapagpatunay nun nang direkta sapagkat nakakubli ang mukha ng orakulo kapag humaharap sa madla. Malugod na dininig ng orakulo ang problema ng mag-asawa. Mayroon siyang inihandang gamot para inumin ng reyna at sinabi niya ditong? "Matutupad ang inyong kahilingan ngunit may kapalit iyon." "A-Anong kapalit? Sabihin mo orakulo! Lahat ng naisin mo ay kaya naming ihandog." anang reyna. Tumawa lang ang orakulo sa tinuran ng reyna. "Hindi ko na kailangan ng mga materyal na yaman sapagkat kaya kong magkaroon ng mga yun anumang oras ko naisin!" Nagkunot noo ang reyna. "Ngunit nanghihingi ka ng kapalit!" "?Kapag nagsilang ka ng kambal, ang gusto ko ay ibigay mo sakin ang panganay." "Mahal na orakulo... H-hindi ko maintindihan?" "?Ang mas kailangan ninyo ngayon ay tagapagmana ng trono at hindi anak mahal na reyna..." Dalawang linggo ang lumipas pagkatapos ng itinakdang pagsisiping ng mahal na hari at reyna, nagpakita na sa wakas ng sintomas ng pagbubuntis ang huli. Naging matatag ang mga kapanalig ng hari dahil sa magandang balita. Pagsapit ng taglamig, kung kailan mayroon pang kumakalat na epidemya ay nagsilang ang mahal na reyna. Bagama't inaasahan na nila, laking gulat pa rin ng reyna nang magsilang siya ng kambal na lalake. Ibig sabihin niyon ay isa sa mga sanggol ang kinakailangang ipaubaya sa orakulo na di pa malinaw kung ano ang balak gawin sa walang muwang na paslit. Ang masama pa ay nahulog agad ang loob ng reyna sa panganay na siyang dapat niyang ibigay sa orakulo. Kahit ubos na ang lakas, nagawa pa rin niyang kalungin ang bata. Masigla iyon kumpara sa ikalawa na mukhang sakitin. "?Habang pinagmamasdan kita, naalala ko ang pinakamataas na bundok ng Erdan. Ang tuktok niyon ay hindi pa naaarok ng kahit na sino magpahanggang ngayon. Ang gusto ko ay maging ganun ka sa iyong paglaki... Bagay sayo ang pangalang Zenith..." doon pa lang ay napagpasyahan na ng mahal na reyna na wag tuparin ang napagkasunduan nila ng orakulo. Hahanapan niya iyon ng butas upang masiyasat at maipatapon sa malayong lugar gaya ng Parun. "Mawalang galang na po mahal na reyna... Ngunit gusto ko rin pong marinig ang ngalang ibibigay ninyo sa ikalawang prinsipe!" anang komadrona. Nag isip saglit ang reyna. "?Nababagay sa kanya ang pangalang Zephyr. Banayad na hanging nakapalibot kahit saan? maging doon sa pinakamataas na rurok. Nandito siya sa upang suportahan ang kanyang kapatid na siyang ating magiging hari balang araw!" Wala silang narinig mula sa orakulo kahit pa kalat na ang balita ng pagsilang kaya napalagay ang reyna. Hanggang isang unos ang dumating. Mas mabilis kumalat ang epidemya at isa sa mga natamaan niyon ay ang panganay na prinsipe. "?Ikinalulungkot ko mahal na reyna ngunit hindi nakaligtas ang prinsipe sa bagsik ng nakahahawang epidemya. Lubhang napakataas ng kanyang temperatura kanina. Napakatapang niya... Ni hindi siya umiyan... Pumikit lamang siya." Balak sanang sugurin ng reyna ang doktor ngunit nahawakan siya ng kanyang mga tagasilbi. "NAGSISINUNGALING KA! BUHAY PA ANG MAHAL NA PRINSIPE! MALUSOG SIYA KUMPARA SA KANYANG KAKAMBAL! KAILANGAN LAMANG NIYANG MAINITAN SA BISIG KO! AKINA ANG ANAK KO!" "?Mahal na reyna hindi po maaari! Namatay sa nakahahawang sakit ang prinsipe kung kaya't hindi po pinahihintulutan ang paglapit ninyo sa kanya!" Pinandilatan ng reyna ang kanyang punong tagapaglingkod. "ISA KAPA! BUHAY SI PRINSIPE ZENITH! BAKIT LAHAT KAYO AY NAGSISINUNGALING SAKIN?! KASABWAT BA KAYONG LAHAT NG ORAKULO?! ALAM KONG GUSTO NIYANG ILAYO SAKIN ANG ANAK KO!" "?Mahal na reyna, mag iingat ka sa iyong paratang." walang nakapansin nung biglang kabilang na sa kanila ang orakulo. Nahawi ang mga tagasilbi na parang kalat na winalis habang papalapit ito sa reyna. "Bago ka magsalita, timbangin mo muna ang sitwasyon. Ang nangyari ay kalooban ng langit... Minsan ay malupit siya, lalu na sa mga walang isang salita." "ANONG SINABI MO?! LAPASTANGAN KA SA PANGALAN NG IYONG REYNA!" nagngangalit na sigaw ng mahal na reyna. Ininda lamang iyon ng orakulo. "?Wag mong sayangin ang ikalawang pagkakataon. Alagaan mo ang natirang prinsipe upang pagbayaran ang iyong pagkukulang sa panganay. Yun lamang." Sa bandang huli ay natalo pa rin ng damdamin ang reyna. Nanlulumo siyang bumalik ng kanyang silid. Hindi siya pinayagang makita ang bangkay ng anak upang maiwasan ang hawaan sa loob ng palasyo. Ang tanging nagawa lamang niya ay ang magpabaon ng isang kwintas na may singsing na may batong rubi. Gawa iyon ng isang tanyag na alahero. May kaparis iyon gunit sapiro naman ang bato. Ang sapiro ay para sa hari lamang kaya't di yun maaaring mawala sa palasyo. Naitakda agad agad ang libing ng prinsipe sa labas ng Seinen sa gabi rin mismong iyon. Dala pa rin ng labis na pagdadalamhati at pangungulila, lihim na pinasundan ng reyna ang prusisyon sa kanyang tagasilbi upang masigurong hindi lalapastanganin ang bangkay ni Zenith. Sa pagsunod ng tagasilbi, may natuklasan siya at di niya alam kung makakaya ba niya yun na ikwento sa reyna. Ibinigay ng mga nagpuprusisyon sa naghihintay na orakulo ang ataul ng prinsipe pagdating nila sa tabing ilog! Nang mapag isa ang orakulo ay naglabas ito ng mahabang patalim at ibinaon yun sa ataul! Kitang kita niya ang pagtulo ng dugo patungo sa ilog. Nagkaroon ng di maipaliwanag na aktibidad ang ilog lalo na nung inihagis ng orakulo ang kabaong sa tubig... Ang natuklasang iyon ng tagasilbi ay di na nakarating pa sa mahal na reyna. Naglaho na parang bula ang tagasilbi. Naibaon na lang sa mga misteryo ang nangyaring biglaang pagkamatay ng tunay na tagapagmana... Ngunit isang misteryo ang biglang sumibol sa kaharian. Ang bahagi ng ilog na siyang sanga tungong dagat ay naghamog. Halos wala nang maaninag ang sinumang mapunta doon. Nangunguha rin daw ang mahiwagang hamog ng buhay kaya ipinagbawal na ang pamamangka malapit sa lugar... ?AAAAAAAAAHHHHHHHHHH! "ANO YUN?!" Mula sa di kalayuan ay nakarinig kami ni Kape ng isang matinis na sigaw na parang galing sa isang batang lalake! Inunahan ako ng takbo ni pare bago ko pa man din siya mapigilan! "Kape sandali! PWEDE BA ISIPIN MO NGA MUNA ANG SITWASYON BAGO KA UMAKSYON!" SHIT! Ang bilis niyang tumakbo! Ni hindi ko na nakita ang likod niya. Umakyat ako ng bubong. That way madali kong makikita ang mga nangyayari sa ibaba? Natanaw ko ang ilog at kung ano ang nangyayari sa pampang... Nakita ko rin si Kape. Mabilis akong tumalon at dinagit ko siya para magtago sa pinakamalapit na pader. Sinenyasan ko siyang wag maingay at panoorin lang ang nangyayari... ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 45th Madness Hio's POV: Sigurado akong sa Palanquin nanggaling ang sigaw ngunit tahimik na yun ngayon. Nakakapagtaka lang kung bakit nasa upper yard na kami ay pabalik naman sila ng lower yard. Eh di ba nga nagbangka yung bata para makapunta ng upper yard? "Sundan natin sila Kape pero wag kang lilikha ng kahit na anong ingay." bulong ko. Madali lang ang naging pagsunod namin sa kanila dahil sa unos. Bibihira lamang silang lumingon sa likuran dahil sa malakas ang hangin. Since hindi kami sa ilog, maraming eskinita ang aming dinaanan. Natanaw ko ang malaking arko na nagsisilbing pananda ng hati sa pagitan ng lower yard at upper yard. Parang isang hagdan ng estado kung ituring ang Erdan. Ang mga maliliit at simpleng mamamayan ay sa lower yard lamang; ang mga mayayaman at elitista ay malayang maglabas masok sa upper yard at lower yard; at ang mga maharlika ay naninirahan sa pinakamataas na elevation. Isa iyong alegorya na kapag ikaw ay pinuno ay abot mo ang langit sapagkat ikaw ay iniluklok ng Diyos upang magsilbi sa mga tao. Ilang minuto pa ang lumipas nang maiba ang ruta ng palanquin. Patungo na iyon sa tabing ilog, partikular kung saan may makapal na mist. Nakapagtataka lang ah... Parang may nag aabang yata sa pagdating nila? May mga nakasinding sulo kaya't kitang kita ko kung gaano sila karami... Bigla kong hinila si Kape para makapagtago kami sa likod ng isang gusali. Ang daming tao! Halos buong kabaryohan yata ang nakatunghay sa papalapit na palanquin! Ano kaya ang meron? Lumapit sa isang may edad na ginoo ang binatang nanguna sa paghahatid ng palanquin. "Lord Cilydd, dala na po namin ang inyong panganay na anak." Sumulyap yung tinawag na 'Lord Cilydd' sa batang lalake na katabi niyon. Mas bata yun kumpara dun sa nakasabay namin sa bangka. "Syl, anak... Simula sa araw na ito ay ikaw na ang itinakdang magmamana ng aking titulo balang araw. Ikaw ang panganay na anak ng Cilydd at wala nang iba!" "S-Si kuya Aphra po? Anong mangyayari sa kanya?" maang na tanong ng paslit sa kanyang amang kurimaw. "Panginoon, sa aking palagay ay masyado pang bata si Lord Syl upang maintindihan niya ang kahalagahan ng ating taunang pag aalay! Iminumungkahi kong paalisin siya dito sa lalong madaling panahon!" anang isang matandang babae na may hawak hawak ng isang lumang sledgehammer. Ohhh shit she speaks sledgehammernese! Umiling ang panginoon sabay akbay sa anak niya. "Mas maiging masaksihan niya ang ating pag aalay nang sa gayon ay alam na niya ang kalakaran." Kalakaran?! What the fuck men? Wala akong tiwala sa mga pagmumukha nilang lahat! Parang may gagawin silang hindi maganda o anuman yun! "Binabati ka namin sa iyong pagsasakripisyo Lord Cilydd! Hindi birong desisyon ang pinagdaanan mo para lang magpasyang ibigay ang iyong panganay sa ating bayan! Dahil diyan ay sigurado kong ikaw ay bibiyayaan ng dakilang halimaw ng maalwan at masaganang pamumuhay!" "?Alam ninyo, hindi ko iniisip ang kapalit na yan..." nabasag ang tinig ng panginoon. Naiyak siya at ewan ko kung totoo ba yun. Amplastik, "Pinalaki ako na ang pagsisilbi sa bayan ay mas mahalaga kesa sa anupaman. Kung kinakailangan kong ibigay ang buhay ko ay gagawin ko. Ang ikinalulungkot ko lang ay ang maaga akong iiwan ng mahal kong anak." "Naaawa kami para sa mistress. Marahil ay nagdadalamhati yun ngayon sa inyong manor..." "Wag na kayong mangamba mga kasama. Nandito si Syl para magpalubag ng kanyang loob sa sandaling wala na si Aphra." pagkasabi niyon, hinarap na ng panginoon ang palanquin. "Ilabas na ang ating alay!" Ibinaba ng mga kalalakihan ang palanquin at binuksan iyon. Inilabas nila mula doon ang bata na nakasako ang ulo at nakagapos ang paa't kamay. Yun siguro ang dahilan kung bakit iyon sumigaw kanina. Sumalubsob ang bata sa paahan ng panginoon sapagkat inihagis na lamang ito na parang kakataying baboy. Inalis din ng mga lalake ang sako. "Ama ko, pakiusap iligtas mo ako! M-marami pa akong pangarap sa buhay na gusto kong tuparin! Patutunayan ko sa inyo na karapat dapat ako?" Pak! Tinadyakan ng panginoon ang bata. "Hindi kita anak. Ang anak ko lang ng Cilydd ay ang batang ito." he was referring to the child beside himself. "NGUNIT AMA!" Nag usap sa tingin ang mga tao at ang panginoon. Mayamaya ay nagsilapitan na ang mga may hawak na paukpok doon sa batang si Aphra. "A-Anong gagawin ninyo sakin?!" Naaawa ako. Naisip ko si Aster. Ano na lang ang mararamdaman ko kung nasa kaparehong sitwasyon ang aking anak? "Mga pisting yawa! Patulan ba ang bata?" dinig ko ang himutok ni Kape sa gilid ko. Paglingon ko sa kanya, may hawak na siyang sledgehammer! At ang masama niyan? "NASAAN NA YUNG HAWAK KONG MASO?!" sigaw ng matanda dun sa kabila. Alerto kong hinawakan ang braso ni pare. "Ibaba mo yan Kape. Wag tayong makialam?!" "AAAAAGGGHH! MAAWA KAYO SAKEEEEN?!" Tog! Dog! Pak! Ito ang unang beses na nakasaksi ako ng karumal dumal na gangbang. Dinig na dinig namin ang hiyaw at pamimilipit sa sakit ng bata kasabay ng mga lagutok ng nangagbabaliang buto. Mas lalong naging agitated si Kape. Gumamit ako ng pwersa para pigilan siya. "BITAWAN MO AKO AN'RI!" "Kumalma ka! Hindi natin ito teritoryo kaya maghunus dili ka!" katwiran ko. Galit din ako. Pero naisip kong NANGYARI NA ang lahat ng ito. Tapos na. Isa pang modification sa dimensyong ito ay makasasama lalo sa balanse. "?Manhid ka at walang pakialam! Kung nandito si Hio alam kong ililigtas din niya yong bata!" Tinamaan ako sa mga sinabi ni pare. Hindi pa nga niya siguro ako ganun kakilala. Sa kabila ng pagsisinungaling ko sa kanya at paglilihim nang maraming ulit, sa paningin niya ako yung Hio na nakilala niya maraming taon na ang nakalilipas... Wala na akong pagpipilian. Inilabas ko ang botelya na naglalaman ng sleeping powder na nakuha ko mula kay Ib noon. Bahagya ko lamang iniangat ang takip at nung tumakas sa hangin ang kakaunting pulbos ay biglang bumagsak sa malamig na putikan si pare. Hinila ko siya tas isinandal sa pader. Bumalik ako sa ginagawa kong pagmamanman. By that time, naihagis na nila ang duguan na katawan mg bata sa may ilog. Daig pa niya ang pinikpikang manok sa bugbog na tinamo niya. "?Nasisiguro po naming hindi na makakalangoy pa pabalik ang alay. Makabubuting umalis na tao panginoon at hayaan ang mahal na halimaw na tanggapin ang ating inialay!" Isa isa na ngang nadisperse ang mga tao. Pagkaalis nilang lahat, lumapit ako sa pampang. Visible pa rin yung trail ng dugo sa tubig. Pahaba yun kaya't ang impression ko ay inagos na ang katawan patungo sa misty part. Iniapak ko ang kanang paa ko sa ibabaw ng tubig. Nagform ng thin ice ang surface ng inaapakan ko hanggang sa may tulay na yelo na patungo sa kabilang side. Pinasok ko ang misteryosong hamog out of curiosity. Totoo nga ba talaga ang paniniwala ng mga tagarito na may halimaw? Bakit may pag aalay silang ginagawa para papurihan ang halimaw na yun? Crunnnch! Cruuuuncch! Naalarma ako sa narinig ko. Tunog yun kapag muchong mucho ang isang savage beast. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Wala akong partikular na direksyong tinatahak kaya pakiramdam ko'y paikot ikot na lang ako. Mahirap sundan ang tunog dahil reverberating yun sa buong environment! "PORTA LUCIS!" bakit nga pala ako magtitiis sa kadiliman kung kaya ko namang gumawa ng liwanag? Bumukas ang isang magic circle sa palad ko. Mistulang may hawak akong maliit na araw. Nahawi ang kadiliman pati na rin ang mist na bumabalam sakin. Subalit hindi ako ready sa tanawing tumambad sakin. Nakita ko na sa wakas ang bunganga ng ilog. Sa kasamaang palad ay blocked yun kaya hindi nakakapenetrate palabas ng dagat ang tubig. Sari saring kalansay ang nakasalansan sa mismong bibig ng ilog. Sa tabi niyon ay may nakaupong babae na nakasawsaw ang mga paa sa tubig. Nilalapa niya ang lamang loob ng batang kung iisipin ay nakasabay lang namin kanina sa bangka. "ITIGIL MO ANG GINAGAWA MO!" sigaw ko sa kabila ng kasabihang kapag kumakain ang isang mabangis na hayop ay wag na wag itong gagambalain. Because I'm a boss. Pinanlisikan ako ng mata ng babae. Nagpahid siya ng bibig sabay ngiti. Sayang chix pa naman. "Ikaw ang unang nilalang na nakatunton sa akin dito sa loob ng aking tahanan. Ano ang iyong ipinarito?" "Anong klaseng nilalang ka?" "Ahahaha! Nagpunta ka rito para lamang itanong sakin yan?" "Sagutin mo kung hindi ay katapusan mo na." banta ko. Pinagtawanan pa rin niya ako. "Hahaha? Sa maniwala ka at sa hindi, ako yung tinatawag nilang tadhana, ginoo! Tinutupad ko ang lahat ng pinakatatagong kasakiman at kabuktutan ng isang tao." "Isa ka lamang produkto ng bigong eksperimento. Kinakailangan mo ng Vitae para lang patuloy na mabuhay." Dahil sa huli kong tinuran, napawi ang amusement sa mukha ng babae. "PANGAHAS KA! KINAKAILANGAN MONG MAMATAY!" "Hindi sinasabi yan. Ginagawa. Bakit ka nandito? Sino ang lumikha sayo?" naramdaman ko na naman ang isang pamilyar na presensya sa paligid. Itinaas ng babae ang isa niyang braso at itinuro ang aking likuran. I peered behind my shoulder. Si Orpheus. Nakatayo siya directly sa aking likuran. ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 46th Madness Hio's POV: "IKAW NA NAMAN?!" dumagundong ang napakalakas na boses ni Orpheus. Splish! Paglingon ko sa misteryosang babaeng kinakausap ko kanina, naglaho na lang iyon basta. Di malaman kung lumubog ba sa malamig na tubig o nagteleport sa hangin. "Grr! Pakialamero!" singhal ni Orpheus sabay tinalikuran na niya ako. "TEKA SAGLIT!" habol ko. "Saan ka pupunta?" "Hahanapin kong muli ang babaeng yun! Masyado siyang madulas. Mahuhuli ko na sana siya kung di ka lang nagpunta dito!" ani Orpheus. Balak niyang hulihin ang babaeng yun? Sa anong rason? "?Ikaw ang dahilan kung bakit nabubuhay ang babaeng yun tama ba?" "Hmp." takte inismiran lang ako ni Orpheus sabay larga! Walang gustong magsalita dito. Isa nga naman akong estranghero... Pero yung kwento ni Orpheus?? Yun ba ang nangyari kung bakit existing ang babaeng yun? ||Ang ikalawang kabanata ng istorya ni Orpheus ay patungkol sa ilog. Gaya ng laging pinag aaralan sa kasaysayan, WALANG sibilisasyon ang hindi umusbong sa tabing ilog. Halimbawa na lamang ang ilog Tigris at Euprhates ng Mesopotamia, at ang Nile ng Ehipto. Dito naman, ang ilog ng Erdan ang pinakapuso ng kaharian. Nagbibigay ito ng pagkain, hanapbuhay, transportasyon, patubig sa mga kopra, at pamawi sa init ng araw. Ngunit bukod pa yun sa kung ano ang tunay na kakayahan ng ilog. Ang tubig na nagmumula raw doon ay lunas sa anumang karamdaman. Dahil dun ay sinamba ng mga mamamayan ang dakilang ilog at nangakong walang hanggan papupurihan yaon. Naging interesado ang orakulo sa pag aakalang ito na nga mismo ang kukumpleto sa ikatlong katangian ng Philosoper's stone: ang magpagaling ng kahit na anong karamdaman. Isang gabi ng taglamig ay inialay ng orakulo sa mahal na ilog ang dugo mula sa isang dalisay na katawan? ng isang sanggol. Sa lahat ng kanyang naging pagsisikap ay nabigo ang orakulo na hulihin ang loob ng ispirito ng ilog... Umahon mula sa tubig ang sanggol. Buhay na buhay iyon at umiiyak pa nga. Ang sugat nito sa dibdib ay naghilom na at isa na lamang pilat. Pinagmasdan ng orakulo ang sanggol. Pinagaling ng ilog ang paslit... "Balang araw ay matutuklasan ko rin ang ikinukubling kapangyarihan ng ilog na ito." anang orakulo sa sarili. Isinalok niya ang kanyang mga kamay sa nagyeyelong tubig at inihango ang bata. Mataman niya iyong pinagmasdan. Mainit ang katawan niyon sa kabila ng nosyong naggaling ito sa ilalim ng nagyeyelong tubig. Iingatan niya ang sanggol. Maaaring isang araw ay maging ito ang susi ng kanyang minimithi. Lingid sa orakulo na may umahon pang isang nilalang mula sa ilog pagkaalis niya. Isa iyong babae na napakahaba ang buhok. Umahon iyon sa pampang at dinama ang pinaghalong putik at niyebe sa ilalim ng mga paa nito. "Nagugutom ako..." anito.|| ?Ang halimaw na tinutukoy ng mga tao ay ang babaeng yun tama? Amp me. Di pa ba obvious yun? May kahinaan ang halimaw na tinukoy sa istorya... subalit taglamig ngayon! Waaaaa! Iniwan ko nga pala sa tabi tabi si Kape! Awa naman at wala sa paligid yung babae nang balikan ko si Kape. Humina na ang hangin kaya dahan dahan na lang ang pagbagsak ng mga nyebe. Wait. Teka sandali. May naalala na naman ang aking great mind... Hindi ba't parang may mga konting pinag iba ang mga kaganapan kumpara sa ikinwento sakin ni Senri? Wala siyang nababanggit na prinsipe pala ang inampon ni Orpheus o yung tungkol sa ginamit nito ang bata initially para sa eksperimento niyon! "Nag iisip ka bang mabuti ngayon, An're? Nalilito ka na ba?" Speaking of the ungas, basta may puno, nandun si Senri. Nirerape ng likod niya ang puno ng Cypress na malapit lang sa gusali. Itinuro ko agad ang dalawang daliri ko kay Kape at inulit ang vanishing spell na ginawa ko kanina lang. "Kasintahan mo ba ang binatang yun kaya pinakakaingatan mo nang husto?" "Lul." saksak ko pa sa baga mo si Kape eh. "Hahahaha! Biro lang! Masyado kang seryoso An're." Humakbang ako palapit sa kanya. While doing so, unti unti kong itinaas ang kamay ko. Natulala siya at halos di na makagalaw. Nahagip ng daliri ko ang ilang hibla ng kanyang buhok at agad iyong naglaho. "Magsalita ka Senri. Wag mong ubusin ang pasensya ko. Hindi ako mangingimi sayo lalo na at isa kang Vral." Alam kong natatakot siya pero di niya yun ipinahalata. Ipinikit niya ang mga mata niya para mas lalong hindi ko mahulaan kung ano ang kanyang damdamin sa sandaling ito. "Ang sinabi ko tungkol kay Orpheus ay pawang katotohanan at tanging ako na lang ang nakakaalam na iyon ang tunay na naganap. Sa madaling salita, may bumabago sa mga pangyayari dito sa loob ng Erdan. Binabago niya yun sa kung ano ang kanyang kagustuhan." "May ideya ka ba kung sino?" "Sigurado akong kilala mo na siya An're. Isipin mo lang mabuti..." "Paano niya binabago ang mga pangyayari sa lugar na ito?" CRACK! CRACK! Nagbitak bitak ang katawan ng puno hanggang sa tuluyan na yun na nasira. Pinabilis ni Senri ang panahon ng puno patungo sa oras na nakatakda iyong masira. Sinamantala niya yun para makatakas sakin. Umatras siya ng ilang hakbang at pagkatapos ay naglaho na. May isa pang pasaway na gumagamit ng kapangyarihan sa kapararakan at kailangan kong malaman kung sino yun! **** Aster's POV: Trinace ko yung lumang mapa para maghanap ng daan palabas ng palasyong ito ON-FOOT. Hindi ako mapalagay dito. Basta! Napadpad ako sa isang creepy corridor na may nakasabit na sari saring painting. Paranoid ako sa mga ganitong lugar. I always remember slendy, or baka may chainsaw guy na bigla na lang akong hahabulin. Tinapatan ko ang isang malaking tempera painting. Ang sabi sa mapa ay dito yung entrance pero nung inalis ko yun sa pwesto eh wala naman akong nakitang secret door o passage man lang. It took me sometime bago ko nafigure out na trapdoor pala yung inaapakan ko. Ang galing eh. Hindi halata. Umangat yung pinto nang sinubukan kong pilutin yung maliit na chip ng kahoy na nalaglag mula sa frame ng painting. Ano pa nga ba ang ginawa ko? Pumasok ako sa loob ng trapdoor! Wehehe. Parang ganito yung basement dati ni papa sa rose mansion. Kusang sumindi ang mga sulo. Kinuha ko ang isa para isama sa journey ko dito sa ilalim. Brr... Napakalamig! Ngayon lang ulit ako nakaexperience kung ano ang ginaw? SPLAAAAASH! Uck! Tubig! Hindi ito maaari! NASA SEWER AKO?! FUCK! I don't trust this! Water in the sewer means it's diarrhea and shits! Okay ignore that since basa na rin ang mga paa ko. Wag lang sanang may biglang tatayong zambie mula sa ilalim or hihilahin ang paa ko. I hate water frookers. There were several chambers I saw along the way. Yung iba nakababa ang grills kaya nakadepende dun kung saan ako mapupunta. Para palang maze ang castle sewers. Amazing. Nung makahanap ako ng elevated walkway si akyat agad ako. Then I used another stone stairs. Nailluminate ng sulong hawak ko ang pader. May mga messages doon na isinulat gamit ang dugo. ||Isang sorsero ang nagtungo sa bayan ng Erdan sa pag asang maililigtas niya ang pinakamamahal na anak...|| Natulala ako sa pader. It's not a message. It's more like a story. More writings appeared as I ascended the stairs. ||Ngunit alam ba ng sorsero kung ano ang iniisip ng kanyang anak? Ang nais niyon ay manatili na lamang sa bayan ng Erdan... Habambuhay...|| Ang nais ko ay ang manatili dito habambuhay... I don't see anything wrong with that. Ang buhay ko dito ay hindi kasinsalimuot ng sa dati kong buhay... HUH? WHAT THE FUCK AM I THINKING?! What's written on the wall was seeping through me... ||Ang bayan ng Erdan na minsang inabandona niya, ngayon ay malugod pa rin siyang tinatangkilik. Sa lugar na ito na lamang siya muling nakadama ng kapayapaan.|| AAAARRRGH! TAMA NA! AYOKO NANG MAGBASA! FUCKING LEAVE ME ALONE SILLY BLOOD WRITING! Tinakbo ko ang remaining steps. Huli na ang lahat nang marealize kong may nakatayo pala sa top landing. Nagcollide kami at nadaganan ko pa siya. Yung sulong nabitawan ko ay nalaglag malapit sa uluhan niya kaya naaninag ko ang kanyang mukha. "Binibining Cassiopeia?! Anong ginagawa mo dito?" pati rin ba siya ay naging biktima ng lugar na to? She just smiled. BUT THIS ISN'T THE RIGHT TIME FOR THAT! May sasabihin sana ako kaya lang naudlot nang hawakan niya ang mga labi ko. Malagkit ang mga daliri niya, lasang kalawang? Dugo ba ang nasa kamay niya?! Does that mean? "IKAW ANG NAGSUSULAT SA PADER?!" Lalo niya akong hinila until I lost my remaining balance; until both of us are lying side by side and face to face on the damp floor. "Paano kung sinabi kong hindi ka na makakaalis dito kahit kelan? Magagalit ka ba sakin?" malumanay na tanong ni Cassiopeia. "Ayoko dito dahil nag iisa lang ako." nasabi ko na lang. Ayokong sagutin yung kung magagalit ba ako sa kanya o hindi. Wala pa akong masyadong alam tungkol sa kanya. At mahirap magalit sa mga chix na malalambing. She tried to remove my headdress pero napigilan ko ang kamay niya. Ayokong makita niya ang deterioration ko. It will depress the both of us for sure. But she's persistent. She freed her arm and took off the thing that's obscuring my visage. "Humahanga pa rin ako sayo..." aniya. Saka niya unti unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko. I closed my eyes when she kissed me. It didn't last long. Pagmulat ko ng aking mga mata, I found myself alone again... ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 47th Madness Aster's POV: Tinapos ko ang dulo ng sewer corridor? whatever you call it? just to find myself facing another water adventure. I pushed through anyway. Buti at dun na ako sa pinapasukan ng malinis na tubig. Bumaba ako tas nag-wade sa abot-tuhod na tubig. Sinasaliwa ko ang water current kaya medyo may kabagalan ako nang konti. I passed an arc exit and found myself on a riverbank. Lumayo pa ako tas tiningala ko ang pinanggalingan ko. Pataas ang lupa at malayo na ang kastilyo mula dito. Sa dami ba naman ng baitang na binaba ko talagang makakarating ako nang ganito kalalim. Nang makakita ako ng elevation, humango na ako sa tubig. Inaalala ko ang kundisyon ng katawang ginagamit ko ngayon dahil nga nabasa ako. Baka mapabilis ang decomposition ng mga binti ko! That'll be bloody shit. Humupa na ang unos ngayong oras na ito pero umuulan pa rin ng nyebe. Naakit ako sa mga liwanag mula sa parte na may mga nakatayong gusali. Nagpasya akong magtungo dun. Ito marahil ang eksaktong ginawa ni Zephyr pagkalabas niya mula sa sewer ng kastilyo. Bago pa man ako tuluyang makalayo ay may balakid na naman. Nakaharang ang isang mataas na fence. Sinubukan kong umakyat pero nalaglag lang ako. Wala ang reflexes ko. Nagbakasyon. May keyhole nga wala namang susi! Braaam! Braaam! Inuga uga ko ang grills out of frustration. Ang dami kong bagay na hindi magawa dito! I went too far only to be fucked by this little piece of shit?! There's got to be a key? or a way out! Nanggaling na dito si Zephyr eh! Sinubukan kong mag-scavenge sa halos kalahati ng area na nahaharangan ng gate. Narating ko yung slope kung saan nakasupport yung pinakadulo ng gate. Wala akong nakita kundi pumpon ng lumot, mga patay na sanga, at syempre putik. Frustrated ulit ako! Hinawi ko ang mga yun para sana pagbuntunan ng badtrip pero napatitig ako sa puwang na napansin ko. Siguro kasya ako dun pag sumiksik ako? It wouldn't hurt if I try. Tumagilid ako tas naglakad sideways. Nauna kong inilabas sa opening ang ulo ko, sunod ang torso, and the rest is history. Whew. Nailed it! Sa wakas nakalabas rin! Ipinagpatuloy ko nga ang balak ko na magtungo sa dako roon. Hindi ako aware na townsquare pala yun. This place looks really familiar to me? yung architecture ng mga building ay parang nakita ko na dati. Lalo na yung napakalaking fountain sa pinakagitna ng plaza. May statue sa gilid niyon. Peculiar. Usually nasa center island ng fountain ang mga statues eh. Kakaiba rin yung posture ng statue. Nakatunghay yun sa tubig ng fountain na parang nanalamin. He must be... Narcissus? Lumapit ako sa kanya. Tiningnan ko sa tubig kung ano ba ang reflection na inaaninag ng statue. Naelibs ako dahil may isa pa palang statue sa ilalim pero babae naman at direktang nakatingala yun sa statue na katabi ko. Namangha ako masyado sa statue na nakasubmerge sa ilalim ng tubig. I did spent time only looking at her and? Splaaaash! Napaatras ako sa fountain out of shock! Biglang gumalaw yung tubig! Pati yung statue yata gumalaw eh! Ewan ko di ako sigurado sa kung ano ang nakita ko... "Hahaha~ nagulat ba kita?" isang babae na may mahabang buhok ang umahon mula sa fountain! "Ikaw ba si Sadako?!" I know that's a stupid question. But she's the only freaking girl I know who had a bad habit of emerging out of stagnant water. "?Sino yun? Ang pangalan ko ay Alu mahal na prinsipe, nakalimutan mo na agad? Napakaraming babae na ba ang nagbigay sa iyo ng pangalan at ni hindi mo man lang naalala ang sa akin?" anang babae bago siya tuluyang bumaba ng fountain rim. She was completely drenched. What's up with night swimming? Di ba siya nalalamigan? And what's up with addressing me as the prince? Ibig bang sabihin nun ay magkakilala sila ni Zephyr? Napakamot ako ng ulo. "Ahh pasensya na. Nagiging makakalimutin lang ako nitong nakaraan. Marami akong agam agam lalo na nung bago sumapit ang aking kaarawan." THE ULTIMATE LIE FWAHAHA! "Ganun ba..." tinitingnan niya ako na para bang may ilalabas siyang pagnanasa sakin. Nakakaburaot lang. Hinubad ko ang suot kong doublet. Nilapitan ko siya para ibalabal yun sa kanya. Napatingin ako sa tubig ng fountain. Nandun pa din naman yung babaeng statue. Akala ko lang biglang nabuhay. "Nahulog ka ba dito sa fountain? Saan ang bahay mo? Kinakailangan mo nang magpatuyo dahil baka magkasakit ka?" May kakaiba sa mga paa niya pero sinarili ko lang. Pansin ko lang na parang tunaw na ice cream ang ilang parte ng sakong at toes niya. Puti ang suot niyang kamison. Kahit pa sumisid siya o nagwater-bathing, may mga pulang mantsa akong nakikita. Period? Tumiim ang hitsura ni Alu pero di pa naman siguro ako dapat matakot. "?Totoo nga ang sinabi mong nagiging makakalimutin ka ngayon mahal na prinsipe... Pati ang oras ng ating tipanan ay kinalimutan mo. Akala ko nung makita mo ako mula sa iyong bintana ay pupuntahan mo na ako? subalit pinaghintay mo ako..." bakit parang sinusumbatan niya ako?! DON'T FUCKING TELL ME NA CHIX TO NI ZEPHYR?! God, no. She's way too creepy. Umatras ako mula sa kanya. Hindi ako si Zephyr. I DENY THIS SHITNESS! "Zephyr... Anong nangyayari sayo?! Bakit ka nagkakaganyan? Atsaka maaari mo na bang tanggalin ang tabing sa iyong mukha? Walang ibang tao dito. Walang makakakita sa iyo kundi ako?" Umiwas ako nung nagtangka siyang yakapin ako. Damn woman! Stop freaking me out! Mas prefer ko pa kung si Cerylle ang gumagawa ng ganito! "Aalis na ako..." nagpaalam pa rin ako para di naman ako kabastos bastos. "?Ikaw ang pinili ko kesa sa kanya na binuhay ko... Pero bakit mo ako biglang ginaganito? Lihim mo ba akong sinisisi kung bakit nagpakamatay ang iyong kakambal?" Napilitan akong lingunin si Alu. Gulong gulo na ako. Para akong isang aktor na pinuwersa sa isang role nang wala man lang script. "Kilala mo ang aking kakambal?" Wala akong kakambal so definitely si Zephyr yung meron. "Nakilala mo siya hindi ba? Sinamantala mo ang iyong lihim na kalayaan para lang hanapin ang iyong kakambal... Si Zenith..." Zenith? Hindi ba yun ang pangalang itinawag sakin ni Papa? Kung totoong nagpakamatay si Zenith noon... Does that mean binuhay ako ni papa sa pamamagitan ni Zephyr? Namatay si Zephyr at pagkatapos ay ako ang nagbalik sa kanyang katawan? I'm so FUCKED UP in here! I want my real world back! "Zephyr..." "LUBAYAN MO AKO!" hysterikal kong sigaw? Whip?! All of a sudden biglang gumalaw ang anino ko. Humaba yun hanggang umabot sa kinatatayuan ni Alu. Squawk! Squawk! Lumabas mula sa anino ko ang di mabilang na uwak. Inatake nila si Alu at pinagtutuka. Pilit nitong hinahawi ang mga uwak subalit masyadong marami. SWOOOOOSH! Nadeformed si Alu. Naging shapeless siya gaya ng tubig at tumapon sa pinaghalong putik at nyebe. Sanay na ako sa anything supernatural pero natulala pa rin ako sa bilis ng mga pangyayari. Patay na si?? WHOA! Nanatiling steady ang mahaba kong anino tas may kung sino ang umahon mula doon. Nakatalikod siya sakin eh, like he's ready to go. "Buhay pa ang babae na yun. Hangga't may tubig dito sa Erdan, patuloy siyang mabubuhay. Mag-iingat ka dahil hindi sa lahat ng oras ay may tutulong sayo." He walked oppositely. From there, kumalas nang kusa ang anino niya mula sa sarili kong anino. Sino yung astig na nilalang na yun?! ANGAAAAS! Sayang di ko natanong ang pangalan... Though I have a feeling that I knew him. Malalim na ang gabi... Babalik na ba ako ng palasyo o maglalakwatsa muna? **** "?Nagpasya ang mahal na prinsipe na bumalik na lamang ng palasyo sapagkat napagtanto niyang lubhang mapanganib sa malawak na mundong kailan pa lamang niya nasisilayan. Nais niyang patuloy na mabuhay hangga't hindi pa nabibigyang linaw ang lahat sa kanya..." Drip. Drip. Tama na muna sa ngayon. Naubusan na siya ng salitang ilalagay sa isinusulat niyang nobela. Tok! Tok! Inilapag niya ang duguang pinsel at nilingon ang pintuan. "Milady? Nandiyan po ba kayo?" anang kumatok. "Pumasok ka Arabelle." paanyaya niya sa kanyang tapat na tagapaglingkod. Natutop ng tagasilbi ang bibig pagkakita sa kanya. Naglawa ang dugo sa mesa. Galing iyon mula sa kanyang pulso na ngayon ay naghilom na. Kagyat iyong dumulog para asikasuhin ang kalat na ginawa niya. "Milady, hanggang kelan niyo po ba gagawin ang pagsusulat gamit ang sarili ninyong digo? Baka mapaano po kayo niyan sa hinaharap!" Umiling ka kanya ang kanyang pinagsisilbihan. "Arabelle, ang pagsusulat lamang ang aking tanging kaligayahan sa mundo. Doon ko lamang maipababatid ang aking mga emosyon. Doon ko lamang maaaring angkinin ang mga bagay na nakalaan na para sa iba..." "Pasensya na po kung hindi ko kayo kayang intindihin, milady." "?Ayos lang." inilahad ng dalaga ang duguang braso sa kanyang tagasilbi. Kinuha yun ni Arabelle at sinimulang humurin ang dugo. "Hahaha~Dahan dahan at nakikiliti ako!" pasintabi niya dito. Mayamaya ay isa isa nang iniligpit ni Arabelle ang mga ginamit niya sa pagsusulat. Napansin niyon na ang sinulatan niya ay isang luma at pilas pilas na libro. Hindi nito napigilang bulatlatin ang mga magkakahiwalay na pahina. "Milady... May sulat na pala ito pero bakit pinapatungan mo pa?" Ngumiti siya sa tagasilbi. "Iyan ang pinakamagandang aklat na naisulat. Subalit hindi ako kumbinsido sa ilang bahagi ng kwento kaya naman may mga binabago lamang ako..." Wala na siyang balak bitawan ang Terra Nusquam... Napasubo na siya. Yun lang ang tanging paraan para hindi na mawala pa sakanya ang pinakaaasam niya. ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- A/N: Kung nalilito na po talaga kayo sa mga pangyayari, I meant to delete the whole part 2 and do a new one. Ibig sabihin po ay idedelete ko ang chapters 43-latest at ibahin ko po ang story. 48th Madness Kape's POV: Maul-ol ang ulo ko pagmata ko. Madilim piro may kunting liwanag na galing mola sa nakasindeng gasera. [Maul-ol- masakit, Pagmata- paggising] Yawa paanu ako nakaturog nang nakaupo at nakasandal lang an ulo sa mesa? Di ba nasa gawas kame?! [Gawas- labas] Scratch... Scratch... Eka, tunog yun na parang esang matules na bagay na ikinakaskas sa papel na magaspang? "Wah!" napabalekwas ako pagkakita ko key An'ri na nakaupo sa tapat ko! Nakakatakot baya an maskara neya sa dilem! Kamuntekan ko pang matabig ang gasera sa gulat ko piro maagap seya at mahawakan neya iyon. "Magdahan dahan ka nga! Paano kung masunog ng apoy tong mga papel na katatapos ko lang sulatan?!" hayblad man ini. Dinoro pa ako ng hawak hawak neyang pinsel! "Pasensya naman!" padispinsa ko. "Brr..." sunget neto. De man lang ako penatawad. Anong klasing pagkatao yan?! Tinoloy neya yung kanena pa neya ginagawa. Nagsusulat seya at mahaba haba na ren dahel makapal na yung istak ng papel sa harap ko. "Nasaan na ba tayo yana? Saka ano ba yang ginisulat mo? Otang?" bihera lang ako makakita ng nagsusulat eh. Se dong Heyo pag magsulat man puro lesta ng otang. Sasandaleng nahento sa pagsusulat se An'ri akala ko bubulyawan na naman neya ko. "Nandito tayo ngayon sa aklatan ng Upper yard. Wag kang masyadong maingay dahil sikreto lang ang pagparito natin." aniya. "?Ang isinusulat ko ay isang akda na nabasa ko noon. Isinusulat ko ang eksaktong tekstong nilalaman niyon batay sa aking memorya. Kinakailangan kong tapusin ito bago pa muling magbago ang mga pangyayari..." Napaisep man ako. "De ka ba nagsasayang ng pagod bay? Ih kung naalala mo naman baket ned mo pang isolat?" **** Hio's POV: Paano ko ba maeexplain tong pinagdadaanan ko kay pare? Ang slow pa naman niya, di ba? Taena. Bahala siya. "Basta gusto ko lang magsulat, tapos. Matulog ka na lang kaya ulit? Gigisingin na lang kita pag maayos na ang lahat. Ayoko kasing naaabala ako." "Diri ako makaturog lalo't di ako mapalagay. Nawawala baya kaebigan ko! Eh kong gumawas muna kaya ako saglet tapos saka ako babalik kapag?" Punyemas. MATULOG KA SINABEEEEE! Ginamit ko ulit sa kanya ang aking epic sleeping powder. Dug! Hayun, bumaldog ang ulo niya sa mesa. Maipagpapatuloy ko na rin ang ginagawa ko with UTMOST PEACE! Kinakailangan kong tapusing isulat ang the rest ng akda ni Orpheus bago pa mabago ang katapusan niyon na posibleng mangyari. May hinala akong ang bumabago sa mga nagaganap dito sa loob ng Erdan ay mula sa labas ng dimensyong ito. At base na rin sa aking obserbasyon, ang direktang naiimpluwensyahan ay ang isipan at alaala ng mga nilalang na nandirito? ngunit may catch. Hindi kasama dun ang kapaligiran at mga inanimate objects, unless gamitin ni Senri ang kapangyarihan niya. Nevertheless, nagbabago ang kwento base sa desisyon ng mga tauhan. Ang sinusulat kong ito ang siyang magiging basehan ko ng katotohanan habang nandito ako sa Erdan sakaling may magmanipula sa aking isipan. Atleast may maiiwan akong reference? Bago nagising si Kape kani kanina lang, nasa bahagi na ako ng kwento kung saan inaruga noon ni Orpheus ang batang inialay niya sa ilog? ang prinsipeng si Zenith... || Ang dalawang prinsipe ay lumaki sa magkaibang pamumuhay. Ang panganay na si Zenith, bata pa lang ay sanay na sa hirap. Pagsapit ng edad dose ay ipinaamuhan siya ng orakulo sa punong panday ng lower yard. Kinailangan niyang suongin ang mabibigat na gawain bilang isang panday. Sa pagpapanday kasi nagsisimula ang pagiging Alkemiko. Doon natututunan ang paghahalayhay sa mga iba't ibang uri ng metal at mineral. Itinuro rin kay Zenith ang tamang paggamit ng pwersa at temperatura upang humubog ng isang perpektong sandata. Sa kabilang banda, ang prinsipeng si Zephyr naman ay lumaking sagana at ang lahat ng kanyang naisin ay agad niyang nakukuha. Subalit bata pa lang ay isa lang ang kanyang pinakahahangad; ang pagmamahal ng kanyang ina. Kahit anong sigasig niya ay hindi niya mahuli ang loob nito. Patuloy na nangungulila ang kanyang ina para sa pumanaw niyang kapatid. Nagkaroon si Zephyr ng rebeldeng puso. Pagsapit niya sa edad ng pagbibinata, nagtagumpay siya na mapansin ng kanyang ina, ngunit sa negatibong puna. Parati na'y nagkakasagutan silang dalawa kahit pa sa harap ng mahal na hari... "Iminumungkahi kong magpunta ka sa parada at ipakita mo sa taumbayan ang iyong mukha. Parati ka na lamang nagmumukmok dito sa mansion." utos ng reyna sa prinsipeng tagapagmana isang hapon habang nasa pagpupulong. Inikot ikot ni Zephyr sa kanyang daliri ang singsing na may batong sapiro. Ibinigay iyon sa kanya ng amang hari nang siya ay kilalanin bilang susunod na mauupo sa trono. "Ayoko." nahihikab niyang sagot sa ina. Hindi niya maaaring ipakita ang mukha niya sa madla sapagkat gabi gabi siyang tumatakas ng palabas ng palasyo! May ilang araw pa man din siyang gumala nang walang pandong sa ulo! Nagbulungan na parang mga bubuyog ang mga ministro at pati na ang mga maharlika. Noong nakaraang pulong lamang ay walang pakundangang sinabi ni Zephyr na kapag naupo na siya bilang hari ay sisikapin niyang patalsikin sa trono ang magiging inang reyna. Dahil doon ay naging mainit siya sa mga mata ng mga kaanak at kapanalig ng reyna. "Zephyr, maaari bang sundin mo ang iyong ina kahit ngayon lang? Pakiusap gawin mo ang parada para sakin!" pakiusap sa kanya ng mahal na hari. Ang mahal na hari na lamang ang tanging nakakaintindi sa kanya. Wala na rin siyang kakampi bukod dito kaya naman napahinuhod na rin siya bandang huli. Kinabukasan ng umaga ay ginanap ang kanyang parada. Gaya ng inaasahan ng lahat mula sa kanya, mistula siyang kampon ng kadiliman dahil ang lahat ng suot niya ay itim. Maging ang kanyang karwahe at mga kabayo ay itim. Sinigurado niyang walang makakakita sa kanyang mukha. Tinatamad na siya at hanggang ngayon ay nasa plaza pa rin sila. Saglit niyang nilingon ang mga tao. Napaling ang atensyon niya sa isang binata. Di na niya nailayo pa ang paningin doon sapagkat ipinagtataka niya kung bakit sila magkamukha. Sa unang tingin ay parang nakatitig din iyon sa kanya; ngunit iba pala ang tinitingnan niyon sa kanya? ang kanyang kamay. Ang tanging nakakatawag pansin lang naman sa kamay niya ay yung singsing na sapiro? Itinaas ng binata ang kamay nito kaya nakita niya na may singsing din ito na kaparehas ng kanya, yun nga lang ay rubi naman ang batong nandodoon. Nangunot ang noo ng binata. Parang napapaisip. Mayamaya ay tumalikod na ito at pumasok ng isang eskinita. Hindi napalagay si Zephyr. Kung para sa binata ay nagkataon lang ang kanilang mga singsing, pwes hindi niya mapapalampas ang pagkakaroon nila ng malaking pagkakahawig. Gumawa siya ng paraan upang makatakas sa kanyang mga tagasilbi. "Ihinto ninyo ang parada!" utos niya. "Ano pong problema mahal na prinsipe?" ang tanong ng kanyang punong tagapaglingkod na nakaupo katapat niya. "Gusto kong sumakay sa kabayo." "Ngunit mahal na prinsipe?" Nagkuyom ng palad si Zephyr. Hudyat na yun na dapat na siyang sundin kung hindi ay masasaktan sa kanya ang tagasilbi niya. Bigla na lang siyang nananapak kapag ginusto niya. "Ihinto ninyo ang parada!" sigaw ng punong tagasilbi pagkatapos ay nauna siyang bumaba ng karwahe. Siya ang umalalay sa prinsipe. May humila ng isang kabayo papalapit sa kanya, at may isang umupo para tuntungan niya. Pagkasakay niya ay may dalawang kabalyero ang nakisabay sa kanyang tabi. Ang isa ay may hawak na payong para hindi siya mainitan sa sikat ng araw. Maayos na nagpatuloy ang parada hanggang sa marating nila ang susunod na eskinita? "HYAAAH!" madiing sinipa ni Zephyr sa tagiliran ang kanyang kabayo kaya tumakbo iyon ng napakatulin. Pinalipas muna ni Zephyr ang ilang bloke bago niya iniwan ang kabayo. Sinimulan niyang hanapin ang binata kanina. Paubos na ang pag-asa at pasensya niya nang masumpungan niya ang likod niyon. Pumasok yun sa loob ng isang pagawaan ng mga panday. Pumasok din siya sa pagawaan. "Nasaan na siya! Ilabas niyo!" utos niya sa mga panday na nandoroon. Napukaw niya ang atensyon ng lahat. Lumapit ang isa sa kanya. "Ginoo, ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" magalang itong magtanong sapagkat mamahaling seda ang suot niya, indikasyon na siya ay maharlika. "Yung pumasok dito ngayon lang! Iharap niyo siya sakin ngayundin!" atat niyang utos. "?Ahh si Zenith po ba? Nako nandun po siya sa pugon at nimimintina ang temperatura!" tugon ng panday. Sa pangalan pa lang ay kinukutuban na si Zephyr. Imposbleng mabuhay pa si Zenith! Humanap siya ng daan kung paano makakarating sa likod ng pugon. Paulit ulit siyang tinatawag ng mga panday ngunit hindi siya papipigil. Inilabas niya ang dala niyang sisidlan ng ginto at nagsabog siya sa sahig ng maraming piraso. Di tuloy magkamayaw ang mga panday sa pagpapambuno makakuha lang ng gintong barya. Braaam! Pagbukas niya ng mabigat na pinto, sinalubong siya ng nakakapasong init. Agad niyang hinila ang binatang naabutan niyang naglalagay ng uling sa pugon hanggang sa mapaharap ito sa kanya. Saka niya inalis ang tabing ng mukha niya? "Alam mo ba kung sino ako Zenith?!" tanong ni Zephyr. Marahang tumango ang binata sa kanya. "Oo kilala kita. Matagal na. Palagi kang ikinukwento sakin ng aking ama. Pero ako, malamang na ngayon mo pa lang makikilala..." ... To be continued. ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 49th Madness ... Pagpapatuloy Matamang pinagmamasdan ni Zenith ang kanyang kakambal. Matagal na niyang pinapangarap ang mga sandaling magkaharap sila. Siya dapat ang nasa posisyon nito. Subalit ayaw naman niyang maging isang opisyal. Mahal na niya ang Alkemiya at buong puso niyang tinanggap ang pagpapanday upang mas lalo pang malinang ang kanyang kakayahan... Madalas na napupuno ng poot si Zenith noon kapag nalalaman niya ang katigasan ng ulo at pagpapasaway ni Zephyr sa mga magulang nila. Ang poot na yun ay wala ngayon. Ang tanging naramdaman niya ay ang lungkot ng hungkag na puso ni Zephyr; na para bang naiintidihan niya ang dinaramdam nito. Walang anu ano'y hinaklit ni Zephyr ang maruming kamiseta ni Zenith. "KUNG BUHAY KA AT ALAM MONG KAMI ANG PAMILYA MO, BAKIT HINAYAAN MONG MAGDUSA SI INA?! BAKIT MO AKO HINAYAANG MAGDUSA?!" "Zephyr... Hindi na ako maaaring bumalik pa kahit kelan." aniya. Kalaunan ay binitawan na rin siya ni Zephyr. "Sino ang nag alaga sayo? Bakit ganito ang trabaho mo? Kumakain ka ba ng tama? Nahihirapan ka ba? Inaalipin ka?" sunud sunod na tanong ng nakababatang kambal. Di maiwasang mangiti ni Zenith sa pag aalala nito para sa kapakanan niya. "Mabuti ang aking disposisyon kaya't wag ka nang mag alala." Heeeee—! Napalingon si Zephyr sa pintuan. "Mga kabalyero. Malamang na pinaghahanap na nila ako ngayon. Kailangan ko nang umalis! Magbabalik ako pangako." "Teka—" pigil sa kanya ni Zenith. Pinulot nito ang pamandong sa ulo at iniabot yun sa kanya. "Salamat." ang tanging nasambit ng prinsipe. Magbabalik na sana si Zephyr sa kanyang gawain nang isa isang pumasok ang mga kasamahan niya. "Ang mahal na prinsipe iyon di ba? Ano ang sadya niya sayo?!" tanong ng isang panday na malaki ang katawan. "—Wala. Napagkamalan lamang niya ako." "Kanina ay nagpaagaw yun ng gintong barya para lamang makita ka! Malamang na may ibinigay ang mahal na prinsipe sa iyo na higit pa ang halaga kesa sa ginto!" Dali daling itinago ni Zenith ang kanyang kamay sa likuran niya. Hindi niya isinusuot ang singsing na rubi sa mga ordinaryong araw. Napili lamang niya ang araw na ito dahil sa parada ni Zephyr. Alam niyang suot suot kasi nito ang kabiyak na singsing na sapiro ang bato. "A-Ano bang sinasabi ninyo? Bakit naman ako gagantimpalaan ng mahal na prinsipe!" Lumapit sa kanya ang pinakamaliit na panday sa grupo. "May itinatago siya sa kanyang likuran!" Hindi na nakapalag pa si Zenith nang hilahin nila ang braso niya at sapilitang hinubad ang singsing sa kanyang daliri. "Pangmaharlika ang simbulong ito! At rubi pa ang ginamit! Kung gayon ay ibinigay nga ito sayo ng prinsipe!" "H-HINDI! NAGKAKAMALI KAYO! PAG-AARI KO NA ANG SINGSING NA YAN SIMULA NUNG—" POW! Nabugnot sa malamyang dahilan niya yung panday na malaki ang katawan kaya sinapak siya nito sa panga. Putok ang gilid ng labi niya. "Mga kasamahan, palayasin na natin ang sugapang yan sa pagawaan!" "—Paano ang master kapag dumating?!" "Gawan natin ng paraan!" Dati pa man ay pinagtutulungan na si Zenith ng mga kasamahang panday. Ngunit di niya inaakalang aabot sa ganitong sukat palalayasin na siya ng mga ito! "T-Teka mga kasama, wag niyo naman akong—" Kinaladkad siya ng mga kasamahan palabas ng pandayan. Kamuntikan pa siyang masalubsob sa batong kalsada pagbitaw sa kanya ng mga ito. "LUMAYAS KA NA AT BUMALIK KA NA SA AMAIN MONG HUKLUBAN! WAG KA NANG UMASA NA TATANGGAPIN KA PA NG MASTER! AMBISYOSO!" BAM! Nagsara ang mabigat na pintuan ng pandayan. Kinatok katok niya yun. "Ang singsing ko— pakiusap ibalik niyo sakin yun! Bibigyan ko kayo ng salapi! Kahit magkano ang gusto ninyo basta ibalik niyo lang—" Bumukas ang pinto. Ang akala ni Zenith ay pakikinggan siya ng mga panday sa kanyang bentahe. Napaatras siya pagkakita sa mga ito na armado ng mga mabibigat na sandatang nakamamatay! "Lokohin mo ang ibang tao! Ang isang busabos na gaya mo ay magkakaroon ng sapat na salapi para tumbasan ang halaga ng singsing ng prinsipe? Nababaliw ka na! ALIS NA! PAG NAGMATIGAS KA PA AY LULUMPUHIN KA NAMIN AT ITATAPON SA ILOG!" Bagsak balikat na lumayo sa pandayan si Zenith. Lumura siya ng dugo sa tabi habang palakad lakad. Di niya alam kung saan siya ngayon tutuloy. Parang nanuya pa sa kanya ang langit. Biglang bumuhos ang ulan. Papagalitan siya ng kanyang ama kapag bumalik siya sa Vebar nang hindi pa siya dinidispatsa ng punong panday! Pati ang singsing... Di niya kayang pabayaan yun sa kamay ng iba. Paano na? Sa tabing ilog nagpalipas ng oras si Zenith kahit pa basang basa na siya. Namulot siya ng katamtamang laki ng bato tas initsa sa tubig. Nagpatalun talon ang bato ng apat na ulit. "Alu... Nandiyan ka ba?" parang wala sa sarili niyang kinausap ang ilog. Bata pa lang siya ay nakaramdam na siya ng matinding koneksyon sa ilog, na mas napagtibay nang makilala niya ang isang napakagandang nimpang nagngangalang Alu. Matagal na niya itong itinatangi sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Si Alu ay isang espesyal na nilalang. Nakakapaglakad lamang ito sa lupa pag may tubig ang ilalim ng paa. Mas madalas ay nakasanib lamang ito sa tubig. Para kay Zenith, ang dalaga ay ang ispirito ng ilog na siyang sinasamba ng mga tao. Ang kakaibang fountain sa plaza ay dinisenyo batay sa mito ng nimpa sa ilog ng Erdan. Napakaswerteng maituturing ni Zenith na sa dinami ng tao ay sa kanya pa ito nagpakita. Kaytagal ng hinintay niyang panahon para lang maipagtapat kay Alu ang kanyang damdamin para dito. Tinanggap naman ng nimpa ang kanyang iniluluhog na pag ibig. Magkagayunman ay lihim ang kanilang relasyon. Itinatago iyon ni Zenith sa ama niya na mahigpit siyang pinagbawalang wag na wag lalapit sa ilog ng Erdan... Walang Alu na tumugon sa kanyang tawag. Baka nasa mas malalim na bahagi lamang iyon ng ilog dahil sa ulan. Lumapit si Zenith sa lumang bangka na nakatengga sa isang tabi at inalis ang lubid niyon. Itinulak niya ang bangka saka siya sumakay. "Alu? Nasaan ka?" Di pa nakuntento si Zenith at talagang tumayo pa siya sa bangka. "Saan ka ba naghahanap? Nandito ako..." Napawi ang pag aalala sa mukha ni Zenith; napalitan iyon ng ngiti lalo't narinig na niya ang boses ni Alu. Nang kanyang lingunun ito— "Napaano ka? Bakit ka may bahid ng— dugo?!" mula bibig hanggang talampakan ay punong puno ng dugo si Alu. Ngunit imbes na sumagot ay hinaplos ng dalaga ang sugat sa kanyang labi at bigla siyang hinalikan! Nang maghiwalay ang kanilang labi ay magaling na ang sugat niya. Sunod ay ginagap ni Alu ang kanyang kamay. Namangha siya at nagtaka nang may isinuot iyon sa kanyang palasingsingan. Ang kanyang singsing na may batong rubi. "Paano mo nakuha ito?" kinabahan si Zenith. Umulan nga pala kaya posibleng naglakad sa bayan si Alu. Sinipat niya ang katawan nito at baka sinaktan ito ng mga panday. Wala namang kasugat sugat si Alu... O di kaya—? Gumewang gewang ang bangka sa pagmamadali ni Zenith na marating agad ang pampang. Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay tumalon na siya. "Saan ka pupunta Zenith?" Di na siya nilingon ng binata pagkat kumaripan na iyon ng takbo. Binalikan ni Zenith ang pandayan. Wala na siyang naabutan kundi ang mga walang buhay na katawang nakahandusay sa maalikabok na sahig ng pandaya at naliligo sa dugo. Natutop niya ang bibig kasabay ng di mawaring panlulumo. "BUMALIK ANG PUMASLANG SA MGA PANDAY! NAKITA KO SIYANG PUMASOK SA LOOB!" Naalarma si Zenith sa sigaw na kanyang narinig. Masama sakanya kapag naabutan siya ng mga tao dito! Isang maling desisyon ang dumaan sa harapang pinto. May mga nag aabang na pala doon at handa nang manguyog. Bawat isa ay may dalang mabibigat na pamalo. "Ikaw ang pumaslang sa mga kasamahan mong panday?! Sagad ang iyong kabuktutan! Pagkatapos kang pagmagandahang loob ng punong panday ay iyan pa ang igaganti mo!" Mangangatwiran sana si Zenith kaso ay nakita niya ang duguan niyang braso na nalagyan ni Alu matapos niyong isuot sa kanya ang singsing. Wala siyang takas. Sa kanya nakaturo ang sisi; dahil lahat ng mga kasamahan niya ay namatay liban lang sa kanya— Muli siyang pumasok sa loob ng pandayan. Isa isa niyang hinakbangan ang mga bangkay para marating ang pinto sa likuran ng gusali. Mula dun ay kumaripas na naman siya ng takbo. Di na niya alintana ang pagod na kalamnan basta ang mahalaga ay makalayo siya agad. Tumakbo siya hanggang sa wala nang maaninag na liwanag ang kanyang mga mata— Magkagayunman ay liwanag pa rin ang sumalubong sa kanya. Liwanag na mula sa lamparang hawak hawak ng kanyang amain. Misteryo kung ituring niya ang tunay na anyo niyon. Ni minsan ay hindi niya nakitang nag angat ng pandong sa ulo ang amain. Kagyat siyang lumuhod sa harapan niyon. "Ama, patawarin mo ako... Sumpa man, hindi ako—" Inilahad ng ama niya ang palad nito sa kanya. "Halika na Zenith, umuwi na tayo sa Vebar." "Umuwi? Pero ama, hindi pa ako tapos sa—" "Natutunan mo na ang lahat ng iyong kailangang matutunan kaya naman dapat na nating simulan ang pormal na pag aaral ng Alkemiya." Tango ang tanging isinagot ni Zenith. Malayo ang Vebar sa ilog kahit pa nasa tabing dagat na ito. Ibig sabihin ay hindi niya makikita si Alu hanggang di siya bumabalik ng Seinen; at pihadong bantay sarado siya ngayon ng kanyang ama. Wala pa man din silang paalamanan ni Alu bago sila naghiwalay kanina dahil di inaasahan ang mga nangyari. Nais niyang malaman kung bakit nagawa ni Alu na pumatay... "Zenith, ano pang tinutunganga mo diyan. Umalis na tayo bago pa tayo maabutan ng mga humahabol sayo." ... Itutuloy —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 50th Madness ... Pagpapatuloy Kinagabihan ay binalikan ni Zephyr ang pandayan subalit hindi siya nakalapit man lang doon sapagkat napakarami ng tao, idagdag pa na naroroon ang awtoridad! Nakasilip siya sa maliit ng siwang sa pagitan ng dalawang pesante. Nakita niya mula dun ang punong tagasiyasat na nasa kalagitnaan ng pagtatanong sa isang residente. "—Ang sinasabi mo ay kilala mo kung sino ang pumaslang sa lahat ng panday dito sa pagawaan. Madidiskubre mo ba siya sakaling magkaharap kayo?" Nagkrus ng balikat ang bungal na siyang tinatanong. "Hah! Syempre! Mahirap makalimutan ang mukha ng binatang si Zenith! Aba'y siya kaya ang tampulan ng paghanga ng mga kababaihan dito! Di ko lang talaga sukat akalain na magagawa niya ang isang karumal dumal na krimen!" Sapat na ang narinig ni Zephyr para lumayo siya ng pandayan. Malaki ang pagkakahawig niya kay Zenith kaya hindi na niya maaaring ipakita pa ang mukha sa madla. Ngunit si Zenith? Saan iyon nagtungo? Ginawa nga ba nito ang krimen kaya't nagtatago ito ngayon? Atsaka nangako siyang babalikan ito. Wala ba itong tiwala sa binitawan niyang salita? Kakaisip ay napadpad si Zephyr sa pampang. Napansin niya ang isang lumang bangkang hindi nakagapos at nagpapalutang lutang lamang. Nakasayad ang lubid niyon sa mabatong bahagi ng pampang. Kinuha niya ang lubid at saka hinila ang bangka. Kahit kailan ay hindi pa siya nakakasakay ng isang maliit na bangka bagaman may karanasan na siya sa pagsakay sa pagoda tuwing panahon ng pag aani at sa galyon kapag may paanyaya sa kanya ang mga pinsan mula sa kontinente ng Serion. Ah! Ngayon na ang tamang panahon para maranasan niya ang pagbabangka nang mag isa! Swerteng may munting sagwan na nasa sahig ng bangka. Bahagyang natakot si Zephyr nang ihakbang niya ang isang paa sa loob ng bangka sapagkat gumewang iyon na animo'y mawawalan ng balanse at tataob; ngunit napagtagumpayan naman niya ang pagsakay dito kapagdaka. Ibang iba ang pakiramdam niya sa kanyang pag upo. Ang mundo niya ay biglang lumiit kumpara sa lawak at haba ng katubigan na nasa kanyang harapan. Impit siyang natawa sa sarili habang nagsasagwan. Ni ayaw sumunod sa pagmamaniobra niya ang bangka. Hiningal siya nang husto pagdating niya sa pinakagitna ng ilog. Malapit na pala siya sa misteryosong hamog na iniiwasan ng mga tao. Mas lalong gumanda sa paningin niya ang ilog mula sa kinapepwestohan ng bangka. Direkta kasi doong tumatama ang sinag na nagmumula sa bilog na buwan. Inalis ni Zephyr ang suot niyang gwantes at parang batang kinawkaw ang malinis na tubig. Splash! Splash! Spl—! Napatda siya nung parang may nakita siyang mukha na nakalubog sa ilalim ng tubig! Dilat ang mga mata niyon at nakatitig sa kanya! Nawala sa isip niyang maliit nga lang pala ang espasyo ng sinasakyan niya. Ang malakas na paggalaw niya ay sapat para mapatagilid ang bangka. SPLAAAAASH! Tumilapon siya sa tubig. May kalaliman ang bahaging pinaghulugan niya at ni hindi siya marunong lumangoy! Sino ang maaasahan niyang sasagip sa kanya ngayon?! Bigla niyang naramdaman na dahan dahan siyang umaangat sa tubig. May humihila sa braso niya pataas hanggang sa makaya niyang kumapit sa gilid ng bangka. "Hah— hah— haa—" hinahabol niya ang mga paghingang nawala sa kanya kanina. "Hindi ikaw si Zenith pero... Malaki ang pagkakahawig ninyo." anang boses-babae. Dahil sa gulat ay napabitaw sa gilid ng bangka si Zephyr. Lulubog na naman sana siya sa tubig kung hindi lang nahablot ng babaeng nasa bangka ang kamay niya. Paanong nangyaring may babae nang nakasakay sa bangka?! Pinagmasdan niya iyon. Basang basa ang dalaga na waring kakaahon lang nito mula sa paglalangoy. Ngumiti ang dalaga sabay lahad nito ng kamay sa kanya. "Umahon ka na riyan at baka magkasipon ka pa." Tinanggap ni Zephyr ang pagmamagandang loob ng dalaga. Pinagtulungan nilang maiahon siya sa tubig. Nawawala ang panaklob ni Zephyr sa mukha. Namomorblema tuloy siya sapagkat nakita siya ng dalaga; at ang mas masama pa dun ay kilala nito si Zenith! "Ginoo— wag mo nang takpan pa ang iyong mukha. Ikaw ang pinakamagandang lalake na nakita ko, maniwala ka." "H-Hindi sa ganun..." iiling iling si Zephyr. Dama niya ang pag akyat ng dugo sa kanyang pisngi. Ito kasi ang unang pagkakataong may nakaharap siyang babae nang sobrang lapit sa kanya. "Kalat na sa bayan ang tungkol sa pagpaslang at ang itinuturong salarin ay su Zenith. Hindi kita isusuplong dahil lang sa magkamukha kayo. Ano nga pala ang iyong pangalan? Magkapatid nga ba kayo ni Zenith?" Marahang tumango si Zephyr. "Magkapatid nga kami, ngunit hindi iyon maaaring ihayag sa madla. Kapwa kami may pinoprotektahang buhay. Ang pangalan ko ay Zephyr." "Naku!" bahagyang yumukod ang dalaga. "Ang iyong pangalan— Ikaw ang mahal na prinsipe? Kung hindi ay di ka mangangahas na gamitin ang pangalang iyan... Patawad po sa aking kawalang galang! Ako po si Alu, ang inyong abang lingkod." Nag iisa lamang si Zephyr na nagmamay ari ng kanyang pangalan sa buong Erdan. Ang mga kapangalan niya bago siya isilang ay sapilitang pinagpapalit ng pangalan; at ang sinumang magtatangkang gumamit pa niyon ay mapaparusahan. "Alu..." inulit sambitin ni Zephyr ang pangalan ng dalaga. Napakaganda... Kasing ganda ng napakaamo nitong mukha. Gusto pa niyang makilala ng lubos si Alu... **** Hio's POV: Trahedya na ang mga susunod na kabanatang isusulat ko pa lamang sana. Limang taon ang nakalipas bago nagbalik ng Seinen si Zenith. Sa loob ng limang taon na iyon ay nagkamabutihan ang nimpang si Alu at ang prinsipeng si Zephyr. Walang lakas ng loob si Zenith para kunin ang kaligayahan ng dalawang nilalang na pareho niyang pinahahalagahan; subalit hindi rin naman niya kayang tagalan ang kalungkutang lumalamon sa kanyang buong pagkatao. Isang gabi ay napagpasyahan niyang wakasan na ang lahat. Tinapos niya ang paghihirap niya nang wala siyang itinirang kahit ano. Winasak niya ang sarili niyang katawan at kaluluwa gamit ang kapangyarihan ng sinaunang Alkemiya. Dinamdam ni Orpheus ang pagkawala ni Zenith. Marami pa sana siyang pangarap para sa kanyang anak anakan na nasilaw lang ng pag ibig at naduwag sa kapatid. Maging si Orpheus mismo ay nagpabulag din sa bugso ng kanyang damdamin. Isinisi niya ang trahedya ni Zenith kay Zephyr. Umabot ang lahat ng iyon sa puntong gumawa siya ng paraan para mamatay si Zephyr. Ang mga marka sa mukha at katawan ni Orpheus ay ang mismong engkantasyon na ginamit niya upang hugutin muli pabalik dito sa Erdan si Zenith; sa pamamagitan ng patay na katawan ni Zephyr. Sa kasamaang palad, mali ang kaluluwang nadala dito dahil wala na nga si Zenith. Kapag naglaro nga naman ang kapalaran oo... Hawak ngayon ni Orpheus ang aking anak. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi puro pagkakamali ang mga gawa ni Orpheus— Sa bandang huli na lamang niya narealize iyon. Nakalagay sa katapusan ng kanyang akda ang lahat ng kanyang mga pagsisisi— || Sa wakas ay narating ko na ang tinatawag nilang 'Tore ng Mapagkunwari'. Ang mga napupunta rito ay nagiging imortal, nalalaman ang lahat ng wika, at nagiging makapangyarihan... Ako ay nasa pinakamataas na bahagi ng tore. Mula dito ay tanaw ko ang libu libong nilalang na nakatingin sakin. Maaari kong sabihing pag aari ko sila at pag aari nila ako. Nandito ako upang maghintay. Maghintay hanggang sa maulit muli ang mga nararapat na mangyari. Sintensya ko yun sa aking sarili para sa aking mga pagkakasala sa nakaraan. Ikaw na matagumpay na nakapagbasa ng aking akda... Nakapunta ka na rin ba sa lugar na kinatatayuan ko?|| Kinilabutan ako nang maalala ko ang Epilogo. Ngayon lang siya nagka-sense para sakin... Ang 'Tore ng Mapagkunwari' ay nagrerefer sa monarkiya ng mga bampira. Nasa pinakamataas na bahagi siya ng tore at ang ibig sabihin niyon ay siya ang nasa pinakamataas na ranggo. Nakapunta na rin ba ako sa kinalalagyan niya? Oo. Naupo ako sa parehong trono na minsan ay inupuan niya... Alam ba niya kung sino ako sa umpisa pa lang? Malamang... REAAAAAP! Pinilas pilas ko rin sa bandang huli ang napakaraming pahina na naisulat ko na. Kung ito ay kasaysayan, hangal na ako kung uulitin ko uli ito. Alam ko na ang mangyayari at mabuburaot lang ako pag wala akong ginawa kontra dun! Kailangan maging parallel ang lahat! Kailangang masira ng Erdan. Kailangang mawala dito si Orpheus, at kailangan niyang maging— Binuhat ko si Kape kahit ambigat niya. We'll do plan B. Kung anu anong style na ang ginawa ko sa paglalakad makarating lang kami nang mabilis sa pampang malapit dun sa may mist. Mula sa lower yard kung saan itinapon ni Senri yung susing ipinagkatiwala ko sa kanya dati, siguro by now ay inanod na yun dito. Alam kong itatapon niya talaga yung susi sa ilog— na inaabangan ko talagang gawin niya. It's a bluff and at the same time, truth. Ang susing yun nga talaga ang paraan para makaalis dito sa Erdan. Bakit? Isang uri iyon ng power channel na kapag naactivate ay hihigop ng napakalakas na enerhiya. Matagal ko na siyang dinedevelop at ngayon ko pa lang siguro gagamitin. Kakailanganin ko ng stable power source para makagawa ng bagong dimension point dahil nasira na yung akin. Ang kukunan ko ng kapangyarihan ay ang sentro ng Erdan— na walang iba kundi ang ilog. Kapag nasira ko ang terra nusquam ngayon, maibabalik ko pa nga ba yun sa dati o hahayaan ko na lang na tuluyan na iyong maglaho? It never existed in the first place... —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 51st Madness Aster's POV: Hinagod ko ang aking binti. Naging masangsang ang amoy niyon at lalo pang nag iba ang kulay. Nakakuha ako pati ng ilang uod sa parteng natutuklap na ang balat. Subok na ang sikmura ko sa mga nakakadiri dahil halos araw araw akong nakakaengkwentro ng mga undead... Pero itong nangyayari mismo sa ginagamit kong katawan?! SHIT ITO! Nababadtrip na naman ako! Kailangan ko ng diversion! Nagtungo ako sa may bintana para pagmasdan sana ang tanawin. Nakatawag pansin sakin ang formation ng mabigat na ulap sa kalangitan pagdungaw ko. Ang pinakasentro nun ay nasa isang bahagi ng ilog. Mayroon akong hindi maipaliwanag na urge para magpunta run kaya naman inulit ko ang pagdaan sa trapdoor at sa sewer, maging sa fence. Palakas nang palakas ang hangin habang papalapit ako sa tabing ilog, waring may nagbabadya na namang unos. I saw a man in a black cloak. Nakatayo siya sa pinaka edge ng pampang habang nasa tabi niya ang isang walang malay na lalake, probably his victim. I'm dead sure na siya ang dahilan ng disturbance dito! Don't fucking trust black cloaks. They define evil men. Napansin agad niya ako. Paglingon niya, nakamaskara pala siya. Kumislot siya and then I realized he's advancing towards me! Namamanhid ang mga limbs ko. I can't run, nor even move! Ang bilis pa naman niyang kumilos na para bang wala siyang paa o walang gravity underneath him, like he's moonwalking. Nag islide lang yung laylayan ng cloak niya sa snow. "Aster, wag kang maalarma sakin! Tutulungan kita!" aniya pagkahawak niya sa mga balikat ko. Nabobosesan ko yata siya? O masyado lang akong agitated? SAWAKAS MAY TUMAWAG NA RIN SAKIN SA TOTOO KONG PANGALAN! He finally took off his mask— and sad to say, siya si Papa. His face is clear. Walang kahit na anong vandalism. But seriously, WALA na talaga akong tiwala sa pagmumukha ni Papa. Putcha pati mukha niya napa-pirate na these days! "BITAWAN MO SI ZENITH! IMPOSTOR!" someone shouted behind me. When I looked at my back, nandun si papa na may mga marka sa katawan. Aaaaarghhh I'm so confused now. "Anak ko ang batang ito at siya ay iyong apo. Ama pakiusap, wag mo na siyang pahirapan pa." WHAT THE FUCK?! "TUMIGIL KA! AT WAG MO AKONG MATAWAG TAWAG NA AMA!" Akala ko hanggang mamaya pa matatapos ang sagutan nila. Biglang hinawakan ni papa (the one in front of me) ang leeg ko. Then he uttered something I could not comprehend. "Ibabalik kita Aster. Nakakita na ako ng katawan para sayo. Kapag hindi ako nakasunod, wag mo na akong hanapin. Alagaan mong mabuti ang mama at kapatid mo." Bakit parang... namamaalam na siya?! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Biglang umikot ang paningin ko. My vision blurred. I passed out without even having a single clue as to what's going on. **** Hio's POV: Nasa akin na ang kaluluwa ni Aster. Hudyat na yun para wakasan na ang kwentong binuo ng malungkot na imahinasyon ng aking ama. Itinaas ko ang kamay ko sa direksyon ng ilog. "DIMITTE!" Yumanig ang kalupaan. Naging bayolente ang agos ng tubig. Ang agos ay nagmula sa hilaga at timog; nagsalpukan yun sa harapan ko mismo. Umangat papataas ang tubig ngunit hindi na iyon muling bumagsak sapagkat naging kristal na iyon nang tuluyan— "AAAAAAAHHHHHHHHHH—!" dinig na dinig namin ang panaghoy ng nilalang na inaakala nilang isang 'nimpa'. Subalit sa katotohanan ay isa iyong diablo ng tubig. Nabubuhay ito sa pamamagitan ng pagkain sa buhay at kaluluwa ng mga tao. Ginagamit lang niya ang maamo at kaakit akit niyang pisikal na anyo upang magpaibig at makapanlinlang... Siguro nga ay umibig siya nang tapat sa mga prinsipe; subalit ang existence ng isang gaya niya ay hindi ko mapahihintulutan sapagkat isa siyang salot na nakakadamage sa takbo ng oras at dimensyon. May karapatan siyang mabuhay gaya ng kapantay na karapatan nating lahat. Iyon ay kung mapapatay muna niya ako. Nagkagulo ang mga tao sa Kapitolyo kahit pa gabi. Mga nagsipaglikas sila palabas ng Seinen. Crack! Crack! Nagbibitak bitak pati ang kalangitan. Umaangat ang ilang bahagi ng lupa, kumikidlat, lumilindol, umuulan ng tipak ng yelo— ito ang total destruction ng isang dimensyon, ang pagsasama sama ng mga elemento at ang pag eexpel ng mga bagay na hindi kabilang sa kanila. Ginagamit ko ang kapangyarihan ng diablo ng tubig na nakakulong ngayon sa kristal na tore upang maging posible ang delubyong ito. "ITIGIL MO ANG PAGWASAK SA AKING MUNDO!" nanlilisik ang mga mata ni Orpheus. Pumihit ako palapit sa kanya. Nalito lamang ako sa mga pangyayari. Ngayon ay naiintindihan ko na na hindi naman talaga siya si Orpheus. Lagi kasi akong nag iisip in the hard way... yun pala ay alam ko na ang sagot at hindi ko lang binibigyang pansin dahil ang focus ko lagi ay nasa mabibigat na bagay. Sorry naman. Minsan nagiging engot din ang mga gwapo. Ang totoong Orpheus ay hindi napadpad sa mundong ito kahit kelan; at ni hindi nag aral ng Alkemiya. Nagiging makatotohanan lang ang lahat ng kanyang mga sinasabi at ikinukwento dahil sa kapangyarihan ng kanyang musika. Naalala kong tinugtog ko nga pala noon ang musika sa unang pahina ng kanyang aklat... Nahalina ako sa musikang iyon kung kaya't naniwala ako na totoo talaga ang terra nusquam. Ngunit ang katotohanan ay ako talaga ang siyang lumikha niyon. Naging desperado ako noon sa pag asang maisasalba ako sa aking pag iisa at kalungkutan. Ako ang nagbigay ng kalkulasyon, sukat, at kapangyarihan sa magic circle na kung tutuusin ay wala namang ibang kahulugan. Ang Orpheus na nandito sa Erdan ay isa lamang alaala... Alaala ng kanyang poot at galit habang nasa monarkiya. "Orpheus..." usal ko sa harapan niya. Marami sana akong gustong sabihin sa kanya. Shy lang ako. Wehehe. Inextend ko ang kamay ko para mahawakan siya ngunit nadeformed bigla ang katawan niya— nagsplit at naging mga puting kalapati na lumipad sa himpapawid. "Papa isa na naman ba itong pagsubok mo?" Hays... Lagi na lang niya akong nabibiktima. Nasaan na kaya siya ngayon? Natatawa ba siya dahil napagtitripan pa rin niya ang anak niya kahit sa kabilang buhay? Di naman siguro. Ahh mayroon pa pala akong kailangang gawin... **** Kape's POV: "Kape, gumising ka!" Me yumuyugyog sakin— "Ano man?! Sarap tulog eh!" "LINTEK! GISENG NAAA!" aguy nabingi man ako sa sigaw! Pagkamolat ko, nasa ibang lugar na naman ako! Nabalek ako sa madilem na kwarto na tinatawag nilang dimension point at kasama ko na se dong! Seguro nagsawa na sakin se An'ri at nebalik na rin neya ko dini. Mula dito, lam kong makakabalik na kami sa aning logar. Ginusot ko ang aking buhok bago ako tumayo. "Babalek na ba tayo?" Itinuro ne dong ang isang pinto sa gawing kanan. "Daan yan patungo sa ating totoong mundo. Magmadali ka na!" Pinontahan ko ang pinto piro de ko binoksan. Diri kasi nasunod sakin se dong. "Ikaw? Bat nandiyan ka lang?" Mayamaya biglang yumanig. De ko alam kung saan ako kakapit. Ang nahawakan ko ay yung doorknoB. Nagbitak bitak man kehet madilem! "DONG HALIKA NA DIDI!" "Hindi. Kailangan kong manatili dito. Ako ang humahawak sa buong lugar na to. Pag pumasok ka sa loob, mawawala agad ang pintong yan. Pag ako ang nauna sayo, maiiwan ka dito at mamamatay kasama ng pagguho ng dimension point na ito. Sa madaling salita, ikaw lang ang aalis." "Pero—" hindi maaari yun! Binalya neya ako at siya ang nagbukas ng pinto. "May ipagagawa ako sayo. Sa sandaling magkaroon ka ng muwang, ang gusto ko ay hukayin mo ang pinaka unang puntod na makikita mo. Madaliin mo ang paghuhukay at siguraduhin mong walang ibang makakakita sayo." pagkasabi neya nun, hinatak neya ako at itinulak sa pinto. Bumulusok ako pababa ngunit de ko makita kong saan ako babagsak! **** Hio's POV: Dahil tuluyan nang gumuho ang aking dimension point, wala akong choice kundi ang bumalik sa nasisirang Erdan. Nagpakita na rin si Senri. Tiningala ko siya dahil nakatayo siya sa tuktok ng kristal na tore. Sambakol ang mukha niya at wala na siyang balak itago ang kanyang disappointment. "Tss... Nalaman mo kung saan ko itinatago ang aking katawan! Ano ang balak mong gawin?!" "Wag kang masyadong magalit sakin Senri. Wala akong balak na masama sayo. Parurusahan lang kita dahil napakapasaway mong bata. Sisiguraduhin kong hinding hindi mo na mababawi ang tunay mong katawan." "Sinusubukan mo ba ako?!" naningkit ang mga mata niya sa galit. Tumalon siya mula sa tuktok ng kristal. Bigla siyang nawala sa kalagitnaan ng kanyang free-falling. Hindi ko inaasahan ang muli niyang pagpapakita sa harapan ko mismo. Mapanganib ang dumikit sa kanya pero hindi ko na naiwasan nang hawakan niya ang kamay ko. "Nakakapaglakbay ka nga sa iba't ibang dimensyon... Kaya sa panahon naman kita ililigaw! Humanda ka!" Mabilis na nagpalit ang kulay ng kanyang mata, kasimbilis ng pag epekto ng kanyang kapangyarihan. Tila huminto ang oras sa paligid namin. Nang bitawan niya ang aking kamay, nawalan ako ng panimbang at nahulog sa isang malalim na abyss. Natauhan na lang ako without any idea when and how. Nakasandal ako sa may gilid ng poste ng ipinapatayo naming chapel sa manor dito sa Eruditas at— BAKIT AKO NANDITO? Sumilip ako sa altar. Di pala ako nag iisa dito. Nandito din si Shall... Nakatunghay siya sa lalakeng nakahiga sa sahig. Natutop ko ang bibig ko. Ibinagsak ako ni Senri sa nakaraan siyam na taon na ang nakalilipas. —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- PART 3: ANG KATAWAN NI SENRI 52nd Madness Kape's POV: Uhn... Namalayan ko na lang ang sarile kong nakatayo sa gitna ng esang burol. Nag iisa lang ako gihap piro may isang puntod sa harap ko. "Dong?!" hain na hiya? De ba sabi niya hukayin ko man ang puntod?! At agad agad? Anu mangyayare pag di ko henukay? Bahagya akong yumuko para tingnan sa limang kros ang pangalan ng nakalibing at— "WAAAAAH! YAWAAAA!" napaupo ako sa damuhan dehel sa subrang gulat! Mi umahong kamay mola sa ilalim ng lupa! Hinuhukay nung kamay yong lupa. Nakakatakot baya! Parang yong napapanuod ko sa mga hurur! Ih piro sabe ne dong hukayin ko daw— "DONG EKAW BA YAN?!" ay nakabaon pa pala sa ilalem ang bibig neya. PALA! Ned ko ng pala! Pag sumbi tong ginihukay ko, ay pukpok seya! Nang magkaruon ako ng pala, sinimolan ko na ang paghuhukay! Piro niiwasan ko ang paligid ng kamay ah! Nakakaanim na iskup pa lang ako, umangat ang malakeng bahagi ng lupa tas mi umahon. Ubo seya ng ubo na daeg pa may TB. "Hah... Hah... A-Ang hirap pala p-pag matagal nang h-hindi humi-h-hinga ang katawan..." Penagmasdan ko seya pag-angat neya ng kanyang ulo. Ang payat payat neya grabi! SAKA WARAY SEYANG MOKHA?! MAY GAD! Miron seyang ulo piro bat naman tenapyas ang balat ng mokha neya? Ang makita na lang sa mukha neya ay bungo! Heeeh sumbi nga seya! Henawakan ko nang maige ang pala ko. Pupukpokin ko na seya! "Oh tito, ikaw ba yan?! Wala kang ipinagbago ah? Bagets ka pa rin! Magkaedad na nga tayo oh!" sabi sakin ng sumbi. "Agoy wag mo nga akong nasaring at wala akong kamag anak na sumbi!" Whack—! Hinataw ko sa kanya ang dulo ng hawak kong pala piro napigilan neya yon ng kamay neya. "Hindi ako undead. Ako si Aster tito." Si Aster man? Paano? **** Aster's POV: I did have a hard time waking up inside a closed space and finding myself buried six feet under! Ang hirap kayang hukayin ang sarili ko! Dahil siguro sa sugat ng katawang ito kung bakit nahihirapan akong kumilos. Di ko alam kung gaano kalaki ang sugat, yet I can feel it. Gumagapang ang sakit and I can hear the friction on my flesh. I just assumed I have several big lacerations. So this is gonna be my body from now on huh... Kung ako lang ang masusunod, gusto ko pa ring bumalik sa totoo kong katawan... But that's probably infested and wasted by now. Ang magagawa ko na lang ay balikan at sirain na ang katawang yun bago pa magamit ng mga Vral. Pulling upward was a big deal. Itiniis ko ang mga tipak ng lupa na napupunta sa mata ko. It seens like I have no eyelids kaya di ko maikurap ang mga mata ko. Habang ginagawa ko ang lahat ang kaya ko para maiahon ang sarili ko sa ilalim ng lupa, napakiramdaman kong hindi ako nag iisa. May tumutulong sakin na mapabilis ang paghuhukay. Hahayaan ko muna kung sino yun. Kung kalaban man, I'll deal with him/her/it later. Hula ko isang infected yun na nag iscavenge lang ng makakain. Dahil nga malakas ang kutob kong undead ang tumutulong saking maghukay, gumamit na ako ng pwersa para tuluyan nang makaahon.Itinulak ko nang pataas ang lahat ng lupang nasa harap ko! Umubo ako nang umubo para iexpel ang mga alikabok sa baga ko, kung meron pa akong baga. I tried to suck all the air around me, if that's freaking possible. Ang sarap sa pakiramdam yung makahinga ka ulit ng hangin knowing I'm back to the real world. After that, I heard a girly scream. Natumba sa damuhan yung tumulong sakin. Takot na takot pa siya akala mo— sandali... NAMUMUKHAAN KO SIYA! I DEFINITELY KNEW HIM! Si tito Kape... Yung best friend ni papa. Kape, Kape... It makes me wonder kung bakit yun ang pangalan niya. He had a weird mother. "Oh tito, ikaw ba yan?! Wala kang ipinagbago ah? Bagets ka pa rin! Magkaedad na nga tayo oh!" sabi ko sa kanya. "Agoy wag mo nga akong nasaring at wala akong kamag anak na sumbi!" wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Iassume na lang nating ang equivalent ng sinabi niya ay 'HU U'. Whack—! Whoops! Balak niya akong hampasin ng pala! Buti na lang maagap ako! Akala niya siguro undead ako. "Hindi ako undead. Ako si Aster tito." okay magpapakilala na ako para wala nang further misunderstanding pa dito. "Ikaw si Aster ga?" he asked with obviously super stupid confused face! Alam kong kababawan pero natuwa ako dahil may prefix pa ring 'ga' pag tinatawag niya ang pangalan ko. Tinanong ko yun sa kanya dati. Ano ba ang ibig sabihin nun? Pag binuo yun, 'pangga' or 'langga' which is an endearment. Para ka na ring tinawag na 'mahal'. I am beloved as a child. Hindi lang si papa yung nagmamahal sakin, kasama pati yung mga nagmamahal din sa kanya. Yet I feel so guilty dahil nagkaganito ako. I'm supposed to be good as everyone might expect... "Ako nga po ito tito... I'm—" I pondered. Ito na ba yung sinasabi ni papa na maibabalik na niya ako sa real world? Kaninong katawan nga pala ito?! Wag sanang bangkay na naagnas nanaman! I looked around the place. Pamilyar itong burol na to sakin... Palagi akong nagpupunta dito para dalawin ang puntod na— My head is cracking up like nuts! Itong katawang ito ang palagi kong dinadalaw noon sa di ko malamang kadahilanan! Sinuri ko ang sarili ko. Sobrang payat ko na halos dumikit na ang balat sa buto. Nakasuot ako ng puting yukata. Tumitibok ang puso ko nang pakiramdaman ko yun. Buhay ang katawan na ito; hindi rin infected. Sunod ay inalis ko ang sash ng yukata at tiningnan ang sugat na kanina ko pa nararamdaman. It had five lacerations on the left side of my torso. Tagos yun hanggang likod at abut abot sa braso. Feeling ko nga machochopped na ang katawang ito kung hindi lang pinagdugtong dugtong ng mga obvious stitches... Any powerful movements can make this wound bleed so much. Wala lang ngayon dahil tuyot ang katawan. I need blood. I definitely should go to a hospital. Alam na alam ko kung sino ang may ganitong klase ng sugat... Si Senri... May ganun na talaga siya nung dumating ako sa mga Vral. I don't have the slightest idea how he acquired that. Bawal iyon pag usapan. Pero may narinig ako isang beses. May sumpa si Senri. Ang sugat na meron siya ay dadalhin niya habang nabubuhay siya. Hindi iyon maghihilom kahit kailan. Madalas lang na nakahiga si Senri sa kanyang kwarto at nakasakay naman sa wheelchair kapag lalabas. Mas madalas siyang nakasandal sa kahit anong pwede niyang sandalan, and as much as possible ay iniiwasan niya ang kahit na anong movements. When I happened to look at his face, all I can see was his agony and jealousy. We all know he can't live normally with that kind of wound. I saw him bleed to death one time. Kinabukasan, hindi na namin siya nakita. Ang sabi namatay na raw siya. Later that night, nablack out ako. Nasumpungan ko na lang ang sarili kong nasa isang malayong burol at nasa harap ng isang walang pangalang puntod. May mga putik sa kamay ko noon pero hindi na ako naging curious. Umalis ako sa mansion ng mga Vral nang walang paalam kaya malamang na napakabigat ng parusa ko kapag may nakahuli saking nasa labas. Yun na lang ang narerecall ko... "—Ga, bakit wala kang mokha? Hain naponta?" ibinalik ko ang atensyon ko kay tito, pretty much after his boggling question. Agad dumapo ang mga palad ko sa aking mukha... I can feel hardness... In fact direcho kong nahawakan ang mga ngipin ko. The reason why I can't close my eyes earlier is because I don't have any eyelids! Tito is fucking right! I'm faceless! Hindi pwede to. Kulang sa maintenance tong katawan na to! Kailangan kong gumawa ng paraan! "Halika na tito, samahan mo ako sa ospital!" yaya ko. "O-Ospital?" "TARA NAAAA—!" tumayo na ako tas hinila ko rin siya patayo. Napakagaang dalhin ng katawang ito. Parang yung gravity ko ay pang-moon. I can float and jump, jump and float... Arrrghhh sugat kooo! Kabisado ko ang pasikot sikot na daan pagbaba ng burol na to. Pagkatapos dumaan ng hamlet ay Area 1 na. Walang matinong ospital sa Area 1. Ang kailangan kong puntahan ay ospital ng mga tao. I'm sure there were several vampire doctors there na pwede akong tulungan. Pera pera na lang ang usapan. Area 1 was the hardest part. Nagkalat ang mga undead kung saan saan. Luckily for us, nakascout ako ng isang XRM with keys and little gas. Pinulot ko yung helmet na nakatengga sa kalsada. May lamat na yung eyeshield pero useable pa naman. I need cover eh. I mounted the motorbike. "Angkas ka na tito dali at nandiyan na ang mga undead!" Dali dali naman siyang tumalima at umangkas sa likod. Tae kung kelan ready na kami saka naman ayaw magstart ng engine! WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM IGNITION? DON'T FUCK WITH US RIGHT NOW! Nandiyan na ang mga undead! Malas! BANG! Kachink! Hineadshot ni tito yung pinakamalapit na undead gamit ang hawak niyang shotgun. Where'd he get that?! Cool! "Paspasan mo na yan ga, ako na bahala sa mga makolit na sumbing to!" he said while reloading. Ang cool lang talaga. Paano siya nagka-ammo? Mamaya na ang mangha! Start the engine! Start the engine! Come on babes—! Ang motorbike, parang babae din daw yan, kailangan ng konting himas para bumigay! So ayun, hinawakan ko ang tagiliran... Gumana ka XRM baby bago kami papakin ng mga undead dito~ Vrooooom—! Ayun ayun! Ang galing ko talaga. Pinaharurot ko na ang motorbike. My eyes are fixed at the barricade of undeads ahead of us. "TITO KUMAPIT KA NG MAIGI OK? WAG KANG BIBITAW DAHIL PAG NAHULOG KA, TAPOS TAYONG DALAWA!" He nodded. Huminga ako ng malalim. I braced myself. Hindi na ako yung gaya ng dati na chicken lang ang pagtakas sa mga undead. This body I'm using should be handled with extra care. VROOOOOMMM! I drove the motorbike straight. Tumalsik ang mga undead na nauna kong binangga. Maraming kamay ang kumuyog samin sa gilid. Good thing at vampire din si tito. He can keep shooting the undeads without falling off behind because he can command his gravity. Milagro nga sigurong maituturing na nalagpasan namin ang mga undead nang hindi kami nakakagat. Safe na ang next phase namin kasi wala na akong nakikitang undead. Naipon na sila dun sa pinanggalingan namin. Papalabas na kami ng main gate nang mapalingon ako sa gilid ko. Malayo siya pero kitang kita ko yung original body ko. It was walking randomly. Mas naging horrendous yun kumpara nung iniwan ko. Pwede nang ipanlaban sa katawan ni Revelation. Saglit kong iprineno ang motorbike para mas mapagmasdan ko pa ang tunay kong katawan. In a split second, parang tumingin siya sakin. Babalik ako. Babalikan ko ang katawan ko. I'll turn it into ashes. Definitely. "Ga? Ano imong prublema? Bakit tayo huminto?" "Ahh wala. Tayo na tito." —— direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 53rd Madness Aster's POV: Pagdating namin sa emergency ng isang ospital sa human community, lumundag agad ako sa may empty stretcher na nakatengga sa isang tabi at nagtaklob ng kumot na puti. Si tito yung tumulak ng stretcher pagkatapos. "DONG IMIRGINSI!" kamuntikan na akong matawa nung narinig ko na isinigaw yan ni tito. "Bisaya ka kuya?" anang isang unfamiliar voice. Must be a hospital staff. "OO NA LAGE!" uhh ohh mukhang iritable na si tito. May nag angat sa kumot na nakatakip sakin. Yung hospital staff yun. Iiling iling siya habang pinagmamasdan ako tas nagscribble siya sa hawak niyang clipboard. Ibinalik din niya agad sa dati ang kumot ko. "Sigurado po bang emergency yan ha kuya? Bangkay na yata yang dinala mo dito eh! Baka may dala dala pa yang sakit na nakakahawa!" "Ih de ba kaya nga kame nagponta dini ay para epagamot seya?" nice one tito! Sige ipaglaban mo ang barangay natin! "Oo na nga lang..." After that, I didn't hear them talk anymore. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang tunog ng gulong ng stretcher. "?Kuya dito na lang po kayo ha? Bawal kasi pumasok sa loob ang hindi authorized eh. Pasensya na. Maghintay ka na lang dun sa reception area." Tlaaak! I just knew a door swung open. Medyo naging dim, then the motion of my stretcher stopped. Another swung of the door and now I think I'm alone here. Bumalikwas ako ng bangon sa kabila ng iniinda kong sugat na kanina pa nilalabasan ng pus. Heck, hindi ako nag iisa dito. May isa pang stretcher na katabi ng sakin. May nakahiga dun at nakatalukbong ng kumot. Pero bago ko siya usisain, inilibot ko muna ang paningin ko. Ang mga pader sa silid na ito ay rows ng mga steel drawer cabinet. Tumayo ako tas nilapitan ko yung nasa aking left side. I pried open one drawer at isang itim na body bag ang tumambad sakin. Di ko na kailangan pang makita kung ano ang laman nun. Oh shit. This is a morgue! Bakit ba pumayag si tito na dito ako dalhin ng ungas na staff na yun?! Binalikan ko yung stretcher kanina. Hinila ko yung kumot mula sa ulo niya pababa sa dibdib? Hell wait... Alam ko kung sino ang impakto na to ah? Si Haru... Yung vocalist ng Seventh? Malamig na siya. May ilang oras na siyang patay! Pero bat ganun? Ang lambot pa rin ng balat niya? Sinuri ko pa ang bangkay niya nang maigi. Ang una kong napansin ay ang peklat niya sa palad. Parang pirma yun. Well uso naman yung colloid scars as tattoo. Ang sunod na nakita ko ay bite mark sa leeg niya. Some amateur vampire did it. Tinamaan ng pangil ang carotid nerve na napaka-vital sa humans. He just died of blood loss. Poor thing. Tlaaak! Bumukas bigla ang double door. Masyadong huli na ang lahat para bumalik pa ako sa stretcher. Isang matangkad na lalake ang pumasok. Nakasuot siya ng white overcoat; therefore siya ay isang doktor. His eyes are shining red in the dimness. "Ano ang pangalan mo?" tanong niya agad pagkasara sa pinto. "Parapa." my instinct told me to give him a fake name but I am surprised at what I just picked: pangalan ng asong kumakanta sa isang video game. Ngumiti siya nang makahulugan. "You have a weird mother." komento pa niya. LOL. It's not my mother's fault! "Ikaw, sino ka? Anong pangalan mo?" pag mabantot ang pangalan niya, I'll bash him like a boss! "Hindi na mahalaga ang mga yun. Tapos na ang consultation natin." aniya tas may isinulat siya sa dala niyang clipboard. "Consultation?" hey I'm confused! Lumapit siya sakin at sa stretcher bago niya iniabot ang papel na sinulatan niya. I can see a lot of zeroes dre. "Yan ang halaga ng magagastos mo para sa iyong mukha at sa dugo. Yung sugat sa katawan mo, wala akong magagawa tungkol diyan." Is that it?! "?Wag kang mag alala sakin. Lahat ng impormasyon tungkol sa aking mga nagiging pasyente ay nananatiling confidential." Mas lalo akong nawalan ng tiwala sa kanya nung sinabi niya yun. Yet I need his help. Saka ko na lang siguro iintindihin yung mga complications. "Sige na. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon." "Pupuntahan ka dito ng nurse ko. Pakiramdaman mo lang ako kung saan ako pupunta? dadalhin ko na ang bangkay na yan." "At bakit?!" "?Gagamitin ko ang mukha niya para ilagay sayo." "WHAAAAT?!" ARE YOU FUCKING KIDDING ME?! NO WAY! Inilagay ng doktor ang hintuturo niya sa gitna ng mga labi niya, a sign telling me to shut up. "Sobrang tagal nang namahinga ang katawan na yan. Sa dami ng nawalang tissues at cells, at sa grabe ng sugat mo, you are far from regeneration, unless magsagawa tayo ng transplant." "Eh! Ayoko ng mukha niya!" protesta ko sabay turo sa bangkay, "Ang hinahabol lang natin ngayon ay maging functional ka. Pwede ka namang magpaplastic surgery sa iba pagkatapos." naniningkit na ang mga mata niya. He's obviously getting irritable with me. "Okay po sige. Let's do it." "Hantayin mo ang nurse, maliwanag?" so ayun nga, nauna siyang lumabas kasama yung stretcher. Mayamaya ay dumating na yung nurse na sinasabi niya. May dala yun na wheelchair. Naupo ako dun tas tunalukbungan niya ako ng puting tela. Tahimik paglabas namin ng pasilyo. Ang tanging naririnig ko lang ay yung yabag ng mga paa ni nurse at yung gulong ng wheelchair. May nakasalubong kami pagliko. Yung chix yon ni pareng Kan. Ano kaya business nun dito sa hospital? We crossed a junction. I saw the members of Seventh. Umiiyak sila sa harap ng isang lalaking nakaitim. Nakatalikod sa view ko yung lalaking yun pero parang pamilyar sakin ang tindig niya... Parang kagaya nung sa lalakeng nag?shoo kay Alu dun sa Erdan... "?Manager, paano na ang Seventh nito?" "Kagabi lang kainuman pa namin ang loko na yun eh!" Hindi nagsasalita yung 'manager' na supposedly dapat ay kinocomfort sila. Nagulat ako nung bahagya iyong lumingon sa gawi namin. Isa na namang pamilyar na mukha ang nakita ko. Si tito Div. Matagal ko na siyang hindi nakikita pero recognized ko pa rin siya. Whoa siya pala ang manager ng Seventh? BAT DI NIYA SINASABI?! Kandahaba ang leeg ko sa paglingon kay tito Div nung makatawid na kami ng tuluyan ni Nurse. Marami pa kaming nilikuan. We took the long way bago namin narating ang room space ni mad doctor. Iniiwasan kasi ni nurse yung mga corridor na may tao. Naghihintay na samin si doktor. "Dito tayo." yaya niya. He opened another door behind him. Mukhang isang miniature operating room sa loob, at mas malamig. Ang nakahiga sa operating table ay yung bangkay. Ako, as is na dito sa wheelchair. Pretty much later on, kung saan saan ako tinurukan ni nurse ng IV para sa blood transfusion. Iniscalpel ni dok yung mukha ni Haru. Shitbrix. Di ako makapaniwalang papayag ako sa ganito. "Maswerte ka at hindi pa firm ang muscles ng isang to. Mahirap talagang makahanap ng immediate replacement, unless kikidnap tayo ng random human." ani dok. He's talking despite of his face mask. "Ginagawa niyo yun sa mga tao?" "Oo. Madalas." walang kagatol gatol niyang sagot. Ang tindi din pala nito ni dok. Mabilis lang ang proseso ng ginawa niyang operasyon sakin. Ni hindi ko kinailangan ng anesthesia. Basta isinalpak niya na lang sa mukha ko yung dissected meat mula kay dead Haru. Walang ginamit na sinulid at karayom si dok. Dinampi lang siya sa mukha ko ang barehand niya. Sobrang init nun pero ramdam kong parang unti unting nabubuhay yung aking mukha. "Isa kang healer, tama?" tanong ko. Nagagalaw ko na yung labi na hindi naman talaga sakin. "Oo. Bihira na lang ang healer ngayon, lalo na nung nagsimulang maghari harian ang mga necromancer. Pinapaslang nila ang mga kagaya ko dahil sa kabaligtaran ng kapangyarihan namin ang kapangyarihan nila?" "Sigurado ka bang wala ka nang magagawang paraan dito sa mga sugat ko sa katawan?" Sunod sunod ang kanyang tango. "Wala talaga. Kung ordinaryong sumpa yan, maaaring mapagaling yan. Ngunit yan ay isang sumpa ng namatay na bampira. May mga sumpang nagiging makapangyarihan at imortal lalo na kapag pinagtibay ng kamatayan. Sino ba kasi ang nakaaway ng Senri na to at ginang bang nang husto ang katawan niya? Now I have to deal with it! Hinintay ko lang na matapos ang blood transfusion ko bago kami nag usap about payments. Lumabas ako ng private room niya nang nakawheelchair pa rin at tulak tulak ulit ni nurse. Takte ayokong gumalaw. Parang bubulwak ang sugat ko anytime. "Hahanapin na lang natin ang tito ko tapos pwede mo na akong iwan." abiso ko sa nurse kasi nakakahiya naman sa kanya. Nadaanan ulit namin yung junction kung saan ko nasumpungan kanina si tito Div. Wala nang tao dun. Gusto ko siyang makausap sana. Tss... Sayang. Nakita rin namin si tito Kape sa may lobby. Kinawayan ko siya pero dineadma niya ako. Bumaling na lang ulit ako kay nurse. "Lapitan natin yung lalake na yun." "Seno kayo?" "Tito, si Aster ako." Nanlaki ang mga mata niya. "Weh?!" Bahagya kong ibinaba hanggang dibdib ang suot kong operating gown para ipakita sa kanya yung sugat ko na alam kong nakita niya kanina. "Tara na tito. Kailangan kong makipagkita kay mama." One thing I like about tito is hindi na kailangan sa kanya ng maraming paliwanagan. He just accept and accept things. Pero isang araw baka ikapahamak niya ang ganun. Nagpasalamat ako sa nurse tas si tito na yung nagtulak sa wheelchair ko. Paexit na kami nang may humarang samin. It's none other than Kan's girl... ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- Dito ko na lang ito ipopost kahit sa past na ito nangyari. :) marami pa akong gagawing gaya nito kapag nireedit ko ang formad 1. relieve the gaguhan moments. Happy V-day mga ka-madness! Valentine's Special Hey mom Why didn't you tell me... Why didn't you teach me a thing or two You just let me go out into the world You never thought to share what you knew... Pagkatapos ni manika kantahin ang intro, sinabayan siya ni pareng Kape sa chorus: I walk under a bus, I got hit by a train Keep falling in love which is kinda the same I sunk out at sea, crash my car, gone insane And it felt so good... I wanna do it again Ang ganda ng blend ng boses nila. Minsan nagseselos ako dito kay Kape kasi siya lang ang bukod-tanging gustong back up ni Shall. Ano bang mali sa boses ko?! Haaaa? Nakakadamage ba ng vocal chords ang maya't mayang pagmumura ng putang ina?! Lol. Hey mom Why didn't you warn me... Napatitig ako kay manika. Taena... Sobrang ikli ng suot niyang palda. Nakakadisappoint lang. Hindi ko siya masilipan dito sa pwesto ko. ...Coz about boys there's something I should have known They're like chocolate cakes, like cigarettes I know they're bad for me But I just can't leave them alone Ang sarap ng kanta na to. Parang tong pagkahumaling ko kay Shall... Yeah, relate ako sa second stanza na to. Mabuhay ang mga yosi boys! SO I WALK UNDER A BUS I GOT HIT BY A TRAIN KEEP FALLING IN LOVE WHICH IS KINDA THE SAME I SUNK OUT AT SEA, CRASH MY CAR, GONE INSANE AND IT FELT SO GOOD I WANNA DO IT AGAIN... Pwede kong gawin yung nasa kanta. Dumaan sa ilalim ng bus at nahagip ng tren. WUHOOO ANGAS~ I wanna do it again... HEY! It felt so good! Hey mom... Since we're talking What was it like when you were young? Has the world change or is it still the same? A man can kill and still be the sweetest love... Under a bus I got hit by a train Keep falling in love which is kinda the same I sunk out a sea, crash my car, gone insane And it felt so good... I wanna do it again "WEEEEE FORMAD KAKILIIIIG~!" dati lalake lang ang marami dito sa bar, ngayon dominating na ulit ang mga babaeng nakikipagpuyatan samin. Ang pogi ko talaga. Dinadayo. Bangis. Biglang sumigaw yung grupo ng chix sa harap. "KAPE?! FAN MO KAMING LAHAT!" PUTANG INA NIYONG LAHAT! Buong akala ko pa naman hakot ko kayo! Pinapahiya niyo ko dito ee! Nanuyo ang lalamunan ko sa stress sa kanila. Iniabot ko na lang yung energy drink na kanina pa inaabot ng isang fan. Hanep ni hindi siya nangalay. Pagkabukas ko ng takip, inagaw ni manika sakin yung bote tas siya yung uminom; tas ipinasa niya kay Kape. TANGINA PAINOM! Kinuwelyohan akong bigla ni manika tas kinaladkad pababa ng backstage. "Tapos na ang live bakit ka pa magtatagal sa stage?" mataray mode activated. "Baka gusto kong magpasalamat sa fans. Ganun siguro madam?" PAK! Pinaslang niya ang panga ko sa lakas ng sampal niya sakin. Isang misteryo kung paano naabot ng pandakekak na to ang pisngi ko! "ANO NA NAMANG GINAWA KO?!" Irap lang ang isinagot niya tas nagpunta siya sa corner niya at nagligpit ng gamit. "?Una na ko." tinapik ni Noir ang likod ko tas nilagpasan niya ako. "Si Kape bat di pa nababa dito?" tanong ko sa kanya bago siya lumabas ng pinto. Ininguso lang niya yung direksyon ng pinanggalingan niya. Sumilip ako sa stage pero wala nang tao. Ang magaling na chubibo nagpapaputakte na sa mga chix! Tlaaak?! Paglingon ko kay manika, palabas na siya ng backstage. "UUY MANIKA WAG MO NAMAN AKONG IWAN!" Feb. 14 na pala ngayon dahil pasado alauna na. Idedate ko to para makascore! Binilisan ko ang lakad ko. May kamuntikan pa akong mabunggo sa hallway. Ang dami niyang hawak na bote ng beer di man lang nilagay sa bucket o case. "Pare tulungan na kita diyan." sabi ko sabay kuha sa kanya ng dalawang bote. "Sige pare salamat!" Saliwa pala ang direksyong pupuntahan niya kaya I changed my mind. Hindi ko na siya sinundan. Dun ako sa exit tangay yung bote. Homeward na si manika ni hindi man lang nanghintay! Nahabol ko naman siya nung tumakbo ako. "Oh..." iniabot ko sa kanya yung isang beer na galing nenok. Paasik niyang tinanggap yun at tinungga. "Wag ka namang magalit sakin oh. Di mo ba alam new year? este valentine's day ngayon?" "SO?!" naniningkit niyang tanong. "So magkulong tayo sa kwarto MO." technically kwarto ko yun. Kaso pag sinabi kong 'akin' yun, bubugbugin na naman niya ako. Pihadong maooverwrite nito yung mga pasa kong hindi pa gumagaling. "Bakla ka di ba?! Kaya bakit ang hilig mo sa?" dinutdot niya ng dalawang beses ang hintuturo niya sa braso ko. Kami ni Kape ang nagturo nun sa kanya. Ewan ko ba sa babaeng to kung bakit niya ginagawang isyu yung gawa gawang relasyon namin ni Noir ngayong kami na. Lahat na lang pinagseselosan. Pati yata brief ko pinagseselosan. "Marahil ay totoo nga yang iyong paratang. Subalit nung makilala kita, binuhay mo ang natutulog kong pagkalalake!" "Makatang pulpol." I'm out of ideas. Hehe. Badtrip talaga siya sakin at bukas pa expiration nun. Malamang dahil lang to sa inabot kong Gatorade mula sa fan kanina. Pakyu Gatorade. Malugi sana kayo. Nagsindi na lang ako ng yosi para maging busy habang naglalakad kame pauwi. Kung alam ko lang na ganito kalala ang mood niya sana nagtagal pa ako dun sa bar. Pagdating namin sa apartment, pinauna ko siyang umakyat ng hagdan. Uuy nice view! Nasilipan ko rin! Bat kaya ang lakas ng thrill factor kapag nakakasilip ka? Yung parang kinakabahan ka pa. Pagdating niya sa top landing, naupo lang siya dun. MAS LALONG GUMANDA ANG VIEW. CRASH! Amp binato niya sakin yung hawak niyang bote ng beer! Buti na lang magaling ako sa dodge. "ANONG TINITINGIN TINGIN MO DIYAN?! HALIKA DITO UMUPO KA SA TABI KO!" Sinunod ko ang inuutos ni boss. Umakyat din ako ng hagdan. Sumandal siya sakin pagkaupo ko. TANGINA naghahanap lang pala siya ng sandalan. "Hay bakit ba lagi ko na lang nararamdaman na isang araw lolokohin mo ako or ipagpapalit sa ibang babae?" she mumbled. Di na lang ako sumagot. Ppag ganyan ang mga sinasabi niya no comment ako. Pero kahit kelan wala pa akong nilolokong babae. Naloloka lang sila dahil ang macho ko, ang gwapo ko at ang talino ko. Wehehe! "?Naibigay ko na ang puso ko at pati na ang sarili ko sayo. Wala naman akong hihingiin sayo kung sakali kundi anak." "Bata pa ako." katwiran ko. "?Matanda na ako." aniya. Tss... Ageless naman siya eh. Pag magkasama kami nakakalimutan kong tatlumpung taon ang tanda niya sakin. Magnanay na kami kung tutuusin. Hoho?! Takte kinilabutan ako dun ah. "Natatakot ka ba sa hinaharap?" naglakas loob akong magtanong sa kanya. "Kung saka sakaling ikasal ako kay Medea?" Kaagad siyang tumango. Dahan dahan akong umakbay sa kanya. "Alam mo, madalas kong napapanaginipan na masaya tayo..." "Talaga?" medyo na-uplift siya sa sinabi ko. Ang panaginip daw kasi ang kadalasang salamin ng hinaharap para sa mga bampira lalo na ng mga prinsipe, prinsesa, reyna, at hari. Pero nagsinungaling ako. Madalas akong magkaroon ng panaginip nitong mga nakaraan. Puro bangungot ang mga yun at palaging nagsisimula sa eksena kung saan nakaupo ako sa pinakamataas na trono. Di na yata galit si Shall. Hinalikan niya ako eh. Tangina oh, kung nasa kwarto lang kami nito? FLASH! Ano yun?! Naghiwalay kami ni manika. Nasa baba si pareng Kape na hawak hawak ang galaxy niya at nakamuwestra samin. EXCITE NA EXCITE ang pagmumukha ni gago. Aasarin na naman ako niyan pustahan. "DONG MARONONG NA AKONG GUMAMET NG KAMIRA! TINUDLUAN AKO NG MGA CHEKS SA BAR!" PUTAPETE KA KAPEEE! ILANG BESES KO NANG DINEDEMO SAYO KUNG PAANO GAGAMITIN ANG CAMERA NG GALAXY MO HINDI MO PA RIN PALA FULLY UNDERSTOOD?! INABALA MO PA ANG HALIKAN NAMIN?! "Tingin nga ng picture!" buburahin ko lang yung kuha namin ni manika. Nakakahiya baka me makakitang chix, sabihin taken na ako. Makecarry over na naman kay Kape yun. CANNOT BE! Ang bilis ng karma. Nadulas ako pagtayo ko. Gumulong ako pababa ng hagdan! "Araaaay putanginang hagdan na yan! Di pa mawala eh!" iika ika tuloy akong lumapit kay pare. "Ih pag wala tayong hagdan, diri tayo makaakyat ha balay." Nga naman. May point dun si pareng Kape. Pero mabalik tayo. Inisnatch ko yung phone niya at tiningnan isa isa yung mga pictures? Nung una nangunot ang noo ko. Sunod, nangingiti na ako sa mga nakikita ko. "Ito pareng Kape, ang kinis oh. Nakuha mo ba number niyan?" "Ehem..." tumikhim si manika na nasa harap na pala namin! Nakakatakot ang aura niya kaya wala kaming palag nung kinuha niya sakin yung phone ni Kape. "MGA BASTOS!" sigaw niya pagkatapos niyang kalkalin ang phone. Alam na. Napaatraas na kami ni pare. "TAKBO KAPE TAKBO!" tinulak tulak ko si Kape. Nagtatakbo nga si gago. Pero ako di gumalaw sa pwesto. Ayos lang kung bubugbugin na naman ako ni manika. Let's get it on! Pagpihit ko saka bigla akong niyakap ni manika. Ang cozy. May ibinulong pa nga siya sakin eh. "Happy Valentine's day, mahal ko." ?? direk_whamba ??????????????????????????????????????????- 54th Madness Asha's POV: Nakatulog ang prince ko habang nakaupo siya sa armchair at nagbabasa ng isang libro. Ilang araw nang watak ang bandang ForMad. Wala si Cerylle, si Fait, at si Aster. Nakahang ang landline at nakapatay ang phone ni Kan. Hindi rin kami dumadaan sa front door kapag lalabas ng penthouse; precautions para iwasan ang makulit nilang manager na kulang na lang ay pakuluan sila sa dami ng nacancel nilang meet-and-greet at lives. Nalaglag yung librong nasa kandungan ng Prince Kan. Kumilos ako at pinulot yun. Di ko mapigilang tumingala sa mukha niya. I really really love him. I'm his' and that's what I've been living for... yet hindi pa rin buo. There's this part of me na left behind dahil sa isang bagay na di ko magawa noon. Pero kayang kaya ko na ngayon. Tumayo ako and then I lightly touched his cheek. "I'm going... I'll be back before you wake up." Nagbukas ako ng bintana. Tumalon ako mula dun para makalabas ng tower. Marami nang transitions ang nangyari simula nung maging isa na rin akong vampire. Nariyang sanay na ako sa fast motions, and free falls. I went into another condominium tower na madalas kong puntahan noon. Nilagpasan ko ang receptionist sa lobby at nagtuloy tuloy papuntang tube elevator. "?Himala! Hindi yata siya nakapostura ngayon?" kahit malayo na ako, dinig na dinig ko ang bulungan sa reception counter. They knew me well. I've been here load of times. I glanced at what I'm wearing. Plain white mini dress and a flat doll shoes. Am I not that fashionable to them? I don't care. I'm forever young naman eh. Ting! Bumaba ako sa 12fth floor. Lumakad ako pakaliwa at nilagpasan ang dalawang pinto. I stopped at the third. Nakalock yung pinto pero nabuksan ko yun sa isang tulakan lang, yun nga lang nasira ko yata yung lock. Tahimik sa loob. Ibig sabihin, walang inuman, himala. Diredirecho ako hanggang sa sala. Di na ako nag abalang buksan ang ilaw. Mas maganda pa nga siguro ang ganitong dimness. Nakiramdam ako. I'm hearing footsteps. He's here. Do I need to hide?? Crash! May nabasag na chinaware. Nabitawan kasi yun ng taong kagagaling lang sa kitchen. "A-Asha? Ikaw ba yan?" I forced a smile. "Ako nga Haru..." Hinubad ko ang suot kong shoes. I walked barefooted towards him and trampled on the shards of broken teacup. "OY BAKA MASUGATAN KA NIYAN!" he chided me. "Baka masugatan ako? Why bother care? Wala ka namang pakialam kung masaktan ako di ba?" It's all coming back to me. Kung patay na ako, I'm not gonna be able to talk to him like this. Wala talagang kwenta ang kamatayan ko if ever my prince didn't save me. "Asha... Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako." he whispered. "I can forgive you. Isa lang naman ang gusto kong gawin mo. Please die." "Huh?!" oh well. Natural na magugulat siya. In this damned world, dalawa lang ang lalakeng importante sakin; excluded si daddy dun. My lover, and my bestfriend. My bestfriend broke our boundaries and he also wants to be my lover. Ayoko. Ang gusto ko, we stay as friends. Until death... "Let's kiss." sabi ko sa kanya. Farewell kiss. Masyado siyang nahihiya sakin kaya ako yung nag initiate. My hand jumped unto his nape and made him lower his head. We are intimate. He's the reason why I became so sensual. After just one night. I licked the side of his lips, down to his neck. He gave soft moans because of that. Hindi na kita pahihirapan Haru. Balang araw, pasasalamatan mo rin ako dahil inalis kita sa masalimuot na mundong to. "Aaahhhh!" I bit him but I didn't bother to suck his blood. Ibinaon ko pa nang mas malalim ang pangil ko para mas lalo siyang magbleed. I aimed at the arteries going through his heart. He didn't cursed me. He stayed calm and embraced me tight. Until he passed out... Nanlumo akong bigla. Parang gusto ko tong pagsisihan. But everytime na nasasagi sa isip ko si prince Kan, I'm having a clear stand. Everything I do is in a correct judgement? yun lang ang naiisip ko. I used a window again to exit. I climbed the rooftop tapos nagpahangin ako dun. May laundry shop dito sa building at dito sila sa rooftop nagsasampay. Hinubad ko ang suot kong dress na namantsahan na ng dugo ni Haru. How many people noticed that I didn't have any underwear? Maybe my prince was the only one who knew that. I don't care for the others. I walked barenaked. I felt the softness of cold fabric against my skin as I passed by the hanged bedsheets. Sa dulo ng sampayan ay may mga damit na pambabae. Kinuha ko yung isang organdy dress at yun ang ipinamalit ko sa soiled dress ko. Moments later, I was one of the crowd watching the motionless body of Hary being loaded into an ambulance. Hindi na dapat ako pupunta sa ospital ngunit ginawa ko. I was there when the doctors tried to revive him; nandun din ako nung inilagay na nila siya sa morgue. Of course hindi mawawala sa eksena ang mga siraulong members ni Haru. Nag iiyakan sila. May kasa kasama silang lalake na tinatawag nilang manager. Masyadong misteryoso yung manager nila. In fact unang beses ko lang siya nakita ever. Haru never mentioned him. Napakastriking ng hitsura ni manager nila. He could even be a superstar. Maganda ang tindig, gwapo, pero mukhang suplado. Nagkatinginan kaming lahat pagdaan ko sa harap nila. Without Haru around, syempre ang awkward naming lahat. Si Haru lang naman ang main bridge ko sa kanila. Without him, ayokong pansinin ang mga gaya nilang bulgar, mabisyo, babaero, at madumi. Up until now, it makes me wonder kung paano napasama sa kanila si Haru. Alam na alam kong sila yung bad influence sa kanya. "Sino yang kasama niyo?" tanong ko sa kanila. Kunwari di ko alam na yun yung manager nila. "Ahh... Manager namin siya." sagot ng drummer ng Seventh na si Roy. I want the name you pint-sized casanova! I feigned a smile anyway. "Can you leave us alone for a moment please? Gusto ko siyang makausap about Haru." Nagkibit balikat sila sakin pero isa isa silang umalis. Gumawa sila ng panibagong tumpukan not far from here. "Kuya, tao ka ba?" straight to the point kong tanong. "Iba kasi yung pakiramdam ko sayo." Nahuli ko ang pagtagis ng bagang niya. Saglit lang yun. And with that, I conclude he had a very short temper. Mabilis lang niyang i-hold back ang sarili niya. "Isipin mo na ang gusto mong isipin." aniya. "Ano na ang mangyayari sa Seventh? Hahanap ba kayo ng panibagong vocalist?" I asked further. Matagal bago siya sumagot. Pagkatapos ko siyang yugyugin. "?Katapusan na ng kanilang kasikatan. Nagtatapos ang lahat ng bagay dito sa mundo sa oras ng kamatayan." Nosebleed. Simple lang naman ang tanong ko pero tinulaan niya ako. "Salamat kuya. Aalis na ako." "?Ngunit may mga katapusang nagkakaroon ng panibagong simula... Ang buhay kasi ay isang siklo." pahabol niya. He's creepy! Ano ba yaaaan! Di na ako nag effort na lingunin niya. Pagliko ko ay may nakasalubong akong nurse na tulak tulak ang isang wheelchair. Nakasakay dun ang isang pasyenteng nakatalukbong ang ulo. Bakit kaya? He smells icky. Amoy lupa, amoy malansa, lahat na ng mapanget na amoy ay nasa kanya na. Iba ang vibes ko sa kanilang dalawa. I knew they're like me... Pagkaalis nila, doon na ako hindi napalagay. I can't relax. Lalo na't bumabalik uli ang mga sinabi nung manager kanina... Isang katapusang may simula... Hindi kaya maging zombie si Haru? WILD SPECULATION lang. Eh kung pumunta kaya ako ng morgue?! Nababaliw na yata ako. I murdered him pero hindi ko mapabayaan ang bangkay niya! Kabaliwan yun di ba?! Okay. Icecheck ko ang bangkay niya kung stationary lang sa morgue. Tapos nun, aalis na talaga ako dito! Kaya yun, bumalik ako sa morgue. Wala akong naabutang stretcher dun. Nabother na ako. Next, pinagbubuksan ko ang mga steel cabinets. Inunzip ko rin isa isa ang mga body bag. WALA SI HARU! Nasaan na siya?! Walang incinerator dito kaya imposibleng nacremate na siya! Or di kaya sinundo na ng funeral parlor?! But the members of Seventh should knew that! I need to find him! Kung naging zombie nga siya... Tiyak na magkakalat siya dito sa ospital! Andami pa man ding tao! Bakit ko ba iniisip na magiging zombie siya? Wala naman siguro akong T-Virus. I can think straight pa naman ee. Pagkalabas ko ng morgue, nagpasikot sikot ako. Nakita ko na naman yung nurse kanina pati yung pasyente niyang nakawheel chair at? Wala nang pandong sa ulo yung pasyente. Mula dito, kitang kita ko ang mukha ng pasyenteng yun... Hindi ako maaaring magkamali! THAT'S HARU! In fairness, ang bilis niyang magpalit ng hairstyle. Sinundan ko sila. Papunta sila ng lobby. May kinawayan si Haru pero mukhang di yata siya pinansin. Tiningala niya yung nurse na tumango sa kanya. Then itinulak nun ang wheelchair papunta sa nakaupong cute guy sa sofa. I caught some words like 'tito'. Bakit kaya niya tatawaging tito yun kung halos magkaedad lang sila? ANYWAY, that's not my concern. Kailangan kong malaman kung bakit buhay na buhay si Haru gayong pinatay ko na siya! I didn't hesitate to approach them nung palabas na sila ng exit. Tinitigan kong maigi si Haru. Siya nga talaga yun, but as I am staring at him, pakiramdam ko ibang person siya... At kung buhay pa nga talaga siya, I must kill him again. ?? direk_whamba 55th Madness Aster's POV: Bakit ganito makatingin sakin tong chix na to? Kala mo lalamunin ako nang buhay eh. "Haru... How did you manage to?" "Live?" ako na ang tumapos sa gusto niyang itanong. Kuha ko na agad kung bakit siya naliligalig. She's the one who killed the dog whose face was the one I'm wearing now. Pero wala akong balak na magpanggap. "Wag kang mag-alala. Patay na talaga yung kakilala mong vocalist ng Seventh. Baka itinapon na yung bangkay nun sa basurahan, o pinakarne na sa palengke?" Hinawakan ko ang kamay niya. Makikilala niya kung sino ako sa isang simpleng physical contact. It works among vampires who'd been together for years. In her case, si Kan ang pinaka-mid ng aming koneksyon sa isa't isa. "H-Huh? Ikaw si Aster? P-Pero..." mas lalong lumala ang pagkabalisa niya. Parang gusto ko ang mga nangyayari. Mayroon yata siyang deep ties sa vocalist ng Seventh. What about it? Tingin ko hindi ko na kailangan ng plastic surgery. This face doesn't look so bad. Not bad at all... "Kamusta na si Kan? Hinahanap ba niya ako o petix lang siya sa Atrus?" "Ahh? n-nasa Atrus siya..." naaamuse na talaga ako sa babaeng to. Alam kong patay na patay siya kay Kan kaya bakit ganito na lang siya maapektohan? May grudge talaga eh? "Matanong nga lang kita? Have you and Haru had sex?" ang gusto ko sanang itanong ay 'nirape ka ba ni Haru?'. Pinadesente ko lang para hindi naman nakakahiya sa alaala ng namayapang vocalist ng Seventh. May option naman tong si chix na wag sagutin ang tanong. Whatever the response may be, it would probably bear something on the mystery of her being with Kan... Bakit sa dinami dami ng babae ay siya ang pinili ni Kan? Bakit siya naging bampira? Vampires don't convert humans with healthy condition because there's a huge failing rate. It is always done when the human is near-death. At ang pinakamalaking tanong sa lahat, bakit niya pinatay ang vocalist ng Seventh pagkatapos niyang maging bampira?! SINO NA ANG MAHIGPIT NAMING MAKAKALABAN SA NEXT BATTLE OF THE BANDS NIYAN?! PAK! Nadale ako ng hampas ni tito sa balikat. "AGI! SIX! DIRI MAUPAY PAKINGGAN!" Hala lagot ako dito kay tito! Nasa likod ko kasi siya eh! Nawala tuloy sa isip ko na kasama ko nga pala siya! "Tito naman, wag ka nang magalit, malaki na ako kaya pwede na siguro ako sa mga mature words?" "?MAS MAGANDA PA GIHAP PAKINGGAN ANG WAKA-WAKA!" ay di pa pala siya tapos sa sinasabi niya. Sorry nama? ANO DAW?! WAKA-WAKA?! Haa.... Haaa... HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! What word is that?! Hahahaha! WAHAHAHA?! Ayoko na~ bubuka na ang mga sugat ko amp! "ANONG NAKAKATAWA?!" parehas akong tinitigan nang masama ni tito pati na ni chix. "Wala. Wala naman. Tara na nga tito." wag ko na ngang pakialaman tong babae na to. Matatawa lang ako. Itinulak na ni tito ang wheelchair ko. Biglang hinawakan ni chix ang arm rest niyon kaya napahinto kami. "Teka nga sandali, hindi pa ako tapos?" "Just stay away from me and you'll be fine." I said firmly, warningly. Inialis ko yung kamay niya para makatakbo na ng maayos ang wheelchair. Ngunit walang yata sa balak ni chix na palabasin ako ng ospital. Hinarapan niya akong muli. She doesn't want me to go yet she doesn't know how to deal with me. Kaya ba niya akong saksakin nang harap harapan sa gitna ng napakaraming tao? "Tito, pwede mo bang ipahiram sakin yang wristwatch mo?" I've seen Senri do it before... MAYBE I can do it too. "Uhh sege?" hinubad ni tito yung Fossil niya tas ibinigay yun sakin. Tuk! Kinaltok ko yung salamin ng relo kaya nabasag. Hinayaan kong masugatan ng bubog ang daliri ko. Ipinaligo ko ang aking dugo sa mga hands of time bago ko yun diniinan para huminto. Natigil sa paggalaw ang lahat ng nilalang na nandito sa ospital liban lamang sakin. Nakakatuwa. I can use this power. Malaki ang nawala sakin when I abandoned my real body; ngunit malaki rin ang naging kapalit... Pinahaba ko ang aking mga kuko. Ibinaon ko ang aking kamay sa dibdib ng intrimitidang babae ni Kan. I touched her heart and choked it, but didn't crush it. Mabubuhay pa siya, yun nga lang matatagalan ang recovery niya. Magkakaroon ako ng mahabang oras para makalayo sa kanya. Itinago ko ang duguan kong kamay sa loob ng aking operating gown bago ko binitawan ang diniinan kong hands of time ng relo. Everything went back to normal? Ohh... may exception pala... Tumumba ang babae ni Kan sa sahig. Sapo niya ang kanyang dibdib at naghihingalo na siya. "Remember what I told you bitch... STAY AWAY FROM ME." yeah ang badass ko. I will keep an eye on her. Baka isang araw magamit ko siyang alas laban kay Kan. Sweet. Dudulog sana sa kanya si tito pero napigilan ko. "Umalis na tayo tito. Wag kang mag alala sa kanya. Hindi siya mamamatay sa ganyan." May mga nurse na sumaklolo sa babae kaya't napahinuhod ko si tito. Pagdating namin sa parking, binasag ko ang salamin ng isang grey SUV na una naming nadaanan. Walang susi kaya ginamitan ko ng special skill para mai-start ang ignition. Expert na ako sa ganito. I scavenge vehicles a lot since the undead plague. Ako ang nagmaneho para less hassle because I'm sure hindi alam ni tito kung nasaan ang Rose mansion. **** Shall's POV: Xerun... Parang narinig ko na ang pangalan na yun dati. Saan? Mula ba sa isang knight? "Bakit po madam?" ngumiti siya. Marahil ay kanina pa niya napansin na kanina ko pa siya tinitingnan. "Wala naman." tipid kong sagot. Inangat niyang muli ang baso ng tsaa at humigop doon. Katabi niyang nakaupo sa sofa si Minerva na lukot ang mukha. Depress si Minerva dahil sa kanyang buwanang dalaw. Nagpunta siya dito nang may tagos. Akala niya siguro may laman na ang sinapupunan niya. Better luck next time. Try again later. Ay ano ba... Bakit ko ba pinoproblema ang problema ni Mie? May mas malaking problema ako at naiirita nako! Hio went after Aster... So ako yung dapat na bahala sa bunso namin. Akala ko safe si Antigone dito sa Rose mansion. Marami ang nakabantay sa kanya. Tas malaman laman ko na lang na wala na daw siya dito sa mansyon! Nawala daw bigla ang koneksyon nila sa bata. Ipinahanap ko na siya nang ilang beses sa mga tagasilbi at hindi daw nila makita ang anak ko. Susubukan ko sanang icheck kung kasama ba niya ang mga bandmates ni Aster. Paalis na ako nung biglang dumating sina Mie. Hindi ko tuloy mawari kung ano ang uunahin ko... "Minerva, maaari ba kitang iwan dito sa mansyon? Ibibigay ko sa iyo ang permiso upang maging pansamantalang punong abala ng mansyong ito... Kailangan ko lang hanapin ang bunso kong anak." ang sarap sabihing may anak na ako, at the same time ang sakit sa puso dahil nawawala siya. "Maaraw na ah? Gusto mo bang samahan kita?" pagvovolunteer ni Mie. Tumayo rin si Xerun. Umiling ako. "Wag na. Magpahinga ka na lang dito?" bumaling ako kay Xerun. "Ikaw rin. Maiwan ko na kayo dito." "Tutulungan na lang kita?" Mie pointed a finger at me. Nabalutan ako ng malamlam na liwanag ngunit kagyat din iyong naglaho. "Anti-UV barrier yan. Kelan ko lang yan naperpekto. Ngayon ay maaari ka nang makapaglakad sa broad daylight, pero sana wag kang magtagal dahil ako pa rin ang energy source ng barrier. Kapag nanghina ako posibleng ma-dispell siya nang wala sa oras." Nagpasalamat ako sa kanya tas lumabas akong mag isa sa mansyon. Pagtapak na pagtapak ko sa labas ng pintuan, parang may dumaang boltahe ng kuryente sa utak ko kasabay ng pagpapakita ng isang bisyon... May mga itim na uwak na nagsiliparan sa cupola ng kapilyang ipinatayo namin noon ni Hio sa aming lumang mansyon sa area 1... Bakit sumagi sa isipan ko ang ganung bisyon? Isa ba iyong mensahe upang puntahan ko ang dati naming mansyon?! Sino ang may gustong magpunta ako doon?! Kesyo mapanganib o kesyo isa iyong patibong, magbabakasakali ako. Wala akong inuurungang laban. Dudurugin ko ang sinumang mananakit sa aking anak! Gumayak ako patungo sa dati naming mansyon. With teleporting, mga labinlimang minuto lang ang nakalipas at narating ko na ang kapilya. Isang deja vu ang sumalubong sakin; yung pangitaing nakita ko kanina ay nangyari nga. Nagsiliparan ang mga uwak palayo sa bubungan ng kapilya. Alerto ako sa paligid. Alam kong maraming undead ang nagkalat dito. Nung huling beses kaming nandito ni Hio, hindi namin ni-clear ang mga undead na yun. Binuksan ko ang heavy double door. Lumangitngit iyon dahil kinakalawang na ang mga hinges. Natutop ko ang bibig ko sa nabungaran ko. Napatakbo ako sa may altar. Nakahandusay sa sahig ang aking anak. Magkayakap sila ng isang binata. Kung tama ako, siya yung isa sa mga bandmate ni Aster... Napapalibutan sila ng maliliit na kutitap, gaya ng ilaw na ineemit ng mga fireflies. Nagmumula yun mula sa trail ng dugong tumutulo sa pareho nilang pulsong may sugat. Sa bandang paahan nila, nakakita ako ng isang duguang punyal. Nakatarak yun sa sahig at iniipit ang isang parchment. Hinila ko yung parchment. Mayroon dung nakasulat: Sa kanyang mga magulang... Mahal na mahal ko ang inyong prinsesa. Patawarin ninyo ako kung maaga ko siyang kukunin sa inyo. Iyon ay sa kadahilanang ayoko siyang mapunta sa isa pang nilalang na matagal na rin siyang itinatangi. Nalamukos ko ang papel sa tindi ng aking pagkabigla. Pag ibig... para sa aking anak?! Matagal na akong handa para maging isang ina... Pero yung tungkol sa pag ibig pag ibig... take note, LOVE TRIANGLE pa ata! I wasn't prepared for this at all. ?? direk_whamba 56th Madness Shall's POV: Ang baby ko... Hindi maaari ito! Kung nakinig sana sakin si Hio na ipakasal na ang mga anak namin, di sana hahantong ang lahat sa kapahamakan ng aming anak! Ang sakit pala sa ulo kapag nagmana sayo ng kagandahan ang anak mo... talagang pag aagawan! "Antigone? Gumising ka... nandito na si mama?" niyugyog ko siya tas tinapik tapik. Ayaw niyang magising. Kahit gaano pa kalakas na pwersa ang gamitin ko para ihiwalay siya sa binata ay balewala. Ibinubuklod silang dalawa ng isang napakalakas na sumpa. Ngunit bakit dito pa sa lugar na ito? Alam naman siguro ng binata na mapanganib dito dahil nagkalat ang mga undead? Unless balak nga talaga niyang abandonahin na nila nang tuluyan ang pisikal na mundo... HINDI AKO PAPAYAG! Akin ang anak ko at walang sinuman ang maaaring maglayo sa kanya! Hinawakan ko ang dalawang walang malay na katawan. Isasama ko sila pabalik sa mansyon at saka ako iisip ng paraan para iligtas si Antigone. **** Senri's POV: Ang isang laberinto ng mga bangungot ay maihahalintulad sa pinakailalim na bahagi ng impyerno ayon sa mito; subalit wala pa namang nakakapagbigay ng eksaktong paglalarawan kung ano ang makikita doon. Kung meron man kasing nahuhulog doon ay hinding hindi na nakakaahon pa magpakailanman... Alam kong doon itinatago ang aking pinakamamahal ng isang nilalang. Buong akala ko ay kontrolado ko ang sitwasyon ngunit heto't may nakasalisi pala sa akin. Magkagayunman, malaki ang tiwala ko sa aking kakayahan. Pasasaan at makikilala rin ako ng lahat bilang pinakamakapangyarihang nilalang na naging eksistensyal sa oras na mapasaakin na ang aking pinakamamahal. Hinanap ko ang laberinto na pag aari ng walangyang illusion master na tumangay sa kanya. Ang laberintong yun ay isa lamang espasyo ng kadiliman na ang sahig ay mga pinagtagping parisukat na ang kulay ay puti at itim. Pababa ang sahig hanggang sa pinakagitna kung nasaan ang isang butas na walang nakakaalam kung saan ka ibabagsak sa sandaling mahulog ka doon. Mayroong mga kundisyon at pagsubok para mapasok ang diwa ng isang maestro ng ilusyon. Ang una ay ang pasubok ng tiwala. Magtitiwala ka ba sa kanya o hindi? Malalansi ka ba kapag pinagkatiwalaan mo siya o malalansi ka ng sarili mong kawalang tiwala? Isa isang naglalaho ang mga parisukat na sahig. Nauna ang kulay itim, sunod ay puti... Hinihingi ng sitwasyon na mamili ako. Ang magpatihulog sa nawawalang sahig, o ang magpatihulog sa pinakagitnang butas. Nasilip ko ang ilalim nung mawala ang puting parisukat na katabi lamang ng inaapakan ko? may isa pang sahig doon. Kung hahantayin ko na lang na mawala ang tinutuntungan ko, alam kong babagsak lamang ako sa ibabang palapag. Ang pinili ko ay ang butas. Doon ako tumalon. Napagtanto kong mali ang ibinigay kong sagot pero wala na rin akong pakialam. Hindi naman pakikipatalinuhan sa lohiko ang ipinunta ko rito. Nahulog ako sa bangin ng kadiliman kung saan may naghihintay sa aking higanteng ulo ng isang payaso. Nakatingala siya habang dilat na dilat ang naninilaw niyang mata at nakanganga ang malaki niyang bibig na naninilaw din ang mga bungi bunging ngipin. "HAHAHAHAHA! HAHAHAHAH!" nakakarindi ang walang katapusan niyang halakhak. Nalaglag ako sa mismong loob ng kanyang bibig. Mabuti naman at hindi niya ako nginuya. Dumausdos ako sa putikan. Imbes na lalamunan ang datnan ko, nasa panibagong lugar na ako. Para akong nasa tapat ng pasukan ng isang lumang minahan. Mayroon pang mga pailaw at karatulang nagsasabing bawal pumasok. Tat. Tat. Tat. Tat.. Umiwas ako sa riles dahil may paparating na trolley. Huminto yun mismo sa tapat ko. Walang kalaman laman yung trolley na yun pero sa dumi ay masasabi kong uling ang inilagay doon. Itinulak ko iyon sa direksyong papasok sa loob pagkatapos ay tumalon ako para makasakay. Tat. Tat. Tat. Tat. Kahit papaano natuwa naman ako sa karanasan kong ito. Hindi ko kasi ito nagagawa sa pisikal na mundo. Palawak nang palawak ang minahan habang naglalakbay ako. Pasama rin ng pasama ang mga nakikita ko. Sa isang bahagi ng batong pader ay nakita ko ang sarili ko na nakapako. Pinagkukumpulan iyon ng mga minerong kalansay. Kasalukuyang ibinabaon sa katawan kong iyon ang isang napakalaking pakong bato gamit ang maso. Pang! Pang! Hindi ko kayang makita ang sarili ko na walang kalaban labang pinagtutulungan ng mga walang kwentang nilalang? Ahh kailangang pigilan ko ang silakbo ng aking dibdib. Hindi totoo ang mga nakikita ko. Ipinaling ko na lamang sa ibang direksyon ang aking paningin. Sa sumunod na sampung minuto ay pababa na ang daang nilalandas ng trolley. May nadaanan akong pagkalaki laking ugat ng isang puno.hindi ko alam kung gaano yun kalaki dahil di naman kita mula dito sa ilalim yung mismong puno. Isa na namang hindi kanais nais na tanawin ang tumambad sa akin. Ang katawan ko na naman na nakabigti sa pinakamataas na ugat at pinagpepyestahan ng mga uwak ang bawat parte nito. Sukdulan na ito! Hindi ko mapalalagpas ang ganitong kalapastanganan! Tumalon ako mula sa umaandar na trolley. Biglang lumambot ang lupa na para na yata akong nasa gitna ng isang kumunoy. May uwak na tumuka sa lubid na nakatali sa leeg ng katawan kong nakabigti kaya't nahulog iyon. Nagsiliparang palayo ang mga uwak dahil marahil ay busog na sila. Kumislot ang katawan na siyang ikinabigla ko. Gumapang iyon kahit halatang hikahos. "T-Tu-long... Ilig-tas m-mo ako..." nagawa pa niyang makapagsalita. Nagawa niya akong mahawakan sa aking binti. Nakakaawa ang kanyang hitsura. Hinding hindi ako magmamakaawa ng ganito para lamang may magligtas sa akin. Itinanim ko na sa sarili ko noon pa man na wala na akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko na lamang. Crack! Tumigas ang malambot na kumunoy kaya't agad nagbitak pagkaimbay ko sa aking binti. Ang mga pangyayari at penomenon na eksistensyal ay may panahon. Ang lupa ay may panahon kung kelan ito lalambot o titigas. Namamanipula ko ang lahat ng iyon kaya't walang kwenta sakin ang ganitong uri ng pagtatanikala. Sinipa ko ang katawang nagbabalat kayong 'ako' at tumalsik iyon pabalik sa ugat ng puno. "Hmm... Tigilan na natin ang larong ito. Naiinip na ako. Gusto nang makita ang mahal ko." Naupo ako at hinawakan ko ang lupa. Nagbitak iyon mula sa mismong nahawakan ng aking kamay na gumapang tungo sa iba pang bahagi nito. Nagkaroon ng matinding paglindol. Umangat ang ilang bahagi ng lupa at gumuho ang mga batong pader. Nawasak ang minahan sa oras na nakatakda iyong mawasak. Pinabilis ko lamang ang oras. At sa wakas, nasumpungan ko ang aking sarili na nasa harapan ng isang napakalaking tarangkahan. Rehas iyon kaya kitang kita ko kung ano ang nasa kabilang ibayo... Isang napakalawak na burol na puno ng sari saring bulaklak. Ang kalangitan doon ay nagtatalong kulay ng lila at kahel. Maihahambing ko ang burol sa Asphodel kung saan nahihimlay ang mga kaluluwa ng mabubuting nilalang. Humawak ako sa dalawang rehas upang sipatin ng maigi ang batang babaeng namimitas ng mga bulaklak. Ang tagal na naming hindi nagkita at mas gumanda pa siya ngayon. Siya ang natatanging bulaklak na bukod tanging hindi ko nanaising madaliin ang pamumukadkad. Dahil sa aking kontrol sa panahon ay sadya akong naging mainipin. Ngunit pagdating sa kanya, nakahanda akong maghintay. Sanggol pa lamang siya nung una ko siyang matagpuan. Mula nun, alam ko nang kami talaga ang para sa isa't isa. Inalagaan ko siya nung mga panahong wala sa tabi niya ang kanyang palalong kapatid. "Antigone... Lumapit ka dito... Sakin." Narinig niya ang aking bulong. Nilingon niya ako. Sa oras na makuha ko siya, hinding hindi ko na siya pakakawalan. Hinding hindi ko rin siya ibibigay kaninoman. Ilalayo ko siya nang tuluyan sa kanyang pamilya upang wala na siyang ibang maisip kundi ako lamang. Tumayo si Antigone. Lalapit na siya. Subalit mayroong pumigil sa kanya... **** Farfait's POV: Ang tigas din talaga ng ulo ng hinirang na pinuno ng angkang Vral na kakambal ni Kan. Pinatunayan niyang hindi siya basta basta nang pasukin niya ang aking laberinto... Ang laberinto ng mga bangungot ay isa sa mga pribadong espasyo na nagagawa ng mga tulad kong bihasa sa ilusyon. Walang makakapasok dito nang hindi ko pinahihintulutan. Mas higit na wala sa oras ng aking kamatayan... Giniba niya ang ilang bahagi ng pader para lamang makapasok at nagawa niya yun sa loob lamang ng napakaiksing panahon! Nasa labas siya ngayon ng tarangkahang rehas. Iyon na ang pinakahuli at pinakamalakas na depensa nitong aking inner world kung nasaan kami ngayon ni beb. Hindi siya basta basta makakapasok... Hinding hindi ako magpapaubaya sa kanya. Akin lang si beb. "Fait-chan... Tinatawag niya ako." ani beb nung pinigilan ko siyang lumapit sa tarangkahan. "Dito ka lang. Di ba ang sabi mo hindi mo ako iiwan? Pabayaan mo na siya. Aalis din siya mayamaya." Hindi maialis ni beb ang tingin niya sa lalakeng nasa tarangkahan. Dapat na nga ba akong mangamba? "Kung ako sayo, ibigay mo na sakin si Antigone... Ikaw rin ang mahihirapan kapag pinuwersa ko pang kunin siya sayo." kinausap ako ni Senri. May lamang pagbabanta ang sinabi niya subalit hindi ako nasisindak sa kanya. Tinitigan kong maigi ang lupang tinatapakan niya. Nagsipag ahon doon ang iba't ibang klase ng makamandag na ahas. Ang ilan sa mga yun ay nilingkis ang kanyang mga binti. "Baka nakakalimutan mo, ito ay teritoryo ko. Marami pa akong kayang gawing masama sa iyo habang nandito ka." sabi ko sa kanya. "Sige Farfait... magkamatayan tayo! Tingnan natin kung sino sating dalawa ang matitira." itinaas ni Senri ang kanyang kanang kamay. Bumuka ang ulap at sumungaw mula doon ang isang napakalaking beam ng liwanag na hugis kamay ng orasan. "UUBUSIN KO ANG ORAS MO KAYA HUMANDA KA NA!" ?? direk_whamba 57th Madness Farfait's POV: Alam kong napakalakas ni Senri. Hindi man yun pansin sa pisikal na katangian niya, natitiyak kong mas makapangyarihan na siya ngayong wala kami sa pisikal na mundo. Di ko ineexpect na magiging all out agad siya sa simula pa lamang ng kanyang pag atake. Wala akong naiisip na paraan para kontrahin ang higanteng hand of time sa itaas namin. Once na bumagsak yun dito sa aking inner world, tiyak na magsasuffer ako. Hindi yun ang dapat kong pagtuunan ng pansin kundi ang caster nun na si Senri. Nangamatay ang mga ahas na lumingkis sa kanyang binti. Natuyot ang mga yun at naagnas. Narating nila ang kanilang death state sa simpleng pagdikit lamang sa oracle of time. Nakakatawa ang mundo; kapag malakas ka, mayroon pang mas malakas sayo. At sino kaya ang makakaoverpower sa isang gaya niya? Kailangan kong maging kalmado. Kahit hindi ko matapatan ang kapangyarihan ni Senri, I have to protect beb. Si Senri ang insecurities ko kung bakit hindi ko makuha nang tuluyan si beb. Mas malalim ang attachment sa kanya ni beb kumpara sa kahit sinuman. Ang akala ko ay itong inner world na ang solusyon para maging akin nang tuluyan si beb... "Totoo bang minamahal mo siya? O baka ang gusto mo lang sa kanya ay ang kapangyarihan niya?" seryosong tanong ko kay Senri. Ewan ko kung naoffend ba siya o tinamaan sa tanong ko. Hindi siya sumagot. Nalukot ang mukha niya. The next moment, padescend na ang hand of time. Mas lalong naging broad ang defended field ni Senri. I tried to create something just to reach him but the efforts are nullified. Hindi ko siya masasaktan, unless ako mismo ang lumapit sa kanya? I stared at my right hand. Nagmaterialize doon ang isang long rapier. I'm gonna stake him. Hinila ko ang braso ni beb. Pagkatapos kong bigyan ng distraction si Senri, lalabas kami ng aking inner world and we're gonna run for it. I'm going to create another inner world at sisiguraduhin kong hinding hindi na yun matutunton pa ni Senri! Creaaaak! We halted. Lumangitngit ang tarangkahan. Nabuksan na iyon ni Senri. "Marami ka bang iniisip na problema Farfait? Kapag wala ka sa konsentrasyon, ang lahat ng bagay sa iyong laberinto ay parang yelong natutunaw." I advanced towards him with my rapier aiming at his heart. I almost had him there, kung hindi lang ako nadistract sa liwanag na nanggaling sa likuran ko... Bumagsak na ang hand of time. Nag emit yun ng liwanag na lumamon sa buong inner world. Niyakap ko si beb. Ayokong masaksihan niya ang mga drastic changes sa paligid na dulot ng sobrang bilis na takbo ng oras. Dumidilim tas nagliliwanag... Paulit ulit na cycle ng umaga at gabi. Ang mga bulaklak ay nagsisilanta. May puntong uusbong ang mga panibagong bulaklak subalit agad din uling malalanta. Ang lupain ay unti unting nagbabago. Magmula sa pagiging luntian na pwedeng pagpastulan, ngayon ay patungo na sa pagkabarren... Close to becoming a desert. "Sorry..." bulong ko kay beb. Sorry dahil mahina ako. Sorry dahil ipinagpipilitan ko ang sarili ko sayo. Sorry dahil hindi kita kayang pangalagaan... Kasabay ng pagkasira ng inner world, nadedeteriorate din ang utak ko. My memories and thoughts are slipping away like a spilled water... Ano kaya ang kahihinatnan ko pagkatapos nito? Pero matatapos nga ba? **** Senri's POV: Tumumba si Farfait. Giba na ang kanyang pag iisip sa bilis ng panahong dumaloy sa kanyang kamalayan. Nakakaawa, ngunit ayoko pang tumigil. Gumamit ako ng napakalakas na kapangyarihan at dapat ko yung konsumohin hanggang sa huli? Lumingon sakin si Antigone. May luha sa mga mata niya na nakapagpaisip sakin. "I-Ikaw ang may gawa nito sa kanya di ba? Tama na!" bakit siya nagsusumamo sakin para itigil ko ang pagpapahirap sa bampirang nagkulong sa kanya dito? Ayokong magalit siya sakin kaya ibinalik ko na sa orihinal na panahon ang inner world na ito. "Hindi ko na siya sasaktan basta sumama ka na sakin." inilahad ko ang aking kamay. Mahal na mahal ko siya. Matagal ko nang alam yun, at marami na rin ang nagsakripisyo para sa pagmamahal ko para sa kanya. Kaya isang insulto ang tanong ni Farfait. Ang kapangyarihan ni Antigone ay bonus na lang. Mayroon man siya nun o wala, hindi magbabago ang damdamin ko. "Talaga?" ang bilis niyang humakbang palapit sakin. Nagtitiwala siya sa binitawan kong salita. Ang kanyang bubot na pang unawa ang pinakagusto ko sa kanya na wala ang mga babaeng kasing edad ko. Napatda ako nung ginagap niya ang aking kamay. Ang tagal na buhat nung huli ko siyang mahawakan. Wala akong salitang maisip sabihin sa kanya. Noon, hindi pa siya nakakapagsalita kaya hindi kami nag uusap. Nagkakaunawaan lamang kami dahil sa pakiramdam. Di ko mapigilang mangiti. "Saan mo ba ako dadalhin? Bakit mo ako gustong isama?" inosente niyang tanong. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Bahagya akong yumuko. "Akin ka lang Antigone. Kung saan man ako magpunta, dapat ay nandun ka..." itinaas ko nang bahagya ang kanyang baba. "?Ang pangako ko noon ay ibibigay ko sayo ang aking unang halik kapag mas naiintindihan mo na ako. Ito na yung tamang sandali para dun..." Hinalikan ko sa labi ang aking pinakamamahal. Dito mismo sa inner world ng lalakeng balak siyang agawin sakin. Malambot ang kanyang mga labi, matamis, inosente. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngayon lang ako naging masaya ulit. "ANNE!" napukaw ang aking atensyon ng isang sigaw. Drip. Drip. Drip. Sinipat ko ang lalakeng nakatayo sa tabi ni Farfait. Umaagos ang dugo mula sa kanyang braso. Sariwa pa ang isang seal na kakaukit lamang dun gamit ang isang matalim na bagay. Natakasan niya ang pagkaligaw sa panahon at ngayon ay nakarating pa siya dito. Napakahusay gaya ng inaasahan sa orakulo ng mga dimensyon na si An're... Ngunit kahit siya pa ang ama ng pinakamamahal ko, ayoko sa kanya. Isa siyang banta dahil halos magkapareho lamang ang lebel ng aming lakas. Hindi lang yun, saliwa ang aming mga paniniwala kaya wala kaming mapagkakasunduan. Ang tingin ko sa kanya ay isang pesteng dapat puksain. "Papa!" pinigil ko si Antigone sa tangka niyang lapitan ang ama niya. "Hindi siya totoo Antigone. Isa lamang siyang ilusyon. Tayo na." Inakbayan ko ang mahal ko. Sa puntong ito, walang magagawa ang orakulo ng dimensyon kundi ang panoorin ang aming pag alis. Nasa aking tabi ang kanyang anak na pwede kong ituring bilang bihag sakali. Kahit ano ay pwede kong gawin kay Antigone sa oras na magpakita ng agresyon ang pabaya niyang ama. "Ano ba ang gusto mong kapalit para pakawalan mo ang aking anak?!" pahabol niyang tanong nung nakatalikod na kami sa kanya. Bumigat ang kamay kong nakaakbay kay Antigone. "?Mahal ko ang iyong anak. Naiintindihan mo naman siguro ang bigat ng damdamin na yun. Pareho tayong bampira hindi ba? Hindi ko siya sasaktan. Ang pwede ko lang saktan ay kayong mga nilalang sa buhay niya. Kaya kung maaari ay pabayaan mo na kami." Nakakairita. Nakikipag usap ako sa kanya na para bang hinihingi ko ang kamay ng kanyang anak. Bakit ba kasi siya pa ang kailangang maging ama ni Antigone?! "Kung mahal mo nga ang anak ko, hindi mo siya hihilahin sa mas malalim na parte ng mundo ng Astral. Alam mong hindi siya makakatagal doon. Hindi siya isang Arca at mayroon siyang pisikal na katawan. Kapag ipinilit mong magsama kayo, manghihina ang kanyang kaluluwa at maglalaho iyon?" "Alam ko ang tungkol sa bagay na iyon. Ako na ang bahala sa lahat kaya wag ka nang makialam! Kung kinakailangang paulit ulit kong ibalik ang oras niya, nakahanda ako!" "WAAAAAG!" Sigaw na lang niya ang narinig namin pagkatapos naming maglaho sa kanyang harapan. Wala na akong pakialam sa kahit kanino. Ang importante lamang sakin ay kaming dalawa ni Antigone. **** Aster's POV: "KAPEEEE UHUHU~ GUMAWA ULIT TAYOOO!" halos mawasak na ang suot na shirt ni tito nung yugyugin siya ni tita Mie. I don't know what's up pero yun na ang whines ni tita pagkadating na pagkadating namin. Nakita ko dito sa Rose mansion si Nehemiah. Nagulat ako syempre. Buong akala ko kinakatay na siya ng Black Church. Ipinakilala siya ni tita na friend 'daw' ni papa. I found it really strange... Hindi na siya infected eh. Strange din ako kaya sa ngayon ay observe observe lang ako. "Sino nga pala yang kasama mo?" nashift na skin ang atensyon ni tita. "Ahh kung pwede, sa isang silid tayong tatlo mag usap." sabi ko. Ibobox ko sina tito at tita para hindi marinig ni Nehemiah ang mga sasabihin ko. Sa solar ni mama kami nagpunta. Off limits ang kahit sino doon pwera lang si papa, pero siguro patatawarin din naman ako ni mama. "Tita, ako po si Aster. Medyo mahabang kwento pero yun ang katotohanan." confess ko agad. Wala nang paligoy ligoy! "Nararamdaman ko naman yun eh." ani tita. "Pero gusto kong marinig ang mga kwento mo. Naku magugulat ang mama mo niyan!" "Ahh!" nakarinig kami ng short shout, yung parang nagulat lang. Sa next room lang yun nagmula. Now that we're focused, nito ko lang napuna ang aurang nandoon. Si tito ang nagbukas ng pinto. Nasa loob si mama. Sinipat ko kung sino yung mga nakahiga sa sahig. Yung isa ay unti unting bumabangon. "S-Shall anong??" "Kadarating ko lang Mie mula sa area 1. Nagulat lang ako dahil isang minuto pagkaarrive ko dito ay nagkamalay na siya... At si Antigone?" Pinagulong ko ang wheelchair and had a closer look inside the room. Yung bumabangon ay walang iba kundi si Fait! Si Antigone naman na nakahiga ay unti unting nagkakaroon ng mga chant marks sa buong katawan. It's a form of a time seal if I'm taking papa's lectures correctly. Bumangon nga si Fait pero tulala siya. Ang ginawa lang niya ay yumakap sa aking kapatid. Napaano ba sila? ?? A/N: Yung story kung paano nakatakas ng pagkakatrap sa panahon si Hio ay sa next part pa po. Di ko pa siya kayang isabay ngayon. direk_whamba 58th Madness Aster's POV: "?At sino ka?! Bakit ka nandito sa aking mansyon?!" angas ni mama. Inuna niya talaga akong punain kesa sa nangyayari sa katawan ni Aning! "Mere, c'est moi." hopefully alam niya ang accent ko sa French. That's her mother tongue after all. Noong bata ako, she taught me how to speak French. Lalong nangunot ang noo niya; not of anger, but of confusion. "Aster?! Ikaw ba yan? Paano??!" "Mahabang kwento mama. S-Si papa ba... Nagkita na kayo?!" Napaatras ako ng konti when she bared her fangs. "Ang magaling mong ama?! Haha! Humanda siya sakin. TIYAK NA NAMBABABAE NA NAMAN YUN KUNG SAAN!" Ewan ko dito kay mama. Laging 'na naman' ang karugtong ng 'nambababae' pag bunganga ang pinanghahanap niya kay papa. Kakaisip niya na may babae yun, baka magkatotoo nga! My parents... I already know they will never grow up... But when will they ever mature? Okay cut that out. I mustered enough strength para hilahin palayo kay Aning si Fait. "Fait! Napaano ka?!" nag-snap ako sa harap niya pero wala siyang karespa-response man lang. Blangko ang mga mata niya at kasingblangko yun ng kanyang ekspresyon. May malay siya subalit waring naglalakbay sa dako paroon ang kanyang diwa. Paano siya naging ganito ka-wasted?! I always thought he's the cleverest one amongst ForMad members... "ANTIGONE!" napasigaw silang lahat. Unti unting nagmamarble ang katawan ng kapatid ko kasabay ng paglalaho ng time seal. Inagapan ko ang kamay ni mama na hahawak sana sa katawan ni Antigone. "WAG! WALANG HAHAWAK SA KANYA! KAPAG GINAWA NIYO YUN, TULUYAN NA SIYANG MAG AABO!" Nakita ko na ito na nangyari noon sa isa sa mga ampon ng Vral. That time, hindi pa ako aware na isa iyong time seal. Ang katawang apektado ng isang time seal ay nakakaranas ng malaking time difference kontra sa orihinal na panahon na ating namamalayan. Ang oras ni Antigone ay nafast forward sa kanyang near-death stage kung saan malapit na siyang maging abo. Ligtas siya as long as wala ni isa sa aming mga nasa orihinal na oras ang hahawak sa kanya. Tanging si Senri lang ang nag iisang makakagawa ng ganitong kabulastugan sa buhay. Nagpapaka-madcow ba siya dahil lang sa nasa akin na ang kanyang orihinal na katawan?! "A-Anong gagawin natin?!" histerikal na si mama. She might explode or something pag may sinabi kaming nakakadiscourage na salita. Nasa pagitan siya ng galit at iyak. Ang kumilos lamang samin ay si tita Mie. She topped her hand at my little sister's frail body. I saw some faint fuschia light underneath Antigone. Namangha ako kaya medyo lumapit ako para mas makausyoso ng maigi. Naiipon ang hangin sa labas ng ila, partikular sa gilid ng katawan ni Antigone. The next moment, dahan dahang umaangat ang marbled body pero hindi iyon nadidisfigure. "?Isa yan sa mga closed barrier ko. Yung pressure sa loob niyan ay non-destructive, bagkus ay nagbibigay ng support para huwag madamage ang bagay na concealed dito." Hindi nagtatapos dun ang aking pagkamangha. May kristal na akala mo'y tumutubo mula sa sahig, sa ilalim ni aning. Tumaas yun at lumaki; pinalibutan siya hanggang totally encased na siya sa loob. "Ligtas ang katawan ni Antigone sa loob ng aking crystal barrier habang hindi pa natin siya nairerestore. Walang kahit na anong elemento ang makakawasak sa kristal?" biglang tinitigan ni tita ng masama si tito. "?Si Kape lang ang may kakayahang humugot mula sa kristal kung sakasakali. Samakatuwid, siya ang susi sa buhay ni Antigone." Sa madaling sabi, maaaring mamatay o mabuhay si Aning depende kay tito. Kapag nahila niya mula sa loob ng kristal si Aning nang hindi pa naibabalik sa orihinal na oras ang katawan nito? Argh! Ayokong isipin ang mga mangyayari! I have to save my little sister! Hinila ko sa kwelyo si Fait at kinaladkad palabas ng solar. Nagdugo ang mga sugat ko pero ininda ko muna. Tumayo ako ng wheelchair pagkalabas lang namin ng pinto? Pinagmasdan ko si Fait na nakahandusay sa harap ko. I pulled his hair and the rest of his body followed. "What kind of shit is happening to you Farfait?! Nagjojoke ka lang di ba? Ikaw lang ang makakasagot sa kung ano ang nangyari kay Aning. Bibilangan kita?" Tswik! Isa isang nagsihabaan ang mga kuko sa aking malayang kamay. Itunutok ko yun sa dibdib ni Fait. "Isa... Dalawa..." Wala talagang pagbabago sa kanyang disposisyon! Iniinis na lang ako nito eh! "TATLO!" I really meant to kill him. Without hesitations. Wala na siyang silbi sa kahit kanino eh. Kaso nanginig ang kamay ko bago ko pa man naibaon yun sa kanyang puso. Nanakit pati ang sarili kong dibdib? FUCK THIS FORMAD CURSE! Ang akala ko ay mawawalan na yun ng bisa dahil nasa ibang katawan na ako. KAKABADTRIP! I let go of Fait's hair and grabbed his neck instead. "Grr... Son of a bitch... Anong gagawin ko ngayon sayo?! Daig mo pa ang isang hollowed shell! Kung ipakain kaya kita sa mga undead?" Bandang huli, kay Kan na naman ako aasa ng tulong nito. That other fucking son of a bitch. Tog! Binitawan ko na si Fait tas bumalik ako sa wheelchair. Mahirap na. Ayokong makita ng pamilya ko kung ano na ang ugali ko after nine years of separation from them. I'll always be a filial son in their eyes. Binalikan ko ang recieving room. Naabutan kong bukas ang bintana at palabas na mula doon si Nehemiah. Mas binilisan ko ang pagmamaniobra sa gulong ng wheelchair. "Sandali!" I called out to him. For a moment, lumingon siya sakin. His eyes are flashing red. Kakulay ng kalangitan sa labas. Tanghaling tapat pero walang araw. I wonder what's in the stratosphere for the sky to be so red; para bang sa Mars ang kalangitan... Pagtalon ni Nehemiah, nagsipasukan sa loob ng kwarto ang napakaraming uwak. Ang iba sa mga yun ay inatake ako. Naaattract sila sa amoy kong amoy dugo. Hinawi ko ang mga uwak para tigilan ako. Naaalibadbaran na ako ng sobra! Nilubayan lanng nila ako nung may kamay ang pumatong sa aking balikat. Pinagmasdan ko ang mga uwak na palabas ng bintana bago ako nag angat ng paningin sa may ari ng kamay? "Cassiopeia? Anong ginagawa mo dito?" I was rather surprised. Kakaiba talaga ang presensya niya tas lagi kaming nagkikita sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Napakahiwaga... Naglakad siya papunta sa aking harapan. Naupo siya para magkita ang aming line of sight. Suot niya pa rin yung gown na gamit niya sa piging except punung puno na yun ng dugo sa saya (skirt) ngayon. "Mahal ko..." to my surprised, she cupped my cheeks! Nakatameme lang ako. Parang alam ko na kasunod neto eh! Bumigat ang mga talukap ng mga mata ko. Inaantok ako sa di ko malamang kadahilanan? Ang mga mata ba niya ang dahilan?! Umiwas ako ng tingin sa mukha ni Cassiopeia. Mas lalo lang lumala ang nararamdaman kong antok. Nahihilo na ako at nagiging swirly ang vision ko! hindi ko man sadya, napasandal na ang baba ko sa balikat niya. "Wag mong labanan ang iyong antok, mahal ko... Sasakit lang ang ulo mo niyan eh." her lips are too close to my ear. Nakikiliti ako habang bumubulong siya sakin. Intoxicating ang boses niya mas lalo akong nagiging numb. Ayokong makatulog! Hindi ito ang tamang panahon para matulog! Thud! Thud! Nakapikit na ang mga mata ko nung makarinig ako ng tunog ng mga patalim na tumama sa kahoy, tas sumunod naman ay pagaspas ng pakpak. Naglaho agad agad sakin ang antok. Pagmulat ko, tanging mga papalayong puting kalapati na lang ang nakita ko. Wala na si Cassiopeia. "Aster, hanggang ngayon ba ay sinusundan ka pa rin ng mga kalapati?" Nilingon ko si mama sa likuran ko. Siya yung bumato ng mga patalim na nakabaon na ngayon sa sahig. "Anong ibig mong sabihin mama?" some kind of curiosity arises out of me. Ngayon lang may nabanggit sakin si mama tungkol sa mga kalapati. "May naikwento sakin ang papa mo dati nung araw na nakilala kita. Comatose ka noon at palagi ka niyang dinadalaw, at isa sa mga visits niya ay nakakita siya ng mga kalapating nagsisipagliparan sa palibot ng kama mo. Akala niya stray lang ang mga yun kaya binuksan niya ang bintana at binugaw palabas. Nung magkakasama na tayo sa lumang mansyon, madalas ay may nakikita akong kalapati sa kwarto mo kapag ikaw ay natutulog. Iniisip ko noon na baka alaga mo lang kaya pinapabayaan ko na... Kaso napapansin ko, kapag may nakikita akong kalapati sa ating mansyon, may masamang nangyayari." "?Baka naman nagkakataon lang yun mama." katwiran ko. Walang nababanggit sakin si papa na kahit ano. Lalong wla akong narerecall na insidenteng may nakita akong kalapati sa aking silid. Ewan ko. Labu labo na ang mga alaala ko nung bata pa ako. "Ahh siguro nga." ani mama. "Bakit nga po pala kayo nandito?" Huminga muna ng malalim si mama. "Aalis ako. Hahanap ng solusyon para sa iyong kapatid. Kung maaari ay dumito ka lang para bantayan ang kristal at pati na si Coffee." Wala akong objections. Kaya na ni mama ang sarili niya. In fact, mas astig at mas siga pa siya kesa kay papa. At ako naman, mas maiging manatili muna ako sa isang lugar habang pinoproblema ko pa ang mga sugat sa katawang ito. "Mag iingat ka mama... Pula ang kalangitan ngayon." bakit ko kaya nasabi yun?! Parang may nagsabi na nun tas inulit ko lang... Weird! ?? direk_whamba 59th Madness Shall's POV: Nagbalik na si Aster pero sa ibang katauhan naman. Nakakapanibago, nakakapanghinayang... Pagkatapos ay itinanong niya sakin kung nagkita na ba daw kami ni Hio. Kinabahan ako ngunit hindi ko yun ipinahalata sa kanila. Nagawa na ni Hio na maibalik si Aster kaya alam kong magbabalik siya agad... Ngayon pang kailangan ko siya... wag namang may nangyari sa kanyang masama! Alam kong marami siyang kahinaan kaya sana? Hindi ako sigurado sa gusto kong gawin. Wala akong maisip na paraan para ayusin ang lahat ng problema ng aking pamilya sa isang pitik lang ng mga daliri ko. Hio... Nasaan ka ba? Wag mo na akong pag isipin pa please? "?Mama, nanginginig ka... Ang akala ko ay aalis ka?" ginagap ni Aster ang kamay ko. Napatitig ako sa kanya. Nararamdaman ko siya at kilalang kilala ko siya. Ngunit ang pagkatao niya ay tila nagbabadya na anumang oras ay maaari siyang magbago; gaya ng biglaang pagbabago ng kulay sa kalangitan. "Ahh... Oo. Marami lang kasi akong naiisip. Isa na dun ay iyang pulang kalangitan." Tiyak kong mga espesyal na nilalang lamang ang makakamalas ng kakaibang langit na ito gaya ng mga bampira. Para sa mga ordinaryong tao, ordinaryo lang din sa paningin nila ang langit. May kapangyarihang nananaig ngunit kanino iyon? "Mama?! Wag mong sabihin saking diyan ka dadaan sa bintana?" puna sakin ni Aster pagkasampa ko sa window sill. Instead na sagutin ko ang katanungan niya, minabuti kong ipaalala na lang sa kanya ang dapat niyang gawin. "Yung mga bilin ko sayo, wag mong kakalimutan." Bumagsak ako sa bubungan ng mas mababang palapag pagkalundag ko. Squawk! Squawk! Nabulahaw ko ang mga kalapating namamahinga sa bubungan habang ako'y naglalakad. Naglabas ako ng isang maliit na patalim at ipinukol ko yun sa isa sa mga lumilipad na uwak? Aaaaarrrk! Naglagablab ang uwak na nasapul ng aking patalim hanggang tuluyan iyong nag abo. Totoo ang sapantaha kong artipisyal lamang sila. Nasaan ang may likha sa kanila? Handa na sana ako upang tumalon muli subalit may humila sa aking braso? "Para sayo ang napakagandang kulay ng kalangitan. Yan ang huling kulay na nakita ko bago mo ako winasak noon." May pwersang pumunit sa likurang bahagi ng suot kong bestida bago ko pa lingunin ang pangahas. "Nasa iyo pa rin ang marka ng Raven magpahanggang ngayon... Sigurado ka bang hindi mo na ako natatandaan, Galatea?" Now I remember... Xerun... Kinalimutan ko na siya. Pinilit ko. Huling beses kong narinig ang pangalan niya mula sa nagdedeliryo niyang knight na pinaslang ko sa kanyang harapan matagal na panahon na ang nakalilipas. Isa siyang dating duke at isa siya sa mga naging misyon ko noon. Kaedad lamang niya si Hio kung kaya't bata pa siya nung unang beses kaming magkita. Hindi ko siya agad namukhaan ngayon. "Dahil hindi ka sumasagot, iisipin kong tama ang mga sinabi ko. Marami kang utang sakin di ba?" Bilang isang knight noong kasagsagan ng panahon ng monarkiya, mayroon akong utos na sinusunod. Iyon ay gawing prinsipe ang tagapagmana ng namatay na prinsipe. Ang lahat ng dukeng posibleng makaangat kaysa sa damphir na susunod sa trono ay dumadanak ang dugo sa aking mga kamay. Isa na nga roon si Xerun. Lihim akong binigyan ng misyon upang wasakin ang kanyang katawan. Siya ay isang 'Respawner' at malapit na sa lebel ng maalamat na Whisperer. Hinding hindi humihiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan niya kaya literal na wala siyang kamatayan. Kahit pa pagpira pirasuhin siya ay agad siyang manunumbalik sa dati. Bukod dun, nagagawa niyang lumikha ng artipisyal na mga nilalang mula sa sarili niyang dugo at laman. Ang akala ko ay hindi na siya makakaligtas pa nung pinasabog ko sa milyong piraso ang katawan niya... "?Nandito ka ba para maghiganti? Pwes wala akong oras para sa iyo." Ang markang ibinigay niya sakin ay isang vendetta. Talagang darating ang araw ng kanyang paghihiganti sa oras na magkita kaming muli. Nakahanda ako para doon? sa ibang araw sana. Hindi ngayong problemado ako sa anak at asawa ko. "Kung gusto kong maghiganti, dapat sana ay noon ko pa ginawa. Alam mong hindi ko kayang magalit sayo sa kabila ng lahat ng ginawa mo sakin." Kasinungalingan ang mga sinasabi niya! "?Pwes para saan ang marka ng Raven?!" "Para hindi ka mawalay sa akin... Dahil sa marka ay malaya kitang nababantayan mula sa isang distansya..." Mas gusto ko pang magalit siya; yung tipong isinusumpa na niya akong mapunta sa pinakamalalim na bahagi ng impyerno. Ayoko ng ganitong umaakto siyang cool. Kinalimutan ko na ang pagkakaibigan namin. Nabaon na yun pagkatapos kong mapagdesisyonang sundin ang inuutos sakin. Inialis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Nasubaybayan mo ako hindi ba? Alam mo na marahil na mayroon na akong asawa at anak." Alam ko namang sooner or later ay mabobrought about ang topic na yun kaya inunahan ko na siya. He was seven when we got engaged. Dukesa pa ako noon. Noong time din na yun, wala akong pakialam sa feelings. Isa akong obey-freak. I do what I was told. "Ang asawa mo... Nakilala ko na siya. Isa siyang mabuting tao... Ngunit napakasamang prinsipe ng mga bampira." Nangunot ang noo ko sa last remark niya tungkol sa asawa ko. "Ano kaya kung ako ang naging prinsipe noon? Tingin mo ba mabubuwag ang monarkiya? Magkakawatak watak ba ang mga bampira sa tatlong fortress? Magkakaroon ba ng undead plague? Mawawasak ba ang mga fortress? Magiging payapa ba ang buhay mo bilang prinsesa ko??" "TUMIGIL KA NA!" buong lakas kong sigaw. Gusto ba niyang sabihin kong pinagsisisihan ko ang prinsipeng pinili ko?! Hio, kahit gaano kahirap ng mga pinagdadaanan natin, kaya naman di ba? Pero... Sa dami ng problemang nasolusyonan nating magkasama... Kahit pa kamatayan ay napagtagumpayan natin? Nasaan ka kung kelan kailangan kita ngayon? Mas lalong naglakas ng loob si Xerun nung nakita niyang parang nanlalambot na ako. "?Nakilala ko na rin ang anak anakan ninyo... Nakasama ko siya habang sinasaksihan ko ang pamiminsala ng undead plague sa mga bampira sa loob ng dalawang taon. Nakita mo na ba ang tunay na kulay niya? O pilit pa rin niyang itinatago sa inyo ang nabubulok niyang pagkatao?" Napasalampak ako sa mga hilera ng tisa. All this time, hindi lang ako ang minamatyagan niya kundi pati na ang pamilya ko. Sa ibang paraan niya balak gumanti sakin! "?At ang iyong bunsong anak Galatea... Hindi magtatagal at delubyo rin ang ihahatid niya sa sanlibutan gaya ng mapamuksang anghel na nagbigay ng buhay sa kanya. Dapat lamang na habang bubot pa ang kanyang kamalayan ay mawakasan na ang kanyang bu?" Hinatak ko ang alulod na gawa sa aluminyo at hinulma iyon bilang espada. Nasaksak ko si Xerun sa dibdib dahil wala siyang ginawang effort para ilagan ang atake. "Mauuna kang mamatay bago ang aking anak!" buong tapang kong banta sa kanya. Ngumiti siya. Waring hindi siya nauubusan ng alas na panlaban sakin. "?Alam mo kung nasaan ang tunay na Minerva?" Nanlaki ang aking mga mata. HINDI MAAARI! PAANO?! "Nakakamangha hindi ba? Ang Minerva na nasa loob ng iyong mansion ay may aura at kapangyarihan na gaya ng sa tunay na Minerva... Isang perpektong replica na gawa mula sa sarili kong laman at dugo! Ang totoong Minerva ay naroroon sa lugar na hawak ng kaibigan mong linker. May ilang daang undead rin ang nagkalat doon kung hindi mo pa alam. Maaaring piliin ng Linker na hilahin ang laman ng kristal upang palayain ang babaeng pinakamamahal niya... O kung kaya niyang piliin ang pagkakaibigan kesa sa pag ibig, kinakailangan niyang bitawan ang lupang dating bahagi ng Area 3." Isa na namang napakateribleng pagdedesisyon ang nakalatag ngayon! Ayoko nito! Walang mamamatay samin dahil lamang sa kababawan ng isang bampira! "?Pero kung gusto mo namang iligtas silang dalawa..." Nagbigay siya ng ikatlong kundisyon gaya ng ginawa dati noon ni Redder. Kaso iba ang sitwasyong ito. Mas kinakabahan ako sa sasabihin niyang ikatlong pagpipilian. "Abandonahin mo nang tuluyan ang iyong pamilya. Sumama kang muli sakin. Magsimula tayo. Nakahanda akong patawarin ka sa iyong mga pagkakasala." Hindi ba talaga niya maintindihan na kaya ko siya dinispatsa noon ay dahil hindi siya ang pinili ko?! May panibagong pagdedesisyon na naman ang sumibol sa ikatlong choice... Kung sino ba ang mas matimbang, ang anak o ang asawa? Napunta na sa ganitong edge ang aking ama. Nagkaroon ng time na namili siya kung ako o si Mere. Kapag tinatanong ko siya kung bakit, laging sinasabi niya ay? Ang asawa, napapalitan yan. Pero ang anak, hinding hindi. Hindi mapapalitan sa puso ko si Hio. Pero kung iisipin ko, mas malalim ang relasyon naming dalawa ni Antigone. Nabuhay siya sa loob ko ng ilang buwan. Sa panahong yun, iisa ang aming damdamin. Ang lahat ng iniisip ko ay nalalaman niya rin. Dala na rin niya sa kanya ang malaking bahagi ni Hio. Si Antigone lang ang meron ako kapag nawala si Hio. Si Antigone lang ang tanging hiniling ko mula sa kanya. Kaya patawad... Ang pipiliin ko ay ang anak namin. Dahan dahan kong itinaas ang aking kamay. Nahablot ko ang laylayan ng suot na pang itaas ni Xerun. Hinigpitan ko ang kapit doon. "Matutulungan mo ba ako na maibalik sa dati ang aking anak? May paraan pa nga ba? Wag kang mag alala, iiwan ko rin siya kapag maayos na ang kalagayan niya." I almost beg. Tila nagustuhan niya ang aking itinanong. "Pagtutulungan nating mapagaling ang iyong anak." ?? direk_whamba Part 4: Si Hio at Ang Nakaraan ng Kanyang Anak 60th Madness Cerylle's POV: "Sabi na nga ba at magbabalik ka rin dito. Wala kang napala hindi ba?" Inignore ko ang litanya ni Kan pagkapasok ko ng penthouse at nagtuloy tuloy akong pumasok sa silid ni Aster. I violently kicked off my Pony shoes tas nahiga ako sa kama. Ang akala ko kaya kong ilocate ang aking ina, or rather pupuntahan niya ako anytime na mag isa lang ako... Nabawi ko na ang mga dapat kong bawiin so hindi naman siguro ikasasama ng kalooban niya kung magpatulong ako sa kanya about Aster? Bumukas ang pinto ng room. Pumasok din si Kan. He stopped at the foot of the bed. "Mayroon akong magandang balita para sayo. I can pick up Aster's mind agai?" "ANONG SABI MO?!" napabalikwas ako ng bangon sa kama. "SAAN?!" I bit my lower lip. Baka niloloko lang niya ako since alam niya kung gaano ako kadesperate ngayon. Pero isipin na niya ang gusto niya, basta bibilhin ko ngayon ang mga sinasabi niya! Iba ang basa ko sa nakatatanda kong kapatid ngayon... Napakaseryoso ng mga mata niya. "?Magpunta tayo ngayon kung nasaan siya. Mayroon kasi akong isang bagay na nais kumpirmahin." aniya. "Nasaan ang rod mo?" tanong ko. He just shook his head. "Iiwas tayo sa anumang gulo hangga't maaari." Lumapit siya sa may bintana. Nasira ang venetian blinds pagkahila niya niyon. Pagkabukas niya ng bintana, nailluminate ang kwarto ng kakaibang shade ng kalangitan. Kanina pa pula ang langit. Bigla na lang yun nangyari nang hindi ko alam ang dahilan. I don't really care as long as hindi naman siya harmful. "Ano pang tinatanga tanga mo diyan Cerylle?! Tara na!" Hindi ko naman talaga nagamit yung bintana. Paghawak ko sa braso ni Kan, we joint teleported. Nagrely na lang ako sa kanya para sa aming direksyon. Huminto kami nung nasa tapat na kami ng tarangkahan ng isang pamilyar na estate. Kakagaling lang namin dito dahil sa ginanap na piging. Ito ang Rose mansion na siyang tahanan ng mga magulang ni Aster. "Mayroon ba tayong permiso?" tanong ko kay Kan nung humawak siya sa mga bakal ng gate. I'm sure na protektado ang lugar na ito ng daan daang barriers at charms. Once na tumuloy kami sa loob nang walang permiso o walang nag iimbita, we'll drop dead. Tlaaaaak?! Itinuloy niya ang pagbubukas sa pinto ng gate. "Wag kang mag alala, kanina ko pa kinakausap si Aster. Parating na siya mayamaya lang." Honestly, wala akong tiwala sa sinabi niyang 'wag kang mag alala'. Lalo akong nag aalala eh! At tama ba ako ng dinig?! Si Aster ay parating na daw dito? Bumukas ang main door ng main mansion. Lumabas mula dun ang isang binatang nakasakay sa wheelchair. Kitang kita ko siya kahit pa napakalayo niya. My heart felt weird. Para bang excited akong makita siya when hindi naman siya ang gusto kong makita. May aura siya ng isang bampira kahit ang alam ko ay tao siya. Sikat kasi eh kaya imposibleng hindi ko siya marerecognize. Siya yung vocalist ng bandang Seventh. Kaso paano siya naging isang bampira?! Brr... Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Basta basta na lang nag-i-spawn na parang kabute ang mga bampira at mga undead! The guy in the wheelchair uttered something. Agad na bumaling sakin si Kan. Yun na yata yung permisong hinihintay namin. Hinawakan niya ang braso ko; and the next moment, nasa harap na kami nung guy sa wheelchair. Ang unang ginawa ni Kan ay itinaas ang laylayan ng suot na shirt ni guy. Napakadisrespectful nun since bisita lang kami. But then, namangha ako sa aking nakita (hindi sa namboboso ako or ano). Mayroon siyang sariwang sugat na napakahaba at tagos pa yata hanggang likuran niya? Bampira siya subalit mayroon siyang sugat na hindi gumagaling... Isang sumpa... "Kay Senri ang katawan na yan, hindi ba Aster?" palagi na akong nagugulat sa mga sinasabi ni Kan ngayon! Si Aster? Si Senri? Kaya ba iba ang nararamdaman ko? "Tama ka. Katawan nga ito ni Senri. Pero sa tagal ng panahong nakatago ito, deteriorated na ang ibang bahagi nito. Kinailangan ko pa tuloy manghiram ng mukha sa aso." I don't think sasabihin yun ni Aster kung ibabalik ang dati. Wala namang mali sa mukha niya. Good-looking naman so far. Pero anong nangyari? To be honest, medyo natuwa ako dahil nagbalik siya. Ngunit bakit sa katawan pa ni Senri? Drat. Hindi ko siya makakausap ng masinsinan kahit gusto ko. Kan is around. Speaking of the devil, I saw my brother smirk. "Anong plano mo niyan?" "Marami..." ani Aster. "Pero sa ngayon, kailangan mo munang makita si Fait. Tara, sumunod kayo sakin sa loob." Nakakailang sa loob ng mansyon nila. May mga bampirang nakamatyag kahit saan. Lahat sila ay pinakikiramdaman kami. Isang maling galaw lang namin, sigurado akong kukuyugin nila kami. Teritoryo pa naman nila ito. Nakarating kami sa bahagi ng mansyon kung saan pribado na ang mga silid; yung tipong hindi dapat puntahan ng isang ordinaryong bisita. "Bubuksan ba ang pinto?" tanong ko kay Aster paghinto namin sa isang malaking double door. Tancha ko ay mabigat ng pinto. Baka kasi mapaano ang sugat niya pag nag excert siya ng physical force. He gave me a short nod. Inilapat ko ang mga palad ko sa pinto at dahan dahan iyong itinulak. May mga bampira sa loob. May dalawa akong hindi recognized; isang babae at isang lalake. Yung nakaupo sa sahig at nakatingala sa isang napakalaking kristal ay walang iba kundi si Fait. "Tito, tita, mga kaibigan ko sila. Si Kan at si Cerylle." sabi ni Aster sa dalawang bampira na magkatabi. "Magandang araw po." bumati ako in behalf of Kan. "Magandang araw den. Aku man si Kape. Seya se Menerva." Nakakamangha ang wika ng lalakeng bampira. Marahil ay isa siyang ancient nagumagamit ng sinaunang pananalita na naglaho na sa kasaysayan! Si Kan parang deadma lang. Ang una niyang ginawa ay ang lumapit kay Fait. Sinuri niya iyon. "Mayroon pa siyang kamalayan ngunit wala na siyang kakayahang mag isip. Tsk... Sayang." Nagkibit-balikat lang si Aster. "Anong gagawin natin sa kanya? Nagkaganyan na siya pagkatapos ng nangyari kay Aning." Itinuro ni Aster yung kristal. This time ay pinagmasdan ko yun ng maigi. Nasa loob niyon si baby girl. There's something wrong with her body... Parang marbled at wala na sa orihinal na kulay. Anong nangyari sa kanya? How could someone do that sa isang bata?! Biglang tumayo si Fait. Itinaas nito ang kaliwang kamay. Ibinaba. Itinaas ang kanang kamay. Ibinaba? He's obviously being controlled by Kan. "Myembro pa rin siya ng ForMad kaya wag naman pagdidispatsa sa kanya ang agad mong iniisip?" Flap! Flap! Squawk! Lahat kami ay biglang napatingin sa tita ni Aster. Nadistort ang buo niyang katawan at nagmorph sa napakaraming itim na uwak. Hala?! Lahat kami ay speechless, as in pinanood lang namin ang paglipad ng mga uwak. Nasunog sila isa isa matapos nilang magsalpukan habang nasa ere. "M-Menerva?!" yung pinakanagulat siguro sa nangyari ay si tito ni Aster. I bet he didn't expect that... Siguro ang akala nila ay yung 'real Minerva' ang kasama nila all along. I know someone, particularly a relative of Vral can do some sublime feigning like that. The Respawner... Hays... Wala na talagang magiging katahimikan ang angkan ninyo kapag pinag initan ng mga Vral... Alam na alam ni Aster ang bagay na yun. He can't ever beat them, that's why he joined them... **** Hio's POV: Pagkahilom ng sugat ko sa aking braso, mabilis akong nahigop pabalik sa panahon kung saan ako iniligaw ni Senri. Sarado na ang lahat ng portal palabas. Wala man lang akong napala sa kabila ng pansamantala kong paglaya dito. Ni hindi ko nakuha si Anne. Agad akong kumilos dahil sa masamang kutob. Ganun kalakas ang koneksyon namin ni Anne. Hindi nga siya sasaktan ni Senri pero may posibilidad na marami silang masaktan kapag nag join force ang mga kapangyarihan nila. Nanginginig ang braso ko. Marami na akong inaksayang lakas para lang baligtarin ang time seal ni Senri. Idagdag pa na panandalian lang ang epekto niyon? hanggang sa maghilom lang ang magic circle na inukit sa dugo at laman. Namalayan ko ulit ang sarili ko na nasa chapel. Naulit ang mga pangyayari. Malapit ako sa pintuan kaya hindi nakalampas sa aking pansin ang anino ng nilalang na nasa labas. Lumigid ako at sa bintana dumaan. Saktong pagkababa ko, naactivate ang isang napakalaking time seal na sumakop sa buong chapel. Ang isang bagay na gusto ko sa sarili ko ay wala akong aura. Hindi nila ako mapakikiramdaman kahit nasa malapit lang ako, unless lilikha ako ng ingay. Nakarinig ako ng sunod sunod na pag ubo. Ubong pambata. Iisipin ko sanang si Aster yun kung hindi lang nagsalita ang isang binata. "Master Senri, ayos ka lang ba?!" "Wag mo akong intindihin... Ang mahalaga ay nagawa ko na ang seal. Pinabagal ko ng mapakaraming beses ang panahon sa loob ng kapilya. Tiyak kong marami nang pagbabago ang magaganap bago pa makalaya sa aking kapangyarihan ang hari?" Umubo ulit ng umubo ang batang si Senri. Malinaw na sakin ngayon na alam ng mga Vral kung sino ako. Hindi na ako nag eexist bilang 'hari' kaya nakapagtatakang kilala nila ako... Oo nga eh... Alam nila ang lahat. Alam nila pati ang tungkol sa whisperer na hindi naman dapat! Kahit pa nakikita ni Senri ang hinaharap, malabong malaman niya ang tungkol sa lahat ng bagay bagay. ?Hindi sila umaasa kay Senri para sa mga impormasyon. May isang nilalang na nagpoprovide nun para sa kanila. Ngunit sino? Isa ba nilang kamag anak? O isang bihag? ?? direk_whamba 61st Madness Hio's POV: "?Master Senri, nakuha na po namin ang mga bata. Maaari na po tayong bumalik ng manor upang maipahinga na ninyo ang inyong katawan." May panibagong lalake na nagsalita. Medyo iba kasi yung timbre ng boses niya kesa dun sa una kong narinig kani-kanina lang. Naalarma ako sa tinuran niyon nung mabanggit ang 'mga bata'. Mabilis pero walang ingay akong pumasok sa loob ng aking tahanan. Nasulyapan ko si Aster na tahimik na bumababa ng hagdan. Nakasunod sa kanya si Licorice na kalong kalong ang sanggol pang si Anne. Pumasok mula sa main door ng mansyon si Senri at pati na ang mga kasamahan niya. Nakaupo na siya sa wheelchair na daig pa ang isang imbalido. Inilahad niya ang kanyang kamay kay Licorice. "Ibigay mo na siya sakin." Tumalima sa kanya si Licorice. Ibinigay nito kay Senri ang aking bunsong anak. Dun pa lang sa point na yun, parang gusto ko nang makialam. Kinulong kami ni Shall sa napakabagal na panahon tapos ay ganito pala ang gagawin nila habang wala kami! Pero... nangyari na ang lahat ng ito. Masama para sakin ang makialam dito. Wala man akong masyadong alam sa hirap na pinagdaanan ni Aster, at chance na nga ito para malaman ko ang lahat lahat ng mga pangyayaring dumaan na lang na parang mabilis na rolyo ng film, tingin ko kailangan kong umiwas na lang. Hindi ko maipapangakong hindi ako magagalit. At kapag nagalit ako, may mawawasak... Marami na akong bagay na natutunan tungkol sa paglalakbay sa oras: mula sa aking ama, at mula din mismo sa sarili ko. Emosyon at pagsisisi ang siyang mahigpit mong kakalabanin. May mga pagkakataong matutukso ka upang itama ang mga kamalian... Ngunit marerealize mong mali rin ang pagtatama niyon. Sinundan ko pa rin ang pangkat nina Senri na tumulak pabalik sa kanilang manor. Iiwas lang ako kay Aster pero aalamin ko kung sinu sino ang mga utak sa likod ng pananabotahe sa akin at sa aking pamilya. Sakay sila ng malaking itim na karwahe na pinatatakbo ng isang farer. Ang mga farer ay may kapangyarihang gumawa ng isang pribadong black hole habang sila ay 'moving'. Habang nasa loob sila ng black hole na yun, nagagawa nilang hilahin palapit sa kanila ang distansya ng isang lugar. Sa madaling salita, nakakagawa sila ng shortcut. Permiso rin ang umiiral sa loob ng black hole ng mga farer na limitado lang sa kung sino ang kanyang mga pasahero. Sila ang pinakamainam noong transporter ng mga maharlika dahil dun. Kung magtangka ang isang hindi pasahero na pumasok ng black hole, sudden death ang aabutin ng tangang yun. Pero hindi ako 'tanga' kahit may balak akong mag infiltrate sa loob ng black hole. Lalong hindi rin ako kasing engot noong hinarang ko ang sarili ko sa papaalis na farer noon sa tore ng Svanr. Hinantay kong maglaho ang karwahe. Hindi nakikita ang ordinaryong mata ang paglalaho na yun. Pero kung isa kang bampira, o kung ano pang uri ng kakaibang hayop, makikita mo in slow motion ang pagpasok ng karwahe ng farer patungo sa vortex niya. Imagine kapag nagpenetrate ang kahit na anong solidong bagay sa isang manipis at kalmadong talon ng tubig. Babagsak ulit ang tubig kapag nagpass na ang solid object but it will take some time bago mapunan ng tuluyan ang gatlang naiwan? Dali dali kong sinayad ang kamay ko sa lupa kung saan eksaktong nawala ang karwahe. Kahit napakaliit na butas lang ang maisalba, maaari iyong palakihin ulit. Kung sariling sikap ang gagawin kong pagbubutas, aabutin ako ng siyam siyam. Malaki pa ang posibilidad nun na sa ibang black hole ng panibagong farer ako mapadpad. Pinalaki ko ang lagusan sa black hole na sakto lang para makagapang ako papasok sa loob. Abot tanaw ko pa ang karwahe ngunit napakaliit na nun. Biglang nanigas ang mga kalamnan ko. Unti unting nagiging dust particles ang mga dulo ng daliri ko, pati ilang bahagi ng aking katawan. Ito na yun... Iginugupo na ako ng lugar na ito dahil wala akong permiso. Ipinikit ko ang mga mata ko upang makapagconcentrate. Kinakailangang mawala ang existence ng permiso na yun bago ako unahan ng kamatayan. Mayamaya lang ay nahinto na rin ang nangyayari sakin. Nagtagumpay ako. Nabypass ko ang mundong ito ng isang farer? na hindi ko pa nagagawa kahit kelan. Dahil dun kaya't nakahabol ako sa karwahe. Nakalabas din ako pagkalabas nila. Nasa Elementia kami... Walang dudang ito ang fortress na hindi naapektuhan ng undead plague. Dito kasi namumugad ang mga ungas na bampira. Sa plaza ako dumaan para may konting distansya naman ako sa karwaheng sinusundan ko. Baka lang may mga espiya sila sa paligid. Nadaanan ko ang mga hilera ng cherry trees. Noong dito nakatira si Shall at nasa kanya si Aster, madalas ay dito ko sila sinusundo. Gustong gusto nilang panoorin lagi ang pagbagsak ng mga cherry blossoms. Dito rin sinasanay ni Shall na kumanta si Aster... Sana'y di magmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay... Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag ibig habang ako'y nasa duyan Napakurap ako ng aking mga mata. Nag iimagine na naman ba ako?! Parang narinig ko ulit ang kantang sinasanay dati ni Aster... Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan... Meron ngang kumakantang bata na nasa tapat ng isang cherry tree. Kaso babae naman. Halos magkatimbre kasi ang singing voice ng babae at lalake pag bata. Kahit nagmamadali ako, nagbigay ako ng time para lumapit sa batang babae. "Ang ganda naman ng boses mo... Sino ang nagturo sayo ng kantang yan?" Maganda naman ang pagkakaapproach ko sa kanya kaya nagtataka ako kung bakit siya nagsmirk. Kasupladang bata. "Ang nagturo sa akin ng kanta ay ang iyong anak?" Dinuro pa niya ako. Pagkatapos, parang magic show ang kanyang paglalaho. Naging mga puting kalapati ang kanyang katawan. Nagliparan ang mga kalapati papaitaas. I swear binigyan niya ako ng heart attack! Maloko talaga ang mga batang bampira... Ngunit napapaisip ako nung sinabi niyang tinuruan siya ng kanta ng aking anak... Si Aster siguro. Baby pa ng mga panahong ito si Anne eh. Ang bata bata pa ni Aster, nanchichix na dito sa Elementia! Good boy! Mana sa tatay! Itunuloy ko na ang pagsunod sa karwahe. Naglakbay pa yun hanggang sa dulo ng bayan. May maliit na settlement pa doon or yung hamlet pero puros mga mansyon lang din ang meron. Huminto ang karwahe sa obyus na pinakamalaking estate. Sa likod agad ako nagpunta. Naghanap ako ng easy entrance. As usual, wala na naman akong permiso; ngunit dahil kelangan, gumamit ako ng kapangyarihan. It will take some time bago nila matuklasang wala nang proteksyon ang kanilang mansyon. Maraming tao sa loob ng mansyon kaya kinakailangan ko ng dobleng pag iingat. Lahat ng nandirito ay mga bampira na may kanya kanya rin naman sigurong kapangyarihan. Ang sabi ko iiwasan kong makita dito si Aster pero parang nananadya ang pagkakataon. Nakita kong ineescort siya at may pupuntahan yata sila. Hindi ko na nakikitang isusunod sa kanya si Anne. Sumasakit ang puso ko habang mataman kong pinagmamasdan ang aking anak. Nasaan ako nung mga panahong nandito siya? Nandun ako at nakatrap sa time seal, at the same time, nandito ako malapit sa kanya ngunit nakatanga lang at naghihintay ng mga mangyayari. Hindi tama ito eh... Fuck self control. Masira na mga dimensyon, oras, at tadhana, screw them all! Magscramble na ang dapat magscramble basta ililigtas ko mula dito ang anak ko! Sumunod ako kanila Aster. By that time, nakapasok na sila sa loob ng isang silid. "AAAAAAAHHHHHHHH!" Mas lalong nagrebolusyon ang kalooban ko nung marinig ko ang sigaw ng anak ko. Tatadyakan ko na yung pinto, kaso huminto ako nung makaramdam ako ng malakas na aura na nanggaling ng direkta sa likuran ko. "Mahal na hari maghunus dili ka." Kaagad akong pumihit patalikod. Shit. Tinawag niya akong mahal na hari. Shit. "Wag mo akong pipigilan! Sino ka ba?!" para akong timang na galit na galit pero pinipigil na palakasan ang boses. Nakakainis kasi. Galit ka na nga, kalmadong kalmado pa rin yung chix sa harap mo. "Ivy ang tawag sakin ng mga magulang ko pero Loraine naman ang tawag sakin ng mga Vral. Hindi tayo nagkakilala noon kahit nagsilbi na ako para sa iyo, aking hari." Kung magsalita siya parang ginagalang niya ako. Napakawirdong babae. "?Kung wala kang kinalaman sa problema ko, wag ka na lang makialam." Pinigilan niya ako sa ikalawang pagkakataon. Hinawakan niya ako sa braso. "Isipin mong maigi kung nakialam ka nga ba dito kamahalan. Nailigtas mo nga ba ang iyong mga anak?" Hindi nga ako nakialam. Naging anak ng Vral si Aster hanggang sa pagbibinata at naging isang undead nung lumaganap ang undead plague... Bakit wala akong ginawa kung nandito na ako?! Lumuhod bigla sa aking harapan si Ivy. Bigla siyang nabalisa na ewan. "Patawarin mo ako. Ako ang nagbigay sa iyo ng lahat ng kinakaharap mong problema..." "Ha?!" natigagal ako sa sinabi niya. Sino ba kasi siya?! "Kung naaalala mo ang mga paniki, ako ang natatanging paniki ng mga maharlika. Alam ko ang lahat ng bagay sa mundong ito. Alam ko kung sino ang ipanganganak pa lang, kung sino ang mamatay, narereincarnate, kung sino ang nawawalan ng eksistensya at marami pang iba..." "?Kung ganun ay ikaw ang impormante ng mga Vral?!" Marahan siyang tumango. "Bihira lang akong magpakita sa mga bampira. Itinuturing ako bilang sentro ng mundo. Ang lahat ng impormasyon ay dumadaan sa ulap ng aking kamalayan. Noong nawala ang monarkiya, pinaslang ang mga kauri ko. Sinubukan kong magtago ngunit natunton nila ako." "Kaya ka ba nagtrabaho para sa mga Vral ay para isalba ang sarili mong buhay?!" Hindi ko siya masisisi kung naging makasarili siya. Nature na yun ng mga bampira. Nakakainis lang na masyado niyang kinarir ang pagtulong sa kasumpa sumpang angkan. "?Nagkakamali ka. Kung tutuusin ay handa akong ibuwis ang buhay ko para sa kapakanan ng kapwa ko bampira... Nakipagtulungan lang ako sa kanila dahil alam kong magkakaroon pa ng pagbabago ang mundong ito. At ikaw ang gagawa nun." "Ako?" "Wag mong sabihing tinatalikuran mo na ang lahat ng responsibilidad mo bilang hari? Hangga't nabubuhay ka, mananatili ka sa posisyong iyon. Dahil sa iyo kung bakit naging mapanira ang mga Vral. Marami ang lihim na natatakot sayo. Itinuturing ka nila bilang berdugo na hahatol sa lahat kahit wala pa ang oras ng paghuhukom." Napaatras ako kay Ivy. Napasandal ako sa pader. Marami ang nagagalit sakin... Hindi nila ako masasaktan kaya iniisa isa nila ang mga nilalang na pinahahalagahan ko. "?Magdesisyon ka na kamahalan. Kapag nakita nila akong tumakas mula sa aking chamber, papatayin nila ako kahit pa malaki ang silbi ko sa kanila. Ngunit kapag iniligtas mo ako, tutulungan kitang magtagumpay." ?? direk_whamba 62nd Madness Hio's POV: "?Halika na!" walang anu ano'y hinila ni Ivy ang braso ko at kinaladkad niya ako palayo mula sa silid na pinagdalhan kay Aster. Para siyang tanga. Pinagdedesisyon niya ako kung tutulungan ko ba siyang makaalis ng manor na ito pero kita niyo, siya pa tong tumatangay sakin! Pilit kong nililingon ang silid hanggang sa makaliko na kami ng pasilyo. Dahil di ako nakialam sa takbo ng mga pangyayari, tiyak na puro paghihirap at dusa ang pagdadaanan ng aking anak. May choice ako at minabuti kong piliin ang makabubuti sa lahat balang araw. I chose to walk out of this. Masama lang siyang tingnan sa ngayon. Nagsurvive naman si Aster kung tutuusin at bonus pang nabawi niya si Anne... Ang gusto ko lang malaman mula sa kanya ay kung nagtanim ba siya ng galit sakin o kaya ay kung isinusumpa niya ako dahil pinabayaan ko siya... Lumiko kami ni Ivy at pumasok sa isang walang taong silid. "Buksan mo ang iyong dimension point ngayundin." utos niya sakin. Like a boss lang eh. Napakamot ako ng ulo. "Bubuksan?! Magsasayang lang ako ng kapangyarihan. May pwersang kumokontra sa pagbubukas ko ng mga portal ko." "Magtiwala ka sakin." pag aassure niya. Ginawa ko na lang din. Nag angat ako ng manggas. Inscribed na kasi sa braso ko ang magic circle para sa aking dimension point. Inoffer ni Ivy ang braso niya. "?Sa akin mo isulat ang iyong inskripsyon." Okay. Basta mga chix, sinusunod yan eh. Itinutok ko sa braso niya ang mahabang kuko ng aking hintuturo. "Sigurado ka ba? Masakit to. Saka baka masira yang kutis mo sa braso." Tumango siya kaya itinuloy ko. Ibang klaseng pagmamarka ang ginagawa ko pag nag iinscribe ako sa katawan. Bumabaon yun sa laman at nagmamarka once na naghilom na ang sugat. "Maganda ang pagkakagawa mo sa magic circle ng iyong dimension point at di basta basta nanenegate ng kahit anong uri ng mahika. Ang problema sayo ay hindi ka pa nagpapahinga. Matagal ka nang said ngunit pinipilit mo pa ring gumamit ng kapangyarihan." ani Ivy. Kahit di niya naman talaga nababasa ang mga inscriptions ko, nauunawaan niya kung ano ang purpose ng bawat linyang iginuguhit ko. Hindi yun 'wala lang' o dahil trip ko lang. Ang galing! "?Sa totoo lang pagod na pagod na ako; ayoko lang tumigil. Hindi pwede." Bahagya siyang napakislot nung iginuhit ko ang unang linya. Dumanak agad ang dugo niya. Mas masakit talaga kaysa sa ordinaryong pag iinflict ng sugat ang inscribing. Kumbaga isa itong uri ng pagtatattoo na ang ginagamitan ng kapangyarihan at dugo. "Ayos ka pa ba?" just checking. "Wag mo akong alalahanin. Ituloy mo ang ginagawa mo." Binilisan ko na lang para kahit paano ay hindi na matagal ang nararamdaman niyang pananakit. Ang tahimik. Wala man lang convo? "Ang pamilya mo ba ang pinaghuhugutan mo ng lakas kung bakit nakakapagpatuloy ka pa sa estado mong yan?" mayamaya ay tanong niya. "Parang... ganun na nga. Mahal ko ang pamilya ko. Mawala na ang lahat sakin wag lang sila." Wala man lang siyang ibinigay na papuri sa pagiging dakila ko. Tss. "?Noong bata kasi ako, naranasan ko ang pag iisa, although kasama ko naman ang kuya ko. Ibang iba kasi noon eh kumpara ngayon. Yun bang meron akong matatawag na pamilya... Yung 'ako' ang bumuo." Ang dami ko nang sinabi, still, poker faced pa rin si Ivy Batumbakal. Ang saya ko pa naman kapag nagkekwento ng tungkol sa pamilya ko tapos? "Natapos ko na. Ngayon ay iaactivate ko na ang dimension point." inabisuhan ko siya. Sariling kapangyarihan na niya kasi ang magapapagana sa magic circle. "Sige. Nakahanda na ako." aniya. Makalipas ang ilang sandali, napadpad na kami sa pamilyar na kadiliman na ang tanging light source lang ay nagmumula sa gem na nasa kalagitnaan ng void. "Mula dito, magbukas ka ng isang time portal." sige kung makautos tong kasama ko oh. Naupo ako tas dinama ko ang patag na aking tinutuntungan. Sinimulan ko ang pagguhit gamit ang aking hintuturo. Ang bawat stroke ng daliri ko ay nag iiwan ng blue dust na makintab kintab. Ang badaf lang. "Ayan na kumare tapos na!" pag naiinis ako kay Shall tinatawag ko siyang kumare. So ngayon nadiskubre kong generic pala yun basta naiinis ako sa isang babae. Kumunot ang kanyang noo. "Mali yan. Baguhin mo." "Anong mali diyan?! Ang hirap kayang icalculate niyan tas kokontrahin mo lang ng basta basta!" "Oh di sige. Ito ang gamitin natin. Bahala ka." Tinap niya ang ginuhit kong time portal. Nang magliwanag yun, tumapak kaming dalawa sa loob. Heto na naman ang pakiramdam na para kang hinihigop papunta sa isang napakasikip na lusutan. Ting! Ting! Di pa man ako lubusang nagkakaroon ng kamalayan, gumagana na ang pandinig ko. Ang lakas lakas ngkalansing ng mga nagtatamang espada. Nasumpungan ko ang sarili kong katabi si Ivy at nasa parehong silid pa rin kami kung saan namin ginawa ang dimension point. Punyeta. ANONG KLASENG PAGTAKAS TO KUNG NANDITO PA RIN KAME?! Ang bano mo Hio. Dapat kasi nakinig ka kay Ivy. "SINO KAYO?!" Mabuti na lang at may hood ang suot ko. Dagli ko iyong pinandong sa ulo ko na abot hanggang sa ilalim ng aking mga mata. Ang nagtanong ay walang iba kundi si Aster. Malaki na siya ngunit hindi pa abot sa edad niya sa kasalukuyan. Binatilyo pa lang siya dito o yung edad katorse hanggang kinse. Gula gulanit ang kanyang suot at puno ng bahid ng dugo. Hawak niya sa kanang kamay niya ang isang mahabang katana habang sa kaliwa naman ay halbot niya ang leeg ng isa pang binatilyo. Bukod sa kanila, mayroon pang isang binatilyo na prenteng nakatayo lang sa isang sulok. Agad bumaling si Aster sa sinasakal niyang binatilyo. Nanginginig ang mga kalamnan niya sa di ko pa malamang dahilan. "Aster mamaya mo na intindihin ang mga asungot na nagpakita dito. Ang unahin mo ay yang si Farfait! Wag mo nang i-resist ang pagkontrol ko sayo dahil ikaw din ang mahihirapan! Sige na, ibaon natin yang talim ng katana sa mga mata niyang mapanlinlang!" "TIGILAN MOKO KAN! KAYANG KAYA KONG PATAYIN ITONG SI FAIT NG NAG IISA! HUMANDA KA SAKIN! HINDI KO MAPALALAGPAS ANG GINAGAWA MONG PAGKONTROL SAKIN NANG WALANG PAKUNDANGAN!" galit na sigaw ni Aster. Pilit pa rin niyang pinaglalabanan ang di nakikitang pwersa na kumokontrol sa kanya. Unti unti namang nagpapalit ang kulay ng mga mata ni Farfait nung mapasulyap ako sa kanya. "Mga hayup kayo... Tingnan natin ngayon ang angas niyo!" Nganga lang ako sa kanila. Para akong nanonood ng action movie na bandang gitna ang naabutan ko. Wala akong naintindihan. Joke lang. Syempre meron. Hindi sila friends. Nagpapatayan nga sila eh. Sayang. Magkakaedad lang yata sila. Isang pambihirang pagkakataon sa buhay ng mga bampira ang magkaroon ng kasama sa paglaki. Pag tinitingnan ko silang tatlo, hindi talaga bagay sa kanila ang ubusan ng yabang eh. Balang araw, parang gusto ko silang makitang magkakasama, magkakaibigan... nagkakadamayan, nagtatawanan, at nanchichix. "Kamahalan?!" "Isa pang kulit mo masasapak na kita!" nagkunwari akong galit para manahimik si Ivy. Pinagitnaan ko ang tatlong bagets na nasa kainitan ng pagtatalo sabay sigaw ng? "RUBER FILUM LIGAVERIS!" Isa iyong lumang trick na nagmula kay pareng Race na nirevise ko lang. Ganitong uri ng sumpa ang ginamit namin noon para maging familiar ang isang soul-eater. Kusang bumulwak ang mga pulso ng tatlong kabataan. Ang dugo nila ay nagmistulang mahahabang hibla ng pulang sinulid. Umextend yun hanggang sa aking mga palad. Pinagbuhol buhol ko ang tatlong pulang sinulid. Tulala pa silang tatlo dahil wala silang ideya kung ano ang ginawa ko sa kanila. "Simula sa araw na ito, kayo ay magiging amo ng bawat isa at magiging alipin ng bawat isa. Hindi kailanman maaaring patayin ng alipin ang kanyang master, at hindi naman maaaring palayasin ng master ang kanyang alipin. Yan ang magiging takbo ng inyong buhay habang nabubuhay ako." Nabitawan ni Aster si Farfait, senyales na pinakawalan na siya ni Kan. Humarap siya sakin. Puno ng nag aalab na galit ang kanyang mga mata. "ANONG GINAWA MO SAKIN?! ANONG KLASENG SUMPA IYON?! HINDI KO KAILANGAN NG MGA ALIPORES SA BUHAY KO!" "Ang sumpang yun ay tinatawag naaaa?" isip Hio ISIP! "?tinatawag na FORLORN MADNESS!" taena. Dating banda ko yun ah? "FORLORN MADNESS?!" sabay sabay nilang tanong. Feeling ko ang engot engot ko. Eh napasubo na. Panindigan ko na to! "Oo yun nga! Inulit niyo pa, mga tanga! Mga baliw kayo pag magkakahiwalay, kaya ang dapat sainyo ay pinagsasama samapara tumino!" "YUCK! ANG BADUY MO KUNG SINO KA MANG SALAMANGKERONG BANO KA!" "?OO NGA IDADAMAY MO PA KAMI SA PAGKA-FAIL MO. WEAKSHOW!" "TARA, LET'S FINISH HIM!" Isa isa silang humakbang palapit sakin. Nagpatunog pa ng kamay si Aster! Hala hala hala?! Simula pa lang ng curse pero nagkakasundo na sila para tapusin ako?! Nagtago ako sa likod ni Ivy. "Tara na alis na tayo. Pinag iinitan na nila ako oh!" "Hmp. Ayaw mo kasing makinig sakin! Sinabi ko na mali yung sinulat mong inscription ayaw pang maniwala!" "Oo na mali na nga!" Bumalik kami ng time portal at the exact moment bago pa kami ma-sliced up ng aking anak. Narealize na kaya niya na ako ang nagbigay sa kanila ng sumpa? Narealize din ba niya na binigyan ko siya ng pinakamalakas na proteksyon? ang pagkakaibigan? ?? direk_whamba 63rd Madness Aster's POV: Pagmulat ko ng aking mga mata, tapos na ang sakit na naramdaman ko kanina. Ang akala ko ay papatayin na nila ako. Kailangan kong makaalis dito... Kailangan kong mailayo si Antigone para di niya danasin ang mga dinadanas ko! "Huhuhuhuh~" May umiiyak ngunit sino? Nasaan? Nanlalabo pa ang aking paningin ngunit pinilit kong aninagin ang kapaligiran ko. Iniwan ako ng mga ginoo na kani kanina lang ay nandito sa silid. Nag iisa na lamang ako? liban sa isang batang babaeng lumapit sa gilid ng kinahihigaan kong kama. Siya yung umiiyak. "Bakit ka umiiyak?" nagulat ako pagkat umusok ang bibig ko nung ako'y nagsalita. Daig ko pa ang isang tambutso ng jeep. Sigurado akong may ginawa talaga sila sakin na kung ano! Ginagap ng batang babae ang palad ko. Napansin kong duguan ang kanyang pulso. "?Kinalimutan mo na nga talaga ako..." Nangunot ang aking noo. Hindi ko siya kilala kaya't paano niya nasabing 'kinalimutan' ko siya? "S-Sino ka ba?" nawala na sa wakas ang usok na lumalabas sa aking bibig. Binitawan niya ang kamay ko. Mukha siyang dismayado na di mo malaman. Saka siya tumalikod at tinungo ang nag iisang pinto ng silid na ito. "?Sakin ka unang nangako at hindi sa kanya." napakamisteryo ng pinakahuli niyang sinabi bago siya umalis. Pag upo ko ng kama, bumukas ang pinto. Ang akala ko ay bumalik siya dahil may nakalimutan siya. Iba ang pumasok sa silid? apat na bampirang may hawak na mga matatalim na sandata! "S-Sino kayo?" WHACK! THUD! Bigla na lang akong sinibat ng pinakamalayong bampira. Tumama ang sibat sa aking tyan at natangay pa ako sa headboard kung saan bumaon ang dulo niyon. Napasuka ang ng pinaghalong laway at dugo. Papa... Nasaan ka? Tulungan mo ako! Hindi. Imposible. Mahinang mahina na si papa ngayon. Ni hindi niya kayang maglakad sa sarili niya. Sinugod ako ng isa pa sa apat na bampira. Naitarak niya sa aking dibdib ang hawak niyang espada. Kung hindi ako bahagyang yumuko baka natamaan na niya ang puso ko! "AAAAAARRRRGGGGHH?!" namilipit ako sa sakit nung inikot ikot pa niya ang talim ng espada. Wala na akong ligtas dito! Papatayin nga nila ako! Pero pag nawala ako, paano na si Antigone?! Hindi ko siya dapat pabayaan! Sabay sabay na kumilos ang tatlo pang bampira. Papalapit na sila. Alam kong talo nila ako ngunit parang ayokong makita ang sarili ko na hanggang dito na lang. Parang ayokong sumuko ngayon... Buong buhay ko, lagi na lang akong nakasandal kay papa. Lagi na lang siyang nandiyan para sakin. Ngunit sa kasamaang palad ay wala na akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko lang. Kung bampira sila, bampira din ako kaya may magagawa ako laban sa kanila? "LUMAYO KAYO SAKEEEEN!" sumigaw ako ng buong lakas. Napatda silang apat. Ang balak ko lang ay bumili ng kaunting oras para hugutin ang sibat na nakabaon sakin at itulak ang bampirang balak durugin ang puso ko ng kanyang hawak na espada; pero hindi ko inaasahan ang nangyari. Naglagablab bigla ang buo kong katawan. Kumalat ang apoy sa buong silid na nagmula lang talaga sakin. Kasamang nagliyab ang apat na bampira. Wala akong nararamdaman pero sila parang pinuputakte ng sakit. Nagwala yung nasa aking harapan ngunit hindi niya maapula ang apoy kahit pa anong gawin niya. Nakakita ako ng impyerno sa isang iglap. Nakahanap ako ng kapangyarihang kailangan ko upang patuloy na mabuhay. Dinukot ko ang sibat pati na ang espada. Dahan dahan akong tumayo at naglakad sa ibabaw ng nagbabagang sahig. Nalagpasan ko na ang bampirang nagtarak ng espada sakin. Kalahati ng katawan niya ay paabo na. Mayroong parte ko na ayaw makuntento. Binalikan ko siya at sinaksak ko ang kanyang dibdib ng sarili niyang espada. Pagkatumba niya, kung saan saang bahagi ko siya sinaksak. Nanginig ang aking mga palad pagkatapos kong makitang nag abo ang kahuli hulihang parte ng katawan ng bampirang pinatay ko. Ganito pala ang pakiramdam... Ngayon ay nangingimi na sa takot ang tatlo pang mga bampirang nagmaliit sakin. Craaaash! Pop! Pop! Nagsibasagan ang mga bahagi ng malaking salamin na nasa pader. Bago yun tuluyang mawasak, nakita ko ang sarili kong repleksyon? Isang batang naliligo sa dugo na ang mga mata ay pulang pula... Kasing pula ng bagang kakasalang pa lang sa pugon. "Ang porma..." bulong ko sa sarili ko bago ko winasak ang mga katawan ng mga natitirang kalaban. Clap! Clap! Clap! "TRES BON ASTER!" (Very good) Sa muling pagbukas ng pinto, pumasok ang isang ginoong nasa early thirties. Ang buhok niya ay kulay mais at ang mga mata niya ay mangasul ngasul na nahahaluan ng pula. Ayoko lang sa ilong niya dahil masyadong matangos. Suya na ako sa pagtatanong ng 'sino ka' kaya hihintayin ko na lang na ipakilala niya ang sarili niya. "Humanda ka na dahil bukas ay mas hihirapan ko pa ang iyong mga permiso!" "PERMISO?!" kunot noo kong tanong. Nagkibit balikat siya. "Permiso ang tawag sa restriksyon ng mga bampira. Sa isang espasyo o teritoryo, ang pagcomply ay katumbas ng extension ng iyong buhay samantalang ang pagsuway ay nangangahulugan ng kamatayan. Sa loob ng mansyong ito kung saan ka na maninirahan mula ngayon, kinakailangan mong magsaboy ng abo ng isang bampira sa pinto bago ka pumasok o lumabas ng bawat silid." Para sa pang unawa ko, kalokohan ang mga sinasabi niya. Maya't maya kong ibubuwis ang buhay ko para lang lumabas o pumasok ng pinto?! "Oh paano, maiwan na kita." Ilang segundo akong naiwang nakatanga. Nakasara na ang pinto nung maisip kong may nais pa pala akong itanong sa kanya. "Teka sandali!" Ayaw bumukas ng pinto. Pinuwersa ko na ngunit ayaw talaga. Naghilom na ang sugat ko kanina pero biglang sumakit ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko sa bawat tangka kong buksan ang pinto. Hindi ako makahinga? Ginawa ko yung sinabi ng ginoo. Dumakot ako ng abo mula sa sahig at iwinasiwas sa may pinto. Pagkabukas ko niyon, akalain ko ba namang si Rosary ang mabubungaran ko?! Kamuntikan ko nang mabitawan ang hawak kong espada sa pagkabigla ngunit mas hinigpitan ko pa ang hawak sa handle nung makarecover ako. Hinding hindi ko bibitawan ang espada? hanggang sa makakuha ako ng mas maganda pa dito o kung may makakapatay sakin. "T-Totoo nga ang ibinalita sakin ng aking tagasilbi... Nandito ka sa manor ng mga Vral..." gusto kong manliit nung sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. "A-Aster bakit??" Niyakap ko siya. "Wag mo akong tingnan. Ayos lang ang lahat. May tag isang pinto sa magkabilang dulo ng pasilyo. Kung paiiralin ko nga ang batas na ibinigay ni manong, kinakailangan kong paslangin si Rosary para lang makaalpas sa pasilyong ito. Syempre hindi ko yun magagawa sa kanya. Kinakailangan kong gumawa ng paraan. "Rosary, tawagin mo ang iyong tagasilbi, ngayon na." pabulong kong utos. "H-Ha? Oh sige..." inilabas ni Rosary ang maliit na kampanilya mula sa kanyang bulsa. May distinct na tunog iyon na ang makakarinig lamang ay ang disignated na tagasilbi. Ganun din ang siste ng pamilya ko sa aming mansyon. Ikinampay niya yun ng dalawang ulit. Mayamaya ay nagbukas ang pinto sa aming kaliwa. "Binibini, may kailangan ka ba?" Lumayo ako kay Rosary. Pinatalikod ko siya. Nilagpasan ko ang walang muwang na tagasilbi. Sumadsad sa sahig ang bewang niya pagkatapos ko siyang hatiin ng pacrosswise. "Ahhhhhh!" nanghilakbot si Rosary sa ginawa ko. Kakasabi ko lang na wag niya akong tingnan, sinuway niya agad... Pero siguro maigi na rin na nakita niya ang ginawa ko. Iniscoop ko ang abo ng tagasilbi na sapat lang para sa aking palad at isinaboy ko yun sa pinto. "Aster... Wag mo silang sundin! Wag mong hayaan ang sarili mo na maging kagaya nila?" "Napasubo na ako." walang lingon-likod kong pamimitawan. Isang sitting room ang pinasukan kong kwarto na may dalawa pang pinto bukod sa ginamit ko. Mayroong malaking painting sa pader na sinakop na ang buong pader sa aking kanan. Mapa yun. Mapa yata ng manor na ito. Nakamarka dun ang isang palatandaan kung nasaan ako. Dahil sa mapa kaya nalaman kong ang isang pinto sa sitting room ay para sa banyo. Tamang tama. Lilinisin ko ang sarili ko. Pero bago ko naman mabuksan ang pinto, kailangan kong pumatay. Ano kaya kung wasakin ko na lang?! Hindi rin pwede. Ikakamatay ko lang yun. Maiinis ako sa sarili ko kung mamamatay lang ako ng dahil sa pagsira ng pinto. Walang anu ano'y biglang bumukas ang pinto. Napunta pa sakin ang ilang abo na nagpalipad lipad sa ere. Lumabas ang isang batang lalake at may hawak siyang pouch na may abo. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Ganun din ang ginawa ko sa kanya. Magkaedad lang yata kami. Kamukhang kamukha niya yung batang kumuha kay Antigone... Sasaksakin ko na siya ngunit bagla kong hindi maigalaw ang aking mga kalamnan! "Malamang ay bagong salta ka lang dito. Hindi ka dapat nagsasayang ng abo. Di sa lahat ng oras ay merong nasa mood para kalabanin ka. Di rin sa lahat ng oras ay may mapapatay ka. Isip isip din minsan ha?" hindi naman bumubuka ang bibig niya pero may pumapasok sa isip ko. Gumagamit yata siya ng mental telepathy. "Wala akong pakialam sa pinto! Ibigay mo sakin ang kapatid ko! IKAW ANG KUMUHA SA KANYA DI BA?!" "WAG MO AKONG SINISIGAWAN!" masakit sa ulo ang sinabi niya. Ganun yata pag nanigaw sa isipan ng iba. "?Sigurado ka bang ako yun?" "Oo naman. Kalilimutan ko ba ang mukha mo gayong alam kong ikaw ang kumuha sa aking kapatid?" "Baka si Senri yun. Ako si Kan. Kakambal ko si Senri. Mahina ang isang yun kaya laging nakaupo sa wheelchair o nakahiga magdamag sa kanyang silid." Hinigit ko ang espada. Konti na lang at makakawala na ako sa pwersang gumagapos sakin. Kakambal niya yung kumuha kay Antigone at kailangan ko ng abo. Tamang rason na yun para patayin ko siya. Pang! Sawakas ay naigalaw ko na ang katawan ko ngunit umilag naman si Kan kaya tumama lang ang talim ng espada sa sahig. "Wala kang kwenta! Sa kabila ng pagbibigay ko sayo ng impormasyon ay kakantihin mo pa rin ako?! Ngayon pa lang ay nagpapakilala ka na! Magaling!" Nagpalit ng kulay ang mga mata niya? Grumble... Grumble... Gumalaw isa isa ang mga muwebles tas umangat sila ng ilang talampakan mula sa lupa. Narinig kong parang bumukas ang pinto katabi ng pinto ng banyo pero di ko na nilinga kung sino ang pumasok. Inuna ko kasing ilagan ang may kalakihang tokador na tatama sakin? WHACK! Nakailag naman ako. Kaso yung tokador ay humampas sa katawan ng isa pang bata! Napaatras ang batang tinutukoy ko. Nabiyak sa katawan niya ang molaveng tokador. Dumugo ang ilong niya; pero kung isang ordinaryong bata lang siya, baka nasa ospital na siya ngayon. "Oh Farfait, ikaw pala... Ang tanga mo naman para saluhin ang napakalaking tokador." pagbati na siguro yan ni Kan sa bagong dating. "Walangya ka! Humanda ka sakin! Ang aga aga pinapainit mo ang ulo ko! At sino ba yang bagong salta na yan? Bakit ba walang matino sa manor na ito?!" Nainis ako sa sinabi niyang 'walang matino'. Eh siya nga yun eh! "Tss... Masyado kayong madada na dalawa! Mga bading ba kayo?! Laban na!" hamon ko sa kanilang dalawa. Nag away kami. Matinding away. Pero frustrated kami sa kapangyarihan ng bawat isa. Idagdag pa run na walang gustong magpatalo. In the end, may mga dumating na mas mahihinang bampira. Pinatay ko agad ang isa. Hinakot ko ang abo as many ay I can tas sumibat na ako. Pero hindi dun nagtapos ang aming sigalot. In fact, madalas ko nang nakakaengkwentro sina Kan at Farfait. Doon nagsimula ang palaging-magkaaway-pero-minsan-tulungan na relasyon naming tatlo sa loob ng tahanan ng mga Vral? **** Napabalikwas ako. Nasa harap ko ang malaking kristal kung nasaan ang aking nakababatang kapatid. Nakaidlip ako habang nakaupo sa wheelchair. Naalala kong nagpaiwan nga pala ako dito para bantayan si Aning... May napanaginipan ako at tungkol yun sa aking kabataan. Hindi ko na nga natatandaang nangyari yun eh. Baka epekto lamang ng kapangyarihan ni Senri ang nasilip kong bahagi ng aking nakaraan. Ayoko na sanang magbalik tanak ngunit napapaisip ako sa batang babaeng una kong nabungaran nung magkamalay ako dati sa isang silid. Sa kanya daw ako unang nangako... ?? direk_whamba 64th Madness Hio's POV: Sigurado na akong nakabalik na ako sa orihinal kong panahon. May mga palatandaan naman yun. Nakatali ang ating thread of life sa tatlong mahahalagang abstract ng ating buhay: sa tamang mga pangyayari, sa tamang lugar, at sa tamang oras. They go hand in hand habang nabubuhay ka. I'm sure maraming tao ang walang pakialam sa sinasabi kong ito; pero hndi ba minsan naiisip ng kahit isa satin kung bakit hindi natin basta basta nababago ang takbo ng ating kapalaran kahit pa mayroon tayong urge? Dahil ang reality ay nakabigkis tayo. Stuck in a certain fate. Stuck in limited places. Stuck in a short period of time. I do travel a lot; sa iba't ibang lugar, oras, at pangyayari. Ngunit limitado lang. Sa bawat pagsalungat kasi sa aking sariling tadhana ay nababatak ang aking thread of life. Who knows? Kapag napatid iyon, katapusan ko na. Kaya no matter where I go, kailangan ko laging bumalik. Palaging may hihila sakin pabalik. Mahirap paglaruan ang buhay. Mahirap din itong seryosohin. Depende na yan sa isang nilalang kung saan nga ba sia dapat lumugar. Tumingin ako kay Ivy. Naiisip ko na lang din ang tungkol sa thread of life, gusto kong malaman kung anong plano niya. "Ivy, saang panahon at lugar ka ba talaga nag eexist? Tutulungan kitang makabalik." Ngumiti siya tapos ay umiling. "Matalino ka kamahalan. Sasandaling panahon mo pa lang akong nakakasama pero alam mo na agad ang sikreto ko. Sinadya kong idetatch ang sarili ko sa aking tunay na panahon at lunan. Gusto kong maging malaya kaya ko napagpasyahang gawin yun." Patid ang thread of life ni Ivy subalit hindi pa siya patay. Nakapagtatakang walang masasamang nilalang mula sa masasamang mundo ang humaharvest ng kanyang kaluluwa. Kung bumalik man ako sa nakaraan atleast mga twenty minutes ago lang, wala akong 'Ivy' na makikita kahit pa may ilang oras na kaming magkasama. Wala na siyang imprint na iniiwan sa mundo, sa madaling salita. Naaawa ako na ewan. "Pero?" "Alam kong ikamamatay ko rin ito balang araw. Nakahanda na ako dun." aniya. "Ano ang pumoprotekta sa iyong kaluluwa?" hindi sa chismoso ako... curious lang! "?Isang familiar, kamahalan. Ngunit ikinalulungkot kong hindi ko siya maaaring ipakita sa iyo ngayon." "Ayos lang. Naiintindihan ko. Magpatuloy na tayo." Ang lakas ng loob kong magdala na naman ng babae sa loob ng Rose mansion. Patay na naman ako nito sa asawa ko! Hindi ko muna binuksan ang gate. Hinarap ko ang kasama ko. "Ivy, alam kong pangit ehh pero pwedeng dito ka muna sa labas?" "Natatakot ka pa rin sa iyong asawa?" yung tono niya parang nang aasar eh. "Hindeeee! Alam mo kasi, may pagkaselosa siya! Konti. Oo yun!" "?Kung ganun ay panget ang asawa mo. Puno siya ng insekyuridad sa ibang babaeng nakakasalamuha mo." Umiling ako. "Maganda siya! Ang katunayan nga niyan, tinuturing siya noong paramour ng mga duke." "Eh di ikaw ang may problema. May asawa ka na ngunit magiliw ka pa rin sa iba." Amp. Pag ganitong usapan di ko talaga alam kung saan ako lulugar. Pinagsisisihan ko nang naging gwapo ako! "?Ako ba ang pinag uusapan ninyo, mahal ko?" PAKSYET! Nagulat ako! Bigla bigla na lang lumitaw sa harapan namin si Shall! Pero parang may kakaiba dito eh? Dahan dahang itinaas ni Shall ang braso niya. Hahawak sana siya sakin ngunit tinampal ko ang kamay niya. "Hindi ikaw si Shall. Sino ka?" Sumimangot si 'Shall'. "Paano mo naman yan nasabi?" "Hanga na talaga ako sayo kamahalan. Sasabihin ko pa lang sana yun sayo kaso naunahan mo na." singit naman ni Ivy. "Kung tutuusin wala namang mali sa kanya. Nanibago lang talaga ako. Pag naaabutan niya kasi akong papasok ng gate, sinisipa niya ako hanggang dun sa maindoor?" Yung maindoor ay fifty meters away from here. Pag uwi ko ng bahay, literal na naglupa ako. Ganun kalambing ang asawa ko. Sinasoccer ako! "Sino ka?! Hindi ka nga si Shall ano?! Oh si Shall ka nga tas napagpasyahan mo nang maging mabait? Which one?" Nagsmirk siya tas inilabas niya ang kanyang krusipiho. Naformed yun sa isang dagger. Tae. Sana pala di ko na siya ininis lalo. Patay nako! Iilag dapat ako kasi akala ko sasaksakin niya ako? pero sarili niya ang sinaksak niya sa dibdib. "Ako ay representasyon na rin ni Shall. Nandito lang ako para ipaalam sayo na iiwan na kita." Habang umaagos ang dugo niya mula sa kanyang sugat, unti unting nauupos ang katawan niya at nagiging mga itim na uwak na nagsisiliparan patungong langit. "Iiwan mo na ako? Weh?" Bago maupos ang mga kamay niya, hinubad niya ang wedding ring namin, yung ibinigay ko sa kanya nung unang beses kaming nagpakasal sa Italy noon. Inihagis niya yun sakin nang wala man lang kafeelings feelings. "S-Shall? Wag ka namang ganyan! Paano na ko? Paano na mga anak natin?" "?Malas ka! Kaya pati mga anak mo malas! Wala na akong pakialam sa inyo!" "Iiyak na ko! Tae. Bakit mo ako iiwan?! ANONG KASALANAN KOOOO?! YOU DON'T DO THAT TO ME!" Actually kakasabi lang niya nung dahilan niya. Malas daw ako... "SHALL PAG USAPAN NATIN TO! NASAAN KA BA?! MAGKITA TAYO!" lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya pero ang nayakap ko ay ang mga nag uumalpas na uwak. Wala na siya... Ang iniwan lang niya sakin ay yung singsing niya... Mababaliw na yata ako. "?Kapangyarihan ng Respawner ang namalas natin ngayon ngayon lang. Sumama dun ang iyong asawa." "Sino ang tinutukoy mong Respawner?" Nagkibit balikat si Ivy. "Baka mabigla ka pag sinabi kong tinulungan mo na ang bampirang iyon. Ngunit hindi naman talaga niya kailangan ng iyong tulong in the first place. Gumawa lang siya ng paraan upang makalapit sa iyo at upang sukatin ang iyong kakayahan..." "SINO?!" "Si Xerun, kamahalan." Sumasakit ang dibdib ko pati na ang ulo ko. Parang nararamdaman ko na rin yung pagod ko. Nakakaurat talaga pag binuraot sayo ang asawa mo habang wala ka. "Si Xerun... Si Nehemiah... Yung Evil Druid. Ano ang dahilan niya para kunin sakin si Shall?!" "Baka marami kang hindi alam tungkol sa asawa mo kamahalan." "Hindi ako nagtatanong sa kanya." Di sa hindi mahalaga sakin ang nakaraan ni Shall, natatakot lang ako sa mga malalaman ko na pwede ring ikaselos ko. Ayoko na kasing isipin kung sinu sino pa yung mga lalakeng pinahalagahan niya bago ako dumating sa buhay niya. "Malalaman mo kung nasaan si Xerun hindi ba?" Tumango si Ivy. "Magagawan ko ng paraan na malaman yun, subalit sigurado ka bang handa mo nang banggain ang malaking angkan ng mga Vral? Ngayon pa lang, sinasabi ko na sayong para ka lang isang salamin na babangga sa adobeng pader." Nagkunot-noo ako. "Anong ibig mong sabihin?" "Siguro naman ay aware ka na inilalagay nila sa kanilang pangalan ang mga nilalang na nakikitaan nila ng lakas. Kahit ikaw mismo ay magagawa nilang mapabilang sa kanila basta ginusto nila? kaso galit sila sa iyo dahil tinanggihan mo ang kanilang mabuting pangalan noon kaya naman sinisimulan na nilang sirain ang buhay mo; simula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa?" "Tama na. Don't pressure me?" "Pasensya na kamahalan." "?Ano sa palagay mo ang dapat kong gawin?" Parang alam ko na ang sagot. Gusto ko lang maghanap ng kahit isang sasang ayon sakin. "Hawakan mong muli ang monarkiya ng mga bampira. Makukuha mo ang simpatya ng mga maharlika sapagkat maibabalik na muli sa kanila ang karangalang nawala sa kanila ng ilang taon. Subalit dapat ay handa ka sa mga consequences? tiyak na ikagagalit yun ng may ari ng katawang ginagamit mo ngayon." Isang buhay na propeta si Ivy. Wala akong masabi. "Bakit ikagagalit ni Redder Black ang muling pagbuo sa monarkiya ng mga bampira?" "Dahil kamahalan, sa taas ng iyong posisyon, parang hinawakan mo na rin ang mundo? na siyang pangarap para sa iyo ng iyong ama... Alam mo ba kung bakit?" Lumapit sakin si Ivy at halos yakapin na niya ako. Tumingkayad pa siya para itapat ang mga labi niya sa aking tenga. Hinawakan ko ang braso niya, just in case trip niya lang palang manchancing. May ibinulong siya sakin. Tungkol yun sa isang bagay na hindi kapani paniwala kay Orpheus. Di ko yun matatanggap kahit maging isang katotohanan pa yun. HINDI KAHIT KELAN! "Pumasok na tayo sa loob ng mansyon." yaya ko kay Ivy. Ididisregard ko na kung anuman ang mga sinabi niya sakin. Act like a rockstar. Tahimik na nagsipagtungo ang mga tagasilbi sa loob ng aking tahanan pagkapasok namin. Nakamata lang sila kay Ivy. Mas kampi sila sa mistress nila kesa sa master. Pambihira. Mayroong movement sa balkonahe. Wheelchair pala yun na may nakasakay. Huminto yun sa may top landing. Tatayo sana ang binatang nakaupo sa wheelchair para bumaba ng hagdan. "Wag ka nang tumayo Aster. Diyan ka lang. Aakyat ako." sabi ko sa aking anak. Hindi maganda ang kondisyon ng katawang pinaglipatan niya. Kawawa naman si Aster. Naaalala ko yung dati noong ang tagal niyang hindi makapaglakad... At may trauma pa din ako nung maabutan ko dati sa paahan ng stairwell ang sira sirang wheelchair pati na ang kanyang dugo sa sahig. Dali dali kong inakyat ang hagdan. Dalawang baitang pa kada hakbang ang ginawa ko. "Papa, bakit ngayon ka lang? Si Antigone paano na?? Nakita mo ba si mama? Umalis kasi si tito eh? ahh baka naninibago ka sakin. Iba na kasi ang hitsura ko?" Naupo ako sa harap ni Aster. Isinalubsob ko ang ulo ko sa mga tuhod niya. 'Napapagod na ako anak?' gusto ko yung sabihin sa kanya pero ayokong ma-disheartened siya gaya ng nangyayari sakin. Bigla ko na lang naramdaman na pina-pat niya ang ulo ko. "Papa, magpahinga ka naman. Kahit sandali." I think I've heard the most comforting words in the first one hour. Ngumiti ako sa sarili ko. "Ayos lang ba sayo kung ganito ako ng ilang minuto?" "Oo naman. Ako ang bahala sayo. Babantayan kita..." Nagrelax ako dahil yun ang hiling ng anak ko. Kinantahan pa niya ako? Nais kong maulit ang dati kong araw... Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag ibig habang ako'y nasa duyan Para akong tinatangay ng kanta pabalik sa aking kabataan kung saan wala akong inaalala... Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay ko'y tala ang tanod ko'y bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan... Napabalikwas ako dahil parang dalawa na ang kumakanta. Ano't nakikiduet si Ivy sa kanta ni Aster? Wala si Ivy sa tabi namin. Nandun pa rin siya sa ibaba. Ang kumakanta ay ang babaeng nasa likod ni Aster. Ang duguan niyang kamay ay nakapatong sa balikat ng anak ko! Nakatingin sakin ang pulang mga mata ng dalaga. Siya ang pinili kong magiging konsorte ni Aster bago nakialam si Cerylle sa seremonya noong nakaraang piging. Oblivious naman si Aster. Parang hindi niya nararamdaman na mayroong nasa likod niya! Sana'y di magmaliw? "TUMIGIL KAYOOOOO?!" Naalog ang mundo ko. Yun pala nahulog na ako sa kama! "Kamahalan, ayos ka lang?" dumulog sakin si Ivy na nakaupo sa isang armchair at nagbuburda. "Oo baka ayos ako!" pabalang kong sagot. "Nakatulog ako tas hindi mo ako ginising? Di ba ang sabi ko iidlip lang ako?" "Ang sabi ng anak mo ay hayaan ka na lang naming makatulog." "Oh siya tama na." minasahe ko ang aking sentido. "Ilang oras ba akong nakatulog?" "Ikatlong gabi mo na sana ngayon kamahalan." Nanlaki ang mga mata ko. "ANOOOO?!" "Yun ang totoo. Umalis nga pala ang iyong anak kagabi na kasama ang kaibigan niya at hindi pa siya nagbabalik. Ang sabi niya ay hahanapin niya ang iyong matalik na kaibigan." Si Kape?! Lintek na! Isa pang pasaway eh! Argh di ko na alam sino uunahin ko! ? direk_whamba 65th Madness Aster's POV: Isang tagasilbing lalake ang inutusan kong bumuhat kay papa tungo sa kanyang silid na ni minsan ay hindi niya tinulugan. Sorry kay papa sa ginawa ko sa kanya. Wala naman akong masamang intensyon; ang gusto ko lang ay makapagpahinga siya ng dire direcho kaya pinatulog ko na siya ng tuluyan. Umuwi siya ng bahay na may kasamang babae na kinausap ko habang natutulog siya. Nagpakilala ang babae na si Ivy Loraine. Naupo siya sa may armchair. Bago yun ay kinuha niya ang embroidery ni mama na nasa dresser at siya na ang nagpatuloy nun. I don't quite understand her nature, yet I thought I knew her for so long. Nagkaroon ako ng di maipaliwanag na bloodrush nung mapatingin ako sa mga mata niya. Baka nag aassume lang ako ng random things dahil sa parehong pareho ang kulay n gaming mga mata. Alam kong wala akong hiya pero hindi ako makapagtanong sa kanya ng maayos. Napapatanga ako sa kanya kahit sobrang nakakaumay na para sakin na tumingin sa mga magaganda. Just wait till mama sees her... tiyak na gulo yun! Heheh! Pero mukhang may gulo na nga. Nabanggit kasi ni Ivy na ang pangunahing sanhi ng frustrations ngayon ni papa ay dahil nakipaghiwalay na sa kanya si mama. Syempre ang hirap paniwalaan nun. Napaka-untimely naman kasi eh, lalo't kailangan ni Aning ng tulong. Pasensya na ngunit kailangan ko na talaga itong itanong- "Excuse me. Ikaw bang sumira sa pamilya namin? Matagal nab a kayong may inililihim na relasyon ng aking ama? Nagsasawa ka na bang maging number 2 lang kaya sumugod ka ditto at nagtapat kay mama?" Kakampi ako ni papa kahit anong mangyari. Naiintindihan kong mahina rin siya paminsan minsan. I really knew it... Women are major pain in the ass! TAWA ang isinagot ni Ivy sa napakarami kong tanong. "Anong nakakatawa?" Napawi ang bakas ng tawa sa kanyang mukha pagkatapos ko siyang titigan ng masama. "Hindi ko gustong maging ganyan ka..." She talks as if she knew me well. "Bakit ganyan ka magsalita? Close ba tayo?" "-Paano kung sabihin ko sayong ako ang iyong tunay na ina?" Ang aking tunay na ina? Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla.Paano niya nalaman ang- GANUN NA BA KALALIM ANG RELAYSON NILA NI PAPA KAYA'T ANG DAMI NA NIYANG ALAM?! "Haha! Ikaw naman... masyado kang seryoso! Binibiro lang kita!" Tumayo ako ng wheelchair. Diniinan ko ang kanyang balikat. "HINDI AKO NAKIKIPAGBIRUAN SAYO! AYUSIN MO ANG PANANALITA MO DAHIL PAMAMAHAY KO RIN ITO!" "Subukan mo kung masasaktan mo ako Aster..." Mas lalo kong diniinan ang balikat niya. Gusto ko siyang durugin sa mga oras na ito ngunit may parang pumipigil sakin na gawin yun! KAASAAAAAR!!!! Sino siya para banggitin at gawing biro ang tungkol sa aking ina na umabandona sakin mula pa noong wala pa akong malay? Kumilos siya. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng kamay kong nasa balikat niya. "Masaya ka ba sa pamilyang ito? Kahit sobrang sama ng mga pinagdaanan mo sa nakaraang siyam na taon?" "-KAILAN KA BA TITIGIL SA GANYANG PANANALITA MO?! WALA AKONG PAKIALAM KUNG SAAN MO NAKUHA YANG MGA SINASAB I MO! BASTA AKO, HINDI KITA KILALA KAYA WAG KANG UMASTANG PARANG ANG DAMI MONG ALAM!" "Sige. Titigil na ako. Hindi mo naman ako kailangang sigawan eh." Naiirita na ako sa kanya. Ayoko muna siyang makita kundi sasabog ako. Dumudugo na ang sugat ko. Binalikan ko ang wheelchair ko para lalabas na ako ng silid. "-May huling paalala lamang ako sayo dahil baka matagal tagal pa ulit bago tayo magkitang muli... Wag mo nang tangkaing tulungan ang anak ng iyong amain. Mas mainam kung mananatili na lamang siyang bilanggo ng panahon." Ngayon ko lang napatunayan na kapag nasa puntong galit na galit ka na ay napakadaling magpakita ng hinahon. "Hindi ako makikinig sa payo mong walang kwenta. Ang aking kapatid ang sentro ng aming pamilya. Malulungkot kami pag nawala siya, lalo na ang mga magulang ko. Sana ay hindi na tayo magkitang muli. Umiwas ka na sakin dahil mapapatay lang kita." Naisara ko na yung pinto at talagang may pahabol pa siya- "Ang iyong pinakamamahal na kapatid ang siyang dahilan kung bakit maraming bagay ang nawawala sayo ngayon. Marami pa siyang kukunin sayo kung saka sakali..." WHAT A FREAKING WOMAN. I swear I'll turn her into ashes once na ni-dump siya ni papa. Anyway, nagsubside naman yung nararamdaman kong rage pagpunta ko sa veranda ng aking silid; ngunit paulit ulit ko nang naiisip ang tungkol sa aking tunay na ina. Hindi ko na siya natatandaan; nakalimutan ko na ang mukha niya pati ang boses niya. Iniwan niya ba naman ako nung wala pa akong muwang sa mundo. Hindo totoo yung mga pinagsasabi ni Ivy. Isang tao ang tunay kong ina dahil dati akong tao- Bakit ganito? Gusto kong alamin ang tungkol sa kabataan ko kahit wala na akong nakikitang purpose para gawin yun? Ano ang ginawa sakin nung Ivy na yun?! I shook my head. Ahhh hinde! Wala akong pakialam sa past. Kailangan kong hanapin si tito. Nandito na si papa at alam kong hindi niya pababayaan si Aning. He'll wake up in time. Tok! Tok! Pagkatapos ng dalawang mahinang katok, pumasok ang isang tagasilbi. "Youngmaster, naghihintay na sa iyo ang iyong kaibigan." Pinaghintay ko ng katakut takot sina Kan at Cerylle sa isang sitting room. Galit na sakin si Kan. Obvious naman yun sa mga ipinapadala niyang telepathic messages sakin. "Sige tayo na. Dalhin mo ako sa kanila." Inabot ko ang nakalahad na kamay ng tagasilbi. He transported me outside. Nasa courtyard sina Kan, Fait, at Cerylle. Pinagmamasdan nila (except for Fait na nakatingin sa kawalan) ang mga ipinagmamalaking bulaklak ng Rose mansion. Nagsama sama ngayon ang second generation ng Forlorn Madness band. Ang tagal na buhat nung huli kaming nag gig. Namimiss ko na rin yung makukulit naming fans... but I don't think we can have that again. Wala na sakin ang dati kong katawan. I lose everything, including my voice... I wish I could turn back the time- "Kan?" I stared blankly at him. "Bakit?" he stared at me like he's seeing a dork. "Nagagamit ko ang kapangyarihan ni Senri." Saglit na nag isip si Kan kahit wala naman talaga siyang isip. "Anong plano mo niyan?" see how empty his brain was? "Gusto kong ibalik ang oras ng tatlong katawan- kay Fait, sakin, at kay Antigone. Kaya ba yun?" "I don't think so." Kinontra agad ni Kan ang plano ko. Amp. "Paano mo naman nasabing hindi pwede?" "Tanga. Wala naman akong sinabing hindi pwede. Hindi lang kakayanin. Limited na lang sa single body ang kapangyarihan ni Senri dito sa pisikal na mundo. Nine years ago, naikwento niya sakin na gumawa siya ng isang napakalaking time seal na kasinglaki ng isang kapilya. That costed him half of his lifetime power. May mga bampirang hindi nagreregenerate ng kapangyarihan once na nagamit na. Para silang disposable battery na kapag empty na, hindi na pwedeng icharge. Ganun si Senri." "-Paano yun? Kailangang mamili si Aster sa tatlo kung kanino niya gagamitin ang remaining power ni Senri?" sumingit si Cerylle sa pinag uusapan namin. "Pipiliin ko si Aning." Mabilis kong desisyon. By the look on Kan's face, disagree na naman siya sakin. Oh well. Kelan ba hindi? "Pag isipan mong mabuti ang tungkol diyan Aster. You only have one shot with that kind of power. I'm sure may iba pang paraan para maibalik sa dati sina Antigone at Fait, pero yung katawan mo? Wala nang makakagawa nun. Sa latest update ko sa Area 1, malapit na sa maturity stage ang infection rate ng malahalimaw mong katawan- Kung sakali ngang pinili mo si Antigone, hindi natin alam ang magiging aftermath. Posibleng mawasak ang katawang yan at mawala ka na ng tuluyan." Malaki ang point niya dun na hindi ko man lang naisip kanina. What if pagkatapos kong irestore si Aning eh masira na ng tuluyan tong mahinang katawan ni Senri? Eh di yari nga talaga ako nun? This is the time na kailangan kong maging makasarili for convenience. Pag nabawi ko ang aking katawan, Madali ko na lang maha-hunt si Senri. Huhulihin ko siya at isasama sa koleksyon ko ng mga inner soul. "-Tara sa Area 1." Yaya ko sa kanila. **** Minerva's POV: Sana ay ayos lang sila. Nagtiwala kaming lahat sa maling nilalang. Dito ako dinala ni Nehemiah imbes na sa Rose mansion. Ibinalik niya ako sa underground na dating shelter ng mga bampirang trapped sa undead plague. Sa kasamaang palad ay nakarating dito ang undead plague at nanalasa sa loob lamang ng isang gabi. Nag iwan iyon ng daan daang nagpapakalat kalat na undead dito. Kung kaya ko lang tumakas ay sana ginawa ko na. I'm so surprised na hindi ko magamit ang kapangyarihan ko sa lugar na ito. Mayroong naglagay ng permiso. I can't save myself. Ang tanging magagawa ko lang para humaba ang buhay ko ay ang tumakbo at magtago sa mga undead. Thud! Lumabas ako mula sa pinagtataguan kong walk-in closet ng isang bahay pagkaalis ng grupo ng mga undead na humabol sakin kanina. Pasimple akong sumilip ng bintana. Mayroon pa ring mga nakasinding sulo kaya may naaaninag pa akong view sa labas kahit papaano. Sira sira na ang mga bahay, nagkalat kahit saan ang mga bangkay ng mga starved undead. I smell death and decay everywhere. I used to know this underground village by heart. Hindi ito ganito kadevastated bago ang undead plague. Kailangan ko pa ring lumabas kahit pa natatakot ako. Kung mananatili lang ako dito ng napakatagal, wala akong makikitang escape route. Alam kong meron. Napatda ako pagkabukas ko ng pinto- May nakatayo sa doorway! Isang undead?! Hindi eh... buo naman siya at di pa naaagnas sa kabila ng hitsura niyang para siyang naligo sa dugo. Ang mga mata niya ay walang kakurap kurap na nakatitig sakin; it gives me goosebumps. Kape nasaan ka na ba?! Iligtas mo naman ako dito oh?! ? direk_whamba 66th Madness Minerva's POV: "Isa kang bampira?" Bahagya akong nanindig nung biglang nagsalita ang nilalang na nasa aking harap. So far ay hindi naman pala siya isang undead. The fact na nakapagsalita siya means mayroon siyang katinuan. Ang hindi ko lang maintindihan sa kanya ay ang kanyang aura. Pabago bago kasi ang wavelength ng daloy ng energy sa kanyang katawan. "?Oo. Isa nga akong bampira." tugon ko sa nakabiting tanong niya. "Kung ganun ay ano pang ginagawa mo dito? Ang lugar na ito ay nasalanta na ng Black Church. Wala ka nang mahihita pa rito." aniya. "Pasensya na ngunit hindi ko alam ang isasagot ko sayo. Ako mismo ay hindi ko alam kung paano ako napadpad ulit dito?" "Ulit?" Tumango ako. "Isa ako sa mga refugee dito mula nung magsimulang lumaganap ang undead plague dalawang taon na ang nakalilipas. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Umiwas siya ng tingin sakin. "Wag mo na alamin. Hindi na mahalaga kung sino ako. Pero tutulungan kitang makaalis sa lugar na ito." "?Kahit pangalan mo hindi ko ba pwedeng alamin? Siya nga pala, ako si Minerva von Hairenn." Matagal bago siya sumagot. I bet hindi niya ibibigay ang tunay niyang pangalan sakin. "Tawagin mo na lang akong Amos. Yun ang pangalang tinanggap ko bilang isang evil druid ng high presbyter." "Evil druid?" I scowled at him. "?Ibig sabihin ay myembro ka ng Black Church?" "Hindi pa ako opisyal na kinikilala ng Black Church." "Pero bakit parang ang dami mong alam tungkol sa organisasyon na yun?" tanong ko. He shrugged lightly. "Nagsaliksik ako. Wala na rin naman akong magagawa kundi ang maging kaisa nila eh. Utang ko sa high Presbyter na tumulong sakin ang aking buhay ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, baka isa na rin akong undead." In fairness, nakakaimpress siya. Bihira na lang ang tumatanaw ng utang na loob ngayon? He suddenly pressed a finger in his lips. Gusto niyang wag ko nang ituloy ang mga balak ko pa sanang sabihin. He used the silence para pakinggan ang paligid. Maging ako ay may naririnig na rasps nearby. May mga undead na papalapit at ganun nila kami kabilis natunton? "?Kung nagagamit ko lang sana ang kapangyarihan ko dito..." frustrated kong bulong sa sarili ko. Narinig din yata ni Amos. "Bukod satin ay nandirito pa ang may hawak ng lugar na ito. Hindi ko lang matukoy kung nasaan siya. Matagal na akong nandirito ngunit hindi ko siya matunton. Magtatago talaga ang isang yun dahil siya ay isang Canceller. Wala siyang magiging laban sa mga pisikal na pag atake kaya ginagamit niya ang mga undead para sa kanyang advantage." He sounded like he's really that determined to help me. Ang tanong, mapagkakatiwalaan ko nga ba talaga siya? Paano kung isa lang itong trap? Gusto kong malaman niya ang mga iniisip ko dahil gusto kong magrely sa kanya para makaalis dito. Hindi tamang maghintay na lang ako na may kaibigang magligtas sakin dito. Baka maging worse pa ang situation? "A-Amos... Sigurado ka bang makakaalis pa ako rito?" "?Naiintindihan kong wala kang tiwala sakin. Pareho lang tayong walang tiwala sa isa't isa. Naiisip ko rin na baka dinala ka dito ng Black Church on purpose at hindi dahil trip lang nila. Kung gusto mong makaalis dito, wala kang choice kundi ang makipagtulungan sakin. Tara na." He grabbed my arm then tumakbo na kami. I don't know where to, pero parang papunta kami sa gitna. Papalapit kami sa kumpulan ng mga undead! Anong plano ni Amos?! Ipapakain niya ba ako sa kanila?! Kamuntikan na akong matisod nung malubog ang mga daliri ng paa ko sa crease na nasa lupa. Mahaba ang crease na yun at marami niyon sa bahaging ito ng dati naming shelter. Two years ago, the night after Kape and I arrived here, narealize ko kung ano ang purpose ng creases na bigla na lang lumitaw sa isang parte ng Melange Fortress. Sa isang tingin, iisipin mong isa lamang iyong fault line. When viewed from afar, partikular mula sa mataas na lugar, kitang kita na isa pala iyong napakalaki at napakacomplex na diagram. Walang may alam kung para saan ang diagram na yun. Nagkaroon ng siege sa loob ng Melange. Mayroong grupo na walang habas na pumaslang ng mga bampira. Their identity was well concieved under the hoods of their flowing black and red cloaks. Ang nakakaalarma dun ay hindi nag aabo ang mga pinapaslang nila! Sadyang mahihina ang mga bampirang nakatira sa Melange kaya nagtagumpay ang grupo sa ginawa nilang annihilation. Ang mga nangyayaring kaguluhan ay kasabay ng nangyayaring gulo sa Eruditas. Bumagsak din ang fortress kahit pa mas malalakas na ang mga bampirang nandoroon. Feeling ko nung time na yun, pasan namin ni Kape ang trahedya. Wala si Hio at si Shall na lagi naming katuwang para ayusin ang gulo. Or baka nagbago na sila. Baka wala na silang pakialam sa mga fortress. Ang balita ko ay iniwan na nila ang membership nila sa Eruditas at Elementia at nagpalista bilang mga rogue hunters. Well mahirap naman na talagang makialam sa agresyon ng grupong nagpasimula ng kaguluhan. What made us decide to step forward was the scene after the chaos. Bawat isa sa mga nakasuot ng black cloak ay nagsitapak respectively sa mga certain parts ng napakalawak na diagram. Mayroong isang batang babae na tingin ko ay nasa pitong taong gulang na tumapak sa pinakagitna. Akala ko ay magsisilbi siya bilang alay... Nagkamali ako. I know hindi naiintindihan ni Kape exactly kung ano ang ginagawa nila. Ang inintindi niya ay yung nararamdaman niyang galit sa mga nilalang na walang pakialam basta makuha nila ang gusto nila; at awa para sa wala pang muwang na batang babaeng nasesentro sa gitna ng mga nilalang na yun. We intervened their ritual. Ni-link ni Kape ang buong lupain kung saan nakaukit ang diagram. If I am correct, ang diagram na ginawa nila ay once in a lifetime lang pwedeng iinscribe at once in a lifetime lang din pwedeng gamitin. Ganun ang mga ancient sigils. Once na nasulat, hindi na yun nabubura at hindi na maaaring wasakin unless isang Destroying Angel ang magpawala doon. Hanggang ngayon ay may purpose pa rin ang ancient diagram kasi hindi sila mag aabala ng ganito kung hindi. "?Minerva, kung pwede iwasan mong matisod para wala taypng magiging problema." I shifted my attention back to Amos. Sinabi niya ang pangalan ko with a heavy Italian accent. Kahit gaano ka pa ka-fluent sa pagsasalita ng ibang lenggwahe, some words will really let you slip back to your true tongue. Bigla na lang kaming huminto nung malapit na talaga kami sa mga undead. Ang masama pa nun ay isa isa na silang lumalapit samin! "Wag kang gagalaw diyan sa kinatatayuan mo hanggat hindi ko sinasabi. Pilitin mong magtiwala sakin." Tumango na lang ako. I can't even run anymore. Paano nakapalibot na samin ang mga undead! Laking gulat ko nung itinaas ni Amos ang kanyang kamay na mahahaba ang mga kuko sa daliri. Kinalmot niya ang sarili niyang likod?sa may bandang gulugod. Kusang nagsilabasan mula sa mga sugat niya ang sarili niyang mga ugat na parang live wire lang. Ang mga dulo nun ay kumabit sa mga gulugod naman ng mga undead na pumapalibot sa amin. Hindi na gumalaw pa ang mga undead, they just stood still as if waiting for a command. Iyon na marahil ang kapangyarihan ng gaya niyang Evil Druid. "Halika sa banda run, humanap pa tayo ng mga undead." "Gaano ba karami ang undead na kaya mong kontrolin? "Kahit ilan. Pero may donwside yun. Napagdudugtong dugtong ko lang ag aking mga ugat at litid ngunit hindi yun maaaring banatin. Sa madaling salita, kapag mas marami akong kinokontrol na katawan, mas lumiliit ang attack range ko." Awee! Paano na kaya kung mabitawan pa niya ng di sadya ang mga kinokontrol niyang undead?! Eh di lagot na? Sandali nga... nagagamit niya ang kapangyarihan niya dito tapos ako hindi pwede?! ANG DAYAAAA! Lumakad pa kami hanggang sa nasa tapat na kami ng maliit na simbahan. Marami rami pang undead ang isinailalim ni Amos sa kanyang kapangyarihan. Mayamaya din ay kumilos ang mga ito. Winasak ng isa ang ulo ng isa pa. Yung ibang mas firm pa ang clawy hands, namugot ng ulo. Nakakadiri sa paningin. Paano na lang pala kung nagdadalantao ako tas ganito ang nakikita ko? Errr... May balak yata si Amos na durugin ang mga undead dito para di na mapakinabangan ng iba? at di na rin niya mapakikinabangan. I just hope that he won't suck at toe to toe fighting if ever. "?LUSTRA, BAKA SUMOSOBRA KA NA?" Napatingin kami sa bell tower dahil doon nanggaling ang isang sigaw. Nakatayo doon ang isang batang lalake. Medyo hawig siya ng kaunti kay Amos. "Sino siya? Sino yung binanggit niyang Lustra?" For how many seconds, nanatiling nakatitig si Amos sa bata bago niya ako nilingon. "Ako ang tinawag niyang Lustra. Pangalan ko yun. Siya ay nakatatandang kapatid ko." Wow. First time kong makaencounter ng kagaya kong may aging issues. Pero he seemed okay with his boy age. "?Siya na rin yung hinahanap nating Canceller." dagdag pa niya. Hindi naman na pala namin kailangan pang lumayo dahil ang Canceller na mismo ang kusang loob na nagpakita samin. I saw the boy grinned. Tumalikod siya tas lumayo sa aming view. The next moment, ang tanging narinig na lamang namin ay ang nakabibinging tunog ng kampana ng simbahan. ?? direk_whamba 67th Madness Minerva's POV: "?Masama ito! Lumikha siya ng ingay! Tiyak kong dito na magsisipuntahan ang iba pang undead na nagkalat sa buong lugar!" nagsimula na akong makaramdam ng panic. Walang may alam kung gaano karami ang undead na nandirito at wala ding may alam kung ano ang limitations ni Amos na siyang tanging inaasahan ko ngayon. "Dito ka lang sa likod ko!" paalala sakin ni Amos. Ayokong tumayo lang dito. Bopols na nga ako sa combat tas napakawalang silbi ko pa! I hate this! Wala na ba talaga akong magagawa?! "?HOY SAAN KA PUPUNTA?!" Tinawag ako ni Amos pero hindi na ako nagpapigil. Binuksan ko ang pinto ng simbahan. Pumasok ako sa loob. Bago ko isinara ang pinto, tumingin muna ako kay Amos. "Maraming salamat sayo kahit anuman ang maging kahihinatnan natin dito. Gusto ko ring gumawa ng paraan para makaalis dito." Awe. Parang ang lungkot ng mga pinagsasabi ko. I will survive! Magpapakasal pa kami ni Kape ee! Fighting! Amos nodded. "Bata ang hitsura ng aking kapatid subalit napakatuso niya. Isa siya sa mga high presbyter ng Black Church. Ibig sabihin, mayroon din siyang paraan para gumawa o kumontrol ng mga undead bukod sa pagiging Canceller niya kaya mag iingat ka." Tlaaaaak? I finally closed the door. Iniisip ko kanina pa kung unusable na nga ba talaga ang kapangyarihan ko. Although may umiiral na permiso, gusto kong magbakasakali na may exceptions pa doon? I mean, hindi pa ako nahahawakan ng Canceller kaya may pag asa pa ako. Ang kailangan ko lang gawin ay makalapit sa kanya kahit ilang talampakan lang. There's this rule kung saan hindi effective ang mga permiso sa loob ng blind circumference ng mga Canceller. Blind circumference ang tawag sa area ng mga nilalang na ang kapangyarihan ay casting. Doon umiiral ang zero magic na tinatawag ding death zone. Ang area na sakop nun ay end to end reach ng caster mula sa pinakadulong daliri ng kanyang kanang kamay, hanggang sa pinakadulong daliri ng kaliwa niyang kamay. Samakatuwid, isang dipa ang death zone. Ang lahat ng magic na kinacast sa paligid ng caster ay dinedeflect ng blind circumference niya upang hindi umepekto sa kanya ang sarili niyang kapangyarihan o para maiwasang maigisa niya ang sarili niya sa kanyang mantika. May chance na magamit ko ang kapangyarihan ko kung lalapit ako sa Canceller. Yun nga lang ay dapat maiwasan ko ang kanyang fatal touch. Once na mahawakan niya ako, maaari niya kasing kunin sakin ang kahit ano sa aking mga pandama. Alam ko dahil ang nakababata kong kapatid ay isang Canceller. Pero wala na kong choice kundi ang lumapit. Iba ang sitwasyon na ito. Hind buhay ko ang mahalaga sakin kundi yung kung ano ang pinoprotektahan namin ng aking pinakamamahal. I opened another door to my left because most probably ay doon ang direksyon paakyat sa bell tower base na rin sa outside structure ng simbahan at base na rin kung saan malakas ang tunog ng kampana. Hindi naman ako nabigo dahil bumungad sakin ang isang winding staircase. Mano mano ang pag akyat ko since hindi ako makapagteleport, pero dahan dahan lang. Mabuti na lang din at walang undead dito! I ended up facing the ceiling. By that time, huminto na sa pagkalembang ang kampana. Mayroong trapdoor doon na agad kong binuksan? Nakita ko yung batang lalake na pakay ko. Nakatalikod siya sakin at bahagya siyang nakasandal sideways sa napakalaking kampana. "?Pwede naman nating itigil ang kalokohang ito Minerva... Nasa sa iyo lang ang desisyon." nagsalita ang batang lalake nang hindi man lang niya nagawang pakiharapan ako. That means hindi siya sincere. "Wala kang maeexpect mula sakin." ang sagot ko. "Sigurado ka?" pumihit siya until we're finally face to face. "?Ang kailangan mo lang gawin ay idisperse ang barrier na pumoprotekta sa lugar na ito." I shook my head. Ang protective seal na ibinigay ko sa lugar na ito ay hindi ko na maaaring bawiin pa. Kahit mamatay na ako ay mananatili itong nasa ilalim ng aking kapangyarihan. Ang seal na iyon ang dahilan kung bakit unusable dito ang diagram. Ibang usapan na nga lang kapag nailipat ang diagram sa ibang location. Nakadepende na ang lahat ngayon sa mga kamay ni Kape. Natatakot ako dahil baka gipitn siya ng mga kalaban upang ilink sa mas appropriate na lugar ang diagram gaya ng area 1. We do not talk about the consequences yet alam namin ang mga worst case scenario ng desisyon naming makialam noon sa isang napakalakas na organisasyon. Pareho naming naiintindihan ni Kape na kailangan naming dalawa na magpakamatay para habambuhay na maburo at di na mapakinabangan pa ang destructive diagram. Walang alam si Hio. Wala din siyang dapat malaman. Nagpunta na siya dito ngunit unsuspecting siya na may itinatago kami. Hanggat maaari, dadalhin namin sa hukay ang tungkol sa diagram? BANG! Isang malakas na putok ang sumalisi sa katahimikan ng bell tower. Tumumba ang batang lalake na kausap ko. Sumago ang dugo mula sa kanyang dibdib. Nagtatakbo ako tungo sa napakalaking bintana. Napakaraming undead sa ibaba ngunit hindi sa kanila napako ang aking atensyon kundi sa lalakeng paparating? ang aking pinakamamahal. May hawak siyang heavy firing equipment na pang long range (pero sorry, I'm no goot at naming ammos.) Alam niya kung saan ako hahanapin. Sapat na yun para madama kong mahalaga ako sa kanya kaht huli na ang lahat. Napadausdos ako sa bintana. Feet level kasi ang butas nun. Mayroong tumulak sakin mula sa likod. Nagbago ang angle ng katawan ko as I free fall kaya nakita ko ang bata sa edge ng bintana. Nakatayo pa rin siya sa kabila ng malubhang tama sa kanyang puso. Bumagsak ako sa mga hindi magkamayaw na undead. Amos tried his best. Nagdettach siya ng ilang ugat sa mga kontrolado niyang undead para lang kontrolin ang mga undead na nagpepyesta sakin. Kape tried his best too. He fought his way just to reach me kahit pa mayroong kumagat sa kanya. Namanhid ang buo kong katawan as I laid back on the dirt. I am showered by the ashes falling above me na nagmula sa nag aabong katawan ng bata? "?Parepareho tayong mamamatay dito." that was his last words before he completely turned into ashes. How about me? What will be my last words? Will I ever be ready to say that?? Ughh... It hurts. Gusto kong umubo. Parang may nakabara sa lalamunan ko na kailangan kong iduwal. PROOOOUGHHH?! I spewed the most disgusting puke ever! May pagkaberde siya na parang sipon eh! Biglang bumilis ang pulse ko. Ito na yung mga sandali na nilalabanan na ng katawan ko ang infection na unti unti nang kumakalat. Napaluhod si Kape halfway nung malapit na siya sakin. Ang nangyayari sakin ay nangyayari din sa kanya. Pero siya pinilit niya pa ring gumalaw. Halos gumapang na nga siya just to get near me... "Sorry, love. Nabigo akong bigyan ka ng magandang buhay. Ang akala ko ay nailigtas na kita nung dinala kita dito two years ago?" I just want to narrate this yet I cried. Naiyak ako kasi ang sakit at ang lungkot. Naghalo na pareho sa sistema ko. Naupo si Kape sa harapan ko then ginagap niya ang isa kong kamay. His eyes are getting dimmer second by second. "?Menerva, wag ka nang magsalita... Magiging ayus din ang lahat." I glanced at Amos na nakatayo nearby. He saw to it na kontrolado niya ang lahat ng undead sa paligid. I want him to become our witness so we don't die in vain. Muli akong bumaling sa aking pinakamamahal. Marami akong gustong balik tanwin sa huling sandali naming magkakasama? pero bakit ganun? I can't recall anything! May bumubura ba sa mga alaala ko?! NOOOOO! "?Love, h-hindi ko na maalala kung paano tayo nagkakilala? tapos yung?" "?Nagkakelala tayu sa mey pintuan ng apartmint namin ne dong. Natisod pa nga aku bago ko binoksan ug pinto kase akala ko ekaw si Dong..." Napanatag ako. Kasi... kasi nandiyan siya para ipaalala sakin ang mga bagay na nakakalimutan ko na. "Love... pasensya na kung makulit ako. May ipapakiusap lang sana ako sayo... p-please kill me. Bago pa ako maging isang infected..." His tears falls on my cheeks. Naghalo ang mga luha namin habang bahagya niyang inaangat ang aking ulo. He will twist my neck any moment now. I have to brace myself. "Mahal na mahal kita... ha?" thank you dahil nasabi ko pa ang word na yun. "Mas mahal kita." bulong niya. Both his hands went into my neck and so I closed my eyes... **** Lustra's POV: Isa lamang akong saksi sa na namang trahedya na likha ng undead plague. Ang binatang dumating at si Minerva ay parehong nagkaroon ng infection dahil sa engkwentro kanina. Ginawa ko ang lahat para makatulong ngunit pakiramdam ko napakawalang silbi ko. Sobrang nanliliit ako habang pinanonood ko silang namamaalam. Binali ng binata ang leeg ni Minerva. Nahinto ang infection dahil wala nang kakayahan ang katawan niya para makagalaw. Para lamang isang anghel na natutulog sa putikan si Minerva. Umiyak ang binata. Paulit ulit niyang isinisigaw ang pangalan ng kanyang pinakamamahal na parang isang malungkot na kanta. Mayamaya ay nagpahid siya ng luha. Tumayo siya sa harap ng bangkay ni Minerva. May isang handgun na nagmaterialize sa kanyang kamay at itinapat niya yun sa kanyang sentido? Kasabay ng isang nakabibinging putok ay tumumba ang walang buhay na binata sa ibabaw ng walang buhay niyang minamahal. Hindi ko itatanggi na lumuha ako para sa kanila. Hindi ko sila kilala ngunit nakaabot sakin ang kanilang puso. Bago ko iniwan ang nest core, humukay ako ng isang malalim na libingan at doon ko sila inihimlay nang magkasama. ?? direk_whamba 68th Madness Hio's POV: Nakamasid ako sa napakalaking kristal na nasa solar ni Shall. Nakacontain sa loob niyon ang marbled na katawan ng bunso kong anak. Respawned o halaw lamang ang kristal at hindi iyon mula sa kapangyarihan ni Minerva. Nanggaling dito ang Respawner nang may plano at sinamantala niya ang pagkawala ko. Ngunit higit pa run ang mga iniisip ko. Kung tutuusin ay maaaring ikamatay ng anak ko ang absence ng kristal. Napakalaking pabor para sakin ang ginawa kay Anne. Hindi ko nga lang maiwasang mangamba. Pinanatili nila si Anne dahil may pakinabang sila sa kanya? Natigilan ako saglit. Parang kinurot ang puso ko. Nalulungkot ako at parang alam ko na kung ano ang dahilan. Lumapit sakin si Ivy. Siya ang nagpunas sa luha na kusang tumulo sa mata ko. "Kamahalan?" Pinangunahan ko na si Ivy. "?Wag mo nang ituloy pa kung ano ang mga sasabihin mo. Gusto kong mapag isa kung pwede lang." "Sige. Lalabas muna ako." naisagot na lang niya. Sinapo ko ang aking dibdib. Hindi dapat ako nalulungkot dahil hindi naman sila yung mga totoo kong kaibigan. Nandito lamang sila para punan ang void sa puso ko buhat nung piliin kong lumayo ng tuluyan sa mga tunay na kaibigan ko. Tinotoyo lang ako in other words. Magkagayunman, hindi ko ikakailang may nasirang dimensyon. Kapag pinatagal ko pa ang isyu ko sa siraulo kong kaaway, maraming bagay pa ang masisira. Hindi na ako maghihintay pa ng pagputi ng uwak. Nasa akin na ang lahat ng advantage na kailangan ko. Mas maigi rin kung matitigil na ang undead plague. Wala lang saming mga bampira ang presence ng mga undead ngunit ibang usapan na kapag mga tao na ang naapektuhan. Once na sinimulan ko nang kumilos, malabo na akong huminto. Ako ang magdidikta sa kahihinatnan ng mundong ito pagkalipas ng isa o dalawang gabi. Ako ang siyang magtatakda ng pagbabago matapos ang sigalot. Kung sa tingin ng Respawner ay makakalikha siya ng panibagong mundo, try niya ulit mag isip isip. Ako lang naman ang destruksyon. Lalaban pa siya? Noon, takot akong pumatay. Nagbago na yun ngayon. Wala nang mamamatay na mahalaga sakin? dahil uunahan ko na ang lahat ng may balak na masama sakin at sa mga mahal ko sa buhay! Masamang abusuhin ang kapangyarihang inilaan para sana gamitin ayon sa purpose nito. Pero ano pa nga ba ang ikinakatakot ko na mas masama? Di nga ba at nasa aking mga kamay ang pagkawasak ng mundong ito balang araw? Hintayin mo ako Shall ko. Babawiin kita. Hindi mo naman talaga ako gustong iwan hindi ba? Iniwan na nila ako?wag naman sanang pati ikaw? Pagbukas ko ng pinto, simangot ang isinalubong sakin ni Ivy. "Alam ko kung ano talaga ang tunay mong iniisip. Wag kang maging makasarili kamahalan?" Tinitigan ko siya ng masama. "?Ang maaari mo lang gawin habang nasa tabi kita ay ang panoorin ako." Binigyan niya ako ng makahulugang tingin bago siya tumango. "Napakaswerte niya dahil nagdedesisyon ka para sa kapakanan niya..." **** Ivy's POV: Inignora ng kamahalan ang huli kong sinabi. Ayaw niyang matuto; at lalong ayaw niyang maitama ng iba. Hanggang kelan ba siya magpapakabaliw para sa kanyang pinakamamahal? Ang lahat ng nangyayari sa buhay ng kamahalan ay nagkakagulo gulo na at nagkakahalu halo dahil lamang sa iisang babae? si binibining Shall ang tinutukoy ko. Nagkasala-salabid ang mga tadhana ng lahat ng nilalang na nakasalamuha ng kamahalan buhat nung magkakilala sila ng binibini. Ang binibini ang siyang ginagawang sandigan ng kamahalan sa lahat ng desisyon na kanyang pinipili o ginagawa? Bakit nga ba ako masyadong naaapektuhan? Tama siya. Ang papel ko lang sa mundong ito ay ang makinig at magmasid at magsalita kung kailangang kailangan. Wala akong silbi sa sarili ko at sa mga nilalang na pinahahalagahan ko? yun ang rason kung bakit ko iniwan ang aking pamilya kapalit ng pakikipagkasundo sa familiar ko. Ang familiar ko na yun ay masasabi kong pinakamahalaga kong yaman o pag aari. Hindi siya basta na lang natatapuan kung saan at ni wala pang nakakapagpaamo sa isang gaya niya kahit kailan. Ang naging katumbas ng aming kontrata ay ang buhay ng aking butihing asawa at ng magiliw kong anak? "Kamahalan, napasaya ka ba ni Aster?" bigla kong naitanong. Maging ako ay nagulat sa sa mga salitang lumabas sa aking bibig. Saglit na napatitig sakin ang kamahalan. Painosente ang kanyang hitsura. "Ang akala ko'y alam mo ang lahat?" "?Patawad. Ang damdamin ay hindi isang kaisipan na daraan lang sa ulap ng aking kamalayan." Damdamin? matagal na akong hindi tumitingin sa damdamin ng kahit na sinuman; yun ay dahil ayoko nang maisip kung ano ang naging pakiramdamn ng aking pamilya nung mas pinili ko ang aking kapangyarihan kaysa sa mga buhay nila. "?Mahal ko ang aking anak." anang kamahalan. Saglit akong natulala sa sinabi niya. Naghintay ako ng karugtong? ngunit iyon at iyon lang ang sinabi niya. Wala nang iba pa... Gusto ko pa ulit magtanong sa kanya kung bakit at kung paano niya nagawang mahalin ang anak na hindi naman talaga kanya? ngunit binigyan na niya ako ng sagot na hindi ko lubos maintindihan? isang mapagpalang ngiti. Saka ko narealize? Nakakahiya ako. Nahihiya ako para sa sarili ko. **** Aster's POV: Welcome back to Area 1. Kan's girl joined us. Hinahantay niya kami sa may east gate. Siya ang nagbukas nun para samin. "?Asha ang pangalan niya, tama?" tanong ko kay Kan. Wala lang. I just want a convo. "Bakit?" I shrugged. "Wala. Bagay kayo." Nagsmirk sakin ang gagong si Kan sabay bumaling sa ibang direksyon? dun sa ibayo kung saan may napakalaking fleshy growth. "Looks like sumailalim na sa pupal stage ang zombie mong katawan." Kan remarked. "SHUT THE FUCK UP. I'm not a freaking butterfly sir." I retorted. "?Lumapit na tayo para magawa na natin yung balak ko! Now here's the plan? Gagawa si Asha ng diversion para mashift sa ibang lugar ang distribution ng population ng mga undead. Pupuntahan niya ang bell tower ng Basilica na nasa west at pagkatapos ay patutunugin ang kampana. Sasamantalahin namin ang pagkakataon para makalapit sa dati kong katawan and then perform a time seal. Pagkawala ni Asha sa kinatatayuan niya, naghanda na kami. Sumunod na nawala si Kan. Nagteleport siya sa mataas na lugar para kita niya ang lahat? dahil siya ang magsisilbi naming control center. Kaming dalawa na lang ni Cerylle ang natira dito sa sira sirang kalsada. Inalalayan niya ako na makatayo mula sa wheelchair. "?Sumandal ka sakin, ayos lang yun." bulong niya. I can't stand her. Ayoko sa pagiging mabait niya sakin. I don't see kindness, rather it's a pity. Mas gusto ko yung 'siya' nung nagawa niya akong sampalin sa harap ng maraming bampira. Set that aside, kailangan ko ngayon ng tulong niya. I leaned onto her. Umakbay ako sa kanya tapos siya naman yumapos sa bewang ko. I wonder if we look good together. This closeness of ours had never been this familiar. We joint-teleported with her help. Oh yeah muntik ko nang makalimutan, sinabi sakin ni Kan na naibalik na kay Cerylle ang lost power nito? hindi ko pa masyadong alam ang mga detalye; I just learned that Cerylle was actually a vampire too and that she's Kan's little sister. No big deal para sakin yun. Ang ikinamamangha ko ay yung mga bagay tungkol kay Cerylle na ngayon ko pa lang nalalaman gayong matagal na akong myembro ng pamilyang Vral. Sa wakas ay tumunog na rin ang kampana ng basilica. Matic na nagsialisan ang mga undead na malapit sa resting core ng halimaw kong katawan. Nakita ko yung dating ako. decomposed na siya at nakasabit sa pinakagitna ng nakakadiring growth na animo'y isang napakalaking bibig. Huminga ako ng malalim. Inihanda ko na ang sarili ko para sa isasagawa kong seal. Konting tiis na lang at mairerestore na ako sa dati. Bumuka ang ulap sa kalagitan nang sandaling itaas ko ang aking palad. Some kind of a straight beam of light shot out of my palm and went straight into the sky. Nagdilim ang kalangitan. Bumagsak pabalik dito sa lupa yung beam na pinakawalan ko kanina. Pagtama nun sa sementadong kalsada, naglitawan ang iba't ibang symbol na magkakahanay. They formed several rings that circled around my old body. Sinundan yun ng napakalakas na impact. Hinarabas kami ng malakas na presyon ng hangin. Namilipit ako sa sobrang sakit. "?Ayos ka lang Aster?!" nag aalalang tanong ni Cerylle. "HINDI AKO OKAY! MAGIGING OKAY LANG AKO KAPAG NABAWI KO ANG KATAWAN KO? AAAAAAARRRRGH!" I feel like I'm draining. Mabilis ang rate ng paghina ko. It paid well though. Unti unti nang nagkaroon ng pagbabago sa tunay kong katawan? huminto na ang evolution niya at nagsimula iyong magrevert. Wala nang problema? liban na lang sa environment. Hindi namin predicted kung hanggang kelan namin kontrolado ang traffic ng mga undead. Damnit. Sana nga talaga kinalahati ko man lang sila nung mga panahong kaya ko pa! Di sana kami napeperwisyo ng ganito! Halfway into transformation, nagpasya akong bumalik na sa orihinal kong katawan. I am doing well when something came up? Mayroong kung anong napakalaking bagay na nasa ere at obyus na babagsak dito samin! Habang pabagsak iyon ay nagsisitalsikan ang ineemit niyong green goo na nakakatunaw sa kahit anong matamaan nun! "?ASTER HUMANDA KA DIYAN!! sumigaw si Kan sa aking isipan. Nag echo pa yun sa buong utak ko. "ALAM KO KAYA WAG MONG I-TWITCH ANG UTAK KO!" Nandito na si Revelation, and we're screwed. Big time. ?? direk_whamba 69th Madness Asha's POV: I don't wanna believe this! I ended up helping Aster? the one who's using Haru's face now! I FIND IT SO AWKWARD since nasa intensyon ko na patayin si Haru. At hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya sakin back at the hospital! Bakit ba kasi kailangan siyang tulungan ng prince koooo~ I won't say a word about anything. My prince can read my thoughts anyway, but I want him to know that I swear I'll deal with Aster later? Gumalaw bigla ng kusa ang aking katawan? a sign na subjected na ako sa kapangyarihan ng aking prince, kaya nirelax ko ang mga muscles ko. I moved briskly and then climb up until I'm running on random rooftops. Ang direksyong tinatahak ko ay pakanluran. Pagdaan ko sa isang matayog na signal tower, pumaling paitaas ang ulo ko. I saw my prince standing on the highest peak? he wanted me to know where he was. Sandaling nagtama ang aming mga paningin. Ang cool niyang tignan ee. Sumasabay sa hangin ang mga hibla ng kanyang Chesnut hair, while the hem of his long jacket sways behind him. I love you? If ever you're reading my mind right now... Susundin ko ang lahat ng iuutos mo. Wag ka sanang magkaroon ng dahilan para idump ako? kasi hindi na ako sanay na malayo sayo? Too bad dahil saglit lang akong nagstay. I picked up a fast pace again, and was headed to the Basilica. Pagdating ko sa aking intended spot, dinaig ko pa si Spiderman sa pag akyat ng bell tower. At dun sa mismong bintana ng bell tower, hinila ko ang rope at pinatunog ang kampana Sooner or later, tiyak na dito na magsisipuntahan ag mga undead. Sinabi sakin ng Prince ko na hindi naman na talaga nakakakita ang mga undeads. They just react to the sounds and smells. Hindi ako natatakot? dahil alam kong nandiyan ang beloved prince ko para iguide ako. At hindi niya ako pababayaan. DONGGGG?! After my last pull on the rope, biglang gumuho yung kisame sa ibabaw ko. May mga kalapating nagsiliparan papasok na sinundan ni prince Kan. He immediately pulled me close to him when he saw me. Nagtipun tipon ang mga kalapati hanggang sa bumubuo na yata sila ng shape ng tao?particularly a woman. Nagmorph ng tuluyan ang mga kalapati into a real girl! Nakasuot siya ng mahabang puting gown na may run ng dugo sa kaliwang side ng skirt. Parang nakita ko na siya pero hindi ko masyadong maalala. "?PAKIALAMERO! MAGBABAYAD KAAAAA!" singhal niya. Nacoconfuse ako? kasi hindi ko alam kung bakit siya galit na galit samin? like we killed her dog or whatever. Lumingon ako sa aking prince, hoping for some explanation of sorts. "Ihanda mo ang sarili mo Asha." Ihanda ko daw ang sarili ko... Uhh okay? FOR WHAT?! Nasagot ang wonderment ko in the next couple of minutes. TUMALON AKO AT TINAKBO KO PABABA ANG TOWER KUNG SAAN NAGHIHINTAY PARA SAKIN ANG MGA UNDEAD! I didn't land exactly on their heads. Sumabit ako sa mga kable ng kuryente? na hinila ko at ipinanghagupit sa kanila. The force in my hands is enough to whack some of their brains out. Oh gosh... Here I go again, doing the dirty job. Ano kaya ang ginagawa ni Prince Kan at nung babae sa itaas?! I really wish I knew. **** Kan's POV: Wala sa plano namin ang mga precautions kung sakaling may ED na umepal. Kaya labu labo na nung magparamdam si Revelation. Ang alam ko ay sobrang layo ng lokasyon niya from here? maaaring napadaan lang siya or may nag impluwensya sa kanyang magtungo rito. Nagteleport agad ako kanila Aster. Si Cerylle ay kasalukuyang may hard time sa pag-iimobilize ng higanteng pulp na nasa itaas nila. Ginagamit niya ang kapangyarihan niya para irestrict ang pinakamalaking bahagi ng halimaw na katawan ni Revelation. I came at the exact moment na tumumba ang katawan ni Senri. Sinalo ko yun. Aster left this body as soon as possible dahil sa nagbabadyang pagkawasak nito. May mga sumibol na cracks sa ilang parte ng katawan ni Senri. Said na iyon dulot ng isa na namang makapangyarihang time seal? Nakita kong lumuluha na ng dugo ang nakababata kong kapatid, meaning she's already at her limit. Ngayon na lang ulit niya nagamit ang kapagyarihan niya yet ayaw pa niyang tantanan. Ano bang pinakain sa kanya ni Aster at ganito siya kung magbuwis buhay para sa siraulo na yun na ni hindi siya makilala?! I shifted my attention somewhere. Nakaramdam ako ng strange aura sa malapit? nope, hindi yun nagmula kay Revelation, rather sa kabilang street? Itinabi ko ang katawan ni Senri sa isang eskinita. Magbabalik ako kug sakaling may undead na lalapit sa kanya. I crossed the street afterwards. Pinabayaan ko na lang si Cerylle sa sarili niyang issue. Sinubukan ko kung may mahuhuli ako sa mga puting kalapati na patuka tuka sa mga dugong naglawa sa daan. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay naging agresibo ang ilan sa kanila. Supposedly ay domesticated ang mga kalapati, right? Bumagsak sa paahan ko ang mga kalapating manunugod sana sakin. Seriously?! I am untouchable here. Inapakan ko isa isa ang mga kalapati sa pagpapatuloy ko ng paglalakad. Their heads didn't got smashed though. Naging parang wisps of smoke silang lahat na nag evaporate sa hangin. May iginuguhit sa kalsada ang mga kalapati gamit ang kanilang tuka bilang pinsel at dugo bilang tinta. Inexamine ko ang simbulong iginuhit gamit ang dugo? para iyong isang napakahabang mensahe na isinulat sa isang unknown alphabet system. Together, kung titingnan iyon ng buo, korteng ibon din yun na nakaspread wide ang malaking pakpak? Although hindi ko kayang ipaliwanag kung ano at para saan iyon, I saw too many of them back at the Vral's mansion where I lived. Kung ganun ay may koneksyon ang mga kalapating ito sa pamilya ko?! Pinag initan ko ang mga kalapati na ginambala ko at ngayon ay nakalipad na para tumakas. Itinaas ko ang kamay ko sa ere. Nagsalpukan ang mga kalapati na para bang may hindi nakikitang pwersa ang gumimitgit sa kanila. Hindi lang yun ang ginawa ko. I set up a force field within their perimeters which prohibited them from flying. Isa isa silang nagsipagbagsakan nang patung patong. Nagmorphed sila at nagfused hanggang nagresemble ng katawan ng isang babae? "?PAKAWALAN MO AKO! WALA KANG KARAPATAN NA GAWIN SAKIN ITO!" I grinned doggishly. "Ikaw yung nasa piging, hindi ba? Yung dapat sana ay magiging fiance ni Aster?" "Wala ka nang pakialam dun." kumalma na siya kahit paano ngunit sarcastic pa rin. "Sa tingin mo ba ay superior ka na porket nakakalipad ka?" hamon ko. "?Mag ingat ingat ka lang miss. No one can soar high in this world. May magpapabagsak sayo sooner or later." "HAH" she puffed in the air and even rolled her eyes. "?At sino kaya ang makakagawa nun sakin?! IKAW?!" I kept my grin. "No. Death." She suddenly ripped a flesh on her wrist. Iwinasiwas niya ang kanyang dugo sa lupa. The blood fanned, intertwined until they formed some kind of a writing? na katulad ng nauna kong nakita. The girl grew out wings on her back and all of a sudden, she can fly again. Nanegate niya ng napakasimple ang force field ko? I glanced back at the writing on the ground. I believed naitanong ko kay lolo noon ang tungkol sa ganito nung may makita ako nito dati. Ang sabi niya, writing system daw yun ng mga anghel kaya walang sinuman ang maaaring makabasa niyon. Whatever was written on it, it will inebitably happen regardless of any condition. Let's just say na makapangyarihan ang sulat ng mga anghel na kayang idefy ang kahit na anong daloy ng tadhana. Of course I don't believe angels exist here... Hindi sila ginawa para maglurk sa mundong ito? or else iisipin kong isinuka siya ng langit. Ayoko sa mga nilalang na nakikialam sa naturalismo ng tadhana. A bunch of nuisance. Hinabol ko ang babae. She should have stayed on the ground, kung saan siya malakas. Ayun tuloy, nahuli ko siya ng walang kahirap hirap. Her wings crimped behind her which restricted her flying. Bumulusok siya paibaba? sakto sa spire ng bell tower. Nagtransform siya sa napakaraming kalapati bago siya matuhog sa tulis ng peak ng spire pero hindi ko pa rin siya pinatakas. I contained her inside the bell tower. Sumunod ako sa loob. Nagulat si Asha sa nagyari. Hinila ko siya sakin? mahirap na dahil baka may gawin ang babaeng kalapati. I don't want to lose my rod. Yet. "?PAKIALAMERO! MAGBABAYAD KAAAAA!" singhal niya. "Ihanda mo ang sarili mo Asha." sabi ko sa aking rod. Pinatalon ko siya para bawasan niya kahit konti yung mga undead sa ibaba while I deal with this bitch. Masyado nang marami ang nakikialam sa buhay namin at sa tingin ko ay kailangan na nilang mabawasan. "?Ikaw marahil ang dahilan kung bakit kami may sumpa. Pag napatay siguro kita, makakalaya na ako." ?? direk_whamba 70th Madness Cerylle's POV: Sinalo ko ang buong weight ng napakalaking tumor growth ng isang mutant na infected na kung tawagin ay Evil Druid. I have zero idea on how heavy it was? basta ang tanging priority ko ngayon ay ang protektahan si Aster hanggat hindi pa natatapos ang reverting process ng kanyang katawan. Fragile siya especially dahil nasa katawan siya ni kuya Senri. Sa limitadong kapangyarihan na nasa kanya, I doubt kung kaya pa niyang protektahan ang sarili niya. Walang anu ano'y gumaan ang tumor? parang bumuwelo. Umangat yun hanggang mag 90 degrees sa ere. I think I have to brace myself! WHAAAAAM?! ARGGGHH ANG SAKIT! Napigilan ko pa rin ang tuluyang paghambalos samin ng tumor, yun nga lang ay hindi na ako sigurado kung mapipigilan ko ulit ang next. Defending for too long will not make the situation any better. Dapat ay sabayan ng attack! I glanced back to Aster's real body. Patuloy pa rin sa pagcirculate dun ang mga symbolic light rings. Sana makaya ko siyang protektahan hanggang sa panahong marestore na siya sa dati? BAAAAAM! I endured another blow of the tumor. Again, ginawa ko ang lahat para pigilan iyon. Nanghihina na ako. May spit na nakalusot sa aking force field at nadaplisan ako nun sa kaliwa kong braso. Nalapnos agad agad ang balat ko dun. Mayamaya pa ay damang dama ko na ang matinding sakit ng aking ulo. In fact nagluha pa ng dugo ang mata ko. Aster went rigid. Anumang sandali ay aabandonahin na niya ang katawang ginagamit niya?At the corner of my eyes, naglimpsed ko si Kan. Sinalo niya ang papatumba sanang walang malay na katawan ng kapatid namin na dinadala niya tungo sa safe area. Umasa ako na tutulungan niya ako pagkadeposit niya kay Senri sa isang eskinita? pero looks like mamamatay ako sa maling akala. He ignored us tas tumawid lang siya sa sumunod na street. Then all of a sudden, nagtwist yung tumor, as in lumiyad yun paharap. Dun ko nalamang isang napakalaking bibig pala yun na puno ng spiky teeth! Bumilis ang movement niya dahil sinukuan na ako ng mismong kapangyarihan ko. PAANO NA?! AYOKO PANG MAMATAY KAMI NI ASTER HANGGAT HINDI PA NIYA AKO NARERECOGNIZE! MARAMING TAON ANG NAWALA SAMIN! HINDI PWEDENG? No?! Kahit ano pang pagtutol sa isip ang gawin ko, I cannot deny death if it is meant to happen. Nandito kami sa isang all-or-nothing situation. Wala na akong lakas na natitira at si Aster? I reach out my hand to him. "Aster... T-Tulungan mo ako. Please?" Wala na akong boses kaya parang ibinulong ko lang ang sinabi ko. Hindi na ako magtataka kung hindi man niya ako narinig. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko sa ilalim ng anino ng higanteng bibig na anumang saglit ay lalamunin kami nang buhay. May kakaibang nangyari. Parang may bumuhat sakin at itinalon ako sa mataas na lugar. Nagulumihanan ako at sa pagmulat ko ay agad ding nabigyang linaw? Ang nabungaran ko ay walang iba kundi si Aster? siya na mismo at wala nang iba. Mas bata siyang tingnan ngayon ngunit konti lang. Namiss ko sa kanya yung ganitong mukha na may pag aalala kapag tinitingnan niya ako. "?Ary, ayos ka lang ba?" Tama ba ang narinig ko?! Tinawag niya ako sa dati kong petname? Nauna muna ang luha ko bago ako sumagot. "Oo. Ayos lang ako!" Mas lalo siyang nag alala. "May masakit kaya ka umiiyak. Masakit ba ang ulo mo?" saka siya lumingon sa halimaw na bibig na nasa ibaba namin. Dinadaganan na nun ngayon ang kinapepwestohan namin kanina. "Siya ba ang nagpaluha sayo ng dugo?! Lagot siya sakin?" Ibinaba ako ni Aster. Hinila ko agad ang braso niya at the exact moment bago siya magdive pababa. "?Dito ka lang muna. Mag usap tayo?takbuhan natin ang halimaw pag inatake niya ulit tayo?basta ibigay mo muna sakin tong moment na to?" Marami akong gustong sabihin pero puro iyak lang ang ginawa ko. Mayamaya naramdaman kong niyakap niya ako. "?Ary, akala ko hindi na kita makikita? akala ko pinatay ka nila para gawing inner soul ko? pero teka, bakit parang mas tumanda ka yata? Saka anong nangyayari? Bakit may halimaw? Eruditas ang lugar na ito di ba? Nasaan nga pala si Antigone at sina Kan?" Kahit ayaw ko, kumalas ako mula sa yakap ni Aster. Tulala ko siyang tinitigan. "?Aster, ilang taon ka na?" Sandali siyang nag isip. "Disisyete di ba? Bakit?" Tama ang hinala ko. Sumobra ang pagrevert ng katawan at pag iisip niya? side effect yata yun ng kapangyarihan ni Senri. Bumalik si Aster sa dati niyang edad bago naganap ang undead plague? meaning ang lahat ng nangyari 2 years after ay wala na at hindi pa niya naeexperience. Paano ko kaya ieexplain sa kanya ang mga nangyari? BAHALA NA! Feeling ko makakaya kong ipaintindi sa kanya ang lahat ng nangyayari ngayon. Atlast, pinaboran din ako ng tadhana! Hinawakan ko ang mga kamay niya tas tumitig ako sa kanya. We completely ignored the monster. Nababataan talaga ako sa hitsura niya. I want him four inches taller! Pero aging potion lang ang katapat niyan? "Mula noon pa, naniniwala ako na tayo talaga ang para sa isa't isa. Kasi kung hindi? hindi tayo magkikitang muli gaya nito. I mean naligaw na tayo sa magkaibang tadhana at sa magkaibang panahon, pero heto na tayo... Wag na tayong pumayag na maghiwalay ulit ha?" Nabother ako nung hindi man lang siya nagcomment. But still, naghintay ako. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko tapos? he gave me a smack on the lips sabay pinakitaan niya ako ng kanyang signature boyish grin. "?Pampaswerte!" aniya. Wala na kaming hiya hiya sa isa't isa pero di ko napigil ang pagbablush ko. At deep inside? KINIKILIG AKO! "Pampaswerte para saan?" tanong ko while smiling. Inginuso ni Aster yung halimaw. "Para manalo ako kapag inupakan ko ang halimaw na yan. Pinaiyak ka niya kaya hindi ko siya patatawarin!" Gusto ko ring mawala ang halimaw na Evil Druid. Walang nakakaalam kung ilan na ang nabiktima niya at kung ilan pa ang mga susunod. "Tutulungan kita. Please payagan mo ako." Tumango siya. Serious mode on kami. We focused on the evil druid. Since pareho kaming zero knowledge sa kung ano ang nagagawa niyon, we spend time observing from a distance. May litid na mahaba ang tumor na nag eextend sa malayo. Inalam namin kung saan galing yun at kung saan nakadugtong. Four blocks away ay nakita rin namin ang dulo ng litid. Wala kaming makita dahil hitik sa zombie ang lugar. "Aster, mga undead sila, ngunit hindi yung gaya ng mga ordinaryong patay na kinokontrol ng mga necromancer? carrier sila ng isang infection na humahawa sa dugo, pawis, at laway kaya mag iingat tayo?" "Oo alam ko kung ano sila..." Eek bakit seryoso na naman siya?! Balik na naman ba siya sa pagsusuplado niya? Wag naman sanaaaa! "P-Pasensya na. Akala ko hindi mo alam..." "Ang plano ko ay lumapit sa kanila. Dito ka lang at?" "HINDI. SASAMAHAN KITA. TAYONG DALAWA ANG LALAPIT SA KANILA." I insisted. Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara." Magkahawak kamay kami na lumapit sa umpukan ng mga undead. Alam ni Aster ang gagawin kaya hindi na ako nagsalita pa. Umiiwas kami sa mga undead na pasalubong samin habang milagrong nagagamit kong muli ang kapangyarihan ko upang hawiin ang mga undead na humaharang sa pinanggagalingan ng malaking litid. Nagsimula kaming makarinig ng boses na parang umiiyak at humihingi ng tulong. Sa wakas ay narating namin ang pinakagitna. Ang dulo ng litid ay nakakabit sa isang batang lalakeng may piring? "?Amaaaaa ang s-sakit! Tuloooooong!" Saglit lang siyang pumalahaw dahil bigla siyang tumawa. Nababaliw na siya na ewan. Hinarapan namin siya. Binitawan ni Aster ang kamay ko. Bago yun, nag usap kami sa tingin. His look tells me not to worry. Inalis niya ang piring sa mata ng batang infected. Naging pamilyar sakin ang buong mukha nito? all of his facial features strongly resembles Aster himself when he was ten. Hindi na ako nagulat. I remember too well when lolo created an exact replica of Aster. Ginawa niya yun para obserbahan ako. Paniwalang paniwala ako na yun nga si Aster? until Kan spoiled it for me. Sinabi niya sakin na wala na si Aster? that he had undergone strict training. Kinompronta ko si lolo. Hindi siya umamin pero hindi rin siya nagkaila. Isang araw, wala na yung fake Aster. "Pinag eksperimentohan nila siya kaya siya nagkaganyan!" diretcho kong accusation. "Shhhh?" pinatahimik ako ni Aster saglit. Inextend ni Aster ang mga kamay niya sa balikat ng bata. Agad nagkaroon ng reaction ang simpleng contact nila. Nadeformed ang bata at pagkatapos ay naging mga uwak ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Hinawakan ulit ni Aster ang kamay ko. Nasa isang shopping district kami, yun nga lang ay sira sira at mga undead ang palakad lakad. Pinanood pa namin ang paglipad ng napakaraming uwak sa himpapawid. Not bad for our first date? for real. ?? direk_whamba A/N: Hey guys may inedit ako sa 70th Madness para magtugma sila nitong new chapter. Konti lang naman yun. Thank you. Last Part: Ang Itinakdang Kapayapaan Matapos ng Kaguluhan 71st Madness Aster's POV: I was lost at a wrinkle in time. Sa isang iglap ay parang nawala na ang gapos ko sa mga pangyayari? na para bang dinaanan ako ng oras na kasing bilis ng nanalantang bagyo. Nalaman ko mula kay Ary ang mga mahahalagang nangyari sa nakalipas na dalawang taon: ang undead plague at ang banggaan ng aking pamilya at ng mga Vral. Nabanggit din ni Ary ang masamang sitwasyon nina Fait at Aning. Buhay pa naman pala ang aking mga magulang. Ikinagagalak ko yun, subalit may bagay akong inaalala? May ikinuwento naman ako kay Ary in return. Ang tungkol sa pinakalast events na narerecall ko bago ko namalayan ang sarili ko kanina. Dinala ako noon sa Melange fortress kung saan naghasik ng lagim ang mga necromancer. Isa ako sa mga nag annihilate ng mga kapwa ko bampira? walang makakarecognize sa akin dahil suot suot ko rin ang itim na robang suot nila. Sumunod ako sa mga ipinag uutos nila hindi dahil gusto ko? kundi dahil hawak nila ako sa leeg. Bihag nila ang aking nakababatang kapatid na siyang tanging alaalang naiwan ng mga magulang kong inakala kong namatay na. Pagkatapos ng digmaang pumabor samin, isa isa kaming nagsitayuan sa loob ng napakalaking diagram na nakaukit sa kalupaan ng Melange na binaha ng dugo. Katabi ko sina Kan at Fait na obligado ding sumama sa pamamaslang. Tumayo sa pinakamataas na pedestal ang kinikilala naming pinuno ng Vral at ng Black Church. "?Marami na tayong naipong vitae (kaluluwa). Anumang sandali ay maaari na nating buksan ang inihanda nating Inferni Sigillum!" Wala akong masyadong alam tungkol sa Inferno Sigillum na iyon. Base na lang sa translation niyon ay isa yung seal ng impyerno. Pangarap yata ng mga Vral na iextend ang kanilang greatness hanggang sa lugar na yun kaya't gusto nilang buksan ang tarangkahan tungo dun. Nagtagis ang bagang ko nung makita ko si Aning na solong naglalakad patungo sa gitna ng seal? Pinigilan ako ni Kan nung kikilos sana ako. NAKAKAINIS! Ayokong tumayo na lang ako dito at pagkatapos ay panooriing isinasakripisyo ang kapatid ko! PERO HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO! Kapag pinairal ko ang galit ko, posibleng mamatay ako nang hindi ko man lang siya mailigtas or worse ay pareho kaming mapaslang! Sa iba ako bumaling ng tingin nung huminto na sa pinakagitna si Aning na halatang wala sa sarili niya. Dumapo ang paningin ko sa isang bangkay ng babaeng bampira. "NARITO ANG DESCENDANT NG IKATLONG HENERASYON NG MGA DESTROYER! TUTULUNGAN NIYA TAYO PARA ABUTIN ANG ATING MGA PANGARAP!" Mas nagulat pa ako sa nakikita ko kesa sa aking naririnig? paano'y biglang kumislot yung tinitignan kong bangkay! "?Ano yun?" pabulong kong tanong kay Kan na siyang pinakamalapit sakin. Tumayo yung babaeng bampira at pagkatapos ay naglaway na parang nauulol. Kakaiba rin ang behavior niya. Pagewang gewang siya nung pilitin niyang maglakad patungo samin?. "TANGA SA LIKOD MO!" di ko sadyang mapasigaw. Isa pang nauulol na bampira ang dadamba sana kay Kan. Naiharang ko ang braso ko just in time bago siya nun makagat. Ibinaon ko na nga ang kamay ko sa dibdib niya lahat lahat ngunit ayaw pa niyang mamatay! "?AAAAAAHHHHHHH!" Lumingon ako kay Aning. Mayroon malaitim na kuryente ang lumalabas sa kanyang katawan! Nung tumama yun sa mga creases ng lupa, walang hindi natamaan. Ang iba ay agad naglaho na parang bula sa hangin? "ANONG NANGYAYARI?! BAKIT HINDI MAMATAY ANG MGA TO?" sigaw ng kasamahan namin sa kaliwa ko. Ako man ay hindi maipaliwanag ang nangyayaring gulo. Binunot ko ang aking katana tas hinati ko ang katawan ng babaeng pilit na umaatake samin. "WAAARRRRGHH?!" nangisay siya saglit nung bumagsak siya ngunit mas lalo lang siyang naging agresibo. Dahil sa inis ko, inapakan ko at dinurog ang ulo niya. Dun siya nahinto sa paggalaw. Pumihit ako sa kinaroroonan ni Aning. Bata pa siya masyado. Ayokong mamulat siya sa ganito kasalimuot na mundo? ANING! "FARFAIT, GUMAWA KA NG PARAAN PARA ILIHIS SILA! KUKUNIN KO SI ANING!" Pati si Kan ay tumulong. Gamit ang mga kapangyarihan nila, nilinlang nila ang mga necromancer at iniligaw sa iba't ibang direksyon. Marami sa kanila ay nakagat ng mga patay na nabuhay. Hinila ko si Aning palayo sa pinuno. Nanatili lamang iyong nakatayo ay pinanonood ang ikalawang kaguluhan? Tingin ko pa nga ay naaamuse siya sa mga nangyayari. "Mabilis magparusa ang Diyos hindi ba Aster?" Hindi ako sumagot. Hindi rin niya ako pinigilan nung ilayo ko ang aking kapatid Tumakas ako kasama ni Aning, Kan, at Fait. Bumalik kami ng Eruditas para lang salubungin ng kaparehas na sitwasyon sa Melange. Kahit di sabihin, alam kong nag aalala si Kan. Kanina bago kami umalis ay may usapan sila ng kanyang asawa na magkikita sa may simbahan. Ang pangalan ng asawa ni Kan ay Nina. Isa siyang magaling na prima ballerina. Madalas na nasa simbahan si Nina upang magdasal. Sa simbahan nga sila unang nagkita ni Kan eh. Malaki ang ipinagbago ni Kan mula nung makilala niya si Nina. Ganun siguro pag nagmamahal ka. Nagpakasal sila kahapon lang sa kabila ng pagtutol ng mga Vral. Naabutan namin si Nina sa simbahan. Nakaupo siya sa pew na pinakamalapit sa Altar. Bali nakatalikod siya sa view namin. Munch. Munch. Munch. Hindi nag iisa si Nina. May kasama siyang bata. Halatang may kinakain yun. Something's fishy though. I smelt blood everywhere. Nawala si Kan sa tabi ko. The next moment, nasa gilid na siya ng pew na kinauupuan ni Nina. Hinawakan niya ang kanyang asawa sa balikat at? "KAN HINDI NA SIYA YUNG DATING NINAAAAA!" Ginawa ko ang lahat para makarating agad agad sa kinaroroonan ni Kan. Inalis ko ang kamay niya sa balikat ni Nina. Saka ko nakita na yung bata na kinakain pala ang kamay ni Nina! CRUNCH! Hindi ko nagpaghandaan ang sumunod nang lumingon si Nina. Basta basta na lang niya akong kinagat! "Urrrrghh?" nagconstrict ang ulo ng bata. Napisak yun at sumabog ang utak sa sahig ng simbahan. Kan's cruelty, I suppose. "Patayin mo na rin si Nina!" utos ko yun at hindi suggestion. Alam ko na ito eh! Ang lahat ng nangyayari ay parang yung sa mga zombie film na nagkatotoo! May infection na kumakalat at contagious iyon. Umiling si Kan. He's out of his mind. "ASTER, SI BEB?!" Lumingon ako kanila Fait at Aning. May nagra-run na namang itim na current sa kanyang katawan. Pagkatapos ng kagat sakin, pakiramdam ko ay unti unti akong naghihina. Daig ko pa ang nauupos na kandila hanggang sa tuluyan akog matumba. Pinilit ko pa ring makalapit kay Aning. Niyakap ko ang kapatid ko... Paulit ulit kong ibinubulong sa kanya na magiging ayos din ang lahat hanggang sa mawalan ako ng malay. "GUMISING KA!" Nagmulat ako ng mga mata at ang nabungaran ko ay ang nakatatanda kong kapatid by adoption na si Licorice. Wala na kami sa magulong kalsada ng Melange. Nandito kami sa kwarto ko. Tulala ako ng napakatagal bago ko nakayang mag isip at msgsalita. "A-Anong nangyari??" tanong ko. I'm still not okay. "SI ANTIGONE?" "May nag aalaga sa kanya. Kasalukuyan siyang nakapiit sa underground chamber? SAAN KA PUPUNTA?!" I stared at her with cold eyes. "Ilalayo ko dito ang kapatid ko!" "MAGTIGIL KA MUNA PWEDE?!" bulyaw sakin ni Licorice; at hindi ako makapaniwalang sinunod ko siya! "?Ako na ang iyong master mula ngayon. Kung hindi dahil sakin ay baka infected ka na rin. Pasalamat ka at naisipan kong sumunod sa inyong tatlo sa simbahan. Makinig ka. Kung gusto mong makalaya? ikaw pati na ang kapatid mo, tanggapin mo ang pagiging isang Evil Druid." Maraming nagbago pagkatapos ng pag uusap namin ni Licorice. Tinanggap ko na rin ang pagiging isang ED dahil yun ang best option ko. Wala pang isang linggo ay nabawi ko na si Aning dahil may napatay akong isa pang ED. Pagkatapos? wala na akong naalala... Pero hindi na mahalaga yun. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon ay kung paano ko ikikeep ang pagsasama namin ni Ary at kung paano lulutasin ang malaking problema ng aming pamilya. BOOOOG?! Gumuho ang ilang bahagi ng bubungan ng bell tower ng Basilica. "Nandun si Asha! Baka napaano na yun! Halika pumunta tayo doon!" Sino kaya yung Asha na yun?! Dinala ako ni Ary sa bahagi ng gumuhong bell tower. Si Kan ang naabutan namin doon. kaharap niya ang isang dalafang pamilyar sakin? bakit hindi? Magkaibigan na kami bata pa lang ako. Sa Elementia ko siya nakilala... Doon sa ilalim ng paborito naming cherry tree ni mama. Madalas pa rin kaming magkita sa mansyon ng Vral. "Cassiopeia... Yun ang pangalan mo tama?" mahina kong tanong. Ngumiti siya pagkatapos niyang tumango. She moved unexpectedly. Hinawakan niya ang sarili niyang braso at hinila yun! Nagsisisigaw siya sa sakit nung maputol ang kanyang kanang kamay! Bumaling ako kay Kan. Siya ang tiyak na may kagagawan ng nangyayari kay Cassiopeia! "I see you're back with a little defect. Pero wag mong sabihing pipigilan mo akong patayin ang babaeng ibon na yan?!" he said via mental telepathy. "KAIBIGAN KO DIN SIYA KAN!" I snapped. Flap. Flap. Flap. Wala na si Cassiopeia paglingon ko sa kanya. Ang huli ko lang nakita ay ang mga kalapati pati na ang dugo sa sahig na kusang nagiging imahe. "Tch. Papatayin ko na nga lang, pinatakas mo pa!" reklamo ni Kan. Tinungo niya ang malaking butas. "?Di bale na. Tiyak na magiging miserable na ang buhay niya mula nayon dahil daig pa niya ang naputulan ng pakpak." "?Anong ibiig mong sabihin?" maang kong tanong. Kan had smirked. "Hindi uso ang regeneration sa mga nilalang na gaya niya. Pag may nawala sa kanya, hindi na yun maibabalik pa?" "SHIT. PWEDE BA KAN GO STRAIGHT TO THE POINT?!" Ary lightly squeezed my palm kaya kumalma rin ako after. Pero wala talaga akong mapipiga dito kay Kan. "Figure everything out, dumbass." he said before leaving. ?? direk_whamba 72nd Madness Shall's POV: Wala akong ginagawa dito at yun ang bagay na ikinababahala ko. Sa mga panahong nasasayang ko sa pag-i-stay dito, marami na ang nangyari sa labas. Pakiramdam ko ay daig ko pa ang nakapiit dito sa isang luma at abandonadong kastilyo na dating pag-aari ng isang maharlikang angkan ng tao? Tch... Aalis ako! Kailangan kong malaman kung ano ang mga nangyayari sa labas! CRACK! Tinibag ko ang isang bahagi ng pader na granite. Hinila ko ang bakal na biga bago ko tinungo ang pintuan. May ilang araw na ding hindi nagpapakita sakin si Xerun kaya naiisip kong wala siya dito sa kastilyo. Wala akong nakasalubong na sinuman habang nilalakad ko ang mahabang pasilyo. Walang bintana ang pasilyong tinutukoy ko. Sa kagustuhan kong makahanap ng mabilis na escape route, sinimulan kong tibagin ang bawat pader na maisipan kong daanan tutal marupok na lang din naman ang kastilyong ito? bakit hindi ko na lang tuluyang sirain? BAM?! Napatda ako sa pinakahuling pader na dinaanan ko. Paano'y nasumpungan ko si Xerun na may babaeng kinakausap. Naningkit ang mga mata ko nang mapagtanto kong ang babae ay walang iba kundi ang malanding ahas na si Licorice! Tch... Wala akong nakita so don't mind me! Aalis na ako? Nakatalikod na ako nung may pumigil sa akin. Agad akog pumalag. "BITAWAN MO AKO!" I snapped. Mabigat ang kamay ko pero kaya niyang pigilan ang pwersa ko. Para kaming nagbubunom-braso! Still, Xerun hadn't let go of my hand. "Nagseselos ka ba sa kanya?" "At bakit ko siya pagseselosan sayo?!" mataray kong tanong. Ngumiti siya at pagkatapos ay binalingan niya si Licorice. Ikinagulat ko ang sumunod na nangyari. Nagtransfigure ang katawan ni Licorice sa napakaraming mga uwak na mga nagsiliparan patungo kay Xerun. Binugaw ko ang mga lumalapit sakin. Lahat sila ay nawala rin naman dahil inabsorb ng katawan ni Xerun. "?Matagal nang wala ang totoong Licorice!" walang nakakatawa pero tumawa si Xerun. "Hindi ba nakakatakot na ang mundo?! Ang mga inaakala mong tunay ay peke pala? Hahahaha!" "SINO PA ANG MGA NILALANG NA BINIKTIMA MO?!" sa sobrang sama ng nararamdaman ko, para akong sasabog sa galit! Napapaisip na tuloy ako dahil sa mga sinabi niya? sino ang tunay at sino ang peke. Ni hindi ako makahanap ng difference... HINDI! Ayoko nang malaman na may respawned kahit isa sa mga mahal ko? I'll freak out! "Anong problema Shall? Bakit ka nagagalit sakin?" binitawan ako ni Xerun subalit inilagay naman niya ang kamay niya sa pisngi ko. "Ayaw mo ba sa mga peke? Kung ganun ay bakit mahal na mahal mo ang iyong asawa?! Kung may hindi totoo man sa mundong ito, siya ang pinakauna sa listahan... Di ba naging desperado siya para lang manatili sa loob ng katawang hindi naman talaga kanya??!" "TAMA NA!" Wala akong pakialam kung ano ang totoong pagkatao ni Hio. Basta ang alam ko lang ay mahal na mahal ko siya? kaya hindi ako dapat nagpapaapekto sa tukmol na ito! Sandali lang, ano itong pakiramdam na ito? Nagkatinginan kaming dalawa ni Xerun. Pareho kami ng nararamdaman? isang hindi maipaliwanag na takot. I'm sure lahat ng nabubuhay na bampira sa mundo ay naeexperience din yun. Dahil iyon ang senyales na mayroong umupo sa pinakamataas na trono ng mundo? ang trono ng hari ng mga bampira! Imposible! Simula ng nabuwag ang monarkiya, hindi na kailanman natagpuan ang palasyo ng trono?isa iyong sumpa sa pagkawala ng hari nang walang tagapagmana... "Hari?!" Xerun smirked. "Tingnan na lang natin kung sino ang matitirang matatag." Si Hio ba iyon? Anong plano niya?! **** Ivy's POV: Dahil sa ang aking kamahalan pa rin ang lehitimong hari ng mga bampira, naturalmente lang na matutunton niya ang kanyang trono. Matagal nang walang namamahay sa palasyo ng trono na dating quarters ng mga myembro ng konseho. Pinanood ko ang aking kamahalan na naupo sa dapat niyang inuupuan. Napakakisig niya. May mga panahong isip bata siya, subalit nakakaya niyang magseryoso at mag isip ng maigi kapag kaharap ang mga problema. Hindi niya ako nabibigong pahangain sa bawat sandali na magkasama kami. Sa kanyang pagbabalik, alam kong naramdama ng mga kapwa namin ang takot na inilaan bilang paggalang sa kamahalan. Lumapit ako sa paahan ng hagdan paakyat sa mga trono at tiningala ang nag iisang hari. "Gusto mo bang ipahatid ko ang mensahe sa mga bampira na magtungo dito?" suhestiyon ko. Kapag pumayag siya, magkakaroon ng permiso ang mga bampira na magtungo dito nang walang kahirap hirap. Subalit umiling siya . "Mas gusto ko yung ganito? yung malaya akong nakakapag isip? at yung walang makikialam sa mga desisyon ko." May imumungkahi pa sana ako ngunit may agad na pumukaw sakin. Nariyan ang aking familiar at tinatawag niya ako. "Kamahalan, ipagpaumanhin mo kung iiwan kita sandali?" Lumabas ako ng hall. Hinihintay ako ng aking familiar sa sanctum. Nakahandusay siya sa pinakagitna at patuloy ang kanyang pagdurugo. Nung nilapitan ko siya, nalaman kong putol ang isa niyang braso. Paano ko paaampatin ang sugat niya? Masama sa mga anghel ang pagdurugo? dahil sa taglay na kapagyarihan niyon. "?Masama kayo! Tingnan mo ang ginawa sakin ng mga kauri mo!" Naupo ako sa tabi ni Cassiopeia. Pumunit ako ng tela sa laylayan ng aking saya at ipinangbenda yun sa balikat niya. "Hindi ba tama ako?! Hindi ka na dapat pumayag na gawing bampira noon ang iyong anak! Napariwara siya at nakisalamuha sa masasamang nilalang!" "?Intindihin mo ako bilang isang ina... Hindi naman tamang panghabangbuhay na matulog sa kama ng ospital ang aking anak..." "?AAAAAAARGH!! MASAKIT!" daing niya. Di ko sadyang maidiin ang pagkakabenda ko sa kanya. Ang kontrata namin ang dahilan kung bakit ako malayo ngayon sa aking anak? Bilang isang natatanging mensahero ng mga maharlika, hindi ko kailangan ng asawa; pero nangarap ako na magkaroon ng isang anak. Nagtago ako sa loob ng komunidad ng mga tao at doon ay marami ang mga lalakeng nagpapahayag sakin ng pag ibig. Nabighani ako sa pagiging simple ng isang napakatalinong guro. Alam niya ang pagkatao ko at pinakasalan niya ako sa kabila nun. Minahal ko ang aming anak kahit hindi ko siya gaanong pinahalagahan. Ang pangalan ng aking anak ay sunod sa paborito kong bulaklak. Naging dominante siyang tao na ipinagpapasalamat ko dahil hindi niya daranasin ang masaklap na buhay ng mga bampira. Bukod sakin ay may naging kaibigan pang bampira ang aking asawa. Nagkakilala daw sila sa kanyang silid noong binalikan niya ang naiwan niyang gamit. Ipinakilala niya sakin ang kaibigan niya na isa palang sikat na Vizcondeng si Lord Race Phalanx. Maganda ang takbo ng aming buhay?nagulo lamang iyon buhat ng mangyari ang isang aksidente. Namatay ang aking asawa habang agaw buhay ang aking anak. Wala akong pagdadalawang isip na bigyan ang anak ko ng aking dugo pero ikinalala pa yun ng kanyang kondisyon. Dun na pumasok sa buhay ko si Cassiopeia. Hindi ko alam kung saan nga ba siya nanggaling. Basta naabutan ko siya sa ward ni Aster na nakatayo sa tabi ng kama. Sariwa pa sa isip ko kung ano ang sinabi niya noon? "Napakagandang nilalang... ang isang tulad niya ay hindi pa dapat kunin..." Naaalala ko rin ang naging reaksyon ko? "SINO ANG KUKUHA SA AKING ANAK?! SINO KA?!" Hinarapan ako ni Casskopeia na noon ay wala pang pangalan. Inilagay niya ang hintuturo niya sa kanyang bibig. "Wag kang maingay dahil baka may diablo sa paligid... kukunin niya ang anak mo sige ka." Nababaliw na ang tingin ko sa kanya ngunit nilunok ko pa rin ang mga sasabihin ko pa sana. "?Nais kong isulat ang buhay niya... papayagan mo ba ako?" ang tanong niya sakin. "Bakit ka nagpapaalam sakin?!" balik tanong ko. "Dahil para manatili ako dito sa lupa, kailangan kong makipagkontrata. Ikaw na lang ang pipiliin kong master dahil ina ka niya." Pumayag na ako. Para patuloy na mabuhay ang aking anak. Inihabilin ko si Aster kay Lord Race na nangakong itatago ang lihim ko. Pagkatapos ay napgpakalayu layo na ako hanggang sa mahuli ako ng mga Vral. Mula nun, kung saan saang panahon at dimensyon na ako napadpad... "?Nakita mo si Aster ngayon hindi ba?" tanong ko kay Cassiopeia. "Oo." "Kamusta na siya?" Nagbago ang ekspresyon ni Cassiopeia. Hindi na siya yung galit na akala mo ay makakapatay. "Kanina... naaalala na niya ako ulit... at mukha siyang masaya..." "Talaga? Alam mo, sa tingin ko ay dapat mo nang itigil ang pagsusulat. Masyado nang naging komplikado ang lahat dahil sa dami ng taong involved sa buhay niya?" "HINDI MAAARI! HINDI AKO PAPAYAG NA YUNG BABAENG YUN ANG MAKAKAPAGPASAYA SA KANYA!" Lumakas bigla ang hangin sa paligid namin. Naglalabasan mula sa likod niya ang daan daang balahibo. Inaamin kong malala na ang kondisyon ni Cassiopeia. Sa tinagal ng pananatili niya sa mundong ito imposibleng hindi siya nabahiran ng kasamaan. Ang puti kapag nadungisan ng itim ay kitang kita at hindi maitatago? sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit siya nagkakaganito. Pinoprotektahan niya ang aking kaluluwa mula sa masasamang elemento?subalit siya ay ni minsan hindi ko naprotektahan. Baka dapat ko na nga siyang palayain? "Cassiopeia, wakasan na natin ang ating kontrata. Binabali ko na ang ating kasunduan?" Halos maluha luha siya sa narinig mula sakin. Mas lalo siyang nagwala. "PAANO MO NAGAWA SAKIN TO?! KAGAYA KA LANG DIN NILA! MASAMA KAAAAAA!" Ininda ko lang ang mga sumunod na masasakit na sumbat na pinagsasabi niya sakin at pinatid ko ang pulang sinulid na na uugnay samin. Nagsisigaw siya. Kinukuha na siya ng gravity ng langit. Wala nang magpapanatili sa kanya dito sa lupa dahil wala na ang bagay na gumagapos sa kanya?ang aming kontrata. Pumayapa siya sa huling sandali; at sinadya niya akong talsikan ng natitira niyang dugo. Nakaramdam ako ng init sa aking balat. Bahagya kong ibinaba ang dibdib ng bestida ko. Parang may sariling buhay ang dugo ni Cassiopeia na kusang gumuhit ng hindi maintindihang simbulo sa aking katawan... Bago siya maglaho dito sa mundo ay ginawa niya? isinulat niya ang huling hatol niya sa aking buhay. ?? direk_whamba 73rd Madness Hio's POV: Ang tagal ni Ivy. Sabagay hindi ko naman hihingiin ang tulong niya this time. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Matagal na buhat nang maupo ako sa tronong ito?kahit hindi ito para sakin. Ako ang anak ni Orpheus dito sa lupa at wala nang iba. Kaya ako lang ang siyang susunod sa kanya at wala nang iba. Bumukas ang pinto ngunit hindi si Ivy ang pumasok?kundi si Amos. Lumapit siya at yumukod sakin. Talagang hinahantay ko siya. "? May isang bagay akong ipagagawa sayo at ngayon na ang takdang panahon para doon." sabi ko sa kanya. "?Ang gusto ko ay umalis ka na. Pinapalaya na kita. Piliin mo ang simple at payapang buhay. Simula sa araw na ito ay hindi na tayo relatibo sa isa't isa. Alam kong magagawa mo yun." Nahuli ko siyang nag alangan, ngunit dahil wala siyang dapat tutulan, tumango siya nang tahimik. "Malinaw na nagkakaintindihan na tayo, maaari ka nang umalis?" "?Ngayon ang panibagong pagtitipon ng Black Church hindi ba? Sigurado ka bang wala na akong iba pang maitutulong sa iyo sa huling pagkakataon?" Tumango ako. "?Ang mga nilalang na hindi na maililigtas ay hindi na rin nangangailangan ng tulong. Inuulit ko, makakaalis ka na." Pagkaalis ni Amos, sumampa ako sa aking trono. Huminga ako ng malalim habang nakapikit. Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa loob na ako ng pribadong espasyo ng Black Church. Sinadya ni Xerun ang mga pangyayari na nagdala sakin sa organisasyon para mapag aralan niya ako gaya ng ilang libo pang mga bampira na sumailalim sa kanyang mga eksperimento? Pinalibutan ako ng mga presbyter at pati na ng mga high presbyter. Nasa likod ang poser nilang pinuno. "?Ikaw ang mahal na hari hindi ba An're?" Isa isa ko silang tiningnan. "Ako nga. KAYA WALA KAYONG KARAPATANG BANGGITIN ANG PANGALAN KO NANG BASTA BASTA!" Dinukot ko mula sa aking bulsa ang isang lumang harmonica na isang heirloom. Nakita ko yun mula sa mga dating gamit ni Orpheus. Kalokohan ang lugar na ito. May ipapakita ako sa kanila at ang gusto ko ay masaksihan nila iyon sa tunay na mundo. Inilapit ko ang silindro sa aking bibig at sinimulan ang pagtugtog. Ang musika ni Orpheus ay musika ko rin. Yumanig ang lupa at gumuho ang kalangitan?but I assure you, ang musikang tinutugtog ko ay walang kinalaman sa destruksyon. Sinisira ko ang pribadong espasyo na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng disturbance sa isipan ng lahat ng nakakaalam at naririto sa lugar na ito. Ganun ang isang imaginary place?ang pundasyon lagi niyon ay tatag ng isipan. Nang madistort ang kapaligiran, saka lang ako gumamit ng isag teleportation gate. Dinala ko silang lahat patungo sa Area 2. "Sa inaakala mo ba ay madadaig mo ang Black Church?! At talagang dito mo pa kami dinala sa aming baluarte kung saan hitik ang mga undead! Para mo na ring bingyan ng sandata ang gustong pumatay sayo!" Ibinaba nila isa isa ang suot nilang hood. Gusto nilang makita ko ag mga nang uuyam nilang titig. Hindi ako sa kanila nagconcentrate. Pinagmasdan ko ang kanan kong kamay na bahagyang nanuyot. Kaya ko pa... Yumuko ako at inilapat ko ag palad ko sa lupa. This time, totoo na talaga ang nagyaring pagyanig. Bumuka ang lupa sa pagitan ko at ng mga inutil. Lumabas mula dun ang maitim na likido na parang tinta. Kasabay nun ay unti unting umahon ang pinakatatago tago kong higanteng familiar... Nauna niyang inilabas ang napakalaki niyang bungo at mga kamay. Mabilis na lang niyang naiahon ang iba pa niyang bahagi matapos nun. Ibinaba niya ang kaliwang kamay niya at dun ako sumakay?meet my gundam suckers! Este si Jack pala. Sorry naman. Nacarried away lang. Hanggang ngayon ay in-denial pa rin ako. Ngunit baka dapat ko nang tanggapin ang koneksyon ko sa impyerno... ako ay? "?YAN ANG MAALAMAT NA FAMILIAR NG ANAK NG HARI NG IMPYERNO!" Naknamputcha! They spoiled it! O kayo na magkwento?! Matagal na akong duda sa existence ni Orpheus. Kung bakit napakamisteryoso niya kahit pa may nasilip na akong ilang bahagi ng kanyang buhay. Pwedeng kasinungalingan yun. Idagdag pa ang bagay na sinabi sakin ni Ivy. Hinding hindi ko makakalimutan yung ibinulong niya dati sakin? "Nasa iyo pa ang familiar mo hindi ba kamahalan? Alam mo bang ipinapasa lamang yun sa anak kapag magiging hari na ang ama?" Ang sabi ko ay hindi ako magpapaapekto at hindi ko yun tatanggapin. Sabi ko lang pala. Before I knew it, gumagawa na ako ng extensive research pabalik kay Orpheus. May mga records ang ilang kulto na nagsasabing sa pisikal na mundo ipinapanganak ang mga diablong balang araw ay may potensyal na mamuno sa impyerno at bago sila bumalik sa impyerno ay nag iiwan sila ng spawn... Naisip ko rin na baka si Thanatos ang siyang nagsasabi kung dapat na nga bang bumalik sa impyerno ang anak? napakakupal lang niya talaga kaya ang sama ng impresyon ko sa kanya. Hindi kaya oras ko na noon at pagkatapos ay pinigilan lang ako ni Redder?! Anong mangyayari kay Orpheus pag nandun na ako?! Ano rin ang mangyayari kay Anne? Wawasakin ko si Jack pagkatapos ko sa Black Church. Sarado na ang tatlong tarangkahan kaya siya na lang talaga ang naiisip kong nag iisang link ko sa impyerno. Hindi siya maaaring dumikit kay Anne! Lumipad papaitaas si Jack. Kitang kita ko sa ibaba namin ang papalapit na populasyon ng mga undead. "?Jack, uunahin natin ang mga siraulong necromancer na pinaglaruan ang buhay ng mga nananahimik na bampira di ba?" WRAAAAAAWW?! Umungol si Jack pagkatapos ay bumuwelo. Walang nakatakas sa talim ng kanyang karit nung sinimulan na niyang iimbay iyon. Pinagmasdan kong mabuti ang pinuno ng Black Church nung sa kanya na nakatutok ang talim. "?TUMIGIL KA JACK!" on the last minute, sinunod ako ng aking familiar. Bumaling ako sa pinuno. "Isa ka lang din sa mga creation ng Respawner di ba? Hahayaan kitang makita ang gagawin ko. Gusto kong malaman niya na kaya kong gibain ang dalawang undead asylum na ginawa niya sa isang iglap?AT ISUSUNOD KO SIYA PAG HINDI NIYA IBINALIK SAKIN ANG REYNA KO!" BRAAAAAG?! Ibinagsak ni Jack ang hawak niyang karit. Hawak ko siya sa sentido ng bungo niya. Ang lahat ng nais kong gawin ay siya na ang gagawa. Bumaba kami at inilapat ang mga carpals niya sa lupa. Gumapang ang linya ng mga itim na simbulo sa buong Area 2. Gagawin namin ang napakalaking body dissecting technique para panghabambuhay nang patahimikin ang mga patay na talaga. Kaya kumakalat ang Undead Plague ay dahil sa mobilization o kakayahang magpagala gala ng mga infected. Kung hindi sila gumagalaw, bababa ang infection rate hanggang sa maabot nila ang kanilang final stage of decomposing. Nang maactivate ang dissecting circle, isa isa nang nagtumbahan ang mga undead. Nagkikisay sila sa umpisa. Bumagal nang bumagal ang movement di katagalan? Hanggang dito na lang muna. Sabi ko sa sarili ko. Kailangan kong magpahinga dahil uulitin ko ang prosesong ito sa Area 1? "? Yan lang ba ang kaya mong gawin KAMAHALAN?" nagsalita ang pinuno ng Black Church. Nagbago ang boses niya at mas lumalim pa yun. Dumipa siya at tumingala sa langit. "Kayang kaya kong ulitin ang Undead Plague! Ikaw, kaya mo ba ulit linisin ang mga kalat ko?! Hahahaha!" Rrrr... Asar! Tinampal siya ni Jack kaya tumalsik siya. Paghampas niya sa facade ng isang diner, naging mga uwak ang katawan niya. Shall, sandali na lang... babawiin kita sa kanya... **** Aster's POV: Paalis na kami ni Ary sa bell tower ngunit naudlot yun dahil sa mga uwak. Binalikan nila kami. Mas naiirita na ako sa kanila kesa sa mga undead eh! Nagsalpukan ang ilan sa kanila. Matatawa sana ako sa katangahan nila na mabuti at di ko ginawa. Namangha ako dahil naging isang itim na tela sila. Nasayaran kami ng itim na tela. Hinawi ko yun syempre. Pagkabalibag ko sa telang itim, nawala na sa tabi ko si Ary! Nasaan na yun?! Gumalaw yung telang initsa ko kanina. Parang nagkaroon yun ng lump sa loob Naging taong nakaroba yung simpleng tela! Eh di ba mga uwak lang yun kanina?! "Kamusta ka na Aster?" Namumukhaan ko siya- "Lolo?" ngayon pa lang ay naghananap na ako ng possible weapon na maaari kong gamitin. Wala na akong tiwala sa mga Vral- especially ang kinilala naming lahat na head ng pamilya. "Maghunus dili ka Aster!" ngumisi si lolo. "-Isa lamang akong representasyon ng isa pang nilalang." "Go straight to the point then. Nasaan si Rosary. Ikaw ang may kagagawan kung bakit siya biglang nawala hindi ba?" "Tsk... ang sabi ko ay maghunus dili ka. Bakit ba ganyan kayong mga kabataan? Lagi kayong nagmamadali! Buweno, kinuha ko nga siya kung yun ang inaalala mo. Ibabalik ko lamang siya sayo kapag nagawa mo ang iuutos mo-" Hah! Mag uutos lang siya may nalalaman pang bihag bihag?! Kaimba tong tanda na to! "Ano ba ang gusto mo?!" "-Ang gusto ko ay habulin mo si Senri. Kunin mo sa kanya ang kanyang kapangyarihan at ang bihag niya." "Hindi mo na dapat iniutos yan dahil yan ang balak ko! Ibalik mo na sakin si Rosary!" sinugod ko siya. Nahablot ko ang ilang bahagi ng suot niyang itim na roba ngunit nang hilahin ko yun ay nawala siya. ? direk_whamba 74th Madness Kan's POV: Itinakas ko mula sa Area 1 ang katawan ng aking kakambal. Dinala ko siya kasama ni Fait sa isang pribadong villa na pag aari ko na malapit sa East coastline. Pinagmasdan ko si Senri na inihiga ko sa kama. Mas lalong lumala ang kanyang kondisyon. Malaki ang posibilidad na maging abo na ng tuluyan ang kanyang katawan kapag pinili niyang abandonahin na ito for good. Ang sumpa ng kanyang sugat ay nagmula sa isang malayong kamag anak na pumaslang sa aming ama. Puno ng inggitan sa loob ng aming angkan na nareresolba lang kung magkakamatayan. Hindi ko makakalimutan ang pagliligtas niya sakin bilang nakatatanda niyang kapatid. I was just being too ungrateful?kaya araw araw, nagiging inggit ang damdamin niya para sakin. Ako kasi dapat ang nasa sitwasyon niya. "Senri... galit ka pa rin ba sakin hanggang ngayon?" wala sa loob kong bulong. Yun lang ang naiisip ko kung bakit ayaw na niyang bumalik. Limang taon na ang nakalipas nung huli kaming nagkausap?at nauwi pa yun sa matinding away naming dalawa. Hindi ko kasi gusto na mag ukol siya ng pagtingin para sa napakabatang bampira. Parang baliw na siya... Mas lalo siyang naging tahimik hanggang natagpuan na lamang namin siya isang gabi na naliligo sa sarili niyang dugo. Bumulwak ang mga sugat niyang ayaw maghilom. Ang sabi nila ay hindi na siya tatagal kaya napagpasyahan nang gawin siyang abo. Hindi iyon natuloy dahil bigla na lang naglaho ang kanyang katawan?na hanggang ngayon ay palaisipan para sakin kung sino ba ang nagtago. "Ahh?!" Napukaw ang atensyon ko ng isang impit na sigaw. May bagay na ikinagulat si Asha. Iniwan ko siya sa sitting room kanina kasama ni Farfait? Lumabas ako ng silid. Nakatayo si Fait At kaharap ang aking rod. Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Nakabalik ka pa pala?" Nagkibit balikat si Fait. "?Hindi naman ako nawala. Kailangan ko lang ng panahon para makapagpahinga." "At pagkatapos anong gagawin mo? Chase away Senri again?!" Sunod sunod ang pag iling na ginawa ni Fait. "Kung hindi ko siya kaya sa Astral world, gagawa ako ng paraan para mahila ko siya pabalik dito sa pisikal na mundo. Bakit? Ayos lang sakin kung kakampihan mo ang kakambal mo?" I shoved him away. "Wala akong pakialam sa away ninyong dalawa. Parehas lang kayong baliw... baka gusto mong puntahan ang 'pinakamamahal' mo? Alam mo na ba kung ano ang kondisyon niya? Dahil sa agawan ninyo, mapapahamak pa yata siya." Seriously... hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko kasi ugaling magpakita ng concern eh? parang nagiging mabait na ako na ewan. Binuksan ni Fait ang bintana tas sinampahan niya. He left without anything more to say. Lumapit sakin si Asha. Yumakap siya sakin pero hinayaan ko lang siya. Wala akong espesyal na nakikita sa kanya yet nandito siya sa aking tabi. Baliw na rin siguro ako. "You can read minds... pero nangyari na bang nalaman mo ang feelings ng iba para sayo?" bulong ni Asha sakin. "Hindi ko kailagang malaman?" "?Natatakot ka lang." putol niya. Balak ko siyang itulak palayo pero parang alam niyang gagawin ko yun kaya mas humigpit ang yakap niya sakin. Hinayaan ko na lang din ulit. Ayoko nang magtaas ng temper. Oras ito na dapat maging kalmado ako dahil kailangan kong ireserve ang anumang natitira sa kapangyarihan ko. "Bakit mo nasabing natatakot ako?" Maghihintay ako ng magandang sagot niya?at kapag di ko yun nagustuhan, lagot siya sakin. "Prince ko... gusto ko lang malaman mo na hindi kita iiwan. Kaya wag kang matatakot na gawin ang gusto mo." Napatda ako. Nina said the exact words to me before. Naniwala ako na mangyayari yun pero iniwan din niya ako... Ang Undead Plague... dapat na yung mawala. Hinawakan ko si Asha sa magkabilang balikat. "Samahan mo ako. May kailangan akong tapusin bago ako magpahinga." **** Farfait's POV: Akala siguro ng dalawang tanga (pertaining to Kan and Aster) ay habambuhay na akong magiging inutil. Nagshut down lang ako pansamantala?malakas ang loob ko dahil alam kong hindi nila ako kayang patayin kahit may intensyon sila. Malaking trauma sa utak ang idinulot sakin ni Senri, but that doesn't mean I can give up. As long as hindi pa ako patay, makakapagregenerate ako. Hindi ako naging master for nothing. Wawasakin ko siya ng tuluyan. If it's even possible, I'll blow him into smithereens. I believe I already did step 1. Ako lang naman yung nagtago ng katawan niya noon bago pa yun tuluyang sirain ng mga Vral. Inimpluwensyahan ko si Aster to do the dirty work of digging and burying. Hahatakin ko muna si Senri pabalik dito. This world is his weakness. Gusto kong nakikita ang paghihirap niya. Again. Iisantabi ko muna yun pansamantala. Kailangan kong malaman ang kalagayan ni beb sa lalong madaling panahon. Kaya binalikan ko ang katawan niya na nasa loob ng Rose mansion. Dumala pa rin ang permiso ko kaya malaya akong nakapasok sa loob. Wala ang master at mistress ng bahay kaya mga tauhan lang nila ang naabutan ko. Magalang sila kung magpapakita ka rin ng paggalang. Inihatid ako ng mayordoma sa pintuan ng solar na pag aari ng kanyang mistress. Mag isa na lang akong pumasok sa loob. Binuksan ko pa ulit ang panibagong pinto at? "SINO KA?!" suspicious kong tanong sa binatang hawak ang kristal na kinalalagyan ng katawan ni beb. Actually, I effing knew him. Yung ED na kalaban ni Aster. Yung sumabotahe sa isa naming live! ANONG GAGAWIN NIYA KAY BEB?! Ni wala siyang inilalabas na aura... yun ang dahilan kung bakit siya naka-slip dito sa loob nang walang nakakapansin sa kanya. "Hihiramin ko muna siya pansamantala!" aniya habang nakangiti. Then he snapped. Naramdaman kong lumambot ang sahig na tinatapakan ko. May mga kamay na umaahon at humawak sa mga binti ko. Hindi ako nagpumiglas kahit pa napakasublime ng creation niya?more like an illusion turned into reality. Basta ako, I stared intently at his eyes. Tuluyang umahon ang creation niya at naging kamukha ni beb. IN MANY WAYS. That includes her aura. Still, hindi pa rin ako kumikilos. I chose not to. Nagdugo ang tagiliran ko nang ibinaon dun ni beb ang kanyang kamay na may matatalim na kuko. Tinawanan lang ako ng ED tas bigla siyang naglaho tangay yung kristal. Bumaling ako sa impostor ni beb. I held both her cheeks at marahas kong ipinaling ang ulo niya. She easily transformed into ravens. I sighed. Hindi ako makapaniwalang makakaengkwentro ko ang totoong Respawner. Isang napakalaking pagkakamali niya ay ang pagpapakita sakin. Totoong makapangyarihan siya pero nasilip ko ang kanyang kahinaan. Walang aura ang totoo niyang katawan dahil allocated na yun?ikinalat niya yun sa iba't ibang lugar for his own convenience. Nagpunta siya dito on his own dahil wala sa mga creation niya ang maaaring magtransport ng kristal kundi siya lang. Nahuli ko siya at sa ngayon ay working na ang kapangyarihan ko sa kanya. BUT I can't do it alone. Hindi ibig sabihin nun ay mapapatay ko siya. Mas imortal siya kung ikukumpara sa kahit sinong bampira. Hindi siya basta basta mawawala hanggat may kahit isang atom niya ang natitira. What can be done is have his existence destroyed... **** Aster's POV: Pwede ko nang idescribe ang nangyari sakin as 'rebirth'. May mga bagay akong nakalimutan (sabi ni Ary), ngunit may mga bagay din namang parang ugat na nakatanim sa aking isipan. Nagkamalay ako na ang unang goal na pumasok sa isipan ko ay ang huntingin si Senri. Akala ko ay patay na siya?subalit same din sa goal ko ang mga iniuutos sakin ni lolo. Isa pa nacucurious ako kung sino ang binanggit na bihag nun. Wala dito sa pisikal na mundo si Senri kaya kinailangan kong matulog. Bumalik ako ng Rose mansion dahil doon ang pinakaligtas para mahimlay at may mga nagbabantay. Takot ako matulog noong bata pa ako dahil sa mga nakikita ko sa panaginip ko. Hindi pa ako aware na ang nangyayari pala ay isang paglalakbay. My soul fleets to another world where I have a rare chance to meet other souls, rather lost souls... Pero habang nagkakaedad ako, nagiging redundant na ang mga panaginip ko. Nastuck na lang ako sa iisang lugar at panahon?doon sa kaharian na kung tawagin ay Erdan. It bored me that I neglected sleep. At dun pa rin ako napunta ngayon. Sa may talampas?sa hilera ng mga naglalakihang puno ng cypress. Sinubukan kong lumayo pero nagiging blur ang bawat madaanan ko. Sumasakit lang ang ulo ko kaya itinigil mo na lang ang paglalakad. Sa liit ng mundong ginagalawan ko, imposible talagang matunton ko dito si Senri! Lumingon ako sa aking likuran. Dadalawa na lang ang cones na nakatali sakin. 'Cones' ang tawag ko sa mga inner soul ko kapag nandito sa Astral world. Nakatakip kasi ang mga mukha nila ng napakalaking cone. Ang natira sakin ay mga Nature soul o yung inextract lang mula sa kalikasan?like Ifreet, a representation of fire, and Shiva, a representation of ice. I never use Shiva though. But I'm glad na nawala na yung mga inner soul na mula sa mga dating buhay na bampira. They all freak me out. Madalas silang magshriek at magwala in the back of my head. Atleast Ifreet doesn't do that. Walang kakayahang mag isip ang mga Nature souls. Kaya nga siya ang favorite ko ehh. Nagdecide akong pumunta downtown. Nasa may bungad pa lang ako, daig ko na ang may super scope. I think I saw my little sister... ?? direk_whamba 75th Madness Aster's POV: Wala na akong inaksaya pang oras. Tumakbo ako para makalapit kay Aning. Walang katao tao kaya so far wala naman akong nakabanggaan along the way. Magkahalong dismaya at relief ang naramdaman ko nung biglang sumulpot si Senri sa likuran ni Aning. Pare pareho kaming nagkatinginan sa gitna ng plaza. "Aning, sumama ka na sakin-" inilahad ko ang kamay ko sa nakababata kong kapatid. Ginagawa ko ba talaga ang bagay na ito upang iligtas ang kapatid ko o para mailigtas ang girlfriend ko? Nararamdaman kong anuman sa dalawang yun ang priority ko, parang may talo pa rin... Naalerto ako nung naglahad din ng kamay niya si Aning. "Kuya-?" Totoo ba ito? Tinawag niya akong 'KUYA'?! Sandali-wala na naman siya sa sarili niya ah?! Nangyari na ito... Bumaling ako kay Senri. Di yata't napakaexpressionless niya-considering nandito ako para gawin siyang inner soul! Kumilos siya at niyakap si Aning mula sa likod. Dun ko napansin na mas malabo sa paningin ang kanan niyang braso kesa sa kaliwa. "-Hanggang ngayon ba ay wala kang ideya kung bakit madali mo kaming natunton, ha Aster?" "A-Anong ibig mong sabihin Senri?!" kunot noo kong tanong. Ngumiti si Senri habang nasa bisig niya pa rin ang aking kapatid. "Sinadya kong magkita tayo ngayon-para iparating sa iyo na maari na akong mawala anumang oras..." ANO DAW?! **** Senri's POV: Inilayo ko si Antigone sa pisikal na mundo hindi para sundin ang pansarili kong kapritso. Gusto ko siyang protektahan laban sa mga nilalang na malaki ang interes sa kanyang kapangyarihan- ayoko na ulit mangyaring magsilbi siyang catalyst para gumana ang Inferni Sigillum na balak gawin ni Xerun. Naudlot na ang nauna niyang plano subalit hanggat nakaukit ang sigil ay gagawa siya ng paraan para magamit yun nang naaayon sa silbi niyon: upang muling buksan ang tarangkahan tungo sa isinumpang lugar ng mga diablo. Alam ko kung sino si Xerun at kung ano ang pangarap niya... bata pa lamang ako at ni hindi ko siya kilala nang makita ko na ng ilang beses ang kanyang nakaraan at kung paano niya unti untinginagaw sa kamay ko ang sarili kong angkan gamit lamang ang kanyang matabang imahinasyon. Natatakot ako sa mga masasamang pangitain na madalas gumagambala sa akin noon-na nagtulak sakin para piliin ko ang mahirap na buhay na may sumpa ng panghabambuhay na sugat. Nakisabay ako sa agos ng tadhana sa loob ng maraming taon-hanggang sa dumating sa buhay ko ang aking pinakamamahal... Ako ang siyang tunay na susunod upang mamuno sa aming angkan. Nawalan na yun ng kwenta buhat ng magbago ang aking lolo. Alam ko rin kung bakit... Tanging ako lang ang nakakaalam na pinatay ang totoo kong lolo ngunit wala akong pinagsabihan ng tungkol doon. Wala rin akong sinabing premonisyon sa magaganap na Undead plague. Bago ko pa maabutan ang matinding dagok sa lahing bampira, nilisan ko pansamantala ang pisikal na mundo. Tiniis ko ang hirap na mawalay sa aking pinakamamahal upang tumuklas ng paraan kung paano ko siya mailalayo sa lahat ng kasamaan ng kinamulatan niyang mundo- May kontrol ako sa oras, oo... pero aaminin kong may mga 'panahon' na hindi ko kayang panghawakan, at may mga pangyayaring hindi ko basta bastang mababago sa isang pitik lang ng aking daliri. Hinila ko si Antigone sa pinakailalim na parte ng mundo ng Astral sa pag asang mawawaglit sa natural na paraan ang masamang kapangyarihang nananalaytay sa kanyang dugo... Nakakasama lang ng loob-yung alam mo na kung ano ang mangyayari, at pagkatapos ay ginawa mo ang lahat para baguhin yun; ngunit sa bandang huli ay nabalewala lang ang lahat ng paghihirap mo. Habang magkasama kami ni Antigone, mas lalong lumakas ang manipestasyon ng kanyang kapangyarihan. Mas malala pa ang impeksyong nakuha ko kesa sa impeksyong dulot ng undead plague-ang impeksyon kung saan unti unting nabubura ang iyong eksistensya. "-Senri...anong nangyayari sa kamay mo? B-Bakit hindi ko na mahawakan?" kanina, nabigyan ko ng alalahanin ang mahal ko. Ayokong nakikita siyang ganun... Hindi ako natatakot na mawala. Pabor pa nga kung sakaling mawala ako nang sa gayon ay wala nang iba pa ang makakapagbukas sa Inferni Sigillum. Mananatili na lamang iyong isang walang silbing marka habang may mundo. Ang ikinakatakot ko lang ay ang maiwan ko siyang nag iisa. Kung mawawala ako... iiyak siya... maghahanap ng kasama... Hindi ko matatanggap ang pagkawala ko nang may pagsisisi kaya- Hinayaan ko na lang ang Arcang si Aster na matunton ako... mali... gumawa ako ng paraan na matunton niya kami. Inabangan ko lang ang oras ng kanyang pagtulog. "-Sinadya kong magkita tayo ngayon-para iparating sa iyo na maari na akong mawala anumang oras..." sabi ko nung magkaharap harap na kami. Kailangan ko nang sabihin ang pamamaalam ko. Walang kaparis ang aking kapangyarihan ngunit anumang isip ang gawin ko, sadyang marunong ang Diyos- na kahit gaano pa kababa ang tingin mo sa ilang daan libong nilalang sa ilalim mo, mayroong kahit isa na mas nakakaangat sayo, at kabilang ka lang din sa ilang libong nilalang sa ilalim ng mga paa niya. Pumikit ako at huminga ng malalim. Mabango ang simoy ng hangin na galing sa kanluran... halos kaparis na rin sa totoong mundo. Ang bagal kumilos ni Aster. Ako na ang naglapit kay Antigone sa kanya. "Ipangako mo sakin-gawin mo ang lahat para maialis sa kanya ang-tadhana ng pagiging isang destroyer... Gusto kong maging masaya siya-gusto kong maging normal ang-" Nababasa ko sa mga mata ni Aster ang isang pangitain na magdudulot ng matinding kaguluhan sa hinaharap-ngunit hindi ko na nagawang isatinig yun dahil sa pumulupot na laso sa aking buong katawan. **** Aster's POV: Nahuli ko si Senri. Sinamantala ko ang pag-eemo-emohan niya na hindi naman talaga tipikal sa kanya. Sa isang banda, nacurious ako sa sinabi niyang malapit na siyang mawala at pati dun sa mismong panlalabo ng isa niyang braso. Sa paanong paraan siya mawawala?! Pinagloloko lang siguro niya ako. Nevermind. Ang objective ko lang naman ay ang icapture siya-sakaling mawawala nga siya, aba pakikinabangan ko muna ang kapangyarihan niya! Hinawakan ko ang braso ni Aning. "Tara-uwi na ng bahay Aning!" I tried to sound light, yung tonong ginagamit ko kapag binibiro ko siya. Still, nanatili siyang tulala. Hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko sa kanya. Ipinikit ko na ang aking mga mata. I let myself fall-but the difference of that fall from a normal fall is that I didn't hit the ground. Pagdilat ko, sabay bangon ako sa aking higaan. I'm back to where our real world was... Si Aning? Sabi ni Ary, ako daw ang nagsabi sa kanya na si Aning ay nasa loob ng solar ni mama. Nasa loob siya ng isang crystal case para protektahan ang kanyang very fragile body. Sumampa agad ako sa balustrahe ng pinakamalapit na hagdanan paglabas na paglabas ko ng kwarto. Pagdating ko sa solar-wala na akong naabutang kristal. Ang tanging naabutan ko lang ay si Farfait. Pinagkatitigan niya ako nang husto at nakakairita yun. "Aster? Ano nang nangyari sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo?!" "Fucked off. Nasaan si Aning?!" I demanded. He shrugged. "May nagpunta dito at dinala siya kanina pa-" Pinandilatan ko si Fait sabay haltak sa kwelyo niya. "BAKIT MO HINAYAANG MAY KUMUHA SA KANYA?! ALAM MO BANG NASA LOOB SIYA NG ISANG PROTECTIVE CRYSTAL?! PAG NAGISING SIYA HABANG NASA LOOB NUN, MAAARI NIYANG IKAMATAY YUN!" Pinandilatan din niya ako. "Si beb?! May malay na?!" "OO!" I snapped. Paano na to ngayon? Saang lupalop ko hahagilapin si Aning sa lalong madaling panahon?! "-TEKA SAAN KA PUPUNTA?!" Fait disappeared in front of me, leaving me hardly a clue kung saan siya paroroon. Napahilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Ako na lang ang huli sa mga nangyayari. Ang hirap mangapa... **** Shall's POV: Ipinakita sa akin ni Xerun ang kristal kung saan nakalagak ang katawan ng aking bunsong anak. Lumapit agad ako at sinipat ang loob. Nakamulat si Antigone at tila nahihirapang huminga! "Sinabi ko naman sayo, tutulungan kita para maibalik sa dati ang iyong anak... ano't gusto mo pang tumakas kanina?" Narinig ko ang pasaring ni Xerun pero dumaan lang yun sa kabilang tenga ko. Basta ang dapat kong intindihin ay si Antigone lang- "Anak... Sandali lang, ilalabas kita diyan!" CRAAAACK-! Nagbitak ang kristal at nabasag yun. Wala pa akong ginagawa kaya baka si Xerun ang sumira niyon. Nabigla ang katawan ni Antigone kaya namilipit siya sa sakit. "Antigone-nandito na si mama... ha?" pahysteria na ako kasi hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Makita ko lang siyang nagkakaganun ay parang doble nun ang nararamdaman ko. Bigla na lang akong hinila palayo ni Xerun sa aking anak. "Nangako ka sakin at kailangan mong tuparin yun-ngayong nakita mo nang maayos ang iyong anak, magpaalam ka na dahil ito na ang huling beses ninyong pagkikita!" Gusto kong itanong kung bakit... kaso ay hindi ako makapagsalita- kinakapos ako ng hininga... nahihilo ako... Nakita kong pwersahan niyang itinayo si Antigone at pagkatapos ay marahas na hinaklit ang braso. Papalayo sila sakin- Saan sila pupunta? Saan dadalhin ni Xerun ang aking anak? ? direk_whamba 76th Madness Kan's POV: "-WALA NANG ORAS! MAGPUNTA KA NA NGAYUNDIN SA AREA 2!" Some anonymous telepathic vampire came upon my thoughts... Boses babae ang naglilinger sa aking utak; at bukod dun ay wala na akong clue sa kung sino man siya. Ako ba talaga ang kausap niya? Para ba sakin ang kanyang mensahe?! Shit just happened. Pinag iisipan kong maigi kung ang iniuutos ba niya ay isang katotohanan ba o isa lamang bluff or much worse ay tripping lang. Nandito pa man din ako sa Area 1. "Prince, may problema ba?" tanong ni Asha. She's staring at me again with her damn innocent look. I wish she'd stop doing that. "Pumunta na lang tayo sa Area 2." just by talking to her, nakapagdesisyon na agad akong pumunta sa lugar na binanggit sa ligaw na telepathy. But I might as well check on what's going on in there. Kanina pa rin ako hindi mapalagay. May naupo lang naman sa trono ng pinakamataas na pinuno ng mga bampira at ipinarating niya sa mga kauri namin na dapat siyang katakutan. Sunud sunod ang mga pangyayaring 'di mo inaakala'. I thought I've already seen the worst... WOOOOOOO~! Nagbago bigla ang ihip ng hangin pati na ang energy flow. May big fish yatang dumating... Isa bang ED? O myembro ng Black Church? Humawak ako sa balikat ni Asha. "Doon tayo sa mataas na lugar. Tingnan natin kung anong meron-" Itineleport ko kami sa rooftop ng isang sirang gusali. Yun ang pinakamagandang viewing point mula sa epicenter ng nararamdaman kong power activity. Hindi ko na kailangan pang tumanaw sa malayo dahil kitang kita ko na agad ang nakalutang na gahiganteng pigura ng isang kalansay na may pakpak ng paniki at may hawak na karit. Mayroong bampirang prenteng naglalakad sa ilalim niya-yun yung bampirang humuli kay Licorice noon if my memory serves me right. Isa bang familiar ang kalansay na nakikita ko? Hindi lang pala yun... sa likod nung bampira ay tila nagkakagulo ang mga silhouette forms. Hindi naman sila mukhang mga undead-kaya ano sila? Sinusundan nila yung bampira saan man iyon magtungo kahit pa halatang ayaw nila. Ilang sandali pa ay itinaas ng bampira ang kanyang kamay-na ginawa din ng higanteng kalansay. Napaatras ako. Ano kaya ang binabalak nilang gawin? Bumaon sa bitak bitak na kalsada ang naglalakihang carpals ng higante. Sabay naglitawan sa sahigang mga kakaibang simbulo na mabilis kung kumalat. Nakita rin mismo ng mga mata ko kung ano ang epekto ng ginawa nila sa mga undead sa paligid. Nagsipag agnasan ang mga yun at mukhang walang matitira ni isa sa kanila. Isang clearing operation ang ginagawa nila! Uubusin nila ang mga undead at pagkatapos? "-Umalis na tayo dito!" dumapo ulit ang kamay ko sa balikat ni Asha nung malapit na sa amin ang mga markang gumagapang sa halos buong area 1. Mahirap na at baka matulad din kami sa mga undead! Susubukan kong alamin ang sitwasyon sa Area 2. **** Aster's POV: Sa Area 2 ako dinala ng aking instinct. May unknown force na humihila sakin para magtungo doon-at nakadagdag pa yung isang mental telepathy ng isang misteryosang babae. Para siyang nag uutos na sa Area 2 ako magpunta. Naramdaman ko ang aura ni Ary ngunit nung magtungo ako kung saan ko siya napupulsuhang naroroon ay WALA naman siya! Hindi kaya... nasa ilalim? Tunuklap ko ang bahagi ng abandonadong kalsada at hinukay yun. Bandang huli, napagpasyahan ko na lang na maghanap ng mas mabilis na daan papunta sa ilalim dahil wala akong tyaga sa malalimang paghuhukay. Ang naiisip kong maaari kong access ay ang underground subway-my choice over the sewerage. Mas tumindi ang hinala ko lalo na nung makakita ako ng daan daang uwak na namamahinga sa bukana ng subway. Isa isa silang nagsiliparan palayo habang dumaraan ako sa gitna nila. Sinundan ko lang ang daloy ng sumisirit na daloy ng kapangyarihan at paglipas ng ilang minuto ay napadpad ako sa isang underground village na infested din ng mga undead! Ahead of them all, nakita ko na si Aning. Kasakasama niya si Ary. Nakayakap si Ary kay Aning. Nakita na ako ni Ary; papunta na ako sa kanila pero- "ASTER DIYAN KA LANG! WAG KANG LALAPIT SAMIN!" sigaw ni Ary. "BAKIT?!" ganting sigaw ko sabay hataw ng dala kong katana sa mga undead na nagtangkang lumapit sakin. Nagbawi ng paningin si Ary. Sinundan ko ang mga mata niya na bumaling sa ilalim nila. Dun ko lang napansing nakalubog ang mga paa nila hanggang bukong bukong sa nagbabagang kumunoy! Kumukulo kulo pa yun at nag uusok! "ANO YAN?!" pasigaw kong tanong ulit- Paanong hindi ako lalapit kung nakikita kong nililitson sila ng buhay sa mga baga?! "Tamang tama ang dating mo Aster! Ikaw na lang talaga ang hinihintay namin!" nilingon ko ang binatang nagsalita sa likuran ko. Hindi siya si lolo na siyang tumangay kay Ary, ano't nakikiepal siya dito? Sandali nga... isa ba siyang tao na poser bilang bampira? Eh sa hindi ko maramdaman ang aura niya! "-Anong meron dito?" nagtanong na lang din ako sa kanya. His hand flew into the direction of Ary and Aning. "Kung nakikita mo, pansamantala kong binutasan ang impyerno... para ilaglag doon ang dalawang babaeng mahalaga para sa iyo!" "AT BAKIT MO NAMAN GAGAWIN YUN?!" I exploded! "Madali namang magbago ang isip ko Aster-basta ba susunod ka sa ipagagawa ko at-" TO HELL WITH YOU AND YOUR NONSENSE! Sinagupa ko ang mga undead na nakaharang sa dinaraanan ko. Hindi ako nagpapigil para puntahan sina Ary. Hinawakan ko ang kamay niya at pani ni Aning. "Umahon na kayo diyan dali!" Umiling si Ary. Mas bumilis ang paglubog nila! "-Aster, hindi kami makaahon kahit pa anong pilit ko! Isa lang itong patibong para mapasunod ka niya! Ang mabuti pa ay umalis ka na dito-" "WAG KA NGANG TANGA?! SA TINGIN MO IIWAN KO KAYO DITO NA NAKALUBOG SA MGA BAGA AT PINALILIBUTAN NG MGA UNDEAD PARA LANG ILIGTAS ANG SARILI KO?!" natahimik si Ary. Ganun siya pag napapahiya eh. Hindi ko naman sinasadyang sigawan siya ng ganun... I ducked. Kinamay ko ang mga baga-at dun lang ako nagkaroon ng ideya kung gaano pala kasakit ang maexpose dun! Nalapnos agad pati muscles ng kamay ko nung sinubukan kong hawiin ang ilang hot coals para iahon ang mga binti nila. Kung kanina pa sila nakalubog dito, eh di sobrang sakit na ang nararamdaman nila?! Ilang beses na nagregenerate ang mga balat nila sa binti at paa? Makakaya pa ba nilang magregenerate paglipas ulit ng oras?! DARN IT! Lumubog na naman sila! I guess ang tanging paraan nga lang para maialis ko sila ay ang makipagtulungan na nga sa poser na bampira- I faced him. "Ano ba ang kailangan kong gawin?" "Nasa iyo ang kapangyarihan ng orakulo ng oras. Ang dapat mong gawin ay ikutin pabalik ang oras ng espasyong ito sa nakalipas na dalawang taon!" Good grief! Kakakuha ko pa lang sa naghihingalong kaluluwa ni Senri tapos eto na agad ang ipagagawa niya?! Ni hindi ko nga alam paano ko magagawa yun! "Wala akong alam sa kapangyarihang tinutukoy mo!" He smirked at me. "Magagawan mo yan ng paraan Aster-lalo na't para yun sa kaligtasan nila. Kahit ako ay hindi ko na magagawa pang iahon sila mula sa nagbabagang kisame ng impyerno!" "SUSUBUKAN KO!" wala naman akong choice di ba? Pag hindi ko sinubukan, baka magsisi lang ako. Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagfocus ako sa nakuha kong inner soul. Pinangibabaw ko sakin ang kapangyarihan niyon. Masyadong malaki ang lugar na ito kontra sa gagamitin kong kapangyarihan-kaya ginamit ko na rin pati ang sa akin. Bahala na kung ano ang mangyari sakin pagkatapos. Basta alam na ni Ary ang responsibilidad niyang itakas si Aning mula dito. Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang paghigop ng lupang tinatapakan ko sa aking lakas. Gusto kong matumba ngunit natatakot ako na baka pag gumalaw ako ay mawalan ng bisa ang aking ginagawang mahika-o anupamang tawag dun. Idinilat ko na rin ang aking mga mata. Gumagana na nga ang kapangyarihan ni Senri! Hindi ko masyadong maexplain kung ano ang nangyayari sa aming environment. Mabilis ang mga pangyayari na daig pa ang rewind ng isang lumang palabas, pero may mga improvements-naglaho ang kumunoy ng mainit na baga kaya nakalaya sina Aning. Base sa pagoobserba ko, sa paligid lang umeepekto ang x1000 flashback. Hindi naaapektuhan ang mga living things pati na ang mga living deads. Iba iba rin ang range ng kapangyarihan ni Senri. Napaka-diverse! Ang problema na lang ay kung kelan ba yun dapat huminto- TSWIIIK! Nahagip ako ng isang napakahabang itim na spear. Bumaon yun sa aking dibdib na sobrang lapit na sa puso ko! Ang binata yung nagpakawala niyon. Then I realized, everything came into a halt. Bumalik na sa natural ang takbo ng panahon. "Nasa tamang panahon na ang lupa Aster! Ang akala ko ay wala ka nang balak huminto." He's fucking kidding me. I don't know how and when to stop. He does. That's why he had smitten me. "Aster!" nag alala si Ary nung makita niya ako at yung sibat. "ARY, WAG MO AKONG ALALAHANIN! KUNIN MO SI ANING AT TUMAKAS NA KAYO-!" pagkasabi ko nun, dumapa ako sa lupa. May nanadyak sakin sa likod koooo! Damn! "-Aster, alam mo ba kung anong shit ang ginawa mo?!" Nilingon ko ang hinayupak na nanadyak sakin. It's Kan. ? direk_whamba 77th Madness Kan's POV: Tutal ay na-pick ko ang aura ni Aster, sinundan ko na lang din siya pagdating ko sa Area 2. Hindi man lang siya nakiramdam sa kanyang paligid at tila may mas importante pa kesa sa sarili niyang kaligtasan. Tahimik ang paligid at ni wala akong nakita kahit isang undead?posibleng cleared na ang lugar na ito mula sa Undead plague... Sa wakas at may naburaot na ng husto sa mga pakalat kalat na zombies at winash out na sila! Pero di pa rin ako palagay... parang mayroog mali, rather parang may mangyayaring hindi maganda sa pagpupurify ng dalawang dating fortress ng mga bampira... Napapadpad kami ni Asha sa pusod ng wasted underground subway with Aster leading the way. Dun ko nadiskubre ang misteryo ng nawawalang bahagi ng Melange. It was stuck here in the underworld-like domain... Marami pa rin ang undead na naririto, therefore hindi pa naaabot ng purification itong lugar na ito. "?Magtago muna tayo." bulong ko kay Asha nung makita kong huminto si Aster sa barikada ng mga undead. Ahead of them, tanaw ko ang half sister ko pati na ang stepsister ni Aster. Daig pa nila ang binabarbecue?sandali... nakabalik na si Antigone?! Paano? Tumingin ako sa paahan ko. Nakatapak ang mga paa ko sa pagitan ng mga creases sa lupa. Walang kwenta yun kung sa normal view lang makikita; but when you look at it from a higher place, a complex diagram will unfold in your eyes. Ito ang nawawalang Inferni Sigillum! Konti na lang ay mapagtatagni tagni ko na rin ag mga pangyayari! May lumapit na lalake kay Aster?the same Evil Druid whom we plotted to kill para makaresbak sa ginawa niyong pananabotahe sa pinakahuli naming nagawang mini concert. I thought Aster killed him?! Dinig na dinig ko ang pag uusap nila. Tungkol sa pagpapalaya sa dalawang babae kung magagawa ni Aster ang ipagagawa sa kanya. I doubt kung magagawa niya yun! Use Senri's power?! He must be kiddi? Nagpakawala ng kapangyarihan na mula sa isang inner soul si Aster. Pinag isipan kong maigi ang logic ng mga bagay bagay dahil ang involve ay walang iba kundi ang kapangyarihan ni Senri! Nahuli ba ni Aster si Senri at ginawa niya iyong inner soul?! Bakit dito pa kailangang gamitin ang kapangyarihan ni Senri?! Everything seems to fall into place... Things are done to re-activate the sigil from two years ago! Hindi ko na nagawa pang makialam. Huli na ang lahat. Working na ang flashback ng oras. Naapektuhan nun ang paligid?pwera lang samin at sa mga undead. Aster doesn't have enough control of Senri's power, nor when to stop. Nagulat na lang ako nang sibatin siya ng ED. The abnormal rewinding of time stopped though. Alam na alam ng ED kung saan ang eksaktong panahon na active at productive ang Inferni Sigillum. Sa puntong ito, wala na akong pakialam kung makita nila ako; talagang sinadya kong magpakita when I came out of hiding. The sole of my feet lay arched against Aster's backbones. Tinadyakan ko pa siya for the win. "-Aster, alam mo ba kung anong shit ang ginawa mo?!" I shouldn't have asked. Wala naman siyang alam eh! HINDI NIYA ALAM NA GINAWA NIYANG USEABLE ULIT ANG DIAGRAM! Then it happened as follows?nang naaayon sa plano ng ED tungkol sa napakalaking sigil. Niyanig kami ng napakalakas na lindol. Nabiyak ang lupa at karamihan sa mga undead ay nilamon nun. Gumuho ang kisameng lupa at sabay sabay na nagbagsakan ang mga malalaking tipak. Sa loob ng ilang segundo, nagawa kong itaas ang aking kamay. Nahila ko ang katawan ni Rosary ngunit hindi ang kay Antigone. Para siyang nakaglue sa kinatatayuan niya. Lahat ng mga batong bumabagsak sa gawi niya ay hindi direktang tumatama sa kanya. "MOVE!" utos ko kanila Asha at Rosary. Si Aster, bahala na siya. I lead the way paakyat sa itaas ng guho hanggang sa napunta kami sa devastated na kalsada ng Area 2. Hindi ko pinagpahinga si Asha. I made her strangle the neck of the ED trailing behind us. Ni hindi man lang pumalag ang ED na yun... "Anong plano mong gawin?! Palaganapin worldwide ang Undead plague?! Own this world maybe?!" tanong ko sa kanya. Nainis lang ako sa ngiti niyang may halong sarcasm. "Kan... malayo na ang narating mo bilang isang bampira. Malapit ka na nga sa pagiging perpekto?sadyang may problema ka lang talaga sa ugali. Masyado kang magaspang!" "WALA AKONG PAKIALAM?!" I willed Asha to crush her neck, pero hindi niya nagawa! Sadya niyang binitawan ang leeg ng ED pagkatapos ay humarap siya pabalik sakin? "Asha?! What the hell are you doing?!" "P-Prince ko, anong ginagawa mo?" maging siya ay nagtataka! Nauwi sa napakalakas na tawa ang ngiti ng ED. "INTINDIHIN MO KAN, HINDING HINDI MO MAGAGAMIT LABAN SAKIN ANG IYONG KAPANGYARIHAN DAHIL AKO ANG SIYANG LUMIKHA SAYO!" Hindi mag sink in sakin ang sinabi niya. I don't get it. He's a freak! Hindi dapat siya pinaniniwalaan! Ako naman ang sinakal ni Asha this time. Naiiyak na siya dahil akala niya may ginagawa siyang mali sakin. "?S-Sorry! Hindi ko maigalaw ang katawan ko! Ayokong gawin sayo ito prince Kan!" "ALAM KO." I assured her. Kumilos si Rosary. Pinilit niyang alisin sakin ang grasp ni Asha. I suddenly waved my hand and she flew a few blocks away from us. Bumalandra siya sa pader ng isang sirang movie house. Ako ang may gawa nang hindi ko naman ginusto! Bumaling ako sa ED. Nakakainis! I can't go inside his mind! Posible kayang pareho kami ng kapangyarihan?! Isa rin siyang manipulator? Ngunit paano niya ako nahuli? He doesn't look powerful to me tas wala siyang aura? Drip. Drip. Tumulo ang sarili kong dugo sa worn asphalt ng kalsada. Sinugatan ng kabilang kamay ni Asha ang tagiliran ko. Nanghilakbot siya ngunit anong magagawa ko? Keep calm... may paraan pa... Lumapit ang ED sa aking rod at inakbayan pa niya ito. "Mas masakit ba pag ang minamahal mo ang pumapatay sayo?!" Ako yung kinakausap niya kaya ako ang sumagot. "I DON'T?" natigilan ako. Alam ko ang isasagot ko pero ano't di ko kayang sabihin?! "HAHAHAHAHAHA! PAANO KAYA KUNG MAGLAHO KA NG BIGLA SA HARAP NIYA?! MAS MASAKIT BA ANG GANUN?!" "SHUT THE FUCK UP FREAK!" I snapped out. Napawi ang ngiti niya, indicating na seryoso na siya. "Binibiro lang kita?hay... napakawirdo sa pakiramdam ang pagkausap sayo." "BAKIT HINDI MO PA AKO DERETSAHIN?!" sigaw ko sa kanya. Ayoko ng pinaghuhula ako! Naiinis ako ganitong di ko mabasa ang mga iniisip niya! "Kan... anong gagawin mo kung nalaman mo ngayon na isa ka lamang respawn?!" Napatanga ako ng ilang sandali. "Hindi..." "Isinunod lamang kita sa anyo ng kinikilala mong kakambal. Wala naman talagang 'Kan' sa simula't sapul... alam yan ni Senri. Wag mong sabihing wala siyang nababanggit sayo?" Sunod sunod ang aking pag iling. Isang kasinungalingan ang ginagamit niya para sirain ang konsentrasyon ko! "?Espesyal ka sa lahat ng nirespawn ko, Kan... alam mo kung bakit? Dahil sa may kakayahan kang makapag isip sa sarili mo! Ang balak ko lamang noon ay gayahin ang kapangyarihang taglay ni Senri ngunit hindi dumala... kaya naman ang ibinigay ko sa iyong kapangyarihan ay nagmula sa kanyang lolo na matagal ko nang pinaslang! Naisip kong balang araw ay matutulungan mo akong maabot ang aking mga pangarap kaya pinabayaan kita?subalit napariwara ka at nasa panig pa yata ng aking mga kaaway! Patatawarin kita kung magbabalik loob ka sakin..." Nagawa kong sakyan ang mga pinagsasabi niya kahit hindi ako naniniwala. "Paano kung ayaw kong kumampi sayo?! Mapipilit mo ba ako?! Anong gagawin mo? Papatayin mo ang rod ko sa akig harapan?! Ngayon pa lang ay sasabihin ko na sayong hindi ako natatakot?" Nahinto ako sa pagsasalita dahil na-rip ang ilang bahagi ng aking balikat. Para siyang naglalagas na itim na dahon sa sanga. "Kung wala kang silbi sakin, hindi ako mangingiming alisin ka sa mundong ito!" Mas lalo akong nanibugho. Nabuhay ako sa loob ng napakaraming taon nang naranasan ang lahat ng hirap at sarap ng buhay?but in the end, it doesn't even matter. Sa akala kong isa akong napakaespesyal na nilalang, turns out that I'm nothing more than an insignificant nobody. Walang anu ano'y biglang nagliyab ang buong katawan ng ED. "Marami pang atraso sakin yang ugok na Kan na yan kaya sorry kung hindi ko muna papayagang idispatsa mo siya ng ganun ganun lang Nehemiah!" Buhay pa pala ang timang na si Aster. He's directly behind Nehemiah and facing me. I had smirked. At sa paanong paraan niya tatalunin ang nilalang na almost god-like ang kapangyarihan?! Pero dahil sa pangingialam niya, nahinto ang pagdedecompose ko. "AAAAAAAAAAHHHHHH!" isang sigaw ang pumailanlang. Napatingin kaming lahat sa guho. Si Antigone na nakatayo sa pinakagitna ng sigil ay nag-eemit ng masama at negatibong enerhiya! Nangyari na ang ganun two years ago, pero malaki ang pagkakaiba nun ngayon?dahil mas mabilis na nabubuksan ang inferni sigillum! "SINO SILA?!" muli akong bumaling kay Aster na nakaturo sa mga bagong dating. Hindi sila mga undead, rather mga bampira sila. Saan sila galing?! Bakit parang ang dami pa rin nila? Puros lahat sila ay nakasuot ng magagara at mamahaling bestida at amerikana? BAM! Isa pang bampira ang lumundag na malapit samin. Nagpagpag pa siya ng suot niyang itim na tuxedo pagkaayos niya ng tayo. Namumukhaan ko siya eh?yung butler sa Rose mansion? "Magandang gabi mga ginoo." bati niya samin. "?Naririto ako sa ngalan ng mapagpalang hari ng mga bampira. Ang kanyang muling pag upo sa trono ay nangangahulugan ng muling pagbangon ng nag iisang hiyerarkiya ng lahing bampira. Labag sa batas ang paggawa o paggamit ng mga sinaunang Sigil na may direktang epekto sa pagkasira ng mundo kaya naman naririto ang buong pwersa ng mga duke, marquis, konde, baron, at baronet para bigyan ng tamang aksyon ang inyong kapangahasan!" Kung desisyon ng mahal na hari ang isang all-out war, seryosong kalaban nga ang Nehemiah na to. Sino ba ang mahal na hari na yun? Hindi ko pa siya nakita kahit kelan at hindi ko na siya naabutan. Marahil ay dapat na nga akong maniwalang isa lamang akong respawn... Ang simula ng kamalayan ko ay nung mga bata pa kami ni Senri?bago siya nagkaroon ng imortal na sugat. Siya ang pinakauna kong nabungaran at ang imahe niya ang pinakaunang rumehistro sa aking bubot pang pag iisip... Lumapit siya nun sakin at niyakap ako. "Ako si Senri at ikaw si Kan... magkakambal tayo... Wag mo akong iiwan ha? Sasamahan mo ako kahit saan..." "Uhh..." at that time, ni hindi ko alam kung paano makikipagcpmmunicate. Lumayo siya sakin at tiningnan niya ako na puno ng paggiliw. "Wag kang iiyak Kan, tuturuan kita ng lahat ng dapat mong malaman sa mundong ito..." Naguluhan ako sa naalala ko. Senri... bakit ba ako nag eexist ngayon? Dahil ba ginusto yun ng Respawner o dahil sa yun ang iyong hiling?! ?? direk_whamba 78th Madness Ivy's POV: Ideya ko na isummon ang lahat ng mga natitirang maharlikang bampira ngunit tinutulan lamang iyon ng aking kamahalan. Magkagayunman ay kailangan ko siyang tulungan sa lahat ng paraang alam ko. Nararamdaman ko na hindi na ako magtatagal... Nagpadala ako ng isang kalat na telepathy sa mga bampira. Hindi mga basta bastang bampira ang makakasagap nun?tanging ang mga makapangyarihan lamang. Sinadya kong itulak sila papunta sa Area 2 upang kahit paano ay magkaroon ng delay ang Inferni Sigillum. Pagkatapos ay saka ko sinundan ang kamahalan na nasa Area 1. Nangamba ako dahil huli na ako ng dating. Nakalabas ang kanyang familiar at napapaligiran na siya ngayon ng mga bayolenteng poltergeist. Imposibleng makalapit ako sa kanya nang hindi masasaktan? BAHALA NA! Kailangan kong lumapit sa kamahalan! May isang bagay akong dapat ibigay sa kanya at nararapat na sa kanya lamang mapunta iyon! "?Kamahalan, tumingin ka dito sa gawing kinaroroonan ko..." bulong ko sa hangin. Nagbabakasakali ako na gawin nga niya kahit alam kong hindi. Nahihirapan na rin ako sa nararamdaman ko. Binigyan niya ng silakbo ang aking damdamin na marapat kong isuko hanggat maaga pa... Ayoko nang makadagdag pa sa gulo sa buhay niya. Tama na sakin na itinuturing niyang kanya ang aking pinakamamahal na anak. Nakatingin sa madilim na kalangitan ang kamahalan. Dapat ko na nga siyang lapitan kaya inihanda ko na ang sarili ko. Napansin agad ako ng mga poltergeist. Nagkakandaaway away pa sila para lang maunang makalapit sakin. Ang mga nasa harap ko na ay pinagkakalmot ako. "?IVY, ANONG NANGYAYARI SAYO?! BAKIT KA NILA NASASAKTAN?!" ang kamahalan na ang gumawa ng paraan para makalapit sakin. Bakit nila ako nasasaktan kamahalan? Dahil ang mga paa ko ay matagal nang hindi nakasayad sa lupa. Dahil ako ay hindi na nabibilang dito sa pisikal na mundo? Sa tindi ng komosyon ng mga poltergeist, napukaw na pati ang atensyon ng higanteng reaper... Kaagad niyang itinaas ang hawak niyang karit. Sumabay dun ang hangin kaya nagulo ang buhok ko at ng aking kamahalan. Marahas ang reaper at wala itong sinasanto basta nagliliwaliw na kaluluwa. Kapag ibinaba na niya ang karit ang ibig sabihin ay nasentensyahan na niya ako. "JACK TUMIGIL KA! SUNDIN MO AKO?!" "?Kamahalan, higit kaninuman, alam mong darating ang aking huling araw kaya hayaan mo na lamang ang sarili mong makinig sa mga huling habilin ko?nalalabi na ang bawat segundo ko kaya?" May dinukot ako mula sa bodice ng aking paboritong bestida?na ngayon ay gulagulanit na at nababahiran ng dugo. Binuklat ko ang palad ko sa harapan ng kamahalan. Nandoroon ang isang napakaliit na tipak ng kristal. "Ito ang totoong Wish Tear kamahalan. Ako lamang ang nag iisang tagapag ingat ng bagay na ito. Nais kong tanggapin mo ito at hilingin mo ang gusto mong pagbabago..." "?Hindi ba at iyan ang pinagtatalunang premyo sa C.R.O.?!" anang kamahalan. "Kamahalan, naipanalo mo ang laro. Nailigtas mo ang iyong mga kaibigan at nakabalik kayo sa pisikal na mundo. Tungkulin ko na ihatid sa nagwagi ang Wish Tear dahil yun ang nakasaad sa permiso ng larong C.R.O." Ginagap ko ang palad niya at dun ko inilagay ang wish tear. Nanatili ako sa nakaraan upang iwasan si Xerun. Naisip na rin kasi ng nilalang na yun na isa sa mga paraan para matupad ang nais niya ay ang paghiling sa mementong iniwan ng whisperer. "?Alam mo ba kung bakit lumuha ang Whisperer?" tanong sakin ng kamahalan. Umiling ako kahit alam ko ang sagot. May mga bagay na hindi na kailangang sabihin at mas maiging manatili na lamang na sikreto sa pagitan ko at ng whisperer... THUD! Binayo kami ng napakalakas na hangin pagdaop ng higanteng karit sa lupa. Lumabas mula dun ang daan daang nakangangang bungo na binubuntutan ng maitim na usok. Mabuti na lang at nariyan ang kamahalan para saluhin ako nang ako'y matumba. Hindi na ako natatakot. Sa harap ng aking nakaririmarim na kamatayan, masaya ako at may nasilayan pa rin akong mukha na parang sa isang anghel? Hinaplos ko ang pisngi niya. Wala na akong balak pang sabihin sa kanya ang relasyon ko kay Aster. Mas pabor ako na manatiling nakasandig sa kanya ang aking anak dahil siya ay isang napakadakilang nilalang. At yung tungkol kay Xerun? Wag na rin siguro... Tiyak na sasakit ang puso niya kapag nalaman niya na si Xerun ay kanyang? "Kamahalan, maaari mo bang sambitin ang buo kong pangalan? Baka kasi makalimutan ko kapag nawala na ako..." nagsisinungaling ako. Ang totoo ay gusto ko lang na marinig ang boses niya. "Ivy Loraine..." Ipinikit ko na ang mga mata ko nang may ngiti sa labi. Hindi naman pala ganun kasama ang hatol sakin ni Cassiopeia? **** Shall's POV: Nilabanan ko ang matinding pagkahilo na idinulot sakin ni Xerun. Hindi na ako nagpapabiktima sa mga ka-cheapang teknik na ganun ng mga lalake ano?! Nagpahinga lang muna ako ng ilang saglit bago ako tumakas ng kastilyo. Dalawa lang naman ang pagpipilian kong lugar na dapat kong puntahan?either sa Eruditas o sa Melange. Sinunod ko lang ang intuition ko, sa Eruditas ako sumugod. Nasa tarangkahan pa lang ako ay kitang kita ko na ang napakalaking reaper na isang familiar. Kinakabahan ako dahil nandito ang asawa ko. Matagal na kaming hindi nagkita tapos ay sa isang maselang sitwasyon pa kami muling magtatagpo! "Hio?" I called out to him. Nandoon siya, sa may junction. Nakasalampak siya sa kalsada at may hawak siyang kakarampot na abo. Hindi siya nag iisa dahil may mga nakabuntot na anino sa likuran niya?behave sila. Takot lang nila sakin! Naupo ako sa harap niya at ang una kong ginawa ay yumakap sa kanya. Namiss ko tong tukmol na to. "Sino yang pinagmumukmukan mo? Kerida mo?" Saglit siyang napatawa. "Sira." Bahagya akong lumayo sa kanya. Inilevel ko ang mukha niya sa mukha ko tapos ay hinalikan ko siya sa kanyang mga labi. "?Hio, palagi ka na lang umaalis. Next time, dapat kasama mo na ako. Hindi na kita papayagang wala ako sa tabi mo!" He grinned. "?Bumabalik naman ako ah?" "Hmp!" ismid ko. "?Kung sinu sino ang nakikilala mong babae!" Kinuha niya yung kamay ko tas pinisil niya. "Sasama ka sakin kahit saan?" Tumango ako. Kahit saan Hio... Kahit sa kamatayan o sa kawalan pa yan. Bigla ko lang naisip na tanggalin yung laso sa suot kong bestida. Itinali ko ang isang dulo nun sa aking pulso habang yung kabilang dulo naman ay sa pulso ni Hio. Ganito yung ginawa niya noon para ipahayag sakin na hindi niya gustong magkalayo kami sa kabila ng napakaraming factors. Bumuntong hininga siya. "Ang mga anak natin... hindi man lang natin sila nakasama ng mahabang panahon." "Ngayon mo pa naisip yan... lumalaki na si Antigone. Konting panahon na lang at nanaisin na niyang magsolo sa buhay. Pinanganak ko siyang bampira baka nakakalimutan mo. Ako nga humiwalay na sa pamilya ko pag edad ko ng dose." Makahulugan akong tiningnan ng aking asawa. "?Sana sakin magmana si Anne." Sasagutin ko sana siya pero muli siyang nagsalita. "Si Aster naman, baka magpakasal na yun. Di ba ganung edad din ako nung pinikot mo ako?ARAAAAY!" Piningot ko siya sa tenga! Buti yan sa kanya! Siya kaya yung namikot sakin! He's not even my ideal guy! Nagmumura siya, umiinom, naninigarilyo, nagsusugal, nambabakla, nanchichix, nangtotroll... pero despite of that, napakasweet niya, maalalahanin, binibigay niya ang 100% niya sa pagmamahal sakin at sa pamilya namin, hindi siya umiilag kapag binubugbog ko siya, at never siyang gumanti... At higit sa lahat, napapatawa niya ako kapag tinatakbuhan niya ang chainsaw ko! Muli akong yumakap sa kanya. "I miss having this kind of conversation with you... asawa ko..." "Shall, alam kong wala sa hulog... pero kapag sinabi ko ba sayo ngayong 'mahal kita', tatanggapin mo?" "Always." "Mahal kita. Mahal na mahal..." ulit niya. "Mahal kita..." 'We shared a moment of silence bago niya ako inalalayang tumayo. Kung ang nangyayaring mga kaguluhan ay dahil sa pagmamahalan namin, we'll fix it. Ganun din ang gagawin namin sa mga susunod pa?because no one can take away our precious love. **** Hio's POV: Pinagaan ng asawa ko ang nararamdaman kong lungkot sa pagkawala ng isa na namang kaibigan na kahit sa huling sandali ng buhay niya ay nagawa pa rin akong tulungan. Magkasama kami ni Shall nung magpasya akong bumalik sa Area 1. Gumawa ako ng paraan para idistansya samin ang mga poltergeist na originally ay mga necromancer na pinaslang ko. Kumbaga yun ang karma ko sa paggamit ng aking kapangyarihan. Wala na ang mga undead na taliwas sa banta ni Xerun na papalaganapin niyang muli ang Undead Plague. Instead ay nakita ko ang daan daang mga bampira na nakatunghay lahat sa napakalaking guho sa pinakapusod ng syudad ng dating Melange. Binigyan ako ng daanan ng mga bampira, at isa isa silang lumuluhod pagkadaan ko sa kanila. Nakakagulat. Hindi ko akalaing ganito ang loyalty nila sa hari. Nagharap kami ni Xerun na nasa kabilang ibayo. Katabi niya si Aster at dalawa pang bampira na mga kaibigan yata ng aking anak. Ang pagitan namin ay yung napaalakung butas sa lupa. Sa ilalim nun ay naroroon ang malit na komunidad na dating kinabibilangan ng aking mga kaibigan. Tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang aking bunsong anak, at kung paano siya pinahihirapan ng malaking Sigil. "?Hio, ang anak natin..." bulong sakin ni Shall. Ang katotohanan ay hindi ako maaaring dumikit sa inferni sigillum. Natatakot ako sa posibilidad na marevive si grimoire?kung hindi man sakin, kay Anne." "TAMA NA ANG PAKIRAMDAMAN. SIMULAN NA NATIN ANG LABAN!" sigaw ni Xerun. Mayamaya ay nagsisipag ahon ang mga putik na unti unting nagmomolde at nagkakaroon ng katawan. Ginagaya nila ang anyo ng bawat isa sa mga maharlikang bampira! Hindi lamang anyo, pati na ang mga aura! "Perpekto na ang aking respawning. Gusto kong subukan kung sadyang magagaling ba talaga ang mga maharlika!" ?? direk_whamba 79th Madness Aster's POV: Kasunod ng mga nagsidatingang bampira ay dumating din si papa. Ngayon ko na lang siya nakitang muli. Naexcite ako na ewan! Ang akala ko ay matagal na silang namayapa though I'm really hoping for this moment kung saan magkikita kita rin kaming muli... Kasama rin niya si mama. Ang mga braso nila ay pinagbibigkis ng isang laso which I dunno what for. The only sure thing I know Is that they will help me save Aning. Sana matapos na ang kaguluhang ito. I really missed us together; kaming apat... Si papa, si mama, ako, at si Aning. Once this shit is over, magmomove out na ako sa Atrus para permanenteng makasama ang mga magulang ko sa Rose mansion? Subalit malayu layo pa yun sa realidad. Nandito kami at nasa kainitan ng isang siege na iisa lang ang may kagagawan. Marami ang nadamay at naapektuhan ngunit marami pa rin ang involved. Gustong gusto ko nang icheck ang kalagayan ni Ary pero di ko magawa dahil kailangan kong bantayan ang mga kilos ni Xerun. Hawak pa rin niya si Kan at pinepwersa ako ng instinct ko na wag hayaang mamatay ang gago na yun. Mayamaya ay may mga umahong nilalang na parang minomolde sa lupa. Nagkaroon sila ng pigura at aura?hindi maaari ito! Paanong nakagawa siya ng buhay na replika sa loob lang ng napakaiksing panahon?! Ni hindi pa siya naaapektuhan ng apoy ko! Sumugod agad ang mga respawned patungo sa mga totoong bampira. Ang advantage ng mga respawned ay maigi silang makakablend in. Maaaring ang pinapatay na ng bampira ay kapwa niya o baka siya ay mabiktima ng inaakala niyang kapwa niya. I swung my katana at Xerun. Wala akong intensyon sa direct hit. It was just a bluff para basagin ang konsentrasyon niya. Kagyat siyang umilag or else mataamaan nga siya. For atleast one second he moved, I did everything to take back Kan. Dinagit ko siya palayo. His rod followed via his control. We went to where Ary was. "Ayos lang ako." pinangunahan niya agad ako. Tough as always. Iniinda niya ang any physical pain for that matter. "?Si Kan?" "?Hindi mo kailangang mag alala para sakin. Ang kailangan nating gawin ay umisip ng paraan para ihinto ang inferni sigillum!" ani Kan. The world around us is changing gradually. Nagkumpulan sa kalangitan ang makakapal at maiitim na ulap, at sa itaas mismo ni Aning ay may blackhole. Hinihigop ng sigil ang natural energy mula sa mundong ito paakyat dun sa blackhole. "What if we turn back the time again?!" it was my desperate suggestion to them. "?HINDI KO NA YUN PAPAYAGAN!" aba bigla akong binulyawan ni Kan! "EH ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! HAYAAN KO NA LANG NA KAININ SI ANING NUNG BLACKHOLE?!" I shouted back. Binuweltahan ulit ako ni Kan. "SINO BA SA PALAGAY MO ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT WORKING NA ULIT ANG SIGIL?!" Grrr... Nakakapag init na siya ng dugo ah?! "SHUT THE FUCK UP! WALA AKONG CHOICE KANINA AT ALAM MO YUN! DON'T PLAY DUMB ASSHOLE?" "TAMA NA!" inawat kami ni Ary. "Hindi ito ang oras para magtalo o magsisihan! Umisip na tayo ng paraan!" WOOOOOOSH?! Sinurpresa kami ng paglitaw ng isang napakalaking nilalang na anyong kalansay. Mayroon iyong pakpak na gaya ng sa paniki at karit. Whoa! Then nakaramdam ako ng kamay na pumatong sa aking balikat. Nang lingunin ko, nasa likod ko na si papa! Iniwan niya si mama sa kabilang ibayo. I saw her hand. Nakatali pa rin sa kanya ang isang dulo ng ribbon; the other end was swaying freely in the violent wind. "Aster, ikaw na lang ang tanging maaasahan ko ngayon. Pinakawalan ko ang aking familiar. Isa siyang reaper at ang pangalan niya ay Jack. Wala akong direktang kontrol sa mga kilos niya?na napakapanganib. Nakikita mo ba ang mga bungong may end tail na lumalabas mula sa kanyang katawan? Yun ang kanyang 'claw'. Kahit sinong matamaan nun pati na ng karit niya ay automatic na mapapabilang sa mga poltergeist ko. Ako ang siyang pipigil sa inferni sigillum at haharap kay Xerun. Gawin mo ang lahat ng kaya mo. Ayokong may makuha si Jack ni isa sa mga mahal natin." Tumango ako. Naiintindihan kong gusto ni papa na protektahan ko si mama, si Aning, at pati na ang mga kasamahan ko. "Papa, mag iingat ka... Gusto ko na makasama kita ulit." Walang masyadong oras para magtagal pa ang pag uusap namin. May mga buhay kaming dapat pangalagaan? "Hindi ganun kaperpekto ang mga Respawned. Kung pakikiramdaman mong maigi, may bahagi sa kanilang energy flow na parallel pa rin sa isa't isa." ani Kan. Pumikit ako para makiramdam. Napagtanto kong may tama si Kan. Yung energy source ng isang bampira ay naaayon sa energy flow ng paligid?halos ganun din ang ilan sa kanila. I rotated the handle of my katana in my hand. Saka ako sumugod sa riot. Bago ako makarating, I partially ducked para ilagan yung approaching claw ng reaper. Tumabi ako kay mama na parang tulala. "Mama, dito ka lang sa tabi ko. Masyadong mapanganib ang reaper?" Wait... umiiyak ba siya? Chomp! Tinaga ko yung false vampire na balak sana kaming atakihin. Niyugyog ko na si mama. "MAMA HINDI KO ALAM KUNG ANO YANG PINAGDADAANAN MO BUT PLEASE GET A HOLD OF YOURSELF! ITATAKAS NATIN SI ANTIGONE!" Napatingin siya sakin. Nagpahid siya ng luha saka tumango. Seconds later, inuupakan na namin ang mga tarantadong respawn. Namamatay sila pero may susunod na batch namang muling mag-i-ispawn. Nakakadrain sila ng energy! KRRRGH! KRRRRRGGH! Gumapang sa paligid ng malaking sigil ang pamilyar na itimang kuryente. When I glanced at the middle, nakalapit na si papa kay Aning... **** Hio's POV: Kung alam ko sana paano magagamit ang Wish tear, sana ay kanina pa umubra ang kapayapaang gusto ko; sana ay hindi na nagkagulo; sana ay wala nang dadanak na dugo... Napilitan akong isummon ulit si Jack since mahina talaga ako sa mga pisikal na pakikipaglaban. Itinaas ko ang aking braso?yung tinalian ni Shall ng laso kanina. Hindi ko pala kayang isama siya sa lahat ng hirap. Mas gusto kong ako na lang ang makaranas nun lahat. "Hio wag..." pinigilan niya ako nung tatanggalin ko na ang laso; subalit hindi ako nagpapigil na tanggalin yun kahit pa umiiyak na siya. Tinitigan ko siya ng mata sa mata. "Simula sa oras na ito, wag na wag kang lalapit sa akin kahit anung mangyari. Utos ko yan bilang iyong hari." Pagkatalikod ko, mas lalong lumakas ang kanyang hikbi. "Hio... Kasalanan ko to di ba? Pinilit kita na magkaroon tayo ng anak... Ni hindi ko man lang pinakinggan ang mga ikinakabahala mo?" "Kahit kelan, hindi isang pagkakamali ang turing ko kay Anne. Siya ang bunga ng ating pagmamahalan." Umalis na ko hanggat kaya ko pa. Hanggat kaya ko pang pigilan ang emosyon ko. Kailagan may isang matira samin para alagaan ang mga bata. Torture na ang siyam na taon. Lumapit ako kay Aster na nakalayo na kahit paano kay Xerun. Sinabi ko na sa kanya ang mga huling habilin ko bago ako bumaba sa inferni sigillum. Nagagalak ako dahil nagawa niyang maibalik ang sarili niya sa dati niyang katawan nang wala ang tulong ko. Confident na akong sabihin na I have faith in him. Alam kong makakasurvive siya. Sadyang may taglay siyang swerte simula pa nung bata siya. Inabsorb ng sigil ang aking kapangyarihan na lumikha ng ilang bolts ng itim na kuryente. Ang lahat ng natatamaan nun ay nagiging hollow void; inexisting. May malay si Antigone, wala nga lang siya sa kanyang sarili gawa ng absorption ng sigil. "Antigone, halika..." Dahan dahan siyang naglakad papalapit. I stroled her hair. Dahil sa mas malakas ang naaabsorb na kapangyarihan sakin ng sigil kesa sa aking anak, binitawan ng kusa ng sigil si Anne. After all, ako ang pure destroying angel. "Antigone, be a good girl... Umakyat ka dun at sumama ka kay mama at kuya... Lakad na." Nag about face siya. Maiging wala siya sa sarili niya dahil hindi siya palatanong. Mag isa akong iginupo ng hindi maipaliwanag na sakit pagkawala ng aking anak. Saka ko napansing nakamasid pala sakin si Xerun. Hindi naman talaga siya interesadong ubusin ang mga bampira. All along, nag iisa lamang siya. Pinaikot niya ang mga nilalang sa paligid niya kaya hindi yun halata. Sa mga nakikita kong laxes niya, may mga bagay kung saan siya seryoso at hindi masyadong seryoso. Ibig sabihin lang nun ay may mas malalim pa siyang binabalak. Ngumisi siya nung nakita biuang pinagmamasdan ko siya. "Kaunting sandali na lang at makapagbubukas na ako ng tarangkahan! Makikita ko na rin si Ama sa wakas at masasagot niya na rin ang napakatagal ko nang katanugan!" May pahaging para sakin ang mga sinabi niya, kaya lang ay hindi ko masyadong maanalyze dahil ang pumapangibabaw lang sa aking isipan ay ang sakit na nararamdaman ko. Asar! Bago man lang ako matigbak o ano pa man, titiyakin kong mauuna sakin si Xerun! All I need to do is lay a hand on him... Tapos, matitigil na ang lahat ng ito... ?? direk_whamba 80th Madness Xerun's POV: Espesyal akong nilalang at alam ko na ang bagay na yun pagluwal pa lamang sakin. Nakakapag isip na ako at nakakapagmasid kahit hindi pa ako nakakakilos o nakapagsasalita. Mayroon na kaming espesyal na koneksyon ng aking ama buhat nung ako'y ipinanganak. Nararamdaman ko ang mataas niyang pagpapahalaga sakin. Sapat na yun kahit pa wala na siyang amor para sa aking ina. Balang araw ay iiwan ako ng aking ama dito sa mundong ibabaw ngunit hindi ko inakalang mas maaga pa kesa sa inaasahan na mangyayari yun. Isang gabi, may mga dumating at pinaslang ang aking ina, at pati na ako. Pansamantalang huminto ang aking paghinga pati na ang pagtibok ng aking puso na hindi ko alam kung hanggang kelan. Basta nasumpungan ko na lang ang aking sarili sa masikip, madilim, at mabahong kapaligiran. Nagkaroon ako ng pwersa na maiahon ang sarili ko mula sa kinasasadlakan kong yun. Doon ko napagtantong lumaki na ako. Naigagalaw ko na ang aking mga kamay at pa, at higit sa lahat?may boses na ako. Inilibing nila ako sa lupa dahil sa hindi ako naging abo. Subalit lumipas ang mga taon at imbes na maagnas ay lumaki lang ang aking katawan. Parang nagsilbing ikalawang sinapupunan ang lupa na siyang kumanlong sa akin. Paano nga ba nangyari yun?! Dahil sa taglay kong kapagyarihan na nagmanipesto lang pagkatapos ng aking unang kamatayan. Sinubukan kong balikan ang buhay ko dati subalit wala na ang aking ama... ang mas masaklap pa sa nalaman ko ay may pumalit sa aking pwesto bilang si Henna Iryl Orpheus Darktower. Ang akala ko nung una ay isa lamang iyong ordinaryong impostor ko?hindi pala. Sapagkat nananalaytay din sa kanya ang dugo ni ama. Ayoko mang tanggapin ngunit mayroon akong kapatid. Napuno ako ng tanong. Bakit ako may kapatid? Masyado bang nalungkot si ama sa pansamantala kong pagkawala?! Ngunit imposibleng makausap si ama dahil matagal na siyang wala sa mundo. Pinalipas ko ang mga araw sa pagmamatyag sa aking nakababatang kapatid. Katulad ko ay nakaranas siya ng nga paghihirap nung kabataan niya... Pero bakit ganun? Bakit habang lumalaki siya ay mas lalo niyang nagiging kamukha si ama?! Bakit nagagawa pa niyang tumawa?! Bakit hindi mawala ang mga nilalang sa paligid niya? Bakit siya... masaya?! Ama, kaya mo bang sagutin ang bagay na yun? Hindi ba't ako ang iyong tagapagmana? Kung ganun ay bakit siya pa ang mas kinakatigan ng tadhana?! Hindi na ako makapaghintay pa ng sagot. Nakapagdesisyon na ako upang pumasok ng impyerno. Nung mga panahong yun ay saka naman nagsara ang tatlong tarangkahan. Nanibugho ako sa aking kapatid sa ginawa niya. Para bang isinarado niya ang pinto papasok sa aming tahanan. Humanap ako ng paraan para muling makapagbukas ng tarangkahan. Nalaman ko ang tungkol sa luha ng whisperer ngunit sadyang madulas ang tagapag ingat nun. Mula sa isang simpleng pangarap, lumalim ang aking obsesyon na naging daan para madiskubre ko ang inferni sigillum? At ngayon ay nasa katuparan na ang aking pangarap! Mawawasak na ang aking kapatid at magkikita na muli kami ni ama! Bumuka ang kalangitan?yun ang deskripsyon ko sa nangyayari sa itaas ng sigil. Nagliwanag ang bawat guhit ng inferni sigillun at umikot iyon paitaas... Magbubukas na ang daan patungong impyerno anumang sandali... Wala na akong pakialam sa digmaan. Hindi ko na kailangang magrespwan ulit. Ito na ang tamang oras para tumuntong ako sa gitna? Paglapit ko sa aking nakababatang kapatid, napatda ako. Tinignan niya ako. Wala akong naaninag na galit sa kanyang payapang mukha. Nakakapagtaka... Sa dinami ng pasakit na idinulot ko sa buhay niya, nakakaya pa rin niyang tumingin sakin na parang wala lang?! "BAKIT MO AKO TINITINGNAN NG GANYAN?!" hamon kong tanong. "Naaawa ako sayo. Nakakaawa ka..." Sumikdo ang aking galit para sa kanya? "WALA KANG KARAPATANG SABIHIN YAN SA IYONG NAKATATANDANG KAPATID! AKO ANG SIYANG DAPAT NA GUMAGAMIT NG PANGALAN AT EDAD NA GINAGAMIT MO NGAYON! AKO ANG SIYANG DAPAT MINAMAHAL NG?" Napatigagal ako nung hawakan niya ako sa pisngi. "Kuya... Tama na... Hindi ka ba... napapagod?" Napapagod? Matagal na... Simple lang ang pangarap ko ngunit lahat na ginawa ko. Unti unting naglalaho ang aking katawan... Nanlalabo gaya ng sa multo. Nagpabaya ako. Nahawakan ako ng destroying angel at nasa akin na ang kanyang sumpa. Naglaho sa langit ang tarangkahan tangay ang pinakaaasam kong pangarap... Nakita ko mula sa likuran ng aking kapatid ang binatang naabutan ako sa mansion nung kinuha ko ang kristal ng aking pamangkin. Hindi naman pala totoong nagbukas ang tarangkahan. Isa lamang enggrandeng ilusyon ang lahat... Bago tuluyang nagbukas ang inferni sigillum, nakagawa ng paraan si Hio upang higupin sa kanyang katawan ang buong pwersa ng sigil. Nawala ang marka sa lupa?nalipat ang lahat ng yun sa kanya. Pati mukha nga niya ay may marka na. Nagpabaya ako at nagpadala sa aking emosyon. Sa badang huli ay wala rin akong napala... Sabagay hindi na masama ang magiging katapusan ko. Mawawala na lang ako sa hangin nang walang nararamdamang sakit. Kahit saang bagay talaga, talung talo ako ng aking kapatid. Kinaiinggitan ko siya hanggang sa huling sandali ng aking buhay... O kung may makakaalala pa nga ba na nag exist ako. **** Hio's POV: Ikinagulat ko ang mga huling rebelasyon ni Xerun. Masyado akong naging ignorante sa existence niya. Pakiramdam ko ay hindi mauuwi ang lahat sa ganito lung naging aware lang ako... Di ko tuloy maiwasang manghinayang... "Salamat." ang sabi ko sa kaibigan ni Aster na tumulong sakin para madisorient si Xerun. Tumango lamang siya. Nagkandalupasay ako sa sahig sa tindi ng panghihina. Balak akong alalayan ng binata ngunit pinigil ko siya. Umayos ako ng paghiga as in flat ang buong likod ko sa lupa. Pinagmasdan ko ang kalangitan. Paumaga na. Itinaas ko ang aking kamay at parang tangang umabot sa kawalan. Nagkakaroon na ng crack ang ilang bahagi ng aking kamay, sabay bumabagsak na ang mga parteng nagiging abo. Sagad na ako. Wala na akong magagawa tungkol sa pagkasira ng sarili kong katawan... Nakarinig ako ng yabag. Isa isa nang nagsitunguhan sakin ang mga poltergeist. Haaaay sila na naman... Tayo tayo na naman ang magkakasama mga pare! Isa pang nilalang ang tumunghay sakin. Nasa may bandang paahan ko siya. Ngumiti ako dahil nakasimangot siya. "Pasensya na Redder... Sadyang matigas ang ulo ko." "?Mamamatay ka na Hio. Wala na akong magagawa sayo. Nakakaumay ka." "Alam ko... Pero sana makapagpaalam ako sa pamilya ko. Gusto ko nasa tabi ko sila hanggang sa sandaling ipikit ko na ang mga mata ko... Gusto kong magkaroon ng bangkay at gusto kong ilibing..." "?Sa madaling salita, gusto mong maging taong muli..." Masama ba kung yun ang maagal ko nang pinapangarap?! Alam kong napakaselfish... Ngunit yun ang realidad ko dahil minsan naging tao rin ako. Minsan natakot din akong mamatay at ilibing?but they were the most comforting thoughts to me right now. Hinawakan ni Redder ang nakataas kong kamay at sinuri yun. "?Mag iingat ka sa hiling ng iyong damdamin dahil maaaring magkatotoo yun. Paalam. Ayoko nang makita ka pa ulit." "Masyado kang masungit para sa dati mong anima." komento ko sa kanya. "?Pasensya na ngunit ang totoo ay hindi kita anima. Binibiro lang kita. Binigyan ko lang ng twist ang walang silbi mong buhay." Matagal bago ko nadigest ang sinabi niya. Tch... Ang mga payaso talaga?lakas tama rin mangtrip! "?Kung ganun ay sino si Grimoire?!" "Ikaw at si Grimoire ay iisa. Siya ang mga nirerepress mong negatibo sa iyong pagkatao. Lumakas siya ng lumakas hanggang sa nagkaroon na siya ng kakayahang mag isip sa sarili niya. Katulad din siya ng anima mong si Noir, ang kaibahan lamang nila ay ang paggalang sayo, dahil mas gusto ni Grimoire na angkinin ang iyong pagkatao?MASYADO NANG MARAMING KINAKAING ORAS ANG PAKIKIPAG USAP SAYO. Makaalis na nga!" Pagkabitaw niya sa aking kamay, agad siyang naglaho. May kakaibang nangyari sakin. Huminto sa pagkaabo ang aking katawan. Nag evaporate angmga markang nasa aking balat. Surprisingly, nawala rin yung mga poltergeist... Umangat sa ere ang itinago kong piraso ng kristal. Nabasag yun at ang mga maliliit na bubog nun ay sumabog sa hangin. Ito na nga ba ang katuparan ng aking huling kahilingan? Pagkurap ko, nasa harap ko na ang aking pinakamamahal na pamilya. Nasa likod nila ang iba pang mga bampirang natira. Umiiyak si Shall pati si Anne. Nakaalalay kay Shall si Aster at pilit na kinocomfort ang mama niyang iyakin. May mga sinasabi sila sakin pero malabo sa aking pandinig. Nanlalabo na pati ang aking paningin. Ito yung pakiramdam ng isang tao kapag malapit nang mamahinga... Napakapayapa. Orpheus... Hindi ba't ito yung pangarap mo para sakin? Ayaw mong may sumunod pa sa yapak mo, tama? Maraming salamat sa isang rollercoaster ride na buhay... Hindi ko ito maeexperience kung hindi ikaw ang naging ama ko... At dito ko na opisyal na tinatapos ang aking mental processing... Ayoko nang mag isip. Gusto kong sulitin ang mga huling segundo ko... **** Shall's POV: Mas lalo akong humagulgol nung huminto na sa pagtibok ang puso niya?yung puso niya para lamang sakin. Iniwan na naman niya ako. Napakawalangya niya. Ni hindi man lang niya naisip kung gaano ako masasaktan sa pagkawala niya! "Mama, tama na... Ayaw ni papa na malungkot ka..." sabi ni Aster. "?Mama anong nangyari kay papa?" tanong ni Antigone. Natuturete ako. Hindi ko sila maharap. I feel like a shattered glass. Hindi na ako mabubuo pang muli... "MAMA PASIKAT NA ANG ARAW?!" hindi ko pinakinggan yung iba pang mga sasabihin ni Aster. Nagkaideya na ako sa unang phrase niya. Nagpahid ako ng luha. I mustered enough courage para kausapin ang mga anak ko, especially Aster. "I can't be comforted... Maiintindihan niyo ang pakiramdam na ito balang araw?lalo ka na Aster. Mahal na mahal ko kayo mga anak subalit hindi ko kayang ideny sa sarili ko ang matinding urge na sundan ang papa ninyo..." "Mama..." I saw terror in Antigone's eyes. Niyakap siya ni Aster. "Hindi ko pababayaan si Antigone mama." determinadong pangako sakin ng panganay namin ni Hio. Magkasunod ko silang niyakap nang buong higpit bago ako nagpaiwan kasama ng walang buhay na katawan ng aking pinakamamahal. Nahiga ako sa tabi niya at pinagmasdan ang pagsikat ng haring araw. Panibagong araw, panibagong panahon... "Hio, ito yung ikalawang pagkakataon na makikita kong sumikat ang araw." Sumiksik ako sa tagiliran niya. Yumakap din ako sa kanya. Mahal na mahal ko siya. Kaya susundan ko siya kahit saan... ?? direk_whamba Author's effing note: Dalawa po ang epilogue ko. Hindi po ito yung kagaya sa C.R.O. na need mamili. MAGKASUNOD po sila. :) So pag finish ka na dini, proceed to epilogue 2! Ayaw mo? Sige ka malilito ka sa ForMad 3. Epilogue 1 Aster's POV: Hawak ko sa magkabilang balikat si Aning. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil sa kanya. Lumapit sakin si Ary tas niyakap niya ako. Naisandwich tuloy namin si Aning. I guess kailagan kong ilabas tong luha ko?they were not tears of sadness, rather tears of joy. Masaya ako para sa mga magulang ko at sa courage nilang ipagpatuloy ang pag iibigan nila in face of death. Bilang kanilang nag iisang filial son, sisikapin kong mas tututukan ko pa si Aning. Mas aalagaan ko siya dahil siya na lang ang link ko sa mga magulang namin. Binuhat mga surviving nobles ang labi ng aking ama at ang abo ng aking ina. Ilalagal nila iyon sa palasyo ng trono at pinasusunod lamang kami ni Aning doon mamaya pang gabi. Shhhh.... Napatingin ako kay Kan. I believed nasa lilim kami pero nauupos siya. Lumapit din siya sakin kapagdaka? "Kailangan kong makausap si Senri... Sa huling pagkakataon?" Seryoso si Kan. Alam namin ni Fait na ginagawa ni Kan ang lahat, magtagpo lamang sila ng kanyang kakambal. Nakapagdesisyon na akong ibabalik ko ang kaluluwa ni Senri. Pipilitin ko. Inilahad ko kay Kan ang aking palad. "Pumunta tayo sa kanya." **** Kan's POV: Dinala ko sila pabalik sa aking Villa sa huli kong natitirang lakas. Wala na ang respawner kaya natural lang na susunod na rin ako. Kung hindi lang ako gumagamit ng kapangyarihan, malamang at kanina pa ako wala. "Pinapalaya na kita." bulong ko kay Asha. "Hindi na maibabalik ang dati mong buhay ngunit marami ka pang magagawang bago once na maging malaya ka?" Umiling siya. "Prince ko, ikaw ang mundo ko eh... Kaya paano mo nasasabing kaya kong maging malaya nang wala ka?" Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Naasar ako sa kamartiran niya, at the same time, hinahangaan ko yun. Isa lamang akong walang kwentang nilalag, and yet she made me feel beloved. I wish I can get even... "Kan..." tinawag na ako ni Aster. Pumasok kami sa silid ni Senri. Naupo si Aster sa may armchair at ginagap ang kamay ni Senri. Isinalin ni Aster pabalik sa katawan ng aking kakambal ang anumang natitira sa kaluluwa niyon. Kumislot si Senri? "Lalabas muna ako." ani Fait. Lumayo siya kay Antigone at tinungo ang pintuan. Wala na sa kanya ang away nila. Ayaw lang siguro niyang magpang abot sila ni Senri. Inalalayan ni Aster si Senri na maupo pagmulat niya. Nahuli kong sumulyap siya kay Antigone tas ngumiti lang. Iniiwasan na marahil niyang magkaroon pa ng attachment sa bata... Lumapit ako kay Senri. Yumakap ako sa kanya. "Kan... Hindi na ako magtatagal kaya wag ka nang mag aksaya pa ng lakas para gumawa ng paraang mabuhay ako..." "?Senri natatakot ako..." bulong ko sa kanya. Mawawala na rin ako. Ano ang gagawin ko?! Inilayo niya ako sa kanya. Nalaglag ang ilang bahai ng nag aabo niyang pisngi. "Hindi, mabubuhay ka. Kailangan ko ng buhay na pruweba na minsan ay naging eksistensyal ako sa mundong ito... Gusto kong mabuhay ka nang nagagawa ang lahat ng gusto mo... Ang lahat ng hindi ko kaya..." Di ko na napigil ang luha ko. Sa harap ni Senri, ako lang yung batang walang muwang na sinabihan niyang? "?Wag kang iiyak Kan..." May ginamit na kapagyarihan si Senri sa kahuli hulihang pagkakataon bago siya naging abo ng tuluyan. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bumabalik sa dati ang katawan ko?hindi ako nagreregenerate dahil iba yun! Pagkatapos nun, parang huminto sa isang punto ang oras ng aking katawan. Hindi na ako magreregenerate kahit kailan kaya kailangan kong pag ingatan na ang sarili ko... Senri... sa kabila ng katotohanan, mananatili tayong magkakambal hindi ba? **** 1 WEEK LATER... Aster's POV: "?AISHHH ASTER MATAGAL PA BA TAYOOOO?!" reklamo ni Antigone na hawak hawak ang kanyang camcorder. Halos idukdok niya pa yun sa pagmumukha ko! "KUYA SINABI ANG ITATAWAG MO SAKEEEEN!" bulyaw ko sa kanya. "IHHH ANG BAGAL MONG MAGDRIVEEE!" hindi siya maawat sa rants niya. Umismid ako. "Kasalanan mo yan. Kung pinagbubuti mo ang pag aaral mo ng Math, edi sana tineteleport mo na lang tayo!" She raised an eyebrow. Nagiging si mama na rin siya habang lumalaki eh. "DUH?! ANG BIGAT MO PARA ITELEPORT PATI MAY DALA KA PANG MGA MUSIC EQUIPMENT!" "Whatever Aning praning!" pagkasabi ko nun, sinuot ko na ang headset ko. I was driving a stylish truck at medyo di ko masyadong gamay ang wheels na ito. Kaya naman napapreno agad ako nung may nahagip ang mga mata ko na pigura nung malapit na kami sa tapat ng gate ng simenteryo. "HANU BA ASTER MAGDAHAN DAHAN KA NGA!" I ignored my little sis. Nagfocus ako sa nakita ko... Tas wala na pala. Hay. I just thought I saw my uncle Div. Baka guni guni ko na lang siguro... Pinaandar ko uli ang truck papasok sa sementeryo. I halted the truck in front of a twin grave. This time alam ko na kung sino ang dinadalaw ko... Isa isa kong binaba sa back compartment ang mga amplifiers at speakers, drums, mics, etc. Ako pa rin pati sa wiring ng electricity na ang source ay yung dala kong generator. Nung kuntento na ako sa set up, tumayo ako sa harap ng mic habang bitbit ang aking Fender Stratocaster. Dumating si Farfait at naupo siya sa harap ng drumset. That's nothing more than a Pearl Export na may expensive Evans Genera for heads. Sumunod na dumating si Kan, sporting a Gibson Les Paul electric guitar... And last but not the least, ang aming pretty bassist carrying a limited edition Jens Ritter's. We all started the music... I dreamed I was missing You were so scared But no one would listen 'Cause no one else cared After my dreaming I woke with this fear What am I leaving When I'm done here? So if you're asking me I want you to know When my time comes Forget the wrong that I've done Help me leave behind some Reasons to be missed And don't resent me And when you're feeling empty Keep me in your memory Leave out all the rest, leave out all the rest Don't be afraid I've taken my beating I've shed but I'm me I'm strong on the surface Not all the way through I've never been perfect But neither have you So if you're asking me I want you to know When my time comes Forget the wrong that I've done Help me leave behind some Reasons to be missed Don't resent me And when you're feeling empty Keep me in your memory Leave out all the rest, leave out all the rest Forgetting all the hurt inside You've learned to hide so well Pretending someone else can come And save me from myself I can't be who you are When my time comes Forget the wrong that I've done Help me leave behind some Reasons to be missed Don't resent me And when you're feeling empty Keep me in your memory Leave out all the rest, leave out all the rest Forgetting all the hurt inside You've learned to hide so well Pretending someone else can come And save me from myself I can't be who you are I can't be who you are This will be the last song of ForMad na pinerform namin sa harap ng parents ko. After this, we decided to go on hiatus. Maybe we'll get back... Some time in the future. Pagkatapos ng kanta, Tumayo si Fait at bumunot ng isang espada na ngayon ko lang napansing dala niya. Ganun din ang ginawa ni Kan. In order for me to save my skin, I also drew out my katana. Fait's sword was directed at me, while I pointed the end of my katana at Kan, then yung kay Kan ay nakatutok naman kay Fait. "GUYS ANO BA?! KELAN BA KAYO MAGIGING OKAY NA TATLO?!" awat samin ni Ary. "?Alam mo ba, wala na tayong sumpa?!" ani Kan. "That means we can kill each other whenever, wherever." I said. Sa wakas! But I find that as a big shit. Nonsense. Tliiing?! I dropped my katana on the ground. Sumunod sa katana ko ang dalawa pang espada. "HAAAAY!" both the girls sighed in Relief. "Mauna na ako. Hinihintay ako ni Asha." Kan waved at us as he went away. I bet dinedate na niya yung rod niya. Si Fait naman, lumapit kay Aning. "Beb, mamimiss kita... I need to go South for the meantime. Pagbalik ko dapat dalaga ka na... yung pwede na tayong magpakasal talaga!" Fait kissed her cheek. Nagsmile lang si Aning. Ganun siya pag nahihiya. Pagkaalis ni Fait, nanginginig siya sa kilig. Amp. Bumaling ako kay Ary. "Kamusta na? Tapos na yung 1 week na hiningi mo... Nakapagpaalam ka na ba sa iyong ina?" Ngingiti ngiti siya sakin. "Oo... Kaso may problema pa eh..." Nagkamot ako ng ulo. "ANO NANAMAN!" "?Tuh naman lakas ng highblood! Gusto ka lang makilala ng aking ina. Yun lang!" I grinned. "Kala ko kung ano na! Tara puntahan natin siya!" Pinandilatan niya ako. "Agad agad?!" "?Yes! Para makapagpakasala na tayo! I can't wait to have you?WHAT?!" Sobra ang pamumula niya. Wala naman akong nakikitang mali sa sinabi ko? "WAAAAI GUGUTOM NA AKOOO!" sabi ni Aning. Kakatapos lang niyang magpray sa harap nina mama at papa. "Okay tara!" Loko talaga yung dalawa, basta na lang umalis! Ako lang tuloy mag isa ang nag pack up! I'm on my last cymbal nung mapatingin ako kay Ary. I love her... She's the girl I would be ready to die for. But for now, I want to live for her. THE END 2012-2013 direk_whamba EPILOGUE 2 The End... Ngingiti ngiti ako na parang aso sa harap ng monitor. Imba yung feeling pag natapos mo talaga! Parang gusto kong sumigaw ng? "PUTANG INA NATAPOS KO RIN?!" BLAGADAG! Sinabayan ko ng unat ang pagsigaw ko kaya ayun, bumalentong ang silya ko! Lagabog pati ulo ko sa sahig. Buti na lang at may makapal na carpet tong sahig... Tlaaak... Nagbukas ang pinto ng silid ko. Sumungaw dun ang isang binatang napifeeling gwapo at macho na siya lang ang may sabi. Shirtless siya at kita ang mga malakulto niyang tattoo. Sa pagkatatanda ko may damit naman siya kanina bago siya umalis. "Hio tol, kanina umalis ako nasa harap ka ng laptop mo, pati hanggang madaling araw dapat kinakausap mo si simsimi?!" Kuya ko ang ungas sa pintuan. Kuya Xerun. Isa siya sa malaking badtrip sa buhay ko kaya tuwang tuwa ako nung pinatay ko siya sa kwentong isinusulat ko. Nito lang ako nagkaroon ng ideya na isama siya sa kwento. Bassist siya ng sikat na bandang Forlorn Madness?dun ko kinuha ang title ng isinulat kong kwento sa wattpad na kakatapos ko lang gawin. "Kuya magtiwala ka sakin, nakaget over na ako kay Simsimi!" Nahuli niya ako one time na chinachat si simsimi. Mula nun, hindi na siya naka move on na asarin ako. Ang korni niya. Walang expiration mga asar niya. Lalo tuloy akong naaasar! Okay aaminin ko minsan talaga sa buhay ko, naadik ako ng kunte kay simsimi... Hindi ko mapigilan eh... Lalo na nung mga panahong hindi ako nakakainom ng gamot. Isa akong taong may Obsessive-Compulsive Disorder. OC for short. Regular akong bumibisita sa aking psychiatrist for a therapy. Ang mga taong OC daw basta may ginustong bagay, hindi mapirmi hanggat di yun nakukuha, or sometimes may gusto silang mangyari na pipilitin nilang bigyan ng katuparan... Both positive and negative para sakin ang epekto ng pagiging OC ko. Positive, naging obsess ako sa pag aaral ng mabuti, tinatapos ko ang mga deadlines on time, etc... Negative, nabuburaot ako. Napufrustrate ako... Basta! "May yosi ka ba diyan?" tanong ko kay kuya. Mula nung tinuruan niya akong humithit, hindi ko na rin tinantanan. Dumukot siya sa bulsa niya. Tanga tanga kaya nalaglag ang iPhone. Lasing na kasi kaya gegewang gewang na. Ako pa yung sumalo ng malalaglag niyang guitar bag! Dinampot ko yung iPhone niya?na di ko na sana ginawa dahil napakalikot ako ng de oras. Pagbuhay ko sa screen, tumambad sakin ang picture ni kuya kasama ng isang babae. Sumakit ang puso ko. Ibinalik ko na lang sa sahig yung iPhone NANG NAKATAOB! "Naantok na ako. Bukas na lang tayo mag usap." ani kuya sabay dive sa kama. "HOY KAMOTE! AKO NAKASCHEDULE DIYAN SA KAMA NGAYON AH?!" "Oo na washarwashaarrrrrghh..." Ampupung yan! Naupo ako sa tabi niya at pinitik pitik ang tenga niya. "Bukas aalis na ako dito di ba?! Ni hindi mo man lang mapagbigyan ang kapatid mo na gumamit ng kama!" Grrr... Di siya nakikinig! Kung makaasta akala mo kanyang unit eh! Pareho lang kaming sampid dito actually. Condo unit ito ng bunso at unica hija sa pamilya namin na si Ivy Loraine. Dito kami pansamantala habang may kanya kanyang issues ang unit ko at ang unit ni Xerun. Ang totoo niyan, ibinenta ko ang condo unit ko. Wala lang. Gusto ko kasing makitang maraming zeroes sa bank account ko. Eh ayaw naman akong bigyan ni papang ng pera. Bukas lilipat na ako sa condo naman ng ugok kong bestfriend. Coffee ang pangalan niya sa birth certificate niya pero mas trip ko ang pagtawag sa kanya ng Kape. Sa kanya ko din ipinangalan yung bestfriend ng bida sa kwentong ginawa ko... Dapat na pala akong mag impake. Bumalik ako sa harap ng laptop ko. Shinut down ko na yun. Isang araw, nagising na lang ako na may ultimate calling sa aking isipan. Nung sinabi ko yun sa magulang ko, walang pagdadalawang isip na ipinasugod niya ako sa mental asylum. Doon ay nakipagdigmaan este nakipagdebate nanaman ako sa aking psychiatrist. "Iryl, di ba sinabi ko na regular mong iinumin ang mga gamot mo?" pag puputi na next day ang pubic hairs niya, yan na lang ang nasasabi niya. BAM! Binayo ko ang desk niya. "OVERDOSE NA NGA PO AKO EH! ANO PANG GUSTO NIYO LAKLAK PA?!" Bumuntong hinginga si doc. "Bago ka magsalita ng tapos, bakit hindi mo muna iassess ang sarili mo?! I'm sure marami kang bagay na naiisip deep inside your mind... bakit hindi mo subukang isulat ang lahat ng yun sa papel?!" Binigyan niya ako ng goal... At ano pa nga ba ang ginawa ko?! Sa isang simpleng pangungusap na naka-jot sa papel nagsimula ang kwento kong Forlorn Madness... Lahat ng frustrations ko, mga pangarap, lahat lahat... Naisulat ko na. However, gaano man kahaba yun, mananatili pa rin iyong isang kwento. That's the time when I finally decided to end the story. I have a real life to manage... and an illness to deal with. Aw! Aw! Nasa paahan ko na pala ang alaga kong Shih Tzu. Kakabigay lang niya sakin ng isang kaklase at hangang ngayon hindi ko pa siya napapangalanan. Binuhat ko ang aso. Pinitik ko noo niya. "Cute ka sana kaso ang lapad ng noo mo. Hmm... Ano kayang ipapangalan ko sayo? Tamang tama heartbroken ulit ako ngayon." Anong konek? Tangina ko talaga. Wala nang coherence mga pinagsasabi ko. "Shall... Shall na ipapangalan ko sayo!" Aw! Aw! Tumahol si Shall meaning trip niya din na Shall ang itawag sa kanya. Bahala na yung totoong may ari ng pangalan kapag nalaman niya to. Tok! Tok! Bumukas ulit ang pinto. Si Ivy ang sumungaw sa pinto. Nakasuot lang siya ng manipis na lingerie at bakat na lahat. Tapos humahalimuyak ang mamahaling pabango. Matutulog lang kailangan mabango?! Aamuyin siya ng kutchon, ng unan, ng kumot?! Dafuq men. "?Nakauwi na si kuya kaya you missed your last chance para pikutin ako." pahaging ko. Namula buong mukha niya. "KUYA HIO NAMAN! ALAM KONG NAKAUWI NA SI KUYA XERUN! BUKAS NGA YUNG PINTO HINDI MAN LANG NIYA NILOCK! ICHECHECK KO LANG KUNG OKAY KAYO DAHIL BAKA MAY NAKAPASOK NANG MAGNANAKAW!" Nagsmile ako. "Jinojoke ka lang, masyado ka namang defensive! Bumalik ka na sa kwarto mo." "Okay." walang gana niyang sagot sabay sara ng pinto. Ang boring ng buhay ko... Buti pa si book Hio... ?? What if ganito ang totoong kwento? Titino ka pa ba?! FORLORN MADNESS 3... A masterpiece yet again by direk_whamba